CHAPTER 22
CHAPTER 22
Xia's POV
'Ladies and gentlemen, welcome to Los Angeles International Airport. Local time is 6:52 pm and the temperature is 19°C.'
"Xia, gising! Nandito na tayo!"
Panggigising sa akin ni kuya habang tinatapik ako sa balikat.
"Hmmm."
Kinusot ko ang mata ko at saka umayos ng upo.
"Mag-ayos ka na. Baba na tayo," utos sa akin ni kuya.
"Kuya, saan nga pala tayo titira?" tanong ko.
"Doon sa kaibigan nila dad. Susunduin daw tayo dito."
Bumababa na kami sa eroplano at kinuha ang mga gamit namin.
"Siya na yata yung susundo sa atin," sabi ni Jason sabay turo sa isang lalaki na may hawak na papel na may pangalan namin. Nakaupo ito habang nakatakip sa mukha niya ang dyaryo. Mukhang nakatulog ito habang naghihintay.
"Gisingin mo," utos ni kuya kay Jason.
"Bakit ako? Ikaw na," reklamo ni Jason.
"Ako na! Excuse me sir," sabi ko sabay hawak sa balikat nito. Bigla itong bumangon at dahil sa gulat namin, napaatras na kami.
"Nasaan ako? Ano ginagawa ko dito?" tanong niya habang tumingin sa paligid. Napatingin ito sa papel na may pangalan namin. "Oo nga pala. Susunduin ko nga pala sila Xia."
Nagkatinginan kami nila kuya. Mukhang hindi niya kami napansin.
"Kuya mukha siyang gangster. Nakakatakot pero parang nakita ko na siya dati," bulong ko habang nakatingin doon sa lalaking may eyepatch na natutulog kanina.
"Hindi ako gangster," sambit ng lalaki sabay lingon sa amin.
Waaahhh! Paano niya narinig yung sinabi ko? Malayo naman kami sa kanya. Patay ako.
Sa sobrang kaba ko nagtago na lang ako sa likod ni kuya nang lumapit ito sa amin.
"Good Morning po sir!" bati ni kuya sa kanya.
"Good Morning. Ikaw si Calvin? Right?"
"Yes sir!"
"Ikaw naman si Jason?"
"Opo," sagot ni Jason sa kanya.
"At ikaw si Xia?" turo sa akin nung lalaki.
Tumango ako bilang tugon. Ngumiti ito sa bigla.
"Welcome to California. I'm Zeus Hudson. Ako bahala sa inyo habang nandito kayo," aniya at isa-isa kaming kinamayan.
"Hudson? May kilala po ba kayong Zander?" tanong ni Jason.
"Naalala ko na! Kayo po yung papa ni Zander?" sambit ko.
Siya yung lalaki sa panaginip ko. Yung lalaking may eyepatch na kasama noon ni Zander na pumunta sa bahay.
"Hahahaha. Ako nga. Madalas kami magpunta sa bahay niyo noon. Palagi pa nga kayo naglalaro ni Zander habang nag-uusap kami ng daddy niyo. Kamusta na kaya ang batang yun? Matagal na nung huli ko siyang nakita," pagkukwento niya.
"Bakit hindi niyo po siya dalawin?" tanong ko.
"Ang alam niya namatay ako pagkatapos ko sila iwanan," saglit na lumungkot ang mukha niya pero agad din ito napalitan ng ngiti. "Sigurado gutom na kayo dahil sa biyahe. Kumain muna tayo bago ko kayo ihatid sa tutuluyan niyo."
Third Person's POV
Sa isang madilim na daanan, malapit sa paaralan nila Zander, may batang hinahabol ng mga bampira.
"Tulong! Tulungan niyo ko," sigaw ng bata habang tumatakbo.
"Ayun siya. Wag niyong hahayaang makatakas siya," sigaw ng isa sa humahabol sa kanya.
