CHAPTER 46

CHAPTER 46

Xia's POV

"Kailan kayo lilipat ng bahay?" tanong sa akin ni Dad.

"Sa sunday po," sagot ko.

"Wag mo kakalimutan na tawagan ako kung may nararamdaman kang masakit. Buntis ka pa naman," sabi sa akin ni Dad.

Tatlong linggo pagkatapos namin ikasal ni Zander, nalaman ko namin na buntis ako. Sobrang saya nga namin mag-asawa nung nalaman namin na magkakaanak kami.

"Yes Dad," tugon ko. Habang kumakain ng apple.

Nandito ako ngayon sa HQ ng AVO. Si Dad nagresign na sa hospital na pinagtatrabuhan niya pagkatapos namin masigurado na si Mr. Tan ang nasa likod ng lahat ng illegal na gawain. Ayon sa nalaman niya, pinagpatuloy lang ni Chairman Tan ang business na iniwan sa kanya ng kanyang pumanaw na ama.

Isang palaisipan pa rin sa amin kung paano nila nalaman ang tungkol sa paglikha ng Artificial Vampire, samantalang matagal ng patay yung doctor na nagresearch tungkol dito at sinunog din nila Dad ng lahat ng files tungkol doon. Sa ngayon ayun muna ang inaalam nila hanang wala kaming balita tungkol kay Chairman Tan.

"Hindi pa nga sila aalis, may bilin ka agad. Kain ka pa anak," sabi naman ni Mom sa akin sabay lapag mg hinugasan niyang apple.

"Xia," tawag sa akin ni Kuya at nagmadaling lumapit sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

"Kailangan ko tulong mo. Sumama ka muna sa akin," aniya sabay hila sa akin.

"Teka! Kumakain pa ako," reklamo ko.

"Dalhin mo na lang yan," aniya sabay kuha nung lalagyan ng apple at inabot sa akin.

"Saan mo ba dadalhin yan kapatid mo?" tanong ni Mom.

"Diyan lang Mom," sigaw ni kuya sabay tulak sa akin pero mahina lang.

"Ingatan mo yan. Yung apo ko baka mapaano," habol naman ni Dad.

"Opo! Alis na po kami," tugon ni Xavier.

"Ano ba meron? Bakit nagmamadali ka?" tanong ko nung makasakay kami.

"Yung seatbelt mo," aniya sabay lagay ng seatbelt ko.

"Yayain ko na magpakasal si Stella," paliwanag niya.

"Talaga?! Kailan?" excited na tanong ko.

"Ngayon kaya tulungan mo ko," sagot niya.

"May singsing ka na?" tanong ko. Tinanguan niya ako sabay kuha doon sa bulsa niya. May inabot siya sa akin na itim na maliit na box. Nang buksan ko ito bumungad sa akin ang isang engagement ring.

"Wow! Sigurado magusgustuhan niya ito," nakangiting sabi ko.

"Sana nga."

"Ano gagawin ko?"

"Balak ko sana siya i-surprise. Pwede mo ba siyang samahan habang hinahanda ko lahat?" pakiusap niya.

"Ayos lang naman. Nasaan ba siya ngayon?" tanong ko.

"Sa mall. May date dapat kami ngayo kaso nakaproblema doon sa venue na pina-reserved ko kaya kailangan ko maghanap ng iba. Habang inaayos ko yun, ikaw muna bahala sa kanya."

"Okay. Pero ubusin ko muna ito," tugon sabay pakita ng apple.

"Salamat."

Pagkatapos ko kainin lahat ng apple na dala ko nagpahatid na ako sa mall kung nasaan si Stella.

"Pasok na ako kuya. Goodluck mamaya. Bye! Ingat," paalam ko bago pumasok sa mall.

Agad ko naman nakita si Stella nung pumasok ako. Kinawayan ko siya nang mapatingin siya sa akin.

"Lei, ano ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Gusto ko sana mamili bago kami lumipad ni Zander. Alam mo naman doon sa lilipatan namin, malayo sa ganito. Sino hinihintay mo?" pagdadahilan ko.

"Si Calvin. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi sumasagot."

"Hayaan mo na si kuya. Samahan mo na lang ako mag-ikot."

Pinulupot ko ang braso ko sa braso niya sabay tangay sa kanya.

