CHAPTER 23

CHAPTER 23

Zander's POV

"Nakahanda na ang lahat. Ito ang plano, magpapanggap sila Zander at Bliss na mag-asawang naghahanap ng aampunin," paliwanag ni Trevor sabay tingin sa amin.

"Kukunin ni Bliss ang atensyon nila habang kinukuhaan ni Zander ng litrato at video ang bawat sulok ng ampunan gamit itong salamin."

Binigay niya sa akin ang salamin na galing kay Sir Takeshi. Galing pa daw iyon sa USA.

"Lahat ng kuha mo automatic na magsesend sa latop ni Claude. Mag-iingat kayo," paalala ni Trevor sa amin. Tumango bilang tugon.

"Okay," sagot ni Bliss.

Sinuot ko ang salamin na bago lumabas ng sasakyan.

"Bliss, alam mo na gagawin mo. Siguradong may hidden room sila," sabi ni Trevor.

Ito ang dahilan kung bakit kaming dalawa ang napiling pumasok sa ampunan; malaki ang maitutulong ng kapangyarihan namin sa pagkuha ng impormasyon.

"Excuse me. We have an appointment to Sister Ana. I'm Mrs Delos Reyes and this is my husband," sabi ni Bliss. Pinakita niya ang pekeng ID namin.

"Pasok po kayo," sabi nag guard nang makita ang ID.

"Weird. Masyadong maluwag security guard nila para sa illegal na gawain," bulong ni Bliss.

"Kung maghihigpit sila, mas mukhang kahina-hinala ang kilos nila."

"Good Morning Maam and Sir. Kayo po ba sina Mr. and Mrs. Delos Reyes? I'm Sister Ana," tanong ng isang madre.

"Opo. Masaya akong makilala ka sister" sagot ni Bliss saka nakipagkamay. Nakipagkamay din ako pagkatapos niya.

"Tuloy kayo. Ano po bang gusto niyo lalaki o babae?" tanong niya habang papasok kami.

Bumungad sa amin ang mga batang masayang naglalaro sa isang playground, mga nasa edad na tatlo hanggang limang taong gulang sila.

"Babae po. Honey, ako na lang bahala makipag-usap kay Sister Ana tungkol sa requirement and procedure ng pag-ampon," sabi ni Bliss.

"Sige. Dito na lang ako kasama ng mga bata," sagot ko.

Isa-isa kong kinuhaan ng larawang ang mga bata bago ko sinuri ang paligid. Maayos naman ang pagkakagawa. May nakita din akong cctv camera sa bawat sulok.

"Mister, nandito po ba kayo para kunin kami ng kapatid ko? Sabi po kasi ni Sister Ana, may bibisita daw dito para mag-ampon. Nakikiusap po ako, kami po piliin niyo. Ayoko pong maghiwalay kami," sabi ng isang batang babae habang hawak-hawak ang bata niyang kapatid.

Umupo ako para maging katapat siya saka siya hinawakan sa ulo.

"Anong pangalan mo?"

"Jia po."

"Wag ka mag-alala, makakaalis din kayo dito. Pwede mo ba ako samahan maglibot?"

"Opo," masiglang sabi niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at sinama sa paglilibot ko. Isa-isa kong binuksan ang mga pintong nadaanan namin.

"Dito po kami kumakain," sabi ng batang babae nang mabuksan ko ang dining hall. May mga mahahabang mesa at maraming upuan at sa harap nila ang isang counter.

Sunod naman namin napuntahan ang kwarto nila. Magkahiwalay ang kwarto ng babae at lalaki. Sa isang kwarto may 20 na kama. Kung titignan mukhang normal lang na ampunan ito at mukhang maayos naman nilang naalagaan ang bata.

Pagkatapos ko maglibot, bumalik na kami sa playground at saktong tapos na mag-usap sila Bliss.

"Kamusta? May napili ka na ba?" tanong ni Bliss.

"Yeah. Pwede ba kaming mag-ampon ng dalawa? Gusto ko sana si Jia at yung kapatid niya," sabi ko. Sa totoo lang gusto ko silang makaalis agad sa lugar na ito. Ayon sa nakita ko mula sa memorya nila, hindi pa nila nararanasan ang naranasan ni Rain. Ayaw ko ring mangyari sa kanila yun.

"Walang problema," sagot ni Sister Ana.

"Maraming salamat po. Alis na po kami," paalam ni Bliss.

"Anong balita?" tanong ni Trevor, pagkasakay namin. Tinanggal ko ang suot kong salamin saka binalik sa kaniya.

