AOL:Pencil 32


Benny's POV:

Oo na alam ko galit kayo sakin, alam nyo naman dahilan ko diba, ganito naman kapag nag mamahal lahat gagawin mo makita mo lang maayos ang taong mahal mo.
Eto lang naman kasi alam kong maitutulong ko kay ell, syempre pati narin sa ina ko.
Na kahit masama ay ginawa ko dahil mahal ko sila, kalahati ng utak ko sinasabing mali ang ginawa, yung kalahati naman pina-ninindigan ang nagawang kasalanan.

Kung malaman man ni ell itong pinag gagawa ko, ta-tanggapin ko kung magalit man sya, pero hilung ko lang di sya lumayo sakin.
Sa totoo lang masakit na sakin ngayon eh, yung mga kaibigan kong importante sakin matindi ang galit ngayon sakin.
Hindi ko naman sila masisisi dahil gaya ko gusto nilang gumawa ng ikabubuti para kay sir, yung nga lang sila sa tamang paraan.

"Bumangon ka dyan!" iritar na boses ni june, naka higa kasi ako at naka pikit lang.. Gusto ko maines sa kanila dahil mukhang pinag tutulungan nila ako, miski nga mga best friend kong sila anton at zack di ako kinikibo.
Nag kukunwari lang akong walang pake sa sinasabi nila, pero deep inside masakit sakin yun sila lang naman kasi mga kaibigan ko.

"Nag papahinga ako" iritar kong kunwaring ani, bumangon ako at nakita ko silang lahat dito, pwera nga lang kay sir na wala dito.

"Wag na wag kang mag kakamaling mag salita ng kung ano kay ell... Tandaan mo kahit pinsan kita diko ako mag da-dalawang isip na basagin yang mukha mo kapag na dagfagan mo pa kasalanan mo kala ell" mahabang ani kenn, isa pa to hindi ko akalaing sya pala nawawala kong pinsan, hindi sya yung itinago ng matagal samin ng kapatid nyang si michi.
Alam ko naman ang dahilan kung bakit dahil sa ina ko.

"Hindi na ako gagawa ng ika-sasama ng loob ni sir sakin" walang emosyon kong ani, tinaasan ako ng kilay ni june at ngumise.

"talaga ba? alam kung totoo man yang sinasabi mo, well mas okay pero sinisugurado ko sayong kung malalaman man ito ni sir ewan nalang kung di kaya bigyan ng suntok sa mukha" maangas na ani june.

"Be-benny pleas humingi ka na ng tawad kay sir, wag kana rin gumawa ng ika-gagalit nya sayo" utal na ani naman zack.
"Pleas pilitin mo si titang wag na guluhin pamilya ni sir" saad naman ni anton.

"Kilala nyo si mama alam nyong diko rin sya kayang paki usapan" seryoso yun, may takot rin ako sa ina ko kaya napipilitan rin ako kung minsan.
"Pati isipin nyo nga kung hihinge ako ng tawad kay prof, edi nalaman nya yung nangyayari ngayon sa ama nya... Sa inyo na nang galing na dapat di malaman ni prof diba" dugtong ko.

Puro lang silang naka titig sakin, alam ko si june nag pipigil lang to pero kitang kita mo sa itsura nya na gustong gusto na nya ako bigyan ng mga suntok.

"Hindi kita mapapatawad benny, hilingin mong maging maayos ang ama ni sir at wag nang gumawa ng masama ang ina mo sa pamilya nila ell para mapatawad kita.... Kaibigan ka namin benny itinuring kana naming kapatid kaya diko inasahang ikaw pa pala ang gagawa ng masama, sa taong alam mong simula pagka bata palang puro pasakit na naranasan...."ani kenn

sya pala nawawala kong pinsan, hindi sya yung itinago ng matagal samin ng kapatid nyang si michi.
Alam ko naman ang dahilan kung bakit dahil sa ina ko.

