Pencil 1
Votes and coments guys. Thank ypu :)
Ell's pov:
"Ellelelelelelelele!"
Pag sigaw ng taong sumalubong sakin sa airport, agad akong lumapit sa kanya para kutusan.
Sa tanda naming to tinatawag nya parin ako sa palayaw na yun.
"Mahiya ka nga ang daming tao dito oh"
"Pakialam ba nila, ellelele namiss kita sobra"
Yumakap sya ng pagkahigpit sakin, may iilang tao tuloy ang tumitingin samin.
Marahas ko syang itinulak para mapa bitaw sakin.
Tinignan nya ako ng masama
"Tigilan mo ko impakto ka! suminghot kana naman siguro ng paminta, kahit kaylan talaga ugaling bata kapa rin"
Irita kong saad.
"Eto naman namiss lang naman talaga kita, pati ganito na talaga ako"
"Edi aminado kanang siraulo ka at takas mental"
Pang bubwiset ko sa kanya
"Ang bad mo pa rin sakin! tinawag muna nga akong impakto, siraulo pati ba naman takas mental?! mag sorry kung hinde magwawala ako dito"
Parang bata syang nag mamaktol.
"Edi mag wala ka bakulaw nato!"
Ako pa tinakot nya, akala mo naman pipigilan ko sya hahaha.
"kilala moko at kaya kong gawin sinasabi ko sayo kaya mag sorry ka ngayon na!"
Go lang suportahan pa kita.
"Umuwi na tayo pwede ba pagod ako!"
Hindi sya kumibo pero nabigla ako sa ginawa nya, ang impakto umupo nga sa sahig at nagwawala na parang siraulo.
"Ellelele ang bad mo!"
Nag-iiyak iyakan at paulit-ulit nyang pag-sigaw, muntanga mukha syang batang inagawan ng candy.
"Tumayo ka dyan ano ba! ang daming nakatingin mahiya ka nga bilis!"
Taranta kong utos habang hinahatak sya patayo
"Mag sorry kana muna!"
Iyak iyakan nanaman nyang sagot..
"Siraulo ka talaga ang bigat mo! kung ayaw mong tumayo dyan hintayin mo yung guard at sya na sisipa sayo palabas dito! bahala ka nang ulupong ka!"
Pag sigaw ko, ang bakulaw nato akala mo sya lang mapapahiya bahala sya layasan ko na sya. Nasa labas na ako ng airport para hintayin yung bakulaw makalabas, mga ilang sandali pa ay hawak sya ng dalawang guard.
"Ano ba kaya ko nang mag-isa!"
Sigaw ng bakulaw.
"Sir nakakagulo po kayo sa loob"
Sagot naman ng isang guard.
"Oo na aalis na nga, sa susunod na kaladkarin nyo ko pagsisisihan nyo yun"
Pagbabanta nya, bakulaw nato nagyayabang nanaman.
Lumpait ako sa kinaroroonan nila dahil ang impakto mukha kang mananapak na, ayaw na ayaw nya kasing may kumakaladkad o nangingialam sa ginagawa nya.
"Excuse po pagpa pasensyahan nyo napo itong kaibigan ko, kakalabas lang ho kasi nyan sa mental"
Magsasalita sana si kenn ng takpan ko bibig nya
"Aalis napo kami, pasensya na po"
Tanging pagtango at pag kamot batok nalang ang nasagot samin ng guards.
Tahimik lang nagmamaneho si kenn, ako naman pagbugtong bugtong hininga.
Aba gago nato sya na parang gumawa ng nakakahiya kanina, sya pa ata galit ngayon.
"Ikaw kenn dipa rin nag babago, iayos mo na nga yang sarile mo"
Panimula ko, nilingon nya ako mg nakakunot ang noo na ibinalik naman agad ang tingin sa kalsada.
"Madaming nagbago ell kaya wag mo akong pag sasabihan na iayos ko sarile ko" Seryoso nyang saad, pagod na nga ako sa biyahe da-dramahan nya agad ako ng ganito.
"Ano ba talagang problema mo?"
"Ikaw ang problema!"
"Ako? ee ikaw yung parang tangang nagwala sa airport!"
Palitan naming sigaw sa loob ng sasakyan
"Totoo naman kasing namiss kita"
"So anong drama mo ngayon?"
