AOL:Pencil 20


June's POV:

Mukha talaga kaming tinakasan ng dugo sa mukha ni lucky dahil sa di namin namalayang lumapit pala samin si sir.
Mabuti nalang at di nya narinig yung mga pinag sasabi namin, eh tsimoso rin tong si sir baka mag tanong.. Di kami makalusot at umamin kami sa kanya ngayon.

"Mukha kayong nakakita ng multo june at lucky?... btw sorry sa mga nasabi ko kanina at thank you sa pag aalala, ayun lang sige na babalik na muna ako sa likod... paki tawag nalang ako lucky kapag mag uumpisa na ulit tayong mag mc" ani sir.

"Ah sir pasensya narin po kanina sa inasal ko" ani naman ni lucky
"it's okay, pero sa susunod wag kang sisigaw sa harapan ko kung hindi masasapak kita" seryoso nyang ani, na tinanguan nalang ni lucky.

"Sige balik na muna ako dun" hindi na nya kami hinintay sumagot, dali dali syang umalis at lilingon lingon na para bang may hinahanap.

Bumalik kami sa kinauupuan namin ng walang nag sasalita.
"Base sa itsura nyo at sa mga narinig ko kanina kilala ko na kung sino pinag aagawan nyong dalawa" pambasag na ani alvin, nakatingin sya samin ni lucky na naka ngise.

"Huh?" tangi kong sagot
"pinagsasabi mo?" tanong naman ni lucky
"alvin wag kana nga madaldal dyan! dun kana muna at sumayaw humanap ka ng babae marami dyan... Diba kaya ka naman sumama dahil dun." suway naman ng kapatid nyang si anton.

"Gaya mo pa ako sayong babaero! ibang tao pinunta ko dito kaya nag pumulit akong sumama sayo." walang galang nyang ani kay alvin
"umuwi kana nga nabubwuset ako sayo!" iritar na ani anton.

"Talo asar ka nanaman kuya!...
sya nga pala" tumungin sya ulit samin ni lucky "walang mapupunta sayo, pati narin sayong boyfriend dahil sakin sya mapupunta" napakunot noo kaming lahat sa sinabi nya.
"pinag sasabi mo?!" tanong ko.

"Ang ibig nyang sabihin, sa kanya mapupunta si sir" lalo naman sumama tingin ko sa kanya sa sinabi ni lucky
"seryoso kaba?" tanong ni anton sa kapatid nya
"yep! bakit?" tanong nyang mayabang

"Hayaan nyo sa gusto nyang sabihin, o gawin kung gusto mo umamin ka kay sir sige lang, pero titiyakin ko sayo na hindi ako, kami magpapatalo sa batang uhuging katulad mo" napangite naman ako kay lucky bago nakipag apir.

"Wtf! oo aminado ako na gwapo, mabait, at sige sexy narin si sir pero diko talaga maintindihan bakit ikaw lucky, june, si kuya kenn at ito naring si alvin ay lakas nyong pag agawan.... tinalo pa ni sir babae ang daming asong naghahabol sa kanya." sinabunutan ko si zack dahil sa sinabi nya.

"Mas gwapo pa ako sayong gago ka! kung kami mukhang aso, ano pa tingin mo sa sarile mo? tae?" pang aasar ko
"gago ang cute ko naman para maging tae!" balik nya sakin
"tigilan nyo nayan!.... ikaw bata hindi kami basta basta magpapatalo sayo seryoso kami kay sir" ani lucky.

"Makapag salita ka akala mo nakaamin na kayo sa kanya pero halata namang hindi pa, kahit tatlo o mas marami pa kayong may gusto sa kanya titiyakin ko ring di ako magpapatalo" mayabang nanaman nyang ani.

"So kaylan ka aamin?" tanong ko, bigla naman syang natahimik at para bang nag iisip ng kung ano
"ah... ee... ano kasi..." natawa nalang kami mukha kasing katulad namin syang takot umamin.

"Welcome pre! hahaha alam namin yang nararamdaman mo, madaling mag mahal ang mahirap yung umamin" natatawang ani lucky.
"basta makakaamin rin ako sa kanya at uunahan ko kayo" sagot nya
"wag kang mag alala malapit narin naman ako umamin" napatingin nalang ako kay lucky, mukhang seryoso na ang gago.



