CHAPTER 38

CHAPTER 38

Pagkatapos ni Xia kausapin ang kanyang nakakatandang kapatid tungkol sa kasal nila ni Zander, napagdesisyunan niyang umuwi na muna.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Zander nang tumayo siya.

"Uuwi. Umaga na nakapanjama pa ako," sagot ni Xia.

"Sasama ako," aniya sabay tayo.

"Kuya, pahiram muna ng sasakyan," pakiusap ni Xia sa kapatid niya.

"Hatid ko na kayo, susunduin ko rin si Stella," tugon ni Xavier.

Binaba sila nito sa tapat ng apartment building na tinutuluyan ni Xia.

"Bye kuya," paalam ni Xia.

"Kita na lang tayo dito mamaya. Kapag may nangyari tawagan mo ko agad," sani ni Zander bago sila naghiwalay ni Xia, bumalik muna si Zander sa apartment niya para maligo at magbihis.

Pagkapasok ni Xia sa apartment niya, nilock niya agad ang pinto dahil takot din ito na pasukin. Kumuha siya ng tuwalya at agad na pumasok sa banyo.

Habang naliligo siya, nakarinig siya ng ingay mula sa labas ng banyo. Pinatay niya ang shower saka nakiramdam.

"Sino yan?" sigaw niya ngunit walang sumagot.

Naisip niya na baka guni-guni lang niya ang narinig niya dahil sa masyado siyang kabado. Binilisan na lang niya ang pagligo para makapunta na siya kay Zander.

Sinuot niya ang bathrobe saka lumabas, nang biglang may nagtakip ng bibig niya.   Dinala siya nito sa kwarto niya bago pa siya manlaban.

Kinabahan si Xia nang makilala niya ang amoy ng nagtakip sa kanyang bibig. Siniko niya ito saka hinawakan ang kamay na nakatakip sa bibig niya at umikot pero bago pa niya ito atakihin, isang suntok sa sikmura ang sumalubong sa kanya.

Napaupo si Xia sa sahig habang nakahawak sa parte kung saan siya sinuntok. Napaangat ang ulo niya nang marinig niya ang paglock ng pinto.

"Kanina pa kita hinihintay," sabi ni Oliver habang nakangisi, ibang-iba ito sa Oliver na kilala niya.

Tinignan siya nang masama ni Xia saka tumayo.

"Ano ka? Bakit ganyan ang kulay ng mata mo?" gulat na tanong ni Oliver nang makita ang kulay gintong mata ni Xia.

Naalala bigla ni Xia na wala siyang suot na contact lens, inalis niya ito nung naligo siya at dahil sa kakamadali hindi na niya nilagay.

"Bakit ko naman sasabihin sayo?" tugon ni Xia sabay suntok pero umiwas lang ito.

Nanlambot bigla ang tuhod ni Xia nang manghina ito. Tinignan niya nang masama si Oliver dahil alam niyang ginamit nanaman sa kanya ang kapangyarihan nito.

Sinubukan niya makatayo pero agad din itong natumba. Dahil sa pagkilos niya, lumuwag ang bathrobe niya at halos makita na ang dibdib niya. Napatingin doon si Oliver kaya agad ito napansin ni Xia; mabilis niyang niyakap ang sarili niya dahil wala pa siyang suot na kahit ano maliban sa bathrobe.

'Bakit ba lagi niya nasasaktuhan yung pagligo ko?' sa isip ni Xia. Lalo siyang kinakabahan dahil sa ayos niya.

"Wag ka lalapit kung ayaw mo masaktan."

Banta sa kanya ni Xia pero lumapit pa rin ito. Sa sobrang taranta ni Xia, hindi na napigilang gamitin ang kapangyarihan niya.

Nagsiliparan papunta kay Oliver ang mga gamit na malapit kay Xia. Subalit madali lang ito naiwasan ng lalaki.

Tinignan siya nang masama ni Xia sa mata, at habang nakatigin siya dito  isang alaala ang nakita niya.

"Pare, may chicks doon sa taas. Batang bata pa. Ano? Game ka ba?" bulong ng isang maliit na lalaki kay Oliver.

"Saan pare?" tanong nito sabay tigil sa panghahakot ng mga gamit.

"Sa taas ng hagdan."

Tinuro nito si Rea na nagdadalawang-isip kung baba ba siya o hindi. Sa lalim nang pag-iisip niya, hindi nito napansin ang dalawang lalaking nakatingin sa kanya.

"Ano tinitignan niyo diyan?" tanong ng isa pa sa kasama nila. Napatingin din ito sa may hagdan. "Ah! Alam ko ba binabalak niyo. Sama ako. Mukhang nag-eenjoy na yung dalawa doon."

"Tara," sagot ng maliit na lalaki na kanina pa pinagnanasaan si Rea.

Dahan-dahan silang umakyat sa hagdan at nang malapit na sila doon lamang sila napansin ni Rea.

