CHAPTER 21
CHAPTER 21
Xia's POV
"Mamayang gabi na alis natin. Baka may gusto ka pang gawin bago umalis?" tanong ni kuya.
"Gusto ko lumabas," tugon ko habang nakasilip sa bintana.
Simula noong nagising ako, hindi nila ako pinapayagang lumabas. Delikado daw para sa akin kapag may nakakita, lalo na hindi ko pa alam kontrolin ang kapangyarihan ko.
"Gusto mo ba talaga?"
Tinanguan ko siya bilang tugon.
Bumuntong hininga siya, "Sige pero kasama ako," aniya saka ako tinalikuran. "Magbihis ka na. Magsuot ka ng hood para hindi ka makilala."
"Salamat kuya," sabi ko sabay habol sa kanya upang yakapin.
Pagkatapos kong magbihis, nakita ko siyang naghihintay sa labas ng kwarto ko.
"Saan tayo unang pupunta?" tanong niya.
"Dalawin muna natin sila Mama," tugon ko.
Pagkadating namin sa sementeryo, binaba ko ang bulaklak na dala namin sa puntod nila mama.
"Kuya may tanong ako."
"Hmmm?"
"Nilibing ka ba talaga dito? O pinalabas lang nila na patay ka na?"
Umupo siya sa harap ng lapida at hinawakan ang pangalan niya.
"Nakalibing talaga ako nung una. Hinukay lang ako nila Jason ulit. Siguro kung hindi kita nakuha kila Zander baka nailibing ka na din nila."
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Tinatakpan mo pa mukha mo tuwing nagpapakita ka. Kung alam ko lang na ikaw yung palaging tumutulong sa akin, hindi ko na susubukang magpakamatay."
"Balak muna sana namin tapusin ang misyon bago magpakita sayo. Mas mabuti sayo kung hindi ka magkakaroon ng koneksyon sa organisasyon habang hindi ka pa ganap na artificial vampire. May sasabihin ka pa ba kila mama? Kung wala na, alis na tayo para marami tayong mapuntahan."
"Alis na po kami. Matagal po siguro kami makadalaw ulit," paalam ko kila mama. "Kuya, pwede ba ako magpaalam kila Bliss?"
"Magpapakita ka sa kanila? Sigurado ka ba diyan?" tanong niya. Pakiramdam ko tuloy ayaw ni kuya na magpakita ako sa kanila.
"Sila naging pamilya nung mga panahong nag-iisa ako. Nakakahiya naman kung hindi ako magpapaalam sa kanila. Saka gusto ko sila makita bago tayo umalis."
"Okay. Kung ayan talaga gusto mo."
Nagmaneho siya patungo sa bahay nila Zander. Pumasok kami sa loob; mabuti na lang meron pa ako susi.
"Wala sila. Friday ngayon, baka nasa school pa sila," sabi ni kuya.
Pumasok ako sa kwarto ko. Walang nagbago sa ayos nito kahit na matagal na akong hindi umuuwi. Napanatili din nila itong malinis.
Napansin ko ang whiteboard ko sa study table. Kinuha ko ito bago hinarap si kuya.
"Tara sa school," sabi ko.
Mabuti na lang kilala ako ng guard kaya pinapasok kami agad sa loob.
"Nagkaklase pa sila. Ano balak mo?" tanong sa akin ni kuya pagkatapos sumilip sa may pinto. Napatingin ako sa whiteboard ko nang may naisip ideya kung paano ako makikipagkita.
Zander's POV
"Zander."
"Zander, naririnig mo ba ako?"
"Zander."
Napadilat ako bigla nang marinig ko ang boses ni Xia sa isip ko. Umayos ako ng upo at napatingin sa harapan kung saan nagtuturo si Mrs. Reyes.
"Zander..."
"Mr. Hudson, may problema ba?" tanong sa akin Mrs. Reyes nang tumayo ako. Hindi ko siya sinagot at lumapit sa pinto. Napatingin ako sa sahig nang mapansin ko ang isang whiteboard. Pinulot ko ito at binasa ang nakasulat.
"Ano yan?" tanong ni Trevor. Pinakita ko sa kanya ang whiteboard.
"Rooftop," basa niya sa nakasulat. Nagkatinginan kami.
"Mr. Hu--"
"Pasensya na sa abala. Please excuse us," paalam ni Trevor saka sinenyasan sila Claudine.