-------



Lucky's POV:

Ayun na nga rumarami kaming may gusto sa guro namin, at real talk kung mag agawan kami wagas! nakakatawa diba? Ni hindi nga kami makaamin at lalong hindi namin alam kung matatanggap ba ni sir yung nararamdaman namin para sa kanya.

Pinaplano ko na talagang umamin, natatakot lang ako sa pwedeng mangyari.
Pwedeng di nya tanggapin at iwasan ako kami kung sakali.
Mahirap pa naman ako tumanggap ng rejections, lalo sa pag ibig nayan.
Ang hirap pala sa ganitong klaseng pag ibig.

"Hey boys" bati ni beks na ubod ng pagkalaking ngite ang isunalubong samin
"anong atin baks?" tanong ni benny
"well dahil alam nyo namang mahilig akong mang stalk, may nalaman ako about kay sir" nagka tinginan lang kaming anim kasama nasi alvin ayaw nya pa rin kasi umuwi.

"Ano naman yun?" taning naman ni anton
"bago yan.. pakilala nyo naman ako sa gwapong yan" malanding ani beks patukoy kay alvin.

"At bakit kailangan mo pa akong makilala? close ba tayo?" mataray namang sagit ni alvin.

"Yeah were not close, but soon i swear daig pa natin ang mag bestfriend sa pagiging close" ani beks bago kumindat kay alvin, natawa naman kamu ng bahagya dahil kitang kita sa itsura ni alvin ngayon ang pagka inis.

"Btw eto nga dahil sobrang private ni sir at kahit acc nya ang hirap hagilapin, may nalaman naman ako sa kanya.." pabitin nyang ani.

"Taenamo mo pabitin ka! bilisan mo nga" iritar na ani zack
"pagat ka kasi.... may ginawa kaming plano ngayon na di nyo alam lima syempre pati ni sir, busy kasi kayong lima kakapaligid kay sir kaya kami nalang gumawa ng...." pabitin nya ulit na ani.

"Nakakagago ka bilis nga!" sigaw ni benny
"gago ka naman talaga!... May pa birthday suprise kami sa kanya" ani beks.

"Birthday surprise? birthday ni sir nagayon?" lumapit sa kanya si beks at bahagyang tinampal ang pisnge ni zack, dahil mukha syang tangang nagulat haha OA nitong si zack

"Shunga ka rin eh no! kakasabi ko lang na ngayon nga... gwapo ka sana mukha kalang timang" pang aasar ni beks
"gusto mo umuwi ng dumudugo yang bunganga mo?" pagbabanta ni zack.

"Then try it baby! Akala mo naman takot ako sayo, mas takot nga ako kay lucky... isa pa gusto mo sabihin kita kay sir at pinag babantaan mo ako?" pang hahamon ni beks. Balak pa sana sumagot ni zack ng sumingit si benny.

"Salamat sa info baks? so anong klaseng surprise ginawa nyo? okay lang ba yan? baka magalit si sir?" tanong ni benny na ipinagtaka ko/namin.

"Obviously birthday surprise to bes, at sure ako magugustuhan ni sir" sagot ni beks, nag kibit balikat nalang si benny, bago lumingon kung nasaan.... teka bakit kung makatingin sya dun sa mister kanina na nadali kanina ng upuan eh ang sama sama.

Nag uusap usap pa rin sila pero ang atensyon ko na kay benny, ang tahimik nya ngayon at parang iba yung mood nya i mean kilala ko na kahit papano si benny kaya di ako sanay na di sya madaldal o nag sasabi ng mga kung ano anung ka engotan.

Napansin nya akong nakatingin sa kanya kaya umiwas agad ako ng tingin.
"Basta makikanta kayo mamaya after ng party mag papaiwan tayong buong 4 paint para kay sir" ani beks.

"Bye pogi next time ulit... love you na agad" dagdag nyang ani patukoy kay alvin.
"malanding bakla" banggit ni alvin ng makaalis si beks.

