CHAPTER 12

CHAPTER 12

Xia's POV

"Ma'am bayad na po ang bill niyo," sabi sa akin nang babayaran ko na ang bill ng ospital.

"Po? Sino nagbayad?" tanong ko.

"Hindi po niya sinabi ang pangalan niya," tugon nito.

"Sige, salamat."

Naglakad na ako pabalik ng kwarto ko. Sino kaya nagbayad sa bill ko? Imposible naman si Mr. Sanchez, dahil sa nangyari noong huli. Sila Zander kaya? Parang impossible din dahil sa mga sinabi ko sa kanila. Hindi na nga sila dumalaw, kaya bakit pa nila babayaran bill ko?

Nag-ayos na ako ng gamit at nagbihis. Ayos na ang kalagayan ko sabi ng doctor kaya pwede na ako lumabas. Hindi ko nga lang alam kung saan ako titira.

"Lalabas ka na?"

Napalingon ako sa pinto at doon nakita ko si Jason na may bitbit na mansanas. Tuwing dinadalaw niya ako palagi siyang may dalang mansanas.

Tinanguan ko siya bago ko sinara ang zipper ng bag ko. Konti lang naman ang gamit ko.

"Ako na magdadala," aniya. Binigay niya sa akin ang hawak niyang plastic saka kinuha ang bag ko.

Kumuha agad ako ng mansanas at hinugasan ito bago kami umalis ng ospital. Habang naglalakad kami, kinakain ko ito.

"Saan ka na pupunta ngayon?" tanong niya.

Kinuha ko ang whiteboard ko saka nagsulat.

"Dati naming bahay."

Gulat na tinignan niya ako.

"Sigurado ka ba diyan? Hindi kaya mapahamak ka lang doon?"

Tinanguan ko siya saka ko siya ningitian.

"Hatid na kita," aniya.

Sumakay kami sa sasakyang dala niya. Pagkadating namin  dati naming bahay, bumalik ang lahat ng nga masasayang alaala ko kasama ang pamilya ko. Napangiti na lang ako ng mapait dahil hindi na ito muling mangyayari.

Pagpasok namin, bumungad sa amin ang maalikabok na gamit, sahig at maagiw na kisame. Kung ano ayos nito noong gabing ninakawan kami, ganun pa rin ito. Siguro ang huling pumasok dito ay ang mga nag-imbistiga sa kaso. Hindi na rin ako bumalik sito nang magising ako sa ospital.  Makikita pa ang mga basag na gamit dito tanda na nagkaroon ng gulo sa loob. Kapansin-pansin din sa sahig ang mga natuyong dugo. Hindi ko alam kung kanino ba ito. Kila kuya ba o sa mga magnanakaw? Wala ako ideya sa mga nangyari pagkaalis ko. Basta binalitaan na lang nila ako na patay na sila at nailibing na. Hindi ko man lang sila nalamayan dahil sa comatose ako noong panahon na iyon.

"Ayos ka lang?" tanong ni Jason. Tumango ako at tumuloy sa paglalakad. Nagpunta ako sa kwarto nila mama at papa. Hindi ko maiwasang  maalaala ang mga pangyayari sa kwarto nila. Lalo na ang pagkamatay ni Mama pagkatapos nito barilin sa ulo.

Napakagat ako sa labi upang hindi ako umiyak. Ayokong mag-alala sa akin si Jason. Umakyat na lang ako sa second floor at dumiretso sa kwarto ni Rea. Gulo-gulo at may pahid na dugo ang kama nito. Napakuyom ako ng kamao nang mapansin ko ang punit punit na damit ng kapatid ko sa sahig; tanda na ginahasa siya. Pati pa naman ang labing-apat na taon gulang, pag-tutulungan nila? Wala ba silang puso?

