Chapter 2
ZOREN
Finn and Creah eyed me with obvious confusion displayed on their faces.
Hindi ko alam kung ano ang emosyong dapat kong ipakita sa kanila, kung hahayaan ko bang mapansin nila ang pagkalito ko ngayon o magpapanggap na wala akong pakialam kung sino man silang narito ngayon kasama ko, kaya naman ay naupo na lang ako sa tabi ni Finn dahil 'yon na lang din naman ang bakante.
Apat na upuan ang nakahilera. Sa dulo nakaupo si Creah, nakababatang kapatid ni Alex. Nasa kanan niya si Kloe, ang kasintahan ni Alex. Sa tabi niya naman si Finn, ang best friend ni Alex. Napagigitnaan nila si Kloe na kapwa nila sinusubukang pakalmahin dahil patuloy lang ito sa pag-iyak. Ni hindi nga ako nito nagawang pansinin nang dumating ako at nakiupo sa tabi nila dahil sa kaiiyak.
Pagkaupo ko ay hindi na ako nag-abala pang bumati sa kanila. Hindi na rin naman ako pinansin ni Creah dahil pagkatapos niya akong bigyan ng nagtatakang tingin ay kaagad niya rin namang ibinalik ang atensyon sa kasintahan ng kapatid niya upang aluhin ito. Si Finn ay saglit lang akong binalingan nang maupo ako sa tabi niya.
Dahil wala akong magawa ay inilabas ko na lang ang cellphone ko at naglaro ng Call of Duty habang hinihintay ang pagdating ng detective. Maya-maya lang din ay dumating ang dalawa pang taong nakasunod sa pulis na naghatid sa 'kin kanina. Nagulat pa ang mga ito nang makilala kaming mga naroon.
"Please stay here for the meantime while waiting for Detective Salerno," sabi ni PO1 Meneses sa dalawa bago nagpaalam.
Ang mga bagong dating na sina Roxy at Elaine na katulad kong mga model at aktres din sa Crown Entertainment, ay matamang nakipagtitigan sa akin dahil ako lang naman ang napatingin sa kanila nang medyo matagal. Sina Finn at Creah ay gano'n pa rin, nag-angat lang ng ulo dahil sa pagdating nitong dalawa, ngunit ibinalik din naman kay Kloe ang atensyon.
Dahil apat lang naman ang upuan at okupado na lahat ng 'yon ay tumayo na lang ako upang makaupo ang mga bagong dating. "Umupo kayo," offer ko sa kanila.
"Thank you," sagot ni Elaine.
Nginitian ko lang siya at walang imik na sumandal sa pader. Nang mapansin naman ni Finn na kulang ang upuan at tumayo na rin siya upang paupuin si Roxy. Tumabi siya sa 'kin at hindi na rin umimik pa. Paminsan-minsang buntong-hininga niya lang ang naririnig ko at ang paghikbi pa rin ni Kloe.
Habang naghihintay ay napadaan muli sa pwesto namin si PO1 Meneses na siyang nagbukas ng TV na hindi ko napansing nakakabit pala sa kabilang dingding. Pinalalabas doon ang balita tungkol sa pagkamatay ni Alex.
At present, six individuals have been identified as persons of interest in connection to Moran's death. The police have not disclosed specific details about the nature of their involvement.
Crown Entertainment has yet to release an official statement regarding Moran's passing. The circumstances surrounding his death have sparked widespread speculation, with many anxiously awaiting updates from the ongoing investigation...
Naputol lang ang panonood namin nang dumating na ang in charge sa imbestigasyon. Pagkarating na pagkarating niya ay kaagad niyang kinuha ang remote control na nakapatong lang sa tabi ng black box upang patayin ang TV. Kaagad rin siyang nagkakilala sa amin bilang detective in charge sa kaso ni Alex habang mataman kaming pinagmamasdan. Maging si Kloe ay pinigilan ang paghikbi nang dumating si Detective Salerno.
"You have the right to retain and instruct counsel privately without delay. You can choose any lawyer, and a 24-hour telephone service is accessible for legal advice from a duty lawyer under the Public Attorney's Office, free of charge. If you'd like, I can provide you with the telephone number. You have the right to remain silent, but whatever you choose to say can be used as evidence. Do you understand?" mahabang linya nito.
