CHAPTER 2

CHAPTER 2

After 6 months

Xia's POV

"Nandyan na si Ms. Whiteboard," sabi ng isa sa mga kaklase ko habang nakatingin sa akin.  Sinuot ko na lamang ang earphone ko at saka dumiretso sa upuan ko. Pagkaupo ko biglang may hinila ng katabi ko ang earphone ko. Tinaasan ko siya ng isang kilay. 

"Good Morning Ms. Whiteboard," bati niya sa akin.

Ms. Whiteboard ang tawag nila sa akin simula noong tumigil ako sa pagsasalita. Lagi kasi akong may dalang whiteboard dahil iyon ang ginagamit ko sa pakikipag-usap. Tuwing nagsasalita ako pakiramdam ko may masamang mangyayari kaya mas ginusto ko na lang ang manahimik.

Nagsulat ako ng 'good morning' sa whiteboard ko bilang tugon.

"Ayaw mo talaga magsalita no? Hindi ka naman pipi pero bakit ayaw mo magsalita?" tanong niya.

Muli ako nagsulat sa whiteboard ko para sagutin ang tanong niya. "Paki mo ba?"  
Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Sungit," bulong niya.

Dumating na ang aming guro at nag-umpisa na itong magturo. Sa sobrang bored ko tumingin na lang ako sa bintana, nakatulala lamang ako doon nang biglang may nalaglag mula sa taas. Napatayo ako dahil sa gulat. Ikaw pa naman makakita biglang nahulog mula sa itaas.

"Ms. Cortez, may problema ba?" tanong ni Ma'am Lopez.

Lumapit ako sa may bintana at saka sumilip para tignan yung nahulog. Sigurado ako sa nakita ko na may naglaglag na tao pero pagtingin ko sa ibaba walang kahit sino ang nandoon. Wala akong nakitang duguan na nakahiga sa lupa. Posibleng naman mabuhay yun  dahil nasa 4th floor ang class room namin.

"Ms. Cortez," galit na nakatingin ito sa akin.

Kinuha ko ang whiteboad ko. "Sorry Ma'am may nakita po kasi akong nahulog mula sa taas."

Lumapit siya sa may bintana para sumilip din.

"Sigurado ka ba sa nakita mo?" tanong niya. Tumango ako. Napabuntong hininga siya. "Sige na. Maupo ka na."

Tinuloy na niya ang klase at kahit na pilitin ko ang sarili ko na makinig, wala pa rin akong maintindihan dahil hindi maalis sa isip ko anh nakita nakita ko.

Sigurado talaga ako sa nakita ko.

Pagkatapos ng klase, inayos ko agad ang gamit ko at nagmadaling lumabas upang bumili ng bulaklak. Balak ko dalawin  sa sementeryo ang pamilya ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigilang maiyak tuwing dinadalaw ko sila.

"Mama, Papa, KuyaBunso, miss na miss ko na kayo." sabi ko habang nakatingin sa puntod nila. Kinuwento ko sa kanila yung mga nangyari sa akin maghapon. Araw-araw ganito ginagawa ko. Lagi akong pumupunta dito para kausapin sila dahil harap lang nila ako pwede magsalita. 

"Ma, Pa, KuyaRea, alis na ako. Babye! See you! Mahal na mahal ko kayo," paalam ko sa kanila.

Nag-umpisa na ako maglakad pauwi at binalewala ang dilim. Wala naman akong pakialam kung may masalubong akong masamang tao habang naglalakad ako, mas gusto ko nga yun para mamatay na ako.

BEEP.BEEP.BEEP

Tinignan ko ang palapit na sasakyan sa akin pero sa halip na umiwas ako, tumigil ako sa paglalakad at hinintay na masagasaan ako.

Ayan na! Malapit na! Mamatay na ba ako ngayon? Makakasama ko na ba sila mama?

BEEP.BEEP.BEEP

Pinikit ko ang mga mata ko at hinintay ang pagtama nito.

*****

Third Person's POV

Sa parking area ng La Vina Hotel, may dalawang babae at tatlong lalaki ang nag-aabang sa isang matandang lalaki na kanilang huhuliin.  Nakasuot sila ng turtleneck na damit na abot ito hanggang  sa ilong nila. May suot din silang hoody jacket na lalong nagpatakip sa mukha nila.

"Ang tagal naman," sabi ni Kazuki na halatang nababagot na sa kakahintay. Patingin-tingin ito sa kanyang orasan.

"Paparating na siya," sambit ni Kasumi habang nakatingin sa kulay itim na sasakyan. Nakapwesto siya malapit sa entrance ng parking lot habang ang iba ay nakatago sa likod ng ibang sasakyan. Magkakahiwalay sila ng pwesto at sa pamagitan lamang ng earpiece at mic sila nag-uusap.

"Maghanda na kayo," sabi ni Satoru, ang nagsisilbing pinuno ng grupo nila.

