AOL:Pencil 30


June's POV:

Pauwi na sana ako ng makita ko si kenn dito sa hospital, nag alala ako bigla si sir unang pumasok sa utak ko alam ko OA masyado pero kinakabahan talaga ako..

Alam ko rin na pwede namang nagpa check up rin sya katulad ng lola ko or may iba syang kasama.
Para mapanatag loob ko ay palihim ko syang sinundan.

"Anong ginagawa mo dito!" sigaw ng isang boses, kilala ko ang boses nayun.
Nag madali ako para tignan kung si kenn nga ang sumigaw at laking gulat ko ng makita ko rin dito si benny.
Mas nagulat ako ng may isa pang taong lumabas mula sa isang patience room, parang pinipigilan nya si kenn palapit kay benny.

"Pwede ba benny kung mang-gugulo ka lang umalis kana lang! hindi kapa ba masaya sa ginawa mo!" bulyaw ng dean, what the heck ano bang nang yayari dito?

"Sinu-sunod ko lang utos ni mama sakin, tinignan ko lang si yllor kung talaga bang muntik na syang malagutan ng hininga" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni benny, naka ngise pa sya. Yllor sya bayung ama ni sir ell?

Susugurin sana sya ni kenn para bigyan ng suntok ng pigilan ng dean, lumapit ito kay benny at binigyan ng pagka lakas na sampal, hindi lang isa kundi dalawang beses pa.

"Ang sama mo! ang sama nyo talaga!" bulyaw ng dean, hinila ni kenn ang dean at ipunuwesto sa likuran nya.
"Wag mo akong sinisigawan na akala mo wala kang kasalanan!" bulyaw naman ni benny sa dean.

Muli sumugod ang dean para bigyan ulit ng sampal si benny, sa pag kakataong to nakaiwas sya at nahawakan nya ang kamay ng dean, bago nya itinulak ng malakas kay kenn, anong nangyayari kay benny bakit di sya gumagalang? ano bang nangyayari!

"walanghiya ka!" sinuntok ni kenn si benny sa mukha kaya itong si benny di maipinta ang mukha dahil sa sobrang sama ng tingin nya sa dalawa, pa sugod si benny kaya mas maigeng lumapit na ako para pigilan sya dahil alam ko kung saan mapupunta ang ganapang ito ngayon.
Hinawakan ko ang braso nya at puma-gitna sa kanilang tatlo.

"Anong ibig sabihin nito?" nakakunot noo kong tanong, halata naman sa mga mukha nila ang gulat dahil sa biglaan kong pag pasok sa eksena nila.
"Tinatanong kita benny!" bulyaw ko sa kanya, hinawi nya ang kamay ko at itinulak rin ako pero di naman kalakasan.

"June kanina ka pa ba dito? anong ginagawa mo dito?" tanong ni kenn mukha syang kinakabahan.
"nagpa check si lola kaya sinamahan ko, nang pauwi na sana ako nakita kita nag alala ako baka kasi kung anong nangyari kay sir" paliwanag ko

"Narinig ko mga pagtatalo nyo mula umpisa hanggang sa lumapit nako dahil magbabasagan na kayo ng mukha!" inis kong dagdag.

"Ama ba ni sir nandyan kaya kayo narito?... ikaw benny bakit ganun nalang mga salitang lumabas sayo? kilala mo na ba ama ni sir noon pa man? tama ba hinala ko dati palang huh?" sinamaan lang ako ng tingin ni benny, kaya ginantihan ko rin ng pagka samang tingin.

"Nasaan si sir?" tanong ko, dahil sa di sila sumasagot ay tminilabas ko ang cellphone ko para tawagan sana si sir.

"Lumabas tayo doon tayo mag usap" ani kenn sakin
"bakit tayo lang?... sumama ka!" ani ko kay benny, dahil sa alam kong mas malakas ako kay benny ay sa pilitan ko syang inakay.

