CHAPTER 15
CHAPTER 15
Xia's POV
Sabado, nandito ako ngayon sa opisina ni Mr. Takeshi para magtrabaho. Wala naman ako ibang ginagawa dito kundi ayusin ang mga files sa laptop at mag encode. Tinuruan niya rin ako kung paano gumawa ng report.
"May problema ba Xia?" tanong niya bigla. Natigilan ako sa ginagawa ko habang gulat na nakatingin sa kanya.
"Po?"
"Kanina ko pa napapansin yung pagbuntong hininga mo. Anong problema?"
Kukuhanin ko na sana yung whiteboard ko nang magsalita siya.
"Pwede ka naman magsalita dito. Walang masamang mangyayari basta kalmado ka lang."
Binitawan ko ito muli saka nag-umpisang sabihin ang matagal ko nang iniisip.
"Iniisip ko po yung nangyayari sa mga babaeng istudyante sa Saitou High," paliwanag ko. "Pakiramdam ko po may kinalaman si Sir Navarro sa nangyayari."
"Bakit?"
"Hindi po siya tao. Kung totoong murder yung nangyayari, maaring may kinalaman siya. Saka nakita kong..."
"Nakita mong?"
Ngumiti siya bigla.
"Wala po."
"Wag mo masyadong isipin yun. Kasalukuyang iniimbistigahan nila Trevor ang tungkol diyan. Kung guusto mo pwede ka tumulong sa kanila?"
"Pwede po ba kahit assistant niyo ko?"
"Bilang assistant ko. Trabaho mo din na tulungan sila. Ganito na lang. Gusto ko magresearch ka tungkol kay Mr Navarro. Lahat ng impormasyon tungkol sa kanya alamin mo."
"Po?"
Napatingin kami bigla sa pintuan nang bumukas ito.
"Yo Tanda. Hi Xia," bati ni Claude.
"Claude, nandito ka na pala. Xia, makakasama mo siya sa paghahanap ng impormasyon. Katulad mo pinaghihinalaan din nila si Mr. Navarro."
Tinignan ko si Claude.
"Tara na?" tanong niya sa akin.
"Alagaan mo yan mabuti Claude," sabi ni Mr. Takeshi. "Xia, sumama ka na sa kanya. May pupuntahan kayo."
"Yes sir."
Niligpit ko na ang mga gamit ko saka sumama kay Claude.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Mabuti hindi mo na sa akin ginagamit yung whiteboard mo," sabi niya bago niya sinagot tanong ko. Naalala ko tuloy yung reaksyon ni Jason noong magsalita ako. "Pupunta tayo sa bahay ni Sir Navarro para kumuha ng impormasyon."
"Nasaan yung iba?"
"May iba silang inaasikaso. Naghahanap pa sila ng ibang suspect bukod kay Sir Navarro."
Hindi na ako nagtanong kahit na curious ako kung may iba pa pang bampira sa school. Nagpunta kami sa bahay ni Sir. Navarro; mabuti na lang wala siya ngayon dahil papasol kami sa loob ng walang paalam. Pinasuot ako ni Claude nang gloves para hindi kami magkaroon ng finger prints sa mga gamit. Sinungkit niya ang lock para makapasok kami. Gusto ko nga sana tanungin kung saan niya natutunan manungkit ng lock. Siya din kasi ang nagbukas sa cr noong nagpakamatay si Ynna. Mabuti na nga lang naabutan pa namin siyang humihinga.
Pagkapasok namin, larawan ni Sir Navarro at ng isang babae ang napansin ko. Nakasabit ito sa pader at nakasuot sila ng damit pangkasal. Hindi ko akalain na kasal na siya.
"Claude, may cctv," sabi ko. Tinuro ko ang camera na nasa sulok ng kisame.
"Wag ka mag aalala. Ako na bahala diyan mamaya. Kazuki, itawag mo sa akin kapag nasa misyon tayo at Yuki naman ang itatawag ko sayo. Codename yan para matago identity natin."
Tumango ako bilang tugon. Nag-umpisa na kami mangalkal ng gamit. Nagpunta din kami sa kwarto ni Sir Navarro pero wala kami masyadong nakuhang impormasyon. Tanging ang pangalan lang ng asawa niya ang nalaman namin. Nakasulat kasi ito sa isang wedding invitation na nakita namin sa drawer ni sir.