Biglang nadapa ang bata gawa ng madulas na daan dahil sa pag-ulan. Limang bampira ang tumalon mula sa nagtataasang building at pinalibutan siya.
"Hindi ka na natuto bata. Tumakas ka nanaman," sambit ni Leo. Isa siya sa limang bampira.
"Bumalik na kayo sa ampunan. Kami na bahala sa kanya," utos ni Sagittarius sa mga taong humahabol sa bata. Sumunod naman sa kaniya agad ito dahil mas mataas ang posisyon niya sa kanila.
"Maawa po kayo sa akin. Pangako hindi na ako tatakas," takot na sabi ng batang lalaki.
"Gutom na ako. Pwede bang dugo na lang niya ang hapunan natin," sabi ni Capricorn saka ito dimila sa labi.
"Hindi natin siya pwedeng galawin. Malalagot tayo kay boss," paalala ni Virgo.
"Dalian niyo na. Gusto ko na umuwi," sambit ni Aries.
"Bitawan mo ko!" sigaw ng bata nang hilain siya ni Leo. Nagpupumiglas ito habang paulit-ulit na sumisigaw.
Narinig ito nila Claude na saktong napadaan. Nang makita nila ito, hindi na sila nagdalawang isip na tumulong. Binaril ni Zander ang kamay ni Leo.
"F*ck! Sino--" bago pa matapos ni Leo ang sasabihin niya sinipa na siya ni Trevor.
"Dito tayo," sabi ni Bliss pagkatapos hilain ang bata.
Hinabol naman sila agad ni Virgo ngunit hinarangan siya ni Claudine.
"Kami ang kalaban niyo," sabi ni Claudine sabay atake kay Virgo.
Sinuntok ni Sagittarius si Claude ngunit mabilis siyang naiwasan nito. Pagkailag ni Claude sumipa siya sa tagiliran ni Sagittarius. Nagkasa ng baril si Zander at itinutok kay Capricorn.
"Wala kaming panahon makipaglaro sa inyo. Umalis na kayo bago ko pa ito iputok sa inyo," sambit ni Zander.
Natigilan ang lahat dahil sa sinabi niya. Tumayo si Leo habang hawak hawak ang tama niya sa kamay.
"Umalis na tayo," aniya sa mga kasama niya. Matalim niyang tinignan si Zander bago ito naunang umalis.
"Teka! Paano yung bata?" reklamo ni Capricorn sabay lingon sa bata. Agad itong nagtago sa likod ni Bliss dahil sa takot.
"Babalikan natin siya," sabi sa kanya ni Aries saka siya hinila paalis.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Bliss sa bata. Umupo ito para makapantay niya ng laki.
Tumango ito bilang tugon.
"Salamat po."
"Saan ka ba nakatira? Hatid ka na namin," tanong ni Trevor. Yumuko lamang ang bata.
Napansin ni Zander ang takot nito kaya hinawakan niya ito sa ulo upang makakuha siya ng impormasyon. Binasa niya ang nasa isip nito at pati iilan sa memorya ng bata nakita niya.
"Ayos na ang lahat. Ligtas ka na," sabi niya sa bata. Nag-umpisang umiyak ang bata at dahil sa awa niyakap siya ni Bliss. Hinayaan lang nila ito umiyak hanggang sa makatulog ito. Kinuha siya ni Trevor kay Bliss upang buhatin para maidala nila ito sa opisina ni Mr. Takeshi.
"Yow!" bati ni Claude.
"Sino yang batang yan?" tanong ni Mr. Takeshi.
"Kailangan niya ng matutuluyan," sabi ni Zander. Lumapit si Mr. Takeshi at hinawakan ito.
Nakita niya ang pinagdaanan ng bata mula sa bahay ampunan. Kinukuhaan sila ng dugo ng mga taong nasa ampunan. Tuwing nahuhuli silang tumatakas, isa-isa silang sinasaktan hanggang sa hindi na ito makatayo. Kahit saan sila magpunta, palagi silang nakikita ng mga bampira na nakakaharap nila Zander.