"Hindi mo na dapat isinama yan!" bulyaw ni kenn patukoy kay benny.
"bakit gusto ba kita kasama PINSAN" ani naman ni benny, pinsan?
"ang kapal ng mukha mong tawagin akong ganyan, wala akong kinikilalang pinsan lalo na't ka ugali sya ng tiyahin kong masama ugali" kenn

Ayun nanaman po sila magpapa nuntok nanaman kaya eto naman ako, awat at nagtataka na ng sobra.

"wag mong sabihin kay ell na narito si sir yllor" nagtaka naman ako kay kenn, bakit eh anak sya kaya dapat malaman ni sir
"pleas june para sa ikabubuti ito ni ell" dagdag nyang ani

"why? hindi ko maintindihan? ipaliwanag nyo ngang maige sakin, may koneksyon pala kayong dalawa? at paano nasali dito sila sir at ama nya? ang dean? bakit?" gulong gulo kong tanong.

"matalino ka diba? bakit dimo isipin maige nangyayari ngayon.... Kung ako sayo mananahimik nalang ako para di mamroblema sa problema ng iba" naka ngising ani benny, tinalikuran nya kami ni kenn bago nag lakad palayo samin.
Balak ko pa sana syang habulin ng pigilan ako ni kenn.

"Pleas lang june wag kang masyadong mag tiwala kay benny, at pleas lang wag na wag mong sasabihin kay ell na narito ama nya, para ito sa ikabubuti nya.... Hindi ko kayang ipaliwanag sayo lahat, pero di kita pipigilan sa kung anobg balak mo, hahayaan kita na ikaw makaalam ng lahat.... Ang importante lang sakin ngayon ay si ell wag na wag mong sasabihin sa kanya" Paliwanag nya, dahil sa alam ko namang wala na akong makukuha pang ibang sagot sa mga gusto kong itanong ay hinayaan ko na lang syang makabalik sa loob, mag dadalawang isip man ako pero susundin ko sinabi ni kenn na wag sabihin kay sir, hindi ko alam bakit pero kung para naman sa ikabubuti ni sir gagawin ko.

Kailangan ko kausapin si lucky, baka may ideya sya sa nangyayari ngayon, sila zack at anton isasama ko narin dahil saming mag kakaibigan silang dalawa ang close kay benny.

Isa isa ko silang binigyan ng mensahe na agad naman nilang binigyan pansin, pinapunta ko sila sa bahay para doon nalang mag usap usap.

-----------------

"Iniwan ko si sir mag isa para lang dito kaya siguraduhin mong importante ang sasabihin mo" ni hindi pa nga sya nakakaupo ng talakan ako ng gagong lucky nato, kailangan ba nya ipa-mukha sakin na sya lagi gustong kasama ni sir joke...

Sa totoo lang nag seselos ako, kahit wala naman kami ni sir....
Aaminin ko masaya akong nakikita si sir na masaya, ganun narin si lucky dahil kaibigan ko sya pero sana man lang ako nalang dahilan kung bakit masaya si sir, kaso hindi eh masaya sya dahil sa gagong kaibigan ko.

Napapaisip ako kung itutuloy ko pang umamin, dahil sa nakikita ko ngayon alam ko nang isasagot ni sir, malito man sya kung sakaling umamin ako alam ko naman na mas pipiliin nya kung saan sya masaya.

"Fuck you umupo kana nga at may pag uusapan tayo!" bulyaw ko
"importante? si benny brad bat wala?" takang tanong ni zack

"hindi pwedeng narito si benny, lalo nasi sir" mag tatanong dapat sila pero pinigilan ko
"makinig nalang muna kayo sakin... Tungkol ito sa ama ni sir, nakausap ko si kenn kanina at nakumpirma kong nasa hospital papa ni sir" pauna kong paliwanag.
"wala ba kayong itatanong?" tanong ko, binato ako ni lucky ng trow pillow sa mukha bago sumagot.

