AOL:Pencil 7
Ell's POV:
Maaga kami nagising lahat dahil sa gaganapin na raw ang ikalawang activity, mabilis lang daw yun dahil questions and answers lang, pagkatapos nun pwede na muna matulog, kumain ng kung ano-anu, o gawin kung ano man pwede sa loob lang ng aeta village.
Pinag hahandaan daw kasi talaga nila ang ikatlong activity na gaganapin sa buong pamulaklakin forest nato.
Naka ilang questions na ang dean pero diko parin dama ang class ko.
"4-paint nandito ba kayo?" sarcastic na tanong ng dean.
"Naduling na ata si miss dean" narinig kong ani beks kay jenie, tinawag ako ng dean kaya agad akong lumapit
"Kausapin mo nga mga estudyante mo, sabihin mo makisagot at wag magsalita ng kung ano tungkol sakin" ani nya, tsk pasaway kasi tong mga to.
"Class nagusap-usap na tayo kahapon diba pleas lang" pakiusap ko
"Sir alam naman namin ang sagot kaso kapag balak naming sumagot nauunang magsalita lagi 4-brush" reklamo ni alex
"Oh bakit kasalanan ba naming mabagal kayo sumagot?" sagot ng isang lalake mula sa 4-brush
"At bakit din? kailangan ba mag unahan sa sagot, hindi naman ah ang importante yung natututo tayo hindi yung nakikipag kumpetensya pa, mas okay kung pantay pantay lang" sagot naman ni june, tama naman estudyante ko.
"Obviously yes kung walang mauuna walang mananalo, hindi pwedeng pantay pantay bobo!" sagot ulit nung lalake
"aba bastos bunganga mo!" sigaw ni june
"Quite!!!!" sigaw ng dean.
"imbes na magbungangaan kayo dyan mas mabuti pang ituloy nalang ang pagtatanong, you from 4-brush ayoko ng pananalita mo! may point ang 4-paint mas makakabuti na lahat kayo nakakasagot at may alam, pantay pantay nga sabi nya pa.
kaya kayo bigyan nyo ng chance ang iba makasagot" dagdag ng dean.
Nakita ko kung gaano kasama tingin ng lalake kay june, bago tumingin sakin na naka ngise, tsk may problema din ata sakin yung bata.
Itinuloy na ng dean ang pagtatanong at nakakasagot nanaman ang stuyante ko pero ewan dun sa ibang 4-brush akala mo sila mauubusan ng tanong kung mga sumagot akala mo minamaliit estudyante ko.
"Okay let's have a break" tanging ani ng dean bago kami nilayasan, ibinalik sa mga estudyante yung mga pagkaing baon nila kaya eto ako dahil sa walang baong pagkain, lalayo pa para bumili ng pagkain.
Pabalik na sana ako ng harangin ako ng tatlong kapre.
Masama pakiramdam ko na walang sasabihin at gagawing maganda tong mga to sakin.
"Tinuturuan mo ba ng ayos mga estudyante mong stupido, bobo mga walang kwenta?" ani ng lalaking kaninang kasagutan ni june, ngumite lang ako ng pilit bago sumagot.
"Natural oo, di sana hindi ako professor kung di ako nagtuturo ng ayos.... Ikaw natututo kaba ng ayos sa turo ng professor mo.. Syempre oo din! halata naman kaso, dika ata naturuan ng mga magulang mo ng tamang pag uugali o sadya bang ikaw lang may gusto sa panget na ugali mong yan?."naka ngise kong saad.
"At sino ka para sabihan ako ng ganyan?!" hinawakan nya ako sa braso ng pagka higpit, nakakaubos ng pasensya mga ganitong bata kaya pasensyahan nalang kami! kung akala nya diko sya papatulan pwes magsisisi syang minaliit nya ako at mga estudyante ko.
Hinawakan ko din ng mahigpit yung wrist nya para mabitawan nya ang braso ko, akala nya kayayanin nya ko.
"AT IKAW SINO KA PARA SABIHAN AKO AT MGA ESTUDYANTE KO NG GANUN!" sigaw ko, napabitiw naman sya sa braso ko, dahil sa iniindi nya ngayon ang pag hawak ko sa kanya.
"MASAKIT BITAWAN MO!" sigaw nya rin sakin, iniyukom nya isa nyang kamay bago iamba ng suntok sakin, pipigilan ko naman sana pero may nauna na.
