AOL:Pencil 22


Ell's POV:

Tahimik kaming magka yakap ni lucky, etong eto na nga yung hinahanap ko..
Akala ko hindi ko na makikita ang taong kayapos ko ngayon.
Bukod sa lolo ko si lucky palang nakakayapos ng ganitong katagal sakin, ayoko talaga ng may yumayapos sakin ng matagal pero iba talaga yung feeling ko ngayon.

"Umupo muna tayo doon sir" ani nya ng kumalas na sya sa pag akap sakin, tinanguan ko lang sya at hinayaang hilahin nya ko kung saan nya gustong pumwesto.

Hawak hawak nya ang kaliwa kong kamay na para namang wala lang sakin.
Ikinagulat ko naman ang pag yapos nya ulit sakin na hindi ko nanaman kinontra.
Ganito ko na ba namiss ang taong nangako sakin at pinrotektahan ako ng isang beses sa ama ko.
Para hayaan lang mga gusto nyang gawin sakin.

"Sir may gusto sana akong sabihin" kumalas sya ulit sa pag akap at hinawakan niya ang kaliwa't kanan kong kamay. Tumango lang ako at hinihintay ang sasabihin nya.

Unti unti nyang dinidiinan ang paghawak sa kamay ko at palinga linga na parang may kung ano sa paligid.
Tumingin sya sakin na agad ko namang ginantihan ng tingin.
Miski sa ganitong eksena hindi ako sanay pero etong si lucky, hindi ko matanggihan ginagawa nya ngayon.

"Masaya ako sir kasi nakita ko na kayo ulit... Natutuwa rin ako dahil kayo yung batang gustong gusto kong protektahan.
Yung batang cute na cute kapag umiiyak.
Mabait na, sexy pa, cool at gwapong gwapo..." ani nya, tumango tango nalang ako, bumugtong hininga muna sya bago nag salita ulit.

"Gusto ko rin palang sabihin na...... na.... na.....?" ako naman ang humawak ng mahigpit sa kamay nya at tinanguan sya para palakasin ang loob kung ano mang gusto nyang sabihin.

"Fuck! nahihiya ako sir" napayuko sya at umiiling iling
"nyeta bilisan mo na at gutom na ako!" bulyaw ko, totoo naman nagugutom na ko, tapos sumasakit pa ulo ko.

"Sir kasi ano..... ano...... ganito kasi.... tangna hirap pala nito" iritar nyang ani, sinamaan ko sya ng tingi  at itinulak ang kamay nya palayo sakin.
"aray naman sir" reklamo nya dahil binatukan ko talaga sya ng malakas sa bunbunan haha.

"ano nga kasi sinabi ko na sayo gutom nako lucky... Halika na nga muna kumain na muna tayo" pag aya ko, hindi nanaman sya kumibo at sumunod nalang sakin palabas ng gallery.
Ayos ayos nanaman kahit papano, pasalamat ako dito sa protector ko nga daw dahil gumaan gaan loob ko.

Busy sya kakayakap sakin dahil ako ang nag mamaneho ng motor nya.
Mabilis man ako magpa takbo eh parang wala rin naman sa kanya, sayang di sya katulad ni june.
Tumawag sya sa mama nya dahil doon kami sa bahay nila kakain, nagpa handa pala sya sa mama nya nakakahiya man pero mas nakakahiya kung di ako pupunta nag handa pa naman sila.

"Sir nag text sakin si kenn, hinahanap nya kayo" bulong nya sa tenga ko, medyo nakiliti ako kaya lumikot saglit ang pagmamaneho ko.
"wag ka nga bumulong sumigaw kana lang! malakas kiliti ko sa may tenga, baka mabangga pa tayo!" sigaw ko sa kanya pero tutok pa rin ako sa pag mamaneho.

"sabihin mo kasama kita, mamaya uuwi rin naman ako papalamig lang kamo ako dahil...." nahinto ako saglit dahil naalala ko nanaman ang ama ko
"sige sir tawagan ko sya kapag nasa bahay na tayo" sigaw nya sakin.