"taena mo pala eh! sabi mo makinig lang kami" sinabi ko nga yun baka lang naman gusto nila mag tanong hehe gulo ko rin minsan.
"sige anong kinalaman ni benny dito?" tanong ni anton

"Alam nyo bang mag pinsan ni benny at kenn?" tanong ko, halata naman sa kanila ang pagka gulat
"base sa mga pag mumukha nyong yan hindi nyo rin alam" dagdag ko.

"miski ako nagulat kanina... Alam nyo rin ba kung kaylan naging close si kenn sa dean? nakita ko kasi sya kanina kung paano nya nalang ipag tanggol ang dean mula kay benny" tuloy ko, na mas lalo nilang ikinagulat, yaan nyo mga brad pare-parehas tayong ganyan reaksyon.

"Ipag tanggol bakit? magka away ba ang dean at si benny?" tanong ni lucky
"mukhang ganun na nga... zack at anton alam ko may alam kayo kay benny mas nauna nya kayong naging kaibigan kaysa samin ni lucky, umamin nga kayo may alam ba kayo tungkol kay benny at sa dean?" pakiramdam ko kasi makakakuha ako ng sagot sa kanila.

Nagka tinginan muna yung dalawa na para bang nag uusap ang mga mata
"gusto ko lang malaman dahil, may koneksyon ito kay sir... Ayaw pasabi ni kenn na nasa hospital ang ama nya at naguguluhan talaga ako kung bakit nasabi ni benny sa ama ni sir na..." napatigil ako saglit dahil dumating si mom, nag taka ako kung bakit sya naki upo sa tabi ni lucky.

"go ahead kanina pa naman ako nakikinig" ako, si lucky, zack at anton ay may malakung question marks sa taas ng ulo dahil sa inasta ng mom ko.
Bahala na itutuloy ko nalang.

"sinabi ni benny na inutusan raw sya ng mama nya para tignan kung talaga bang muntik ng mawala ama ni sir" gulat na gulat pa rin sila sa sinabi ko.

"se-seryoso  kabang sinabi ni benny yun?" taning ni anton, tumango nalang ako sa kanya.
"tama pala hinala natin na kilala ni benny si sir yllor" singit ni lucky.

"Ang totoo at ang alam lang namin ni zack ay kung anong meron ang dean at si benny" napatingin naman kami kay anton.
"Mag pinsan si benny at ang dean" dagdag nya, napa kunot noo nalang ako sa sinabi nya.

"pinsan? eh si kenn?" kunot noo kong tanong, hindi sila umimik at umiling iling lang.
"wait tanda ko anton may sinabi satin noon si benny nung nag iinuman tayo, ewan ko kung tanda mo ako kasi tanda ko dahil di naman ako nalasing nun" hinintay nalang namin ang susunod nyang sasabihin.

"ang alam ko may nawawala raw kapatid si dean, na pinahahanap naman ni tita yung mama ni benny ang diko lang alam kung bakit" para namang unti unti nakong nakakabuo ng kung ano dahil sa sinabi nya.

"hindi kaya si kenn yung nawawalang kapatid ni dean? kaya ganun nalang nya ipag tanggol si dean mula kay benny? tinawag rin ni benny si kenn na pinsan"

Napatingin nalang sila sakin na lara bang sumasang ayon sa sinabi ko, not sure pa naman pero posible rin naman talaga.

"Benny diaz, anak ni bella diaz?" tanong ng babaeng nakisali samin rito, sa kanya naman kami napa tingin..
Sinagot ni anton si mom para sabihing tama ito.

"I know kaibigan nyo si benny pero hindi, ko sya mapapatawad pati narin si bella sa ginawa nya kay yllor at sa inaanak kong si ell" dagdag ng ina ko. Halos napa nganga na ako sa sinabi ng aking ina, ni wala akong alam sa sinasabi nya.

