AOL:Pencil 33


Lucky's POV:

Sa sobrang lungkot ata ni sir basta basta nalang sya nagsasabi at nag uutos na diko naman matanggihan, syempre naman choosy paba ako gusto nya ako katabi.. KATABING MATULOG! emphasises pa yan mga brad kaya mainggit kayo hahaha.

Pero nag aalala ako eh, dahil.....
Yakap yakap nya ako ng mahigpit habang nakahiga, kinakabahan kaya ako mga brad alam nyo naman mahal na mahal ko tong si ell, tapos diko pa maiwasang amuy amuyin sya dahil nakaka gigil ang bango nya lalo na ang buhok nya tapos nahihirapan pa ako dahil diko rin maiwasang titigan mukha nya napaka cute nya talaga.

Mamaya mo di ko mapigilan sarile ko, kainin ko na ngayon tong si ell.
(A/N:Grab it tol! pag kakataon muna yan hahaha)

Udyok aso ka naman otor, pigil na pigil ko na nga sarile ko oh!
Dahil sa mukhang naka tulog nanaman sya ay mas mabuting humiwalay ako, alam nyo naman gustong gusto kong kayakap sya kaso, yung pakiramdam ko at katawan ko mga brad di makalma hehe.

Dahan dahan akong kumilos para di sya magising, tatanggalin ko na sana ang kamay nya ng idiin nya pa ang pag yakap sakin.
Minulat nya ang namamaga nyang mata dahil sa kakaiyak.

"pleas dito ka muna, gumagaan paki ramdam ko kapag naka yapos ako sayo, kapag nasa tabi kita" malungkot nyang ani tinitigan ko na muna sya saglit bago ako narin ang yumapos sa kanya.

Kinikilig ako mga brad sa totoo lang pero, kapag nakikita ko syang ganito nasasaktan ako.
Ramdam na ramdam ko yung lungkot nya ngayon, akala ko nga di nya rin ako papansinin dahil nag lihim kami sa kanya, sabi nya sakin kanina ayaw na nya muna kumausap ng ibang tao bukod sakin.

"Ell patawarin mo ako kung nag lihim isa pa ako sa nag lihim sayo" sinsero kong pag hinge ng tawad.
umiling iling sya at tumingala para tignan ako, mata sa mata kaming nag tititigan ng sumagot sya.

"Hindi naman ako galit doon, sa totoo lang naiintindihan ko naman kayo kung bakit nyo ginawa yun, hindi ko lang matanggap kung bakit kailangan gawin ni benny yun, kung bakit kailangan ako pa ang mahalin nya? feeling ko tuloy isa ako sa may kasalanan kung bakit nasa ganoong sitwasyon si papa" medyo nauutal nya ani sakin.

Etong kinakatok namin ang sisihin nya ang sarile nya kahit wala namna talaga syang kasalanan.
Hindi ako magaling magpa gaan ng loob, hindi ako masalita. Hindi ko tuloy alam kung papaano ko ba pagagaanin loob ni ell ngayon.

"im sorry wala akong masabi o maitulong sayo para mapa-gaan loob mo, tanging pag yakap lang kaya kong gawin, sorry" unti unting gumuhit sa labi nya ang isang napaka gandang ngite.

"Makatabi at makasama lang kita malaking tulong na sakin lucky, siguro ginayuma mo ako kaya ganito nalang ako tinamaan sayo" pagka sabi nya nun ay, yumuko sya at idinikit nya ang mukha nya sa dibdib ko.

Lalo naman akong kinilig dahil sa sinabi nya, alam kong rinig na rinig nya ang pag labadub ng puso ko pero ayos lang sakin para malaman nya kung gaano ka abnormal ang puso ko kapag sya ang kasama ko.

