AOL:Pencil 3
And im back guyseu! medyo busy ang lola nyong author hehe, just read and enjoy magP-POV na ang mga gwapo.. :)
Kenn's POV:
Hindi pa rin ako kuntento sa sagot nya kung bakit sa loob ng 5 years ang tumal nya magpa ramdam sakin, kung bakit parang iniiwasan nya ako noon.
Ang alam ko lang ay umiiwas sya sa papa nya at sa nangyari noong High school kami, kaso pakiramdam ko talaga isa ako sa dahilan kung bakit umalis sya sa pilipinas di naman sa nag aasume ako pakiramdam ko lang talaga.
"Kenn malalim pa ata sa balon inisip mo, sino or ano bayan?"
Pagpuna ng team leader namin.
"Nasa trabaho ka kenn more on focus muna dito okay, isantabi mo muna yan"
Dagdag ani nya.
"Pasensya na po"
Dahil sa nakakahiya naman sa kanila isinatabi ko muna ang pag iisip sa kanya.
"Deadline na mamaya kaya siguraduhin nating magugustuhan nila kinalabasan ng magazine na ito, may tiwala naman ako sa inyo team kaya kung magiging successful ang project na ito, mabibigyan tayo ng 1week vacation"
Tuwang tuwa naman ang mga kasamahan ko sa narinig nila, kahit naman ako 1week yun mahaba habang pahinga.
"Tamang tama sir stress tayo ng 2months para sa project nato, kaya kaylangan natin ng pahinga.. Kaya natin to guys fighting lang"
Isa sa katrabaho ko.
"Good alam ko namang positive lagi mag isip ang team natin... kaya ngayon bumalik na tayo sa trabaho at lahat tayo ay overtime, naiintindihan nyo naman kung bakit"
Tumango nalang kami.
Ay shit kenn! nakalimutan mong sasamahan mo si ell mamaya mag hanap ng kotse, paano na baka magalit sakin yun. Hindi naman pwedeng iwanan ko team ko importanteng project ginagawa namin.
"Sige na nga muna let's have a break! ikaw kenn kasasabi ko lang na trabaho muna, focus! bakit lumilipad pa rin yang utak mo?"
Damn it diko mapigilang di isipin si ell.
"Sorry po talaga sir" pag hingi ko ng paumanhin tsk!
"30mins break okay nanaman siguro yan para isipin ng isipin yang kung anong iniisip mo, at kayo kumain na muna sige na labas" sumunod naman agad kami sa sinabi nya..
"Pre di lang si sir naka pansin sayo pati kami, may problema kaba?"
Tanong ng isa sa katrabaho ko.
"Wala naman"
Sagot ko naman sa tanong nya, baka kapag sinabi ko pag tawanan lang ako nito.
"Eh bakit lutang ka ata ngayon? kapag naman gagawa tayo ng mga projects lagi kang nauuna mag bigay ng ideas ah"
"Wala naman akong problema, iniisip ko lang yung kaibigan ko nagpapasama kasi yun sakin"
Kasalan ni ell to simula ng dumating sya ulit dito parati nalang sya naiisip ko.
"Yun lang ba talaga? hay nako basta kapag may problema lumapit kalang sakin or samin baka sakaling makatulong kami, halika na kumain na tayo"
"Sige salamat, mauna na kayo di naman ako gutom may kakausapin lang ako"
Tumango nalang sya at umalis.
*Ring Ring Ring*
Naka ilang missed call nako, tapos pinapatayan pa nya muna ako bago nya sagutin.
"Umiiwas ka nanaman ba naka ilang missed calls na ako, tapos pinapatay mo pa!"
Medyo inis kong bungad sa kanya.
"Ano bang pinagsasabi mong bakulaw ka! iwas iwasan mong suminghot ng paminta huh!"
Sigaw nya sa kabilang linya, aba't loko talaga to.
"Ikaw pa may ganang magalit ikaw na nga yung di sumasagot agad sa tawag!"
"Sinong hindi magagalit bakulaw ka! nasa loob ako ng classroom para magturo, ng may biglang tawag ng tawag sa cellphone ko tapos ibubungad sakin ay inis na tono!"
Ang tae bakit nakalimutan kong may trabaho rin nga pala sya.
"P-pasensya na nakalimutan ko hehe"
"Ano bang kailangan mo? bilisan mo at may ginagawa pa ako!"