"Ang galing talaga nyang si beks mang stalk kahit na minsan nakakatakot na sya hahaha, kaka excite tuloy" ani anton
"kaya nga eh diko akalain na birthday ni sir.... eto naman kasing si sir di man lang magsabi satin" ani naman zack.

"Baka naman kasi ayaw nya ipaalam dahil busy nga tayo diba, tapos napatapat pa birthday nya sa SGB" ani naman june
"sabagay may tama ka naman" si anton

Hindi ko alam pero kinakabahan ako ngayon, yung para bang may mangyayaring di maganda, wag naman sana.

Nag uusap usap pa rin sila habang kami ni benny ay tahimik at kung minsan ay nagkakatinginan lang kami.
tingin ko walang may planong mag salita saming dalawa.

"Lucky pinatatawag kana ni sir ell" bungad ni alex
"salamat tol.... oh mga pre balik stage na kami, mamaya nalang ulit" tango lang ang nakuha kong sagot.

Tumungo ako sa backstage kung nasan si sir. Agad ko syang nakita na para bang aligaga? kinakabahan? tapos patingin tingin sya sa gawi teka bakit nakatingin sya kala dean.
Nagtataka man ako ay lumapit ako sa kanya para kausapin.

"Sir" agad naman syang lumingon sakin
"o-oh re-ready kana ba?" utal nyang tanong.
"ready ako sir! kayo ata ang mukhang hindi ready? kung kaylan patapos na tayong mag mc tsaka kayo kinakabahan." ani ko, ngumite naman syang hilaw at dinahilang nilalamig pa rin sya, nilalamig pa sya sa lagay nayan ang kapal na ng suot namin at pawis pawis na sya.

"Eto sir panyo pinapawisan kasi kayo" ani ko at inaabot ang panyo, nakatalikod nanaman sya sakin
"huh?" tanong nya at tumingin sa mukha ko kaya di naya nakita na inaabot kong panyo, bumugting hininga ako bago lumapit sa kanya at punasan ang noo nyang pawis.

Napatitig lang sya sakin at ganun rin ako sa kanya, alam nyo mga brad ang hirap mag pigil ng kilig pero okay pala minsan mag ninja moves 101 kung minsan, jusko ang lapit ng mukha ko sa kanya diko tuloy maiwasang tignan yung iling nyang matangos, papunta sa labi nya ubod ng pagka pula at patungo sa napaka ganda nyang mata.

Ilang minuto rin kami sa ganoong sitwasyon ng may biglang tumawag samin para bumalik na sa stage.

"A-ah sa-salamat" tangi nyang ani, mga brad taena lang ang bango ng hininga nya kapit pa rin sa pang amoy ko.
Nauna syang maglakad papuntang stage kaya may pag kakataon na akong 'waaaaaaah! kinilig ako' sigaw ko sa isip ko habang nag tatatalon.

"Oy mukha kang timang dyan! bakit ka talon ng talon?" bungad na tanong ni alex
"wala pre na ngalay kasi paa ko.. sige balik na kami dun" palusot ko at agad tumungo sa stage.

"Ladies and gentleman once again thank you for coming here in SGB... Nag papasalamat rin kami sa mga tumulong at nag hirap na mapaganda ang party na ito, sa mga kapwa ko professor's na narito at especially sa aming mabuting dean" ani sir akala ko tatawagin na nya ang dean pero kinakalabit nya ako at sumesenyas na ako na daw ang gumawa.

Pansin kong di rin sya makatingin ngayon kung nasaan ang dean.
"pleas ms michi lazaro, come and join us here..." maikli kong pag anyaya, tumayo ang dean at kasunod noon ang mister kanina, binigyan sila ng masibagong palakpakan.

Unti uting palapit sa stage ang dean ang mister, at etong katabi parang mas lalong naging kabado.
Lumapit ako sa kanya at dumikit, hinawakan ko yung isa nyang kamay na nasa likuran nya, ang lamig ng kamay nya.

Napatingin naman sya sakin,ningitian ko nalang sya pero taena talaga naka damub's nanaman ako sa kanya syete kinikilig talaga ako!

Bakit kaya di nag rereklamo si sir sa ginagawa ko sa kanya, oo gustong gusto ko to pero sya inaalala ko weird kasi to para saming mga lalake.

