AOL:Pencil 23


Lucky's POV:

Gaya ng inaasahan hindi nga ako iniiwasan ni sir, parang normal parin ang naiba nga lang mas lalo kaming naging mas malapit sa isa't isa, halos araw araw na nga akong kinikilig sa kanya.

Yung tipong makita mo lang sya ngumingite sayo o yung tinatanggap nya mga binibigay mo shet nakakakilig lang talaga.

Diba nga sya yung tipong kapag binigyan mo ng kung ano magagalit muna sya at pipilitin pa para tanggapin, pero ng mga nag daang araw iba na sya lalo sakin hihi feeling ko tuloy may feelings narin sakin si sir haha joke assumero lang mga tol sorna!

Kaylan lang nag tanong sakin ang tropa lalo nasi june anong meron bakit ganun na kami ka close ni sir pero diko na muna sinabing umamin na ako, si sir kasi kahit inaasar ko imbes na mainis sya namumula nalang mukha nya.
Cute cute nya lang talaga! Ganito naba talaga kapag sobrang inlab kana sa isang tao, yung mukang timang kana kakangite dahil lang sa kanya.

"sige pre umamin kana bakit ba ganun nalang nanggayari ngayon, inaasar mo na nga si sir tahimik lang sya tapos madalang kana nya dalihin di katulad samin kapag inaasar namin nakakatikim kami ng batok, suntok at ang pinaka malupit sinasabunutan nya kami" tanong at reklamo ni zack

"lakas nyo kasing mang alaska!" ani ko, bigla akong binatukan ni june bago sinamaan ng tingin.

"gago mas pang asar ka nga! ano umamin ka nga umamin kana ba kay sir?" bulyaw nya sakin.
imbis na sagutin ko sya at gantihan ay binigyan ko nalang sya ng pang asar na ngite, magets na sana nila.

"kaylan pa lucky?" tanong ni benny
"nung party mga pre" deretso kong sagot
"wth! kaya naman pala, tangna lucky isa ka talagang ninja" natatawang ani zack.

"base sa nangyayare ngayon at ng nagdaang araw parang wala lang kay sir, uy june umamin kana rin sige ka baka kapag naisipan mong umamin kay sir sila na pala ni lucky" pang aasar ni anton kay june.

"ulol aamin rin ako pero di sa ngayon, diko pa kaya umamin nahihiya pa ako!" sagot ni june

"eh bakit si lucky naka amin na?" tanong ni anton
"dina kayo nasanay walang hiya yang si lucky kaya ganun nalang kadali sa kanya ang umamin" iritar si june.

"gago mahirap kaya umamin at gaya ng sinabi mo nakakahiya talaga, napaamin lang ako kasi maganda yung tyempo tas pinilit rin ako ni sir, nahalata nya siguro yung gusto kong sabihin eh may koneksyon sa kanya haha" ani ko.

"So may gusto rin ba sayo si sir?" walang emosyong tanong ni benny.

"aba kung meron nga swerte ko na pero ayoko pa mag assume, dahil mahirap yung ganun. Isa pa dipa natin alam mangyayari kung aamin narin etong si june at kenn kay sir... Mga pre wala pang kasiguraduhan kung ano ba talaga nasa utak ni sir... okay sabihin na nating matatanggap nya yung pag amin natin, pero ang iniisip ko kung mababalik nya yung pagmamahal nato diba?. Kung isa man satin nga mapili nya mabuti narin yun kaso dipa natin alam na baka sa babae rin sya o sa ibang lalake sya mainlab hehe" paliwanag ko.

Hindi na sila kumibo at tumango tango nalang sila.
Hinihintay namin si sir maka pasok, friday kaya kinabukasan walang pasok. May plano akong ayain sya mag date hehe joke, ayain ko lang gumala syempre yung kaming dalawa lang, dipa man panliligaw to atleast napapatunayan ko sa kanya na seryoso ako na gusto ko sya.

"Good morning class 4 paint" bati ng isang professor, alam ko sa kabilang section sya bakit sya nandito?.
Bumati rin kami sa kanya na may pagtataka ang mga boses.

"Nag tataka kayo right?" tanong nya at nag tanguhan nalang kami
"Meron kasi ginawang biglaang desisyon ang dean na kahit kaming mga professors nyo nagulat.... Ganito pinag palit palit nya kaming limang guro sa limang section ng seniors para saan? para ano nga ba?..... Magkakaroon tayo ng exams at ang mga exams nayun ay magmumula sa america kukuha sila ng mga 10 studyante na makakapasa dito para magkaroon ng pagkakataon na doon sila makakuha ng magandang trabaho, pwede kayo makapasok sa samu't saring kumpanya na magaganda roon kaya kung ako sa inyo pag iigihan ko" paliwanag nya.

