AOL:Pencil 35 (FINALE)


Ell's POV:

Lumipas pa ang mga ilang buwan at sa wakas ay ga-graduate narin ang mga studyante kong pasaway.
Parang kaylan lang puro sila sakit sa ulo pero ngayon kitang kita ko pag babago nila at pag sisikap sa pag aaral.
Hindi naman maiiwasang di sila mag kulit pero, sila yung tipo ng mga taong marunong bumawi.
Napamahal na sakin mga studyante ko, kaya lakung tuwa ko na lahat sila ay ga-graduate, na lahat sila ay masasaya.

Naging maayos na kami ng pamilya nila benny, simula ng humingi ng tawad ang ina ni benny samin.
Ibinalik nya rin ang kumpanya ni papa at ang maganda ay magka sosyo na sila doon sa kumpanya.

"Ngiteng ngite ka dyan?" tanong ng unggoy nasi lucky, as usual magka sama nanaman po kami.
At good news para sa mga #teamElLuck officially napong nanliligaw sakin si lucky hahaha.

Ang malupit pa dyan, hindi lang ako ang nililigawan nya pati narin ang papa, future mother ko at ang lolo ko.
Nung una gulat si papa at lolo, pero dahil sa gustong makabawi ni papa sakin sa lahat ng kasalanan nya ay mas pinili nya at ni lolo na suportahan ako sa ikasasaya ko.

Kahit na nasa america si lolo ay pursigi pa rin itong kinakausap at kina-kamusta ni lucky alam nyo na uso mga video call.
Minsan nga sinasabi sakin ni lolo na sagutin ko na agad si lucky para deretsong kasalan na, aba naloko ako doon hindi ko alam kung bakit ganoon nalang kaboto si lolo kay lucky.
Nasabi pa ni lolo na ayos lang na kumuha nalang ng surrogate mother o di kay mag adopt para may anak kami.
Lol ang lolo ko mas excited pa sakin.

"Naiisip ko kasi na after graduation mag pa-plano akong ayain ang buong klase para sa isang graduation party sa boracay" saad ko.

"mukang maganda yan.... pero bago yan bumaba na tayo dahil nakapag luto nasi mommy" pag-aya nya, dahil sa kakapalan na ng mukha ko kapag weekends nandirito ako kala lucky, sila tita at lucy naman may gustong dito tumabay minsan pa nga matulog, nag tatampo na nga si kenn dahil madalang lang talaga kami nakakapag usap o gala man lang, parang kasalanan ko pang busy sya lagi sa trabaho nya.

"Nakakatuwa ka talagang panoorin kumain" natatawang ani tita, ngimite nalang ako sanay na akong sabihan ng ganyan, kahit na mukha na akong patay gutom sa kanila ay ayos lang dahil, kapag nakikita daw nila akong magana kumain eh napapa sarap din daw sila ng kain..

"sir pwede magpa picture mamaya, yung tayong dalawa?" nagpapa cute na tanong ni lucy.
"sure" maikli kong sagot, tumanggi man ako o hindi mangungulit naman yang si lucy, sanay na ko sa kanya hehe.

Patapos na sana kaming kumain ng may mga bisita kaming di inaasahan dumating.
(a/n:feel at home kana ell? haha)
Bumati muna sila kay tita bago nag dere-deretsong umupo, at nakikain.

"kaylan pa kayo naging patay gutom?" nakataas kilay na tanong ni lucky sa apat na dumating, napa tingin sila kay tita na para bang nagpapa-awa mga utsura.
"bunganga nitong batang to! mahiya ka nga mga kibigan mo yan at bisita natin" suway ni tita, kay lucky.
Naka tanggap pa sya ng isang palo sa braso na ikina-ngiseng apat na baliw pati narin ni lucy.
"ano ba kasing ginagawa nyo dito?" iritang tanong ni lucky sa apat.

"Diba nga inaya ka namin mag basketball dun sa may court nyo kaso, ayaw mo naman dahil mas gusto mong lumande kay sir" walang pakundangang ani june kay lucky, jusko di na nahiya kay tita.

"Si kenn nalang ang pumalit sayo nanalo naman kami, tas ng matapos ng laro sa pagod namin at guton dito na kami dumeretso... Okay lang naman tita diba?" ani naman ni zack, kung ako ay umalis nasa stage ng pagka mahiyain sila naman umayak na sa stage ng pagka kapal ng mukha haha.

