AOL:Pencil 26
Update alert! pinilit kong sipagin para makabawi man lang sa mga nagbabasa nito....
read and enjoy :)
Ell's POV:
Isang linggo ang naka lipas ng matapos ang exam, maganda naman ang naging takbo. Natuwa nga ako kay mr ruiz at kay mrs ramos na sya palang ina ni benny, puring puri nila yung gawa ko.
Ine-rigalo ko ang gawa kong mirror kay mrs ramos dahil malapit na raw ang kaarawan nya.
Gaya narin ng sinabi ni angel totoong humingi sya ng signature ko kasama nya pa ang ama nya at nakakatuwa rin yung laman ng letter na ibinigay nya sakin.
Puro nakaka good vibes laman nun, natawa nga rin ako nung pinipilit ako ni lucky kung ano ba daw ang laman ng letter at ang saya saya ko.
Niloko ko sila na isa iyong love lettee kaya pag mumukha ni lucky ay di maipinta, nag taka nga ako bakit pati si benny at june mga sang damakol rin pag mumukha.
"Class bukas na natin malalaman ang result, nung friday nag karoon ng meeting diba?.... Ang sampung mapipili ay may makakapunta ng america soon" hiyawan naman sila.
"makinig muna kayo" tumahimik naman sila
"mag kakaroon kayo ng sabihin na nating parang 3days vacation, makakapunta kayo sa samu't saring gallery/exhibit na sikat, doon kayo mamimili kung saan nyo gustong mag trabaho" paliwanag ko.
"sir pag pumili ba kami doon na mismo kami makakapasok?" tanong ni alex
"actually pwede nyong pag piliin ng madali karamihan doon, pero ang dalawang pinaka sikat na gallery ay di ganoon kadali makapasok, kilala sila dahil pumipili sila ng alam nilang makakatulong sa kumpanya nila, hindi sa high standard basihan..."natigil ako dahil natumba si zack.
"bakit kaba natutulog? may klase tayo diba.. ayos ka lang ba?" tanong ko kay zack namumula noo nya dahil nauntog sa desk nya.
"sorry po sir medyo napuyat lang po kagabi" paliwanag nya.
"sya pumunta ka sa clinic magpa hinga ka roon, sabihin mo pinapunta kita roon, mukha kasing masama pakiramdam mo" tumango tango nalang sya.
Nang umalis si zack ay ipinag patuloy ko na ang pag papaliwang tungkol sa pwede nilang pasukang kumpanya kung sakaling papasa sila.
"ayun nga class di naman sa high standard o matatalinong tao kinukuha nila, dahil sa talento sila focus at sa pag uugaling meron ang isang empliyado nila." paliwanag ko ulit.
"Sir diba papa nyo si mr yllor" ani jennie, napatingin ako sa kanya at tumango tango
"Edi ibig sabihin apo kayo ng pinaka sikat at mayamang artist sa america nasi mr lemlie legazpi?" tanong nya.
Sinabunutan ni beks si jennie na ikinatawa ng buong klase.
"Obviously bitch! mag kasing apelyido, ama ng ama ni sir si mr lemlie legazpi kaya mag lolo sila nakakaloka ka" natatawang ani beks.
"Eh prof bakit di kayo doon nag tatrabaho?" tanong ni benny, nakakapag taka na alam nya na hindi ako doon nag tatrabaho, i mean doon mismo sa kumpanya ni lolo.
"Ah gaya kasi ng trabaho ko dito, isa akong university professor doon sa america na ang nag ha-handle rin ay ang kumpanya ni lolo" paliwanag ko.
Tumango tango nalang sila.
"mag self study muna kayo pupuntahan ko lang si zack" ani ko
"sir nag uumarte lang yun" medyo iritar na ani anton, problema nitong batang to?