"Drama? pwede ba ell hanggang kaylan ganyang ugali mo parating mainet ulo mo sakin, parati mo akong inaasar at higit sa lahat kaibigan mo ako pero para kang walang tiwala sakin!"
Alam ko na ibig nyang sabihin pero, magpa-patay malisya nalang ako.
"Ano bang pinagsasabi mong baliw ka!"
"5years ell wala ka man lang paramdam sakin, gusto kong sumunod sa america kaso pinipigilan ako ng lolo mo, yung totoo may problema kaba sakin huh?"
Nakakatawang may takot rin sya kay lolo.
"Sobrang busy ko kenn alam mo naman trabaho ko"
"Anong palusot yan ell? tanga lang maniniwala sayo"
Sagot nya well tanga lang talaga maniniwala sa paliwanag ko hahaha.
"Nasasagot ko naman email mo at tawag diba, anong dina-drama mo?"
itinigil nya bigla yung kotse, muntik na tuloy akong maumpog.
"Sira nabang ulo mo bak---"
"baba!"
Nagulat ako sa pag sigaw nyang iyon.
"Ano?"
Naka kunot noong tanong ko, malinaw ko namang narinig pero bakit kailangan nya akong pababain?
"Ang sabi ko bumaba ka!"
Sa sobrang seryoso ng mukha nya at sa pagtaas nya ng boses wala akong nagawa kundi ang bumaba. Pinag masdan ko lang ang papalayong sasakyan ni kenn, gago sumbong kita sa lolo ko!
Oh ano ako ngayon naka-kaimbyerna! ang impaktong yun diko makontak, nasa kanya bag ko nandun yung ATM at wallet ko anak ng kutong lupa kanina pa ko naglalakad.
Dahil sa naglalakad ako gusto ko lang ishare kung bakit naghihimutok yung impaktong yun.
Sa loob kasi ng 8years naming magkaibigan ni kenn tatlong taon lang pinagsamahan namin ng masaya, yung limang taon aminado ako na sakin nagka problema.
Di lang naman kasi si kenn ang dahilan kung bakit umalis ako sa pilipinas, ang una tungkol sa ama kong di ako matanggap bilang anak, pangalawa pilit kong kinakalimutan yung nangyari sakin noong nag-aaral pa ako dito at ang huli dahil kay kenn.
Gustong gusto ko na kalimutan o iwasan lahat yun kaya sa america ako tumira sa loob ng 5years.
Pero eto ako ngayon nasa pilipinas ulit, natatakot nanaman ako sa pamamalagi ko ulit dito, pero kailangan dahil sa utos ni lolo at dahil narin sa LAG na gustong gusto kong makuha, may tiwala sakin si lolo pati narin ako sa kanya kaya pipilitin kong isang tabi nalang ang takot ko, para matuwa naman sakin si lolo.
Mag-iisang oras narin akong naglalakad at mag gagabi narin hindi ko alam kung san lapalot nako nakarating fuck! walang silbing cellphone nato lowbat at walang kunsensyang kenn yun hinayaan lang akong ganito.
"Nasan na yabang mo!"
Sigaw kung saan ng lalakeng boses
"Tangnamo puro kalang pala yabang hayop ka!"
Sigaw ulit pero iba nayung boses, dahil sa may paka chismoso ako hinanap ko yung mga sumisigaw. Nakita ko yung tatlong lalake na nakatayo at nakatalikod mula saking pwesto at isang lalake na naka mask at nakaupo sa sahig at hawak hawak ang tagiliran.
Wth! nagbu-bugbugan ata sila dito!
sinipa ng isang lalake sa mukha yung lalakeng nakaupo, ayokong mangialam dahil baka mapahamak ako kaya siguro aalis nalang ako...... pero... pero.... tsk ell anong gagawin mo? ayokong makakita ng taong binu-bully ayokong may taong mapagaya sa nangyari sakin noon.
isip.... loading.... isip.... loading... loading.... loading.... ting waaaah kaya mo yan ell! 1 2 3......
"Dito ho manong pulis!!!"
Sigaw ko ng pagkalakas lakas subalit patago kong ginawa yun, sinilip ko yung apat na lalake at halatang na alarma yung tatlo kaya tumakbo sila palayo sa lalakeng naka mask.
"A-ayos ka lang ba?"
Utal kong tanong ng makalapit ako sa lalakeng feel na feel na ngayong pagkakaupo sa sahig.