"nako oo naman ayos lang, eh nasaan ba si kenn?" takang tanong ni tita, oo nga nasaan yung bakulaw?
"ah baka po malapit nayun dito, nag tutulak po sya kanina ng motor, nasira po kasi ata" ngumungunya pang ani zack.

"pinabayaan nyo lang?!" tanong ko, ngumite naman sila sakin bago iniwas na ang tingin.
"grabe kayo sa kaibigan ko... excuse lang po tita susunduin ko na si kenn" tumango naman si tita, sumama naman si lucky para daw may kapalit si kenn sa pag tutulak ng motor.

Nag lakad lakad na kami ng ilang minuto pero wala pa rin kaming nakitang kenn, di naman kalayuan ang court sa kanila kaya nakakapag taka na di man lang namin makaka salubong si kenn.
Napaisip ako na baka umiwi na kaso sira nga daw ang motor?
Kinuha ko ang cellphone ko bago nag dial sa number ni kenn.
"Nasaan ka?" tanong ko ng sagutin nya ang tawag ko sa kanya.
Sinabi nyang nag pahinga sya sa isang tindahan dito, kaya agad namin syang pinutahan doon.

Nang makita namin sya ay natawa ng sobra si lucky dahil napaka dungis ng mukha ni kenn, mukha syang nadapa sa ulingan o grasa ba.
Nalaman naming ginagawa nya pala yung motor kaya ganun nalang itsura nya, kaawa-awa naman bestfriend ko gutom na nga pagod pa, siraulo yung apat! patay sakin yung mga yun!.

Tinulungan nalang ni lucky si kenn sa pag tutulak ng motor, pakakainin muna si kenn sa bahay nila bago samahan sa pagawaan ng sasakyan.

"Nako jiho, mag hilamos kana muna" ani tita ng makita si kenn, kami lang ni tita ang di natatawa dahil sa itsura ni kenn samantalang yung apat na di sya tinulungan at ang magkapatid na baliw naman ay mga kung makatawa akala mo may clown o nag jo-joke sa harapan nila. Sinamahan ni tita si kenn para dalhin sa banyo, kaya nagka roon ako ng pagkakataong sindakin ang mga bata dito.

"Masaya ba? may nakakatawa ba?" sakrastik kong tanong sa kanila natigil naman sila pwera kay zack na natatawa pa rin at kung ano anu pang sinasabi, kumuha ako ng kutsara bago ipukpok sa ulo nya ng malakas!
Natigil sya sa pagtawa bago tumingin sakin na parang isang batang inosenteng nagtataka.

"Kayo nga mas matanda sa inyo si kenn di nyo na ginalang! diba kayo naawa nagutom na yung tao napagod pa! iniwan nyo mag isang mag tulak!" iritar kong ani. Hindi naman sila umimik kaya itinuloy ko nalang pag sasalita.

"mag sorry kayo mamaya, kapag di nyo ginawa yun isa isa ko kayong bibigyan ng kotong sa ulo" iritar ko pa ring ani.
"oo na po" sagot ni june.
"sinabi kasing kotse na dalhin kanina ipinilit pa rin yung motor nyang bulok na" bulong ni benny.

"Kow mag sorry kayo mamaya para tapos na, at pagka tapos nyo kumain mag silayas na kayo dahil istorbo kayo samin ni sir dito" taas kilay ani lucky.
Dahil sa sinabi nya sya naman ang tinuktukan ko ng kutsara sa ulo.
"puro ka kalokohan, kumain na nga kayo" ani ko.

After namin kumain ay dipa nag siuwian yung lima, kahit bwiset na bwiset nasi lucky at taboy na ng taboy ay di nagpapa tinag ang lima.
Malakas pa silang mang bwiset kaya etong si lucky dimo maipinta ang mukha.
Lumapit ako sa kanya, bago hinawakan ang kamay nya at oo sa harap ng limang baliw ko ginawa yun.
Napatingin ako sa mukha ni lucky na ngayon ay ngiteng ngiteng pang asar na naka harap sa lima.

"pabebe ang gago!"
"fuckboi talaga ang aso"
"arte arte kasuka naman mukha nyang paawa kanina"
iritar na ani nila june, benny at kenn.
Alam ko naman na may gusto pa rin sila sakin pero alam ko naman na masaya sila para samin ni lucky, kaya lang naman ganyan yang mga yan dahil gustong gusto lang talaga nila asarin si lucky.