Parang sasabog ang dibdib ko sa galit. Gusto kong mahuli ang mga gumawa nito. Gusto kong pagbayaran nila ang labat ng kasalanan nila. Pumasok bigla sa isip ko ang trabahong binibigay ni Mr. Takeshi. Pakiramdam ko siya makakatulong sa akin.

Nagsulat ako sa whiteboard.

"Pwede ba magpasama sayo? May pupuntahan lang ako saglit."

"Saan ka pupunta?" tanong ni Jason kaya muli akong nagsulat.

"Basta."

"Sige," aniya kaya lumabas na kami ng bahay.

Nagpahatid ako sa Sakura Condominium.

"Dito ka na lang," sulat ko muli.

"Sino ba pupuntahan mo diyan? Samahan na kita."

Umiling ako at muling nagsulat para ipabasa sa kanya.

"Hintayin mo lang ako dito."

"Sige. Bilisan mo ah."

Tinanguan ko siya saka pumasok sa loob. Pinasulat sa akin ang pangalan ko at nagpaiwan ako ng id para bigyan ako ng pass.

Nagtungo ako sa 26 floor at naglakad papuntang 26E. Kumantok ako sa pinto at agad naman itong bumukas.

"Xia, pasok ka," nakangiting sabi niya na para bang inaasahan na niya ang pagdating ko. Hindi man lang siya nagulat sa pagpunta ko.

Pinapasok niya ako at pinaupo.

"Nandito ka para humingi ng tulong sa akin, tama?" nakangiting tanong niya.

Paano niya nalaman? Tumango ako bilang tugon. Siguro katulad din siya nila Zander. Baka may power din siya.

"Paano ko nalaman?" sambit niya na ikinagulat ko. "Alam mo na din naman kung ano sila Zander. Sasabihin ko na din kung ano ako. Isa din ako bampira kagaya nila at kaya ko makita ang nakaraan at hinaharap ng nahahawakan ko. Kaya ko din makabasa ng isip."

Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Inaasahan ko na din na bampira siya. Hindi ko nga lang akalain na kaya niya makita ang nakaraan at hinaharap.

"Ano maitutulong ko sayo?"

Magsusulat na sana ako nang maisip kong hindi maganda na kausapin ko siya sa pamamagitan ng whiteboard. Tinakpan ko na lang ang whiteboard marker ko saka siya seryosong tumingin sa kanya.

"Pwede pa rin po ba iyong trabahong binibigay niyo?" tanong ko.

"Pwede pa naman. Anong trabaho ba ang pipiliin mo? Yung assistant o yung katulad kila Zander?" tanong niya.

"Assistant po."

"Okay. Tanggap ka na," nakangiting sabi niya.

"Salamat po. Pwede po ba humingi ng pabor?" nahihiyang sabi ko.

"Oo naman. Sabihin mo lang sa akin kung ano."

"Pwede niyo po ba akong tulungan na magpaimbistiga tungkol sa pagkamatay nila Mama? Pati na din po sa pagpapakulong kay Mr.  Sanchez. Kung ako lang po pupunta sa mga pulis baka balewalain lang nila ako. Please tulungan niyo po ako," hinawakan ko siya sa kamay para makiusap ngunit agad din ako napabitaw  nang sumakit ang ulo ko.

"Ayos ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong niya.

"Ayos lang po ako. Medyo sumakit lang ulo ko."

"Sigurado ka? Wag ka mag-aalala, tutulungan kita sa pag-iimbistiga. Marami akong kilalang pulis at lawyer. Wag mo na isipin iyon. Ako na bahala sa lahat. Mas mabuting umuwi ka na muna para makapagpahinga."

"Talaga po? Maraming salamat po," maluha-luhang sabi ko dahil sa sobrang saya.

"May matitirahan ka ba? Nalaman ko kila Trevor na wala ka matutuluyan. Pwede ka naman tumira sa kanila kung gusto mo."

"Wag na po. Nakakahiya," tugon ko. Hindi ko masabi na hindi pa kami ayos nila Trevor. Nahihiya din ako dahil sa kinilos ko sa kanila.