Pumasok na ang isang itim na sasakyan at pagkalabas ng driver nito agad na lumabas si Tatsuo at saka tinutukan ito ng baril.

"Wag kang kikilosItaas mo ang kamay mo," aniya sa matandang lalaki.

Napamura ang lalaki at agad na pumasok sa sasakyan para tumakas.

"Hi!" bati ni Kazuki sa lalaki, pagkapasok nito sa sasakyan. Alam na kasi nila na magbabalak ito tumakas kaya bago pa ito makapasok sa sasakyan niya ay inunahan na niya ito sa loob.

"Sino ka?" gulat na sabi ng lalaki na hindi na nakapasok sa loob.

Sumeryoso naman si Kazuki at saka niya tinutukan ng baril ang matandang lalaki.

"Wag ka na magbalak tumakasSumama ka na lang sa amin para hindi ka na masaktan," aniya.

"Sino ba kayo?" galit na sabi ng lalaki.

Binuksan ni Satoru ang pinto at hinila palabas ang matandang lalaki.

"Name: Mr. Leonardo Cruz; Age: 38 years old. Case: Drug Dealer and User," basa ni Yuriko sa profile information na hawak niya.

"Hindi totoo yan," sabi ng matandang lalaki.

"Positive! May dala nga siyang drugs," sabi ni Kazuki.

"Inaaresto ka namin sa salang paggamit at pagbenta ng drogaSa presinto ka na magpaliwanag," sabi ni Satoru habang nilalagyan ng posas ang kamay ni Mr. Cruz.

"Ikaw na bahala sa sasakyan niya," sabi niya kay Kazuki bago dalhin sa sasakyan nila ang matandang lalaki.

Huminto sila malapit sa police station.

"Gawin mo na," sabi ni Satoru kay Kasumi. Tinignan ni Kasumi ang mga mata ni Mr. Cruz.  Natulala bigla ang matandang lalaki.

"Susuko ka sa mga police at sasabihin ang lahat mga kasalanan mo. Ituturo mo sa kanila ang sasakyan mo na nakapark sa harap ng police station," sabi ni Kasumi at saka pumitik malapit sa tenga ng lalaki.

Wala sa sariling lumabas ang lalaki sa sasakyan at naglakad plito papasok ng police station.

Samantala, iniwan naman ni Kazuki ang sasakyan ng lalaki sa harap ng police station at saka ito dali-daling nagpunta sa sasakyan nila. Saktong pagsakay niya, lumabas ang mga pulis kasama si Mr. Lopez. Tinignan ng mga pulis ang sasakyan at doon nakita nga nila ang mga droga na dala ng matandang lalaki.

Napatingin si Inspector Arcante sa kulay pulang posas na nakalagay sa kamay ni Mr. Lopez.

Nag-umpisa ng paandarin ni Tetsuo ang sasakyan at sinadyang dumaan sa harap ng police station na agad naman na napansin ni Inspector Arcante. Sumilip si Kazuki sa may bintana  at saka sumaludo sa inspector.

"Melancholic Knight," bulong niya at saka napailing. "Ikulong niyo na yan," utos niya sa mga kasamahan niyang pulis.

Sila Kazuki, Kazumi, Yuriko, Tetsuo at Satoru o mas kilala bilang Melancholic Knight ay mga agent na tumutulong  sa paghuli ng mga kriminal. Nagtatrabaho sila sa Crimson Lynx Agency, isang sikat na agency na binubuo ng mga magagaling agents.


Crimson Lynx Agency


"Yow Tandang Takeshi!" bati ni Kazuki sa isang lalaki  na may edad 31.

"Loko kang bata ka! Wala ka talagang galang," sermon niya sa binata. Nasanay na lang siya sa tawag sa kanya nito. "Nasabi na sa akin ni Inspector Alcante ang ginawa niyo. Nadeposit ko na ang pera niyo."

"Wala bang mas mahirap na misyon?" reklamo ni Kazuki.

"Wala. Tumawag si Mr. Saito, hindi pa rin daw kayo pumapasokMag-iisang buwan na simula nung nag-umpisa ang klaseIlang beses ko ba sasabihin sa inyo na mag-aral kayo. Nakalimutan niyo na ba  ang kasunduan natin, bago ko kayo ipasok sa CLA?"

"Sir Takeshi naman. Masyado na kami matalino para mag-aral," sagot ni Kazuki.

"Yeah! Matalino nga kayo pero hindi niyo naman ginagamit utak niyoSimula bukas papasok na kayo sa Saitou High. Oras na malaman ko na hindi kayo pumasok..." tinuro niya isa-isa ang mga batang nasa harap niya. "tatangalin ko kayo sa CLA."

"Sabi ko nga papasok na kami. Tara na kambal. Uwi na tayo. Maaga pa pasok natin bukas," sabi ni Kazuki sa kakambal niyang si Kazumi at saka ito hinila palabas.

"Sir, pwedeng magtanong?" sambit ni Yuriko.

