AOL:Pencil 29

A/N:alam kong napaka raming typo sa mga updates ko, kaya pag pasensyahan nyo na... Hindi ko maunang mag edit dahil hindi madaling pag sabayin ang buhay wattpad at buhay para mabuhay (ano raw? hahaha) basta ayun nayun.

Mas inuuna kong makapag update kaya tsaka ko nalang i-e-edit ang mga mali dito sa kwento.
Ayun lang thank you.
Enjoy for this chapter :)

Ell's POV:

Halos parati na kami mag kasama ni lucky at parati akong masaya feeling ko wala akong iniintinding problema at gustong gusto ko yun.
Minsan patakas pa nga kami ni lucky dahil OA minsan si june at benny, iniisip ko nga kung bakit dahil imposible namang nag seselos sila samin ni lucky.

Ngayon magkasama nanaman kami ni lucky, dito sa bahay nila sabado kaya walang pasok, nagtataka nga ako kay kenn dahil ang dalang ko makita sa bahay, ni hindi pa rin kami makapag usap ng matino ni kamustahan nga diko nakakausap.

"Uminom kana muna" inabutan ako ng orange juice ni lucky, ngumite ako sa kanya at kinuha ang juice.
"ayos ka lang ba? ang lalim ata ng iniisip mo?" tanong niya.

"Naalala ko lang si kenn iisa ngang bahay inu-uwian namin pero ni hindi man lang kami nakakapag usap ng ilang araw na, nag aalala din naman ako dun sa bakulaw nayun dahil kaibigan ko" paliwanag ko sa kanya.

"baka naman marami lang ginagawa, di madali trabaho nya ah"
"kahit weekend's ganun rin sya, kapag nakikita ko naman sya sa bahay ni di nya ko iniimik, tanging pag tango lang sinasagot nya sakin... tingin mo may galit kaya sakin si kenn?" baka nga, pero ano naman nagawa ko para magalit sya?

"kung galit nga sayo si kenn ano naman dahilan nya? may nagawa kabang kasalanan sa kanya?" tanong nya pero inilingan ko lang, bumugtong hininga sya bago hawakan ang kamay ko.

"Wag kana mag alala okay ayos lang yun maniwala ka sakin.... Isa pa alam mo bang na-nag seselos ako" ani nya yung salitang selos hininaan nya man pero sapat na para marinig ko, napayuko yuko sya at napapakamot sa ulo. Ang cute nya talaga kapag umaaktong nahihiya haha.

"Ikaw lang yung unggoy na cute na nakita ko" pang aasar ko sa kaniya, nilingon nya ako at biglang nag bigay ng baka budangot na mukha haha para talaga syang bata.

"Ang sweet mo talaga sakin ell" sakrastik nyang ani, inilapit ko ang mukha sa mukha nya na ikinalaki ng mata nya at mabilis na pag pula ng mukha nya haha ang saya talaga kapag nakikita kong ganito epekto sakin ng unggoy nato.

"i know kaya nga na inlove ka sakin" pang aasar ko muli, bago kinurot ang matangos nyang ilong, inilayo ko na ang mukha ko dahil miski ako ramdam kong namumula na mukha ko at bilis bilis ng tibok ng puso ko.

"Ganun narin ba nararamdaman mo sakin?" tanong nya, pero diko sinagot ni ngitian ko nalang sya at hinawakan ang kamay nya, ayoko kasing mag sinungaling sa kanya at lalo nasa sarile ko na wala akong gusto sa kanya ngayon lalo na't sya ang dahilan kung bakit ako masaya ngayon.

Mas iba tong nararamdaman ko para kay lucky kaysa sa dating tao na nagustuhan ko, aaminin ko sa gwapo at cute kong to never pa ako nagkaroon ng karelasyon, di naman sa ayoko pero mas itinuon ko ang sarile ko sa pag aaral at trabaho para ano ba? syempre para mapansin naman ng ama ko ang kaya kong gawin, pero hindi rin pala nya pala bibigyan ng pansin.

"Magagalit kaba sir kubg hahalikan kita?" tanong ni lucky, nabitawan ko kamay nya at itinulak palayo sakin... Hindi sa ayoko pero wala pang kami (sagutin mo na kasi) nahihiya pati ako.

"Sige na nextime dina ko magpa paalam para magawa ko haha bahala na kyng magalit kayo,  ilang na ilang na kasi kayo ngayon eh" natatawa nyang ani.

