CHAPTER 47

CHAPTER 47

Claude's POV

Parang kailan lang katatapos lang ng kasal ni Zander. Ngayon nandito nanaman kami sa kasal ni Stella. Ano ba meron at mga nagsikasalan sila?

"You may kiss the bride," sabi ng pari. Tinaas na ni Xavier yung bello ni Stella at saka sila naghalikan.

Nagsipalakpakan kami kasabay ng pagbati sa kanila.

"Sino kaya susunod na ikakasal?" tanong ni Jason.

"Alam ko kung sino," sagot ko sabay tingin kay Trevor. Ganun din si Zander.

"Bakit ganyan kayo makatingin sa akin? Hindi pa nga ako sinasagot ni Bliss. Kasal agad?" sambit ni Trevor.

"Doon ang punta niyo. Kayo na may lovelife," sabi ko.

"Tigilan mo na kasi yung pambabae. Magseryoso ka na, hindi ka na bata," sermon ni Trevor sa akin.

"Hoy tumigil na kaya ako sa pambabae. Dalawang araw na ako single," reklamo ko.

"Tapos bukas meron ka nanaman girlfriend," sabi naman ni Zander.

"Grabe kayo sa akin. Kung hindi mo ko inunahan kay Xia, edi sana matagal ma ako nagseryoso," sagot ko sa kanya.

"Si Xia o siya?" aniya sabay lingon kay Stella.

"Alam mo na yun," sagot ko. Tinignan ko si Stella. Hindi mawala sa kanya ang ngiti niya alam kong masayang-masaya na siya. Pero masaya din maman ako para sa kanya. Okay na sa akin yung maging kuya-kuyahan niya.

"Boys! Dito na kayo," tawag sa amin ni Bliss kaya nagsilapitan na kami para magpapicture.

"Congrats!" bati ko kay Stella.

"Salamat," nakangiting sabi niya. Ningitian ko na lang siya saka lumingon sa camera.

"Ayos ka lang?" nag-aalang tanong ng kakambal ko pagkaalis namin sa harapan. Sinundan pala niya ako dahil diretso agad palabas.

"Oo naman. Ang saya ko nga eh," sagot ko sabay tawa ng pilit.

"Masaya? Sino niloko mo? Dapat kasi umamin ka na bago bumalik sila Xia," sermon niya sa akin. Alam niya kasi yung nararamdaman ko para kay Stella. Nung panahong umalis sila Xia naging magkaibigan kami. Nung oras ma namatay ang magulang niya ako din ang kasama niya. Naging malapit kami sa isa't-isa.

"Wag mo na nga ipaalala. Ayun nga yung bagay na pinagsisihan ko," sambit ko. Hindi ko sinabi kay Stella kung ano nararamdaman ko.

Si Claudine lang pinagsabihan ko tungkol dito. Hindi ko lang alam kung paano nalaman ni Zander, baka nabasa niya isip ko o napansin niya na may pagtingin ako kay Stella. Kaya pala hindi siya nagagalit kapag sinasabi kong si Xia yung gusto ko, alam niya kasi yung totoo.

"Pupunta ka pa ba sa reception?" tanong niya. Tinignan ko sila Stella.

"Hindi. Pakisabi na lang na may trabaho ako bigla kapag nagtanong," sagot ko. Ayaw ko naman lalong saktan ang sarili ko doon.

"Saan ka pupunta?" nag-aalalang tanong niya.

"Mambabae," sagot ko.

"Bahala ka na nga. Wag kang magpapakalasing. Baka mamaya magising ka na lang sa ibang kwarto," paalala niya. Mukhang alam na niya balak ko.

"Oo na. Pasok ka na baka hanapin ka nila. Wag ka mag-alala ayos lang ako," ginulo ko yung buhok niya bago umalis.

"Yung buhok ko nanaman kuya. Lumayas ka na nga!" pagtataboy niya sa akin.

"Ngayon mo na lang ulit ako tinawag na kuya ah," sabi ko sa kanya. Mas matanda kasi ako sa kanya ng tatlong minuto kaya ako ang kuya pero nagtatawag lang niya ng kuya kapag may request siya sa akin. Lalo na kapag naglalambing siya.

"Claudine!"

"Mag-iingat ka sa pambabae mo," paalala niya bago pumasok sa loob. Tinatawag kasi siya nila Bliss.

