AOL:Pencil 17

Michi's POV:

Nasaktan ako sa mga sinabi ni ell kaya ko nagawa ang pananampal sa kanya, nabigla lang naman talaga ako.. Ayoko talagang gawin yun dahil anak sya ng taong mahal ko, alam kong may alitan ang mag ama kaya pinipilit kong maayos na pero mahirap din pala, anak narin ang turing ko sa kanya kahit di nya ako matanggap.

Naiintindihan ko naman si ell kaya sya ganun dahil simula pagka bata nya ay walang magandang pakikitungo ang ama nya sa kanya, walang inang nag aruga sa kanya. Kilala ko sya dahil narin sa mga taong may koneksyon sa kanya.

"Bakit sinaktan mo si ell!" sigaw sa kabilang linya ng pinsan ko.
"nabigla lang ako, kung ano anu kasing masasakit na salita ang sinabi nya sakin" mahinahon kong sagot.

"Nasaktan ka? sabagay tama naman pinagsasabi ni ell hahaha" pangaasar nyang ani, Sinamaan ko naman ng tingin si adon na napayuko nalang sakin alam ko namang sya ang nagsabi sa hayop at bakla kong pinsan, dahil alam din nito ang kayang gawin sa kanya mg taong yun.

"Sa susunod na saktan mo sya o kahit pa ng magiging asawa mo pag sisisihan nyo yun!, diko na hahayaang saktan ng walang kwentang ama nya si ell!" halata naman siguro na dahil bakla nga ang hayop kong pinsan ah patay na patay sya kay ell.

"Isa pa nga pala maganda ginagawa mong plano ngayon, sa iba sya natutuon... Yang si yllor libang libangin mo rin para ang lemlie legazpi nalang ang poproblemahin natin"... "sige na galingan mo pang umarte para naman tuloy tjloy na akong matuwa sayo!" end call..

Sa totoo ayoko naman talagang gawin mga inuutos nya pero ayokong may mangyaring masama sakin, kay yllor pati narin sa kapatid ko na ipinahahanap nya, dahil bago pa ako magpaka alipin sa kanya ay nailayo ko ang kapatid ko, ayokong matulad sya sa miserableng buhay ko, sya nalang ang natatangi kong pamilya..

Kilala ko ang pinsan ko hindi sya basta basta lang nag babanta, ayokong may mawala pa sakin dahil sa kagagawan nya.masbuti natong sumunod ako sa kanya kaysa may masaktan o mamatay.

Ang pinsan ko simula ng mga bata pa kami utus-utosan na nya ako, pati narin ang buong pamilya ko..
Wala kaming magawa sa kanila dahil nakakaangat sila samin, yung tipong kayang kaya nilang baliktarin ang tama sa mali, kayang kaya nila bumili ng tao at higit sa lahat kayang kaya nilang pumatay ng tao.

"Pasensya kana michi, maintindihan mo sana." napa bugtong hininga nalang ako
"sige pasensya kana rin adon" kahit naman sunod sunuran rin sya sa pinsan ko sakin pa rin naman kumakampi dahil sa kaibigan ko rin sya, pinangungunahan lang talaga sya ng takot, hawak kami pareho ng pinsan at tiya ko sa leeg.

"kamusta nga pala kapatid ko?" alam ko kung nasaan at kilala namin ni adon ang kapatid ko. Sya ang tumitingin sa kapatid ko dahil bantay sarado ako ng pinsan ko.

"Gaya ng nakaraan maayos naman sya, mas masaya sya ngayon alam mo naman diba kung bakit." paliwanag nya.

"Hindi ko alam adon kung ano kahahantungan nito, oo nga't nakikita kong masaya kapatid ko pero habang tumatagal, sya ang lumalapit sa kapahamakan" pag aalala kong ani

"Michi hanggat tayo lang nakakaalam nito ,mapoprotektahan pa natin sya.. Wag kang mag alala okay."
"natatakot ako adon" maiyak iyak ko nang ani sa kanya
"bakit kasi hindi ka humingi ng tulong kay sir yllor, alam ko may magagawa sya".

"Hindi! ayoko! ayoko adon baka masaktan sya, pati narin ibang taong gusto kong protektahan, natatakot ako adon ayoko na ulit ng may mawala mg dahil sakin, nawala na mga magulang ko.... Ayoko na ulit.. ayoko na" umiiyak kong ani
Niyapos nya ako at hinahaplos ang likuran.