"mukang may kung ano sayo anton? pero tsaka na kita kakausapin, nag aalala ako sa kaibigan nyo" medyo nagulat pa reaksyon nila sa sinabi ko
"oh bakit? yang mga tingin nyo malisya eh, natural na mag alala ako studyante ko sya diba, kahit naman sino sa inyo may problema o sakit mag aalala ako para nyo na kasi ako k---" natigil ako dahil sumingit si june.
"tatay?" si june
"lolo?" benny
"tiyo?" lucky
Lumapit ako sa kanila at pinag pupukpok ko sila gamit ang libro sa ulo.
"Masyado nyo kong pinatatanda" iritar kong ani, tinawanan lang nila ako dahil sa inasal ko.
"defensive kasi kayo agad.. binibiro lang eh" ani june
"ang bata nyo pa para tawagin lolo o anu pa man, ang cute nyo kaya mukha lang kayong teenager" ani lucky
"yieeeee" pang aasar ng iba kong studyante.
"namumula si sir!" sigaw na kinikilig ni beks, Agad akong yumuko at dali daling lumabas sa room.
Mga pasaway na bata walang mga pag babago, ako pa rin ang talo kapag mang aasar sila.
"hello sir kamusta po?" biglang sumulpot si louis sa harapan ko
"oh class time ngayon diba bakit narito ka sa labas?" tanong ko.
"layo ng sagot nyo sa tanong ko sir hehe, nautusan lang po ako ni ma'am, may pinaabot lang po sya kay dean" paliwanag nya.
"i see, eto ako mabuti naman... Sya sige na at mag ikot kana ulit pupuntahan ko pa studyante ko sa clinic" ngumite sya at nag paalam na.
Naka rating ako sa clinic ay agad kong tinanong kung nasaan si zack, itinuro ng nurse kung saan sya naka higa, pumasok pa kasi masama na pakiramdam.
"zack" inimulat nya ang mata nya bago dahan dahang umupo
"sir layo kayo sakin may lagnat pi ako baka mahawa kayo" ani nya ng di humaharap sakin.
"Ayos lang zack, ano bang nangyari at nagka sakit ka?" tanong ko, curious lang naman ako hehe.
"Kagabi po kasi puyat nako, naulanan pa kaya siguro tinablahan ako ng lagnat" paliwanag nya.
Hinawakan ko ang magkabila ng braso nya bago inalalayang humiga ulit.
"Pag nag lunch break ipahahatid kita kay anton" ani ko
"WAG SIR!" nagulat naman ako sa pag sigaw nyang yun.
"wa-wag napo sir maabala ko lang si anton, ako nalang po uuwi mag isa" dagdag nya
"hindi pwede ipahahatid kita, kung ayaw mo ako na mismo ang mag hahatid sayo" hindi na sya umimik.
Ibinili ko ng pagkain si zack para makainom agad ng gamot, tinanong ko kung magka galit sila ni anton pero inilingan nya lang ako bilang sagot.
"hintayin mo ko okay, magpahinga kana muna dito.... Tandaan mo kapag wala kana dito mamaya dilang pakiramdam sasama sayo" pag babanta ko, napa tawa sya ng bahagua bago sumagot.
Balik narin ako sa room para kausapin si lucky, isasama ko sya para pag pabalik na kami sa motor nya nalang ako sasakay, ipag mamaneho ko lang kasi si zack gamit kotse nya.
"Oops anton wait mag uusap tayo" palabas na sana sya pero hinarang ko, may kung ano talaga sa dalawang to eh, di naman kasi ganito si anton sasabay yan sa paglabas nila lucky samantala ngayon dali dali syang lalabas ng walang pasabi.
"Sir nagugutom nako" reklamo nya
"saglit lang tayo mag uusap" ani ko
"sir sige na naiihe napo ako" reklamo nya ulit, hinawakan ko kaagad ang tenga nya bago piningot.
"mag uusap nga tayo! saglit lang to dahil ihahatid ko pa si zack pauwi" iritar kong ani
"kung di mag sasalita si zack, ikaw ang mag sasalita, dahil kung hindi etong mga daliri ko dadapo dyan sa ilong mong cute " pananakot ko etong si anton kasi ayaw na ayaw ginagalaw ang ilong.