"Hindi ko nakita yung lugar na nasa memorya ni Rain. Lahat ng mga batang pinakita nila sa amin, wala pang koneksyon sa lugar na yun. Kung tama ang hinala ko mga nasa anim pataas na edad lamang ang dinadala nila doon," sagot ko.

Agad na nagsulat ng report sa laptop niya si Claude. Nilagay niya ang lahat ng sinabi ko.

"Ikaw Bliss?" tanong ni Trevor.

"May hidden room sa opisina ni Sister Ana. Meron akong nakitang hagdanan sa ilalim ng sahig," sagot ni Bliss.

"Baka ayun ang daanan papunta sa lugar na pinanggalingan ni Rain," sabi ni Claude sabay sulat.

Pagkatapos ni Claude ayusin ang lahat ng impormasyong nakuha namin, nagtunggo kami sa headquarter para ibigay ito kay Sir Takeshi.

"Sir Takeshi, dala na po namin ang impormasyon na nakuha namin," sabi ni Trevor.

"Magaling! Maasahan ko talaga kayo," puri ni Sir Takeshi sa amin. Binasa niya ang report na ginawa namin. "Walang duda. Tugma lahat ng nakuha niyong impormasyon sa nakita ko kay Rain. Hanggang limang taon gulang lang ang nakita niyong pinakamatanda dahil oras na mag-anim na taon sila, hinihiwalay sila ng kwarto."

"May nakita akong nakatagong hagdan sa ibaba ng opisna ni Sister Ana. Pero masyado itong mahaba kaya hindi ko din nakita kung ano talaga ang nasa ilalim," sabi ni Bliss.

"Sa nakita ko, inabot ng 15 minutes si Rain para lang makaakyat sa hagdan na yun."

"15 minutes? Ganun kalalalim ang hidden laboratory nila?" tanong ni Claude.

"Hindi. Tumagal siya sa pag-akyat hindi dahil sa lalim. Kundi sa layo nito mula sa ampunan. Hindi sa ilalim ang ampunan ang laboratory nila. Daanan lamang ito patungo doon. Malakas ang kutob ko na iba ang nasa ibabaw ng laboratory nila. Mahihirapan tayo nito."


"Ano po gagawin natin?" tanong ni Trevor.

"Hindi tayo pwedeng basta na lang sumugod sa kanila. Wala din tayong sapat na ebidensya sa ginagawa nila. Sa ngayon kailangan muna natin sila obserbahan," tugon ni Sir. Takeshi.

"Paano yung mga bata? Hahayaan na lang ba natin sila?" tanong ko.

Alam ko kung ano mangyayari sa kanila oras mahuli kami. Anumang oras pwedeng dalhin doon ang mga nasa edad  limang taong gulang.

"Zander..." sambit ni Bliss.

"Ayokong matulad sila kay Rain. Gusto ko silang makaalis sa ampunan na yun,"  sabi ko subalit isang ngiti lamang ang tinugon sa akin ni Sir Takeshi.

"Sir Takeshi!" sigaw ko sabay hampas ng mesa niya habang nakikipagtitigan sa kanya. Hindi ko talaga siya minsan maintindihan ito. Hindi ba siya nag-aalala sa mga bata?

"Naiintindihan ko. Maghahanap ako ng mag-asawang pwedeng umampon sa kanila," suhestiyon ni Sir Takeshi. Nakahinga ako ng maluwang dahil sa sinabi niya.

"May dalawang bata doon na magkapatid. Kung maari po sana, wag niyo silang paghiwalayin."


"Walang problema. Akong bahala sa kanila," aniya na para bang alam na niya ang nasa isip ko. Hindi rin naman ako magtataka kung alam niya ang laman ng isip ko.

"Trevor, aalis ako bukas, dadalhin ko sa america si Rain. Doon muna siya sa kakilala ko habang mainit pa ang mga mata sa kanya ng kalaban. Ikaw na muna bahala sa CLA habang wala ako."

"Yes sir," sagot ni Trevor.

Nagpaalam na kami pagkatapos namin mag-usap. Hanggang maari ayaw namin pumupunta dito sa HQ,  tuwing nakikita kami ng iba naming kasamahan kapansin pansin ang takot at inis sa mga mukha nila. Kaya may ibang opisina si Sir Takeshi, para hindi na kami pumunta dito.

Xia's POV

"Good morning," bati sa amin ni Mr. Zeus; pagkabukas ko ng pinto.

