AOL:Pencil 5
Dahil sa hindi ako busy ngayon sinipag mag type ang lola nyong author :)
read and enjoy guyseu...
Ell's POV:
Nagising ako ng sobrang sakit ng ulo ko.
"Waaaaaaaaaaaaaaah!"
Sa inis ko sa pesteng ulo ko at dahil late nako napa sigaw nalang ako ng pagka lakas lakas.
"Ell ano? bakit? nyare?!!"
Bilasa at alalang bungad ni kenn, bahagya akong natawa sa itsura nya, gulo gulong buhok, half naked at higit sa lahat naka barney boxer shorts.
"Ang hilig mo pa rin pala kay barney hahaha"
Nung una mukang dipa nya gets sinasabi ko, nang mapag tanto nyang tumungin sa baba nya.
"Fuck!"
Tangi nyang sambit bago tumakbo sa may kama ko at inagaw ang kumot sakin para ipang takip sa kanya.
"Wala kang pagbabago grabe"
Ani kong natatawa, dumapot sya ng unan bago ibato sa mukha ko.
"Ikaw lang naman nagbago!"
Napatingin lang ako ng seryoso sa kanya.
"Bakit kaba sumigaw?"
Pag-iiba naman nya ng usapan.
"Ah ano kasi.... ang sakit ng ulo pati.... waaaaaaaah late nako!"
Dali dali ako tumayo sa kama at tumakbo papuntang CR, bahalang ligo na muna ako. Dinaig ko pang aso dahil sa sobrang bilis ng pagligo, ang tae naman kasi late na talaga ako.
"Oy kenn bakit dimo ako ginising?"
Inis kong ani.
"Napasarap tulog ko pagod na pagod ako kagabi, eto isuot mo hinanda ko na para mapabilis ka, isunod ko yung breakfast mo at gamot mamaya ah"
Hays sige kalma na muna ako tutal maalaga tong mokong nato, pero teka nga..
"Huh isusunod? sa univ? bakit wala kabang pasok?"
Taka kong tanong, habang nagbibihis....
"W-wala 1week naming dayoff"
Utal nyang ani, ni hindi rin sya makatingin sakin.
"Ah sige salamat, may sakit kaba bakit ang pula pula ng mukha mo?"
"W-wala sige lalabas nako"
Pagka sabi nyang yun ay agad din syang lumabas.
Palibhasa may kotse na ako kaya dina nagawa ni kenn na ihatid ako man lang ako kahit sa labas ng bahay, baka busy sa pagluluto pati ano kaba ell maliligaw paglabas ng bahay.
Gusto ko pa sanang mamangha pa ng sobra sa kotse ko kaso late nako, kaya itinuon ko nalang ang sarile ko sa pag mamaneho.
-----------------------
Halos 30 mins din akong late! tae talaga, dumaan muna ako sa teacher's room para ilagay ang ibang gamit ko, bago tumungo sa room ng mga students ko.
Nang malapit na ako ay nagtataka ako sa room ay nagtataka akong tahimik sila lalo pa't wala ako dun.
"Good m----"
Natigil ako dahil kaya pala sila nanahimik ay nandito ang dean.
"Oh mr legazpi finally you're here, why are you late?" Saad ni dean.
"Im sorry miss lazaro na late po kasi ako ng gising pati sobrang sakit po ng ulo ko pasensya na"
Pagpapaumanhin ko.
"Kumain kana ba? uminom kana ba ng gamot? dapat sinabi mo or dika na pumasok mukang masama pakiramdam mo"
Lumapit sya sakin at hinipo nya ang noo ko, napatingin ako sa mga students ko na may pagtataka itsura.
Diko naman sila masisisi dahil OA tong dean nato para mag-alala kuno sakin, hindi din naman kami close at di naman nila alam na magiging bagong asawa sya ng ama ko. Lumayo ako ng bahagya dahil naiilang na ako sa kanya at sa mga tingin nila.
"Miss lazaro may kaylangan po ba kayo sakin o sa mga students ko?"
Tanong ko, sa kanya.
