AOL:Pencil 4
Nagbabalik ang pinaka cute nyong alien author, kahit na iilan lang kayong nagbabasa itutuloy ko ito :)
read and enjoy thank you.
Lucky's POV:
Magpapakilala paba ako?
wushu wag na, basta ako si Lucky ang pinaka gwapo sa kwento nato hahaha, angal ka? suntukan nalang!
Sige na mapunta tayo sa nangyayari ngayon.
Nasa isang susyaling restaurant kami dahil may pa birthday fiesta ang benny nato, yaman mga brad bukod sa maraming inorder mga mamahalin pa.
Eto ako ngayon nakatitig sa cool naming professor, actually kaming lima palang magka kaibigan naka tingin sa kanya dahil sa itsura nyang yan mukha syang walang hilig sa pagkain kaso kung makikita nyo ngayong kumakain ito dinadaig nya pa halimaw hahaha ang cute lang.
"What? una june di ako patay gutom, benny at anton magiging okay lang tiyan ko at ikaw lucky hindi ako halimaw kumain"
Ani sir mga nagka tinginan nalang kaming nagtataka.
"Yang mga tingin nyo sakin at nasa isip nyo alam ko kaya kumain nalang kayo, sayang naman kasi kung di makakain tong mga to"
Dagdag nya, napa iling nalang kami sa sinabi nya.
"Okay kana ba june? nahihilo kapa ba? eto oh kumain ka ng kumain, sabi mo kanina gutom ka tapos nagsuka ka pa kaya kumain ka ng marami para mas maging okay pa pakiramdam mo"
Ani sir habang sinasalinan ng pagkain ang plato ni june.
"Wag ka nga magpa kitang tao nak----"
Natigil si june dahil sinubuan sya ng pagkain ni sir, lol muntanga tuloy si june sa itsura nya may kumayat na sauce sa pisnge eh.
"Kumain kana lang at di ako pakitang tao, ginagawa ko to dahil may kasalanan ako! ginagawa ko rin ito dahil ganito na talaga ako magpakita ng pake sa ibang tao"
Paliwanag nya.
"Ganunan na lang sir kay june lang kayo may pake? pagkatapos nyo akong suntukin ng malakas kanina"
Reklamo ko aba dapat may pake din sya sakin lalo pa't may kasalanan din sya sakin, ang sakit pa kaya ng tiyan kong sinuntok ny, mag we-welga talaga ako!
"Gago arte mo di bagay sayong ulol ka!"
Pang-aasar ni june.
"Oh yan na pinag salin narin kita, baka gusto mo pang subuan kita tapos baka gusto mo rin pumuntang ospital para patignan yang tiyan mo?"
Sarcastic na ani sir, natawa naman yung apat na bugok na akala mo nakakatawa yung sinabi ni sir eh napaka korni naman nya.
"Ang sama nyo sakin sir"
Reklamo ko ulit, bago nag pout na akala mo bata.
"Kung dika kasi malakas mambwiset di sana mas sweet pa sa asukal pakikitungo ko sayo as my student"
Saad nya, bat ba ang cute nito kapag naiinis.
"Mas malakas nga mang bwiset yang si june sir"
Turo ko kay june, totoo naman kasi napaka lakas mang bwiset nyang bestfriend ko, may pagka maldito rin yan realtalk ko lang.
"Pati sir bakit ba kasi kapag niloloko ko kayo sa kaibigan nyo G na G kayo? bukod sa sinabi nyo sakin nung una may iba pabang dahilan?"
Mapag usisa kong tanong, napansin kong humigpit yung hawak nya sa kutsara.
"Tigilan mo muna ako lucky kung ayaw mong sa mukha muna lumanding tong kamao ko, oh kumain nalang kayo"
Ani sir habang pinag sasalinan ng pagkain ang iba.
"Sir kaya na namin nakakahiya naman sa inyo"
Saad ni zack na mukang nahihiya o naiilang sa ginagawa ni sir, sana sakin nya ginawa hindi naman ko naman sya pipigilan.
"Sige kumain na kayo".
Ewan lang huh pero may something akong nararamdaman sa kanilang dalawa nung kaibigan nya, si sir kapag binibiro ko over mag react tapos minsan napapansin ko pagka tapos nya akong pagalitan about dun parang ang lungkot ng mga mata nya.
Yung kaibigan naman nya nung nakita nya akong naka akbay kay sir kung maka-akto akala mo pag-aari nya si sir, at isa pa napatanong ako nun kung may galit ba sya sakin dahil ang sama nya tumingin sakin.