Pagkatapos namin libutin ang buong bahay, binura lahat ni Claude ang mga nakuha ng cctv gamit ang laptop niya. Hindi ko alam kung paano niya nagawang mahack ito, basta sabi niya sa akin wala na daw yung video namin.
"Uwi muna tayo," sabi niya.
Pagkauwi namin, umupo siya sa sofa at nag-umpisang magpipindot sa laptop niya. Tumabi ako sa kanya saka pinanood ang ginagawa niya; hindi naman siya nagagalit kaya tahimik lang ako na nakatingin sa screen. Nakita ko siyang sinulat ang pangalang Rianne Vargas; asawa ni Sir. Navarro.
Maraming lumabas na account nito kaya binura niya at pangalan naman ni Sir. Navarro ang pinalit. Nakita namin na ang mga post niya sa timeline ng asawa niya.
"Mahal ko, kung nasaan ka man ngayon wag ka mag-aalala. Nararamdaman kong malapit ko na siyang makita. Hindi ako titigil hanggang hindi nagbabayad ang mga taong nasa likod ng pagkamatay mo. Babawiin ko sa kanya ang kinuha niya, oras na magkita kami. Hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw na yun. Maipaghihiganti din kita mahal," tahimik na basa ko dito.
Pumasok agad sa isip ko na posibleng may kinalaman ang pagkamatay ng asawa niya sa ginagawa niya. Pero paano?
"Hello! Ano nangyari sa inyong dalawa? Bakit ang seryoso niyo? Hindi niyo man lang kami pinansin," sabi ni Bliss.
Hindi ko man lang namin sila napansin na pumasok. Masyado kami nakatutok sa nabasa naming post ni Sir Navarro.
"Ano ba yang tinitignan niyo?" tanong ni Trevor sabay tingin sa laptop. Biglang nagseryoso ang mukha niya nang mabasa niya ito. Sigurado napaisip din ito.
Kinuha ko ang cellphone ko nang tumunog ito. Nakita ko na nagtext sa akin si Stella kaya agad ko ito binasa.
"Xia, tulungan mo ko," sabi niya sa text. Kinabahan ako bigla hindi dahil sa mensahe niya, kundi sa pagtawag niya sa akin ng Xia. Sigurado akong hindi ito si Stella pero bakit hawak niya cellphone nito?
"Saan ka? Pupuntahan kita," sagot ko.
"Bahay."
Lumabas agad ako para puntahan siya.
Hindi ko na nga nagawang magpaalam kila Trevor dahil abala din sila sa laptop ni Claude. Ayoko naman silang guluhin. Nagpara ako ng taxi para puntahan si Stella.
"Manong, dito lang po."
Bumababa na ako ng taxi at nagbayad. Maglalakad na sana ako nang may humila sa akin.
"Ano ba? Bitawan mo ko!" sigaw ko pero natigilan ako nang makita ko kung sino ito. "Ikaw?"
Hindi ako pwede magkamali. Siya yung nakita kong lalaking may kulay gintong mata. Tulad dati nakatakip ang mukha niya at tanging mata lang niya ang nakikit.
Hinila niya ako palayo sa bahay nila Stella kaya nagpumiglas ako. Ano ba problema ng isa ito?
Sinandal niya ako sa sasakyan sa tabi namin habang tinatakpan ng kamay niya ang bibig ko.
"Sorry," bulong niya sa akin. May tinusok siya sa balikat ko. Nakaramdam ako bigla nang antok hanggang hindi ko na kayanan at bumagsak sa lalaking may gintong mata. Bago pa ako tuluyang makatulog nakita ko pa na binuhat niya ako.
Zander's POV
Napatingin ako kay Xia nang tumunog ang cellphone nya; may nagtext yata. Hindi ko na sana siya papansin subalit bigla siyang tumayo at dali-daling umalis.
"Saan ka pupunta?" tanong pa ni Claude sa kanya pero hindi yata siya narinig dahil sa kakamadali.
"Susundan ko siya," sabi ko sa kanila.
Paglabas ko nakita ko siyang sumakay ng taxi. Nagpara din ako ng taxi.
"Pakisundan na lang yung taxi sa harap," tinuro ko yung taxi na sinakyan ni Xia.
Nang matanaw ko si Xia na bumaba, nagpara na din ako kahit malayo pa kami. Nagbayad na ako saglit pero paglingon ko wala na si Xia sa kinatatayuan niya. Tumakbo ako palapit doon para hanapin siya at pinakiramdaman ko din ang paligid. Napansin kong may dalawang naglalakad palayo sa kinatatayuan ko. Sigurado akong si Xia ang isa kanila dahil sa suot nito.