"Sa tingin mo ba yang ginagawa mo di mo masasaktan mga taong mahal mo?"napakalas ako sa akap nya
"michi kung puro takot yang uunahin mo, baka ayan pa mas makapag pahamak sa mga mahal mo, akala mo ba kapag nakuha na ng pinsan mo ang kumpanya ng mga legazpi titigil na sila sa kasamaan nila? Hindi si ell ang pinaka maiipit dito" adon

Umiling iling lang ako, habang umiiyak.
"Alam mo na mga pinagdaanan ng bata, sana man lang mapag bigyan mo syang sumaya. Sigurado ako na alam mong hindi rin papayag ang pinsan mong hindi mapa sa kanya si ell" ani adon

"Intindihin mo nalang ako adon, kung ang paraan lang ay ang mapunta ang kumpanya ng legazpi at si ell sa pinsan ko gagawin ko yun para sa kaligtasan ng mga taong mahal ko" pahikbi hikbi kong ani.

"michi maiiligtas mo nga mga mahal mo pero may isang tao kang sobrang masasaktan, isasakripisyo mo ang taong yun sa demonyo mong pinsan? maawa ka naman sa tao" hindi ako nakakibo sa sinabi nyang iyon.

"sana mapag isipan mo na itong mabuti, dahil baka sa huli pag sisihan mo pa ito lalo, oo si ell ang mas mag hihirap dito pero napaisip ako ngayon na pati ang mga taong nagmamahal sa kanya maari ring masaktan." adon

"Hihintayin kong makapag desisyon ka ng tama pero sana michi hindi mo patagalin" huli nyang ani bago magpaalam na uuwi.








Nakauwi ako sa bahay na parang wala sa sarile, ni pag pansin nga sa katulong namin diko nagawa.
Dumeretso ako sa kwarto namin ni yllor para makapag pahinga na.

"Hon... hon.." nagising ako sa pagtawag ni yllor, nakaupo sya ngayon sa gilid ng kama
"masama ba pakiramdam mo? sabi ni manang hindi kapa raw kumakain? napansin rin daw nya para kang lutang? may problema kaba?" tuloy nyang ani.

"hon" bati kong nakangite bago humalik sa kanya "pasensya na hehe medyo pagod lang, kumain kana ba?" pag iling lang ang sagotnya sakin.
"kumain na muna tayo at may pag uusapan tayo" seryoso kong ani.
"kinakabahan naman ako hon" hindi ko na lang sya inimik.

After naming kumain ay agad kaming dumeretso sa kwarto.
"ano bang pag uusapan natin hon?"
"gaano mo ba ako kamahal?" seryoso at naka titig lang ako sa mata nya.
Hindi sya agad nakaimik.

"Hanggang ngayon ba si ma'am ella pa rin nasa puso mo? yllor hanggang kaylan mo ipaparamdam sakin na isa akong panakip butas lang sa pagka wala ni ella? apat na taon na tayong nag sasama pero hanggang ngayon umaasa pa din akong ibabalik mo sakin ang buo mong pag mamahal kagaya ng ibinibigay kong pag mamahal sayo" umiiyak kong ani, hinihintay kong may sabihin sya pero wala ata syang balak mag salita.

"Naiintindihan ko na, sige tapusin na natin tong usapan nato!" pahiga na sana ako sa kama ng kausapin ko sya ulit.

"Sya nga pala yung sinabi ko sayo tungkol kay ell... Aattend ka ng party at hahayaan mo syang gawin ang gusto nya! Alam kong guilty ka ngayon dahil sa pag papaasa mo sakin kaya kung gusto mong makabawi gawin mo ang sinasabi ko sayo..."

"Hindi pwede!" sigaw nya sakin
"nababaliw kana ba?! bakit ganun ka sa anak mo! sa tingin mo natutuwa si ma'am ella sa pinag gagawa mo sa anak nyo? Hindi! maawa ka naman simula pagka bata pag mamalupit at di pag tanggap ang pinakikita mo sa kanya!" bulyaw ko, oo wala akong karapatan mangialam sa kanila pero dito lang ako makakabawi kay ell, Ayoko pang sabihin ang tungkol sa pinsan ko dahil sa labis pa rin ang takot ko.