"Pag yang isa mo pang kamay ay dumikit sa kahit anong parte ng katawan ni sir, sisiguraduhin kong yang mukha mo didikit sa lupa" pagbabanta ni lucky, binitawan ko na ang kamay nya , ganun rin ang ginawa ni lucky.
"Bakit hindi mo gawin" iritar at pang hahamon ng lalake.
"Alam mo pre kung lumapat lang talaga yang isa mong kamay kay sir sinisigurado ko sayo gagawin ko yun, pero dahil tinuturuan kami ng ayos at ng magandang ugali ni sir diko na gagawin" lucky.
"Mayabang!" pa sugod yung lalake ng pigilan sya ng dalawa nyang kasama.
"Renz tara na hayaan muna sila" ani ng isa nyang kasama.
"Natatakot ba kayo sa mga yan!" ani nung renz at pinag duduro kami.
"Hindi pero halika na baka malintikan tayo sa dean kapag nalaman to"
"Peste! babawi ako sa inyong mga loser's!" yung renz.
"Namo ka lucky! dimo gagawin yun? ulol kami pang niloko mo alam naman naming gustong gusto muna ingudngod yung mukha ng gagong yun." ani june ng makaalis yung tatlong kapre.
"June nandito si prof natural di nya gagawin yun dahil napapaka good boy yan alam nyo diba" ani naman benny
"ayieee tol lakas maka superman datingan natin" asar naman ni anton.
"Tumahimik nga kayo!... ayos lang ba kayo sir?" tanong ni lucky, tinignan ko yung braso ko na namumula dahil nga sa sobrang higpit ng kapit nung renz, kitang kita yung bakat ng kamay nya dahil sa maputi kong balat.
"Mawawala rin naman to, salamat sayo" ani ko.
"Bakit ba kasi kayo bumili ng pagkain sir, eh marami naman kaming baon" tanong naman ni zack.
"Alam nyo naman ayoko ng humihinge o binibigyan ng bagay bagay"
"Sir parang ang OA na ng ganyang ugaling meron kayo" si anton.
"Sir di naman sa lahat ng oras tatanggi kayo, isipin nyo rin magiging feelings ng ibang gusto kayong bigyan ng kung ano-anu" napaisip ako sa sinabi ni lucky, sa totoo lang tama naman sya kaso simula pagka bata ko ayoko talagang binibigyan ng kung anu-ano, ni hindi nga ako nag palibre man lang kahit isang candy sa lolo ko, gusto ko kasi yung ako talaga naghihirap para makuha ko mga gusto ko.
Bumalik na kaming anim kung saan naka pwesto mga estudyante ko.
Pinipilit nila akong kunin mga binibigay nila asar kapag sila pumipilit sakin di ako makatanggi dahil pinag tutulungan nila ako.
"Eto masarap" halos mabilaukan ako sa laki ng chocolate bread na isinubo sakin ni june ng basta, agad naman akong binigyan ng tubig ni lucky.
"Siraulo kaba huh!" binatukan muna nya si june bago hinagod ang likod ko.
"Ayos lang ba kayo sir, gusto nyo paba ng tubig?" alalang tanong ni lucky.
"wooooooh taena si lucky dumada moves!" hiyaw naman ni zack.
Iba kong estudyante parang kinikilig na natatawa..
"Ayos nako salamat, ikaw, kayo anong bang trip nyo? para kayong natataeng kinikilig?" tanong ko
"slow sir? kinikilig kami sa inyo ni lucky.... kaloka beks bagay sila!" naibuka ko nalqng bibig ko sa tili ni jenie.
"Oy tigilan nyo kami ni sir, may boyfriend nayan" si lucky
"sino? yung kenn?" anton
Dumapot ako ng mababato para ibato kala lucky kaso tinakbuhan ako ng mga siraulo, nakisali rin buong students ko.
"Wag kayong lalapit sakin magkakabukol yang mga ulo nyo! mga pasaway kayo" sigaw ko sa mga baliw kong estudyante.
"Excuse legazpi" ani professor leslie sya yung pinaka close ko sa AU
"bakit po miss leslie?" tanong ko
"ano kaba legazpi, ate les nalang okay"
"ah hehe sige po ate les" nahihiya kong sambit.
"Buti pa kayo ng mga estudyante mo may closeness, saming 4-brush ang hirap, gusto nila laging seryoso, yung tipong nagbibiro ako pero sasabihin lang nila na 'ang pagbibiro para lang sa mga taong hindi busy sa pag-aaral'.... Nakakatawa diba? kominikasyon talaga ata namin is bilang isang guro at estudyante lang....
alam ko marami sa kaila may problema Kaya gusto ko makatulong kaso yun nga ni hindi ko nga sila makausap dahil sa inaasal nila " nakangite nyang ani, pero mapapansin mo yung lungkot sa mata nya.