"A-ano kasi hindi kita masasamahan mamaya, overtime kasi kami ngayon kasi deadline ng project namin"
Rinig na rinig ko yung bugtong hininga nya, nakaka tiyak ako na nakakunot noo nun.
"Tsk! sige okay lang naiintindihan ko naman pero sana nag text kana lang bakulaw!"
Inis nya paring ani.
"Oo na nakalimutan ko nga lang na may trabaho ka"
"Sya sige na babalik nako sa pagtuturo"
"Sige. Kumain ka ng tama sa oras okay bye"
Ibinaba ko na ang tawag para bumalik sa trabaho ko.
Sa halip na ituloy ko yung inis ko kanina, bigla bigla nalang akong natutuwa hahaha baliw na ata ako dahil kay ell.3 taon na akong ganito yung tipong marinig ko lang boses nya sobra akong natutuwa, yung makita ko lang litrato nya waaaaaaah nyare na? bakit ganun epekto sakin ni ell? di kaya.....
Hindi hindi hindi baka lagi ko lang talaga syang namimiss pero ang weird pa rin ng lagi ko syang namiss dahil kaibigan ko lang sya at higit pa dun lalake sya.
Ah bahala na importante ngayon kasama ko sya ulit ngayon.
-----------------------------------
Ell's POV:
"Sir sana dito nyo nalang kinausap yung tumawag sa inyo, rinig na rinig ho kasi namin lahat ng pinagsasabi nyo"
Jenie, nakakahiya tuloy, baliw kasing kenn nayun tsk!
"Sorry class, sige na ipagpa tuloy na natin a----"
Natigil ako ng dumada si lucky, eto kanina pato nang aasar.
"LQ kayo ng boyfriend mo sir?"
Pang bubwiset nya, gugong nato kanina pa ako trip saya nya sampalin ng makapal na librong hawak ko.
"Nagseselos kaba lucky at ako lagi trip mo?"
Balik kong pangaasar, mga natawa nalang ang ibang tao sa paligid naming.
"Asyumero nyo masyado sir"
Llumapit ako sa kanya at itinuktok yung librong hawak ko sa ulo nya.
"Aray!"
Reklamo nya.
"Pwes kung ayaw mong lumapad to sa mukha mo manahimik kana lang dyan at wag mo na akong binubwiset!"
"Oo na po sir dina kayo mabiro tas ang brutal nyo pa"
Inismidan ko nalang sya.
Bumalik nako sa pagtuturo, ayos naman nakikinig sila kaso di ako makapaniwalang naka tungtong sila ng 4th year na kokonti pa alam sa art, o baka sadyang feeling nila nasa play ground sila para mag laro.
"Class laro lang ba sa inyo ang mag-aral ng art?"
Seryoso kong saad,
"Sir wala po kami sa playground para mag laro, nandito kami para matuto"
Si beks yung nag-iisang dyosa sa 4-paint hihihi ayaw nya patawag sa real name nya masyado daw panglalake.
"Ayun naman pala pwes mag seryoso naman kayo kahit papano, nandito naman ako para tulungan kayo, lumapit lang kayo kung may mga tanong kayo okay"
Tumango naman ang iba sa kanila.
"Excuse me ell pinapatawag ka ni ms Lazaro"
Bungad ng P.A ng dean.
"And you also june"
Dagdag ani nya, napatingin ako kay june na naka ngiseng aso bwiset!
"Paano yan mukhang last day nyo nalang dito"
Ani june bago lumabas ng room.
Naka tingin silang lahat sakin na ewan kung naawa ba o natutuwa.
"Don't worry sisiguraduhin kong matuturuan ko pa kayo, sa ngayong mag self study muna kayo"
Nakangite at mahinahon kong ani bago lumabas.
Kinakabahan ako kahit papano pero alam ko namang ako yung nasa tama.
"Take a sit mr legazpi"
Ms dean, umupo ako kaharap ang ama daw ni june.
"Nandito tayo ngayon para pag-usapan ang inire-reklamo nitong si mr velasco about sa pananakot na ibabagsak mo daw sya ng walang dahilan"
Pagpapatuloy nyang ani.
"How dare you! bago ka lang dito diba bakit ang lakas ng loob mong mag bagsak agad?!"
