CHAPTER 17
CHAPTER 17
Xia's POV
Pag-uwi ko napansin ko si Zander na nakatayo lang sa may kanto habang tulala sa hangin.
"Zander," tawag ko sa kanya.
Lumingon ito sa akin. Paglapit ko sa kanya, doon ko lang napansin ang lungkot sa mga mata niya.
"May problema ba?" tanong ko ngunit isang mahigpit na yakap lamang ang tinugon niya.
"Gabi na. Bakit ngayon ka lang?" tanong niya saka humiwalay sa pagkakayakap.
"Traffic."
Nag-umpisa na siya maglakad kaya sumabay na ako. Hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako na makita siyang ganyan. Madalas makita ko siyang seryoso pero ngayon ang lungkot niya tignan. Ayaw naman niya sabihin sa akin kung may problema ba kaya hindi na ako napumilit na magtanong.
"Paano kapag naging bampira ka? Ano gagagawin mo?" tanong niya sa akin. Natigilan ako sa paglalakad saka umiling. Kung magiging bampira ako hindi ko matatanggap. Hindi ko gusto na maging katulad nila ako na tangging sa dugo ng tao nabubuhay.
"Ayoko. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa maging bampira. Bakit mo natanong?"
"Bilisan na natin. Malamok dito."
Hinawakan niya ako sa kamay saka hinila. Subalit nakakadalawang hakbang pa lang kami nang may sumulpot sa harapan namin na mga bampirang nakaitim. Nanlilisik ang mga mapupula nilang mata habang nakatingin sa amin.
Napakapit ako sa braso ni Zander dahil sa takot.
"Anong kailangan niyo?" tanong ni Zander sa kanila. Ngunit wala kaming sagot na nakuha.
Sabay-sabay nila kaming inatake na agad naman kinalaban ni Zander. Wala ako nagawa kundi bumitaw sa kanya upang makakilos siya ng maayos. Umatras na lang ako sa likod niya. Paghinto ko isang bampira ang sumugod sa akin.
"Zander!" sigaw ko dahil sa takot sabay pikit. May humila sa akin bigla. Nang maramdaman ko ang yakap nito, doon lang ako dumilat. Bumungad sa akin ang mahahabang kuko ng bampira. Kundi lang ito hawak ng tumulong sa akin, baka natamaan na ako. Tumingin ako sa likod ko dahil sigurado akong hindi si Zander ang nagmamay-ari ng kamay sa harapan ko.
"Ikaw..."
"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin. Tumango ako bilang tugon habang nakatitig sa ginto niyang mata.
Tinignan niya ng masama ang bampirang umatake sa akin. Hinigpitan niya ang pagkakahawak dito.
"Aaahhh!" sigaw nito habang namimililipit sa sakit hanggang sa naging abo ito.
"Diyan ka lang," utos sa akin ng lalaking may gintong mata bago bumitaw para kalabanin ang mga bampirang nagtatangkang lumapit sa akin.
"Xia, ayos ka lang? Nasaktan ka ba?" tanong ni Zander nang magsitakbuhan ang mga natitirang kalaban.
"Ayos lang ako. Salamat sa kanya tinulungan niya ako," tugon ko sabay tingin sa lalaking nagligtas sa akin.
"Mag-iingat kayo sa susunod," aniya bago ito umalis. Gusto ko pa sana itanong kung ano pangalan niya pero mabilis itong nakalayo sa amin.
Dahil sa nangyari hindi ako nakatulog. Iniisip ko kung sino ang lalaking tumulong sa amin. Pakiramdam ko kilala ko ito. Idagdag pa na ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya at tuwing nasa tabi ko siya alam kong ligtas ako.
"Good Morning Xia. Mukhang hindi ka nakatulog ng maayos ah," sabi ni Claude.
Tumango ako bilang tugon saka umupo para mag-almusal.
"Bakit hindi kayo nakauniform?" sulat ko. Napansin ko kasi na nakapang-alis sila maliban kay Trevor. May pupuntahan ba sila?
"Hindi kami papasok. May kailangan kami gawin pero wag ka mag-alala kasama mo naman si Trevor," tugon ni Claude.
Hinatid muna nila kami bago sila pumunta sa pupuntahan nila.
"Bakit hindi ka kasama?" sulat ko sabay pakita kay Trevor.
"Para may kasama ka."
Napangiti ako sa sagot niya saka muling sumulat.
"Salamat."
"Good Morning Xia!" bati sa akin ni Jason. Mag-isa pa lang siya doon dahil maaga pa.
"Good Morning! Bakit ang aga mo?" tanong ko at dahil good mood ako hindi na ako nagsulat sa whiteboard.