Napatango naman kaming lahat sa kaniya.
"Good. I need to talk to each of you alone so I can clarify some things that is much needed in the investigation. Isa-isa ko kayong kakausapin at gusto kong lahat kayo ay hindi magsisinungaling. Lahat ng sasabihin ninyo ay ako lang at ang mga pulis na tumutulong sa kasong ito ang makakaalam, maliwanag ba?" tanong niyang muli na siyang tinanguan din namin. Ngumiti naman siya sa nakuhang sagot sa amin kahit na tango lang naman 'yon. "Let's start with you, Miss Moran," tawag niya kay Creah bago nauna nang pumasok sa isang silid na sa tingin ko ay interrogation room.
Nagpaalam naman si Creah kina Finn at Kloe bago sumunod kay Detective Salerno sa silid na pinasukan nito.
Nagbuntong-hininga akong muli.
Kinakabahan ako.
DETECTIVE GERONIMO ANTON SALERNO
Matapos kunin ng mga tao namin mula sa forensic department ang katawan ay nanatili ako at ilan sa mga kapulisan upang mas masusing maghanap ng kahit anong lead na maaaring makapagturo sa taong nasa likod ng pagkamatay ng batang Moran. Ngunit kahit sinuyod na namin ang bawat sulok ng gusali ay wala talaga kaming nakita. Mula sa lobby hanggang sa rooftop ng gusali ay nahalungkat na namin.
Walang natagpuang murder weapon.
Malamang ay tinangay 'yon ng salarin at itinago sa kung saan.
Hawak ko ang notepad na naglalaman ng mahahalagang impormasyong nakuha namin mula sa crime scene nang lapitan ako ni PO1 Laydia, isa sa mga bagong pasok sa departamento namin. "Detective, nasa Quintessa na raw po ang apat sa mga persons of interest. Hinihintay na lang ang dalawa pa. Anytime daw po ay maaari niyo na silang isasailalim sa interrogation." May inabot siya sa 'king printed document.
Nang buklatin ko 'yon ay tumambad sa 'kin ang mga impormasyon tungkol sa anim naming persons of interest, mga taong maaaring may kinalaman sa pagkamatay ng biktima. Tatlo sa kanila ay huling nakasama ni Creo kagabi. Ang matalik niyang kaibigan na si Finn Andrew Solare, isang kilalang modelo at madalas nakikita sa mga bigating race. Si Creah Alessandra Moran na nakababatang kapatid ng biktima. At isang sikat na modelo at award-winning action star na nakitang kasama ni Creo sa sasakyan nang pauwi na ang mga ito, si Zoren Azryel Santora o mas kilala bilang Zen.
May dalawa namang ayon sa source ay nakitang nakikipagtalo sa biktima, ilang araw bago mangyari ang krimen. Si Kloe Li, ang kasintahan ng biktima na isang sikat na modelo sa ilalim ng kompanyag kaniyang ama. At si Roxy Vienna, isa ring modelo sa kaparehong kompanya. Ayon sa report ay pinaghihinalaang kabit raw ito ni Creo at siyang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin pinakakasalan si Kloe kahit na matagal nang magkasintahan ang dalawa.
At ang panghuli ay si Elaine Varona, ang nakakita sa katawan ni Creo. Nasama siya sa persons of interest dahil ayon sa mga security guard na na-interview namin ay hindi naman daw pumapasok ng maaga ang aktres lalo na't wala naman itong kasalukuyang proyektong kinabibilangan dahil katatapos lang ng teleserye nito. Ngunit hindi iyon ang pinaka dahilan. Alam ng lahat na hindi nito kasundo si Creo, bagkus ay minsan na siyang nagkamali nang banggitin nito sa isang variety show na mas gusto niyang si Creah ang maging susunod na CEO ng Crown Entertainment. Hindi na natanggal sa isipan ng madla ang sinabi niyang iyon. Mahina, ngunit nakikita pa ring isang motibo 'yon upang makipagtulungan siya sa pumatay kay Creo, kung sakali mang hindi talaga siya ang mismong pumatay.