Galit na ani ama ni june habang dinuduro ako.
"Excuse me sir nakakabastos po ata yang ginagawa nyo"
Kunot noo kong sagot sa kanya.
"Oh bakit?dapat lang sayo ang duruin, sa susunod nga ms lazaro kumuha kayo ng matinong mag tuturo sa mga students dito"
Tsk makapag salita akala mo kilala nya ako.
"So kasalanan ko pang sinagot-sagot ako ng pabalang ng anak nyo? kasalanan ko pang ipinag-yabang nya sa buong klase ko na paalisin nya ako sa AU, at kasalanan ko rin ba na pinag-tangkaan nya akong suntukin?...
Kung akala nyo kaawa awa yang anak nyo sa ginawang pananakot ko pwes mas naawa ako sa inyo dahil naniniwala kayo sa kasinungalingan ng anak nyo, sa halip na itama nyo pagkakamali nya kinukunsinti nyo pa ata"
Mahinahon at mahaba kong sagot.
"Ang lakas naman ng loob mong sabihin sakin yang mga yan, bago ka lang dito, mababang uri kapa at kayang kaya kitang patanggal sa AU"
Pag yayabang ng gurang nato, kung ano anu pang pinagsasabi.
Mababang uri? san nya kayang drama napanood yun tsk!
"Like father, like son! ginalingan nyo po parehas, kung akala nyo natatakot akong matanggal dito pwes nagkakamali kayo! gawin nyo gusto nyo...!"
Iniinis nako ng matandang to.
"Pleas calm down both of you"
Napatingin nalang kami sa dean.
"Mr velasco hindi ko pwedeng tanggalin si mr Legazpi sya ang tamang tao para magturo at mag disiplina sa anak nyo at sa mga students sa 4-paint"
Idunno kung kampi sya sakin dahil anak ako ng magiging asawa nya o dahil ako talaga yung nasa tama.
"Ganito final nayung desisyon kong hindi sya tanggalin dito, para tapos natong usapang to alam nyo na naman kung bakit.... Velasco sumabay ka sa prof mo pabalik ng room mag-uusap pa kami ng father mo..."
Pagpapatuloy nya, mag rereklamo pa sana si june ng papa nya na pumigil sa kanya.
Nagpa salamat na muna ako bago magpa alam sa kanila...
Papasok na sana si june sa room ng hawakan ko braso nya
"Wala kabang balak sabihin?"
Tanong ko, habang pataas taas ang kilay.
"Diko pa kayang humingi ng tawad"
"Forget it! dina importante yun ang gusto ko lang ang mag-aral kang mabuti at gumalang ka sa nakakatanda sayo"
"Whatever, excuse me"
Huli nyang ani bago padabog na pumasok sa loob ng room.
Ang dami nilang tanong about sa pag rereklamo ni june na diko naman binibigyan ng sagot, tsk mga pasaway sa halip nayung pinag aaralan namin itanong nila gusto nila yung chismis ng iba, itinuloy ko na lang ang pagtuturo kaysa sa pansinin mga sinasabi nila.
"Class siguraduhin nyo bukas na may maisasagot kayo sa mga tanong ko bukas, review okay"
Pangangaral ko.
"OPO"
Sagot nilang sabay sabay ang babait kapag uwian ang galing nila.
Naiwan nanaman yung lima dito na kung mga makangite at maka titig sakin wagas pwera nga lang kay june.
"Napapaisip ako boys kung lodi nyo ba ako, lagi kasi kayong naka bilandra sa harap ko"
Mukha naman silang napaisip sa sinabi ko tsk masabing mga millennial di nakikiuso mga petmalu nila hahaha.
"Prof anong lodi?"
Si benny, tae di nga nila alam tinawanan ko sila bago sabihin
"Idol"
Tangi kong saad bago tumawa ng tumawa.
"Mga tol may naamoy ba kayong popcorn?"
Tanong naman ni lucky sa apat.
"Huh popcorn? paano magkakaroon nun dito?"
Anton lalo akong natawa dahil di tin na gets ng mga ugok nato gustong sabihin ni lucky .
"Akala ko sa pag-aaral lang kayo slow pati pala sa joke ng mokong nato"
"Tsk babanat na sana ako panira lang kayo"
Reklamo naman ni lucky, habang ngumunguso na akala mo batang inaaway.
