AOL:Pencil 6
Ell's POV:
Nasa bus kaming lahat ng students ko patungo kung saan gaganapin ang senior activities na pauso ng dean.
Gusto ko sanang matulog kaso ang iingay ng mga batang to!
Waldas talaga ang dean kaysa naman dalawang section sa usang bus gusto nya pa tag-iisa, kaya siguro mahal singil nila.
"Sir picture naman tayo"
Tumabi sakin si lucky at kinukulit ako makipag picture-an sa kanila.
"Wala akong hilig humarap sa camera"
Sagot ko pero sadyang makulit tong si lucky isama mo payung dalawang nasa likod kong sina zack at benny, at sa may kabilang side naman nakaupo sina june at anton..
Hindi expected na madali palang maka sundo tong si june sadyang may pagka maldito lang minsan.
Dahil sa pumayag na ako di sila nakuntento na groupie lang ang ginawa sali't salitan silang tumabi sakin at nakipag selfie, at guess what pumila ang mga students ko at nakisali sa pinausong selfie ni lucky peste.
"Celebrity ba ako class?"
Lumuhod ako sa may kina-uupuan ko at humarap sa kanila, di naman nila ako pinansin dahil busy sila kakakalikot sa mga cellphone nila.
"Hanga ako sa inyo aba naka pila kayo sa bus"
Tunog sarcastic kong ani, pero dipa rin nila ako pinapansin.
"4-PAINT ANO BA! DIBA BAWAL ANG CELLPHONE DI NYO BA NABASA HUH!"
Sigaw ko sa kanila.
"Prof kalma alam po naming bawal pero wala pa naman tayo sa activity place"
Ani benny.
"Para kasi kayong di mga kinakausap"
Irita kong ani
"Sir may facebook po ba kayo? IG o twitter?"
Tanong ni beks.
"Twitter lang wala ako bakit?"
"Ay ang bongga, ano username nyo sir dali follow and add ko kayo"
Tuwang saad ni baks, ku lang na lang mag tutumalon sya sa kinauupuan nya.
"Wag na tagal ko nang di nag oonline, baka bulok na acc ko"
Seryoso ilang buwan na akong hindi nag bubukas ng account ko sa IG at FB hehe.
"Dali na sir wag na kayong mag damot, tag lang namin kayo sa post namin"
Pangungulit pa rin ni beks, kinukulit narin ako ng iba pero diko sila pinagbigyan haha bahala sila.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nag online, check ko lang.
wth nakakatakot yung notifications sabog kung sabog.
Una kong tinignan ang FR sa FB ko palibhasa di naka private acc ko ang dami nilang nakapag request sent sakin, isinunod ko naman ako messages na napaka rami rin, mga friend ko sa america na nganga musta pati narin mga students ko dati doon.
Nag selfie ako at nag post sa FB at IG namiss ko lang hehehe.
Wow wala pang isang minuto inuulan na ng likes photo ko hahaha namiss nila ako, dahil sa madali talaga akong maumay nag offline nalang ako at natulog.
After namin sa bus ay ilang bangka na malalaki ang kinuha nila para makarating sa pinaka forest na sinasabi nila.
Nakarating naman kami ng safe yun nga lang nakakatakot bumiyahe.
"Okay to all professor collect them all cellphones, or other gadgets"
Paunang saad ng dean.
Ginawa nga namin ang utos nya, pasaway yung iba pero napilit ko namang maibigay nila.
Sinabi pa ng dean kung ano-anu pang mga bawal at gagawin namin dito.
"Nag kakaintindihan na okay, nabasa nyo naman at inulit ko pa sa inyo kaya pleas lang students matatanda na kayo sumunod kayo sa mga rules."
Dagdag nyang ani.
"So welcome to pamulaklakin trial students and professor's i hope na mag enjoy kayo dito"
Saad muli ng dean.
Meron mga lumapit saming tao, mga katutubong aeta elders sila pala namamahala at nag ga-guide sa mga gustong bumibisita dito.
Tumungo kami sa patolan village kung saan namumuhay ang mga aeta, dito kami magtatayo ng ilang tent dahil hindi kami kasya sa pinauupahan nilang mga tulugan, buti naman at napagkasya nila yung mga babae kaming mga lalake lang nasa labas at sa tent matutulog.
Pagka tapos naming buuin ang mga tent ay pinagpahinga muna kami ng dean.