"Nagtatanong ka na," tugon ni Mr. Takeshi.

Napakamot sa ulo si Yuriko. "Bakit po ba gustong gusto mo kami pumasok sa school? Pwede naman po kami mag-aral ng hindi pumapasok sa school."

Napabuntong hininga si Mr. Takeshi. "Gusto ko maranasan niyo mamuhay ng normal tulad  ng ginawagawa ng mga kaedaran niyo. Masyado pa kayong bata para tumutok sa trabahong ito."

"Mamuhay ng normal? TskKahit anong gawin naminkailan man hindi magiging normal ang pamumuhay namin. Hindi naman kami tao. Mga bam--," sambit ni Tetsuo.

"Tetsuo," saway sa kanya Satoru.

Tinignan lang siya ni Tetsuo at saka lumabas ng opisina ni Mr. Takeshi.

"Pasensya na po Sir. Wag po kayo mag-aalalasimula bukas  papasok na kami. Alis na po kami,sabi ni Satoru. "Tara na Yuriko."

Lumabas  na sila at naabutan nila ang tatlo na naghihintay sa labas ng opisina ni Mr. Takeshi.

"Ano ginagawa  ng babaeng yun? May balak ba siya magpakamatay," sambit ni Kazuki nang mapansin niya si Xia.

Napatingin ang mga kamasamahan niya sa tinitignan niya at doon napansin nila na may palapit na sasakyan sa babae.

"OMG! Tulungan niyo siya!" natarantang sabi ni Yuriko at saka tinulak si Satoru.

Tumakbo silang dalawa ni Tetsuo palapit kay Xia. Nang makalapit si Tetsuo ay agad niya tinulak ang dalaga na agad naman sinalo ni Satoru.

"Zander!" sigaw nila Kasumi nang masagasaan ng sasakyan si Tetsuo. Hindi na nito nagawang makaiwas pa dahil sa malapit na ito.

****

Xia's POV

Napadilat ako bigla nang may humawak sa  akin at saka ako tinulak. Sa sobrang bilis ng pangyayari naramdaman ko na lang na may kamay na sumalo sa akin.

"Miss ayos ka lang?" tanong niya sa akin. Tumango ako bilang tugon.

"Zander!" napatingin ako sa lalaking tumulak sa akin na kasalukuyan tumatayo mula sa pagkakatumba niya.

Napatakip ako ng bibig nang makita kong dumudugo ang ulo niya.

JuskoAyos lang ba siya?

"Iho sorry.  Hindi ko sinasadya," sabi ng driver ng sasakyan sa lalaki.


"Kami na po bahala sa kanya." sabi ng babae sa driver.

"Wag ka po mag-alala  hindi ka po namin kakasuhan."

"Salamat! Sorry ulit," pagpapasalamat ng driver bago umalis.

Lumapit sila sa amin.

"Ikaw?! Kasalanan mo ito!" galit na sabi ng babae sa akin.

"Claudine," tawag sa kanya ng lalaking sumalo sa akin.

"What? Totoo naman? Kung hindi siya tatanga tanga kanina hindi ito mangyayari kay Zander."

Pinulot ko yung nabitawan kong whiteboard at saka nagsulat doon ng sorry. Pinakita ko sa kanila.

"Ayos lang Miss. Wag mo pansinin yung sinabi ni Claudine. Mag-iingat ka na lang sa susunod," sabi nung lalaking sumalo sa akin.

"Salamat." sulat ko sa whiteboard ko at saka pinabasa sa kanila.

"Tara na. Umuwi  na tayo," naiinis na sabi ni Claudine at saka sila naglakad papunta sa isang sasakyan.

"Mauna na kami. Ingat ka sa pag-uwi," paalam ng lalaking  sumalo sa akin bago siya sumunod  sa mga kasama niya.

"Hindi ba nila dadalhin sa ospital  yung kasama nila?" tanong ko sa aking sarili. Napailing  na lang ako sa naisip ko at saka tinuloy ang paglalakad.

Pagkadating ko sa apartment na tinutuluyan ko, kumain lang ako ng cup noodles. Pagkatapos naligo ako at bago matulog gumawa muna ako ng assignment.

Simula nang namatay  sila mama at papa, mag-isa na lang ako na namumuhay. Wala kasi kaming kamag-anak na pwedeng tumulong. Tanging ang mga katrabaho at kaibigan lang nila Papa ang tumulong sa akin. Sa ngayon yung business partner muna ni Papa ang nagpapatakbo ng kumpanya. Masyado pa daa kasi ako bata para doon.

Pagkatapos ko gumawa ng assignment, niligpit ko na ang mga gamit  ko para magpahinga. Pagkahiga ko, muli ko naalala yung nangyari kanina.

Hindi nanaman natuloy yung pagpapakamatay ko.  Nakailang subok na ba ako? LimaAnimPalagi na lang palpak.

Nakaramdam na ako ng antok  kaya pinatay ko na ang ilaw  para matulog.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top