Nang makarating kami sa bahay nila ay nasopresa talaga ako dahil sinalubong ako ng mama ni lucky na may hawak na cake, nandito rin sila lucy, june, benny, zack, anton at alvin na akala ko ay nag sipag uwian na kanina.
Bumati sila sakin isa isa nung una ayoko sana mag celebrate dahil anibersaryo ng pagkamatay ng mama ko.
Pero dahil sa pagbibigay payo ng mama ni lucky ay tinanggap ko narin, tama naman sya dapat isipin ko na mas sasaya ang mama ko kung masaya rin ako ngayong araw.
Makukulit rin kasi tong mga studyante ko.

"Ano to? may pasok kayo bukas diba?" mataray kong tanong sa kanila napahinto naman sila ng pagkain at tumingin sakin.
"ay ako pang hapon" sagot ni alvin.
"ako po sir 10am pa pasok" malanding ani lucy.
Tumingin ako sa limang naka ngite sakin.

"Si lucky sir nag imbita samin dito" sagot ni zack, napatingin naman ako kay lucky
"sir ayaw ko lang este ayaw naming matapos yung kaarawan nyo na puro lungkot nalang mangyayari, kaya eto kahit sa simpleng bagay mapasaya naman namin kayo" naka ngite nyang ani sakin.

"buti nga sir hindi kayo sinolo ni lucky" napatingin naman ako kay anton na nakangiteng pang asar
"mabuti at di maka sarile si lucky" ani naman ni zack
"dumamubs nayang gunggong nayan kanina sa inyo kaya dapat lang na imbitahan nya kami dito" ani naman ni benny
"kung hindi pa nag text samin si kenn di namin malalaman na kasama mo si sir" bulyaw ni june kay lucky.

"bahay namin to gusto nyo palayasin ko na kayo? mabuti nga inimbita pa kayo, biglaan lang tong simpleng celebration ni sir" ani nya sa apat.

"Pag kayo hindi pumasok bukas sisiguraduhin kong sasapakin ko kayo ng kaliwa't kanan" iritar kong ani na tinawanan lang nila.
"wait lang sir tawagan ko si kenn" ani lucky, sinabi kong wag na papuntahin dahil uuwi rin naman ako.
Hindi ko alam kung alam na nya nangyari kasi si lolo alam eh.

Kumakain at nag kukwentuhan sila na parang walang nangyari kanina, si benny ayun at bumalik sa pagka luko luko, may gusto ako itanong sa kanya pero tsaka nalang siguro.
Tapos etong si lucky titingin tingin sakin na para bang may gustong sabihin.

Natapos ang simpleng celebration na kasama sila, pinilit ko na talaga sila umuwi kay lucky nalang ako papahatid, naiwan kasi sasakyan ko sa AU.
Isa isa silang nagpa alam at bumati.
Nagulat naman ako na isa isa rin sila umakap sakin pati narin si alvin.
Lalo gumaan pakiramdam ko dahil sa simpleng celebration na ginawa ni lucky para sakin ay sumaya ako.
Ganito pala pakiramdam na maraming taong masaya para sakin, ganito pala pakiramdam na mag celebrate ng kaarawan. Ganito pala yung nagpapakita sila sayo ng suporta.

Nauuna ng matulog ang mama ni lucky at tumungo narin sa silid nya si lucy, maghahanda na sana si lycky para ihatid ako ng pigilan ko sya.

"may paguusapan pa tayo diba?"
"p-po?"
"sabihin mo na yan mukha kasing timang kanina, mas mabuti kung sasabihin mo nayan mukha kasing seryoso yan" hinila nya ako papasok ulit sa loob nila, ideneretso nya ako sa kwarto nya.
Pinaupo nya ako sa kama nya at sya naman ay kumuha ng upuan at tumapat sakin.

"Bago ko sabihin yung gusto kong aminin sir wala ba kayong tanong about sakin, yung halimbawa yung edad ko ganun" oo nga ano kasi ang tanda ko noong nakapag usap kami eh makasing tanda lang daw kami.

"ibig mong sabihin eh magka sing tanda talaga tayo?" tumango naman sya
"bakit nag aaral kapa rin?" taning ko
"nag aral rin po kasi ako ng HRM sir bago ako pumasok sa AU" ani nya.