"Yllor is my bestfriend, kaya hindi ko mapapatawad ang kaibigan nyo pati ang ina nya isama nyo pa si michi dahil sa ginawa nila.... Nasa hospital ngayon si yllor ng dahil sa kanila...
Inagaw nila ang kumpanya ni yllor para magantihan si tito lemlie na wala naman talagang kasalanan sa pagka matay ng ama ni benny" hindi ko alam kung ano pang magiging reaksyon ko dahil mas lalong gumugulo utak ko, alam kong ganoon rin tong tatlo.

"Na heart attack ang ama ni benny, at isinisi iyon ni bella kay tito lemlie, kaya itong si bella naisipang gumanti kay yllor nga lang, ginamit nya pa ang anak nya at si michi para lang makuha ang gusto nya wala syang kasing sama! Si michi estyudyante sya ni ella ang asawa ni yllor, may gusto noon pa man si michi kay yllor kaya noong nawala si ella ay naging sila ni yllor, hindi ko inakala na isa rin sya sa gagawa ng masama laban kay yllor dahil kitang kita ko naman kung gaano kamahal ni michi ang kaibigan ko" mahaba nyang paliwanag.

"Planado nila lahat para lang makuha ang kumpanya ni yllor, hindi pa sila nakuntento na nadamay narin dito ang nakakaawa kong inaanak, paano ano kapag nalaman nya ang nangyari sa ama nya? paano kapag nalaman nya ang lahat? awang awa na ako kay ell, noong nag kwento sya sakin doon ko nalamang sya pala anak ni ella at yllor, ang batang iyon simula pagka bata puro pag hihirap na naranasan mula sa ama nya hanggang ngayin ba naman, na sisigurado kong masasaktan sya ng sobra dahil malapit na tao pa ang gagawa noon sa ama nya, alam ko kilala nyo si ell na kahit anong sama ng ama nya ay nakukuha nya pa ring mahalin ito... Paano na to? kaawa awa kong kaibigan, kaawa awa kong ell, sana matapos agad ang pag subok nato sa kanila" maluha luhang kwento ng aking ina.

"Pleas naki-kiusap ako sa inyo, kausapin nyo si benny humingi na agad sila ng tawad kala ell bago pa lumala lahat, nakausap ko si tito lemlie ayon sa kanya may plano pa ang ina ng kaibigan nyo sa pamilya nila yllor, alam kong madadamay dito si ell kaya naki-kiusap ako kumbinsihin nnyo ang kaibigan nyong patigilin na ang ina nya" inakap ko si mommy dahil lumuluha sya, siguro ganoon nalang kaimportante ang pagka kaibigan nila ng ama ni sir kaya sya ganito.

"Saan ka pupunta?!" tanong ko kay lucky na nakayukom ang mga palad nya.
"Kay benny!" galit nyang ani.

"pupunta ka ng ganyan? tingin mo ba makakatuling kung susugod ka ng galit? i know you lucky! alam kong gustong gusto mong sapakin ngayon si benny" ani ko

"bakit ikaw hindi ba?" napatawa ako ng mapait sa tanong nya, obviously gustong gusto ko OA ba kami? natural lang dahil unang una si sir ang pinag uusapan dito at pangalawa ayokong nalulungkot ang mommy ko dahil sa nangyayaring di maganda ngayon.

"Natural gusto, baka nga mapatay ko pa yung gagong yun sa bugbog... Pero di ako susugod sa kanya ng galit dahil baka makapatay nga ako, isa pa isipin mo kaibigan natin si benny kaya naman natin syang kausapin ng matino diba?" galit talaga ako kay benny pero kaibigan parin namin sya.

"lucky kumalma ka muna, sa totoo lang nainis rin kami kay benny pero dahil nga sa kaibigan natin at at mas kilala namin sya sa inyo, ang gusto ko nalang mangyari ay makapag usap usap tayo ng ayos" pigil rin ni anton kay lucky.

"Tita wag napo kayo umiyak gagawin po namin lahat para lang mapapayag si benny'ng pigilan si tita bella... Sa totoo lang ayoko maki alam pero dahil si benny at sir na pinag u-usapan pipilitin kong gawin ang lahat makatulong lang sa kanila" napa ngite naman ako sa sinabi ni zack, bunughong hininga si lucky bago umupo ulit.