"Ikaw kaya magpa bugbog, tapos tatanungin ko kung 'ayos ka lang?' ano magiging sagot mo?"
Siraulong to namimilosopo pa tinulungan na nga.
"Alam mo sa halip na dumada ka dyan totoy tumayo kana para maihatid kita sa ospital"
Napansin ko kasing mga naka uniform sya at yung tatlong lalake, puro away mga inaatupag sayang pinaaaral ng mga magulang at sinasayang nila itinuturo ng mga guro.
"Kabataan nga naman dito sa pilipinas walang mga pagbabago, sayang pinapa-aral ng mga magulang tsk tsk!"
"Tumahimik kana lang dyan at alalayan mo akong maglakad" masungit nya paring sagot sakin.
"Aba't wala kang galang na ba--?"
Hindi ko naituloy dahil sa kapreng lalakeng to, ang lake nyang tae este tao pala.
"Ang LAKING totoy ko naman SAYO"
Halatang halatang nambubwiset tong kapreng to! inalalayan ko sya sa maabot ng height ko. Uumpisahan na sana naming lisanin yung lugar ng biglang humarang sa daraanan namin "shit" bulong ng kapreng inaalalayan ko.
"Alam mo pre akala ko puro katangahan lang alam mo, may utak karin palang hayop ka"
Ang galing ng gunggong nayun may pagpuri na, may pangmamaliit pa ayos din.
"Buti nalang at bumalik tayo dito, muntik na tayong maisahan ng mga to"
"Bakit nang himasok kapa kasi brad? gusto mo bang matulad sa kanya?"
Tanong nung isa sa kanila sakin.
"Natural hindi"
Masungit kong sagot.
"Aba marunong sumagot mga pre"
"Obvious na sasagot ako tinanong nyo nga diba?"
sagot kong may tapang ang tono, kinakabahan kaso alam ko narin naman kasi na tumameme man ako mo hindi may mangyayari nang di maganda.
"Mga pre bastos bunganga nitong batang to, mukang gusto nya matulad sa mayabang nayan"
Mga tangang to mas matanda pako sa kanila mga walang galang.
"Sakin lang kayo may kailangan wag nyo idamay tong taong to"
Aba may kabaitan naman pala ang kapre.
"Sige! ikaw umalis kana dito ngayon na!"
Sigaw ng isa sakin, bulong ng bulong sakin yung kapre na umalis na daw ako, tumakbo na daw ako tsk! alangan umalis ako maku-kunsensya pa ako kapag namantay sya.
"Ang kulit mo umalis kana sabi!"
Sigaw nya sakin.
"Tumahimik ka wag mokong sigawan mas matanda ako sayo!"
Binitawan ko sya basta yung tipong masasaktan sya sa pag bagsak para mapaupo ulit sa sahig.
"Kayong tatlo mamili kayo hahayaan nyo kami o masasaktan kayo?"
Pagtuloy kong ani kahit naman papano marunong ako makipag basagan ng mukha pang proteksyon lang sa sarile ko.
"Mayabang ka rin! sige mga pre magpakasaya tayo ulit"
Sagot nung isa.
(A/N:dahil sa walang hilig sa action si author mag imagine nalang kayo ng nagsasapakan haha)
Napilitan ako, kaylangan lang kasi mapapahamak ako kapag diko ginawa sa kanila yun.
Kulit naman kasi nila sinabi nang hayaan nalang kami nagpumilit pang bugbugin kami para lang sa ikasasaya nila, mga dakilang siga!
"Hahayaan nyo naba kami?"
Tanong ko sa tatlong nakaupo narin sa sahig
"O-opo tara na mga pre"
Mga iika-ika silang lumayas sa harap ko.
"Kahit maliit ka pala may ipagyayabang ka sa basagan ng mukha"
May tonong pang aasar nyang ani.
"Tumahimik ka ginawa ko lang yun para ipagtanggol sarile ko, para hindi kana rin mabugbog"
Inalalayan ko nalang sya ulit patayo. Tinungo namin yung pagkalayo layong sasakyan nyang naka park.
"Marunong kabang magdrive? may pilay binti ko, kaya nga di ako nakalaban kanina"
Magpapa drive lang kung ano-anu pang sinasabi. Dumiretso kami sa ospital para ipagamot mga pasa at pilay nitong kapre, ako naman pinagamot lang yung hiwang natamo ko, nasabit kung saan nung nakikipag sapakan ako.