"Okay mr legazpi and students gaya ng nasabi ko kanina magkakaroon tayo ng 3 days activities sa labas ng univ next week"
Pauna na nyang ani.
"Dean gaya ba yan ng last year?"
"Ma'am baka boring nanaman po yan?"
"Pwede po bang wag nalang sumama?"
"Oo nga po ma'am di nalang kami sasama"
Pinaglalaban ng mga studyante kong to hahaha kukulit eh.
"Class tahimik makinig kayo kay miss lazaro"
Suway ko, sumunod naman sila sa sinabi ko.
"Thank you mr legazpi.... Hindi pwedeng di kayo sasama dahil kayong mga graduating students lang ang meron activies"
Saad ni dean.
"Miss lazaro para san po ba yung activities?"
Tanong kong muli.
"Ang activies nayun ay magustuhan nyo may mga bago kayong matututunan, makaka dagdag pa ito sa grades at memories nyo bilang college students"
Di na naman sila nag reklamo at tumahimik nalang..
"Bukas ibibigay ng professor nyo yung activities papers para sa gaganapin next week. Dun nyo mababasa kung ano-ano ang bawal, kung saan gaganapin ang activities ect...
So goodbye for now, mag-aral kayong mabuti"
Huling ani ng dean bago lumabas ng room. Sa totoo lang kung ako tatanungin mukang pag wawaldas lang ng pera ang activities na sinasabi nya.
Trip nya lang atang gumala at magsaya dinadamay nya pa kami, ayokong sumama kaso wala naman akong magagawa dahil dean pa rin ang masusunod.
"Sir pwede mag tanong?"
Si beks, tumango naman ako.
"May relasyon ba kayo ng dean?" Wth pinagsasabi nito!.
"Anong klaseng tanong yan beks?"
"Kasi sir yung kanina parang may something sa inyo"
"Ilang na ilang nga ako kaya lumayo ako"
Paliwanag ko, na dapat diko na binibigyan pa ng pansin yung tanong nya.
"Sir wag nyo kaming lokohin sa ganda ni dean naiilang pa kayo? sabihin nyo na totoo"
Mga nguto sila ng nguto na may relasyon daw kami na bagay daw kami pwe ayoko nga sa babaeng yun.
"Tahimik!!! yung sinasabi nyong karelasyon ko, may karelasyon na kaya wag nyo nang ipilit yang mga pinagsasabi nyo isa pa hindi katulad ng dean ang tipo ko!"
Medyo inis kong ani, letse lalo sumasakit ulo ko, tuloy pa rin naman sila sa pang-aasar, bakit kasi masyadong pakitang may pake sakin ang babaeng yun.
"Pwede ba class sumasakit ang ulo ko. Wag na muna kayong mang-inis!"
Iilan lang ang tumahimik kaso yung ibang babae pasaway..
"Hoy tumahimik nga kayo, bastos nyo wala kayong galang sa professor natin!"
Hindi lang ako ang nagulat sa pag sigaw na iyon ni lucky.
"Taena mo pwede ka namang di sumigaw!"
Galit na ani june, natahimik naman na sila sa ginawa ni lucky.
"Salamat lucky.... ganito class after lunch break nyo na ako magtuturo dahil masakit talaga ang ulo ko, ngayon hahayaan ko na muna kayo, matulog, kumain o mag kwentuhan dito lang sa loob ng room pero iwasan nyo mag ingay dahil ayokong magtatanong ang dean, sure naman akong pabor kayo ngayon "
Saad ko, nakayuko lang ako sa table ko habang sila daldal dito, daldal doon. bwiset kasing ulo nato!
"Sir eto tubig oh para mawala wala yang hang over nyo"
Napatingin naman ako kay zack bago kunin yung malamig na tubig, nasa harap ko sila, oo sila nga yung limang gugong.
"Bakit ba sobrang sakit ng ulo ko?"
Irita kong sambit.
"Natural sir ang dami nyong nilaklak kagabi"
Saad ni zack.
"Pati prof sabi samin ni kuya kenn di kayo sanay uminom kaya siguro ganyan epekto sa inyo"
Ani benny.