"Sino kayo?" ​takot na tanong nito sabay atras.

"Wag ka matakot, hindi ka namin sasaktan," sabi ng lalaking unang nakakita sa kanya sabay hakbang palapit sa kanya.

"Wag kayo lalapit... Tulong!" sigaw ni Rea sabay takbo ngunit nahablot soya nito bago pa siya makapasok ng kwarto niya.

"Bi--HMMP!"

Tinakpan ni Oliver  ang kanyang  bibig bago pa ito makasigaw. Pinagtulungan nila itong pinasok sa kwarto at agad na sinara ang pinto.

Itinulak siya sa kama saka tinutukan ng baril.

"Wag kang maingay kung ayaw mo mamatay," ​​​sabi sa kanya ng magnanakaw habang may hawak na baril.

Naiyak na lang si Rea dahil sa takot habang pilit na sumisiksik sa dulo ng kama. Tinakpan niya ang kanyang bibig para pigilan ang sarili na gumawa nang ingay.

"Ako muna pare," sabi ng unang nakakita kay Rea.

Nagtanggal ito ng damit saka hinila ang paa ni Rea. Lalaban na sana ito ngunit muli siyang tinutukan ng baril kaya natigilan ito. Sa sobrang takot ni Rea hindi na niyang  nagawang kumilos at tahimik na umiyak.

"Wag po! Tulong Papa! Ate!" sigaw nito habang pinupunit ng lalaki ang damit nito.

Sinubukan nitong itulak ang lalaki pero hinawakan siya sa kamay ni Oliver.
Nagpumiglas ito kaya isang malakas na sampal ang nakuha niya sa lalaking pilit siyang hinahalikan. Sinakal pa siya nito sa leeg hanggang sa ubuin siya.

"Manahimik ka na lang kung ayaw mong patayin kita."

Nilapit ng isa kanila ang baril nito kaya muling natigilan si Rea. Wala na siyang nagawa kundi ang umiyak.

Nagmistulang manika ito sa harap ng magnanakaw at naging sunod-sunuran sa pinapagawa nito, Tuwing tumututol siya, agad siya tutukan ng baril para takutin.

"Una na kayo sa baba. Ako na tatapos dito," sabi ni Oliver dahil bitin pa ito.

Nagbihis na ang mga kasama niya saka lumabas. Nilock niya ang pinto saka inalis ang nakatakip sa mukha nito.

"Tama na po..."

Pagmamakaawa ni Rea habang hinang-hina. Lumapit sa kanya si Oliver saka siya hinawakan nito saa kamay at muling pinagsamantalahan habang unti-unting pinapatay.

Hindi makapaniwala si Xia sa nakita niya. Sino mag-aakalang nasa harapan na niya ang matagal na niyang hinahanap?

Dahil sa pagkabalisa, hindi niya namalayan ang paglapit ni Oliver. Natauhan na lang siya nang maramdaman niya ang paghawak nito sa kanya.

"Walang hiya ka! Pinatay mo ang kapatid ko!" galit na sigaw ni Xia habang nakatingin nang masama.

Gusto niya ito saktan pero hawak ni Oliver ang kamay niya at patuloy siyang nanghihina.

"Paano mo nalaman?" seryosong tanong nito.

Hindi sumagot si Xia dahil alam niyang sinusubukan nitong alamin ang tungkol sa kanya.

"Pagbabayaran niyo lahat ang ginawa niyo kay Rea at kila Mama. Papatayin ko kayo," sambit ni Xia at muling lumabas sa katawan niya kulay pulang energy at nagpakawala ito nang malakas na pwersa na ikinatalsik ni Oliver

Wala man sapat na lakas si Xia meron pa rin itong kapangyarihan na nakikiayon sa nararamdaman ko.

Lumutang siya sa ere kahit na wala siyang ginawa. Pakiramdam niya may ibang kumokontrol sa katawan niya para tulungan siyang lumaban. May malakas na hangin ang pumalibot sa kanya at sa isang iglap nilipad ang mga gamit sa kwarto niya.

"Xia!" sigaw ni Zander.

Bumagsak ang pinto ng kwarto niya matapos ito sirain ni Zander.

Pagkakita ni Xia sa kanya medyo kumalma ito. Unti-unting nawala ang malakas na kapangyarihang nakapalibot sa kanya saka siya bumagsak.

Tumakbo papunta sa kanya si Zander para saluin.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong nito.

Niyakap siya ni Xia dahil hindi na niya alam kung ano isasagot niya. Hindi maayos ang pakiramdam niya pero ayaw niya ito mag-alala.

"Oliver, ayos ka lang? Ano nangyari?" tanong ng isang babae, may kasunod pa itong isang lalaki na nakatira rin apartment building.

Napakapit nang mahigpit si Xia kay Zander dahil hanggang ngayon mabilis pa rin ang tibok ng puso nito.

"Mukhang hindi normal na tao yung target mo," komento ng isang lalaki.