"Kaya pala di nyo na ako pinag dala ng tent kasi ang laki nitong dala ni lucky"
Eto yung tent na pinaka malaki
"Kasya ba tayong anim? alam ko limahan lang to" patanong na ani june.
"Oo kasya tayo pati mas okay na dito si sir baka pag samantalahan yan ni beks sa kabila" natatawang ani lucky
"Okay lang naman ako dun, mukhang ayaw ako kasama ni june" kunwari akong nagtatampo.
"Nag drama agad kayo, sinabi ko limahan lang diko naman sinabing umalis kayo dito pwede namang si benny, anton o si zack umalis sa kanila"natawa lang si lucky sa sinabi ni june samantala yung tatlo ang sama ng tingin kay june.
"Ugali nito ni june" reklamo ni anton
"oh anong ugali ko?" Sarcastic na tanong ni june
"Hayaan nyo na nga kaysa naman tayong anim dito." si lucky...
Nag labas sila ng samu't saring pagkain at teka "hoy diba bawal magdala ng alak?" sita ko da kanila.
"Prof wag kang maingay pati konti lang at beer yan kaya di naman eepekto sa sistema namin yan" nabato ko si si benny ng isang chocolate bar sa mukha nya.
"Akina to okay lang ang ganyang karaming samu't saring pagkain pero etong alak bawal, itatago ko itong mga sa bag ko" nangungutngot sila na ibalik ko yung alak pero hindi ko sila pinayagan.
"Pag eto nag kulang sasabihin ko kayo sa dean" pananakot ko.
"Asa namang matakot kami sa dean" anton
"Aba't loko kang bata ka! nakakataas yun kaya dapat matakot kayo." ani ko
"mas matatakot pa kami sa inyo kaysa sa kanya" anton.
"Kung ganon sundin nyo ko wag na wag kayong iinom ng alak, nagkaka intindihan ba? tsaka nato kapag nakauwi na tayong manila" ani ko.
"Sige sir pero may dalawang bagay na kapalit yan" si zack
"Aba magaling para na nga sa ikabubuti nyo ginagawa ko gusto nyo pa may kapalit at petmalu dalawang bagay pa yun" ani ko
"Wait lang sir pag-uusapan lang namin ang kapalit ng pag bawal nyo" bumilog sila at yumuko na nag bubulungan, ang titibay ng mga mukha nito ni hindi pa nga ako pumapayag sa sinasabi nila.
"Ganito prof unang kondisyon pagbalik natin sa manila pupunta tayo sa bahay nila lucky at dun mag-iinom" ngumite ako sa kanila bago ko sila batuhin ng mga chocolate bar.
"Mga siraulo ayoko ng mag-inom! masyadong masakit sa ulo." inis kong ani
"Sige sir ganito nalang bigay nyo nalang samin yung FB at IG acc nyo" banat naman ni june.
"Sige okay..... pero dipa sa ngayon, lilinisin ko muna mga old posts ko"
"sya prof punta kana lang sa bahay namin, kasama tong mga to foodtrip lang para ma-meet mo rin yung kapatid ko" ani lucky
"sige okay lang" pumayag nako mangungulit lang tong mga ugok na to.
"Hoy ano bang feeling nyo sakin barkada nyo? tandaan nyo professor nyo ko!"
reklamo ko sa halip na pakinggan nila ako ay wala lumalamon lang sila.
"Kumain kana lang sir oh, pinagsasabi mo! pati di porket professor kayo bawal na namin kayo makasama" lucky, mag sasalita pa sana ako ng supalpalan ako ni june ng pagkain sa bunganga.
-----------------------
May tatlong activities kaming gagawin una pag-aaralan namin ang pamumuhay ng mga aeta dito like paano magluto sa bamboo, paano gumawa ng mga hand make na souvenir, mga traditonal dance ect.
Sa unang activity nato ay bawat section ang mag tutulungan, kaya ano pa nga bang aasahan ko sa mga estudyante kong mga pasusyal at paartehan.
"4-paint ayusin nyo naman, kahit ngayon lang kalimutan nyo munang maarte kayo!" inis kong sambit
"harsh nyo talaga magsalita sir" reklamo ni beks.
"Oh bakit hindi ba totoo? tsk nakakahiya nasa elder aeta ilang beses nang itinuro tamang pagluluto sa bamboo" paliwanag kong irita.