"Bakit naisipan mong pumasok sa AU kung pasa ka naman sa isa mong kurso?" tanong ko

"Opo sir nakapasa ako pero plano ko na talaga pumasok sa AU, para ano gusto ko kasi matutunan lahat about sa art... Idilo ko ang daddy ko dahil sa mga ginawa nyang obra na talaga namang nakakamangha.. Isa pang dahilan dahil sa inyo, kasi noon nung nakita ko kayo na realise ko na kahit pala simpleng obra na nakikita mo ay malalalim pala ang ibig sabihin, nakakapag bigay aral sa buhay... Nagustuhan ko rin ito dahil madalas sa mga gawa kong obra dun ko inilalabas saloobin ko... Lalake ako sir kaya hirap ako mag open up sa mommy ko, kay june ako madalas nag sasabi kapag may problema ako o ano pa man, pero madalang rin dahil kilala ko si june ayaw nya ng lagibg nag dadrama sa kanya" paliwanag nya.

"Ikaw bang gumawa ng mga yan?" tanong ko kanina napansin ko nayung mga naka dikit sa dingding, pero diko binigyan pansin dahil mas tuon ako sa sasabihin nitong si lucky.
Tumango lang naman sya sakin.
Tumayo ako at sinusuri ang bawat abstract na gawa nya.
Sa totoo lang puro abstract narito sa kwarto nya.

"Etong isang to para sa mommy mo to diba?" tumango naman sya
"Napakita mo naba ito sa mommy mo?" tumango naman sya
"so tuwang tuwa naman ba?" tumango ulit sya at ngumite.
"sweet ka naman pala sa mommy mo" napatawa nalang sya sa sinabi ko.

Ang lucky nato sweet pala hindi nya lang inilalantad, napapahanga ako sa bawat gawa madali kong maintindihan dahil marami akong alam sa arts.
Samu't saring emosyon na rin nakita ko rito pero lamang talaga yung mga gawa nyang nakakaantig sa puso.

Matapos kong isa isahin ang gawa nya ay bumalik ako sa pagkakaupo upang pakinggan na ang gusto nyang sabihin.
Hindi nanaman sya mapakali miyamo kinakagat ng langgam yung puwitan nya.

"Lucky kung ano man yan sabihin muna ngayon, malakas pakiramdam ko na may koneksyon sakin yang gusto mong sabihin... Kaya pleas sabihin muna ng makauwi na ako dahil pagof na ako at may pasok pa bukas" ani ko.
Pumikit sya ng ilang segundo bago bumugtong hininga, muli nyang inimulat at seryosong tumingin sakin.

"Kapag ba sinabi ko sa inyo sir sinisigurado nyo bang hindi kayo magagalit?" pauna nyang tanong
"kung hindi naman ka galit galit sige" sagot ko

"mangako muna kayo na hindi kayo magagalit at di kayo iiwas sakin" hinawakan nya dalawa kong kamay
"sige pinapangako ko" nakakakaba pero kahit naman anong sabihin nya hindi ko talaga sya iiwasan lalo pa't sya yung taong hinanap hanap ko ng matagal na panahon, naging matapang naman ako kahit papano dahil sa kanya di lang talaga matanggal ang takot ko sa ama kong hanggang langit ang galit sakin.

"ell gusto ko kita" tangi nyang ani, napangite ako at kinutusan sya
"alam ko gago! akala ko pa naman kung ano pati professor mo pa rin ako kaya sir itawag mo sakin wag lang pangalan ko... Gusto rin naman kita... si june sila zack gusto ko rin kay-----?" napahinto ako dahil.... dahil....

"waaaaah anong ginawa mo!" sigaw ko bago napalayo sa kanya at napa takup ng bibig

"yung labi ko tsaka labi nyo sir nag dikit si ibig sabihin kiss, halik iyon" nag aabnormal nanaman yung puso ko mas lalo itong bumilis sa pag tibok
"Ell.... sir pala gusto ko kita bilang professor pero gusto rin kita dahil sabi nito" itinuro nya yung puso nya.

Hindi ako makapag salita dahil sa gulat dahil narin sa kaba siguro, dahil ngayon lang naman may umamin sakin at isa pa lalake sya.
"b-bakit ako? kaylan pa? anong dahilan?" mga tanong ko.