"Bitawan mo siya," sambit ko nang makalapit ako. Tinignan ko siya ng masama ang lalaking may buhat kay Xia. Nang tignan niya ako, bumungad sa akin ang kulay gintong mata niya.
"Artificial Vampire," bulong ko.
"Tsk."
Binigay niya sa akin si Xia.
"Bantayan niyo siyang mabuti. Wag niyo sanang hahayaang mapahamak siya dahil oras na mangyari yun, kukunin ko siya sa inyo," aniya bago umalis.
"Sino ka para utusan ako?" tanong ko.
Tumigil siya sa paglalakad saglit. "Malalaman mo din balang araw."
Nagpara na lang ako ulit ng taxi para makauwi na kami. Tinignan ko si Xia habang natutulog ito. Isinandal ko siya sa dibdib ko habang hawak siya.
"Hindi ko hahayaang na magkalayo tayo ulit Xia," sabi ko habang inaalis ang buhok sa mukha niya.
Kahit hindi ako maalala, gagawin ko pa rin ang lahat para protektahan siya. Matagal ko hinihintay ang pagkakataon na magkita kami muli. Matagal ko na siyang hinihintay. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito para makasama siya.
"Oh? Ano nangyari sa kanya?" tanong ni Trevor pagkabukas niya ng pinto.
Sa halip na sagutin ko siya, naglakad ako papuntang kwarto ni Xia para ihiga siya. Kinumutan ko muna siya bago lumabas. Sumalubong sa akin ang mga kakaibang tingin nila Claude.
"Zander, pwede po tayo mag-usap?" tanong ni Trevor.
Tumango ako bilang tugon. Nagpunta kami sa kwarto niya.
"May gusto ka ba kay Xia?" tanong niya.
"Paano kung sabihin kong meron?" tanong ko sa kanya. Alam kong may gusto din siya kay Xia.
"Pipigilan ko ang nararamdam ko. Handa ako magparaya,"
"Si Xia at yung batang babae na sinasabi ko sa inyo ay iisa."
"Yung batang hinahanap mo?"
"Yeah."
"Kaya pala ganun ka na lang mag-aalala sa kanya. Kung sayo siya magpupunta, handa ako magparaya. Basta wag mo siya sasaktan."
"Hindi mo na kailangan sabihin yan. Una pa lang, wala na akong balak saktan siya."
"Okay. Pero kung sakaling saktan mo siya, aagawin ko siya sayo."
Tinignan ko lang siya bago umalis. Mukhang seryoso talaga siya pero hindi ako papayag na mapunta siya sa iba.
Maghahating gabi na nang magising si Xia. Madali ko ito nalaman dahil ang dami agad tumatakbo sa isip niya tuwing gising siya.
"Kailangan ko puntahan si Stella," sabi niya sa isip niya. Nagtuno agad ako sa kwarto niya para pigilan siya.
"Dito ka lang," sabi ko sa kanya. Hinarangan ko siya sa pinto saka humakbang palapit sa kanya. Kusa naman siya umaatras tuwing lumalapit ako.
"Kailangan ako ni Stella," tugon niya. Sinubukan niya ako lampasan pero hinawakan ko ang braso niya saka siya hinila pabalik sa harap ko.
"Dito ka lang."
Tumigil siya paggalaw at takot na tumingin sa akin. Natakot yata siya dahil sa tono ng boses ko. Napabuntong hininga ako saka siya hinila papuntang higaan niya. Pinaupo ko siya doon bago ko kinuha ang isang larawan ng batang babae sa wallet ko para ipakita sa kanya.
"Picture ko yan ah. Bakit may ganyan ka?"
"Hindi mo ba ako natatandaan?"
Matagal ko na gusto tanungin sa kaniya kung naalala ba niya ako. Sabi ni Sir Takeshi may hindi siya makita sa memorya niya. Posible kayang nawalan siya ng alaala at isa ako sa nakalimutan niya?
"Hindi. Bakit? Sino ka ba?"
"Tsk. Nevermind."
Umalis na lang ako dahil sa inis. Hindi jo kasi alam kung nakalimutan niya ako o wala talaga siyang maalala sa nakaraan niya.
Itutuloy..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top