"Pwede bang humiram ng charger miss?"
Tanong ko sa nurse, tumango lang sya at umalis. Mga ilang sandali pa bumalik nayung nurse dala ang charger.
"Magpapa sundo nako, ayos ka nanaman siguro dito"
Tanong ko.
"Oo ayos nako"
"Bakit ayaw mong tanggalin yang mask mo? kriminal kaba? may sakit kaba?"
Curious lang naman ako sa itsura nya.
"Wag mong pakialaman trip ko"
"SALAMAT HUH!"
"Walang anuman"
Pang bwiset talaga. Tinawagan ko nang dapat sumundo sakin no choice ako dahil bukod kay papa sya lang kilala ko dito sa pilipinas.
Mga 30 minutes bago makarating si kenn dito sa hospital.
"A-ayos ka lang ba?"
Utal at may pag aalala nyang tanong
"Mas maayos na kaysa kanina"
Walang gana kong sagot sa kanya, magiinarte ako kasalanan nya naman kung bakit ako nadamay sa gulo ng kapreng di marunong magpa salamat.
"Gusto ko nang magpa hinga"
Hindi ko na hinintay yung isasagot nya, sumakay agad ako sa kotse at pumikit. Paninindigan kong mag-inarte ngayon, kasalanan nya kaya ako napasali sa away ng mga batang yun.
Nakauwi kami sa bahay ni kenn, inaalok nya akong kumain kaso sobrang pagod na pagod katawan ko kaya itinulog ko nalang isa pa ayoko muna sya kausapin dahil nag-iinarte pa ako.
Gumala muna ako mag-isa gamit ang kotse ni kenn, may motor naman syang pwedeng gamitin sa pagpasok nya sa trabaho.
May 2 araw pa ako bago pasukin yung art university na sinasabi ni lolo kaya magpapaka liwaliw muna ako.
Paulit ulit na text at tawag ang ginawa ni kenn pero wala pa akong planong kausapin sya, wala akong pake kung sa bahay nya ako nakatira nakakatiyak naman akong di ako palalayasin ng basta ni kenn.
Naglalakad lakad ako sa mall ng may nagtext saking 'umuwi ka ngayon sa bahay' unknown number tsk baka si kenn lang din naman kaya diko nireplayan pero mga ilang sandali pa'y tumatawag na ito.
"Ano ba kenn ang kulet mo! ayoko pang umuwi tigila---"
"Wag mo akong sinisigawan! umuwi ka ngayon at mag-uusap tayo!" N
atulala nalang ako at napatigil dahil sa taong tumawag sakin.
Anong kailangan nya sakin akala ko ba wala na kaming pakialaman, tapos pauuwiin nya ako ngayon para daw mag-usap fuck anong gagawin ko.
"Lolo sinabi mo ba kay papa na uuwi akong pilipinas?" T
anong ko sa kabilang linya
"Sabihin ko man o hindi malalaman nya rin naman yun apo, bakit ba?"
"Kakausapin nya raw ho ako, may alam ba kayo sa paguusapan namin?"
"Wala akong alam dyan apo, kung gusto mong di magalit ang ama mo puntahan mo sya baka importante ang pag-uusapan nyo"
Kainis tong si lolo alam naman ngang takot ako kay papa.
"Lo niloloko nyo ba ako? importante eh wala nga hong pakialam sakin si papa"
"Basta pumunta ka apo ayokong sinusuway mo papa mo, kahit na di kayo magka sundo mas maigeng sinusunod mo pa rin sya"
Pamimilit ni lolo tsk pakiramdam ko may alam tong matandang to eh! ayaw lang sabihin.
"Sige po lo"
Huli kong ani bago ibinaba ang linya. Tinungo ko na kung nasaan ang bahay ng ama ko para daw sa pag-uusapan namin ewan.
"S-sir ell kayo po ba yan?"
Salubong ng mayordoma ng papa ko, tumango lang ako at ngumite
"Pasok po kayo"
Nagpa salamat ako at pumasok kahit na halos mahimatay nako dito sa kaba, naupo muna ako sa sofa para hintayin ang ama ko.
"Wala pa naman akong sinabing pwede kanang umupo sa sofa ko"
Nanlaki at na estatwa ako sa boses na sumalubong sakin, basta sya kaharap o kausap ko ganito epekto sakin ganito ako katakot.