"Sir kumalma ka nga kahit di naman namin gawin yun may mga pagkain kami" si rocky
"Huh sinong may sabi? para sabihin ko sa inyo ang lahat ng pagkain, alak, ect na bawal sa mga bag nyo pinatanggal ng dean kanina nung tinutour tayo ng mga elder aeta's" paliwanag ko ulit.
"Seryoso bayan sir? shookt bes baka nakita nila yung condoms mo" ani jenie
"bunganga mo girl!" inis na ani beks habang sabunot ang buhok ni jenie.
Mga makapag reklamo sila ngayon wagas akala mo alam ko yung ginawa ng dean, di nila alam na pinagalitan ako dahil sa alak na nilagay ko sa bag akala tuloy sakin, tapos yung mga samu't saring ewan sa bag nila ako rin ang napagalitan.
"Tahimik tignan nyo 4-brush madami dami ng naluluto may pang hapunan na sila, eh kayo? tayo? paano na!" reklamo parin sila ng reklamo, bat di sa dean sila lumapit akala ko ba takot sa kanila dean.
"Yung mga nagrereklamo bahala kayo ngatngatin nyo nalang yung bamboo, dun sa mga gustong makakain panoorin nyo ako at sundin ang gagawin ko" nag start nako sa pagde-demo, sumunod naman agad ang barkadahan nila lucky, hanggang sa wala narin nagawa yung iba at sumunod sa ginagawa ko.
Nakakatuwa sila na kahit nagrereklamo kanina ay makikita mo naman ngayon na nag eenjoy sila, mapaso man sila tinutuloy lang nilang magluto.
"Sir oo nga't mga anak mayaman kami at maarte dina namin kayang gawin pinapagawa nyo" bulong ni lucky sakin
"Wala naman akong sinabing di nyo kayang gawin, ang sakin lang kasi yung matuto kayong sumunod, huwag mag reklamo at gumawa mga simpleng bagay, tignan mo sa simpleng ginagawa natin ngayon nag eenjoy naman kayo diba?"
"oo na po" tangi nyang sagot.
Inabot sakin ni miss adon ang ilulutong ulam, ingredients at mga seasoning, napaisip akong kung anong lutong ulam maluluto namin dito kulang kulang binigay nila grabe.
"Students dahil tinitipid talaga tayo ng dean, kumuha kayo ng sako!" hindi naman nila naintindihan ang gusto kong sabihin.
"isasako na natin ang dean at itatapon natin dun sa may balong nadaanan natin kanina, jusko tinitipid tayo!" inis kong ani at hindi joke yun dina naawa sa mga estudyante ko oo nga't nag eenjoy na sila pero halata sa kanilang mga gutom na at sugat sugat na kamay.
"Ay bad si sir hahaha" si beks
"Paanong luto gagawin natin dito, diko nga alam kung magkakasya satin to" ani ko, lumapit si lucky sakin at sinabing kumalma ako sila na daw bahala nila june at anton magluto ng pang ulam.
"Wow naman diko akalain na sa mga itsura nyong yan may talent pala kayo sa pagluluto" mangha kong ani
"Grabe naman kayo samin sir di naman kami basta gwapo lang" anton may pagka hambog din tong batang to, pero sige na nga gwapo na sila kaso mas gwapo parin ako hahaha.
"Kayo ba sir may hilig sa pagluluto?" tanong ni june
"Hindi ko hilig pero marunong ako, si kenn madalas magluto para sa pagkain namin" sagot ko.
"Masarap ba naman magluto yung kenn?" tanong ni lucky
"Oo naman the best magluto yun" pag mamalaki ko sa kanya
"wushu tignan nga natin kung sinong mas magaling samin, tikman nyo maige luto ko huh" ani lucky
"Zack! benny punta kayo dito!" sigaw ni anton sa dalawang abala sa pagluluto ng kanin, agad naman silang pumunta sa pwesto namin.
"Hoy may ginagawa pa kayo dun diba?!" sita ko sa dalawa
"Sir paluto nayung mga yon sila na bahala doon" sagot ni zack
"Bakit ba pre?" tanong ni benny kay anton
"May pakumpetensya kasi ang mayor nating si lucky" paliwanag ni anton.
"Huh saan? alin?" benny
"Sa puso este sa panlasa ni sir pala" sinamaan ko naman ng tingin si anton na tatawa tawa sakin.
"Huh paliwanag mo nga?" zack
"Etong siraulong si lucky ipagluluto daw si sir na mas masarap daw sa luto nung kenn" ani june.