Nang matapos kaming kumain ay agad din kami nag tungo sa isang bilihan ng kotse, mayaman siguro to pabili bili lang ng kotse eh.
"Ano sir may napili naba kayo?"
Tanong ni anton, umiling naman si sir.
"Ang daming magaganda sir wala pa rin kayong napili?"
Saad namang tanong ni zack.
"Baka naman kasi hindi nya kayang bilihin"
Singit naman ni june bastos talaga tong gagong to eh, tinignan lang sya ni sir na walang emosyon, bago ibinaling muli ang pagtingin sa mga sasakyan.
"Wala kasi yung tipo kong sasakyan dito, meron paba kayong alam na mabibilhan?"
Tumango lang kami, papunta na sana kami kung saan nakaparada ang mga motor ng may biglang nag ring na cellphone.
"Yes hello?"
Bungad ni sir sa tumawag sa kanya.
"Yes im ell legazpi.... kotse?.... sino?.... nasa bahay na?...... ganun ba sige, sige uuwi na ako."
Nang matapos yung pakikipag usap nya agad kaming nag tanong kung bakit sya uuwi.
"Mauna na kayo na kayo, mag co-commute nalang ako baka kasi na aabala ko na kayo masyado"
Ani sir, na mukha ngang nahihiya dahil kanina pa kami nag iikot ikot para tumingin ng kotse.
"Hatid kana namin"
Napatingin kaming lahat kay june at nag tataka, seryoso ba?
"Oh bakit? seryoso ako pero ako na mag mamaneho, wag kang mag-alala sir hindi ako gaganti sa ginawa mo kanina sakin"
Dagdag ani nya, ay iba rin seryoso nga talaga.
"sige"
Tanging tugon ni sir.
Dahil sa malapit lapit lang pala bahay daw ng kaibigan nya madali kaming nakarating, may dalawang tao sa harapan ng bahay..
"Goodevening im ell legazpi"
Bati nya sa dalawang lalake, ngumite sila at bumati pabalik kay sir, ganun narin samin.
"Ay sir eto napo yung kotse na sinasabi ko po sa inyo kanina, paki pirmahan lang po tong mga to"
Saad ng isang lalake, napatingin kami sa kotseng sinasabi nya at wow lang sobrang ganda ng kotseng sinasabing kay sir daw.
"Sandali sure ba kayong sakin yan? pati sino bang nagpadala nyan dito?"
tanong nya sa lalake sa isang lalake.
"Si mr lemlie legazpi po sir"
"What? wait dyan muna kayo, i'll just call my lolo"
Lumayo sya ng bahagya para tawagan ang lolo nya.
"Lolo nasa pilipinas kaba ngayon?....
huh eh bakit may kotse?....
litris na kenn na yan kahit kaylan madada....!
Lo alam mong ayokong nagbibigay ka ng kung ano-anu sakin, magkano ba yung kotse?.... What 7M?...."
(A/N:di ako sure sa prize ng kotse kaya nag imbento ang lola nyong author)
Halos mapa nganga kami sa presyo ng kotseng nasa harap namin, ang galante naman ng lolo ni sir.
"Bakit ganung kamahal pwede namang magbigay kayo ng di aabot sa ganung presyo...... regalo? hindi ko birthday lo!... Sorry napo kayo kasi, alam nyong ayokong ayokog tumanggap ng mga bagay bagay na hindi ko pinag hihirapan, kaya hindi ko tanggapin yung kotse, ibalik nyo na bibili nalang ako ng...... Pero lolo naman..... Fine tatanggapin ko pero babayaran kita, sa saturday ilalagay ko sa account nyo yung 7M, lolo naman napaka waldas nyo! yung 7M nayun ipon ko sa tatlong taon yun..... Ewan ko sa inyo bye!!..."
Mahaba nyang saad bago bumalik sa harapan namin.
"Oh bakit naka nganga kayo? tumulo laway nyo dyan!"
Medyo inis nyang tono, kutsan ko to si sir may inis ata sa lolo nya tapos dadamay kami.
"Ang yaman nyo pala prof, kotse nyo palang milyon na"
Saad ni benny.
"Tumahimik nga kayo ang lolo ko lang makulit, yung matandang yun ang saya nya ibaon ng buhay, lagi nalang sya nasusunod"
Inis nya paring ani, lupet nito walang galang sa lolo nya haha.