Ngiteng ngite ang dean ng bumati kay sir pero etong mister nato seryosong nakatingin sa kanya, pinisil nya ng mahigpit ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya, nakayuko sya at di makatingin sa mister.

"Good evening magpapa salamat lang rin naman ako sa mga dumalo, sa mga magulang na kahit alam naming busy kayo nakarating kayo sa munting party for our graduating students, especial mention to 4 paint ang laking tulong ng nagawa nyo students lalo na kay professor legazpi na naghirap para mapaganda ang party"
Oh well nakakatuwang mapuri kaso baka masilip pa yan ng iba.

"Thank you and enjoy" huli nyang ani, bago tumungo sa harapan namin.
"congratulations and thank you for this party, great job inaasahan ko talagang di nyo ako bibiguin dahil malaki ang tiwala ko sayo ell" ngiteng ngite pa rin sya samin.

Nahalata kong pilit na ngite ang sinagot ni sir at hanggang ngayon hindi pa rin sya makatingin sa kasama ng dean.
Bumaba na ang dean at ang kasama nya para bumalik sa kinauupuan nila.

"Naks puring puri tayo sir" ani zack
"aba dapat lang malaki rin hirap natin" sagot naman ni anton
"parang di nyo naman kilala ang dean" napatingin kami kay benny na ngayin lang nag salita ulit.

"Nandyan ka pala? akala ko nalikigaw ka pa rin" pang aasar si june
"pakitang tao lang naman ang dean, tignan nyo kapag kaharap nya si sir tsaka nya lang tayo pinupuri" may point naman sya kasi maganda man o panget gunagawa namin for AU puro nalang panliliit mga binibitawan na salita ng dean samin.

"Baka gusto na nya mag bago" ani zack
"Sipsip sya kamo" iritar na ani benny tapos tumingin kay sir na nakayuko lang
"huh kanino naman sisipsip yun?" tanong ni anton, hindi na kumibo pa si benny.

"May kung ano kay benny" bulong ni june sakin, napatingin ako sa kanya at bumulong rin
"kanina ko pa rin napapansin" sagot ko.

"Pati rin si sir kanina pa nanahimik, pansin ko sa stage kanina mukha syang natatakot, kinakabahan ganun" ani ulit ni june
"ayoko na muna mag salita i mag taning sa kanila mga mukhang wala talaga sila sa mood" sagot ko

"Here uminom ka muna" napatingin kami lahat kay alvin, pati narin si sir
"salamat" tanging sagot ni sir
"prof akina po yang kamay nyo" utos naman ni benny

"Huh bakit?"
"nanginginig pa rin kasi kayo, gusto nyo ba lumabas muna para mas umokay pakiramdam nyo?" may iba talaga kay benny ngayon.

Patayo na sana si sir ng bigla nanamang sumulpot ang dean sa may table namin.
"where are you going?" tanong ng dean
"ah ano po.... napatayo lang may tinugnan po kasi ako dun" kinakabahan nyang ani

"Okay, sit down" binigyan namin sila ng mauupuan, ewan ko ba kung ano trip natong dean, wag nyang sabihing may iuutos nanaman sya pagod na kami.

"Hindi mo man lang ba ako ipakikilala sa kanila" ani mister na nakatingin lang kay sir, wth ano bang meron? etong si benny di maipunta ang mukha, si sir mukhang natatakot, si dean kung maka ngite wags at etong mister nakakatakot tungin nya kay sir.

"Oh by the wa---" naputol ang sasabihin ng dean ng sumingit ang mister
"hon not you... I want to know them ell" nakayuko man si sir ay halata pa rin ang pagka gulat nya, nagtataka lang kaming nakatingin ngayon kay sir.

"Oh bakit napipe kana ba? Gutso ko makilala mga studyante mo ayon kasi sa tita michi mo na ng dahil sayo hindi na pasaway tong mga batang to... Kaylangan ko na ba maging proud sayo dahil magaling kang guro" ani mister, tita? ang dean? Sandali ang gulo ano bang nangyayari ngayon.