"pwede ba michi wag mo idinadamay ang wala kong kwentang anak sa usapang to!" bulyaw nya sakin, tarantado din to kung minsan eh, sarile nya anak pinahihirapan nya at kinakalaban nya ang ama nya.

"pwes! etong singsing mo humanap ka ng babaeng mas tanga sakin at pakasalan mo!" nanlaki naman ang mata nya
"seryoso kaba?! tignan mo ng dahil lang sa anak ko umuurong kana sa kasal!".

"Wag mo sisihin ang anak mo dahil ikaw! ikaw ang may kasalanan kung bakit tayo ganito! mag tu-26 years nang wala si ma'am ella! sana man lang maka move on at magpatawad kana!.... Actually dapag ikaw humingi ng tawad dahil wala namang kasalanan si ell!" bulyaw ko rin sa kanya.

"Lumabas kana rito!" sigaw ko ulit sa kanya, wala naman akong pake kung bahay nya to.. Hindi sya kumikilos at naka titig lang sakin.
"kung ayaw mo ako nalang ang lalabas!" nakailang habang na ako papalabas ng kwarto ng akapin nya ako sa likuran.

"Im sorry hon... Sige na gagawin ko na gusto mo... pleas ayokong ganyan ka sakin... Oo hindi pa ako nakaka move on kay ella pero mahal talaga kita" ihinarap nya ako sa kanya.

"Ang totoo nakikita ko si ella kay ell, imbes na matuwa kasi ako ay galit nandito sa puso ko, galit dahil sa iniwan nya ako ng ganun ganun lang, Alam mo kung gaano ko kamahal si ella." paliwanag nya

"Ayun naman pala yllor, dapat nga mas mahalin mo si ell.. Wala syang kasalanan isipin mo na ang desisyon noon ni ma'am ella ang nakapag pasaya sa kanya kahit sa huling sandali ng hininga nya".

"Hindi ko maintindihan rin ang sarile ko hon, mas nauuna sakin ang galit."
"Anak mo si ell itatak mo yan sa isip mo! biyaya sya mg diyos sa inyo... Pleas lang yllor pakitunguhan mo ng ayos si ell, dahil kung hindi mawawala ako sayo ng tuluyan".

"Pipilitin ko" yung mga tipo nya ang sarap iumpog sa pader
"gawin mo!" huli kong ani bago humiga sa kama at nag talakbong mg kumot.
Tumabi sya sakin at nag lalambing, pinag bigyan ko na dahil hindi rin ako makatiis na magkagalit kami.

Mahimbing na natutulog si yllor habang ako ay puyat sa kakaisip kung ano bang gagawin kong desisyon, Tama lahat ng sinabi ni adon..
Kay mr lemlie ako hihinge ng tulong, alam ko kasing wala rin namang magagawa iyong si yllor sa mga pinsan ko.

Pero paano bantay na bantay samin ang pinsan ko, lalo na ang tiya ko.
Nakatuon atensyon ni yllor sa ama nya akala nya ay syang kalaban talaga, nauuna talaga galit nya kaysa sa gumising sa katotohanang makakatulong sa kanya at sa pamilya nya, nabubulagan sya sa kadahilanang napakataas ng pride.
Hindi alam ni yllor na ang nakapaligid sa kanya ay mga taong di dapat pagka tiwalaan sa kumpanya nya.

Base sa sinabi ni yllor sakin may plano ang ama nyang agawin ang kumpanya nya, ewan nga bakit kailangan pa nila mag-agawan imbes na mag tulong tulong nalang na mas mapaganda pa takbo nito..

May isang malaking kumpanya si yllor dito sa pilipinas at ilang mga sikat na gallary.
Pero mas malaki at marimi naman hawak na kumpanya at gallary ang ama ni yllor sa america, isa syang napaka galing na artist at isang matalinong tao, napakabuti nya ring tao.

Si ell ang batang iyon, para syang lolo nya at ang ina nyang si ma'am ella, kahit na di nya ko pinatutunguhan ng ayos ay ang kabutihan din ng loob nya, matalino at napaka husay ring guro at artist..

Dahil sa pagod at pag iyak kanina pinilit ko nang matulog, dahil maaga pa ang trabaho bukas.



-------



Someone's POV:

Umaayon lahat ng plano ko sa pag agaw ng kumpanya mula kay yllor.
Ang tanga kong pinsan oo ngat nakakatulong kahit papano pero wala pa rin akong tiwala sa kanya, ramdam ko may pinaplano ang taong yun laban samin.