Matapos basahin ang mga 'yon ay agad na akong nagpaalam na tutungo na sa presinto ng Quintessa. Iniwan ko na lang si Inpector Maru upang ipagpatuloy ang paghingi ng statement sa natitira pang mga empleyadong naroon ngayong araw. Nagmadali ako pagmamaneho upang makarating kaagad sa presinto. Mabuti na lang din at hindi ako inabutan ng traffic kaya mas mabilis akong nakarating sa QPD.
Pagpasok ko sa presinto ay hindi na ako nag-abala pang bumati sa kung sino mang nadadaanan at nakakasalubong ko. Dire-diretso akong naglakad patungo sa interrogation room dahil siguro naman na akong doon pinapunta ang mga kailangan kong kausapin.
Tama nga ako dahil nang makarating sa paroroonan ko ay kahilera ang apat na babae sa mga upuan sa labas ng interrogation room. Ang dalawang lalaki ay kapwa nakatayong nakasandal sa pader. Hindi nila agad na napansin ang pagdating ko dahil sa pinanonood na balita patungkol sa pagkamatay ng batang Moran mula sa nakakabit na TV sa pader. Kinuha ko ang remote control at pinatay 'yon. Nakuha ko naman ang atensyon nila dahil do'n.
Nagkakilala lang ako sa kanila at ipinaliwanag ang mga maaaring mangyari sa oras na simulan ko na ang pagtatanong sa kanila. Tango lang ang isinagot sa 'kin ng mga bata.
Una kong tinawag ang kapatid ni Creo na kaagad namang sumunod sa akin sa loob ng interrogation room.
Sa loob ng silid ay may nakalagay lamang na isang mesa at dalawang silya kung saan maaari akong maupo at ang taong kakausapin ko. Naupo ako sa isa sa mga silya at iminuwestra kay Creah ang isa pang upuan upang doon siya maupo. Sumunod naman ang dalaga at tahimik na naupo.
Sa likuran ko ay may nakalagay na two way mirror kung saan dito sa loob ay repleksiyon lang naming mga nasa loob ng silid ang makikita, ngunit sa kabilang banda nito ay malinaw kaming nakikita ng kung sino mang nais na makita at marinig ang nangyayaring interrogation sa loob. Ang pintuan nito ay nasa kabilang hallway at hindi ko alam kung bakit gano'n ang pagkakalagay nito. Hindi na ako nagtanong noong unang beses kong malaman ang tungkol doon dahil wala naman akong pakialam.
Mataman ko pang pinagmamasdan ang kaharap ko nang unahan niya na akong magsalita. "Let's cut the chase. I know why I'm here. You think I killed my brother so I will inherit Crown Entertainment instead of him, am I right?"
I chuckled at the young lady's choice of words.
Saglit ko siyang pinasadahan ng tingin. Mahaba ang tuwid at kulay kayumanggi niyang buhok na umaabot hanggang bewang. Nakaipit iyon sa magkabila niyang tainga upang hindi humarang sa mukha. Napansin kong kaparehas ng sa kay Creo ang mata niya. Kulay kayumanggi rin. The only difference is that hers has slight streaks of yellowish gold surrounding her iris. Hindi ko napansin 'yon kanina kay Creo. Dahil na rin siguro sa wala na siyang buhay, kaya hindi na gano'n kapansin pansin kung may gano'n mang detalye ang mga mata niya.
Mukhang mataray itong si Creah kahit hindi siya naka-makeup, o baka sadyang mukhang natural ang makeup nya kaya gano'n. Mukhang natural at hindi drawing ang kilay niyang halos magsalubong na dahil sa pagkaka-kunot ng noo. Mahahaba ang pilikmata, matangos ang ilong, at kulay pula ang hugis pana ni kupido niyang labi. Medyo bilugan at maputi rin ang mukha niyang bumagay sa mataray niyang ekspresyon.
Kahawig na kahawig niya talaga si Creo.
"Well..." I trailed off, trying to stop myself from laughing because of how straightforward she is. Inunahan niya pa akong magtanong. "Tama ka. Isa sa mga kinokonsidera naming motibo ng pagpatay ay dahil sa pagsasalin ng pamamalakad sa kompanya. Lalo na't bali-balita na ngayon ang pagreretiro ng ama mo. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi masyadong maganda ang posisyon ng kapatid mo bilang tagapagmana ng kompanya," saad ko.