"Wag mo nalang isipin na ikaw ang may kasalanan, na walang may kasalanan, alam kong masakit talaga sa inyo nangyayari sir pero isipin nyo may kanya kanya dahilan kung bakit kayo, sila nila nagawa yun...
Nabulag ng galit ang ina ni benny sa dahilang pinipilit nyang isisi pagka matay ng asawa nya sa lolo mo, si benny naman ay ganun rin nabulag naman sya sa pagmamahal sayo, alam ko na gusto rin ni benny na makita ka nyang maayos at masaya kaya nya nagawa ang bagay nayun." mahaba kong paliwanag sa kanya, humigpit pa ang pag yakap nya sakin.
(A/N:akala ko ba dika masalita lucky? paki explain naman yan?)

"Si dean at kenn di nila pinaalam sayo dahil nag aalala sila sayo" naramdaman ko ang gulat nyang reaksyon, unti unti ulit syang tumingin sakin.

"ang dean? may alam ang dean? at paano ba naging mag pinsan sila benny at kenn? ang alam ko si lolo na nagpa laki kay kenn dahil sya ang umapon sa bakulaw nayun" nag tataka nyang tanong.

"Mag kapatid daw sila dean at kenn, at tiyahin naman nila ang ina ni benny" sagot ko, ayun kasi na ikwento sakin ni june.
"what? seryoso ba yan?" tumango tango lang ako sa tanong nya.

"Tingin ko kaya nagawa ng dean yun dahil napilitan lang syang sumunod sa tiyahin nya, natatakot daw kasi ang dean sa pwedeng gawin sa kanya ng tiyahin nya, yun lang ang alam ko eh mas maige kung sila kenn nalang tanungin mo" Napa bugtong hininga sya bago kumawala sa yakap ko, umupo sya kaya umupo rin ako sa harap nya.

"Tumawag sakin kanina si june gusto ka raw nila makausap lalo nasi benny" napa kagat labi sya sa sinabi ko, wag naman ganyan ell, lalo namumula labi mo sarap kagatin, este halikan tsk! nag iisip pa ako ng ganito eh seryoso usapan namin ngayon.

"Kung dimo pa kaya makipag usap ayos lang basta, wag mong patagalin dahil ayokong nakikita kitang ganito, mas doble ang sakit na nararamdaman ko kapag nakikita kitang malungkot at na mo-mroblema." hinawakan nya ang dalawa kong kamay bago tumango tango.

"Maraming salamat, kung wala ka talaga dito at di kita ulit nakita baka hanggang ngayon kaawa awa pa rin ako, walang magawa kundi ang mag mukmok at tanggapin lahat ang masasakit na nangyari sakin....
Salamat talaga at napapa saya mo ako at minamahal" naka ngite nyang ani.
Sa sobrang tuwa ko ay inakap ko sya ulit.

"Kyaaaaah!" nagulat kaming pareho ni ell, ng biglaang pumasok si lucy sa kwarto ko at basta basta nanaman kumuha ng litrato.
"jusko officially naba kayo? kaylan pa? kuya napaka lande mo talaga! KINIKILIG AKO!!!!" malande at pa sigaw nyang ani.

Nakita ko si mommy na nasa may pintuan ng kwarto ko, naka tingin lang sya samin at naka ngite.

"Baliw wala pang kami, pinagagaan ko lang loob ni sir, ikaw nga kung kukuhanan mo kami ng litrato mag sabi ka baka papanget ng kuha mo ah" lumapit ako kay lucy para agawin sana ang cellphone nya pero mailap ang kapatid ko, nakaiwas agad sya sakin.

"Duh! di naman ako papayag na panget ang kuha ko ano! kayo kaya ang main character ko kaya gagandahan ko syempre, kahiya naman sa mga readers ko kung panget ng photos na lalagay ko sa wattpad" mataray nyang ani.

Gaga tong kapatid ko seryoso ba syang ginagawan nya kami ng storya ni ell sa wattpad? Nah never mind kung ginagawa nya nga yun ayos narin sakin dahil kitang kita ko na masaya naman sya sa ginagawa nya at tanggap nya kami ni ell kung ano at sino pa kami.

"Kumain na tayo ng hapunan.... Jiho dito kana matulog okay, samahan mo kami mamaya mag movie marathon." ani mommy, tumango nalang si ell bilang pag sagot.