"Nice. Laki na ng pinagbago mo. Mas napapadalas na ang pagsasalita mo. Good Job," sabi niya sa akin.
Umupo na ako sa tabi niya at nag-umpisang makinig ng kanta sa cellphone. Yumuko ako sa desk upang matulog muna saglit.
"AAAAAHHHHHHHH!"
Napaayos ako ng upo nang may sumigaw. Nakita kong nagsilabasan ang mga kaklase ko kaya tumayo na din ako para tignan kung ano nangyayari. Paglabas ko biglang may humawak sa akin.
"Stella," sambit ko habang gulat na nakatingin sa kanya.
"Lei, kailangan ko tulong mo. Sumama ka sa akin," aniya saka ako hinila. Lumabas kami ng building at nagtunggo sa science laboratory.
"Ano ginagawa natin dito?" tanong ko kay Stella nang bitawan niya ako. Hindi ito sumagot kaya nilingon ko siya. Pagtingin ko sa kanya, biglang may nagtakip ng panyo sa ilong ko. May naamoy ako doon na nagdulot ng pagkahilo ko hanggang sa hindi ko na alam kung ano sunod na nangyari.
Third Person's POV
"Meron nanaman nagpakamatay. Grabe na talaga ang nangyayari," sabi ng isang babae habang nakatingin sa walang buhay na istudyante.
Nakasandal ito sa pader at duguan ang pulso kaya pinaghihilaan na naglalas ito
"Ano pa ginagawa niyo dito? Bawal kayo dito," saway sa kanila ng isang guro kaya wala silang na gawa kundi ang umalis.
Pagbalik nila, napansin agad ni Jason ang pagkawala ni Xia at Stella. Inisip nito na baka nag-cr lang subalit nag-umpisa na ang klase, wala pa rin ito.
Napatingin ito kay Trevor na seryosong nakatingin sa upuan ni Xia habang iniisip kung bakit wala pa rin ang dalaga. Palihim niyang kinuha ang cellphone para tawagan ngunit walang sumasagot dito. Nag-umpisa na itong mag-aalala at halos hindi na niya nagawang makinig sa kanilang guro dahol sa kakaisip kay Xia.
Sa kabilang dako, patuloy sila Claude sa pagkuha ng impormasyon tungkol kay Mr. Navarro. Pagkatapos nila itong gawin umuwi na sila para tignan lahat ng impormasyong nakuha nila.
"Si Rianne Vargas-Navarro ang asawa ni Sir Navarro at pareho silang bampira," sabi ni Claudine.
"Ano kakayahan ni Sir Navarro?" tanong ni Zander habang nakikinig sa kanila.
"May kakayahang kontrolin ang isip ng mga taog nahahawakan niya," sagot ni Claude. Nagkatinginan sila.
"Sa tingin niyo kinokontrol niya ang mga babae kaya nagpapakamatay sila?" tanong ni Claudine.
"Hindi lang yun. Nilalagyan niya din ang mga ito ng vampire virus para tuluyang mawala sa sarili ang mga ito at madali niyang makontrol," sabi ni Bliss.
"Ano naman ang kakayahan ng asawa niya?" tanong ni Claudine.
"Replication, nagagawa niyang gayahin ang ability ng mga bampirang nahahawakan niya," tugon ni Claude.
"Replication..." bulong ni Zander habang iniisip ang sitwasyon ni Xia. "Kailan namatay si Ms. Navarro?"
"7 months ago, nawala ang asawa niya. Nireport niya ito sa pulis hanggang sa makalipas ang isang buwan natagpuan na lamang ito walang buhay. Pinaghihinalaan na biktima si Ms. Navarro ng mga sindikatong nagbebenta ng organ dahil wala na ang kanyang puso at kidney ng matagpuan ito," basa ni Claudine sa files na hawak niya.
"Kung sino man ang gumawa niyan kay Ms. Navarro, sigurado may alam ito sa mga bampira," sabi ni Claude.
"Pwede pero bakit nila gagawin yun? Kumpara sa mga tao hindi natin kinakailangan ng organ transplant dahil hindi naman tayo nagkakasakit. At kahit anong mangyari hindi din ito pwede gamitin sa tao dahil hindi compatible ang dugo nila sa dugo natin. Mamatay lang ang taong paggagamitan nun," komento ni Claudine.
"Ginagawa nila yan para sa kanilang experiment," sambit ni Zander.
"Experiment?" tanong ni Bliss.
"Gusto nilang lumikha ng Artificial Vampire."
"Artificial Vampire? Akala ko ba natigil na ang pag-aaral nila tungkol diyan? Diba patay na ang doctor na gumagawa niyan?" tanong ni Claude
"Maaring may nakakaalam tungkol doon bukod sa kanya."