"Pero napa--"

"Itetext ko na lang siya na kasama kita," putol ko sa kanya sabay kuha ng cellphone ko at send kay kuya na 'kasama ko na si Stella.'

"Okay. Ano ba bibilhin mo?"

"Damit."

Nakangiting sabi ko. Natingin-tingin ako ng mga damit na pwede ko suotin kapag malaki na yung tiyan ko. Mas maganda na yung handa ako. Tinulungan ako ni Stella mamili at siyempre tinagalan ko talaga tumingin bago bumili.

"Tungin naman tayo doon aa bilihan ng mga gamit ng baby," sabi ko. Gusto ko lang makita yung mga gamit pangbaby.

"Excited ka na makita baby mo no?" tanong sa akin ni Stella habang natingin kami ng damit pambaby.

"Sobra. Pero 9 months pa ang hihintayin ko," tugon ko.

"Ano ba gusto mo? Lalaki o babae?"

"Kahit ano sa dalawa."

"Mabuti ka pa. Gusto ko na din makapamilya," nakasimagot na sabi niya.

"Sabihin mo yan kay kuya," natatawang sabi ko.

"Nandito lang pala kayo."

"Mahal? Bakit nandito ka?" gulat na tanong ko.

"Nakalimutan mo na ba? Bibili tayo ng gamit natin para sa lilipatan natin," tugon niya.

"Oo nga pala. Nakalimutan ko. Sorry. Paano mo nalaman na nandito ako?"

"Tinanong ko kuya mo dahil kayo daw magkasama sabi ni Mom. Hindi mo kasi sinasagot tawag ko."

"Sorry Mahal."

Hindi na siya nagsalita pero kinuha niya yung mga bitbit kong paper bag.

"Stella, tara!" hinawakan ko siya sa kamay saka sumunod kay Zander.

"May bibilhin pa ba kayo?" tanong niya sa amin.

"Wala na. Bili na tayo ng gamit," sagot ko.

Nagtunggo na kami sa mga bilihan ng gamit sa bahay. Sabi ni Zander may mga cabinet, sofa, table, chair at bed na daw doon. Yung ibang gamit na lang ang wala.

*****

Stella's POV

"Parang mas maganda ito," sabi ni Xia sabay turo ng isang lampshade.

"No. Mas maganda itong isa," sagot naman ni Zander.

Napabuntong hininga na lang ako sabay tingin sa phone ko. Hanggang ngayon wala pa rin ako balita kay Calvin.

"Stella, ano mas maganda? Diba ito?" tanong sa akin ni Xia. Napatingin silang dalawa sa akin. Kanina pa sila ganyan. Kapag hindi sila nagkasundo, ako tatanungin.

"Bilhin niyo na lang yung dalawa parang walang away," sagot ko. Mapera naman sila kaya walang problema sa kanila yun.

"Miss pabili nitong dalawa, padeliver na lang kasama nung iba," sabi ni Zander. May pinasulat  sa kanya yung saleslady saka niya binayaran gamit ang credit card.

"Mahal, bili tayo nito. Tapos lagyan natin ng picture natin," turo ni Xia sa isang malaking picture frame.

"Miss, padagdag na din ng frame."

Nakakaiinggit sila. Kailan kaya kami magiging ganyan ni Xavier? Yung dalawa kaming mamimili ng mga gamit sa pinatayo naming bahay.

"Stella! Kanina pa kita tinatawag. Kain muna daw tayo," sabi ni Xia sabay hatak sa akin.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya habang sumusunod kami kay Zander.

"Hindi pa rin nagpaparamdam yung kuya mo," malungkot na sabi ko.

"Baka busy lang yun."

"Pero nangako siya na date namin ngayon. Hapon na pero wala pa rin siyang paramdam."

"Baka may importante lang siya kailangan gawin. Hindi naman yan gagawin ni kuya ng walang magandang dahilan."

"Ano naman yun? Mas importante ba yun kaysa sa akin? Hindi man lang siya nagsabi na hindi siya makakapunta," inis na sabi ko.

"Teka! Saan tayo pupunta? Bakit palabas tayo ng mall?" tanong ko.

"May alam daw na masarap na kainan si Zander malapit dito," nakangiting sagot niya.

Naglakad lang kami patunggo sa sinabi nilang restaurant. Huminto kami sa tapat ng isang restaurant.