"Galing siyang ampunan. May tracker silang nilagay sa loob ng katawan ng bata," sambit ni Mr. Takeshi pagkatapos makita ang lahat. Tinignan nito ang balikat ng bata at doon nakita nila ang isang peklat. "Kailangan natin maalis iyon bago pa nila tayo puntahan."
"Paano?" tanong ni Bliss.
"Akong bahala. Trevor, patulugin mo siya ng mahimbing. Siguraduhin mong hindi siya agad magigising. Bliss, hanapin mo kung saan banda ang tracker," utos ni Mr. Takeshi. Nilabas nito ang mga gamit niya na katulad sa mga doctor. Hiniga nila sa sofa ang bata saka nila ginawa ang sinabi ni Mr. Takeshi.
"Doon mismo sa peklat niya. May nakikita akong maliit na device," sabi ni Bliss.
Nilagyan ni Mr. Takeshi ng anesthesia ang balikat ng bata bago umpisang hiwain ang balikat nito para makuha ang tracker.
"May paparating," sabi ni Claude. Agad na pumosisyon sila Trevor.
"Hindi ko akalain na ganito nila tayo kabilis makikita. Ipunin niyo lahat ng mga gamit ko. Anumang oras papasabugin nila ito," utos ni Mr. Takeshi habang tinitignan ang maliit na device na nakuha niya. Inaasahan na niya ang mangyayari simula nang malaman niya na may tracker sa bata. Tinahi niya ang sugat ng bata at saka binalutan ng benda.
Pinaputukan sila ng kalaban dahilan para mapayuko sila at magtago. Nilabas nila ang mga baril nila saka nakipagbarilan.
Kinuha ni Mr. Takeshi ang laptop niya at iilang papales saka nilagay sa briefcase. Habang si Claudine ay busy sa paglalagay ng ibang gamit sa isang box. Konti lamang ang mga ito kaya natapos siya agad. Niyakap ni Bliss ang batang lalaki para maprotektahan.
Bang! Bang! Bang! Sunod-sunod ang pagputok ng baril ng pa nakikilalang kalaban. Halos mabasag ang lahat ng salamin ng bintana ni Mr. Takeshi dahil sa barilan. Tuloy lang ito sa pagbaril hanggang sa tuluyang masira ang bintana. May nagbato ng bomba sa kanila.
"Takbo!" sigaw ni Trevor nang makita niya ito. Dali-dali silang lumabas ng opisina at tumakbo palabas ng building.
BOOM! Putok ng bomba, mabuti na lang hindi ito ganun kalakas para madamay ang buong building. Pagkatapos ng pagsabog saka pinasok ng kalaban ang lugar.
"Nakatakas sila," sambit nito at galit na sinipa ang mga gamit na nagkalat.
Samantala, dumiretso sila Trevor sa bahay nila at bumalik naman sa headquarter ng CLA si Mr. Takeshi.
Kinaumagahan...
"Good Morning," bati ni Trevor sa bata pagkakita niya na gising na ito. Hindi ito tumugon at napahawak sa balikat niya na may benda.
"Masakit ba yung sugat mo? Pasensya na. Kinailangan kasi namin tanggalin yung tracker para hindi ka na masundan. Ano nga pala pangalan mo?" tanong ni Bliss.
"Rain," sagot nito.
"Rain, ako nga pala si Ate Bliss. Siya naman ang Kuya Trevor mo. Yung tatlong may sariling mundo naman sina Kuya Zander, Ate Claudine at Kuya Claude," pakikipagkilala ni Bliss. Isa-isa niyang tinuro ang apat.
Tingnan lang siya ni Zander na busy sa cellphone niya. Kahit na may suot utong earphone, nababasa niya ang nasa isip ng mga kasama niya kaya alam niya pa rin ang nangyayari sa paligid. Ganun din ang ginawa ni Claudine na nagbabasa naman ng libro. Kumaway naman at ngumiti si Claude kay Rain bago tinuloy ang ginagawa sa laptop.