"Wag kang mahiya iha. May bakanteng kwarto pa naman doon. Tawagan ko sila para malinis nila."

"Teka lang po Sir. Takeshi. Ayo--"

"Trevor, nasaan kayo? May ipapagawa ako sa inyo," sabi niya sa kausap niya. "Linisan niyo ang bakanteng kwarto sa bahay niyo. May bago kayong makakasama."

"......"

"Malalaman mo mamaya."

Binababa niya na ang phone at nakangiting nakatingin sa akin.

"Okay na Ms. Xia. Pwede ka na lumipat doon mamaya. Kung may gagawin ka pa, balik ka na lang dito ng 5pm para masamahan kita sa kanila."

"Okay po. Salamat," tugon ko na lang. Wala na kasi ako masabi dahil sa sobrang bilis ng pangyayari. Nasabihan na niya, ano pa magagawa ko? Nakakahiya naman tanggihan dahil pinaayos na niya ang kwarto.

"Alis na po ako," paalam ko.

"Sige. Mag-iingat ka," sinamahan niya ako palabas ng pintuan.

Pagkalabas ko, napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung ano gagawin ko mamaya. Galit pa naman yata sa akin sila Bliss.

"Bakit ganyan mukha mo? Ano nangyari sa loob?"

"Wala. May ibang titirahan na ako," sagot ko sa kanya.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko nang ngumiti siya.

"Wala. Natutuwa ako kapag naririnig ko boses mo," aniya kaya napagtanto ko na nagsalita nanaman ako. Bakit parang nasasanay na ako na magsalita sa harap niya?

"Mukhang bumabalik ka na sa dati. Saan ka titira?"

Nagsulat ako sa whiteboard. Ayoko na magsalita sa harap niya. Baka asarin lang niya ako.

"Kila Bliss."

Nawala ang ngiti niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa hindi nanaman ako nagsalita or dahil sa sagot ko.

Muli ako nagsulat sa whiteboard saka ko siya kinalabit para ipabasa iyon. Nakatulala  kasi ito na para bang ang lalim ng iniisip. "Bakit?"

"Wala. Ingat  ka doon. Ngayon ka na ba pupunta sa kanila?" tanong niya.

Umiling ako saka nagsulat.

"Mamaya pang 5pm."

"Saan ka na ngayon?"

"Hindi ko alam."

"Alam ko na. Wala ka pang gamit bukod sa bitbit mo. Bili na lang tayo sa mall. Ako magbabayad."

Umiling ako agad pero hindi siya nagpapigil. Hinila niya ako papasok sa sasakyan saka nilagyan ng seatbelt.

"...."

Natulala na lang ako sa kinilos niya.

"Bawal tumanggi," aniya bago magmaneho.

Pagkadating namin sa mall hindi na siya nagsayang ng oras. Hinila niya ako sa bilihan ng mga damit at pinapili. Nang hindi ako kumilos siya, ang gumawa para sa akin.

"Ito sukatin mo," aniya sabay abot ng mga pinili niya. Nahihiyang kinuha ko ito saka sinukat.

"Good. Miss, bibilhin ko lahat ng sinukat niya," utos niya sa saleslady pagkatapos ko magsukat.

Sa sunod na pinuntahan namin ako na ang pumili. Kapag  siya kasi ang mamahal, ayaw pa naman niya magpapigil. Bumili din siya ng toothbrush, toothpaste, shampoo, pulbo, pabango at iba pa na pang kailangan kong gamit.

"Nagutom ako. Tara kain tayo," pag-iimbita niya. Tumango ako bilang tugon. Sa sobrang dami ng bitbit namin, hindi na nga ako makapagsulat sa whiteboard.

Dinala niya ako sa isang restaurant at doon kami kumain. Medyo nahihiya pa ako mag-order dahil mamahalin tapos ang dami na niyang magastos sa akin. Napansin naman niya iyon kaya sa huli siya din pumili ng pagkain ko.