"Akina nga"
Padabog nyang kinuha yung papel bago Pumirma, ibinigay naman agad ng mga lalake ang susi at ilang mga papeles ng kotse bago umalis.
"Woah sir anong model yan?"
Tanong ni zack kay sir.
"Ferrari yan tignan mo"
Ani benny, binatukan sya ni anton na natatawa.
"Ulol! that's Black Bomb Mercedes AMG C63S edition 1 pa yan, ang cool ng lolo nyo sir ang alam ko limited ang model ng kotse nyo, paano sya nakakuha nyan?"
Manghang ani zack, na parang kumikinang kinang pa yung mga mata.
"Mayaman nga kasi sila tanga ka ring siraulo ka!"
Binatukan din naman ni benny si anton.
"Tumahik nga kayo, sumasakit lalo ulo ko!"
Reklamo ni sir "umuwi na kayo" dagdag nya.
"Prof dimo lang ba muna kami papa-pasukin sa bahay nyo? inom muna tayo tutal para naman may saya sa birthday ko"
Nakakasuka na ang sakit pa sa mata ng mukang paawa epek nitong asong si benny.
Nag-isip muna si sir bago sumagot ng oo, ewan pero nakita ko yung pag ngisi nya ang creepy parang may binabalak tong taong to...
-------------------------------------
Inom lang kami ng inom wala kaming pake kung sino may ari ng bahay ang sabi naman ni sir mag feel at home lang kami, kaya feel na feel nga namin.
"Oy sir lasing kana ba?"
Tanong ni zack, na tinatapik tapik ang balikat ni sir.
"Gugong shinong lasheng!"
Sigaw nya kay zack at binatukan pa ito.
"Lasing na nga to, sir matulog na kayo kami na maglilinis nito tapos uuwi narin kami, may pasok pa bukas"
Saad ni anton.
"Hindi iinom pa tayo!"
Sigaw nya ulit, kinukulit narin namin syang matulog na nang, may narinig kaming kotse na nag park sa labas, baka yung kaibigan na ni sir
"Ellelelelele!"
Sigaw pero tuwang tuwang bungad ng lalake sa may pinto, napatigil ito at napatingin samin.
"SIRAULO KANG KENN KA! MASYADO KANG MADADA! PAPATAYIN KITANG IMPAKTO KA!"
Halos nakakabinging sigaw ni sir at ang ikinagulat pa namin ay ang dumapot sya ng bote ng alak at ibinato sa kaibigan nya, shemay buti nalang nakaiwas yung lalake.
"Hoy kayo hawakan nyo dali! baka kung ano pa ibato nyan!"
Sigaw naman ng lalake, hinawakan namin ni june si sir para pakalmahin. Ilang minuto rin syang nagwawala bago makatulog, bakit parang ang oa masyado ni sir hahaha ang cute!
"Wag kayong aalis dyan, ihahatid ko lang sa kwarto si ell"
May pagdiin nyang saad samin.
"Taena natawa ako sa ginawa ni sir, napaka brutal nya talaga"
Natatawang ani anton.
"Buti nalang nakaiwas yung lalake"
Natatawa ring ani benny.
"Mag imis-imis na tayo para makauwi na tayo"
Saad naman ni june, pakilos na sana kami ng biglang dating nung lalakeng may ari ng bahay.
"Anong meron at nag inom kayo? at dito pa talaga huh?"
Tsk! angas makatanong nito, pinaliwanag naman ni benny kung anong meron ngayon at kung paano kami napunta dito.
"Hindi nyo ba alam na hanggang dalawang shots lang kaya ni ell, masamang nalalasing yun! nakita nyo ba kanina binato nya ako ng bote, may pagkakataon pa nga na sa sobrang kalasingan basta basta nalang sya nambubugbog"
Paliwanag nya, kaya naman pala parang gago si sir hahaha.
"Baka naman ginagawa ni sir yun sa mga taong kinaiinisan nya"
Saad ni anton.
"Hindi! nakakagawa sya ng di maganda kapag lasing sya kaya kung sa susunod na magiinom kayo, wag nyo na ayain si ell, halimaw pa naman malasing yun"
Saad nya, siguro mauulit pa pero dina namin lalasingin hahaha.
"Gusto ka sana naming ayain mag inom kuya kaso may pasok kami bukas"
Wow benny close agad kayo?
"Sige sa susunod nalang, may gusto lang akong sabihin sa inyo.
Sasabihin ko ito di dahil kaibigan ko si ell, sasabihin ko ito dahil para rin sa inyo.....