"Ibig sabihin, isang doctor na may alam tungkol sa paggawa ng Artificial Vampire ang gumagawa nito?"
"At alam ni Mr. Navarro ang tungkol doon kaya hinahanap niya ang nasa likod nito," sabi ni Claudine.
"Hindi lang ang doctor ang hinahanap niya. Pati ang mga taong ginawa nilang test subject," sabi ni Zander. Napakuyom ito ng kamao.
"Si Xia, isa ba siya doon? 6 months ago, dumaan siya sa Heart Transplant sabi ng nurse na napagtanungan natin," sabi ni Claudine.
5 hours ago,
Sa Hayakawa hospital, patuloy na naghahanap sila Claude.
"Sigurado ba kayo na may makukuha tayong impormasyon sa gagawin natin?" tanong ni Claudine.
"Meron yan. Kung hindi nila pwede ibigay ang record. Magtanong na lang tayo tungkol kay Xia," tugon ni Claude.
"Ikaw bahala. Umpisahan mo na."
Nag-umpisang maglakad palapit si Claude sa isang nurse habang nakamasid lamang sila Zander sa gilid.
"Excuse Me. Pwedeng magtanong?" nakangiting sabi ni Claude.
"Sure," nakangiting sabi ng Nurse habang nakatitig sa mukha ni Claude.
"Kilala mo ba ang babaeng ito? Pasyente siya dito noon," tanong ni Claude sa nurse sabay labas ng larawan. Ngunit sa halip na tignan nito ang larawan, nakatulala lamang ito kay Claude.
"Nurse?" tawag ni Claude sabay hawak sa balikat nito.
"Sorry. Ano nga ulit yung tanong mo?" tugon nito.
"Kilala mo ba siya?" tanong ulit ni Claude sabay tapat ng larawan ni Xia sa mukha ng Nurse.
"Hmm. Pamilyar siya sa akin," napatinging siya sa katrabaho niya na dumaan.
"Nurse Dianne," tawag niya dito.
"Yes?" tanong nito pagkalapit.
"Naalala mo ba siya?"
"Oo. Hindi ko makalalimutan ang batang yan. Siya yung pasyente ni Dr. Perez," tugon ng kasamahan niya.
"Pwede ko ba kayo makausap saglit? May mga katanungan lang ako tungkol sa kanya," sambit ni Claude.
"Ayos lang naman pero marami pa ako inaasikaso. Baka pagkatapos pa ng shift kita makausap."
"Ayos lang po. Mga anong oras kayo pwede?"
"Mga 5pm."
"Sige po. Salamat."
Pagkatapos nilang mag-usap nilapitan ni Claude sila Zander.
"Mamayang 5pm pa daw natin siya makakausap."
"Unahin na muna natin yung kay Sir. Navarro," suhestiyon ni Bliss kaya nagsitayuan na sila.
Nagtunggo sila sa pulis station at nagtanong tanong na din sa mga nakakakilala kay Mr. Navarro. Pagkatapos nila kumuha ng imposrmasyon, bumalik sila sa ospital upang makipag-usap kay Nurse Dianne.
"Ehem. Nurse sabi niyo po kilala niyo si Xia?" tanong ni Claude.
"Isa ako sa mga nag-alaga sa kanya pagkatapos niya dumaan sa Heart transplant. 4 days din kasi siya walang malay pagkatapos ng operation. Mga kaibigan niya ba kayo?"
"Opo."
"Mabuti naman kung ganun. Sa totoo lang nakakaawa ang batang yan. Wala man dumalaw sa kanya dito sa ospital."
"Walang dumalaw? Ibig sabihin inoperahan siya na walang pahintulot ng pamilya niya?" tanong ni Bliss.
"Oo. Basta na lang nagdesisyon si Dr. Perez na operahan siya. Siya na din sumagot ng gastusin sa ospital. Kung hindi daw namin yun gagawin, baka mamatay si Xia."
Napakunot ang noo ni Zander habang nagkatinginan naman sila Claudine.
Kasalukuyan...
"Tumatawag si Trevor," sabi ni Claudine sa kakambal niya habang nakatingin sa cellphone nito na nakapatong sa mesa. Kinuha ito ni Claude saka sinagot.
"Hello?"
"Claude, Nawawala si Xia. Pumunta kayo ngayon dito," sabi ni Trevor.
Napatingin saglit si Claude kay Zander dahil alam nito na concern ang kaibigan kay Xia.
"Sige. Papunta na kami diyan," tugon ni Claude bago pinatay ang tawag at tumayo. Napatingin sa kanya sila Bliss dahil sa kinilos niya.
"Kailangan natin pumunta sa school. Nawawala daw si Xia," aniya kaya niligpit na muna nila ang mga gamit nila saka umalis.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top