"S-sabihin nyo na k-kailangan nyo para makaalis nako"
Utal kong ani
"Masyado ka atang nagmamadali... cecil ihanda muna pang tanghaliaan at sasabay sakin kumain ang anak ko"
Napangite nalang ako ng mapait, anong meron una isasabay nya ko sa pagkain at pangalawa tinawag nya akong anak. Nag tititigan lang kami ni papa habang nag hihintay matapos si ate cecil sa paghahanda ng pagkain.
"Bago tayo mag umpisa may ipapakilala akong importanteng tao sayo"
Wala naman akong pake kung sino yun ang gusto ko lang ngayon ang makaalis na dito di maganda pakiramdam ko dito.
"Hon pasensya kana late ako"
Bati ng babaeng kararating lang, humalik sya sa ama ko na wagas kung maka ngite ngayon
"Sya naba yung anak mo?"
Tanong nung babae na mukang mas matanda lang sakin ng ilang taon.
"Yes hon meet ell ang nagiisa kong anak.... ell si michi ang bago kong magiging asawa"
Nagpa balik balik lang ako ng tingin sa kanilang dalawa.
"Wala ka man lang bang magiging reaksyon sa magandang balitang ito? magkakaroon ka na ng inang mag aalalay sayo"
Naka ngiteng saad ng ama ko, yung mga ganyang ngite ang ayokong makikita mula sa ama ko.
"Ano ba dapat reaksyon ko pa? magpa party? mag tutumalon? alam nyo, wala naman akong pake kung mag asawa kayo ulit, kung yan lang pala sasabihin nyo aalis nako"
Patayo na sana ako ng pigilan ako ng babaeng to tsk hindi ko alam pero ayoko sa kanya mukha syang di mapag kakatiwalaan.
"Kumain ka muna bago ka umalis"
Yung babae, naiirita talaga ako sa kanya
"hindi na uuwi nako"
"umupo ka at kumain ka!"
Sigaw ng ama ko.
"Ano pabang gusto nyo?"
"Alam kong sa lolo mo ikaw kampi ell kaya kapag gumawa ka ng hakbang laban sakin pagsisisihan mo yun!"
Tsk! pag sisisihan! niloko nya halos buong buhay ko na nga wala syang ginawang matino para sakin.
"Wala akong ideya sa mga sinasabi nyo aalis nako"
Ngumiteng nakakabwiset lang si papa.
"Start mo diba sa monday magturo? sa art univ kung saan dean ang magiging bago mong ina."
mayabang na ani ng ama ko, napatingin ako sa babae na ubod makangite sakin ngayon.
"Huh?"
Taka ko namang tanong.
"Hindi mo alam? di sinabi ng lolo mo na samin ka mag tatrabaho?"
Singit ng babae.
"Hindi! wala narin naman akong pake kung saan ako mag tatrabaho, may tiwala ako kay lolo kaya susundin ko gusto nya"
Ang lolo ko lang naman ang pinaka pinag kakatiwalaan ko.
"Hindi ko rin alam tumatakbo sa utak ng lolo mo pero sisiguraduhin kong, kung ano man yang plano nyo diko hahayaang mapag tagumpayan nyo"
Saad nya.
"Ang cool pa diba? biruin nyo di nyo nako matanggap bilang anak, tapos kakumpetensya nyo pa si lolo sa diko alam kung tungkol saan. Ayos ipag patuloy nyo yan pa nakakatuwa sobra"
Sakrastik kong sagot, habang ngumingiteng mapait.
"Pareho kasi kayo ng lolo mong walang kwenta"
Pang mamaliit nya.
"Bakit feeling nyo kayo may kwenta? pa magising ka nga sa kahibangan mo! sarile mong pamilya pinahihirapan mo!"
Sa totoo lang ayoko syang bastusin dahil nakakatanda at ama ko parin sya, pero sumosobra naman ata sya pati si lolo pag sasabihan nya ng ganun parang di nya ama tsk!.
"Umalis kana dito wala kang karapatang sabihan ako nyan! isa pa wala akong pamilya na walang kwenta!"
Bulyaw nya pa rin.
"Mas okay pa nga sanang hindi namin kayo naging kapamilya"
Dahil sa nawalan nako ng ganang gumala umuwi nalang ako sa bahay ni kenn, makausap nayung bakulaw.
Chapter 1 done :)
-Greenite
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top