AOL:Pencil 24


Ell's POV:

Araw ng exam ngayon, kaya bago mag umpisa ay tinungo ko ang room ng 4 paint para i-goodluck sila.
Gusto ko sila makapasa lahat pero sampu lang naman ang pipiliin kaya mas mabuting sabihin nalang sa kanila na..

"Makapasa man kayo o hindi gawin nyo pa rin best nyo, may tiwala ako sa inyo class. Seryosohin nyo tong araw nato at ipinapangako ko sa inyo after ng exam nato kakain tayo sa labas lahat" nakangite kong ani, mabuti nalang at wala pa yung kapalit ko rito.
Tuwang tuwa naman silang lahat sa sinabi ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ng kararating palang at nakakatandang professor dito, sya pala pumalit sakin jusko mabuti't di natatakot studyante ko sa kanya balita ko strikto to.

"Kinausap ko lang po saglit mga studyante ko, nag goodluck message lang po ako" nahihiya kong ani, oras na kasi ng klase.

"iniwan mo mga studyante ko? dapat nandoon kana para sila i-goodluck mo at bantayan, oras na ng klase diba?" mataray nyang tanong, balikan ko kaya to ng tanong haler 15mins syang late tapos parang ako payung may maling mali.

"excuse me po babalik na ako sa kabila" ani ko hindi ko na hinintay ang sagot nya at agad akong lumayas sa harapan nya.

As usual pag balik ko sa room nato maliligalig pa rin, tinanong ko sila kung bakit pasaway sila at sumagot naman sila ng matino, hindi daw sila makapag ingay dahil sobrang higpit ng professor nila, sige nandun na tayo pero kailangan ba talagang miyamo nasa palengke lang ugali dito sa university, pag kukutusan ko tong mga to.

Hindi lang pala ako mag babantay may kinuha silang mga dating studyante na dito grumaduate sa AU, nakausap ko tong mas bata sakin nasa Gallery of Saints sya nag tatrabaho.
Ayos narin dahil sikat rin ang gallery nayun dito sa pinas.

"Sir diba kayo si ell legazpi?" tanong sakin ni angel yung makakasama ko mag bantay.
"yes ako nga" naka ngite ko lang na sagot sa kanya.

"sir pwede po ba after nito manghihingi sana ako ng signature sa inyo?" tanong nya na ipinag taka ko naman.
"bakit?" tanong ko rin.

"ako kasi yung nanalo sa competition noon 2016 Legazpi Art Gallery base on america sir, ginawa ko talaga best ko para makuha yung napaka ganda yong gawang abstract" ngiteng ngite nyang ani sakin.

"I see tanda ko nga yung competition nayun pero di ako nag tagal doon dahil busy ako, ikaw pala nanalo doon congrats sayo" bati ko.

"salamat sir, finally na meet ko na rin kayo... Nakakahiya man pong sabihin pero iniidolo ko talaga kayo, marami rin akong natutunan sa inyo at gustong gusto ko mga gawa nyong abstract" papuri nya sakin.

"nako maraming salamat hehe nakakahiya naman, at salamat rin bukod sa lolo at bestfriend ko meron pa palang ibang tao na nakaka appreciate ng mga gawa ko" natutuwa naman akong malaman to.

"sir marami kami actually hehe.... sige po after po nito kukunin ko po yung gawa nyo babalik po ako bukas dito" tumango nalang ako sa kanya at ngumite.

Paikot ikot lang kami ni angel sa room dahil malakas talaga pakiramdam kong may nangyayari.

"bawal yan!" suyaw ni angel sa dalawang studyanteng lalake sa likod.
Tinungo ko agad dahil mukang papatulan ng isang lalake si angel.

"anong nangyayare?" kunot noo kong tanong, napatingin ako sa isang lalakeng naka salamin na nakayuko, para syang takot na katulad ni angel.

"pinag bibintangan ako nangongopya dito sa nerd nato" iritar na ani ng isang lalake
"angel?" tinignan nya muna ako bago tumungo sa gilid ko.