"Kay Xia yan ha? Paano napunta dito?" tanong ni Bliss pagkalabas namin dahil pareho naming alam na tinabi namin ito sa kwarto ni Xia.
"Galing siya sa bahay," sagot ko.
"Paano mo nalaman na nasa labas ito?"
"Hindi ko alam. Basta narinig ko siyang tinatawag ako."
"Sa rooftop tayo," sabi ni Trevor nang mapansin niyang hindi pa kami kumikilos.
Nauna na ako lumakad. Kung hindi lang ako kinausap ni Bliss, baka kanina pa ako umalis. Pagkabukas ko ng pinto, may nakatayo sa may gilid. Hindi ko kita ang mukha nito dahil sa nakatalikod ito at may suot na hoody jacket. Pero kung pagbabasehan ang katawan nito, masasabi ko na si Xia ito.
"Xia..."
Biglang humangin ng malakas dahilan para matanggal ang suot hood nito. Humarap siya sa amin at doon ko nasilayan ang mukha niya. Naging kulay ginto ang mata niya at ngumiti. Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang tignan niya ako.
"Xia!" sigaw nila at sabay-sabay na lumapit sa kanya upang yakapin siya.
"Ms. Whiteboard, namiss kita," masayang sabi ni Claude.
"Mabuti ayos ka lang," sabi naman ni Trevor sabay ngiti.
"Bliss, bakit ka umiiyak?" tanong ni Xia dahil siya lang ang umiiyak.
"Masaya lang ako na masiguradong buhay ka. Akala ko hindi na kita makikita," tugon nito habang nagpupunas ng luha.
"Kambal, wala ka bang sasabihin?" tanong ni Claude.
Napatingin sila kay Claudine na kanina pa tahimik.
"Ha?! Ah.. Eh.. Masaya ako na makita ka ulit," sambit nito habang nakatingin sa gilid.
Hinawakan ni Xia ang kamay niya.
"Salamat Claudine. Salamat sa inyo," nakangiting sabi ni Xia.
"Hindi ka ba lalapit sa kanila?" tanong ni Calvin na hindi ko namalayang na sa tabi ko na pala.
"Ayos na sa akin na makita siyang ganyan."
"Sigurado ka? Mamaya na alis namin. Kung may gusto kang sabihin sa kanya. Sabihin mo na."
"......"
"Hahayaan mo bang umalis siya na hindi niya alam ang nararamdaman mo? Matagal kaming mawawala. Baka pagbalik namin may boyfriend na siya. Kasama pa naman namin si Jason. Hindi ko ito sinasabi dahil boto ako sayo. Payo ko lang yan bilang lalaki."
Tinignan ko si Xia na masayang nakikipag-usap. Ayokong makita siyang ngumiti sa ibang lalaki maliban sa amin.
"Calvin..."
"Oh?"
"Pahiram muna ako ng kapatid mo."
"Ano binabalak mo?"
Tumakbo ako palapit kay Xia para kunin siya. Binuhat ko siya.
"Zander, ibaba mo ko!" sabi ni Xia.
"Kumapit kang mabuti," tugon ko sa kanya bago tumalon sa rooftop.
"Bakit---aaaahhhhh!!"
Yumakap siya sa akin nang mahigpit.
"Hoy! Saan mo dadalhin si Xia?" sigaw ni Claude.
Nakita kong tumalon din si Trevor kaya tumakbo na ako nang matulin para hindi nila ako maabutan. Nang makalayo kami sa kanila, binaba ko na si Xia.
"Nasaan tayo?" tanong niya. Tinignan ko ang paligid. Puro puno at halaman lang ang nakikita ko.
"Hindi ko alam."
"Wag mong sabihin na tumakbo ka lang basta dito?"
Napaiwas ako ng tingin.
"What? Seryoso ka ba diyan? Paano tayo uu--" naputol ang sasabihin niya nang may dumaang paro-paro sa harapan namin.
Sinundan niya ito kaya sumunod na din ako hanggang sa mapadpad kami isang flower garden.
"Wow!" aniya habang nakatingin sa mga bulalak at paro-paro.
Napangiti na lang ako habang pinapanood ko siya na tuwang-tuwa sa nakikita.
"Saan ka pupunta? Sandali!" sambit ko nang bigla siyang tumakbo.
Tumigil siya sa tapat ng puno ng apple saka ito kumuha ng bunga.