"Uminom kaya kayo ng gamot"
Sambit naman ni june, aba may pake sya sakin ngayon.
"Kapag lunch break para may laman tiyan ko pati pupunta ako sa clinic mamaya para kumuha ng gamot"
Saad ko.
"Dipa rin pala kayo nakain.... sir pwede ba mag CR"
Tumango lang ako kay lucky.
Nakikinig lang ako sa kwentuhan nung apat na nasa harap ko ng may biglang kumatok, baka dean to kaya pinaayos ko na muna sila.
Tumungo na ako sa may pinto at pinag buksan na ang kumatok.
"BULAGA!"
Halos masuntok ko ang taong nasa harap ko dahil sa pag gulat nya sakin.
"ANONG GINAGAWA MO DITO?!"
Galit at pasigaw kong tanong.
"Ang ingay mo may nag ka-klase sa ibabang room diba, marinig ka ng guro nila patay ka"
Saad ni kenn, pinapasok ko sya sa room para di sya makita ng ibang tao sa labas, baka nga mapagalitan ako ang lakas pa naman ng pagkaka sigaw ko.
"Kuya kenn? ano ginagawa nyo dito?"
Tanong ni benny, kuya daw? close sila kaylan pa?
"Oy kayo pala, nagdala ako ng pagkain para sa best friend ko."
Sagot naman ni kenn sa tanong ni benny.
"Pagkain bakit ganyang karami?"
Tanong ulit ni benny.
"Edi ba nga matakaw si sir"
Singit ni anton, abat bastos tong batang to.
"Tumahik kayo dyan!.... At ikaw naman paano ka nakapasok dito, ang alam ko bawal magpa pasok kapag may klase pa dipende nalang kung nakausap mo yu---"
Tinapik tapik nya yung ulo ko na para bang isang bata lang ako.
"Oo kinausap ko yung dean, ang sabi ko nagpadala ka ng pagkain at gamot dahil masakit nga ulo mo, tapos sabi naman nya kung masama daw talaga pakiramdam mo pwede kang pumunta sa kanya at magpaalam na uuwi na, ang bait naman pala ng magiging ste-----"
Natigil sya sa sasabihin nya dahil sinakal ko sya.
"Wag kang maingay hindi nila alam"
Pabulong at inis kong ani, ayoko kasing pag usapan kami dito ng dean, dun nga sa issue nila kanina lang na may something daw samin ni dean na ngungulit na eh, dunno ayoko kasing ipaalam na magiging stepmom ko sya eh to be honest naman ayoko sa kanya.
"Hi-hindi a-ako ma-ma-makahinga"
Putol putol nyang ani, kaya binitawan ko na sya. Inilapag nya yung mga dala nya sa table ko bago pinalapit nya si benny at inutusang ipamigay yung mga pagkaing dala nya.
"Hoy kenn anong meron? bakit namimigay ka ng pagkain?"
Taka kong tanong.
"Dadalhan nga kitang pagkain kaya naisip ko na bumili ng ibang makakain para sa mga studyante mo"
Paliwanag nya.
"At bakit?"
Tanong ko ulit, na nakataas ang isang kilay.
"Pasasalamat ko sa kanila sa pagtanggap nila sayo, mukang mababait rin sila oh"
Mababait? pagtanggap?
"Huh? pinahihirapan nga nila ako"
Saad kong taas kilay parin.
"Sir hindi naman ah"
Saad ni zack.
"Oo nga sir, gusto nyo lang ata masolo pagkain eh"
Ani naman ni beks.
"Oo na tahimik... At ikaw kenn umuwi na"
Inis ko pa ring sambit.
"Prof mamaya na tutal dipa naman kayo magtuturo, kwentuhan muna tayo dito"
Saad ni benny. Nag udyukan ang mga studyante ko na wag muna paalisin tong si kenn, tsk palibhasa mga nabigyan ng pagkain kaya kung maka dipende kay kenn wagas.
