CHAPTER 37

CHAPTER 37

Sa isang madilim na eskinita isang babae ang kasalukuyang hinahabol ng tatlo sa Zodiac.

Sinibukan barilin ng babae ang isa sa kanila ngunit sinalo lang ito ni Capricorn.

"S-sino kayo?" takot na tanong ng babae nang mapansing hindi normal ang mga ito.

Sino bang normal na tao ang kayang sumalo ng baril?

"Your worst nightmare," tugon ni Leo saka humakbang palapit sa babae.

Nang makalapit ito doon napansin ng babae ang pulang mata ni Leo. At sinadyang ngumiti ni Leo para ipakita ang mga pangil niya.

"B-bampira," sambit ng babae habang namumutla sa takot. 

Akmang tatakbo na ito ngunit nahawakan siya ni Leo. Kinagat siya sa leeg nito at mabilis na sinisip ang dugo.

"Aaaahh! Tama na... maawa ka sa akin," sigaw nito.

"Hindi naman halatang gutom ka," sabi ni Capricorn habang pinaglalaruan ang balang sinalo niya.

"Dalian mo na diyan. Marami pa tayong hahanapin na taga-CLA," sabi naman ni Aries.

"Susunod ako sa inyo," sambit ni Leo saka muli tinuloy ang ginagawa.

Napaungol bigla ang babae nang umpisahang hawakan ng binata ang dibdib nito.

Napailing na lang ang mga kasamahan nito dahil alam nila ang binabalak nito.

"Kapag babae talaga, wala ka pinipili. Bahala ka diyan," komento ni Aries saka nauna ng maglakad. Sumunod na lang sa kanya si Capricorn.

Sa apartment ni Xia,

"Sino yan?" tanong ni Xia nang magising ito dahil sa tunog ng cellphone ni Zander.

"Si Sir Takeshi," sagot ni Zander habang salubong ang kilay dahil naputol ang tulog niya.

"Alas dose na ng hating gabi, bakit gising pa siya? Sagutin mo, baka emergency."

Sinagot ni Zander ang tawag ni Sir Takeshi dahil may kutob din siya na may malaking problema.  Hindi naman ito tatawag nang ganung oras kung hindi importante.

"Anong problema?" tanong agad sa ni Zander.

"Napanaginipan ko si Misaki, may masama yatang nangyari sa kanya malapit sa apartment na tinutuluyan niyo. Hanapin mo siya," nag-aalalang tugon nito.

Mahalaga sa kanya ang lahat ng miyembro ng CLA kaya ganun na lamang ang kanyang reaksyon tuwing may masama itong panaginip. Ilang araw na rin itong walang tulog dahil sa mga napanaginipan niya; madalas nagkatotoo ito o totoong nangyari. Marami na rin ang namatay sa mga kasamahan nila.

"Sige, titignan ko."

Pinatay na ni Zander ang tawag saka tumayo para hanapin si Misaki.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Xia.

"May titignan ako sa labas. Kung sasama ka, magbihis ka na."

"Sasama ako."

Tumango si Zander bilang tugon saka nagsuot ng jacket at pantalon habang sinuot naman ni Xia ang hoodie niya, hindi na siya nagpalit kahit nakapantulog pa siya.

Dahan-dahan kaming lumabas sa apartment para hindi gumawa ng ingay.

"Bwisit! Dinumihan pa ng babaeng yun ang damit ko," rinig nilang sabi ng isang lalaki.

Hinila ni Zander si Xia para magtago  dahil papasok ito sa building ng apartment.

Nakita nila si Oliver na duguan at may putik sa damit. Kahit madilim, malinaw nila ito nakikita dahil sa may night vision ang mga bampira.

Pagkaakyat ni Oliver, hinila ni Zander palabas si Xia saka tumakbo. Nang magkalayo sila, doon lang sila tumigil at nag-umpisang maglakad.

"Ano iniisip mo?" tanong ni Zander kay Xia nang mapansin niyang wala ito sa sarili.

"Si Oliver... amoy dugo siya saka may konti siyang amoy ng babae. Hindi maganda ang kutob ko."

"May alam ka ba tungkol kay Oliver?"

Alam ni Zander na meron na rin itong kapangyarihan katulad sa kanila, kaya hindi na siya magtataka kung may alam ito kay. Lalo na nagkaroon ito ng contact sa lalaki.

"Meron pero konti lang nakita ko."

Tumigil sa paglalakad si Zander saka tinignan siya ng seryoso, hindi mapakali si Xia habang nakatingin ito sa kanya.

"Isa siya sa Zodiac," bulong ni Xia.

"Kailan mo nalaman ang tungkol diyan? Alam mong isa siya sa kanila, pero ngayon mo lang sinabi. Alam mo ba kung gaano kadelikado ang katulad niya?" inis na sabi ni Zander.

"Sorry. Ayoko lang na lalo kayong mag-aalala," nakasimangot na sabi ni Xia.