Umismid naman ang kausap ko at sinabing, "'Yan tayo, e. Por que may posibilidad na kung sakaling hindi si Kuya Alex ang magmamana ng kompanya at ako ang papalit ay ako na kaagad ang masama."
"Hindi sa gano'n, hija. Hindi naman sa ikaw kaagad ang pinupuntirya namin. Una sa lahat, narito ka ngayon dahil kailangan kong malaman kung ano ang katotohanan. Kung hindi naman talaga ikaw ang pumatay sa kapatid mo ay abswelto ka," paliwanag ko sa kaniya.
Nagbuntong-hininga hininga naman ito at kapagkuwan ay tumango.
"Mainam." Inilabas ko mula sa kanang bulsa ng suot kong pantalon ang dala kong notepad at ballpen. "First of all, I would like to confirm it from you that you were with your brother last night. You were seen walking out of his car and going inside yours before driving away. Is that right?" tanong ko. Tumango naman ang dalaga. "And is it also true that you slammed your brother's car door when you stepped out of it and furiously marched to your own car after?" dagdag ko naman.
"Yeah, right. We went bar hopping last night with his best friend and Zen," paliwanag niya. "Kilala mo naman siguro si Zen?"
Tumango ako.
"Nagtampo lang talaga ako dahil ayaw niya akong ihatid sa condo ko dahil out of the way daw. Samantalang kay Zen ay nagpresinta pa siyang ihatid sa condo dahil baka raw mapaano. Ang kulugong 'yon! Mas inaalala pa ang makinis na mukha ng panget na action star na 'yon kaysa sa 'kin na kapatid niya!" naiinis ngunit natatawang sabi pa ni Creah.
Maging ako ay nagpigil ng tawa dahil sa binitawan niyang mga salita. Napailing na lang ako at isinulat ang mga sinabi niya sa notepad. Nang mag-angat akong muli ng tingin kay Creah ay nakangiwing naghihintay lamg siya ng sunod kong itatanong.
"What?" mataray na tanong nito.
Mahina naman akong natawa sa kaniya. "Iyon lang naman ang gusto kong malaman mula sa 'yo. Bukod sa isa ka sa mga huling nakitang kasama ng kapatid mo bago siya natagpuang walang buhay ay hindi namin alam kung ano ang dahilan kung bakit padabog mong isinara ang pinto ng kotse ng kapatid mo."
"Okay-"
"Pero hindi ibig sabihin no'n ay naniniwala na kaagad ako sa paliwanag mo."
"Seriously? Ah, fine! I don't really care if you guys believe me or not. I didn't do anything. In fact, I still need to do a lot of things now that my brother is gone. Hindi ko na pro-problemahin ang paghihinala niyo dahil mas importante ngayon ang pamilya ko. If you have nothing else to ask, can I leave now?"
"You may. Thank you for your cooperation, Miss Moran. Do not worry about your safety, including your family, since you're under our protection. May mga ipinadala nang ilang pulis sa bahay niyo na magsisilbing bantay niyo hangga't hindi pa nahuhuli ang salarin. May susunod rin sa 'yong isa pang pulis hanggang sa makauwi ka. Mas mabuti nang sigurado dahil hindi natin alam ang maaaring mangyari. Baka mamaya ay hindi lang pala ang kapatid mo ang habol ng salarin."
"We have our own guards and a butler, but thank you for your concern."
Tumayo na si Creah at naglakad patungo sa pintuan pagkatapos niyang magsalita. Binalingan ko naman siya at sinabing papasukin na ang matalik na kaibigan ni Creo na si Finn Solare. Tinanguan naman ako ng dalaga bago tuluyan nang lumabas.
Ilang segundo rin akong naghintay bago bumukas muli ang pinto. Iniluwa nito ang isang lalaking nasa 6'3 yata ang tangkad. Habang naglalakad siya ay pinagmasdan ko ang kaniyang mukha. Hindi katulad ni Creah na laging mukhang mataray ay mukhang maaliwalas ang mukha ng lalaking ito. He's-according to millennial terms-slaying that undercut hairstyle. The back and sides are shaved, while the hair at the top is swept on the right side. Itim na itim ang kulay niyon at salungat sa kung gaano kasigla ang mukha niya. Makapal ang kilay, may kahabaan ang pilikmata, matangos rin ang ilong, mas light nang kaunti ngunit kulay kayumanggi pa ring kulay ng mata, at medyo manipis ang mga labing kaagad na ngumiti nang batiin ako. "Good morning, Detective!"