Kay mommy talaga ako nag mana sa pag luluto eh, napaka sarap ng luto nya, napansin konkung gaano ka gana kumain si sir, para syang walang iniindang problema ngayon.
Naka ngite ring naka tingin sa kanya si mommy at lucy.

After namin kumain ay nag enjoy nga kami sa panonood ng movie, naka dalawang movie kami ng mag sawa na, kras na ng pag tulog kaya ako dina naman mapa kali dahil gusto ni sir tabi kami matulog.

May extra room pa naman kaso ayaw ni sir doon, gusto nya daw talaga ako katabi.
Kainis si ell, baka magawan ko sya ng ano jusko hahaha.

Naliligo sya ngayon, mabuti nalang at nadala nya ang gamit nya kaya may pamalit syang damit ngayon.
Bigla nag ring ang cellphone ko... Si kenn tumatawag.

"Hello?" bungad ko.
"kamusta na si ell?" matamlay nyang tanong
"wag kang mag alala sa palagay ko mas okay na sya ngayon, teka kinausap kana ba ni june?" tanong ko naman
"Oo sinabi na nya sakin, so anong balak natin? kaylan natin kauusapin si benny? kaya na raw ba ni ell humarap kay benny?" sunod sunod nyang tanong.

"Sya lang naman hihintayin natin, babalitaan kita kapag pumayag pumayag na syang makipag usap kay benny" sagot ko.
"salamat lucky... Gusto ko sana isa rin ako sa magpa gaan ng loob nya ngayon pero mas maigeng saya nalang ako umasa dahil ikaw lang naman ang gusto nya kausap ngayon, alagaan mo sya lucky" napangite naman ako sa sinabi ni kenn.

Alam ko naman na mahal nya rin si ell, pero dahil nga sa gusto nya ring makita itong maayos ay pinipilit nyang maging okay para kay ell, sigurado naman ako na  kahit ipaubaya nya sakin si ell ay may nara-ramdaman pa rin syang sakit.

Halos mag iisang oras nasa CR si ell, kaya nag alala ako, kakatukin ko na sana ng buksan nya ang pinto.
Nanlaki ang mata ko at literal na napa nganga dahil sa itsura nya.
Feeling ko pulang pula na agad ang pisnge ko ngayon.

"Bibig mo oy! alam kong sexy ako pero sana kontrolin mo naman yang reaksyon mo" natatawa nyang ani habang nag pupunas ng buhok.

Taena nakakahiya, bakit naman kasi kailangan nya pa ibalandra yung half naked body nya sa harapan ko, tapos iksi iksi pa ng suot nyang short nakikita ko rin tuloy yung makinis nyang hita, naman lalo tuloy nag a-abnormal pag tibok ng puso ko at bigla bigla nalang umiinit katawan ko shet! otor dalikado to pleas gumawa ka ng paraan kung hindi baka makagawa ako ng kasalanan!
(A/N:magpa salamat ka nalang dahil biyaya ni otor sayo)

"may blower ba kayo para sa buhok? peram nga ako para madali matuyo buhok ko" paki-usap nya, lumabas ako para tumungo sa kwarto ni lucy alam kong gising pa sya dahil nag lulumande nanaman yun dahil wala pa namang pasok bukas.
Agad akong bumalik ng makuha ko ang kailangan ni ell.

"ikaw ang magpa tuyo, madali ako mangalayan kapag pinatutuyo ko tong buhok ko eh" paki usap nya ulet, dahil sa mahal ko tong taong to, susundin ko lang naman madalas anh i-u-utos nya sakin hehe.

"Lucky ikaw ba uulitin ko bakit mo ba ako mahal?" tanong nya, pinatay ko muna ang blower para sagutin sya.
Pinupunasan ko nalang sya ng towel.

"Ganun pa rin naman isasagot ko sir, ano pabang pwede kong sabihin? ang mahalaga naman kasi sir yung paniniwalaan nyo ako kung gaano ko ba talaga kayo kamahal" sagot ko, umikot sya paharap sakin, ang pwesto namin ay ako ang naka upo sa kama at sya naman ang naka upo sa lapag, naka tingala tuloy sya sakin.