Nagkasalubong ang mga mata nilang dalawa ni Xia, at sa unang tingin nakilala niya kung sino ito.

"Isa din siya kalaban," bulong ni Xia kay Zander.

Humigpit ang hawak ni Zander sa kanya.

"Ilabas niyo na siya dito bago pa ako tumawag ng pulis," sambit ni Zander dahil hindi iyon ang tamang oras para harapin sila.

Hindi na sila muling tinignan ni Xia dahil ayaw niya na ito makita, lalo na si Oliver. Narinig na lang niya ang mga hakbang nila habang palabas.

Binaba siya ni Zander sa kama at agad itong humiga dahil sa pagod. Hinang-hina ang katawan niya at ang sama ng pakiramdam niya. Gustuhin man niya matulog, bukas ang kanyang isipan dahil sa nangyari.

"Kaya mo bang magbihis?" tanong ni Zander ngunit hindi siya narinig ng dalaga dahil sa lalim ng iniisip.

Nakatingin lang ito sa kisame habang iniisip ang mga nangyari kanina. Hanggang ngayon hindi niya pa rin maintindihan kung saan nagmumula ang malakas na kapangyarihan niya. Kahit na galing ito sa katawan niya, pakiramdam niya hindi ito sa kanya.

Tulala lang si Xia hanggang sa pumatong sa kanya si Zander. Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa kabilaang gilid ng ulo ni Xia habang nakikipagtitigan ito.

Doon lamang niya nakuha ang atensyon ni Xia. Unti-unti niyang binaba ang ulo niya hanggang sa magdikit ang mga labi nila. Agad tumugon si Xia saka humawak sa batok niya.

Nang mag-init ang pakiramdam ni Zander, tumigil na ito.

"Magbihis ka na habang kaya ko pa pigilan ang sarili ko," aniya sabay tingin sa katawan ni Xia.

Namula si Xia saka inayos ang pagkakatali ng bathrobe na malapit na matanggal.

"Pwedeng mamaya na? Magpapahinga muna ako," sabi niya dahil nanghihina pa ito.

"Hindi tayo pwede magtagal dito. Inumin mo na lang dugo ko para lumakas ka agad."

Sumimangot si Xia.

"Bigyan mo na lang ako ng apple."

Napabuntong hininga si Zander saka umallis para kumuha ng apple. Pagbalik niya bitbit nito ang lahat ng apple sa ref.

Tinulungan niya si Xia na makaupo saka binigyan ng apple, Hinayaan niya lang ito kumain hanggang sa maubos ko lahat ng apple.

"Okay ka na?" tanong ni Zander nang medyo lumakas na ito.

Tumango si Xia saka tumayo, kumuha ito ng damit saka pumasok sa banyo para magbihis.

"Tulungan mo ko mag-impake. Doon na muna ako sa apartment mo habang naghahanap ng lilipatan," sabi ni Xia dahil ayaw na niya manatili doon.

"Okay."

Tinulungan siya ni Zander na mag- ayos ng gamit. Iniwan muna nila ito sa apartment ni Zander bago sila umalis para makipagkita kila Trevor.

Nakatulog si Xia sa sasakyan habang nasa biyahe. Hinayaan na lang siya ni Zander, alam niyang nanghihina pa ito at kung wala lang silang importanteng pag-uusapan nila Trevor, patutulugin niya lang ito sa apartment niya.

Nagising si Xia sa kwarto ni Zander, mabilis niya ito nakilala dahil sa amoy ni Zander at alam niyang kwarto niya ito sa bahay nila. Paglabas niya nakita niya sila Claude na kumakain ng pizza.

"Good afternoon. Gusto mo pizza?" tanong ni Trevor sa kanya.

"Si Zander?"

"Pinatawag ni Sir Hayato kanina. Dinala ka na muna namin dito para makatulog ka ng maayos."

"Kain ka na muna," sabi ni Bliss saka siya binigyan ng pizza, nilagay niya ito sa isang platito saka inabot kay Xia.

"Salamat."

Habang kumakain sila, sinabi ni Trevor ang mga napag-usapan nila.

"Nakasundo kami na huliin si Oliver para kumuha ng impormasyon," sambit ni Ttrevor.

"Pwede ko ba siya patayin pagkatapos niya magsalita?" tanong ni Xia na ikinatigil nila Trevor.

"Hindi tayo pwede pumatay ng basta-basta," sagot ni Trevor.

"Bakit? Magnanakaw, rapist at killer siya. Hindi pa natin alam kung may iba pa siyang ginawa maliban diyan. Dapat lang sa kanya mamatay katulad ng pagpatay niya sa kapatid ko," inis na sabi ni Xia, uminit nanaman ang ulo niya nang maalala niya ang ginawa nito.

"Okay, kalma lang. Mapag-uusapan naman natin yung tungkol diyan."

Hindi na nagsalita si Xia dahil ayaw niyang ibaling kila Trevor ang galit niya kay Oliver.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top