"fine kumain na kayo"
Pag payag ko, wala akong magagawa sa kanila dahil may isinuhol ang magaling kong bestfriend sa kanila.
---------------------------
Lucky's POV:
Hindi ko inaasahang may bibisita dito at mamimigay ng pagkain, sayang tuloy effort ko para lang makabili ng pagkain at makahingi ng gamot para kay sir tsk! epal kasi tong damuhong to.
"Umamin ka nga para kay sir ell yan diba?"
Pagusisa ni june.
"Oh ano naman? pati dina nya kailangan to may nag deliver na palang asungot para makakain sya, tapos inuuto nya pa mga kaklase natin"
Iritar kong ani, diko mapaliwanag pero bigla nalang ako nainis sa kenn nayan.
"Anong meron? bakit parang tunog inis ka o mas okay sabihing NAGSESELOS KA!"
Pang-aasar ni june, natawa naman si anton at zack sa sinabi nya.
"SIRAULO!"
Tumayo ako at sinigawan sya, balak ko pa nga sanang suntukin nguso hnya.
"Hoy sinong siraulo?.... Kayong apat ano bang pinag-uusapan nyo huh, bakit di kayo makipag kwentuhan dito kayo lang nakahiwalay"
Saad ni sir.
"Sorry sir lakas kasi manloko ni june, sige lang ho may iba kaming pinag uusapan"
Sagot ko naman sa kanya. Bumalik nalang sila sa pinaguusapan nila, at ganun rin naman kami
"Kalma ka lang kasi hayop ka kung maka react ka wagas!"
Patuloy na pang-aasar ni june.
"Yang si benny tarantado mas gustong kausap yung kenn nayun kaysa satin"
Inis kong na namang saad ng makaupo ako.
"Hoy pre umamin ka nga pinag seselosan mo ba si kenn?"
Asar din ni anton.
"Ulol ayoko lang talaga sa kanya"
Sagot ko naman.
"Mukha namang mabait ah"
Singit naman ni zack, pwes mukha lang pero nakakauta talaga pag mumukha nya hahaha.
"Wala akong pake basta ayoko sa kanya"
Panget nya kasi hahaha.
"Ayaw mo kanino?"
Bulong sa tenga ko ni sir, putspa para akong nakuryenteng ewan! nagtayuan rin balahibo ko, at ang lapit ng mukha nya sakin.
Dali dali akong gumalaw para umiwas sa mukha nya pero muntik ko ng ikatumba ang pag-iwas ko, buti nalang agad akong nahawakan sa kamay ni...
"Ano ba! ayaw mo mag-iingat muntik kanang matumba oh"
Si sir, mackshet ano batong pakiramdam nato.
"S-sorry sir"
"Ayos kalang ba?"
Nakita ko sa mukha nya ang pag-aalala.
"Ayos lang sir pasensya na"...
Nakiupo sya sa may pwesto namin habang sila benny at ang iba ay nakikinig sa kwento nung kenn.
"Ano bang pinag uusapan nyo at ayaw nyo makipag kwentuhan sa iba?"
Tanong ni sir napatingin naman sakin yung tatlo.
"Yung ano sir... aaaaah.... teka.... tama yung activies...."
Sagot ko.
"Ah excited kayo?"
"Oo sir ganun na nga hehe"
Palusot ko, nabaling yung tingin ko sa tatlo na natatawa tsk.
"Ano ba yung dala mo kanina, ang sabi mo mag c-cr kalang diba, bakit may dala kana kung ano?"
"Eto ba sir, para daw sa inyo to kaso dumating nga yung kaibigan nyo kaya di nya naibigay sa inyo"
Siraulong june nato, lakas mang asar eh.
"Huh ano ba yan?"
Balak nya sanang kunin kay june ng agawin ko.
"Wala to sir"
Nag salubong naman agad ang mga kilay nya, bago nya inilahad ang palad nya sa harapan ko.
"Akin na bilis"
Utos nya, napilitan akong iabot sa kanya.
"Pagkain lang din naman pala at teka gamot to diba?"
Tumango lang ako.
"Bat dimo binigay sakin?"