Maganda yung plano nila promise sino bang aayaw doon una malaki laki talaga perang makukuha mo, magagandang kumpanya nandoon at makikilala ka sa lugar nayun as a great artist..
Dun nga nakilala daddy ko noon.

"Dahilan bat nagpalit palit para daw na di kayo makakapandaya at magmamakaawa sa home room professor nyo about sa exams" dagdag nya pa.

Para naman mandadaya kami, makalokohan kami oo pero di kami nandadaya lalo pa't itinatatak sa utak namin ni sir na ang tagumpay pinag hihirapan di basta basta napupulot lang sa tabi tabi.

"ma'am klaseng trip ng dean? kahit naman di magpalit palit ng professor di naman namin gagawin ang pandadaya gaya ng sinasabi nyo" reklamo ni anton

"isa pa po mas kumportable kung si sir mag babantay samin, sa totoo lang ma'am, higpit higpit ni sir samin pero ayos lang samin yun dahil para rin naman samin yun" dagdag ni jennie

"Kids kahit ako mas gusto ko mga studyante ko kasama ko, kaso desisyon ng dean yun kaya wala na tayong magagawa" ani nya.
Eh lakas trip naman ng dean ni hindi man lang kami pag katiwalaan kahit ngayon lang.

"3days lang naman tayo mag sasama sama, 2days for review 1day for exams... Para namang tuluyan ng mawawala sa inyo yung si ell dyan lang naman sya sa kabila makikita nyo pa rin sya" ani nya ulit na natatawa.

Nakakabiruan kasi namin si sir sa halos araw araw na pasok, di kasi sya yung KJ kasama kaya mas okay na sya yung makakasama namin sa pag rereview.
Pero gaya ng sabi ni ma'am wala na kaming magagawa sa gusto ng dean.

Agad naman nya kami binigyan ng mga papel kung saan nakalagay ang ilang impormasyon sa magiging exam with S mga brad kasi dilang paper exam gagawin namin pati actual na art gagawin namin, ang sabi ni ma'am kung saan daw kami magaling ayun ang gagawin namin halimbawa, drawing kung drawing... abstract kung abstract ganun.

Halos naubos ang oras namin kaka review ilang munito nalang naman hihintayin namin para sa lunch break sa wakas makikita ko na, hindi makikita nanamin si sir hehe.

"LUNCH BREAK!" sigaw ng iba kong kaklase, napa iling nalang si ma'am bago nagpa alam samin.

Lahat ng kaklase ko ay naka buntot samin ng tropa, alam daw nilang pupuntahan namin si sir kaya pipilitin nilang hatakin si sir papunta sa cafeteria para sumabay kumain samin..

Alam naman nilang di kami kakasya sa isang lamesa jusko mag hihiwa-hiwalay rin naman doon mamaya.

Pinilit nila si sir, hindi hindi hinatak nila ng pilit para lang sumama, wala naman nagawa si sir kundi ang sama kahit na mukhang badmood sya.

Nasabi nya samin na kaya daw sya badtrip dahil sa tinuturuan nya ngayon, diko naman akalain na may mas makulit papalang section kaysa saming 4 paint.

Halos maubusan raw sya ng boses dahil sa kasasaway ng ibang schoolmates, imbes na nga namang makinig sa kanya pasaway pa, di nila inisip na para rin naman sa kanila yun.

"Kaya kayo wag kayong pasaway at ituon nyo mga sarile nyo sa pag aaral, pag handaan nyo maige ang exams para makapasok kayo" ani nya samin ng tropa kasama namin sya sa isang table sa mga kabilang table eh doon naka pwesto ibang kaklase namin na pinag sabihan rin ni sir.

Natawa nalang kami at tumango tango sa sinabi ni sir, ba naman nakakunot noo nya at naka pout pa labi nya tapos inis na inis talaga sya miyamo kakain sya ng tao ngayon, ang cute cute nya talaga kaines haha.

Fast forward.... (A/N: excited kasi ako mga bes may date sila lucky)

Ipinaalam ko kala june ang plano ko, wala naman sila karapatang tumanggi kaso gusto daw nila sumama.

"wag na! tsaka na kayo sumamang gumala... Sige nanaman ngayon lang ako hihiling oh" mukha akong timang na nag susumamo sa kanila.

"makaka score ka nanaman kasi, paano naman si june huh lucky?" tanong ni zack, napatingin ako kay june.