"Nag simula to noong bago bago palang kayo sa AU at kung bakit pati narin kung anong dahilan.... Simple dahil kayo si ell, hindi ko maipaliwanag kung bakit nga ba kayo ang nagustohan ko, Napaka common na kasi nung 'ay mabait to, gwapo' ect kaya nagustuhan ang isang tao... Nagustuhan ko kayo dahil sa kung sino kana talaga, wala nako maisipang dahilan kung bakit nga ba gusto kita..
Kasi sir sabi nga sa kanta 'kapag tumibok ang puso wala kanang magagawa kung di sundin ito'." paliwanag nya

"Pe-pero lalake rin ako? baka naguguluhan kalang o masyado kang natutuwa lang sakin kaya ganun" tanong ko

"Yeah natutuwa nga ako sa inyo, at isa iyon sa dahilan, Mahirap mag explain ng feelings lalo pa't wala naman talagang pumapasok sa utak ko kung bakit gusto kita dahil mas nasusunod ang puso ko na magustuhan ka... Sir hindi ba pwedeng gusto ko kayo, i mean gustong gusto ko nalang kayo... Oo lalake tayo pareho at maraming kokontra o mag sasalita ng kung ano anu about dito... Yung lang naman kaya nilang gawin ang siraan at mag salita ng kung ano anu, hindi sa kanila mag mumula ang desisyon natin para sumaya. Kung di nila matanggap ang ganitong klaseng pag ibig libreng libre sila mag salita basta tandaan nyo lang sir ang diyos parin ang unang tatanggap satin, sya ang gagabay sa kung ano mang desisyon natin sa buhay" mahaba nya ulit na paliwanag.

"Hindi ko naman kayo pipiliting balik yung pag mamahal na meron ako sa inyo, tama mahal ko na nga ata kayo.. Kaya sana gaya ng sinabi ko sa inyo wag nyo ko iiwasan masakit nayung ma reject, kaya wag na wag kayong iiwas dahil mas masadaktan ako... Sir mas masaya at nakakagaan pala talaga sa kalooban yung pag amin sa taong gusto mo, pasensya na kung magugulo utak nyo ngayon pero gaya ng sinabi nyo tama lang na umamin na ako, salamat sir"
Hindi ako makakibo dahil lahat naman ng sinabi nya tama, hindi rin ako makakibo dahil sa hiya at pagka gulat pa rin sa pag amin nya.

"Okay lang yan sir tsaka nyo na pag isipan mga sinabi ko, pero kung matatanggap nyo to kayang kaya ko naman mag hintay at kung hindi tatanggapin ko kahit masakit, ganyan naman sa pag-ibig kakambal ang sakit hehe... Sya tumayo na kayo dyan para maihatid ko na kayo kanina pako pinuputakan ni kenn sa telepono, pati gusto ko narin magwala sa sobrang saya diko lang magawa nandito pa kasi kayo" pag amin nya naman.

Wala parin akong balak mag salita dahil pinag iisipan ko ngayon kung paano ko haharapin ang gagong to bukas, hindi naman sa naiilang ako pero nahihiya ako sa kanya bakit kasi sa dinarami ramu ng tao sakin pa sya nagka gusto.

"Sir alam nyo kinilig talaga ako sa kiss kanina eh" ngiteng ngite nyang ani habang sinusuotan nya ako ng helmet, bahagya ko naman syang nasuntok sa braso.
"ang cute nyo lalo kapag namumula mukha nyo hehe, sakay na kayo" dagdag nya, hindi nalang ako kumibo sa hiya... Hoy mukha bakit kaylangan may pag pula ka?
"yumakap kayo sir dito.... Yan para mas maganda tulog ko mamaya" Hindi ko alam bakit nagpapaubaya ako ngayon, kaya hinayaan ko nalang kaysa mag reklamo pa sa kanya.

......................

Nakarating kami sa bahay ng mavilis dahil narin sa wala namang gaanong sasakyan kapag ganitong oras na.
Nag pasalamat sya at agad na umalid dahil ayaw nya raw makipag talo pa kay kenn.

"So kamusta ka naman? nabalitaan ko yung nangyari" bungad ni kenn ng makaupo ako, sa halip na sagutin ko sya ay nag balik tanong ako sa kanya.
Napansin ko kasi na may pa surprise rin iyong si kenn.

"Ako na mag aayos nito, mag pahinga kana tsaka nalang natin pag usapan" malungkot nyang ani.
"no, nag hirap ka ngayong araw para dito kaya salamat.. Look 11pm palang hindi pa tapos birthday ko" naka ngite kong ani.
Bigla naman lumitaw yung maganda nyang ngite.