Sa halip na sumagot ako ay napatingin nalang ako sa ibang dereksyon.
"Nahiya sir kasi may nagdala na raw ho ng pagkain nyo at gamot"
Si june na nakangise, tatayo sana ako para batukan sya ng...
"Ganun ba hehe sana binigay mo narin tatanggapin ko naman, salamat dito huh sige mag kwentuhan na muna kayo balik na muna ako sa kabila"
Saad nya bago sya tumayo at lumipat sa kabilang nag kukwentuhan.
"Hoy lucky kanina naiinis ka, tapos napalitan ng selos, tapos hiya ngayon naman mukha kang tangang ngite ng ngite dyan!"
june, pakialam ba nito sa masaya akong tinanggap ni sir yung binili ko para sa kanya diba.
"Siguro kinikilig yan dahil kay sir"
Saad ni anton, ibinato ko sa kanya yung notebook ni june.
"Gago! tigilan nyo nga ako"
Ani ko, mga mukang timang diko nalang pinansin yung ibang pang-aasar nila.
Lunch break buti naman at aalis nayung kenn, tong mga kaklase ko saya pagtatadyakan, nasuhulan lang ng pagkain gusto nila agad si kenn.
Nasa cafeteria kaming lima kumakain yung tatlo nang-aasar pa rin tapos eto namang si benny parang tangang nagtatanong kung anong meron, minsan pa kinukwento nya si kenn kaya kapag binabanggit nya pangalan ni kenn sinusupalpalan ko kaagad bunganga nya ng pagkain hahaha.
"PANGEEEEEEET!"
Nakaka binging sigaw ng papalapit kong kapatid, kasama mga jejemon nyang kaibigan.
"Hoy kuya balita ko may bago daw kayong professor at bali-balita rin gwapo daw, OMG TOTOO BA?"
Ligalig talaga nitong babaeng to tsk! ang bunganga malakas pa sa sirena ng ambulansya.
"Malayo ba ako at mas nakaba-bata sayo para sigaw sigawan mo huh!"
Inis kong sambit.
"Hell i care ugly man!, so ano gwapo ba? bilisan mo bago kita ipalapa sa mga kaibigan ko"
Napatingin ako sa dalawang babae at isang beki na wagas maka ngite sakin shemay para silang handa sumunggab ng gwapong katulad ko.
"Bakit di ikaw ang tumingin"
"Bawal kami sa building nyo diba! isa pa magka-ibang oras ng pasukan at uwian nyo at naming mga 2nd year, swerte nalang namin kung dito kakain yung professor nyo"
Reklamo nya.
"Oh di gumawa ka ng paraan para makita mo di yung ako tinatanong mo"
"Sasabihin mo lang naman kung totoong gwapo diba, o baka gusto mo talagang mapalapa kita! girls ready na kayo?"
Nagbibiglang na sya ng pigilan ko.
"Oo na gwapo, masaya kana ba huh?!"
Inis kong sagot, sa totoo lang takot talaga ako sa mga kaibigan nya dahil bukod sa matataba, mahilig talaga sila manunggab haha.
"Oh my! gusto ko sya makita, gagawa ako ng paraan para makita sya"
Kinikilig nyang ani.
"Pero mas gwapo ako sa kanya"
Singit ko naman.
"Epal mo kaylan kaba naging gwapo?"
Tanong ng kapatid ko, may pag ngiwi pa sya ng nguso, saya nya kutusan hahaha.
"Since birth"
Pagyayabang ko, totoo naman kasi! gwapo ako! pogi! ganun.
"Ampon kalang kaya! tignan mo ikaw lang panget sa pamilya natin"
Pang-aasar naman nya, natawa naman yung apat na ulol sa pang-aasar nito sakin.
"Umalis kana nga dito"
Pinag tutulakan ko na sya.
"Talo asar ka nanaman panget mo talaga! girls tara na."
Hays salamat alis narin sya. Imbis na kay sir lang nila ako inaasar isinama pa nila ang kapatid ko peste.
Chapter 5 done :)
-Greenite
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top