"hayaan nyo na muna sya." tanging sagot ni june na nakatingin sakin.
Todo naman ang ngite ko sa kanya, lumapit ako sa kanya tsaka ko sya nasuntok ng di naman kalakasan sa braso.

"salamat bestfriend, babalitaan ko naman kayo kung anong nangyayari pati patas ako makipag laban, kaya kayo ni kenn umamin na okay" tumango nalang si june.

Nauna na silang umalis hinihintay ko si sir sa parking lot, nasabi ko nabang wala akong dalang motor o kotse man yan kasi planado ko na talaga to haha.
Sa sasakyan nalang ako ni sir sasakay.

"Sir!" sinadya ko syang gulatin at eto nanaman po sya ang cute cute nya talaga.
"bakulaw nato bakit kaba ng gugulat?!" iritar nyang tanong.

"sir naman dina nasanay sakin... Ah sir ayain ko sana kayo gumala ngayon hehe" napapakamot kong ani

"at saan naman aber? pagod ako alam mo namang nakipag bwisitan pa ako sa mga studyante kanina" tanong nya, lumapit ako sa kanya at inilapit ko ang bibig ko sa tenga nya.

"Wag na kayo tumanggi... 1st date natin to" agad ko namang nakita agad ang gulat nyang reaksyon, itinulak nya ng pagka lakas ang mukha ko palayo sa kanya.

"aray naman sir" reklamo ko sakit naman talaga kasi, wait waaaaaaah! bakit ba ang cute cute nya kaines talaga Lord pasabi naman sa taong to bawas bawasan pagiging cute.

"Sasamain ka sakin! pinag sasabi mo aba!" bulyaw nya sakin
"joke lang sir.. pero sir seryoso kasi sama kayo sakin" pangungulit ko
"ayoko!" pag tanggi nya.

"sige po" ibinagsak ko ang magkabila ng balikat ko at naging mukang isang talunan na asa ako.
Agad akong tumalikod sa kanya.
"Lucky!" pag tawag nya ng maka hakbang na ako palayo sa kanya, hindi na muna ako lumingon.

"nasaan sasakyan mo?" tanong nya ng nakahabol pala sya sakin
"iniwan ko sir kala ko kasi papayag ka sumama sakin" lungkot lungkutan kong ani, napa bugyong hininga naman sya bago tumingin sakin.

"fine sasama nako... saan ba?" nahihiya nyang tanong, ngiting ngite naman ako sa kanya.
Sa halip na sagutin ko sya ay hinawakan ko kamay nya bago ko hilahin sya patungo sa kotse nya.

Namumula't tahimik lang sya ngayon sa loob ng kotse, ramdam na ramdam kong nahihiya sya haha ganito si sir kapag kaming dalawa lang mag kasama.

Dinala ko muna sya sa isang restaurant dahil nakakatiyak ako na magugutom sya sa pupuntahan namin.
Nung una nakikipag talo pa sya sakin dahil sa pag babayad lang ng mga nakain namin, pero syempre dahil nga sa date namin to hehe joke... Dahil sa ako ang nag aya sa kanya ako ang taya sa pagkain.

Napansin nya na siguro kung nasaan na kami ngayon kaya tanong sya ng tanong bakit dito pa pumunta.

"EK? lucky pwede namang sa star city para hindi malayo tsaka napagod ka pa tuloy sa pag mamaneho" yun sya eh pinakikilug ako lagi haha.

"okay lang sir pati wala naman pasok bukas diba?.. Ang isipin nyo ngayon ay ang mag enjoy" naka ngite kong ani

Hindi na sya nag reklamo kaya agad kaming bumili ng tickets, nagkaroon nanaman po kami ng pagtatalo dahil sa tickets at this time ako na ang nagpa ubaya dahil bukod sa masama na nya akong tinitignan kanina eh, napagtawanan ako ng ibang tao dahil sa pagbatok at pag sakal nya sakin kanina.

"Ang sweet nila" bulong ng isang babae sa iba nyang kasama, napangite naman ako dahil doon..
Sweet naman talaga si sir, halos patayin na nga nya ako kanina haha.

"ngite ngite mo dyan? halika na para makarami tayo ng sakay" hindi ko inaasahang sya pa hahawak sa kamay ko para hilahin.

Hanggang kaylan ba? hanggang kaylan nya ako kailangan pakiligin..
Kung nakakamatay lang ang kilig nakarating na ako sa langit ng maaga. (A/N: ang lande mo kasi haha)

Samu't saring rides na sinakyan namin, nakikita ko ngayon kung gaano nag eenjoy si sir, feeling ko ngayon diko sya professor eh kasi kung kausapin nya ko at kung magpakita sya sakin ng kung ano iba, yung tipong hindi studyante tingin nya sakin.