"kasi sir totoo naman, kanina ko pa sya napapansin tinatakot nya tong james para makakuha lang ng sagot" ani angel

"totoo ba?" tanong ko patukoy kay james, napatingin sya sakin bago sya napatingin sa kaklase nyang lalake.

"hi-hindi po" tanggi ni james
"see? mapilit yang babaeng yan eh!" iritar ulit yung lalake.

"angel maiwan ka dito" tumango naman sya sakin
"class kung mag papasaway kayo katulad nitong dalawang to at kung hindi naman kayo interesado sa exam nato, mas maigeng lumabas nalang kayo, alam ko di ako professor nyo kaya lang sana marunong rin kayo gumalang" wala naman silang imik.

"james at ikaw labas" utos ko
"po?/huh?" sabay ani ng dalawa
"sa labas ko kayo kakausapin na iistorbo mga kaklase nyong seryoso sa exam nato" unang kumilos si james palabas bago padabog ring lumabas yung isa.

"Umamin na kayong dalawa" walang emosyon kong ani
"ang kulit nyo sinabi nang hindi nga totoo binibintang sakin ng babaeng yun" ani ng lalake.
"pangalan mo?" tanong ko.

"louis alcantara sir"
"okay... tatanungin ko kayo gaano ba ka importante sa inyo tong exam na to?" nag katinginan muna sila bago sumagot si james.

"sorbang importante po sir, malaking pag asa nato para samin" ani james, ibinaling ko tingin ko kay louis
"parehas ng sagot nya" munti nyang sagot.

"ayun naman pala bakit hindi kayo mag focus sa exam, bakit kailangan mong mangopya louis?" sasalita sana sya ng iangat ko ang kamay ko sa harapan nya para di nya maituloy balak nyang sabihin, alam ko namang mag sisinungaling nanaman sya.

"at ikaw james bakit kailangan mo magpa kopya? bakit kailangan mong matakot sa kanya?" iritar ko nang ani.
"mauna kang sumagot james" dagdag kong ani.

"si-sir sorry po" nakayuko nyang ani
"apology accepted ituloy muna test mo" napatingin muna sya kay louis bago tuluyan pumasok.

"louis alam ko naman na gustong gusto mo ring makapasa pero sana gawin mo yung tama, kung gusto mo maging isa sa sampung makakapasa pag hirapan mo" paliwanag ko sa kanya.

"so-sorry po na-natatakot lang po ako sa daddy ko, baka po bugbugin nanaman nya ako kapag nalaman nyang bagsak ako sa exam nato" maluha luha nyang ani, napabugtong hininga ako bago sya hawakan sa balikat.

"Wala kabang tiwala sa sarile mo? makapasa ka man o hindi atleast napatunayan mo namang nag sikap ka, ginawa mo yung best mo...
Wag ka mag alala kakausapin namin ang daddy mo" ani ko

Wag ko na raw kausapin daddy nya at iaayos na daw nya ang exams.
Nag sorry sya kaya bago ko sya papasukin ay binigyan ko pa sya ng salita.

"Gawin mong makakaya mo para ipamukha sa daddy mo kung anong kaya mo, minsan ang taong nag bababa satin eh malaki pa naiitulong, ng dahil sa kanila mas lalo pa tayong nagiging pursigido... kaya louis mag pursigi ka, kung bumagsak ka man, bangon lang hanggang sa mapatunayan mo sa iba yung kaya mong gawin..." pag tsi-cheer ko sa kanya.

"dunno pero malakas pakiramdam ko matalino ka naman at masipag kaya mag aasume talaga ako na mataas ang scores mong makukuha" pakiramdam ko kasi talaga na isa pa nga sya sa papasa.
Mga nakaraan kasing araw kitang kita ko kung paano sya mag review at isang beses nakitaan ko pa sya kung gaano sya kaganda mag drawing.
Bumalik kami sa loob ng sabay, nginitian ako ni angel na binalikan ko nalang..

Halos lahat na ng studyante dito ay focus sa exam, si louis ay seryosong seryoso narin.
Nag aalala ako para sa mga studyante ko, alam ko namang di sila gagawa ng ikakapahamak nila pero sana okay lang silang lahat.