Trevor's POV

"May lilipat daw dito. Pinapalinis ni Sir. Takeshi yung bakanteng kwarto," sabi ko sa mga kasama ko.

"Sino daw?" tanong ni Bliss.

"Ayaw niya sabihin," tugon sabay tingin sa cellphone ko dahil nagtext si Sir. Takeshi.

From: Sir Takeshi

Bilhan niyo din siya ng gamit. Punta kayo dito. Bibigyan ko kayo ng pambili.

"Pinapunta niya tayo sa opisina niya," sabi ko sa mga kasama ko.

Tumango naman sila. Nagpunta agad kami kay Sir. Takeshi. Nakatambay lang naman kami sa bahay dahil lingo. Wala kaming pasok sa paaralan at trabaho.

"Bili  kayo ng gamit niya sa kwarto," aniya sabay abot ng credit card.

"Lalaki ba siya o babae?" tanong ni Bliss.

"Babae," sagot ni Sir. Takeshi. "Bilisan niyo sa pamimili. Baka hindi kayo matapos sa pag-aayos ng kwarto. Ihahatid ko na siya sa inyo mamayang alas singko ng hapon."

Lumabas na lang kami dahil wala din kami makukuhang matinong sagot sa kanya kung tatanungin nakin kung sino ba makakasama namin.

"Sino kaya yung lilipat? Sana maganda para maligawan ko," sambit ni Clyde habang naglalakad kami pabalik ng sasakyan.

"Porket maganda, liligawan agad? Paano kung pangit pala ugali niya," sermon sa kanya ni Claudine.

"Bakit ba? Gusto ko eh," sagot naman sa kanya ni Claude.

Napatingin ako kay Bliss nang mapansin ko itong malungkot. "Bakit ganyan ang mukha mo? Hindi ka ba masaya na may bago tayo makakasama?"

"Hindi naman sa ganun pero kasi si Xia dapat gagamit doon," malungkot na sabi  niya.

"Hindi naman niya tayo tanggap kaya wag mo na siyang isipin. Sigurado bampira din iyong patitirahin ni sir sa bahay," sambit ni Claudine.

"Pero gusto ko siyang kaibigan."

"Wag ka na malungkot. Malay mo magustuhan mo din yung lilipat," nakangiting sabi ko kay Bliss.

"Sana nga."

Nagpunta na kami sa mall para bumili ng mga gamit. Hinayaan na namin sila Claudine sa pagpili dahil sila ang nakakaalam kung ano ba gusto ng isang babae.

"Wala na ba tayong nakalimutan?" tanong ko.

"Wala na yata," tugon ni Bliss.

"Uwi na tayo," sabi ko. Pinadeliver na lang namin yung mga malalaking gamit para mapadali ang pag-uwi.

Habang palabas kami ng mall, nakita ko sila Xia at si Jason na palabas din. Hindi nila kami napansin dahil diretso lang sila sa paglabas kahit na nasa gilid lang kami.

"Close pala sila ni Jason," komento ni Clyde habang sinusundan sila ng tingin.

"Magkatabi sila ng upuan kaya hindi malabong maging magkaibigan sila. Ang tanong alam niya kaya ang tungkol kay Jason?" sabi naman ni Claudine.

Matagal na namin kilala si Jason dahil naging kaklase namin siya. Nagulat nga ako noong makita ko siya sa room. Malabo kasi na umulit siya dahil matalino naman siya at palagi itong pumapasok.

"Tatayo na lang ba kayo diyan?" sambit ni Zander saka naunang lumabas.  Nagkatinginan kami dahil halatang mainit ulo nito.

"Ano nangyari doon? Okay pa siya kanina ah," bulong ni Bliss

"Baka meron," biro ni Claude kaya binatukan ni Claudine.  Napailing na lang ako at sumunod may Zander.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top