Wala na syang nagawa kundi ang sumunod sakin.
Ipinaliwanag nyang may kasalanan sya kay zack, at nag sisi naman sya dahil nga nag kasakit si zack.
Nagawa nya lang daw iyon dahil bumawi sya sa paninira ni zack kay angel tungkol sa kanya.
Pinaliwanag rin nya na gusto nila si angel, kaya nagpapataasan sila para kunin lang ang puso ni angel.
Hindi ko expected na magkaka gusto sila ng ganung kabilis kay angel.
"Sige kumain na kayo, lucky sasama ka sakin... At ikaw anton pag nakabalik nasi zack kausapin mo sya ng ayos mag usap kayo ng ayos" hindi na nya ako sinagot, umalis na sya.
Pinasundan ko kaagad si anton kay june at benny.
"Alam ko na lahat zack" pauna kong ani, nasa kotse na kami para ihatid ko na sya pauwi.
"huh?" nag tataka nyang ani
"anong huh? ipinaliwanag na sakin ni anton kung bakit may tampuhanpupu kayo" ani ko.
Hindi na sya umimik, napa tingin nalang sya sa labas.
"Mag pahinga ka mabuti para pag pasok mo, makapag usap na kayo ng ayos ni anton" tumango lang sya at nagpa samalat sakin bago pumasok ng tuluyan sa bahay nila.
"Saan mo gustong kumain?" tanong ko kay lucky, nagulat muna sya bago nag bigay ng tingin na nag tataka.
"oh ayaw mo ba? tutal nasa labas na tayo kaya kahit saan pwede tayo kumain, nakakaumay na kasi sa cafeteria" paliwanag ko.
Lumapit sya sakin na may ngiteng ngiteng labi, bago sinoutan ng helmet.
"syempre gusto ko sir... masosolo ko kayo ulit hihi" natawa ako sa pabebe nyang tawa nakakaasar na cute yung tawa nya sa totoo lang, di bagay sa bakulaw na tulad nya haha.
Hindi ko akalin na maiinlab ulit ako sa kapwa ko pa lalake, mahirap pa ulit talaga sya tanggapin kaya ayoko muna mag desisyon basta basta.
Ang importante ngayon ay masaya muna ako sa kung anong pag tingin si lucky para sakin.
Noon kaya kung di ako na duwag at nanakbo masaya rin kaya ako katulad ngayon? Hindi hindi ell wag muna ibalik yung dati nalinawan kana diba! nalinawan kana na kaibigan lang talaga ang tingin mo sa taong yun.
-----------------
Tumungo kami sa isang restaurant, upang manang halian.
Hinayaan ko na syang mamili ng makakain tutal naman libre nya haha, ewan ko ba bakit biglang naging makapal mukha ko kay lucky, kapag libre nya hinahayaan ko nalang.
Medyo nailang ako sa restaurant nato dahil karamihan ng costumers ay mga kabataang babae, sabagay may unibersidad na malapit dito kaya kainan na talaga dito.
"Dapat pala hindi tayo dito kumain sir" medyo naiilang ring ani lucky, tinignan ko sya at nag tanong kung bakit.
"aminado naman akong gwapo kayo sir." natuwa naman ako sa sinabi nya.
"kaso mas gwapo talaga ako sa inyo" pinangunutan ko nalang sya ng noo
"sir totoo tignan mo karamihan ng tao dito sakin naka tingin, hirap maging gwapo juskolord! nakakailang tuloy dahil maraming mata ang nakatutok sakin" may bagyo ba? lakas ng hangin sa pwesto namin.
"ayaw pa mo? sikat ka! artistahin kasi yang pag mumukha mo kahit na gurang kana rin naman, kahit na mukha ka nang bakulaw" pang aasar ko, sya naman ang na ngunot ang noo.