Lunch break na ng matapos ang tatlong exams ng seniors, sa hapon gaganapin ang hiling exam kung saan sila magagaling sa larangan ng arts.

"hi sir pwede tumabi?"tanong ni angel, na agad ko namang pinaunlakan, hinihintay ko sila lucky kaso ayoko naman tanggihan itong si angel.

"pwede rin po bang tumabi?" tanong ni louis na kung makangite ngayon ay parang walang nangyari kanina, nasabi sakin ni angel na humingi na ng sorry itong si louis sa kanya.

Tumango nalang din ako bahala na sila lucky tagal kasi nila, mukang meron pang keme keme si ma'am sa mga studyante ko.

Nasa kalagitnaan kami ng masarap na pagkain ng naramdaman kong may nakatayo sa likuran ko.

"Oh nandito na pala mga gwapo kong studyante, kumain na kayo doon wala ng pwesto dito" ani ko ng harapin ko sila, kasya pa naman tatlo dito kaso tong limang to gustong gusto laging magkakasama.

Humila ng lamesang maliit si zack at anton bago idikit sa table namin samantalang si benny at june kumuha ng upuan, natawa nalang si james sa inasta ng lima.

Dahil sa mga mukha ngang badboy tong lima walang nangialam sa ginawa nila, pwera nga lang sakin.

"ano to? may pulong? kailangan talaga mag hila ng silya at lamesa?" tinignan lang nila akong lima, hindi man lang ako sinagot mga bastos na batang to.

"angel, james at louis lipat tayo... napipe na ata mga studyante ko nag mumukha tuloy akong ewan sa harap nyo" patayo na sana ako ng akbayan ako ni anton

"sir naman tampo agad... medyo na pressure lang utak namin dahil kay ma'am, halos tapos na nga yung exams kaso ang dami nya pang kuda" ani anton.

"nagpaka tino man lang ba kayo?" tanong ko
"aba sir matagal na kaming matino" sagot ni zack
"sya na kumain na kayo"...

Pansin ko parati nang tahimik itong si benny nakakamiss tuloy kakulitan nya, ayoko mag tanong sa kanya kasi feeling ko lang mag kakailangan kami, ayoko naman ng ganun...
Hahayaan ko nalang sya maunang magsabi sakin.

"Yes naman last day makakasama nanamin ulit kayo sa room sir" tuwang ani zack
"pauso ng dean kasi" dagdag nya pang ani.

"kamusta naman ang test? diba mahigpit yung nagbantay sa inyo" tanong ko
"okay naman po sir, mahigpit kaya nga walang nakapang daya haha" sagot ni lucky, habang nagpapa cute jusko di naman cute haha pero sige na gwapo naman sya.

Nag bibiruan ang lima na akala mo wala kaming ibang kasama sa lamesa.
"sir para po sa inyo" napatigil naman yung lima tsaka tumingin sa hawak na yellow envelope ni angel.

"ano to?"
"naalala ko pa nga po pala yan at sakto naman na dala ko hehe letter po yan sir balak ko sana bigay sa inyo nung 2016 yun nga lang diko kayo nameet" tumango tango nalang ako, bubuksan ko na sana ng pigilan nya ako, sa bahay ko na raw basahin o yung wala sya para di nakakahiya.

"love letter ba yan miss?" walang emosyong tamong ni june
"nako naku hindi" sagot agad ni angel

"hi im zack nga pala" ngiteng ngiteng pagpapakilala nya kay angel
"anton nga pala" singit naman ni anton, na ganun rin ang itsura.

"napano kayong dalawa? nakakain ba kayo ng limang kilong asukal at ganyang katamis mga ngite nyo?" natatawang tanong ni june sa dalawa.

"tinamaan brad haha" si lucky
"asus mga batang to, sya nga pala etong si angel ang katulong ko kanina sa pag babantay, at eto naman si james at louis sa kabilang section" nagkamayan naman silang lahat.