"may nanalo na, ibigay na ang korona at mag uwian na tayo" natatawang ani zack.
"better next time guys" pang aasar naman ni anton sa tatlo.
Nauwi sa sakitan at asaran ang naganap dito sa bahay nila lucky, hinayaan ko nalang sila dahil nakakatuwa silang tignan mga mukha silang tanga hahaha.

----------------------

GRADUATION DAY!!!!
Hindi ko maipaliwanag kung kinakabahan ba ako o na e-excite lang masyado, danaig ko pa yung mga ga-graduate.
Pero may side din naman sakin na masaya dahil nakikita ko mga studyante ko na ilang buwan ring nag hirap para lang makatapos sa pag aaral.
Tinitignan ko sila na mga nakangite at suot suot ang mga kanya kanyang graduation dress.

Nag umpisa ang professor ng pinaka nauunang section para tawagin isa isa ang mga studyante nya.
Hanggang sa matapos na ang tatlo pang section at kami na ang susunod.

"To all my beloved students and graduatings, i want to say congratulations.
Im glad ang happy because you did well for all suffering and efforts.
Thank you also for everything we've been together for a months.
I would like to say thank you for giving me opportunity to teach all of you.
I'm also happy because I have been part of your efforts.
Class, students don't forget this day because, this is your day to prove that you have passed a difficult part of your life, I wish you all to have a bright future. THANK YOU AND GOODLUCK" pagbati ko sa kanila, nag palakpakan muna sila bago ko naituloy ang pagtawag ko isa isa sa mga studyante ko para makuha na nila ang diplomang pinag hirapan nila.

Natapos rin silang mag abutan ng diploma, mas nadagdagan ang tuwa ko dahil hindi ko talaga inasahan noon na si benny ang magiging valedictorian ng AU ngayong taon.
Oo gago minsan si benny at palabiro pero, magugulat kayo sa talino at husay pinakikita nya sa mga nag daang buwan.

Nakita ko rin ang hirap nya para lang makuha ang titulong iyon, nung una niloloko pa nga sya nila june dahil kamag-anak daw nya ang dean kaya sya ang naging valedictorian.
Pero di naman totoo yun dahil noong ilang buwan ang nakaraan ay todo subsob sa pag aaral si benny, todo pakikiisa sa mga gawain sa university.
Hindi lang naman ako ang nakakita noon, isama mo ang dean at ang ibang mga professors na napahanga ni benny.

" First of all i want to thank to our jesus, who always guide, forgive and love me.
And thanks to those who also support me especially to my mom, Ma! i love you very much, sorry for everything wrong i've done to you.
But be proud of me because, you have a handsome son and also smart too hehe.
To my ugly friends for always there for me, to my prof who helped me a lot for this sucessful award.
And also thank you so much for our profound dean and professors who also trust me.
Para sa lahat ng kapwa ko studyante congrats satin, to all the parents/ gaurdians who are here, taos puso pobkaming nagpapa salamat sa suportang binigay nyo samin." Nag palakpakan ang lahat ng matapos ang speech ni benny, maiksi man ay nakakatuwa narin ang sinabi nya.
Hindi naman kasi mahilig si benny sa mga mabubulaklak na salita, kaya siguro ganun nalang ang mga sinabi nya.

Dahil sa susyal ang AU ay may magaganap na pa-party ang dean dito sa univ, libre lahat dahil graduation gift narin daw iyon ng dean at ng buong nag mamay-ari ng university nato.

Kasama ko ang mga studyante ko, mga tuwang tuwa sila at nag uusap usap tungkol sa mga trabahong palno na nilang pasukan.
Nakakatuwa lang dahil nung una namomroblema lang sila kung ano isasagot nila sa mga test papers pero ngayon, iniisip na nila kung paano sila magkakaroon ng magandang trabaho.

Ibinalita namin sa kanila na mag boracay after ng mga ilang araw o linggo, pumayag naman silang lahat at makikitulong para mapadali ang planong mag bora.

Kumakain ako na parang walang bukas ng nag dikitan nanaman sakin ang limang lalakeng mukang alien haha.
Inaasar nila ako dahil sa itsura ng pagkain ko, na paglamon naman daw talaga. Tsk! hilig talaga nila ako bwisitin at paki alamanan sa pagkain ko. Hindi na sila nasanay na ganito na talaga ako kalakas kumain.
Pake ba nila, kahit kumain ako ng kumain di mawawala tong sexy body ko.