Umalis na ako sa simbahan at dahil maaga pa naman para pumunta sa bar, bumili na lang ako ng maiinom.

******

Xia's POV

"Ang daya mo kuya. Hindi mo sa akin sinabi na ikakasal na kayo agad. Kay Zander ko pa nalaman," reklamo ko. Ngayon lang ako nakaoras magreklamo dahil nga busy sila kanina. Nagulat na lang ako nung sabihin sa akin ni Zander niya yung plano ni Kuya pagkaalis namin sa restaurant kahapon.

"Baka magdaldal ka kay Stella kaya hindi ko na muna sinabi," sabi niya sa akin.

"Hindi tuloy ako nakapaghanda ng pangregalo. Binalot ko na lang yung isang gamit na binili namin," sagot ko. Yung binigay ko sa kanila yung lampshade na gusto ko. Isa lang kasi yung kailangan namin ni Zander kaya pinangregalo ko na lang yung isa.

"May isa pa ako hindi sinasabi sayo," aniya kaya napataas ako ng kilay. Nagtinginan sila ni Zander. Kailan pa sila naging close? Bakit ang dami nilang secret sa akin?"

"Ano?" tanong ko. Lumapit siya sa akin saka bumulong.

"Titira din kami malapit sa lilipatan niyo," bulong niya.

"Hindi nga? Totoo?" tanong ko. Wala naman kasi akong nakitang ibang bahay doon nung pumunta kami ni Zander.

"Wag ka maingay. Sabay kami ni Zander na bumili ng lupa doon. Mas malaki lang yung binili niya kaya medyo malayo sa pinatayuan niya ng bahay yung amin. Pero doon lang din banda yung sa amin," paliwanag niya.

"Ibig sabihin makikita ko pa kayo kahit nakalipat na kami?"

"Oo naman. Pwede mo kami takbuhan kapag nag-away kayo ni Zander. Hindi naman kita hahayaan na malayo sa akin."

"Salamat kuya," nakangiting  sabi ko.

"Ano pinag-uusapan niyo?" tanong bigla ni Stella.

"Wala. Congrats ulit sa inyo," tugon ko saka ko sila iniwanan. Nagutom ako bigla kaya naghanap ako ng makakain pero wala ako nagustuhan ni isa doon.

"Ano hinahanap mo?" tanong sa akin ni Zander.

"Gusto ko kumain ng ice cream. Yung apple flavor," sagot ko habang nakasimangot.

"Wag ka sumimangot. Baka pumangit yung baby natin. Bibili na lang kita. Paalam na tayo," aniya sabay hila sa akin.

"Mom! Dad! Una po kami," paalam niya kila Mom.

"Ang aga niyo naman umalis. May pupuntahan ba kayo?" tanong ni Dad.

"Bibilhan ko po si Xia ng apple ice cream," tugon niya.

"Gusto ko din ng apple shake, apple pie lahat ng pagkain na may apple flavor," singit ko. Natawa bigla sila Mom.

"Pati pa naman sa paglilihi, apple yung hinahanap mo. Wag mo masyado pahirapan asawa mo," sabi sa akin ni Mom.

"Ayos lang po sa akin. Basta para kay Xia, ibibigay ko," sambit ni Zander.

"Sige. Mauna na kayo. Mag-iingat kayo. Paalam muna kayo sa bagong kasal bago umalis."

"Yes Mom. Bye Dad. Bye Papa," paalam ko din kay Dad at sa Papa ni Zander. Loko din itong si Zander, sila Dad lang kinausap. Hindi pinansin Papa niya.

"Sige Ingat," tugon ni Dad.

"Buti ka pa, nagpaalam sa akin. Yung asawa mo hindi man lang ako pinansin. Anak ba talaga kita?" pagdadrama ni Papa.

"Ikaw? Tatay ba talaga kita?" sagot ni Zander.

"Kakaiba talaga kayo maglambingan," natatawang sabi ko.

"Hindi kami naglalambingan," kontra sa akin ni Zander.

"Nahiya ka pa," pang-aasar ko.

"Gusto mo pa ba kumain ng ice cream o dito na lang tayo?"

"Ito naman. Nagbibiro lang naman ako. Tara na nga. Bilhan mo ko ng marami ha?"

Hinila ko na siya at siyempre dinaanan muna namin sila kuya bago umalis. Baka hanapin nila kami kapag bigla kaming nawala.