"prof eto nga pala" ani benny at inaabutan ako ng chocolate
"ano meron benny? bat si sir meron tas kami wala?" tampo naman agad si zack

"pinabibigay ni mama yan, pasasalamat dahil tumitino na raw ako dahil magaling mag turo si sir" seryoso nyang ani
"talaga ba?" natatawang ani anton, pero yung tanong nyang yun parang may ibang laman.

"kung ayaw nyo naman tapon nalang natin" patayo na sana sya ng agawin ko yung chocolate
"sayang aba! diko naman sinabing ayaw ko diba sapakin kita eh" reklamo ko.

"ugali ni benny! best friend mo kami oy bat dimo nalang ibigay samin kaysa itapon mo?" reklamo naman ni anton
"Kapag binigay ko sa inyo mag aagawan naman kayo, pati para kay prof talaga yun" taas kilay namang sagot ni benny

"Hindi kami pg gago!" si june
"hindi nga mukang aso naman kayo" sagot ni june
"ikaw mukang alipunga sa paa" pangaasar narin ni lucky

"Ikaw mukang unggoy"
"kamukha mo naman si chocolate"
"sa gwapo kong to? ikaw nga kamukha mo si babalu"
"nakakahiya sa tsura tol! sana dinala mo dito kakambal mong si babalu"

Palitan nilang asaran, natigil lang sila dahil sa pagtawa nila zack at anton
"pinag lalaban nyong tatlo? parepareho naman kayong mukang dumi sa kuko" pang aalaska ni zack.

"tatalo talo pa kayo eh kami naman talaga ni zack pinaka gwapo sa grupo" dagdag ni anton, napakunot noo naman yung tatlo bago nag bulungan.
Tumayo yung tatlo bago lumapit kala zack at anton, hinawakan ni lucky si zack, at hawak naman ni june si anton.

"Mahiya nga kayo fuckboi talaga tong dalawang to dapat sa inyo sinisira mukha..." si benny, nag halungkat sya sa bag nya tsaka nilabas ang pentel pen.

"Nag pupumiglas yung dalawa pero wala silang nagawa kay june at lucky, samu't saring drawing ang inilagay ni benny sa mukha ng dalawa na ikinatawa naman talaga ng tatlo, isama mo pa sila angel.

"Bitawan nyo na" utos ko sa dalawa na agad namang sumunod
"sir yung tatlo" panunumbong ni zack

"kayo talaga puro kalokohan! zack at anton lakad mag hilamos na kayo" utos ko sa dalawa, nung una ayaw pa nila tumayo dahil nga sa tsura nila, pero dahil sa pag babanta ko eh napasunod ko na..

Nilalantakan ko yung chocolate na bigay ni benny, na galing daw sa mama nya?
Inaalok ko naman sila pero ayaw nila nakakailang tuloy kumain kasi naman na sakin atensyon nila.

"Pg lang sir?" biro ni zack, sinamaan ko sya ng tingin bago ningusuan
"jusko ayan nanaman sya" kinikilig na ani lucky, huh cute na cute talaga sakin tong bakulaw haha.

Mga bigla naman silang natatawang naka titig lang sakin na miyamo may kung ano sa mukha ko.
"bakit?" tanong ko, mag sasalita sana si june at lucky ng ikagulat ko miski ng tao dito sa table namin ngayon ang ginawa ni louis.

"para kayong batang kumain hehe" may hawak syang panyo at pinupunasan nya gilid ng labi ko.
Napatingin naman ako sa gawi nila lucky na ubod ng sama ng tingin ngayon kay louis, sina zack at anton naman ay natatawa sa itsura ng tatlong naka busangot ngayon.

Nahalata ni louis na sa iba ako nakatingin, agad sya tumingin kung saan ako nakatingin.
"woah! ba-bakit mga bro?" nautal na tanong ni louis sa tatlo, umayos na sya ng upo at nag tatakang nakatingin sa tatlo.

"pwede namang sabihin nalang na may rumi sa mukha, kailangan may pag punas pa talaga ng panyo?" parinig ni june.
"sa susunod hindi na chocolate bibigay ko" bulong ni benny, pansin ko lang parang may nag iba talaga kay benny.
"bro daw? close ba kami? tsk! isa pa ata tong asungot" iritar ring bulong ni lucky.