"baliw! halika na sa kusina pag luto mo na kami nila tita" alam ko makapal mukha ko dahil tita na tawag ko pero yun kasi sabi nya miski ng mommy nya na tita itawag ko.
Nagpa alam ako kay boss L na naka display sa study table ni lucky, nakakatuwa dahil iniingatan nya talaga gaya ng sinabi ko sa kanya.

Sinamahan at tinulungan ko narin si lucky magluto, tutal wala naman akong magagawa. Gustong gusto rin nila tita na narito ako ang dahilan natutuwa lang daw silang narito ako, di naman lagi pupunta dito kung di nila ako inimbitahan at kung may pagkaka abalahan lang ako sa bahay.

"OMG!" tili ni lucy mula sa likuran namin
"Nemen ang rami ko nang pwede i-updtae sa story ko... enebeyen nekekeleg eke... MOMMY!!!!!!" sigaw naman nyang kinikilig, nagulantang pa nga ako dahil bigla bigla nalang nya kaming kinukuhanan ng pictures gamit ang cellphone nya.

"Ano bayun at dinaig mo pa sirena ng ambulansya! ang bunganga nitong batang to" pag suway ni tita kay lucy, napatingin naman sya sakin.
"di kana nahiya sa bisita!" hinampas pa nita ng marahan ang braso ng anak.

"Kinikilig kasi ako mom, tignan mo po sila oh bagay na bagay" nag ni-ningning ang mga mata nyang ani samin.
"pinag luto pa ko ni sir ng carbonara, amoy palang at itsura nakaka tiyak akong masarap" tuwang tuwa nyang dagdag ani.

"Umupo na kayo roon at ihahanda na namin itong mga niluto namin" utos ni lucky sa ina at kapatid nya, natawa pa ako ng hilahin ni tita sa buhok si lucy.

Masaya kaming nag ku-kwentuhan at kumakain ng bigla akong makaramdam ng kaba, dahilan para mabitawan ko ang baso at mabasag.

"A-ako na po" dali dali kong pinulot yung nabasag ba baso kaya diko namalayang na sugatan na pala ang daliri ko.

"Ako na, umupo kana lang doon sir... Mom paki lagyan naman po ng gamot sugat nya" tumango naman si tita at nagpa alam na kukuha ng first aid kit, habang si lucy ay inalalayan akong makatayo at iupo sa sofa nila.

"May masakit ba sa inyo? namu-mutla kayo sir?" pag aalalang ani lucy habang titig na titig sakin.

"Wa-wala naman namu-mutla ako?" taka kong tanong, hindi ko alam bakit bigla nanaman akong kinabahan ng sobra pangalawang beses na ito.

"Gusto mo ba magpa tingin sa doctor ell?" tanong ni tita habang ginagamot ang sugat ko.
"medyo malalim at malaki sugat mo, ano bang iniisip mo at bigla bigla kana lang naging ganyan?" tanong ulit ni tita.
"hindi ko po alam, bi-bigla nanaman kasi akong k-kinabahan" utal kong ani.

"Ihanda mo sasakyan mo at samahan natin itong si ell magpa tingin ngayon" utos ni tita kay lucy, nung una tuma-tanggi pa ako dahil nakaka hiya at naabala ko pa sila.
Pinagalitan pa ako ni tita dahil makulit raw ako di daw kasi maganda itsura ko ngayon namumutla pa rin daw ako.

Ang weird lang dahil wala naman akong nararamdamang sakit o ano man ang diko lang talaga alam kung bakit ako kinakabahan ng sobra.
Naiwan si para mag bantay sa bahay, samtalang sinamahan agad ako nila tita sa hospital para magpa tingin.

----------------

"It's a goodnews wala naman kaming nakita kung ano sayo, malusog ka ngang bata isa pa jiho nasabi mo sakin bigla bigla kana lang kinakabahan? normal lang yan, pero diko lang masasabi kung bakit nga ba kinakabahan ka" paliwanag ng doctor na tumingin sakin, kasama ko si tita dito sa opisina ng doctor si lucky ay nasa labas lang nag hihintay.

"Payo ko sayo na kapag kinabahan ka ulit, just relax at huminga ka ng malamin para hindi ka namumutla ng ganyan...  Wag kang mag isip ng mga negative okay, bumili kana lang ng gamot para dyan sa sugat mo, pwede na kayong umuwi" dagdag nyang paliwanag.

Hindi ko alam pero kapag kina-kabahan ako diko naman maiwasang mag isip ng kung anu-ano, ano ba ell kasasabi lang ni doc hays..
Bahala na ire-relax ko nalang sarile ko sundin ko nalang si doc.

"Kamusta?" may pag aalalang tanong ni lucky
"Ayos lang sya, normal lang daw ang kabahan ang payo lang sa kanya ay wag mag isip ng mga negative kapag kinakabahan sya" paliwanag ni tita.