"Gwapo basta ako sir.... Ayoko kasi tinitignan ng marami ang gusto ko isang tao lang tititig sakin" ngayon naman ngiteng ngite sya sakin, habang itinataas taas sya ang isang kilay nya.
"huhulaan ko kung sino?" mapag tripan nga ito
"sino?" iniikot ko ang mata ko para maka hanap ng tamang tao para sa gagawin kong pang aasar sa kanya.
Saktong may nakita ako na pwendeng pwede, inangat ko ang isang kamay ko at idinampi sa pisnge nya, marahan ko itong hinaplos na ikinalaki ng mata nya at ikinapula sobra ng mukha nya.
haha ang bilis naman nyang kiligin.
Bigla kong idiniin ang palad ko sa mukha nya para maitilak ito ng marahan.
"diba sya yung tinutukoy mo?" natatawa kong ani.
"shit!" narinig kong mura nya, napa lakas ang tawa ko dahil sa reaksyon ng mukha nya.
Wala na akong pake kung pinag titinginan na kami, ang mahalaga ngayon ay masaya ako sa nangyayari.
Nang ibalik nya ang tingin nya a akin ay sya naman ang parang may binabalak, medyo diko gusto yung pag ngite nya kaya natahimik ako, at ibinaling sa iba ang tingin.
"sir!" pag tawag nya pero diko sya tinatapunan ng tingin
"sir humarap kayo dito" ini-imagine kong ako lang tao dito, bahala sya.
"pag di kayo humarap, sisigaw ako dito na ANG CUTE NG BOYFRIEND KO!" hindi ko pa rin sya tinignan, asa namang sisigaw nya yun timang nato, sino bang mamapa hiya ako ba? edi sya!
"ANG CUTE NG BOYFRIEND KO DIBA!" nanlaki ang mata ko at literal na napa nganga dahil sa sigaw ng unggoy nasi lucky.
Dahan dahan akong humarap sa kanya, nakatayo sya at naka titig sakin habang ngiteng ngiteng tagumpay sya.
Napa tingin ako sa ibang tao dito sa loob ng restaurant, may iba na miyamo na c-cr dahil sa kilig meron namang iba na wala lang pake, pero ang nakaka gulat yung may sumisigaw na 'bagay kayo' meron ding 'SS po sa inyo' meron pang 'kiss naman dyan!'
Tae tae tae! gusto ko nalang mag tago sa ilalim ng lamesa dahil sa hiya, akala ko etong unggoy nato mapapahiya! ayun pala ako...
Ramdam na ramdam ko ang pag init ng mukha ko, nakaka tiyak ako na namumula na ito.
Namumula dahil sa hiya at inis, siraulong unggoy na lucky nato tuwang tuwa pa sa kalokohan nya.
"Oh bumawi lang ako kayo unang nang asar" dumampot ako ng pwedeng ibato kay lucky na tumama naman sa mukha nya pero parang wala lang sa kanya dahil tumatawa pa ang unggoy.
"Kasi naman sir seryoso ako kanina na sabihin kung sino yung taong gusto kong tititig sakin tapos ginaros nyo lang, hindi ako laitero sir pero kung yung baklang tinuro nyo sakin ang tititig sakin mag papaka matay nalang ako" natatawa nyang ani.
"nakakahiya ka!" madiin kong ani
"kasalanan nyo yun, gusto ko lang naman talagang tumitig sakin walang iba kundi ikaw sir" yan nanaman sya papa cute tapos ngiteng bakulaw.
"shut up! nasaan naba ang pagkain naguhutom nako!" reklamo ko, ayoko na makipag lokohan sa kanya kaya iniba ko na ang usapan, Natawa nalang sya sa inasal ko.
After namkng kumain ay gumala na muna kami, malapit lang naman AU kaya di kami ma le-late, isa pa mabilis ang gamit naming sasakyan.
Dinala nya ako sa isang lugar na kung saan ay sobrang gaan sa paki ramdam ang mga bagay na makikita mo, nakaka relax ng utak dito, ang sarap pag masdan ng mga bagay bagay rito.