"may problema ba kayo sakin?" tanong ni louis, kasi naman bumubulong lang sila at mag papatama doon pa sa katabi nila. Kundi ba naman mga siraulo.

"Don't mind them bro... Yang mga asong yan di nanaman nakakain ng buto" pang aasar ni anton, sya naman tinignan ng masama ng tatlo.

Natapos ang lunch break at nag hiwa-hiwalay na ulit kami, may 30 mins pa naman bago mag umpisa ang last exam mga studyante kasi ng seniors nag hahanda na para sa mga gagawin nila.

Pinatawag ako pati narin ang ibang professors dahil may pa meeting ang dean.

"Pakikilala ko lang naman ang mga kikilatis ng mga gagawin ng senior students, miya miya narito na sila... At kayong apat kasama si adon naman ang mag iikot ikot para gabayan narin ibang stuyante, siguraduhin nyo walang magkakagulo okay" ani ng dean. bakit sila lang paano ako, anong gagawin ko?

"and mr legazpi ikaw ang naatasan kong sumama sakin para i-entertain, iikot ikot ang mga bisita nating darating" eto nanaman ang dean kung bakit ba ako ang paborito nya piliin sa mahirap na gawaain, malay ko ba kung bisita pala is mga sikat na artist mula sa ibang bansa, anong pag eentertain naman gagawin ko? kutusan ko na tong dean tsk!

"bumalik na kayo sa kanya kanyang room, sarileng studyante nyo na ulit tuturuan nyo... Okay goodluck satin" muling ani ng dean.

Tumungo na ako sa room kung nasaan ang mga pinaka mababait kong studyante hehe.

Di nila namalayan ang pag pasok ko dahil busy sila sa pag aayos ng gamit para sa exam mamaya, at ang iba naman ay nakatulala na miyamo nag iisip kung ano bang gagawin nilang presentation mamaya.

"Seseryoso nyo!" sigaw ko, napalingon sila lahat sakin bago ngumite
"Class gawin nyo best nyo sa huling exam para mamaya, alam ko mas malaking score binibigay sa exam nayun...
Sa puso nyo paggawa ngayon, express your feelings sa gagawin nyong obra...
So goodluck again class alam nyo naman sa rami nyo ritong graduating sampu lang makakapasa kaya sana gawin nyo talaga best nyo para may chance kayong makapag trabaho sa magandang kumpanya" tumango lang sila, bago bumalik agad sa mga ginagawa nila.

Umikot ikot ako para tignan kung ano anu bang balak nilang gawin, karamihan talaga hilig ng mga studyante ko abstract tas iilan lang sa drawing, painting at ceramics.

Sa lahat ng types ng arts abstraction ang pinaka pinag aralan ko yang abstraction, dahil ayun din ang hilig ni mama.
Sa mga kwento ni lolo ang mama ko talaga naging inspirasyon ko para makarating talaga sa gusto ko, tinutulungan ako ni lolo pero hindi sa lahat, ayoko lang kasi aasa sa iba.

Isa pang dahilan ang ama ko nga gusto kong patunayan sa kanya na kahit wala akong kwenta para sa kanya atleast nakikita nya kayang kong gawin.

"Class wala man lang bang mag sculpture sa inyo?" tanong ko, umiling lang sila bilang sagot.
Pinaka pinag aaralan kasi rito ang painting, drawing, ceramics, sculpture at abstract..
Photography, Architecture, at Conceptual art lang talaga bihirang pag aralan dito sa Art University.

After ng pag aayos ay isa isa ko sila nilapitan para i-goodluck, ayun lang kasi magagawa ko para sa kanila.

Nag handa na kami para pumunta kung saan gaganapin ang huling exam, dunno kung bakit ba sobra akong kabahan eh hindi naman ako ang mag eexam.
Siguro dahil narin to sa mga studyante ko pati narin sa ako nga yung makakasama ni dean, para sa mga bibisitang mag bibigay grado sa gawa ng mga studyante.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Chapter 24 done.
Gaya ng nakagawian vote and comments lang mga brad hihi.
thank you :)

-Greenite

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top