"paano kung makagawa ka rin ng kasalanan dahil sa pag mamahal mo sakin?" pangalawa nyang tanong.

"Kung makagawa man ako alam ko namang pag sisisihan ko rin yun, hihinge ako ng tawad kahit paulit ulit pa, hanggang sa mapatawad ako ng taong magagawan ko ng kasalanan, isa pa sir hindi naman ako yung tipo ng tao na gagawa ng mali, iba yung way ko para patunayang mahal ko talaga kayo, para mapa tunayan kung papaano ko kayo mapapasaya ng tama" sa totoo lang nagiging masyado akong ma hugot kapag si ell katapat ko hehe.

"Hindi ako nagka maling, ibalik yung pag mamahal na ibinibihay mo sakin.. Maraming salamat lucky, masaya ako dahil minahal mo ko, masaya akl dahil ikaw rin yung taong mahal ko narin." naka ngite nyang ani.

Otor naman napaka lande mo, dinadamay mo pa ako..
Kaines ka! kilig na kilig ako oh, ilang kilong asukal ba kinain mo para sabihan si ell na maging ka sweet sakin ng ganito ngayon?

Nagka titigan nanaman kami ng matagal bago sya tumayo, tumabi sya sakin sa kama at ipinatong ang isa nyang kamay sa isa kong kamay.
Ang saya shet! feeling ko lumulutang ako kapag nagsasalita o gumagawa si ell ng nakakapag pakilig sakin.

Unti unti syang lumapit sakin at tsaka ako binigyan ng..... Fuck ayoko na talaga otor!
Bakit ang lande mo! kung ikaw kinikilig lang ako halos mamatay matay na dahil sa biyayang sinasabi mo.

Nakapikit syang humalik sakin, damang dama ko ang inet at lambot ng labi nya, kung kanina para akong lumulutang ngayon naman para akong nakaakyat na sa langit, OA ba? totoo naman kasi, gusto nyo i-try?
dun kay otor wag sa ell ko hehe.

Dahil sa gustong gusto ko talaga naka dikit ang labi nya sa labi ko ay diko muna sya hinayaaang tanggalin nya, hinawakan ko ang ulo nya para maidiin pa ang pag halik sya sakin, napa mulat sya sa ginawa ko kaya kahit parang maduling kami ay nag tinginan kami.

Hinihintay kong itulak nya ako pero di nya ginawa, kaya mas lalong nag diwang ang buong kalamnan ko.
Dahil sa dipa ako nakuntento ay unti unti kong iginalaw ang labi ko.

Nung una ay hindi sya tumutugon, pero kalaunan ay napapikit nalang sya at napahawak ng mahigpit sa damit ko, unti unyi narin nyang iginalaw ang labi nya para tugunan ang malande kong pag halik sa kanya.

Ilang minuto rin kaming nasa ganoong pangyayari, ng sya na ang unang bumitaw, mga brad ang sarap sarap sa pakiramdam huhu pwede nako mamatay! joke lang.

Ang cute naman ng reaksyon nya na napapa linga sa ibang dereksyon, mukhang nahihiya sya hehe.
Kita ko rin ang pag pula ng pisnge nya na lalong naka dagdag ng pagka cute nya, damn it sarap nya kagatin!
(A/N:abusado brad?)

Inaka pko nalang sya dahil nang gigigil ako sa kanya, iginayak ko syang humiga na, natawa pa nga ako dahil pinag susuntok nya dibdib ko tapos bigla nag talukbong ng kumot hahaha cute cute talaga nya.

Hiniga ako ng ayos bago ipinatong ang kamay sa may bangdang bewang nya, sulit ang gabi ngayon kinilig nako naka kiss pa haha salamat talaga kay otor.

------------------

Akala ko ay tatagal pang mag desisyon si ell, kanina pagka gising namin ay bungad nya ahmgad na kakausapin na raw nya sila benny.
Syempre ako sa sobrang excite, nahalikan ko sya pero smack lang kaya eto maganda mood.