"Mabuti naman, gusto nyo naba umuwi sir o babalik muna tayo sa bahay?" tanong nya, pinili ko nalang magpa hatid umuwi dahil parang pagod ako ngayon, naunang ihatid si tita dahil mauuna bahay nila kaysa sa bahay namin ni kenn.
Nagpa salamat at humingi ako ng paumanhin dahil sa pang aabala, nakakahiya dahil nagpa sama pa ako.

"Wala rito si kenn?" tonong ni lucky, naka upo ako sa sofa at bigla syang tumabi
"wala yung kotse nya baka nasa galaan" wala kong ganang ani at napapikit nalang habang takip ng braso ko ang mukha ko.

"dito na muna ako, nag aalala pa rin kasi ako sayo" alam kong naka titig sya sakin ngayon, kaya tumango tango ako bilang sagot.

"Hindi ko alam kung may problema kabang talaga o wala, ang importante lang sakin ngayon ay nasa tabi kita..
Kung meron ngang problema di naman kita pipilitin sabihin, basta nandito lang ako para damayan ka at pwede mong pag sabihan" ani nya, hindi ko pa rin sya kinikibo, wala naman talagang problema diko lang talaga alam kung ano ba nangyayari sakin.

"Alam mo ba masakit sakin na nakikita kang malungkot o may kung anong dinadalang masamang bagay, masyado na kitang mahal ell, kaya gagawa ako ng paraan para makita ko lang ng paulit ulit yang masaya mong mukha..." dagdag nya, unti unti kong tinanggal ang braso ko sa mukha ko bago humarap sa kanya.

Unti unti namang gumaan paki-ramdam ko dahil sa mga salitang binitawan nya, paano nalang kung wala sya baka hanggang ngayon niloloko ko pa rin ang sarile ko na kunwari masaya.
"Salamat" tangi kong nasabi sa kanya bago sya inakap ng mahigpit.

Ilang minuto lang ang ganoong posisyon namin dahil feeling ko talaga kapag kayakap ko sya safe ako.
Hindi ko inaasahang may ibang tao na pala rito sa bahay na naka tingin samin ni lucky.

"Kenn" pag bati ni lucky ng kumalas sya sa akapan namin, sa totoo lang ayoko pa sana bitawan si lucky pero nandito nasi kenn nakakahiya.

"Na-nandito ka pala" utal at mahahalata mo ang lungkot sa tinig nya
"hinatid ko lang si sir mukha kasi syang sinamaan ng pakiramdam, sinamahan narin namin sya magpa tingin" ani lucky

"huh bakit may sakit kaba ell?" pag aalala nyang tanong, lumapit sya sakin bago hinawakan ang noo at leeg ko.

"wala namutla labg ako kanina dahil kinabahan ako ng sobra hindi ko naman alam kung bakit, pero wag kana mag alala ayos lang naman daw ako sabi ni doc" paliwanag ko
"nagpa sama narin ako dito kay lucky dahil wala ka nga lagi dito" dagdag ko pa sa kanya.

"pasensya na ah busy kasi ako" tangi nyang ani
"napaano naman yang kamay mo?"

"eto ba e-engot engot ako kanina kaya diko namalayang nasugatan na pala ako ng nabasag kong baso, malayo to sa bituka diko ikamamatay" tumango nalang sya.

Balak na sanang umuwi ni lucky ng pugilan sya ni kenn, dahil aalis daw ulit ito, tatanungin ko sana saan sya pupunta kaso nag mamadali itong papalabas...
Nasabi nya pang bantayan ako kay lucky mula sa may pintuan, bago tuluyang umalis.

"Ayos lang ba si kenn?" tanong ni lucky
"mukha naman, busy nga daw sya kaya hayaan na natin" ani ko.
Wala akong pasabi sabi ng bigla ko ulit akapin si lucky, alam kong gulat reaksyon nya pero diko na pinansin.

"Ganito muna tayo at dito kana muna gumagaan pakiramdam ko sa yakap mo" ramdam ko naman ang pag ngite nya, ipina-lupot ni lucky ang mga braso nya sa bewang ko upang mapalapit pa ako sa kanya at mahigpitan ang akap.
Hindi na ako nag reklamo dahil gusto ko rin naman to.

Natigil nanaman kami sa pag yayakapan ng dahil sa nagkukumahol kong tiyan, nagugutom ako hindi kasi ako nakakain ng marami kanina dahil sa nangyari.
Kumalas sya sa pag akap sakin at kinurit ang pisnge ko.
Hinawakan naman nya kamay ko para itayo at hilahin palabas, sa labas nalang daw kami kumain para mag enjoy narin.