"Good morning," sagot ko.

"Nagtataka siguro kayo kung bakit napadalaw ako ng ganitong kaaga? Nandito ako para sunduin kayo."

"Saan po tayo pupunta Sir Zeus?"

"Uncle Hayato na lang itawag niyo sa akin. Pero pwede rin Papa Hayato kung gusto mo."

"Uncle na lang po."

"Dadalhin ko kayo sa opisina ko. Nasabi ba sa inyo ng daddy niyo na magsasanay kayo sa akin?"

"Opo. Nasabi po sa akin ni Dad," sagot ni kuya.

"Sanayin saan?" tanong ko. Wala naman sinabi sa akin sila dad.

"Sanayin para makakontrol natin ng maayos ang special ability natin," paliwanag ni kuya.

"Ahh!"

Tumango ako at napaisip kung ano bang klaseng ability meron. Hanggang ngayon hindi pa rin malinaw sa akin lahat.

"Para sayo nga pala," sabi ni uncle Hayato sabay abot ng plastic na may apple.

"Salamat po," pagpapasalamat ko.

"Upo po muna kayo," sabi ni kuya nang mapansin niyang kanina pa kami nakatayo sa may pintuan. Nakalimutan ko din na patuluyin siya dahil sa pag-uusap namin.

"Ako muna maliligo," paalam ni Jason.

"Sige. Huli na ako," tugon ni kuya.

Habang naghihintay kami, hinugasan ko yung isang apple saka kinain. Pagkagat ko nagulat ako na kulay pula ang laman nito.

"Bakit kulay pula?" tanong ko sabay amoy sa apple. Parang amoy dugo?

"Nakalimutan ko sabihin. Nilagyan ko ng dugo yan kanina. Nabanggit sa akin ng mama mo na ayaw mong uminom ng dugo. Naisipan namin gawin yan para kahit papaano makainom ka ng dugo. Mamatay ka kapag hindi ka uminom ng dugo. Pwede ka din masiraan ng ulo. Tandaan mo na kahit artificial vampire ka, para ka na din bampira. Kahit kumain ka pa ng marami, hindi sapat yun para sayo. Hahanp ka pa rin ng dugo katagalan."

Napabuntong hininga ako. Simula nung nainom ko yung dugo ni kuya, hindi na ulit ako uminom. Dahil doon, lagi akong gutom kahit na kumain ako ng marami; ganun pa rin. Mukhang wala talaga ako magagawa kundi kainin itong apple na may dugo. Ayaw ko naman mabaliw tulad ng sinasabi niya.

"Isipin mo na lang na normal lang na apple yan," nakangiting sabi ni kuya.

Tumango ako bilang tugon saka kinain yung apple. Mas mabuti na yung ganito kaysa direkta kong inumin yung dugo. Hindi talaga ako sanay na mangagat ng tao para lang makainom ng dugo.

Pagkatapos namin makapag-ayos, nagpunta na kami sa opisina ni Uncle Hayato.

"Bahay?" tanong ko. Akala ko ba sa opisina niya? Bakit bahay?

"Oo. Dito ako nakatira at dito rin ang opisina ko," aniya bago binuksan ang pinto.

"Welcome back papa," sambit ng isang batang babae na may suot na headphone. Sinabi niya yun nang hindi binubuka ang bibig.

"Nasaan si Kenji?" tanong ni uncle.

"Lumabas po saglit, kasama si Kia."

"Wow! Ang galing. Nakikipag-usap siya nang hindi nagsasalita," sambit ni Jason. Kahit ako namangha. Hindi naman sa akin bago ang ganito dahil palagi ako kinakausap sa isip ni Zander, pero pakiramdam ko may kakaiba sa pakikipag-usap niya.

"Siya nga pala si Kyla. Hindi talaga siya siya nakakapagsalita. Nagagawa niyang makipag-usap sa atin gamit ang telepathy."

"May special ability din siya?" tanong ko dahil sigurado ko na iba yung kanya sa ginagawa ni Zander.

"Wala. Normal na bata lang siya. Gamit ang suot niyang headphone, nagagawa niyang makipag-usap sa atin gamit ang isip. Pero kumpara sa telepathy talaga, hindi niya kayang basahin ang nasa isip natin. Pero kaya niyang mabasa ang kilos at ang nararamdaman niyo dahil sa suot niyang contact lens. Naiintindihan niya ang sinasabi natin sa pamamagitan ng galaw ng bibig natin."

