CHAPTER 24

CHAPTER 24

Third Person's POV

"Ang init! Nasa Pilipinas na nga talaga tayo," sabi ni Jason.

Makalipas ang limang taon na paninirahan nila sa America, ngayon lang sila ulit nakauwi.

"Kuya Jason! Mamaya pasyal tayo," masayang sabi ni Kia na kasama nilang umuwi, walong taong gulang na ito ngayon.

"Bukas na lang Kia. Pahinga muna tayo," tugon ni Jason.

"Kumpleto na ba mga gamit niyo? Baka may naiwanan pa kayo?" tanong ni Xavier.

"Walong maleta... check. Dalawang na backpack... check. Dalawang box... check. Dala din ni Ate Xia yung shoulder bag niya. Kumpleto po lahat," tugon ni Kyla pagkatapos niya tignan any nga dala nilang gamit.

"Mauna na kayo sa HQ. Ihahatid lang namin saglit itong si Rain. Hintayin niyo na lang dito yung sasakyan na susundo sa inyo," paalam ni Mr. Hayato sa kanila bago umalis kasama sina Kenji at Rain.

"Bye! Ingat po kayo. Kuya Rain, dalaw ka sa amin minsan," paalam ni Kia.

Napahikab si Xia dahil sa antok at pagod sa biyahe. Kinusot nito ang kanyang mata. Simula nang naging artificial vampire siya madalas na siya antukin. Hindi niya alam kung bakit siya ganito, samantalang ang iba hindi naman.

"Gusto ko na matulog," aniya habang inaabangan nila ang susundo sa kanila.

"Lagi ka naman inaantok eh! Kahit sa misyon, tinutulugan mo kami," sabi ng kanyang kapatid sabay gulo ng buhok ni Xia.

"Kaya niyo naman kahit wala ako," tugon nito. Natawa na lang sila Kyla sa kanila.

Beep! Beep! Beep!

Sabay sila napalingon sa truck huminto sa harap nila.

"Mr. Suarez," sabi ni Jason nang makita niya ang driver.

"Pinapasundo kayo sa akin ni Dr. Knight, may emergency meeting siya. Sakay na, pasensya kung ganito yung sasakyang dala ko, kagagaling ko lang kasi sa pagdeliver," paliwanag nito.

"Ayos lang po. Kyla, Kia, doon na kayo sa loob. Sa likod na lang kami," tugon ni Xavier.

"Eh? Gusto ko din po sa likod; mahangin," sagot ni Kia.

"Baka malaglag kayo. Doon na kayo sa loob."

"Pero gu--"

"Gusto ko din sa likod," sabi ni Kyla. Gusto niya makita ang paligid ng maayos.

"Pagbigyan mo na sila kuya. First time nilang sumakay sa ganyan," pangkukumbinsi ni Xia.

"Okay. Si Xia na nagsabi. Kumapit kayo mabuti," sabi ni Xavier. Inakyat na niya sina Kia at Kyla pati na rin ang mga dala nilang gamit.

"Aalis na tayo. Humawak kayong mabuti," paalala ni Mr. Suarez. Tuwang-tuwa si Kia habang tinitignan ang mga dinadaanan nila. Pakiramdam niya namasyal na din siya dahil kitang-kita niya ang labas.

Napatingin si Xia sa taas ng isang billboard na nadaanan nila. May napansin kasi siyang nakatayo doon habang nakahinto ang sasakyan nila. Dahil na rin sa traffic, natignan niya itong mabuti. Nilapitan ito ng isang uwak at ilang saglit pa ay umalis na ito. Ngunit bago iyon sumulyap siya sa sasakyan nila Xia nang maramdaman niyang may makatingin sa kanya. Dahil na din sa layo ng sasakyan, hindi niya masyado nakita sila Xia kaya umalis na lang ito.

Samantala, nagtunggo sila Mr. Hayato sa headquarter ng CLA. Bakas sa mukha ng mga nadaanan nila ang gulat at takot nang makita sila dahil na din sa nilalabas na aura ni Mr. Hayato.

"Ikaw! Lumapit ka sa akin," tawag ni Mr. Hayato sa napadaan na agent.

"A-ako po?" tanong nito habang nakaturo sa kanyang sarili.

"Oo, ikaw. Ano pangalan mo?"

"J-jun po."

"Jun, alam mo ba kung nasaan si Takeshi?"

"N-nasa opisina po niya."

"Pwede mo ba kami samahan?" nakangiting tanong ni Mr. Hayato sa kanya. Inakbayan siya nito na labis na ikinabahala ni Jun. Kahit na ningitian na siya nito, hindi pa rin nawala ang takot niya.