"Kinakausap kita ell!" medyo napataas ang tono nya na ikinagulat ni sir
"i-im s-so-sorry pa---? i mean mr yllor" utal utal nyang ani
"mr yllor? nakalimutan mo naba ako kung sino ako?" tanong nung yllor

Parang tumataas ang tensyon dito
"im sorry... students meet m-my father" ani sir na utal pa rin.
Ako, june, anton at zack ay gulat na gulat sa sinabi ni sir pero etong si benny ang sama ng tingin kay mr yllor mabuti't di sya napapansin.

Pero teka father, sya ba yung hinahanap ko? sya ba yung batang nakausap ko noon, sya bayung pinangakuan ko?
fuck sana sya na nga.

Nanatili pa rin kaming nanahimik para pakinggan at pakiramdaman sila.
Oo malaki posibilidad na sya nga yun pero sisiguraduhin ko na munang sya nga, baka may kapatid si sir or wah! basta.

"Nice to meet you all... Im yllor legazpi ang ama ni ell at fiancee ng dean nyo" pagpapakilala nya
"excuse me mr? may usapang pamilya ho ata kayo bakit kailangan nyo pa kaming isali?" matapang na tanong ni benny.

"Masama bang makipag kilala sa mga taong nasa paligid ng anak ko?" sasagot pa sana si benny ng hawakan sya ni sir sa balikat.

"Pa... pwede po bang mamaya na tayo mag usap, excuse lang po mag ccr lang ako" agad agad umalis si sir sa table.
"See may minana rin sayo anak mo" natatawang ani dean.

"No... kaugali nya mama nya... bumalik na tayo roon" ani mr yllor.
"excuse us" ani dean, na tinanguan nalang namin.

"Papa pala ni sir yun? bakit di nya binati kanina pati malinaw kong narinig na magiging asawa nya ang dean?" ani zack
"kaya pala mabait sya kay sir" ani naman ni anton.

"Benny speak now! alam kong may alam ka?" seryosong ani june
"na?" simpleng balik ni benny
"na ama ni sir ang kasama ng dean... may alam kaba about kay sir or sa family nya? may problema ba ang mag ama?" tanong ulit ni june.

"Ey TH ka brad? di porket shunga ako minsan dina ako marunong maki ramdam, pati private yun gaya nga ng sabi ni sir" paliwanag ni benny
"so sinasabi mong wala kang alam?" tanong ni june

"Wala nakita ko kasi si sir kanina na nakatingin sa papa nya tapos bigla nalang ako nakaramdam ng inis kaya ganito ako, feeling ko kasi di maganda dating nya at tama naman ako mukang may di magandang pakikitungo ang ama ni sir sa kanya kaya ganun." mahabang paliwanag ni benny

Matalino tong si june at alam ko na alam nya na di kami kumbinsido sa mga sinabi ni benny.
"hayaan nyo na nga, isa pa pamilya nila yun wag na tayo makisali, baka magalit nanaman si sir" ani anton.

Isang oras pang lumipas ng dipa rin namin kinikibo si benny, ganun rin naman sya samin.
"Hoy mga aso! nakiki problema kayo? umayos nga kayo!" bulyaw samin ni zack, pero wala pa ring umimik samin.

"Mga mukha kayong tanga tayo tayo nalang magkakaibigan oh!" ani naman ni anton.
"guys kung----?!" natigil si zack.

"Alam ko namang di kayo naniniwala sakin diba june at lucky?.." paunang sabi ni benny hindi kami umimik.

"At wala na akong paki alam doon, basta nasabi ko nayung gusto... Kung di talaga kayo naniniwala edi wag, pinipilit ko ba kayo?.... Mauuna na akong umuwi tsaka nyo nalang ako kausapin kapag gusto nyo na, kapag naniniwala na kayo wag kayo mag alala wala naman akong galit o tampo sa inyo" seryosong ani benny
Dahil sa dipa rin kami umimik ay agad syang tumayo para umalis, pipigilan sana ni zack ng umiling si anton.

"Hayaan na muna natin sya, kilala mo si benny diba zack, at totoo yung hindi sya ng tatanim ng sama sa mga kaibigan nya" ani anton
"basta mag usap usap kayo huh! di ako sanay na nag dadramahan kayo...." ani naman ni zack.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Chapter 20 done :)
-Greenite

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top