"May sasabihin nga pa ako sayo, Mahal. Stella, una ka na sa loob. Susunod kami," sabi bigla ni Xia sabay tulak sa akin papasok.

"Hihintayin ko na lang kayo," sabi ko. Lalabas na sana ako nang may humawak sa balikat ko. Mula sa gilid ko isang flower bouquet ang inabot sa akin. Kaya nilingon ko na yung taong nasa likod ko.

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko pero ningitian niya lang ako.

"Kuya, alis na kami!" sigaw ni Xia mula sa labas kaya napatingin ako sa kanila.

"Sige. Salamat," pabalik na sigaw ni Calvin.

"Tara sa table. Alam kong gutom ka na sa kakalakad," sabi niya sa akin. Hinawakan niya ako sabay saka dinala sa table na sinasabi niya. Pagkarating namin doon nakahanda na yung pagkain at lahat yun paborito ko.

Hinila niya yung upuan saka ako pinaupo  bago siya umupo.

"Kain ka na. Pinaluto ko talaga sa kanila yan para sayo," nakangiting sabi niya. Kaya pala may ganito. Ang alam ko kasi wala sa menu nila yung pagkain na nakahanda. Minsan na kasi kami nakakain dito.

Cabonara yung una kong kinain dahil paborito ko talaga yun. Unang tikim ko pa pang nasarapan na ako kaya ayun hindi ko na napigilan yung sarili ko na kumain. Gutom na kasi talaga ako dahil hindi pa ako kumakain simula kaninang umaga.

"Masarap ba? Sayo na din itong sa akin," sabi niya. Kinuha niya yung plato ko at pinalit yung kanya na hindi pa nababawasan.

"Paano ka?" tanong ko.

"Makita lang kita, busog na ako. Kainin mo na yan," aniya sabay sandok ng cabonara at subo sa akin.

"May cream ka sa mukha," sambit niya. Naramdaman ko na lang na kamay niya sa mukha ko bago pa ako makagalaw.

"Bakit may bandaid ka?" pansin ko sa isa sa daliri niya sabay hawak sa kamay niya.

"Nahiwa ko yan kanina para hindi sila makahalata nilagyan ko ng bandaid," paliwanag niya.

"Bakit mo nahiwa? Ano ginawa mo?"

Napasulyap siya bigla sa pagkain na nakahanda.

"Pinaluto mo ba talaga ito?" tanong ko. Napakamot siya sa batok.

"Ang totoo niyan, ako talaga nagluto niyan. Nagpaturo ako sa chef nila dito," nahihiyang sabi niya. Tinikman ko yung ibang nahanda.

"Masarap lahat," nakangiting  sabi ko.

"Mabuti nagustuhan mo. Ipagluluto kita palagi kapag kasal na tayo."

Bigla ako natigilan nung marinig ko yung salitang kasal. Tumayo siya bigla sabay luhod sa gilid ng inuupuan ko. Sabay bukas ng isang maliit na box. Wala pa siyang sinasabi naiiyak  na ako.

"I know you're the only one I want to share the rest of my life with. Stella, will you marry me?" tanong niya na mas lalong napaiyak sa akin. Parang kanina lang pinapangarap ko na magkaroon ng sariling pamilya. Ito na yung unang hakbang para matupad yun.

"Yes," sagot ko. Kinuha niya yung kamay ko saka sinuot yung singsing. Biglang nagpalakpakan yung mga nasa loob ng restaurant.

"Congrats!" bati nila sa amin.

Hinila niya ako patayo saka niyakap.

"Thank you," bulong niya sa akin. Pinunasan niya yung luha ko sabay halik sa akin.

"Simula bukas hindi ka na mag-iisa. Kasama mo na ako habang buhay. Ipagluluto kita araw-araw. Magkasama natin aalagaan ang magiging anak natin. Lahat yun gagawin natin pagkakasal natin bukas," aniya habang nakangiti.

"Ikakasal na tayo bukas?" gulat na tanong ko.

"Oo. Nakahanda na lahat. Oo mo na lang kulang."

"Seryoso?"

Tinanguan niya ako sabay ngiti. Ako naman hindi na makapagsalita dahil sa sobrang saya at gulat. Sobrang bilis ng pangyayari. Mangyayari na bukas yung pinapangarap ko.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top