Alam mo mahalaga kana sakin dahil
alam kong tunay na kaibigan ka, hindi ka kasi yung tipong puro yabang, pero sana na isip mo man lang na kung mahalaga kana sakin, samin sana inisip mong mahalaga rin samin si sir..." mahabang lintanya ni lucky.

Napa kunot noo ako bago yumuko, alam ko naman sinasabi nya eh...
Mahalaga narin naman sila sakin, pero ano bang magagawa ko, naka gawa na ako ng mali na tama rin naman sa side ko ng dahil sa pag-ibig.

"benny pleas ikaw na mismo nag sabi na may plano pa si tita, sana man lang kahit papano makabawi ka sa kasalanan mo, itama mo yung mali nyo no tita...." mahinahong paki-usap ni kenn.

"maging matapang ka naman, pwede mo pang maitama ang maling nagawa mo, tulungan mo kami pleas... Bilang matalik mong kaibigan gusto kong nakikita kang nasa tama" humawak sa balikat ko si anton.

"Pag isipan mo maige kung makikipag tulungan ka samin, mas malaki ang tyansang mapa tigil ang ina mo sa mga balak nya pa at makaka tulong pa tayo kay sir" saad ni june.

"paano naman ang ina ko? hindi ko naman maaatim na kalabanin sya, alam nyo naman pati diba mahal ko rin si ell kaya ko nagawa ang bagay na yon kay yllor, dapat nga magpa salamat pa kayo sakin dahil kung mawala si yllor mawawala narin ang nag papahirap kay ell" hindi ko maintindihan utak ko minsan tama naman iniisip pero madalas kapag naiisip ko ang taong nag papahirap sa taong gusto ko, napapalitan agad ito ng galit.

"Wala ka talagang kwenta!" bulyaw ni june bago ako binigyan ng isang suntok sa mukha. Agad naman syang hinila ni kenn palayo sakin, habang inalalayan naman ako ni anton at zack.

"Kaylan kaba babangon dyan sa katangahan mo?! sinabi ko na sayo mas masasaktan si ell kapag nalaman nyang ikaw at ang ina mo ang dahilan kung bakit nagka ganun si sir yllor! Hindi mo rin ba naisip ha! baka sisihin nya rin sarile nya dahil sa sinasabi mong mahal mo sya! na kaya mo ginawa yun kay sir yllor dahil kay ell, sa tingin mo matutuwa sya? diba hindi!" sigaw rin ni kenn sakin.

"Huminahon nga kayo mga gago! alam nyong kasama natin si sir ngayon, baka maabutan nya tayong nag tatalo talo" suway ni lucky, unti unti namang huminahon si june, pero sobrang sama pa rin ng tingin nya sakin.

"Hindi ako makikipag tulungan sa inyo, tapos na ako kay yllor... Kung gusto nyong gumawa ng hakbang laban sa ina ko bahala kayo pero diko maipa-pangako na di ako makikialam kapag nasaktan nyo ang ina ko" ani ko.

"Wag mo kaming itulad kay tita o sayo man dahil hindi kami gagawa ng mali sa tao na ikapapahamak namin, hindi kami gagawa ng hakbang na mali dahil lang sa inuuna ang galit at katangahan, gusto lang namin yung itama lahat ng pagkakamali nyo" si kenn.

"Benny sana ma realise mong ang sinasabi namin ay para sa ika bubuti mo, sa ika bubuti ni sir... Mahal ka namin kaibigan, miss na namin yung benny noon, pre gawin mo ang tama" si anton naman.

"Kung gagawin ko ba ang tama ibibigay nyo ba sakin si ell?" tanong ko.
Nanlaki ang mata ni zack at anton samantala ang tatlo naman ay masama ang tingin sa akin.
"Ipa-ubaya nyo sakin si ell at gagawin ko ang tama" dagdag ko pa.
"tang*****! maka sarile ka!" sigaw ni june.