"Nakakapagod rin pala hehe" nakangite nyang ani
"Ell..." pagtawag ko sa atensyo nya dahil sa ibang dereksyon sya nakatingin.
Dahan dahan syang humarap sakin at nag bigay tingin kung bakit.

"salamat dahil pumayag kang sumama..salamat dahil napasaya mo ko ngayon..salamat dahil napasaya rin kita..
sana mag tuloy tuloy nato, alam mo namang gusto kita diba?" tumango lang sya sa pag sagot.

"Hindi ko ipipilit na ibalik mo yung ipinakikita ko at pinararamdam ko sayo, basta ang importante para sakin yung makitang masaya ka, masaya narin ako doon... Basta tandaan mo lagi lang akong nandito para suportahan ka at bantayan gaya ng ipinangako ko" dagdag kong ani

Itutuloy ko na sana ang pag sasalita dahil di naman sya umiimik ng akapin nya ako.
Napatingin ako sa paligid dahil may ilang nakatingin samin, hinayaan ko nalang tutal di nila kami kilala at wala akong pake kung ano man nasa isip nila ngayon, basta masaya ako ngayon.

"Salamat lucky na kahit yung pangako nayun ay dati pa eh pinapatunayan mo naman... maswerte ako sayo sa totoo lang hindi ko talaga ineexpect na nag daan man ang ilang taon ay hindi mo nakalimutan yung pangako mo sa batang iyakin at takot sa papa nya...." ani nyang nakaakap pa rin sakin.

"Mas papatunayan ko sayo yun dahil... mahal na nga kita ell" naramdaman ko ang pagka gulat nya, inalis ko ang pag akap nya sakin bago ko sya iharap sakin.

"totoo hehe ang bilis ba? ganito na kasi nararamdaman ko para sayo" nakita ko nanaman ang pagpula ng mukha nya, ewan ba kung kinikilig din sya o nahihiya lang basta kahit ano gustong gusto yung mukha nyang yan hehe.

"l-lucky a-ano kasi..." kinakabahan nyang ani habang nakayuko ng bahagya, hinawakan ko ang kanan nyang kamay at inangat ko ang mukha nya gamit ang kaliwang kamay ko.

"it's okay ell dimo naman kailangan sumagot agad sa mga sinabi ko sayo, dahil mas importante sakin ngayon ay nakikita kitang masaya" ilang minuto kaming nagkatitigan bago nya iniwas ang tingin sakin.

"doon tayo ell" hinatak ko sya ng marahan kung saan merong shooting play (A/N:wala pong artista, barilan game po ibig nyang sabihin dyan haha)

Naka ilang try nako pero ni isa hindi man lang ako nakatama, halos pag tawanan na nga ako ng kasama ko at ng ibang manonood dito, shet nakakahiya lang! nag yayabang pa naman ako kanina mga brad.

"Pag naka tatlo ano bang prize?" tanong ni sir sa babaeng nagbabantay
"couple bracelet po" tanging saad ng babae na miyamo kinikilig tsura.

"Sige ako mag try" ani sir
"miss yung malaking yun kapag napatumba ko ba ano prize?" tanong nya ulit sa babae
"yung pong malaking teddy bear" sagot ng babae.

"bigyan mo ko ng anim na bala" agad naman syang binigyan ng babae, may tiwala ako kay sir pero imposibleng mapatumba nya yung malaking parang lata na nakatayo roon.

Halos mapanganga ako sa galing nyang umasinta naka apat na syang walang sablay, may ilan ilan naring nanonood sa kanya.
Lumayo sya ng bahagya na ipinagtaka ko miski ng iba.

"sir bat lumayo kayo? diba kapag malapit mas mapapatumba nyo yun?" tanong ko sa gilid nya
"manood kana lang" nakangite nyang ani sakin bago nya ko kinindatan mga brad shet shet shet! pakiramdam ko ang inet ng mukha ko, yung ramdam mo yung dugo mo na gustong lumabas sa ilong ko haha nyeta lang.

Back to game sinipat sipat nya muna at nag hanap ng magandang pwesto bago nya pindutin yung baril na dalawang beses na magka sunod, dahil automatic yung baril wala ng kasa kasa.

"congratulations sir!" tuwang tuwang sigaw ng babae, ang iba'y nag papalakpakan pa samantalang ako na tulala sa bilis nyang mapatumba yung malaking parang lata.

Hindi ko na napansing nakuha na nya ang pagkalaking blue teddy bear na ibinigay nya sakin, joke ipinahawak lang wala naman syang sinabing akin na nga ito hehe.