"Y-yes Sir," tugon nito pero hindi pa sila nakakahakbang dumating na si Mr. Takeshi.

"Tito Takeshi!" masayang sabi ni Rain nang makita ito.

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na papa na ang itawag mo sa akin," pagtatama sa kanya ni Mr. Takeshi sabay hawak sa ulo nito. "Ang laki mo na ah!"

"Ehem. Masyado mahina ang security niyo dito, nakapasok kami agad nang walang kahirap-hirap," sabi ni Mr. Hayato. Dahil sa paghack ni Kenji ng security system nila, hindi ito nag-alarm kahit na sapilitan silang pumasok.

"Magaling lang talaga ang kasama mo? Isa ba siya sa Iris?" sagot sa kanya ni Mr. Takeshi sabay tingin kay Kenji na para bang sinusuri niya.

"Paano mo nalaman na ako ang may hawak ng Iris?" tanong ni Mr. Hayato dahil wala silang pinagsabihan tungkol dito.

"Simula nung sumikat ang grupong yun dahil sa paghuli nila ng mga sindikato, wanted criminal na hindi mahuli-huli ng mga pulis, pati na rin ang paghuli sa mga pulitiko na may masamang gawain sa america," paliwanag nito. "Sikat na sila hindi lang sa america kundi sa buong mundo. Yun nga lang wala pang nakakakita sa kanila. Ikaw lang ang alam kong magaling sa ganyan. Tama ako diba? Mr. President?"

"Mr. President?!" tanong ni Jun na mas lalong kinabahan. Hindi siya makapaniwala na nakausap niya ang misteryosong presidente ng CLA.

"Nandito ka pa pala Jun," sambit ni Mr. Takeshi saka niya ito nilapitan. Inakbayan niya ito saka bumulong. "Oo, nasa harap mo ngayon ang misteryosong presidente ng CLA. Wag mo sasabihin kahit kanino. Sikreto lang natin ito."

"Yes sir," sagot agad ni Jun.

Napakamot na lang ng ulo si Mr. Hayato kasabay ng malalim na buntong hininga.

"Masyado na kami tumatagal dito. Mauna na kami bago ka pa may mabanggit na kung ano. Saka matagal ko na binigay sayo ang posisyon ko," sabi ni Mr. Hayato.

"Acting president lang ako, ikaw pa rin ang tunay. Mamaya na kayo umalis, may sasabihin pa ako. Pwede ba ako magpatulong sa Iris? May isa kaming unresolved case. Tingin ko sila makakatulong sa akin para masolve yung kaso," pakiusap ni Mr. Takeshi.

"Tungkol saan?"

Naging interesado si Mr. Hayato nang marinig niyan hindi pa naayos ang kaso. Alam niya ang kakayahan ng Melancholic Knight at kung ipagkukumpara niya ito sa Iris, kapantay lang nila ito sa galing. Lamang lang sila ng gadgets at ibang kagamitan na inimbento nila para mapadali ang trabaho nila.

"Hidden laborator, hindi namin alam kung tao ba o hindi ang nasa likod nun kaya hindi namin magawan ng paraan. Delikado rin dahil hindi iyon maaring lumabas sa publiko."

"Sir. Takeshi!" sigaw ni Trevor. Natigilan ito nang mapansing niyang may kausap ito. "Sorry. May kausap po pala kayo. Mamaya na lang."

Nagtatakang tinignan ni Trevor ang kausap nito dahil hindi man lang niya naramdaman ang presensya nito.

"Case accepted," sambit ni Mr. Hayato saka inayos ang suot nitong black round hat, at sa isang iglap nawala na lang ito sa paningin nila.

"Alis na po kami. Pinapasabi po ni Sir Hayato na send niyo na lang daw yung case files," paalam ni Kenji. Itinaas niya ang hood sa ulo at katulad ni Mr. Hayato, nawala ito.

Napailing na lang si Mr. Takeshi dahil alam niyang tumakas lang ito para hindi siya makita. Tinignan niya si Zander na palapit kasama sila Trevor.

Zander's POV

"Sorry. May kausap po pala kayo. Mamaya na lang," sabi ni Trevor.

Napatingin ako sa dalawang nakaitim na lalaki na kaharap si Sir Takeshi. Hindi ko makita ang mukha nila dahil nakatalikod sila sa amin. Yung isa kanila nakasuot ng black coat at black round hat na katulad sa detective. Habang yung isa naman nakasuot ng black sweatshirt.

'Sino kaya sila? Hindi ko man lang naramdaman presenya nila,' basa ko sa isip ni Trevor. Kahit ako hindi ko rin naramdaman presensya nila.