Ano bang nang yayari sakin, ganito naba talaga ako? maka sarile nga ba ako? Gusto ko lang naman na maranasang mahalin rin ako ng taong mahal ko.
Bakit ba ganito nalang ako kasama? katanga pag dating kay ell.

"Gusto ko nang umuwi" Halos lahat kami ay nagulat dahil sa pag singit ni ell sa uspan namin, base sa itsura nya mukang narinig nya mga pinag uusapan namin.

"e-ell ako na mag ha-hatid sayo" utal na ani kenn, lumapit sya kay ell at hinawakan sa balikat..
Laking gulat nalang namin na ititulak palayo ni ell ang kamay ni kenn sa kanya.

"Lucky umuwi na tayo" mahinahon pero mangiyak ngiyak nyang ani, naka tulala lang si lucky bago mag salita.
"pe-pero sir wala tayong sasakyan" sagot ni lucky.

"Bwiset! maraming sasakyan para makauwi! kung kailangan umarkila ka ng sasakyan gawin mo! basta mailayo mo lang ako dito ngayon na!" para naman akong sinaksak ng kutsilyo ng makita ko nanaman ang mga luhang pumapatak sa mula sa mata ni ell.
Nakita kong tinanguhan ni kenn si lucky, hudyat na sundin ang gustong mangyari ni ell.

Kumilos si lucky para lumapit kay ell, hinawakan nya ito sa kamay tsaka hinila ng marahan para maka labas sila, balak ko sana silang habulin ng harangin ako nila anton na umiiling iling ang ulo.

"F*ck paano nato?!" iritar na ani kenn habang sabunot niya ang buhok nya.
"Nag aalala ako kay sir" bulong ni zack na nakayuko.

----------------

Nakauwi ako sa bahay ng lutang, iniisip ko na ang pwendeng mangyari dahil alam na ni ell ang lahat.
Kasalukuyan akong nakahiga para mag pahinga feeling ko sobrang nakakapagod ang araw nato, kahit fi naman talaga kami nag enjoy sa swimming na pinlano ni ell.

Alam ko naman na di lang pag eenjoy kung bakit nag aya si ell, nakaka sigurado akong gusto nyang ayusin ang kung ano mang merong alitan samin nila lucky, kaso mas lumala dahil nalaman na nya ang lahat.

"Anak lumabas ka nga dyan! kakain na tayo!" sigaw ng sigaw si mama sa labas ng kwarto ko, kulang na lang ding gibain nya pinto ng kwarto ko dahil sa lakas ng pagka kakatok nya.

Ilang beses sya kumatok katok at nag susumigaw sa labas, pero diko pinapansin ayoko sya kausapin ngayon dahil baka lalo sumakit ulo ko.

"Narito si ell!" sigaw ni mama, muntik na ako mapa subsob ng biglaan akong tumayo sa kama ko, dali dali akong lumapit sa pinto para buksan.

"Kung hindi ko pa sinabing narito ang taong kinaba-baliwan mo hindi ka lalabas dyan" iritar na ani mama, na ngunot naman ang noo ko at tumingin kay mama, niloko nya akong narito nga si ell, damn it!

"Ano bang problema mo? bumaba na nga tayo at kakain na" utos nya, hindi ko sya inimik.
Balak ko na sanang isara ang pinto ng iharang nya ang mga kamay nya.
Itinulak nya ng malakas ang pinto ko para mag bukas ng malaki, after nun ako naman ang itinulak nya papasok sa kwarto ko.

"Ano bang kailangan nyo? ayokong kumain ma, wala akong gana" iritar kong ani.

"May plano ulit ako para tuluyan na nating makuha ang mga pag aari pa ni lemlie" sabi na tungkol sa pag hihiganti nanaman nya kay lemlie sasabihin nya sakin... Humiga ako sa kama at nag talukbong ng kumot, dada sya ng dada kung paano ba makukuha mga pag aari ni lemlie, ang mama ko nabulag na sya ng galit at kasakiman.