..........................

10pm na ng makarating kami sa tapat ng bahay ko.

"sir salamat talaga huh sulit na sulit yung ilang oras nating magkasama hehe" tumango lang sya.
"hindi muna ba kayo papasok?" dagdag kong tanong.

"Hindi na.... uhhm lucky maraming salamat dahil nag enjoy talaga ako, maraming salamat kasi nakasama kita" ang cute cute nya talaga kapag ganyan syang nahihiya na bahagyang nakayuko

"akina kamay mo" utos nya, inabot ko kaliwang kamay ko sa kanya
"wag mo iwawala yan okay pinag hirapan ko yan" kinilig nanaman ang lolo nyo mga brad.
"isipin mo na... na ayang suot mo ngayon ang lucky charm, isipin mo ring poprotektahan ka nyan sa kung ano mang masamang mangyayare" nakayuko nya paring ani, bahagya rin akong napayuko para tignan itsura nya.

Napayakap nalang ako sa kacute-an nyang taglay hehe, nakapikit kasi sya kaya nagulat nanaman sya.

"tatandaan ko sir at iingatan ko to gaya ng pag iingat mo sa paint brush na binigay ko sa inyo" ani ko
"salamat" munti nyang ani.
kumalas na ulit ako sa pag akap sa kanya.

"gusto nyo pala ng ganyan sir sana nagsabi nalang kayo para ibinili ko nalang kayo"patukoy ko sa malaking teddy bear

"alam mo namang hindi ako pganun lucky at isa pa...." kinuha nya yung teddy bear bago iabot sakin
"wala kasi akong hilig dyan kaya sayo nayan... wag mong tangkain na ibigay sa iba yan dahil pinag hirapan kong makuha yan" wala ngang kahirap hirap nyong nakuha to sir haha.

"Ah display mo ng maayos sa kwarto mo babantayan ka rin yang si boss L" ani nya "boss ell? kapangalan nyo sir?" tanong ko
"hindi katunog lang pero letter L lang name nya, gusto ko maayos ko syang makikita kapag nagawi ako sa inyo okay" tumango nalang ako.

Aasa naba akong meron narin syang nararamdaman sakin, mga brad ganun pinararamdam nya sakin ngayon o nag aassume lang ako.

Bumaba na ako ng kotse nya, hinihintay ko syang umandar para umuwi sya ng dali dali syang bumaba at lumapit sakin.

"Alam kong mahihintay mo ko lucky may tiwala ako sayo" mabilis nyang ani bago sya humalik sa pisnge ko.
Muli nanaman akong napatulala dahil sa ginawa nya.

Bumalik lang ako sa reyalidad ng batukan ako ng kapatid kong si lucy.
Nakita kong malayo na mula rito ang sasakyan ni sir.
"Nililigawan ka ni sir? oh my gosh kuya bagay kayo kyaaaaaah gagawin ko kayong tauhan sa bago kong naiisip na story sa wattpad!" sigaw ng kapatid ko.

"Inggit ka naman! hilig mo talaga sa yaoi eh ano?!" natatawa kong ani
"kinikilig ako ulol.... Bigay nya sayo yan?" tumango ako sa kanya
"tapos sya pa humalik sayo sa pisnge" tanong nya ulit na nag niningning pa ang mga mata nya.

"kyaaaah ikaw ang uke hahaha di bagay sayo laki mong bakulaw!" pang aasar nya at ano naman yung uke?. itinulak ko sya ng bahagya para makaraan ako.

"mommy! mommy!" sigaw ni lucy ng makapasok kami
"hoy baka tulog nasi mommy bunganga mo!"suway ko, nakita ko si mom na palabas ng kusina.

"mommy si kuya lumalande! inunahan pa ako kay sir ell" sumbong ng kapatid ko, ngumiseng nakatingin sakin si mommy bago ako hilahin paupo sa sofa.

"Mag kwento ka? tiyakin mong kikiligin ako" ani mommy, eto gusto ko sa pamilya ko tanggap nila kung sino ba talaga ako.
Sa kanya nagmana si lucy yung mahilig sa alam nyo na haha.

Wala akong pina lagpas na sandaling kasama ko si sir ng ikwento ko kay mommy at lucy mga nangyari, dahil bawat oras at minutong nakasama ko sya ay labis labis na saya naramdaman ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ayun dahil cute nga ako kiligin na kayo haha joke. Chapter 23 done :)
dahil abala ako sa inyo tuloy tuloy ko na hehe pleas vote and comments na ulit thank you.

-Greenite

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top