"Ano ka ngayon hahaha"
Tawang tawa kong pang-aasar kay lucky.
"Tsk ambabaw mo naman, kung makatawa ka akala mo nakakatawa"
Singit ni june.
"Tsk pakilamero kang bata ka sa masaya ako eh! wag kang epal okay"
Inirapan nya nalang ako.
"Teka ano bang kaylangan nyo at nandito pa kayo?"
Tanong ko sa kanila.
"Prof gusto po namin sana kayong ayain kumain, birthday ko po kasi"
Saad ni benny
"Ngayon naba?"
Tumango lang sya.
"Balak ko sana bumili ng kotse ngayon kaso nag-aya ka naman, pero sige sasama ako"
Natuwa naman si benny.
"After natin kumain pwede naman namin kayong samahan"
Saad ni zack.
"Okay lang ba sa inyo yun? yung kaibigan ko sana kasama ko kaso may overtime ang siraulo"
Saad ko naman.
"Ah yun ba yung boyfriend nyong sumusundo't hatid sa inyo?"
Loko lokong lucky nato saya nya kalbuhin, diko na sana sya papansinin ng duksungan nya pa pang aasar sakin.
"May tampuhan ba kayo ng boyfriend mo sir?"
Sa inis ko nasuntok ko sya ng malakas sa tiyan.
"Sinabi ko naman sayo na ayokong binibiro mo ako ng ganun"
Inis kong sambit, na agad naman napalitan ng awa dahil sa namimilipit si lucky sa sakit, yung apat naman natunganga lang ni hindi man lang inalalayan si lucky.
"Ang kulit mo kasi! umupo ka muna at titignan ko yang tiyan mo."
Inalalayan ko sya umupo.
"Bakit nyo sya sinutok? mahiya naman kayo samin professor pa naman din kayo tapos ganyan kayo!"
Bulyaw ni june, mismong sa tapat pa ng mukha ko tsk! mabuti na lang hindi tumalsik laway nya sa mukha ko, dahil kapag nagkataon pati sya makakatikim ng suntok.
"Pwede ba june manahimik ka!"
Sigaw ko, sinamaan nanaman nya ako ng tingin.
"Malayo sa bituka yan, namumula lang naman! sa susunod nga bawas bawasan mo pang-aasar lucky"
Irita kong ani.
"Bakit ba kasi lagi kayong seryoso sa bagay nayun"
Tanong ni lucky.
"Sino bang hindi maiinis na lalakeng sasabihin na may boyfriend!"
Bulyaw ko.
"Mauna na kayo sa labas mag re-report lang ako sa dean"
Tinatanong nila kung anong irereport ko pero diko binigyan ng sagot, uunahan ko na si june manumbong na naman ng mali mali yan sa dean bahala na kung anong consequence pagawa ng dean ang importante di lang ako matanggal sa AU nato.
Binigyan ako ng isang araw suspended dahil mali daw ginawa ko pero nextweek pa naman dahil bago daw ako, tapos da-drama drama pa sya nakakasuka, ang hilig nya mag dagdag ng usaping di naman tungkol sa pinaguusapan, kung makapa ngaral akala mo sya nanay ko tsk!
Pagka labas ko mg AU nag-aabang yung lima, balak ko sana umiwas kaso birthdya nga pala ni benny.
"1day suspended ako, happy now june?"
Sama lagi ng tingin sakin ng batang to, nagbigay naman ng pagtatakang itsura yung apat.
"Ako na nag sabi sa dean ng ginawa ko, baka kasi pag nagsumbong si june doon ng mali at ma-meet ko ulit ang ama nya at piliting mapaalis ako sa AU, alam mo june kung wala lang akong dahilan para mag tagal dito umalis nako agad"
Tahimik lang silang naka tingin sakin..
"Kanino ba ako makikisakay? umalis na tayo"
Pagbabago ko ng usapan, itinuro nila si june.
"Naglolokohan ba tayo?"
"Hindi sir wala ho kasi kaming dalang kotse kaya angkas lang kami sa motor ni anton at benny"
Ani zack na naka ngite, dahilan ng pag labas ng cute nyang dimple.
"Pwede naman ako kay benny o anton umangkas"
Pag protesta ko.
"Dyan na kay june prof angkas ko na si lucky, angkas naman ni anton si zack"
Saad ni benny.