Alam ko namang di na papayag si lemlie sa pwedeng gawing laban sa kanya ni mama, isa pa maraming makikipag tulungan sa pamilya ni lemlie, nalaman kong malalaki rin ang koneksyon nito, miski sa pamilya nila june ay may koneksyon sila.
Mahirap rin kalaban ang ina june, isang beses na namin sya naka tapat at aaminin kong wala kaming nagawa.

Balak namin syang kumbinsihing samin pumanig para pabag-sakin si yllor na sya palang matalik nyang kaibigan.
Alam kong gagawa na sila ng paraan para lang matapos na ang ginagawa ng ina ko at para mabawi ang kumpanya ni yllor.

"tulungan mo ako kay lemlie, tutulungan naman kitang makuha si ell" mataray nyang ani, bumalikwas ako ng bangon at tumingin sa kanya.

"paano mo gagawin yun? unang una hindi papayag si lemlie pati narin ang mga taong malalapit sa kanya, pangalawa alam na ni ell ang lahat, at ang huli kaya mo bang paibigin sakin si ell?" na tatanggap ko nanaman kahit papano na hindi maiba-balik ni ell yung pag ibig na gusto ko, at base sa nakikita ko si mama ang magiging talunan sa bandang huli.

"Kaya nga tulungan mo akong makuha ang iba pang pag aari ni lemlie, kapag nakuha natin yun, ayun ang gagamitin para makuha ang pinaka mamahal mong si ell, dahil kilala ko naman si yllor alam kong mas pipiliin nya ang kumpanya nya kaysa sa anak nya" ani nya
"anong ibig nyong sabihin?" tanong ko.

"Kapag nakuha nanatin ang pinaka maimpluwensya at pinaka malaking pag aari ni lemlie tsaka natin gagamitin si yllor para makuha mo naman si ell.... Bat di natin gawin alam ko namang magagawa natin yun." sa sinabi nya para akong nag dalawang isip, imposible naman kasi ang iniisip nya na ganoon nalang kadali kalaban si lemlie at ibang nakapaligid sa kanya, sa pagka kikilala ko sa kanya hindi sya madaling mauto o maisahan man lang di katulad ni yllor.

"Ma pleas naman makuntento kana sa nakuha natin, ayoko ng gumawa ng kasalanan! nasasaktan rin ako kapag nakikita kong nasasaktan si ell, gumawa ako ng hakbang para maka tulong sa kanya na sya rin palang  makakasama rin ng loob nya" Ayoko sana sya paki alamanan at pigilan dahil ayun na desisyon ko nung una at ayun narin nasabi ko kala kenn.

Para na akong mababaliw kaka isip kung ano ba dapat ang gawin, kung tutulungan ko si mama may konti namang pag asang pwede nga makuha si ell, pero ang tiyak ko naman kung sakaling tumulong ako hindi lang sila lemlie ang mag tatanim ng sama ng loob sakin, ang mga pinsan ko, mga kaibigan kong matalik at ang pinaka mamahal kong si ell.

"Kung hindi mo ako matutulungan ako nalang mag isa ang gagawa ng paraan! wag mo kong sisisihin kung may magawa akong di maganda!" bulyaw nya..

Iniwan nya akong napa tulala sa kwarto, hindi ko kung ano nanaman ang balak ng ina ko, kinabahan ako ng sobra sa huling sinabi nya.

Sundin ko man sya o hindi alam ko anmanag parehong masama lang gagawin nya gusto ko rin naman syang tumigil dahil ayoko rin sya mapahamak pero ang ina ko binulag na talaga ng galit..

Natatakot ako sa pwedeng mangyari ngayon, natatakot ako para kay ell para sa mga kaibigan ko, kilala ko si mama hindi sya mag sasalita ng ganun kung wala syang binabalak na mas masama pa sa balak nyang kunin ang pag aari ni lemlie.
Fuck anong gagawin ko! kalalabanin ko naba ang ina ko?...
Ang gulo gulo na ng utak ko!
(A/N:ikaw lang ba benny? si otor rin aba sumasakit ulo ko dahil diko alam kung sa tama kaba o sa mali)

Hindi ko kaya mag isip ng mag isa, kailangan ko ng kahit isang tao na mag co-comfort sakin at mag papayo kung ano ba talaga ang dapat kong gawin.
Dahil baka kapag tumagal ikabaliw ko ang pag iisip.