"Sabihan nyo nalang ako kung anong plano nyo para maka usap si benny, tita aalis na po ako babalikan ko na po si sir" mahinahong ani lucky, tumango naman si mommy.

"wag mong sasabihin mga punag usapan natin... nakikita kong masaya si sir sayo kaya hahayaan na kitang gawin yun ng tuloy tuloy" may sinsiredad kong ani, napatigtig lang sakin si lucky bago ngumite.

Ititigil ko naba talaga tong nararamdaman ko? hindi ko naba ita-try? gustong gusto kong sumaya kasama si sir pero mas gusto ko syang sumaya.

Lumabas nasi lucky sa bahay namin, naiwan si anton at zack dahil inanyayahan ni mommy dito na kumain ng hapunan, kailangan rin naming mag usap usap para mag plano kung papaano kakausapin si benny.

Ayon kasi kay anton may takot si benny sa ina nya, at tingin nya napilitan lang talaga si benny dahil sa utos ng ina nya.
Hindi ko alam bahala na, basta ang gagawin lang namin ay ang makakatulong kay sir, hindi ko maipa-pangakong diko masasaktan si benny at tsaka ko lang sya mapapa tawad ng lubos kung hihinge sya ng tawad sa ginawa nya kay sir.

Ganito sa pag-ibig diba mas gusto mong ligtas at masaya ang taong mahal mo, yung tipong kahit tumulong ka ng tumulong hindi ka hihinge ng kapalit, masaya kana para sa kanya kung makikita mo lang syang laging naka ngite at ligtas.

Bakit ba kasi sa lahat ng tao kay sir pa? kay sir pa ako nagka gusto, sa kapwa lalake ko pa? doon pa sa taong marami akong kaagaw, doon pa sa brutal kung mandali, doon pa sa, sexy, mabait, makulit, matalino at cute... Sige puring puri ko si sir kasi naman totoo diba?

Si kenn kaya anong nararamdaman ngayon, mukha kasing dipa rin sya umaamin hindi kaya katulad ko sya ngayon, tingin ko naman nakikita nya rin si sir na masaya kapag kasama ang gagong lucky nayun.

Lord sana naman kung di talaga para sakin si sir, padalahan nyo naman sakin yung kasing cute at kasing ugali ni sir, sige na po kahit lalake pa yan.... Wait yucks wag po pala lalake, babae po Lord hehe si sir lang naman gusto kong lalake eh. Ano ba naman yung humiling ako ng lalake! wushu june masyado kalang na attract kay sir kaya ganun pumasok sa utak mo.
(A/N:lalayo kapa ba? eto ako oh, cute naman ako di nga lang mabait XD)

Tsaka na buhay lovelife, may mas importante pa kaming dapat gawin at mas kailangan namin kayo dito Lord.

Matapos naming kumain ay inaya ko yung dalawa sa kwarto ko, dahil sa inis ko kay benny sila ang pinag susuntok ko, pinag sisipa, binasag ang mukha!
Haha joke lang mga brad.

Marami kaming napag kukwentuhan pa bukod sa gagawin naming pakikipag usap kay benny ay tinatanong din nila ako tungkol kay sir...
Kinukulit nila ako kaya itutuloy ko ang pag bugbog sa kanila.

"Dalawa kami dito wala kang gawa samin haha!" pang aasar ni zack, hawak nya dalawang braso ko, samantalang si anton naman ay may hawak na unan at pinag papalo ako, garos ting si otor akala ko ba ako mambubugbog? ako yung kinakawawa ngayon oh!
(A/N:makaganti man lang ng kapiraso sayo mga babies ko, lagi nalang sila kawawa sayo)....

Dahil narin sa malalanding to napagod ako, dito daw nila balak matulog hindi ko nga alam trip nitong dalawang to kaya hinayaan ko nalang din.
Ang diko lang hinayaan ang tumabi sila sakin dito sa kama, kapag binabalak nilang sumampa rito ay sinisipa ko talaga sila sa pwetan nila na ikina-lalaglag naman nila.