"Salamat bestfriend, kaya pala hindi ka sumama sakin kasi may pa ganito ka... Alam mo ngayon lang ako sumaya ng ganito sa buong buhay ko, ngayon ko lang naranasan yung special ako kahit isang araw lang, oo may lungkot dahil wala si mama at kinamumuhian ako ng papa pero nariyan, si lolo pati narin mga studyante ko para pasiyahin ako, maraming salamat kenn... Maraminf salamat sa inyo" tuwa kong ani pero may luhang gumagapang pababa sa pisnge ko.

Niyapos nya ako saglit bago pinunasan ng marahan ang luha ko
"nanonood kana rin pala ng kdrama" pag bibiro nya, agad ko naman syang binigyan ng kaltok sa ulo.
"seryoso kasi ako gago" bulyaw ko.

"alam ko... Masaya ako dahil sa masaya ka ngayon, tignan mo mas rumarami nag mamahal sayo kaya imbes na problemahin mo ang papa mo ituon mo nalang sarile mo sa magpapasaya sayo, sana ell parati nalang ganyan parati nalang kitang makikitang masaya, Tama na yung pagtitiis mo ng ilang taon sa masamang pakikitungo ng ama mo, Nandito ako, kami para pasiyahin ka kaya kung maari ganun rin gawin mo ang pasiyahin kami" paliwanag nya

Pinunasan ko maige ang mga luha ko bago ko sya biniro
"anong stage kana ba ng pagiging fan ng kdrama?" binelatan nya nalang ako bilang pag sagot, na ikinatawa namin pareho.

Dahil sa busog ako konti nalang ang kinain ko, ang dami nyang hinanda kaya pinag lalagay namin sa refrigerator dadalhin ko nalang bukas sa school para makabawi bawi ako sa mga studyante ko na nag try pasiyahin rin ako sa kaarawan ko.
Panget man kinalabasan ng pa surprise nila maganda naman intensyon nila at may mga maganda rin namang nangyari dahil doon.

Tumawag ako kay beks na agad salubong sakin ay pag hingi ng sorry, Pinasalamatan ko pa nga sya at nag sorry rin dahil di natuloy plano nya, pinadala ko nalang rin yung nga pagkaing inihanda nilang mga studyante ko sa bahay nila beks para sa AU nalang kainin.

AU na late ako dahil nag commute lang ako at gawa rin ng mga dala kong punag hahanada ni kenn kagabi, hindi na ako nagawang ihatid ni kenn dahil siya mismo ay late na.
Nakakahiya nga dahil sya pag nag ayos para i prepare yung pagkain para sa mga studyante ko.

"Good morning sir!" sabay sabay nilang bati sakin, bunati rin ako sa kanila at ningitian ng wagas.

"alam kong pagod pa kayo dahil sa party kagabi, kaya sa hapon na ako mag tuturo" hiyawan naman ang naisagot nila sakin.
Lumapit si beks sakin at iniabot ang mga pagkaing pinadala ko.

"Dahil sa nangyari kagabi diko tuloy kayo nakasamang mag celebrate" pauna kong ani bago pa man ako mag salita ulit sya namang paghingi ng pasensya nila beks at ng iba kong studyante.

"class wag na kayong humingi ng sorry, ako pa nga ang dapat dahil nagalit ako, takot lang kasi ako sa papa ko kaya ganun, pag pasensyahan nyo na...
Sorry rin kung pati kayo natakot kay papa wala naman kasing may alam na mangyayari yun..
Ang importante ngayon ay ang pasasalamat ko sa inyo dahil kahit na di maganda ang nanyari ay natutuwa akong may mga taong katulad nyo ang makakadagdag saya sa kaarawan ko" paliwanag ko, puro lang sila nakangite sakin.

"Hindi na kayo iba samin sir pamilya na tayong nandirito sa loob ng classroom nato" masayang ani zack
"Pwede naman natin ituloy ang celebration ngayon diba?" taning ni zack na agad ko namang tinanguhan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Chapter 22 done :)
lutang parin utak ko kaya di kasiya siya ang chapter nato haha char.
pleas vote and comments.

-Greenite

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top