"Kailangan kita! alam kong galit ka at gusto mo akong pag susuntukin ngayon pero kailangan ko ang tulong mo" bungad ko sa isang taong alam kong makaka tuling sakin, nung una naman ayokong tanggapin sinasabi nya sakin, pero dahil alam kong matalino ang taong yun sa kanya ako lumapit.

Ako na ang tumungo sa kanila dahil ayun ang gusto nya, medyo na takot ako dahil makaka harap ko ang isang taong malaki rin ang galit sakin pero tutuloy pa rin ako dahil alam ko naman sila na talaga makakatuling sakin, sana pati kay mama.

"Magandang gabi po" bati ko sa ina ni june, na kasalukuyang seryosong naka tingin sakin.

"Alam ko pong malaki kasalanan ko sa inyo, lalo nasa kaibigan nyong si yl---.... mr yllor i mean, sorry." naka yuko kong ani, hindi sya umimik kaya itinuon ko nalang ang tingin ko kay june.
"Makikipag tulungan kana ba samin?" tanong nya, huminga muna ako ng malamin bago sumagot.

"Hindi pa rin" nakita kong nangunot ang noo nilang mag ina at sinamaan ako ng tingin ng nanay ni june.
"Ako ang gusto kong humingi ng tulong sayo, sa inyo... Wala talaga akong alam sa mga plano ngayon ni mama, ang alam ko lang may ginagawa na talaga syang plano para kay mr lemlie.... June pleas hahayaan ko kayong pigilan ang mama ko basta wag syang masasaktan ng pisikal, at pleas mag ingat kayo lalo nasi ell, may pakiramdam akong may plano syang di kanais nais at alam kong laban narin sakin para sumunod sa gusto nya at sa tingin ko si ell gagamitin nya" Mahaba kong paliwag, nagka tinginan silang mag ina bago bumaling sakin.

"benny mag kunwari kang sa kanya ka papanig, para malaman mo lahat ng plano ng mama mo" ani june.
"hindi ko naman kayang kalabanin pa mama ko june, hirap na hirap na ako kung paano ba matatapos tong gulong inumpisahan namin, patawarin nyo ko patawarin nyo kami" napayuko ako at sumabunot sa buhok ko.

Hindi ko namalayang lumapit sakin ang ina ni june, inakap nya ako at inalo alo ang likuran, dahil bigla nalang akong naluha. Hindi naman ako ganito, never ako nag papakitang umiiyak kahit kay mama, si anton at zack palang nakaka kita saking umiiyak.

"May mga bagay talaga na mare-realise mo lang kung tama ba o hindi sa huli, jiho alam kong mabuti kang tao, nasabi ko kay june na hindi kita mapapatawad dahil sa ginawa nyo kay yllor at sa pamilya nya, pero dahil nag sabi ka naman samin ng sa side naiintindihan kita kahit papano" Hinawakan nya ako sa magka bila ng balikat bago humarap sakin.

"Nasabi sakin ni june na gaya nya ay may pag tingin ka rin sa inaanak kong si ell, taray ng inaanak ko habulin ng mga gwapong lalake" pag bibiro nya, bahagya akong napa ngise, dahil alam kong pina gagaan nya usapang ito.

"Hindi masamang mag mahal sa isang tao, hindi masamang gumawa ka ng bagay bagay para makita mo lang na masaya ang mahal mo, oo naiintindihan ko na rin kung bakit mo nagawa kay yllor yun dahil gusto mong di nasasaktan pa si ell, pero sana jiho pinag isipan mong maige na kung tama ba o mali ang ginawa mo habang, alam kong umay kanang marinig to pero si ell sya talaga ang maaaprktuhan dito at masasaktan dahil alam na nya na sya ang isang dahilan kung bakit nangyari kay yllor yun" mahaba pa nyang lintanya.