"sir para sa inyo" nakangiteng inabot sakin ni zack ang isang kahong di naman kalakihan.
"para saan to?" tanong ko.
"thank you gift kasi naging masaya yung 4th year collage namin dahil sa inyo" kinuha ko yung regalo bago nagpa salamat sa kanya.

"Oh sir eto lang nakayanan ko eh" inabot naman ni anton ang isang cute na fountain pen, niloloko nya ba ako? eh yung tatak nitong fen isa sa mga pinaka mahal na pen.
"salamat dito, iingatan ko to" iingatan ko talaga dahil bukod sa mahal eh ang cute cute ng design hehe.

"kung gusto nyong kainin yan pwede naman, basta wag nyo lang itatapon" sinamaan ko naman ng tingin si june dahil sa sinabi nya.
"kainin? ano tingin mo sakin isang hayop na kumakain ng ganito?" kinuha ko yung isang bouquet ng bulalak na inaabot nya sakin.
"joke lang sir, wala kasi ako maisip na pwedeng iregalo sa inyo kaya bulaklak nalang bnigay ko" nakangite nyang ani.
"okay salamat dito."

Sumunod na lumapit sakin si benny, inabutan nya rin ako ng isang kahon na mas malaki sa binigay ni zack.
Nagpa salamat agad ako sa kanya dahil gusto ko nang bumalik ulit sa pagkain, sa totoo lang istorbo sila hahaha.

"prof buksan nyo" ani benny, at dahil sa nangungulit ang baliw nato ay sinunod ko na ang gusto nya, ngiteng ngite sya sakin at ayoko nun dahil pakiramdam ko ang laman ng kahon nato ay diko ikatutuwa.
Dahan dahan kong binubuksan yung kahaon ng umextra si benny at sya na nagma daling buksan ang bigay nya.

Nanlaki ang mata ko at halos maihagi ang laman ng kahon dahil, sa gulat ng makita ko ang laman ng kahon.
Napatayo ako at sinuntok si benny sa braso ng malakas.

"Siraulo kaba! gago kaba! bastos ka!" bulyaw ko, mabuti nalang at maingay kaya di kami nakakuha ng atensyon ng ibang tao.
Sa halip na mag sorry sya at manahimik ay nilakasan nya pa ang pagtawa, kasabay nyang tumatawa sila zack at anton.
Dinampot ko yung magazine na puro kalokohan ang laman at tsaka ihinampas sa mukha ni benny.

"bastos ka ah! kung trip mo yan wag mo akong dinadamay, sasapakin kita!" iritar ko paring ani.
"hala si prof oh, nasuntok nyo na nga ako, napalo pa sa mukha tapos gusto nyo pa akong sapakin?" natatawa nyang pang aasar, napangiwi ako bago sya inambaan.

"mas malala nga regalo sa inyo ni zack!" nangunot noo ko bago tumingin kay zack
"sir baka magamit nyo yun ni lucky" magamit namin? kinuha ko yung kahon na binigay nya at dali dali kong binuksan.
Literal nanaman nanlaki ang mata ko at napa nganga dahil sa laman ng kahon!
Sa inis ko ay kinaggat at kinotongan ko si zack.

"Isa kapa! bakit puro kalokohan yang binigay nyo huh!" sigaw ko, hawak hawak ni zack yung kamay nyang kinagat ko.
"ang bad nyo sir huhu gusto lang naman namin kayong bigyan ng konting pangpa gana sa katawan" nagtiim bagang akong lalapit sana kay zack ng hawakan ako ni lucky sa kamay.

"marami ng nakakita sayo sa ginawa mo kay zack, kumalma ka sir baka kung ano isipin nila"bulong nya sakin, unti unti naman akong napa tingin sa paligid ko at tama si lucky may ilang naka tingin samin.
Taena naman kasi pangpagana raw ng katawan? yung alin yung mga magazine na puro kalaswaan at yung condom na bigay ni zack, aba't kundi ba sila mga gago! nako nako!

"Kayo puro kalokohan talaga" suway ni anton
"Kj ka kasi ulol" ani benny, nag dirty finger lang si anton bilang sagot kay benny.