"Wala akong tiwala kay june baka ibangga nya yung motor idamay nya pa ako kapag namatay sya"
Ell siraulo ka pinagsasabi mo masyado kanang harsh sa bata.
Lumapit sakin si june at inabot ang susi.
"Edi ikaw mag maneho, wag kanang mag reklamo nagugutom nako o pwede namang mag commute kana lang SIR"
Gusto ko pa sana mag reklamo kaso sayang ang pamasahe hehe pati mukang diko mapipilit yung apat makipag palit, hays bahala na tignan nalang natin kung di tumakbo palayo yung kaluluwa nya sa katawan kapag ako ang driver nya hahaha.
Bago umalis yung apat sinabi muna nila kung saan kami kakain at titingin ng magiging kotse ko.
"Mukang alam nyong di ako tatangi at plinano nyo o nila lang na wag mag dala ng kotse, at mag dala ng anim na helmet"
Sarcastic kong ani.
"Wala akong alam dito"
June habang sinusuot ang helmet sa ulo nya.
"Sige payo lang bata kung gusto mo pang mabuhay humawak kang mabuti" naka ngise kong ani bago sumakay sa motor.
Mukang masisiyahan ako ngayon ang ganda ng motor nya pangarera.
"Wag ka dyan kumapit, mas okay sa balikat ko june"
Ayaw nya ako sundin kaya pagka start palang ng motor itinodo ko na agad ang pagpapatakbo.
"SIR BAGALAN NYO LANG!!!!!"
Sigaw nya na ngayon ay nakayakap sa bewang ko hahaha imbes na pakinggan sya tinuloy ko lang ang mabilis na pagpa-patakbo, tumitigil lang kami kapag may naka red ang traffic light.
Reklamo sya ng reklamo sa likod ko pero diko talaga pinapansin, makaganti man lang ako sayo kahit papano.
Nang makarating kami sa parking lot nakita ko yung apat na nag aabang
"Woah ang saya, oy alalayan nyong bumaba tong nakayakap sakin baka hilo pa haha"
Tawang tawa kong ani, lumapit namang nagtataka si lucky kay june.
"Ayos ka lang ba? bat ang putla mo?"
Tanong ni lucky.
"Na-na-na susuka ako" ani june bago lumayo samin ng bahagya at sumaka.
"Prof nyare dun?"
Tanong ni benny
"Aba malay ko"
Patay malisya kong ani pero tawang tawa pa rin.
"Sir mahiluhin si june, binilisan mo ba pagpapatakbo?"
Saad ni lucky.
"Im sorry hindi ko alam na mahiluhin pala yang si june"
Ani ko na kunwari may pake ako, nag bubunyi kalooban ko ngayon dahil nakaganti ako kahit papano, lumapit ako kay june at hinagod yung likod.
"Zack bumili ka ng bottled water, menthol candy at kalamansi"
Utos ko naman.
"Para san yun sir?"
"Para mawala hilo at pagsusuka nito"
Tumango nalang si zack.
"Halika umupo ka muna doon"
Hinawi nya yung kamay ko at tumingin ng masama sakin.
"Sinabi ko nang bagalan dika nakinig sakin"
Reklamo nya.
"Tsk! oo na sorry na nga diba, halika na doon sa loob ng makaupo kana"
Sumunod naman sya siguro hilo nga talaga to kawawa naman.
Ano na ell dalawang students muna nabubully mo ulol ka, kasalanan kasi nila eh lakas mag bwiset.
Nung una ayaw pa sundin ni june pinapagawa ko nang pilitin na sya ng mga kaibigan nya.
"Dalawang kalamansi lang yan, susupsupin mo lang naman yan tapos kumain ka ng candy"
Paliwang ko.
Hindi lang ako pati sila natawa sa asim ng mukha ni june.
"Fuck tigilan nyo ko! umorder kana nga benny nagugutom nako"
Reklamo nanaman ni june, sinunod naman sya ni benny.
After nang maka order ni benny ay agad din kaming kumain para makahanap agad ng kotseng mabibili ko.
Chapter 3 done.
Hanggang dyan nalang muna guyseu nag lo-loading pa utak ng alien nyong author sa dami ng ginagawa hehe, pasensya narin kung medyo natagalan mag-UD.
but thank you sa patuloy na nagbabasa.
-Greenite
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top