"Case accepted," sabi nung nakablack na coat bago ito mawala.

"Alis na po kami. Pinapasabi po ni Sir Hayato na send niyo na daw po yung case files," paalam ng kasama nito saka ito nawala.

"Cool. Nawala sila bigla," sambit ni Claude.

"Sino sila?" tanong ko kay Sir Takeshi.

"Si President Hayato yun at yung assistant niya. Ano nga pala sasabihin mo Satoru?"

"May problema po tayo. May mga armadong sumugod sa Saitou High. Hawak po nila ang ilang istudyante at guro. Kapag daw hindi nagpakita si Takeshi ng CLA, papatayin nila yung mga hostage. May idea po ba kayo kung sino sila?"

"Sigurado isa sila sa mga kinalaban natin. Kilala ang pangalan ko bilang president ng CLA kahit na hindi naman ko iyon. Iniisip siguro nila kapag napatay nila ako, mapapabagsak nila ang CLA. Mr. President, ano na gagawin mo?" aniya habang hawak hawak yung baba, senyales ito na may malalim siyang iniisip. Pero nakapagtaka yung huli niyang sinabi. Sinabi kasi niya yun na para bang nasa tabi lang niya si President.

"Aykabayo! Jusko! Nakakagulat ka naman," sambit ni Bliss habang hawak-hawak puso niya, nang biglang sumulpot yung lalaking naka hood sa tabi niya.

"Sorry," sabi nito bago humarap kay si Sir Takeshi. "Si Sir Hayato na raw bahala sa kanila," sabi nito na ikinatawa naman ni Sir Takeshi.

"Ayun naman pala eh. Wala na tayong problema," aniya habang tumatawa. Nagtatakang tinignan namin siya.

"Sigurado kayo Sir? Hindi ba delikado kay President na magpunta doon?" tanong ni Bliss.

"Hindi si President ang pupunta roon. Magpapadala siya ng magliligtas sa mga hostage. Pinapasabi niya rin na kung maari magpadala kayo ng back up," tugon ng lalaking nakahood.

"Okay. Melancholic Knight, pumunta kayo ngayon sa Saitou High bilang back-up," utos sa amin ni Sir Takeshi.

"Yes sir," sabay na sabi namin.

"Mauna na ako sa--"

"Hep!" pigil ni Bliss sa lalaking nakahood sabay hawak sa kamay nitnito.

"Kanina pa kita gusto tanungin. Sino ka? Saka bampira ka din ba?" tanong ni Bliss.

"Kenji ang pangalan ko at hindi ako bampira."

"Tao ka? Paano ka nawawala bigla?" tanong ni Claude.

"Dahil sa suot ko. Pasensya na, kailangan ko na umalis. Sasagutin ko na lahat ng katanungan niyo oras na magkita tayo." tugon nito bago mawala sa paningin namin.

"Invisibility?" sambit ni Bliss habang nakatingin pa rin ito sa pwesto ni Kenji. Umikot ang tingin nito na para bang may sinusundan siya ng tingin. Alam ko na ginagamit niya ang x-ray vision niya.

Xavier's POV

"Ano tinitignan mo?" tanong ko kay Xia sabay lingon sa billboard.

"May nakatayo sa taas ng billboard kanina. Akala ko magpapakamatay; bbuti na lang bumababa na siya," sagot niya.

Ring! Ring! Ring!

Sabay-sabay kami napatingin sa smartwatch namin nang tumunog ito. Mula sa screen may nakalagay na new mission.

"Kakarating pa lang natin, may misyon agad?" reklamo ni Jason.

Pinindot ko yung read upang makita ang mensahe ni Kenji.

Case: Hostage Taking
Location: Saitou High
No of Hostage: Unknown
No of Enemy: Unknown

Binuksan ni Xia ang isang backpack na dala namin. Nilabas niya yung sinusuot naming itim na hoodies. Mula doon nakabalot yung mga baril namin para hindi makita nung nagchecheck. Nagiging invisible kasi ito. Saka may nilagay din na device si Kenji kaya kahit yung mga machine hindi ito makikita.

Binigay niya sa amin ang mga gamit namin bago bumaba ng sasakyan.

"Alis na muna kami. Wag kayo malikot dito," sabi ko sa dalawang batang kasama namin.

"Mag-iingat kayo," paalala ni Kyla. Nagthumbs up naman sa kanya si Jason at tumango si Xia.

"Mr. Suarez, magkita na lang po tayo sa Saitou High," paalam ko.