Pero alam ko miya miya lang ay mapapalitan na dahil makaka harap namin ulit si benny.
Oo malaki ang galit ko kay benny kahit wala naman syang kasalanan sakin pero kaibigan ko la rin sya kaya papakinggan ko lahat ng sasabihin nya.

Ramdam ko ang kaba ni ell, dahil malapit na kami sa lugar kung saan kami mag uusap usap.
Sa bahay kami nila kenn mag uusap, after nun ay gusto raw dumalaw ni ell sa ama nya.

"Mag relax kalang okay, tandaan mo libreng libre ka mag sabi ng sama ng loob, libreng libre ka rin manapak sa loob" Medyo pabiro kong ani.
Bahagya naman syang napa ngite na ikinatuwa ko.
Hinawakan ko sya ng mahigpit sa kamay bago pumasok sa loob.

Agad namin silang nakita na nakaupo sa sofa, habang sila kenn at benny at nakayuko lang.
Nasasaktan na ako sa tindi ng pag diin ng hawak ni ell sa kamay ko, pero diko ininda pa iyon dahil kinakabahan talaga sya.

Umupo kami sa harapan nilang lahat, si ell naman ay bahagya ring napayuko na miyamo ayaw nya tignan ang mga pag mumukha ng mga to, sabagay di naman sila gwapo kaya ayaw siguro ni ell hahaha.

"Inform nyo ko kung anong oras ba kayo mag uusap usap" natatawang ani zack, napatingin naman kami sa kanya
"what? halos 10 minuto na tayong nag titinginan dito, sa tingin nyo san makaka rating ang usapang sinasabi nyo" dagdag nya.

"Salpakan ko ng sapatos bunganga mo, hayaan mo silang mauna mag salita... Ikaw benny umpisahan muna, para pag natapos ka sa paliwanag mo isa isa kaming bubugbog sayo" mataray namang ani june, ewan pero natawa ako sa sinabi ng gago.
Humugot na muna ng malamin na hininga si benny bago mag salita.

Gaya ng mga nauna nyang paliwanag samin ay ganun narin ang paliwanag nya ngayon, nadagdagan lamang ito tungkol sa kung ano pa plano ng ina nya, at kung paano nadamay sila dean lati narin kami.

"Im sorry talaga ell---- prof, hindi ko alam kung ano bang pwede kong gawin para lang makabawi, ayoko naman kalabanin ang ina ko sir, dahil gaya nyo kahit ano mang sama ng magulang natin ay mahal pa rin amnatin sila, ayaw nating makitang mag hihirap sila....
Prof maintindihan nyo sana ako, kung di nyo man ako mapatawad ayos lang po sakin dahil kasalanan ko rin naman, about naman sa kumpanya pipilitin ko pong maibalik sa ama nyo yun" mangiyak ngiyak na ani benny.

"Alam mo ayos na sanang gusto mo akong makitang maayos, pero ang pagkaka mali mo ay yung masira ang isang bagay na nagpapasaya sakin, tama ka anman na kahit anong sama ng papa ko sakin ay mahal na mahal ko pa rin sya....
Benny sa totoo lang gustong gusto kita saktan ngayon, pero dahil sa teacher nyo pa rin ako at matinong tao ay diko gagawin, mahal kita bilang studyante ko ako dapat ang mag tatama ng pagkakamali nyo, kaya kahit ano pamang sama ng ginawa mo.....
MAPAPATAWAD KITA" mahabang ani ell, nakita ko kung gaano kabilis pumatak ang mga luha sa pisnge ni benny.

"Hindi na importante ang kumpanya, ang mahalaga sakin ngayon ay ang lagay ng papa ko, at ang nararamdaman nyo ngayon... Mas lalo akong nakaramdam ng saya at pag gaan ng kalooban dahil nakahinge kana sakin ng tawad" dagdag ni ell.

Humagulgol na parang isang bata si benny, kaya ako si june, anton at zack ay napatawa nalang ng bahagya.
"maraming salamat prof" humahagukgol na ani benny.