"Mga loko-loko ba kayo, sino may sabing kumpetensya? pati kung masarap man o hindi yung luto ni kenn o ni lucky okay lang basta makakain, bilisan nyo na nga puro pa kayo kalokohan!" inis kong sambit.
"HB lagi tong si prof" ani benny
"Kung ayaw nyo makitang ganito ako magtino kayo!" bumalik nalang kami sa mga ginagawa namin.
After maluto ng kanin at ulam ipinakita at pinatikim muna namin sa dean, aminin na naming karamihan sa luyong kanin ay sunog at hilaw, pero ang ulam putek diko alam anong ginawa nila at mukhang masarap pagkakaluto.
"Sa limang section sa inyong mga ulam ang pinaka masasarap" puri ng dean, tuwang tuwa naman mga estudyante ko.
"Thank you po miss lazaro" ani ko
Nang umalis ang dean ay agad din kaming nag handa para kumain nagbigay naman sila ng plato pero dalawang sandok lang ang binigay.
"So mag kakamay tayo? yucks nadumihan tayo sa pagluluto tapos pagkakamayin nila tayo" ani jenie
"oo nga sir baka magka sakit tayo" reklamo din ni beks.
"pwede naman kayo mag hugas ng kamay, isa pa hindi nyo ikamamatay ang pagkakamay, juskong mga batang to puro kayo reklamo" ani ko
Mga batang to mag rereklamo muna bago mga sumunod kaumay na.
Buti nalang at on diet daw yung iba kaya nagkasya yung niluto namin, yung totoo ang sarap talaga ng luto nung tatlo ayoko naman sila purihin baka mag on nanaman kahambugan ng mga batang yun.
"Class pahinga muna kayo dahil mamaya uumpisahan na ng dean ang sayaw katutubo, at pleas lang ayokong makakarinig ng reklamo mula sa inyo nauumay nako, nagkaka-intindihan ba?" mahinahon kong ani, pero anak naman talaga ng tupa.
"PWEDE BA CLASS UMAYOS KAYO!" sigaw ko, natahimik naman sila at tumingin sakin "kakasabi ko lang walang mag rereklamo bumanat nanaman kayo, mamaya pa yung katutubo dance anu ba!" inis ko pa ring ani
"Sir bakit gagawin nyo rin ba ang katutubo dance nayan?" tanong ni alex
"obviously yes alex, kaya wag na kayong mag reklamo wala rin naman tayong magagawa kundi sundin ang gusto ng dean" paliwanag ko.
"Pleas lang class kapag ginawa nyo ng hindi nag rereklamo ang mga activities ibibigay ko na ang user name ko sa FB at IG deal" tuwang tuwa naman sila at pumayag, lakas ko talaga maka celebrity nito hindi ko alam bakit ba gustong gusto nila makuha user name.
7pm na ng mag tipon tipon kaming lahat, para sa katutubo dance bawat isang section tag lilimang grupo ang sasayaw ng limang minuto.
Kaming limang professor's at si miss adon naman ang mag sasabay sabay at kami rin ang una.
Sa una mga mukha talaga kaming ewan, halos pagtawanan kami ng mga estudyante pero mas ineenjoy nalang namin kaysa isiping nakakahiya.
"Sir ang bongga kahit na katutubo dance ginawa nyo ang cute nyo parin" bungad ni beks ng makaupo ako
"Salamat, kayo wag nyo nalang pansinin na pagtatawanan o mahihiya kayo i-enjoy nyo nalang okay" ani ko tumango naman sila at ngumite.
Dahil sa mareklamo rin pala ibang section nag volunteer nalang ang mga estudyante kong mauna.
At ayun hindi na nga sila nag reklamo sa halip ay inenjoy nila ang pagsasayaw, yung iba ngang lalake ay dipa nakuntento sa limang minuto hahaha.
"Class dahil sinunod nyo ko bibigay ko sa inyo user name accounts ko, isa sa mga susunod na activities kapag nagpakabait kayo at nanalo tayo may prize kayong matatanggap sakin" tutal naman bumabait na sila sakin bigyan ko sila. kahit maliit na pasasalamat, pero sa totoo lang manalo man kami o hindi napaisip akong bigyan pa rin sila.
Pagpa sensyahan nyo na UD ko guyseu medyo lutang pa kasi ang lola author nyo, babawi ako next chapter.
thank you...
Chapter 6 done :)
-Greenite
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top