"Sa ginagawa mo lalo lang kami nag-aalala sayo."

Napabuntong hininga si Zander dahil ito iyon ang tamang oras para mag-usap sila.

"Mamaya na nga lang natin pag-usapan yan. Hanapin na muna natin si Misaki," sabi ni Zander saka tinuloy ang paglalakad habang hawak si Xia.

"Sino si Misaki?"

"Agent ng CLA pero tao siya."

"Sandali."

Pigil ni Xia kay Zander saka lumingon sa isang maliit na eskinita sa gilid nila.

"May nakikita ka ba?" tanong ni Zander.

"Naamoy ko dito yung amoy na nakakapit kay Oliver," aniya habang nakatingin sa masikip na eskinita.

Naglakad si Xia patungo doon kaya sumunod si Zander. Humigpit ang hawak ni Xia sa kanya dahil sa kaba, natatakot siya sa makikita niya.

"Sh*t!" sambit ni Zander nang bumungad sa kanila ang isang walang saplot na babae. Hindi nila makita ang mukha nito dahil nasa loob ng basurahan ang ulo nito.

"Wag ka tumingin," sambit ni Xia kaya napaiwas na lang ng tingin si Zander, kahit na hindi iyon ang unang beses na nakakita siya ng katawan ng babae dahil sa trabaho niya, ayaw niya magalit ang kasintahan niya.

Bumitaw si Xia saka nilapitan ang babae nang dahan-dahan. Kinakabahan ito na baka wala na itong buhay.

Sinundan siya ng tingin ni Zander.

"M-miss?" utal na sabi ni Xia saka hinawakan sa balikat yung babae.

Hinila niya ito upang alisin sa basurahan saka hiniga sa sahig nang masigurado niyang wala na itong buhay.

"Misaki," sambit ni Zander nang makita niya ang mukha nito.

Nakadilat ang mata nito habang nakanganga na parang may nakalagay doon nang mamatay siya.

Hinubad ni Zander ang jacket para takpan ang katawan niya saka ito hinawakan sa pulso niya. Hindi pa gaano katigas ang katawan nito kaya siguradong kakamatay lang ito.

Dahil abala si Zander sa pag-asikaso sa kasamahan niyang agent, hindi niya napasin ang namumutlang mukha ni Xia habang pinapawisan.

"Tama na! Tama na!" sigaw ni Xia sabay hawak sa ulo niya at upo sa sahig.

Napatingin sa kanya si Zander at nang makita ang itsura ni Xia, nilapitan niyaito.

"Xia, ano nangyayari sayo?" nag-aalalang tanong ni Zander pero tulala lang ito habang lumuluha. Kitang-kita niya sa mukha nito ang awa at takot.

"Itigil mo yan. Wag mo gawin yan! Tama na!" aniya saka umiiyak.

Niyakap siya ni Zander para pakalmahin saka kinuha ko ang cellphone upang padalhan ng mensahe ang kanyang ama. Hindi niya alam ang gagawin kay Xia at alam niya ito lang pinakamalapit sa kanila na pwede makatulong.

Habang hinihintay niya ang padating nito, binasa niya ang nasa isipan ni Xia. Lalo humipit ng pagkakayakap niya dito nang masaksihan niya ang nakita ni Xia.

"Ano nangyari?" tanong ni Mr. Hayato nang makita niya ang dalawa.

Wala ito ideya sa nangyayari dahil address lang ang sinend ni Zander.

Tinignan ni Zander ang bangkay ni Misaki kaya napatingin rin sila doon. Nilapitan nila ito saka inasikaso.

"Sakay mo siya sasakyan. Dadalhin natin siya sa CLA," sabi ni Mr. Hayato kay Kenji pagkatapos niyang suriin ito.

Nilingon niya ang dalawa na tahimik lang habang magkayakap.

"Ano nakita niya?" tanong niya sabay sulyap kay Xia, may hinala siyang may nakita itong hindi maganda base sa ayos ng dalawa.

Nakita niya rin ang nangyari kay Misaki nang hawakan niya ito, kaya may ideya na ito sa nangyari.

Umalis sa pagkakayakap si Xia, medyo kumalma na ito kaya nagawa na niyang tumingin ng maayos.

"Si Oliver pumatay sa kanya. Si Oliver... siya si Leo," sabi niya.

Hinawakan siya sa kamay ni Zander nang mapansing paluha nanaman ito.

"Wag na muna kayo umuwi. Sumama na kayo sa CLA," sambit ni Mr. Hayato habang nag-aalalang tumingin kay Xia.

Habang nasa biyahe sila, hindi na sila kinausap ni Xia. Nakatulala lang ito  sa may bintana habang nakahawak sa kamay ni Zander. Hinayaan na lang siya ni Zander habang tahimik na tinitignan ang tumatakbo sa isipan ng kasintahan.

"Tulog na yung katabi mo," sabi ni Mr. Hayato kay Zander.