Habang nagmamaneho si Zander, nagresearch ako kung saan meron apple ice cream. Lalo nga ako ginutom nung yung picture.

"Dito tayo," sabi ko sa kanya sabay pakita ng picture ng restaurant. Nandoon din naman yung address.

"Ang layo niyan. Wala bang mas malapit?" tanong niya.

"Wala," nakasimangot na sagot ko. Baka hindi siya pumayag kaya kailangan ko sumimangot. Ayaw niya kasi na nakikita akong nakasimangot.

"Okay. Pupunta tayo doon pero wala ka bang ibang gustong kainin? Yung mas malapit? Baka gutumin ka lalo."

"Apple pie, gusto ko."

Dumaan muna kami sa may nagtitinda ng apple pie. Nagtake out kami ng isang buong yun at sa sasakyan ko kinain.

"Kain ka din," sabi ko kay Zander. Pinakagat ko siya sa a kinakain ko. Kumagat naman siya kaya sinubuan ko na lang siya habang nagmamaneho siya.

"Bili tayo ng maiinom kahit apple juice lang," pigil ko sa kanya nung may nadaanan kaming store.

"Ako na bibili. Diyan ka na lang," aniya bago bumaba. Pagbabalik niya may bitbit siyang ice tea na nasa bote. Yung apple flavor.

"Salamat," nakangiting sabi ko at uminom agad ng binili niya. Nagmaneho na siya ulit at dahil nakakain na ako. Nakatulog ako sa sasakyan. Ginising na lang ako ni Zander pagkadatin namin sa restaurant na merong apple ice cream.

"Mahal, nandito na tayo. Mag-ayos ka na," aniya kaya umayos na ako ng upo. Siya na nga mag-ayos ng buhok ko habang tinitignan ko kung may muta ako.

Pagkapasok namin sa loob nag-order agad ako ng ice cream..

"Gusto ko pa," sabi ko nang maubos ko yung ice cream.

"Waiter! Isa pang ice cream," tawag niya sa waiter na pinagkuhaan namin ng order.

Pagkabigay kinain ko agad. Habang si Zander umiinom lang ng coffee.

"Mahal," tawag ko sa kanya nung  naubos ko yung kinakain ko.

"Isa pa?" tanong niya na agad naman ko naman tinanguan habang nakangiti. Kaya nag-order siya ulit.

"Pangatlo mo na yan. Masarap ba talaga?" tanong niya.

"Oo. Kung may isang gallon lang na ganito, bibili ako."

"Last na yan ha? Baka lamigin yung baby natin," aniya habang kumakain ako pero mukhang hindi masusunod dahil bitin pa rin ako.

"Mahal," nakasimangot na tawag ko sa kanya dahil gusto ko pa. Napabuntong hininga siya saka nag-order ulit.

"Last na talaga yun. Hindi mo pa nga yan nauubos," aniya kaya tinanguan ko siya saka inubos yung kinakain ko.

"Mahal, balik tayo ulit dito sa susunod," sabi ko habang nagbabayad siya.

"Yeah," sagot niya habang nagbibilang ng pera. Napansin ko na ang lagkit ng tingin sa kanya ng waitress sa kabilang table. Hindi lang siya. Sumusulyap din yung iba.

"Wag na pala. Patayo na lang tayo ng sariling restaurant na puro may apple yung menu," bawi ko sa sinabi ko sabay tingin ng masama sa mga waitress. Ayun mga nagsiiwas ng tingin.

"Okay. Alis na tayo. Baka ano nanaman magawa mo," sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Pero wala. Sira na mood ko. Kainis yung mga babae.

"Mahal, next time takpan mo mukha mo kapag nalabas tayo. Daming natingin sayo. Ako lang dapat makakita ng mukha mo. Bulagin k--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang halikan niya ako.

"Oo na mahal. Tatakpan ko na mukha ko next time. Wag ka na magsalita baka magkatotoo nanaman," aniya pagkatapos ako halikan. Binuksan niya yung sasakyan para makasakay  na ako. Ito nagustuhan ko sa kanya. Kilala niya talaga ako kahit wala akong sabihin.

"I love you mahal," nakangiting sabi ko.

"I love you more. Sakay ka na," nakangiting sabi niya kaya sumunod na ako.

Itutuloy...


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top