"Sa susunod na mag bigay kayo ng malalaswa sakin, di lang ganyan mararanasan nyo!" pagbabanta ko, pero tinawanan lang nanaman nila ako.
Bwiset naman talaga.

Pina upo na ulit ako ni lucky, hawak hawak nya pa rin ang kamay ko.
May makakita man o wala bahala na kumakalma kasi ako kapag hawak nya kamay ko (a/n:lumalandi ka kamo hahaha).
May dinukot syang isang kahon rin mula sa bulsa nya, nung una napaisip ako na baka kalokohan rin ang laman pero dahil sinabi nyang, wag ako mag alala ay kinalma ko nalang ulit sarile ko.

"tanda nyo bayung binigay kong paint brush?" tumango naman ako sa tanong nya.
"Sir ang paint brush nayun ang nag sisimbolo, ng pagpapahalaga at pag protekta natin sa isa't isa" seryosong ani lucky.

"tangnamo! nakakasuka yung sakita mo!" singit ni june, di sya pinansin ni lucky at latuloy lang na naka tingin sakin.

"eto namang couple bracelet nato ang nag sisimbolo na kung gaano tayo nag titiwala sa isa't isa at kung gaano natin napapasaya ang isa't isa" napatingin ako sa suot naming bracelet, bahagya akong napa ngite bago bumalik sa pag tingin sa kanya.

"Nakakadiri tignan si lucky kapag nag da-drama o humu-hugot sya" singit naman ni benny, napatingin ako sa kanila ng masama dahil singit sila ng singit, diba nila nakikitang seryoso si lucky, pati yung kamay ni lucky medyo pinag papawisan. halata mo rin sa kanya yung kaba.

Binitawan nya ang kamay ko, bago tinanggal ang ribbon ng box na hawak nya.
Napa nganga ako sa ganda ng dalawang singsing na nasa kahon.

"oh my god! kasalanan naba to?" mangha at gulat na tanong ni zack, nakita kong binatukan sya ni june kaya natawa ako ng bahagya.
"pre nanliligaw ka palang wag kang feeling, aayain mo agad magpa kasal eh dika pa nga sinasagot" singit rin ni anton. Si benny naman ang bumatok sa kanya.

"Pwede ba tumahimik muna kayo suportahan nyo muna ako dito oh!" seryoso paring ani lucky, ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at ganun rin sya sakin. Tumahimik naman yung apat at seryoso naring naka tingin samin.Bumugtong hininga muna si lucky bago nag salitang muli.

"Sir gusto ko sana ibigay sa inyo itong singsing, sana ay tanggapin nyo" pabitin nyang ani.
"couple paint brush, couple bracelets, at mukang couple ring yan diba?" tanong ko, at tinanguhan nya lang ako.
"so anong isinisimbolo nyan?" tanong ko ulit sa kanya.

Humiglit ang kapit nya sakin at naramdaman kong mas kinakabahan na sya ngayon kaysa sa kanina, ramdam ko kasi sa lalad ko yung pag pintig ng pulso nya sa kamay.

"Sir gusto ko sana...... tsk kaya ko to kaya ko to..... gusto ko sana kayong tanungin kung pwe-pwede ko ba kayo ma-maging bo-boyfriend?" napalingon ako sa apat, si benny na nanlaki mata, si june na naka nganga at ying dalawang nakangiteng aso.

"Pero kung di nyo man matanggap ngayon, ka-kaya ko pang ma-mag hi-hintay" utalnnya paring ani, kinuha ko ang isang singsing bago isinuot bigla bigla.

"kung isinisimbolo nito ang pag-ibig mo sakin at pag-ibig ko rin sayo ay tinatanggap ko na" naka ngite kong ani, napatingin ulit ako sa apat, muntik pa akong mapatawa ng malakas dahil si june at benny ay parehas ng reaksyon, nakanganga na malaki pa mga mata.
Yung dalawa naman ay ngiteng ngite at nag thumbs up pa.

Nang ibalik ko ang tingin ko kay lucky ay, sya namang natulala, inilapit ko ang mukha ko sa kanya bago hinipan ang mukha nya, na ikinagising naman ng diwa nya.

"oh tama ba ako? na ayun ang isinisimbolo ng singsing? kung tama ako ay tinatanggapnko na lucky, tutal di nanaman kita studyante kaya from now on you'll be my boyfriend" matagal tagal narin naman syang nanliligaw sakin at hinihintay ko rin lang ang graduation dahil bawal na bawal ang student at teacher relationship diba.