"Cool. Parang sa robot."

Natawa na lang si uncle sa sinabi ko.

"Nandito na po pala kayo Sir Hayato," sabi ng isang lalaki na kakapasok lang, may hawak siyang batang babae.

"Papa!" sigaw ng bata sabay bitaw sa lalaki at yakap kay uncle.

"Nagpakabait ka ba habang wala ako?" tanong ni uncle sabay buhat sa bata.

"Opo. Sino po sila?"

"Sina Xia, Xavier at Jason nga pala. Sila ang bago niyong makakasama dito."

Ngumiti sa amin ang bata saka nagpakilala. "Hello po. Ako si Kia."

"Hello Kia," nakangiting sagot ko.

"Ehem. Ako naman si Kenji, ang assistant ni Sir Hayato," pakikipagkilala sa amin ng lalaki sabay lahad ng kamay sa harapan ni kuya. Kung tama ako mga kasing edad ko lang siya.

"Xavier," pakilala ni kuya habang nakikipagkamay.

"Nice to meet you Kenji," sambit ko nang sa akin naman siya nakipagkamay.

"Kenji, ikaw na bahala sa kanila. Ilibot mo sila sa opisina at ituro mo na rin kung ano ang hindi nila dapat galawin.  Pati na rin kung paano gamitin yung mga invention mong gamit," utos ni uncle. Tinignan niya kami. "Maiwan ko na kayo at maraami pa ako gagawin."

Third Person's POV

"Ganito gagawin mo. Mamayang hapon. Kumatok ka doon. Sa loob niyan may lalaking may eyepatch, ibigay mo sa kanya itong sulat at siya na bahala sayo. Okay?" sabi ng isang lalaki sa isang bata. Tinuro nito ang bahay ni Mr. Zues.

"Hindi po kayo sasama?" tanong ng bata.

"Mas maganda na hindi niya ako makita. Iwan na kita dito; ito pera panggastos mo.  Mabait naman ang mga nandyan kaya wala ka dapat ikabahala. Kung may problema, tawagan mo lang ang numerong ito," bilin ng lalaki sabay abot ng pera at calling card sa bata. Iniwanan niya rin ito ng pagkain bago umalis.

Samantala sa loob ng bahay ni Mr. Zeus o Hayato, narinig niya Xia ang biglaang buhos ng malakas na pag-ulan. Sumilip siya sa bintana.

"Parang kanina lang ang ganda ng panahon," sabi ni Jason habang nakikisilip din.

"May problema ba Xia?" tanong ni Xavier nang mapansin nito ang pagkabahala sa mukha ni Xia.

"Ayos lang kaya siya?" bulong ni Xia.

"Sinong siya?" tanong ni Jason.

"Yung bata... Kanina pa siyang umaga diyan, hanggang ngayon hindi pa rin siya umaalis sa pwesto niya."

"Bata?" tanong ni Mr. Hayato sabay tingin sa bintana. Nang makita nito ang bata, agad ito lumabas bitbit ang isang payong. Nilapitan niya ang bata upang pauwiin dahil sa lakas ng ulan.

"Bata, ano ginagawa mo dito? Umuwi ka na sa inyo," aniya sabay payong sa bata.

Tumingala ang bata sa kanya at nang mapansin nito ang suot na eyepatch ni Mr. Hayato, hindi na ito nagdalawang isip na abutin ang sulat na kanina pa niya pinoprotektahan para hindi mabasa.

"Para sa akin ba yan?" tanong ni Mr. Hayato. Tumango ang bata.

Binuksan ito ni Mr. Hayato at tahimik na binasa.

Para sa pinakamamahal kong kapatid, nais kong iwanan sayo ang anak-anakan ko na si Rain. Alam ko hindi ko na kailangan ipaliwanag sayo ang lahat, dahil isang tingin mo lang sa kanya malalaman mo na ang lahat. - Zack

"I see. Bakit ngayon mo lang sa akin binigay ito?" tanong niya sa bata.

"Sabi po sa akin ni tito, hintayin ko po muna maghapon," sagot nito.

"Si Zack talaga," bulong ni Mr. Hayato. "Tara sa loob. Simula ngayon sa bahay ka na titira."

Nakita ni Xia ang buong pangyayari. Kumuha siya ng tuwalya saka sila sinalubong.

"Ayos ka lang ba bata? Basang-basa ka," sabi niya sabay punas kay Rain.

"Siya nga pala si Rain. Dito na muna siya titira," pahayag ni Mr. Hayato.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top