Tinanguan ko naman ito at binati pabalik. "Good morning."
Hindi ako ngumiti. Bagkus ay pinigilan kong matawa nang saglit na matigilan siya nang hindi ko ibalik ang ngiting ibinigay niya sa 'kin. Kahit ilang segundo lang iyon at ibinalik niya rin naman sa dati ang pagkakangiti niya ay hindi 'yon nakalagpas sa paningin ko.
Tama nga ang sabi ng karamihan. Hindi sanay na hindi napapansin itong lalaking 'to. Kung sa bagay, sikat naman talaga siya at mula pagkabata ay sanay nang nasa harap ng camera kung kaya't tila naiinis raw ito sa tuwing hindi siya nginingitian pabalik ng sinumang bigyan niya nito. Paniguradong pinipilit niya lang ngayong hindi ipakita ang pagkabigla at inis niya sa 'kin dahil alam niyang wala siyang magagawa.
"Maupo ka," utos ko sa kaniya. Nakangiti naman siyang sumunod at naupo sa silyang kaharap ko. "Magkasama kayo ng biktima kagabi, hindi ba?" walang patumpiktumpik kong tanong sa kaniya.
Hindi naman na siya nagulat pa at kaagad na tumango bilang sagot. Hindi ko na hinintay pang sumagot siya ng oo at muli na akong nagsalita. "Kung gano'n, maaari mo bang sabihin sa 'kin kung bakit ka bumalik sa Crown Entertainment building at nanatili roon, at ilang minuto lang matapos dumating ni Creo ay siya namang paglabas mo?" mahinahon kong tanong sa kaniya.
Muli naman itong ngumiti bago mahinahon ding sumagot. "I left something inside one of the studios, and I came to take it back."
"At ano naman ang naiwan mo?" tanong kong muli.
"My condo unit's key card," sagot nito. Hindi muna ako kumibi at pinagmasdan lang siyang maigi. Tila napaisip naman siya dahil sa pagtitig ko at mukhang hinuhulaan ang susunod kong itatanong. "If you'll ask me who can prove my alibi, there is none. Si Creo lang ang sinabihan ko nang mapansin kong wala sa bulsa ko ang key card ko, kaya ako nagmadaling bumalik sa Crown Ent dahil naalala kong inilapag ko 'yon sa isang upuan habang nagsho-shoot kami para sa susunod na issue ng Royal Magazine," dagdag nito.
Tumango naman ako at hindi na sinundan pa ang tanong, bagkus ay pinalabas ko ma lang siya at sinabihang papasukin si Kloe Li, ang kasintahan ni Creo.
Sa totoo lang ay hindi ako naniniwala sa binitawang mga salita noong si Finn Solare, lalo na't napapansin ko, habang pinagmamasdan ko ang bawat kilos niya kanina, kung paano siya madaling madali sa paghahanap ng maaaring isagot sa 'kin kahit na wala pa naman akong masyadong sinasabi. Base rin sa tono ng pananalita niya ay halatang scripted ang alibi niya kahit pa nakangiti niya itong sinasabi. At isa pa, kataka-takang inabot siya ng ilang oras sa loob ng gusali kahit na ang sabi niya kanina ay inilapag niya lang ang hinahanap niyang key card sa isa sa mga upuan doon. Lumabas lang din siya ilang minuto matapos dumating ni Creo, kaya hindi talaga kapani-paniwala ang salaysay nito.
Ang sunod kong kinausap ay ang kasintahan ni Creo na si Kloe Li, isa sa mga sikat na supermodel na hawak rin ng Crown Entertainment. Nang tanungin ko siya tungkol sa kumalat na video nila ni Creo kung saan makikitang nagtatalo sila nito ay ipinaliwanag niya sa 'kin na dahil lang daw iyon sa isang hindi pagkakaintindihan nang, ayon sa kaniya, ay nakalimutan ng lalaki ang anniversary nila.