"Dipende talaga yan sa mga bata, mga estudyante ko kasi masiyahin at makukulit pero mababait naman pasaway lang minsan pero sumusunod at gumagalang naman sakin, ate les ganito bakit dimo ilabas saloobin mo sa kanila, kung pagtawanan o dedmahin ka man nila wala sayo ang problema nasa kanila, ang importante dyan sumosuporta kapa rin sa kanila, tinuturuan nyo sila ng magagandang bagay" nakangite kong ani
"Natatawa ako sa halip na akong nakakatanda ang nakakaalam ng mga ganyan, ikaw pang nakakabata ang nag papaayo sakin hehe" nahihiya nyang ani.
"Wala naman po yan sa mas matanda o mas bata, kung nakakatulong yung payong maliit man o malaki mas makakabuti po sa taong may kailangan nun diba"
"salamat legazpi" ngumite nalang ako sa kanya.
"Excuse mo sir pinapatawag kayo ng dean" ani ng isang babae, huh ano kayang kailangan nun sakin.
di kaya sinumbong ako nung renz.
"sige thank you.... ate les maiwan muna kita" tumango nalang sya.
Agad akong tumungo sa silid ni miss lazaro, ewan ko ba bakit kinakabahan ako ng ganito damn.
pinapasok ako ni miss adon, nakita ko si miss lazaro na mugto ang mata.
"Ell ang papa mo" panimula nya
"P-po a-anong nangyari k-kay papa?" utal utal kong tanong, natatakot ako dahil sa itsura nya ngayon.
"Ang papa mo, inatake sa puso" naiiyak nyang ani
"paano? ano daw po lagay nya?" parang gusto ko nang maiyak dahil sa pag-aalala, oo sobrang sama ng ama ko sakin pero di nya ako katulad na walang pakealam sa pamilya nya.
"Hindi pa tumatawag secretary nya sakin ulit kaya hindi ko pa alam, uuwi nako manila ngayon sasama kaba?" gusto ko pero natatakot kapag nandon na kami, ayoko na makitang ganoon si papa mas okay pang paginitan nya ako lagi kaysa ganun lagay nya.
"Sige kung dimo pa kaya, babalitaan nalang kita dumito ka muna kayo na munang bahala sa mga estudyante" huli nyang ani
Lumabas akong lutang na lutang, ni hindi ko namalayang nakarating ako sa tent kung nasaan yung lima, umupo nalang ako at tumitig kung saan, ang papa ko sana maging okay na sya.
"SIR!" natigil ang pag-iisip ko sa sigaw ni lucky
"Ayos lang ba kayo?" dagdag nyang ani
"ah o-oo naman, b-bakit may problema ba?" tanong ko.
"Kinausap daw kayo ng dean, isinumbong ata kayo nung renz, prof anong nangyari tinanggal ba kayo ng dean?" nag aalalang taning ni benny
"Hindi ayos lang ako" ani ko
"Anong ayos lang? mukhang may gumugulo sa utak nyo" june
"Lumabas na muna kayo" utos ko dahil naiiyak nako, iniisip ko si papa sa una ayaw pa nila lumabas pero napilit ko rin naman.
Tumawag ako kay lolo para sabihin ang nangyari kay papa, dun ko na di napigilang umiyak.
"Lo bakit ganito nararamdaman ko, diba dapat matuwa pa ako dahil nangyari sa kanya yun pero bakit ganito?" lalo akong naiiyak sa mga pinagsasabi ko, tama si lolo bakit ko nga ba ikatutuwa eh ama ko parin sya, hindi ko na alam.
"Natatakot ako lo, natatakot akong pati sya mawala sakin, ayoko lo, ayokong pati kayo mawala sakin.... Wala na akong inang umaruga sakin pati ba naman sya mawawala pa, kahit na wala akong kwenta para sa kanya o kahit na lagi nya akong maliitin ayos lang basta buhay sya" tuloy tuloy parin ang pag luha ko.
Pinayuhan nalang ako ni lolo para kumalma kalma ako, tama iisipin ko nalang na magiging okay si papa.
Magiging okay sya, mamaliitin nya pa ako, sasabihan nya pa ako ng walang kwenta magiging okay sya ell, magiging okay.
Chapter7 done :)
-Greenite
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top