Dinala nya ako sa langit.
(a/n:Oh guys yung Langit na sinasabi nya name yun ng garden, pasyalan na gawa gawa ko lang haha)
Marami ring tao rito, pamilya, couples, magka kaibigan na makikita mo sa bawat mukha nila ang saya.
Kung nandito kayo sa lugar nato, parang walang papasok sa utak mo na problema o ibang bagay na panget..
"Napaka ganda rito" mangha kong ani habang inililibot ko ang aking paningin
"Ngayon lang ulit ako pumunta rito" saad ni lucky
"paano mo nalaman ang lugar nato?" tanong ko
"Madalas dito kami nila mommy at lucy, paboritong lugar kasi ito ni daddy... Diba pinaiwan mga cellphone oh ano mang gadget na may camera sa entrance, ayaw kasi ng may ari na i-public itong lugar para hindi raw masira...
Tama naman yung may ari dahil sa tagal na nitong Langit napaka ganda pa rin dito" paliwanag nya, kaya pala.
Sabagay kahit dimo naman makuhanan ng litrato ang lugar na ito hindi kapa rin mag sisisi dahil napaka ganda talaga rito. Hinila nya ako para libutin itong pasyalang ito, hanggang sa maka rating kami sa isang parte ng langit na talaga namang nakapag panganga sakin.
"Lucky salamat at dinala mo ako rito" ngiteng ngite kong ani.
Pinag mamasdan ko ang bawat painting na narito, puro nakaka antig sa puso ang nilalaman ng bawat painting dito, wala kang makikitang bahid ng anumang masamang bagay.
Hindi ko akalain may ganito rito.
"Si daddy ang pinaka maaraming nagawa dyan, at yung iba naman si mommy" saad nya
"talaga.... Napaka swerte mo sa magulang mo lucky, puro magagandang memorya ang ginagawa nila para sa inyo ni lucy... Napaka galing ng kamay ng mga magulang mo" papuri ko sa magulang nya.
"Ganun na nga sir, kaya nagpapa salamat ako sa panginoon dahil sila ang mga naging magulang ko... Sa totoo lang miss na miss ko na daddy ko" iyinuon ko ang tingin ko sa kanya dahil may luhang dumampi sa kanyang pisnge.
Lumapit ako sa kanya at pinunasan ang kanyang luha gamit ang aking hinalalaking daliri, bago sya niyapos ng pagka higpit.
"Alam kong masaya ang daddy mo para sayo, para sa inyo ng pamilya mo... Lucky mawala man mga anyong taong mahal natin lagi mo lang tandaan, lagi lang silang na riyan para bantayan tayo, kasama na nila ang panginoon para bantayan at gabayan tayo..." gumanti sya ng pag akap sakin.
"salamat sir" mahina nyang ani.
Swerte pa sya dahil ama lang nawala sa kanya, ako wala ng ina, wala pang amang nag mamalasakit sakin.
Sana balang araw talaga, ituring nya akong anak, o kahit maranasan ko lang yung maakap ng isang ama.
.
.
.
.
.
.
.
.
Chapter 26 done.
Question:
What if kung umamin na sila june at kenn, isama mo pa si benny na patay na patay sa kanya, anuna mangyayari mga brad? tuloy tuloy naba ang #teamElLuck o mag kakaroon pa ng samu't saring love team hashtag?
Sagot? tuloy nyo na lang pagbabasa para sa ikabubuti ng lahat hahaha at para malaman natin ang kapalaran ni dora, este ng ating mga bida.
Guys sa mga susunod na chapters mauuso ang drama, di naman kabigatang drama yung light lang para di kayo maumay hihi.
Again Thank you so much sa mga patuloy na nagbabasa labyah! special mention kay ICEEXO salamat sa suporta :)
Mag isa ka man laging nasa comment box, malaking bagay nayun para sakin..
-Greenite
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top