"Pleas im sorry po... june tulungan mo akong kausapin sila mga kaibigan natin, ang hirap pala na galit sayo mga kaibigan mo, tulungan nyo ako humingi ng tawad kay sir ng personal" humihikbing ani ko.

"Wag nyo na syang piliting makakuha ng impormasyon mula sa ina nya, dahil alam kong masakit rin iyon sa kanya.." ani ng ina ni june.
"Jiho tandaan mo kung may magawa ka man na tulong para kala ell ay hindi iyon laban sa

ina mo, isipin mong ginagawa mo yun para sa ina mo rin para matulungan mo syang itama ang mga maling nagawa nya at gagawin palang" dagdag nyang paliwanag.

"Hindi ko ma contact si sir, benny. Wala rin sya sa bahay ni kenn, dahil nasa bahay sya nila june, mula ng makauwi sila mula sa resort, ayon kay lucky ay tahimik lang si sir at ayaw makipag usap, pinipilit rin nya na makausap kami kaso gumatanggi si sir, ayaw na pilitin ni lucky dahil nagagalit rin ito kapag kinukulit sya ni lucky" paliwanag naman ni june.

"Paano ako makaka lapit sa kanya? sa totoo nahihiya ako sobra pero gustong gusto ko na humingi ng tawad, pati narin sa inyo dahil ayokong mawala kayo sakin lahat" naluluha ko paring ani.

"Wag ka nga umiyak sa harap ko nasusuka ako! di ako sanay makita pag mumukha mong ganyan benny, kung wala lang dito si mama nasapak na kita!. Okay sige apology accepted, gagawa tayo ng paraan para maka usap mo, natin si sir... Sila lucky madali na kausap si sir kasi alam kong may tampo yun dahil nag lihim tayo pero kilala natin sya, madali yun humupa at magpa tawad, basta gawin mo ang lahat mapa tawad ka lang nya" mahaba pa ring ani june.

Ipag papa bukas nalang namin ang planong kausapin sila lucky para makalapit kay sir at humingi na rin ng tawad, ita-try ko ulit na kausapin si mama para itigil na nya ang pinaplano nya laban kala mr lemlie.

Gumaan gaan pakiramdam ko ng may nakausap ako, tama pala ginawa ko na lumapit ako kay june kahit alam ko nung una galit na galit talaga sila.

Naalala ko yung mga normal pa kaming mag kakasama, namiss ko nayun..
Si yung best friend kong sina anton at zack na simula pagka bata kasama ko na sa kalokohan at iba pa, madalas katulong ko rin sa pang aasar sa matalik rin na mag kaibigang sila june at lucky. Silang dalawa lang noon ang napagkaka tiwalaan ko, silang dalawa lang ang nag lakas loob noon na kaibiganin ako.

Noon kasi hindi talaga ako nakikipag kaibigan, madalas akong nakikipag away kahit noong mga nasa edad 7 palang ako.
Tanda ko napag tripan ko rin ang dalawa noon dahil mas malaki ako sa kanila dati, hindi ko naman inakala na mas lalaki pa sila sakin ngayon.

Akala ko lalayo na sila sakin noon dahil sa ginawa ko sa kanilang masama pero, mas lumapit lang sila sakin at pinipilit na maging kaibigan nila.
Hanggang nga sa ako narin ang bumigay tinanggap ko silang dalawa dahil nakita ko naman na kahit pinaulit ulit ko silang ginulpi, pinag tripan at kung ano ano pang bagay na masama ay tinanggap pa rin nila ako bilang matalik nilang kaibigan.

Feeling ko nga noon, espesyal ako dahil sa kanila madalas ako ang sinusunod nila sa mga gawain lalo na sa kalokohan, alam kasi nila ang dahilan kung bakit na gagawa ko ang mga bagay bagay na di maganda.