Naghanap kami ng pagtataguan para doon isuot yung hoodies namin. Sinara namin ang zipper hanggang sa tapat ng ilong namin, para matakpan ang bibig namin at mata na lang ang makikita. Pinindot ko ang 'on' sa zipper para maging invisible ako. Ganun din ang ginawa nila Xia. Kita pa rin naman namin ang isa't isa dahil sa contact lens na suot namin.

"Buti na lang hindi mainit sa katawan itong uniform natin," sabi ni Jason habang inayos yung suot.

"Dalian mo na diyan," sabi ko sa kanya dahil siya na lang ang hihintay namin.

Tumalon na ako papunta sa taas ng bahay; mas mabilis kung sa bubong kami dadaan. Takbo at talon ang ginawa namin hanggang sa makarating kami sa Saitou High. Kapansin- pansin na maraming tao sa harapan ng gate bukod sa mga pulis at reporter.

Pumasok na kami sa loob, bumungad sa amin ang mga nagkalat na armadong kalalakihan at kababaihan.

"Sino yung humawak sa akin?" tanong ng isa sa kanila.

Tinignan ko si Xia na isa-isa silang hinawakan, at ganun din ang ginawa ni Jason. Mabilis ang mga kilos nila; halos hindi ko na sila makita. Pumitik sila sa ere at sa isang iglap napaupo na lang ang mga ito.

"Ano nangyayari? Bakit hindi ako makagalaw?"

"Siyet! Hindi ako makagalaw."

"Wth! Ako din!"

"Minamaligno yata tayo. Kanina may naramdaman akong humawak sa akin."

Hinayaan na lang namin sila doon at pumasok sa loob ng building. Bawat madaanan namin may mga hostage sila, wala naman kahirap-hirap na pinatumba nina Xia at Jason ang mga kalaban.

"Tumakas na kayo," sabi ni Xia sa mga hostage.

Ayos lang naman na magsalita kami dahil may voice changer sa suot namin.

"S-sino ka?" tanong ng isa sa kanila habang tumitingin sa paligid.

"Tumakas na lang kayo kung ayaw niyo mamatay," sabi naman ni Jason. Napatakbo sila sa takot.

Umakyat na kami sa second floor pagkatapos namin malibot yung first floor. Katulad ng ginawa nila kanina, ganun din ginawa nila sa iba hanggang mapadpad kami sa rooftop.

"Sino yan?" tanong ng isa sa kalaban. Sabay- sabay silang napatutok ng baril sa amin nang buksan namin yung pinto.

Hindi nila alam na nakalapit na kami sa kanila.

"Mag-iingat kayo. Nasa paligid sila," sabi ng isa sa kanila. Sinubukan kong lumapit sa kanya para hawakan pero laking gulat ko nang umatras siya bigla saka tinutok yung baril sa akin.

Napangiti na lang ako dahil sigurado akong hindi siya normal na tao.

Dito pa lang mag-uumpisa ang laban.

Bigla niya tinutok yung baril sa hostage nila.

"Magpakita kayo kung ayaw niyong patayin ko sila," aniya habang tumitingin sa paligid.

Hindi niya kami nakikita pero paano niya nalalaman na nasa paligid lang kami?

"Mag-ingat kayo. Bampira ang isang yan," rinig kong sabi ni Kenji mula sa clip on earings na gamit ko. Lumayo ako doon sa lalaki.

"Patingin ako ng mga kalaban para malaman ko kung bampira rin sila," utos sa amin ni Kenji.

Rinig ko ang tunog ng keyboard niya, tanda na nakamonitor siya sa amin. May camera rin kasi yung contact lens namin kaya nakikita niya lahat ng nakikita namin kahit malayo siya.

Tinignan namin yung mga kalaban, mga nasa labing dalawa sila. Kapansin-pansin na lahat sila nakashades; hindi ko tuloy alam kung pula mata nila.

"Tama hinala ko. Lahat sila bampira. Maging alerto kayo. Baka hindi lang sila ang kalaban," paalala niya sa amin at tama nga siya dahil biglang may batang bumagsak sa akin.

"Kita kita," aniya habang nakaupo sa tiyan ko. Nakangiti ito na mapang-asar. Sumuntok ako pero lumundag lang ito.

Umikot ito sa ere saka sinipa si Jason. Hinarang naman agad ni Jason ang braso niya kaya balewala lang ito. Sunod niyang inatake si Xia pero sinalo lamang ng kapatid ko yung paa niya.

"Waaahhhh!" sigaw nito nang hilain siya ni Xia saka hinagis.

"I see," sambit ni Xia habang nakatingin sa kamay niya.

Sa aming tatlo si Xia yung may nakakatakot na kakayahan. Isang hawak lang niya, malalaman na niya ang kakayahan ng isang bampira at nagagawa niya rin ito gayahin.

Itutuloy..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top