"Bahay ko to! kwarto ko to! kama ko to! kaya kung gusto nyo maki tulog rito sundin nyo ko!" sigaw ko sa dalawa.

"napaka arte neto mukha ba kaming may galis?" iritar na tanong ni zack
"wala mukha ka lang askal!" sagot ko

"gusto ka lang namin maka close pa, para turingan nating lima best friends na" si antin naman.
"gaanong ka close ba? eh taena mo pala eh pwede naman tayong maging close pa kahit di kayo tumabi sakin mga aso!" nagka tinginan sila bago ngumise ng nakakaloko.

"aso? baka naman! sino bang aso na nag talunan? diba ikaw naagaw na ng isang aso ang buto" maka hulugang ani anton, alam ko naman tinutukoy nya gawin ba kaming aso ni lucky hay*p pala to eh.

"tangna nyo umuwi na nga kayo!" natawa naman sila na lalo kong ikinainis.
"talo asar ampupu! dahil wala si lucky wala kang magagawa samin" si zack, oo na fuckboi tong mga to!

Wala naman talaga akong gawa sa asaran sa kanila, kapag wala si lucky oo minsan malakas ako mang asar pero mas nakaka bwiset silang gumanti sa pang aasar.

Humiga na ako at nag takip ng unan, papikit na sana ako ng may narinig akong sound na nakaka takot.
Bumangon ako at ibinaling ang masamang tingin sa dalawa.

"Mga gago! kung manonood kayo ng porn mag earphone naman kayo! nakakahiya naman sa may ari ng bahay hindi maka tulog! nakakadiri pa yang pinapanood nyo" bulyaw ko habang pinag sisipa ko sila.

"KJ nito! para namang dika nanonood nito.... tatabi kami sayo nood tayong tatlo" dumapot ako ng unan at ihinagis ng pagka lakas sa mukha ni zack, natawa naman ng malakas si anton dahil sa natumba si zack.

Dumampot uli ako ng isa pang unan at binato rin sya ng pagka lakas! ako naman yung natawa dahil pareho silang natumba mula sa pagkakaupo.

"Mga gago gaya nyo pa ako sa inyo! hindi ko hilig manood ng ganyan... Matinong tao ako!" seryoso hindi ako mahilig sa ganun, mas pipiliin ko pang mapuyat sa pagbabasa kaysa manood nun yieeeh kinikabutan ako.

Tumabi sila sakin at inakap ako ng mahigpit, dahil sa dalawa sila wala akong nagawa, hutaena napaka inet kung mga maka akap akala mo ako nanay nila.

"bitiw sige na sige na dito na kayo matulog sa kama ko pero wag nyo kong yakapan ang inet, pati nakakadiri kayo mga mukang aso" ngimite lang sila bago kinalas ang pag akap sakin.

"goodnight best friend" halos sabay nilang ani
"goodnight" bulong ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Chapter 30 done
Kamusta naman update ko? Hinabaan ko UD ko ngayon dahil 500+ viewers na tayo, let's go mag diwang!
Punta kayo dito sa bahay may pa-party ako, may handa kaming piniritong lupa, nilagang tubig, spaghetti'ng buhok, pancit na damo at may dessert pang tinunaw na goma haha.

Btw maraming thank you po sa patuloy na nag babasa ng AOL, na kahit matagal akong mag update at korni karamihan ng update ko nariyan pa rin kayo :)
Dito lang naman ako makakabawi sa inyo ang magbigay ng mababasa at magpa salamat..

Siguro mga lima o anim na chapters nalang po ito, dahil gaya ng sinabi ko ng nakaraan pagat na pagat na ako i-publish ang iba ko pang mga kwento.

Sana kung gaano nyo to inabangan, binasa, sinuportahan ay ganun rin sa mga susunod (inabangan ba talaga? haha)
Again thank you so much po.

-Greenite

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top