Minsan sila pa mag so-sorry kahit na ako ang may kasalanan, masasabi kong napaka swerte ko dahil nag karoon ako ng mga kaibigang tanggap ang buong ako.

Alam nyo si lucky di maganda ang umpisa naming magka kilala, noon kasi pagkaka kilala namin sa kanya ay mayabang akala mo kung sino dahil nga sa president sya sa room namin pero mali pala kami noong naging kabasagang mukha namin sya. Napaka buti rin nyang tao, kahit na malakas mang bwiset, maasahan mo rin syang kaibigan at hindi sya yung tipo ng taong maka sarile. Aminado rin akong pag dating sa basagang mukha wala kaming laban kay lucky, sa laki ba naman na bakulaw nayun.

Si june ang supladong pinaka matalino, matino wait medyo matino lang pala samin, may pagka maarte talaga yung si june pero gaya ni lucky ay napaka buti nya ring tao, oo sya nga ang pinaka nang bu-bully samin pero doon nya kasi napa pakita kung paano sya magpaka totoo bilang kaibigan.
Doon nya rin naipapakita kung sino ba talaga sya.

Si kenn ang itinuring ko nakakatanda ko ng kapatid, hindi ko talaga inaasahang sya pala ang pinsan ko, kaya ba ganun nalang kagaan loob ko sa kanya noong unang nakita ko sya dahil kadugo ko rin sya.
Isa rin syang baliw at masaya kausap, minsan pinapayuhan nya kaming nakaka bata sa kanya.

At ang huli ang minamahal kong si ell, ang rami kong natutunan sa kanya, alam kong hindi lang ako pati narin ang apat at ang mga pasaway kong kaklase. Hindi lang sya sa pagiging guro magaling pati narin kung papaano makisama sa ibang tao, sya ang nag turo samin kung papaano magpa tawad, kung papaano magpa halaga sa ibang tao.

Noon talagang hindi kami pwedeng di nakkkipag away, pero ng dahil sa kanya natuto kaming, gumawa ng tama... At yun din ang isa kong pag sisisi tinuruan at tinulungan naman nya kami para mag bago na tumatak sa puso ko pero sa utak ko ay hindi, dahil mas nanaig pa rin ang utak kong sa ka gustuhang makita syang maging maayos.

Nag kamali nga talaga ako dahil hindi huli ko nang maisip maige na siya rin pala ang masasaktan ko sa huli.

Ang tangi ko nalang magagawa ngayon ay ang humingi ng tawad sa kanya, sa pamilya nya, kung di nya man matanggap ang pag hinge ko ng tawad ay tatanggapin ko nalang, tutal kasalanan ko rin naman.

Oo kilala narin namin si ell pero ayoko naman isipin na sa lahat ng pagkakataon madali syang magpa tawad lalo na't pamilya nya ang pinag uusapan at malaking kasalanan ang nagawa ko.

Eto na otor gagawin ko na ang tama para di kana mahirapan, para di narin magalit sakin iba mong readers.
Ginawa mo kasi akong kontrabida dito, talunan na nga ako sa pag ibig pinasama nyo pa ako.
(A/N:after mong makausap, kung makaka usap mo nga ang pinaka mamahal mo ay tatanggalin na kita sa kwento haha char)
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Chapter 32 done :)
Pinahaba ko tong chapter nato dahil nag tatanpi sakin si benny haha.
Oh hello hello! ayun na nga mga brad nag sisisi na ang baby benny ko, wag nyo nang inaaway kawawa naman, na nunumbong sakin.
(KUNSENSYA:kasalanan mo yun gaga)

Shatap wala ka pake! kunsenysa lang kita duh! oh btw thank you pa rin sa patuloy na nag babasa ng AOL, ilang chapter nalang mga brad at malilibing na sa limot ang AOL charot.

thank you so much! kita kita ulit sa mga susunod pang chapters.

-Greenite

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top