"Wag ka mag-alala mababait ang mga yan. Maupo ka na. Kakain na tayo," sabi ni Trevor sa bata.
Tinulungan ni Bliss si Rain na makaupo. Tinawag naman ni Trevor sila Zander para sabay-sabay na silang kumain. Gusto niya iparamdam sa bata na welcome ito sa kanila.
"Rain, may alam ka ba na pwede mong uwian?" tanong ni Bliss. Umiling si Rain bilang tugon.
"Ano daw ba balak ni Sir Takeshi sa kanya?" tanong ni Claudine.
"Sigurado aampunin niya si Rain. Alam mo naman si tanda," tugon ni Claude.
"Sino po si Sir Takeshi?" tanong ni Rain.
"Siya nag-alaga sa amin nung bata pa kami. Katulad mo din kami noon, walang mapuntahan kaya kinupkop niya kami," sagot ni Bliss.
"Tao po ba siya?"
Natigilan sila sa tanong ng bata. Nagtinginan sila at naghintayan kung sino sasagot. Hindi alam ni Bliss kung sasabihin ba niya ang totoo o hindi. Natatakot siya na baka kapag malaman nito ang totoo, matakot sa kanila.
"Hindi," sagot ni Zander.
Namutla si Rain at nag-umpisang manginig. Gusto niya umalis sa kinauupuan niya at tumakbo subalit napapangunahan siya ng takot.
"Wag niyo po ako ibigay sa kanya. Please po. Dito na lang po ako. Pangako magpapakabait ako," takot na sabi ni Rain.
"Hindi rin kami tao."
"Zander!" sambit ni Bliss nang mapansin niyang lalong natakot si Rain.
Pinilit makaalis ni Rain sa kinauupuan niya kahit pa nanginginig ang katawan nito. Nadapa pa ito dulot ng panlalambot ng tuhod. Natatakot siya na kapag hindi siya umalis, sasaktan siya nito o sisipsipin ang dugo niya tulad sa nakikita niyang ginagawa ng mga bampirang humahabol sa kanya. Minsan na kasi niya itong nakitang sumisip ng dugo sa isa mga nag-aalaga sa kanila sa ampunan.
"Rain..." tawag ni Bliss dito habang lumalapit. Nataranta lalo ang bata.
"W-wag kang la--lapit sa a-akin. Ka--tulad ka din nila," utal na sabi ni Rain.
"Hindi ka namin sasaktan. Wag ka matakot."
"Nooo! Niloloko niyo lang. Waahhhhh!! Mama! Papa! Waaahhhh!"
Sa sobrang takot nito, napaiyak si Rain. Hindi niya inaasahan na ang akala niyang mabuting tao na tumulong sa kanya ay katulad din ng mga humahabol sa kaniya.
Lumapit sa kanya si Zander saka niya hinawakan sa balikat si Rain. Tumigil ito sa pag-iyak at natulala kay Zander.
"Tao man kami o hindi, wala pa rin pinagkaiba sa inyo. Katulad ng mga tao may mabubuti at masamang kagaya namin. Mas gugustuhin mo bang mapunta sa tao pero gagawan ka naman ng masama? Tingin mo ba walang taong tumutulong sa mga bampirang humahabol sayo?" tanong ni Zander habang nakatingin ng diretso kay Rain.
"Rain, nandito kami para tulungan ka. Pangako poprotektahan ka namin sa mga bampirang humahabol sayo. Hindi ka namin babalik sa ampunan," sabi ni Trevor.
"Pangako?" tanong ni Rain.
"Pangako," sagot ni Trevor .
"Kain na tayo. Mamaya ipapakilala ka namin kay Sir Takeshi. Wag ka mag-alala mabait yun," sabi ni Bliss. Tumango si Rain saka lumapit sa kanya.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top