"Alam nyo ba sir pang labing tatlong beses na nating tong date" ngiteng ngite sya sakin ng makaupo kami sa isang table dito sa jollibee, tag hirap si lucky kaya dito nya lang ako dinala haha joke.

"bilang na bilang ah, masyado ka naman atang nag a-assume na nag de-date tayo" naka ngise kong ani, vigla naman nawala ang ngite nya at nag lungkot lungkutan ang mukha.

"iayos mo nga yang itsura mo! yang mata mo oh sarap tusukin nitong tinidor" pang aasar ko pa, hindi nya ako pinansin. Walang sabi sabi syang tumayo bago umalis sa kinauupuan.

"san punta mo?" pag pigil ko sa kanya hawak ko yung kamay nya, kaya etong si unggoy ang bilis nanaman mag bago ng itsura.

"o-order na ng makakain sir, sasama ba kayo? dipa nga ako nakaka tatlong hakbang miss nyo agad ako" naka ngitr at pataas taas pa ang dalawa nyang kilay, tinapik ko nalang ng marahan kamay nya bago ko sya ipinag tabuyan.

Kainis nang gigitil nanaman ako! hindi sa inis kundi sa itsura ni lucky ang gwapo nya, pero mas gwapo ako syempre hehe.
Yung kilay at ilong talaga ang pinaka gusto ko sa mukha nya eh.
Yung kilay na ang ganda ng tubo, yung parang ang lakas maka cool, tapos yung matangos nyang ilong ang sarap tapyasin at gawing isang display sa kwarto haha.

Ilang minuto ang lumipas ng bumalik si lucky, dala ang pang fiesta'ng pagkain
"Fiesta ba? ang rami nito?" tanong ko, ngumite nanaman at kinurot ang pisnge ko.

"Ayokong magutom kayo at alam kong kulang pa yan sa inyo, natutuwa kasi ako kapag nakikita ko kayobg kumakain ng marami, mas lalo kayong nagiging cute" pabebe nyang ani..

SPG naba ako? super patay gutom? eh sa totoo lang mauubos ko naman talaga tong pinag bibili nya, sa masarap kumain eh isa pa libre to kaya dapat ine-enjoy lang diba hehe.
Tumango tango nalang ako sa kanya.

Minsan nya akong sinusubuan ng pagkain nya na diko naman matanggihan dahil ang unggoy nato balak nanamang sumigaw ng kung ano dito, nakakahiya na nga at may ilan nang tumitingin samin pero mas nakakahiya kung sumigaw sya ay nakaka tiyak akong samin lahat ang atensyon.

"Unggoy este lucky punasan mo nga yang gilid ng labi mo may dumi, ano ka bata pang kumain?" puna ko, tanda tanda na balahura pa kumain haha.

"sinadya ko to sir, na nonood ba kayo ng drama o mga love story diba kapag yung ka date mo may dumi sa mukha pupunsan nya ng daliri nya... Sige na sir gusto ko maranasan eh.
Baka lalo akong kiligin" anak naman talaga ni zuma, ang lande ng lalakeng to at ano drama? love story? hell no minsan lang ako sapian ng pagiging sweet kaya bahala sya sa buhay nya haha.

Ilang beses nya pa ako kinukulit, tinatakot nya ulit akong sisigaw daw sya pero dahil sa mas gakot naman sakin to kapag ginawa nya yun uupakan ko mukha nya at iiwaan sya dito.

Dumampot ako ng makapal na tissue bago tumingin kay lucky, kitang kita ang saya sa mukha nya sa pauna kong ginawa, pinalapit ko sya ng kaunti para maabot ko ang mukha nya.

"Ang sweet ko diba hahahaha" natawa ako sa ginawa ko dahil isi-nupalpal ko ang mga tissue sa buong mukha nya.
"sir naman" disappointed nyang ani na mas lalo kong ikinatawa.
Hindi ko na pinansin ang mga kakemehan nya at pag da-drama basta ako kakain nalang ng kakain.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Chapter 29 done :)
Dahil malapit na summer ginawa ko nalang halo halo yung mga updates ko, may konting drama, may saya at may kilig syempre hehe.

Hello! hello kamusta naman?
Gusto ko lang sabihin na ang cute ng otor ng AOL haha, hindi po joke yan ah char!

Ganun pa rin maraming salamat at tuloy nyo pa rin po ang pagbabasa, bonus na para sakin yung nag vo-vote at comment kayo :)

-Greenite

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top