"HOY SINO YAN? SA AMIN YAN!" sigaw ng matandang lalaki.
Bago pa kami makita hinila ko na si Xia saka tumakbo.
"Ano pa iniisip mo? Bakit kumuha ka na lang basta ng apple? Paano kung mahuli tayo?" sabi ko.
"Sorry. Hindi ko mapigilan sarili ko kapag nakakakita ako ng apple."
"...."
Pinakita niya sa akin ang nakuha niyang apple. Pinunasan niya ito bago kinain.
"Ang sarap! Tikman mo dali."
Tinapat niya sa bibig ko yung apple. Sa gulat ko sa kanya, hindi ako agad nakagalaw.
"Dali na," aniya sabay lapit ng apple sa bibig ko hanggang sa dumikit na ito sa labi ko. Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa apple bag kumagat.
"Zander! Xia! Nasaan kayo?" sigaw ni Calvin. Alam kong malapit lang sila sa amin kaya bago pa nila kami makita nagpara ako ng taxi saka kami sumakay.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Xia.
"Mall," tugon ko. Hindi na siya nagtanong at kumain na lang ng apple habang nakatingin sa labas.
"Hanggang kailan kayo sa America?" tanong ko.
"Hindi ko alam."
Gusto ko sana sabihin sa kanya na wag na siyang umalis pero mas pinili ko na lang manahimik. Alam ko naman na para sa kaligtasan niya yun kaya sila aalis.
Pagkadating namin sa mall hinila ko agad si Xia sa bilihan ng jewelry.
"Ano ginagawa natin dito?" tanong niya.
Hindi ko siya sinagot. Tumingin ako ng couple ring.
"Miss, patingin ako nito."
Tinuro ko ang isang couple ring na may heartbeat na design. Kinuha ko yung sa babae at sinuot ito kay Xia. Medyo maluwag ito sa kanya.
"May iba pa kayong size nito?" tanong ko.
"Meron po. Ano po bang size?" may inabot siya sa akin panukat. Sinukat ko ang daliri ni Xia. Binigay ko yung size sa saleslady.
"Wait lang po Sir."
Habang naghihintay tumingin-tingin muna ako sa iba pang nandoon.
"Ito na po," sabi ng saleslady.
Tatawagin ko na sana si Xia para sukatin yung singsing, ngunit seryoso ito nakatingin sa mga kwintas. Nilapitan ko siya at nakitingin din.
"Gusto mo ba ng kwintas?" tanong ko.
"Ha? Hindi. Tinitignan ko lang. Alis na ba tayo?"
"Hindi pa. Sukatin mo muna ito."
Sinuot ko sa kanya ang singsing na hawak at sumakto naman ito sa kanya.
"Para sayo yan. Wag mong iwawala," sambit ko sa kanya. Bumalik ako sa counter para isuot yung sa akin ngunit bago ko ito makuha, inunahan ako ni Xia.
"Ako maglalagay," nakangiting sabi niya saka kinuha yung kamay ko para ilagay yung singsing. Binayaran ko na ito gamit ang credit card ko saka kami umalis.
"Bakit mo ko binigyan ng singsing? Para saan?" tanong ni Xia habang tinitignan ang singsing niya. Tumigil ako sa paglalakad.
"Para hindi mo ko makalimutan."
Huminto siya sa paglalakad ngunit hindi ito lumingon.
"Mahal kita Xia," mahinang sabi ko. Hindi ko alam kung narinig niya ito dahil isang hakbang ang pagitan namin sa isa't-isa. Nang mapansin kong haharap siya sa akin, mabilis akong lumapit sa kanya para halikan siya.
Hindi ko na inisip na maraming taong makakakita sa amin. Ang importante maiparamdam ko sa kanya ang nararamdaman ko.
"Maghihintay ako sa pagbalik mo kahit gaano pa katagal. Sa susunod engagement ring na ibibigay ko sayo," sabi ko sa kanya saka siya niyakap. "Mamimiss kita."
"Zander..."
Humiwalay ako sa pagkakayakap pero hinawakan ko ang kamay niya.
"Balik na kita sa kuya mo," sabi ko habang hindi nakatalikod sa kanya. Kinakabahan ako sa sasabihin niya. Baka ibalik niya ang singsing at sabihin ayaw niya sa akin.
Humigpit ang pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko. At muling bumilis ang tibok ng puso ko.
Itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top