"Hindi ko man maibakik yung pag mamahal na gusto mo, tandaan mo mahal kita bilang studyante ko, bilang isang nakakabatang kapatid narin... Wag kana rin mag alala dahil si lolo na ang bahala kuma usap sa mama mo" napatigil naman si benny.

"baka kailangan lang ng mama mo ang humingi ng tawad ang lolo, kaya minabuti naming mag usap kasama ang mama mo, darating si lolo bukas pasabihan nalang ang mama mong kakausapin namin sya" dagdag ni ell, tumango naman si benny sa pag sang ayon.

"kenn marami kang iku-kwento sakin mamaya, paki sundo narin bukas si lolo dahil may trabaho pa ako, alam ko namang pwede ka muna mag leave diba?" tanong nya kay kenn, tumango lang din bilang pag sagot nya sa tanong ni ell.

"Umamin nga kayo, bukod sa unggoy nato" turo nya sakin, tsk gwapo naman
"at kay benny meron pabang may gusto sakin?" matapang nyang tanong, napa tingin sya sa magka tabing si june at kenn.

Napangise sya ng makita nyang nanlaki ang mata ng dalawa, hindi ko akalain na maisisingit nya apa ang tanong nayun.
Alam kong napa isip narin ell dahil sa mga nag daang inaasta nilang dalawa.

"so-sorry" mahinang paumahin ni kenn
"for what?" maang na tanong ni ell.
"ano paba silbi sir kung umamin kami? wala na diba, alam namin na masaya kayo kaya masaya narin kami para sa inyo" walang paligoy ligoy na saad ni june.

"OMG! anong meron sakin at apat kayong nagka gusto sakin?" mangha nyang tanong, haha eto nanaman po sya cute ng reaksyon.
Walang sumagot kaya itinuloy ni ell ang pag sasalita na talaga namang ikinagulat namin ang mga sumunod nyang pinag sasabi.

"Yeah kenn is my first love, akala ko natutuwa kang talaga ako ng una sa kanya dahil sya lagi ang nag tatanggol sakin at katulong sya noon ni lolo para di ako masaktan ni papa....
Noon may girlfriend sya at nakikita kong masaya sila kaya nag desisyon akong umuwi ng america para makaiwas narin at makapag aral ng maayos, dahil dati gulong gulo talaga ako.... Im sorry kenn yun ang totoo, diba yun ang gusto mong marinig ang katotohanan kaya ito sinabi ko na sayo, im sorry kung na duwag ako noon pero, im sorry rin dahil mukang tama naman naging desisyon ko." napa tingin sya sakin bago hawakan ang kamay ko.

"kenn, june at benny sorry kung diko kayo magagawang mahalin dahil etong unggoy nato na ang nag ma-may ari ng puso ko" hutaness kinilig nanaman ako! at tuwang tuwa ako dahil sa harapan pa nila june nya sinabing, AKO NA ANG NAG MA-MAY ARI NG PUSO NYA!!!!!!

"Nakikita nyo naman na masaya ako diba, kaya ang hiling ko ay suportahan nyo nalang ako, i know na parang unfair sa inyo but mas gusto kong tanggap nyo na kung sino ba talaga ang gusto ko" ngiseng ngise si anton at zack sakin, habang yung tatlo serysong naka tingin kay ell.
Mga ilang sandali pa ay tumango tango yung tatlo.

"Maraming salamat, napaka bubuti nyong tao, salamat dahil kayo narin ang dahilan kung bakit ako sumasaya" maluha luhang ani ell.

Ngumiti nalang kami sa kanya at pinag masdan sya.
Isa isa nya kaming niyakap at nag pasalamat.
Kita ko naman na masaya narin ang tatlo para sa kanya kahit na ni reject sila ni ell.

Mabuti nalang pala may gf noon si kenn, kundi baka sila pa may happy ending haha joke.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Chapter 33 done :)
What's up dabarkads hihi!
Ang totoo po nyan kinikilig din po ng bongga si otor.
Dahil sa malanding si lucky hahaha.

Nakakatuwa na tuloy pa rin kayo sa pagbabasa ng AOL, maraming maraming salamat po talaga :)

-Greenite

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top