Tinignan ni Zander si Xia; nakatulog ito habang nakasandal sa bintana. Dahan-dahan niya itong sinandal sa balikat niya para hindi ito mahirapan. Sinuportahan niya rin ang ulo nito para hindi matumba kapag humihinto ang sasakyan.

Pagdating nila sa CLA, sinalubong sila nila Mr. Takeshi.

Lumapit si Bliss kay Misaki para tignan kung ano ang ikinamatay.

"Pahiram muna ako ng opisina mo," paalam ni Zander kay Mr. Takeshi habang buhat-buhat si Xia.

Hindi na niya ito ginising dahil alam niyang iisipin nanaman nito yung nakita niya kanina. Maingat niya itong hiniga para hindi magising.

Doon lang siya nakabantay hanggang sa dumating sila Mr. Takeshi, hindi na nila kasama sina Mr. Hayato at Kenji dahil may gagawin pa ito.

"Pangpito na si Misaki. Kailangan na natin kumilos bago pa tayo malagas," seryosong sabi ni Mr. Takeshi.

"Ito po ba yung dahilan kaya pinag-leave mo kami sa trabaho?" tanong ni Trevor.

Tumango si Mr. Takeshi bilang tugon.

"Kayo lang ang maasahan ko dito dahil bampira ang kalaban. Pinapunta na rin dito ni President sila Xavier para tumulong."

"Anong plano?" tanong ni Zander.

"Pababagsakin natin ang Zodiac bago pa nila tayo maubos. Sa ngayon si Leo pa lang ang nakilala natin pero magandang pagkakataon na rin ito para makita natin ang iba."

"Good Morning!" sabi ni Claude nang magising si Xia.

"Bakit hindi niyo ko ginising?" tanong ni Xia nang makita niyang nag-uusap ang mga ito.

"Ayaw ka ipagising ni Zander," tugon ni Claude.

"Ayos na ba pakiramdam mo?" tanong ni Zander nang tignan siya nito. Tumango ito bilang tugon.

"Gusto mo burahin ko yung nakita mo para hindi mo na maalala?" tanong ni Trevor dahil may kakayahan din itong makabura ng memorya.

"Hindi na. Nabigla lang ako sa nakita ko kanina. Ngayon ko lang naisip na ang swerte ko pala. Ilang beses na ako kamuntik magahasa pero laging may dumadating para iligtas ako," aniya saka ngumiti ng pilit.

"Sana ganun din sa iba. Kung may dumating lang sana para tulungan si Misaki hindi sana mangyayari yun,"  dugtong pa niya.

Napakuyom ito ng kamao habang inaalala ang naita niya. Hinawakan siya ni Zander sa kamay niya.

"Magiging maayos din ang lahat. Pagbabayaran ni Leo ang ginawa niya kay Misaki. Kahit man lang sa pagbibigay ng hustiya, matulungan natin siya," sabi ni Bliss, bilang babae alam niya kung ano nararamdaman ni Xia.

"Yeah! Wag ka mag-alala, pagbabayaran ng Zodiac ang ginawa nila. Lalo na yung Leo na yun," sabi ni Claude.

Nang dumating sila Xavier, nag-umpisa na silang magplano nang gagawin.

"Okay. Melancholic Knight at Iris, maghanda na kayo dahil maniningil na tayo," sabi ni Mr. Takeshi pagkatapos nilang mag-usap.

"Yes sir!" sigaw nila Claude.

Iniwan muna ni Zander si Xia kay Bliss saka nilapitan si Xavier.

"Usap muna tayo saglit sa labas. May sasabihin ako," bulong niya kay Xavier saka diretsong lumabas.

Sumunod sa kanya si Xavier. Naghanap sila ng tahimik na lugar at walang tao.

"Nakausap ko yung isang stalker ni Xia. Si Mr. Sanchez ang tinuturo niyang nag-utos sa kanila," sabi ni Zander.

Nagkasalubong ang kilay ni Xavier na halatang galit na galit sa narinig.

"Sabi na nga ba! Siya talaga ang may pakana nun. Mamaya susugurin ko siya," galit na sabi niya, matagal na niya ito pinaghihinalaan at ngayong nalaman niya na hindi pa nito tinitigilan si Xia, hindi na siya makapaghintay na suguurin ito.

"Gusto mo sumama?" tanong ni niya kay Zander.


"Gusto ko sana pero hindi ko maiwanan si Xia," sagot nito.

"Sige, ako na bahala sa kanya. Basta bantayan mo mabuti si Xia, wag mo palalapitin si Oliver."

Tinapik niya ang balikat ni Zander.

"Kahit hindi mo sabihin yan, babantayan ko siya. Lalo na ngayong malapit na kaming ikakasal."

Napakunot ang noo ni Xavier nang marinig niya ang salitang kasal.

"Anong sabi mo? Ikakasal na kayo? Ang bilis naman, saka bakit hindi ko ito alam? Hindi ako makakapayag," aniya sabay balik sa opisina ni Mr. Takeshi.

"Xia!" sigaw niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top