Sa madaling salita, wala akong nakuhang kahit anong makatutulong sa kaso. Mugtong mugto pa ang mga mata ng dalaga mula sa pag-iyak.
Gano'n din sa kay Roxy Vienna, isa ring supermodel na ayon sa nga kumakalat na tsismis ay kabit daw ni Creo. Natatawang itinanggi naman ng dalaga ang paratang sa kaniya at pinanindigang hindi totoong kabit siya ng biktima. Ayon sa kaniya ay pinipilit lamang siya ni Creo na sumali sa isang fashion show na kaagad niyang tinanggihan dahil masyado nang puno ang schedule niya ngayong buwan. Hindi raw sila nagtatalo ng lalaki.
No'ng si Elaine Varona naman ang tinatanong ko ay dumating si PO1 Meneses at sinabing nasa labas daw ang kapatid ko.
Ano naman kaya ang kailangan no'n sa 'kin at pinuntahan pa talaga ako rito sa presinto kahit alam niya namang abala ako sa trabaho? Malaman ko lang talagang may ginawa siyang katarantaduhan ay malilintikan sa 'kin ang batang 'yan!
Napabuntong-hininga na lang ako at pinasabi ritong paupuin muna ang kapatid ko sa labas at tatapusin ko muna ang interogasyon bago siya puntahan.
"So what you mean to say is that you really don't have any reason to come to work but you did? Maagang maaga kang pumunta kahit na wala ka namang gagawin? Perhaps you were too happy with your last TV series that you came to work too early to ask your boss for a new project again? Is that it?" I continued asking Elaine.
The lady just bowed her head and took seconds to answer, "Maybe."
I took note of that and let her go. Ipinatawag ko na rin sa kaniya si Zen na siya na lang natitirang hindi ko pa nakakausap. After all, I have nothing else to ask the lady. Iginigiit niya talagang wala siyang alam at natagpuan na lang basta ang katawan ni Creo. Nakapagtataka mang pumasok siya nang napakaaga kahit na wala naman siyang trabaho pa dahil nga katatapos lang ng teleserye niya nitong nagdaang linggo ay hindi ko na lang din siya kinulit pa. Pigang piga na ang dalaga sa kauulit-ulit ko sa kaniya ng tanong.
Ngunit hinayaan ko man siyang makaalis ay hindi ko naman tatantanan ang pagtuklas kung may kinalaman nga ba siya o wala. Base sa kinikilos niya kanina at sa pagtango niya lang sa lahat ng sabihin ko sa kaniya ay may tinatago siya. Hindi siya sigurado, kaya um-oo na lang siya sa kahit na akong sabihin ko.
Sisiguraduhin kong mapapaamin ko siya sa mga susunod na araw, kung siya nga talaga ang salarin.
Natigil ako sa pagsusulat nang bumukas muli ang pinto at pumasok ang huling taong kakausapin ko. Si Zoren Azryel Santora, o mas kilala bilang Zen, isang sikat na modelo at action star na ayon sa kapatid ni Creo ay mas piniling ihatid ng kapatid niya kagabi kaysa sa kaniya.
Nang makaupo ito sa silyang katapat ng kinauupuan ko ay una kong napansin ang mukha niyang halos hindi ko na makita dahil sa suot na hoodie. "You may take your hood off your head, kid," sabi ko sa kaniya.
"O-okay," nauutal na sagot nito.
Matapos niyang tanggalin ang hood sa kaniyang ulo ay saka ko lang napagmasdang maigi nag hitsura niya.
Kaya naman pala kinababaliwan ng kababaihan at kabaklaan ang isang ito.
Mahitsura at maporma kahit na halatang kung ano lang ang damit na nasa ibabaw ng damitan niya ay 'yon na ang isinuot.
Tama lang ang pagkaka-kapal ng kilay na bumagay sa magandang pares ng mata nito-grayish blue. Mahahaba rin ang pilikmata, matangos ang ilong, natural na mamula-mula ang pisngi at labing kagaya ng sa kay Creah ay hugis pana rin ni kupido. Mas makapal nga lang ng kaunti ang sa kaniya at mas mukhang natural dahil halata ring hindi siya naligo bago pumunta rito.
Mukhang kagigising nga lang at magulo pa ang kulay abong uling nitong buhok na amoy lavender-scented air freshener.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top