Pahirapan nyo man sya o hindi sa univ, asahan nyong di madaling sumuko yung taong yun, ang gusto nya makapag turo ng masaya at maayos kaya kung ako sa inyo diko hahayaang mapalitan pa sya.
Marami kayong matututunan sa kanya di lang tungkol sa pinagaaralan nyo, makikita nyo rin balang araw."
Pangaral nya bago kami tinalikuran.
"Sinasabi kaya ni sir na pinahihirapan natin sya?"
Tanong ni anton.
"Aba anong malay natin? ilang araw palang nagtuturo si sir diba, nahihirapan sya agad?"
Saad naman ni zack.
"Si june at yung iba lang naman pasaway diba"
Sinamaan ng tingin ni june si benny.
"Kung totoo man sinasabi nung kenn tungkol kay sir edi wow pagpatuloy nya, oo pasaway ako pero wala rin naman akong nagagawa sa kanya diba"
Iritang saad ni june, tama nga naman sya.
"O sya na umuwi na tayo!"
Pag-aya ko.
"Sandali lang eto dali"
Ani zack inaabot nya yung cellphone nya kay benny.
"Picture-an mo ako sama mo tong kotse dali puta gustong gusto ko ganitong kotse"
Mangha na naman nyang ani, habang hinihimas himas ang kotse ni sir.
"Namo ka gawin mo pa akong utusan mo!"
Reklamo ni benny.
"Bilisan mo na nga benny ng makauwi na tayo!" inis na ani anton.
"Hayop kasi tong si zack feelingero, akala mo ikaw may ari ng kotse"
Inis ring sambit ni benny.
"Bilisan munang gago ka palibhasa wala kang alam sa mga kotse"
Saad ni zack.
Nang makauwi ako ay sinalubong ako ng pinaka maganda kong mommy.
"Anak ginabi ka ata, kumain kana ba?"
"Opo mom birthday kasi ng kaibigan ko kaya nanlibre ng hapunan"
Sagot ko.
"Kaya nag-inom din kayo, ikaw lucky huh okay lang naman mag inom o bumarkada basta iayos mo pag-aaral mo"
Yumakap ako at hinalikan ko sya sa pisnge.
"Promise mom aayusin ko napo"
"Sige na ang baho ng bunganga mo peste kang bata ka!"
Natawa nalang ako ng itaboy nya ako.
"Ay mom gisingin nyo po ako ng maaga ayokong ma-late"
Napakamot ulo kong ani, nabigay eksprasyon naman syang nag tataka.
"Aba himala anak may pake ka sa oras ng pag pasok mo"
"Mahigpit at nakakatakot kasi yung bago naming professor mom, kaya ayoko ng ma-late"
Natatawa kong ani.
"Isang pang himala, kinakatakutan mo ngayon ang professor nyo hahaha"
Ani nya ring natatawa.
"Parang gusto ko tuloy agad magpa salamat sa kanya"
Dagdag ani nya.
"Sige na akyat na po ako, good night mom love you"
Ngumite nalang si mommy.
"Hoy lucy ano na namang kinakalikot mo sa drawer ko!"
Yung bunso kong kapatid, mukang timang na namang nang gugulo ng gamit dito, feeling nya kwarto nya to.
"Panget nasan nayung picture nyo nung cute na bata"
Tanong nyang pasigaw na akala mo ang layo ng kausap nya.
"Nakatago na nilulukot mo kasi masyado"
Siraulo kasi tong kapatid ko kinikilig dun sa picture na pinaka iingatan ko.
"Kasi naman ang cute talaga nung batang kasama mo noon, ini-imagine ko ngayon itsura nya at ang gwapo nya lang sa utak ko"
Kinikilig na naman nyang ani.
"Ikaw nga lucy tigil-tigilan mo yang pagpa pantasya sa taong yun!"
Inis kong ani, hindi ko alam bakit parang gutso kong ipag damot yung sa taong yun.
"Ewan sayo panget mo talaga! sana hindi mo na ulit sya makita!"
Padabog syang lumabas sa kwarto ko.
Siraulong yun kung di lang babae yun at diko kapatid inilibing ko na ng buhay yun.
Humiga ako sa kama na iniisip na naman ang taong 13 years ko nang hindi nakikita, hanggang ngayon hindi pa rin sya maalis sa isip sa loob ng 13 years umaasa pa rin akong makikita ko sya ulit kahit na parang minsan nawawalan nako ng pag-asa.
Chapter 4 done :)
-Greenite
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top