Ilinangako ko rin sa sarile ko na, kapag graduate nasi lucky at alukin na nya ako maging boyfriend ay hindi na ako mag dadalawang isip na sagutin sya.
Mahal ko si lucky at gusto ko na iparamdam sa kanya ng buong buo yun.

"Sa-salamat sir" natuwa ako dahil ang cute umiyak ni lucky, nakayuko man sya ay kita mo pa rin naman na umiiyak sya.
"salamat rin sayo... I love you" mahina kong sambit sa kanya, napa tingala sya sakin at nag bigay nanaman ng gulat na reaksyon.

"wala man lang bang i love you too? taena brad si sir na unang dumada-moves oh" natatawang ani anton.
"congrats! masaya kami para sa inyo" ani rin ni zack.

"Kaasar itsura mo gago! umayos ka nga masaya ka dapat di yung mukha kang timang dyan!.... Masaya narin kami para sa inyo kaya sana alagaan nyo isa't isa, pasiyahin nyo pa isa't isa, congrats lucky ang swerte mo, congrats sir naiinggit man ako pero mas lamang la rin yung makita kayong masaya" binigyan ko bg pagka tamis na ngite si june.

Hinagisan ni benny ng panyo si june sa mukha, bago natawa na may halong lungkot narin.

"Nakaka selos sa totoo lang, pero gaya ng sinabi ni june ay mas masaya kaming makita kayong masaya, kaya ikaw lucky kapag sinaktan mo si prof, di lang ako ang bubugbog at papatay sayo pati narin ang buong tropa, si ate michi, ang papa nya, ang lolo nya at yang nasa likuran mo" si benny napa tingin naman kami sa sinasabi nya.

"Tama kaya siguraduhin mong dimo paiiyakin yang best friend ko!" nakahawak sya sa balikat ni lucky.
Kanina pa ba sya nandito?

"salamat sa inyo mga gago! di nyo na kailangan pang sabihinyan dahil nangangako akong buong puso kong mamahalin si sir...." naiiyak paring ani lucky, binatukan sya ni kenn na ikinatawa naming lahat.

"alam naman namin yun, gusto lang naman namin kayong maging matatag kung may darating mang kung anong masamang bagay sa inyo, dahil masaya na kayo ay ganun narin kami para sa inyo, congrats best friend" naka ngite nyang ani.

Tuamyo ako at isa isa silang niyakap at nagpa salamat, sobrang saya ko dahil may mga taong handang mag sakripisyo, handang gumawa ng masama man o mabuti para lang sa ikasasaya ko.
Sobrang swerte ko dahil kahit ano mang panget ang meron ako simula pagkabata ay mapapalitan pala ng ganito, yung maraming nagmamahal sayo, susuporta sayo at magtitiwala sayo.

Wala na akong mahihiling pa dahil para sakin, kuntento na ako sa kung anong meron ako ngayon.
Malaki ang pasa-salamat ko sa panginoon dahil binigyan nya ako ng ganitong pang yayari sa buhay ko.

Pipilitin kong ituloy tuloy na ito, kung may problema dina ako matatakot na harapin iyon dahil maraming taong aalalay sakin, at may isang taong magpapatatag sakin.

Ang buhay nga naman para lang art, may abstract na hindi mo maintindihan, may drawing na panget, may painting na matamlay.
Pero in the end gugustuhin mo parin makagawa ng maganda, Yung maiintindihan mo, maiintindihan ka.
Yung kailangan mong gumamit ng lapis at pambura dahil iyon ang madalas na ginagamit para sa huli ay maayos tignan, kumbaga pagpapatawad ang kailangan para makatulong sa paggawa ng panibagong guhit o magandang pangyayari/mangyayari.
At yung pagtamlay ng buhay ay dapat lagyan lang ng pagmamahal upang mas gumanda at magkaroon ng kulay.

THE END.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
And final chapter is done :)
im not sure kung maganda bayung ending but, inupdate ko narin dahil wala naman akong choice charot.
Ayun lang mga brad wala na kasi akong masabi pa, tanging pasa-salamat lang naman lagi gusto kong sabihin.
MARAMING SALAMAT PO sa lahat ng nag mahal ng ART OF LOVE :)
mahal rin po kayo ni otor.

-Greenite

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top