Subukan nya! alam naman nya siguro mangyayari sa kanya at kay yllor, peste lang hindi ko pa rin mahanap ang kapatid nyang pinaka pinoprotektahan nya.
Malaman ko lang kung nasaan yun, titiyakin kong pahihirapan ko rin sya.

"Son maganda na takbo ng plano mo, mapag hihiganti na natin ang ama mo sa lemlie legazpi nayan. Hindi man sa kanya mismo natin magagawa atleast alam natong pamilya nya mahihirapan" ani mama na katuang ko sa mga plano ko para makuha ang kumpanya ni yllor.
Hindi ako umimik at tinignan lang sya.

"Son tandaan mo hindi ko pakikialaman yang anak ni yllor, oo wala syang alam dito pero once na makialam yang anak ni yllor hindi ko maiipangako sayong hindi sya masasaktan" bigla kong pinangunutan ng noo ang ina ko.

"Ma! wag si ell.... Gawin nyo gusto nyo sa legazpi pero wag sa taong gusto ko!" wala akong pake kung kabastusan tong pag sigaw ko sa kanya, dahil ayokong may nananakit sa taong mahal ko.

"Ang daming iba dyan, isa pa lalake sya!" bulyaw nya rin sakin
"ayoko! si ell ang gusto ko! bahala na kayo sa gusto nyong gawin, oo tutulong ako pero sinasabi ko sa inyo kapag may nangyaring masama kay ell ng dahil sa kagagawan nyo, hindi ako mag dadalawang isip na kalabanin kayo!" huli kong pag sigaw bago sya iwan, hindi ko na inintindi ang pag sigaw nya dumsretso ako sa kwarto at nag kulong.

Ang totoo ina ko lang naman ang gusto mag higanti sa lemlie nayun na dahilan ng pagka matay ng ama ko.
Sabihin na nating may kasalanan rin ang ama ko, pero sobrang ipinahiya nya ang ama ko sa ibang tao.
Ipinag diinan ni mama sa utak ko na dapat pagbayaran ni lemlie ang ginawa nya.

Inatake ang papa ko dahil sa pagpapahiya nya, hindi pa sya nakuntento dahil pati natitirang yaman namin ay kinuha nya.
kaya hindi ko masisisi ang mama ko kung bakit sya galit na galit kay lemlie, kaya kahit ang pamilya ni lemlie na walang alam doon ay nadadamay na.

Napaaisip rin ako ngayon kung maagaw namin ang kumpanya ng ama ni ell, paano nalang kapag nalaman ni ell kamumuhian nya ako ng sobra.
Hirap na hirap rin akong umamin sa kanya dahil ang daming taong nakapaligid sa kanya, naisip ko nga sapilitan syang makuha kaso mukang mahihirapan talaga ako.

Ang taong yun kaya siguro hindi mahirap mahalin dahil sa ipinakikita nya, hanga ako sa kanya dahil kahit na anong sama na ginagawa ng ama nya sa kanya ay nakakangite at nakakapagpa saya pa sya ng ibang tao, nakakatulong sa iba.

Oo alam ko mga bagay bagay na tungkol sa kanya dahil nga sa pinsan kong si michi, at dahil narin sa stalker nya na ako since ng pangalawang beses ko syang nakita..

Nung una masama talaga pagkikita namin pero hindi ko maintindihan kung bakit sa ikalawang pagkakataon hindi ko nagawang magalit sa kanya, imbes na kamuhian ko sya ay iba naramdaman ko.

I know weird at pinandidirihan ng iba ito pero ganito na talaga siguro ang love.
Yung wala kanang magagawa kahit lalake, babae o mukhang alien pa minahal mo.





Nagising ako dahil sa pagkalakas na katok sa pinto ng aking kwarto, bumangon ako para tignan kung sino.

"Tang*na mo kanina pa ako tawag ng tawag sa cellphone mo dimo man lang sagutin!" bulyaw ng kaibigan ko
"gago kung maka sigaw ka dito sa bahay namin akala mo pagaari mo rin to!" bulyaw ko pabalik.

"Kupal ka kasi! ang tino ng usapang magkikita kita dahil sa maraming gagawin tapos eto ka natutulog!" bulyaw nya ulit, tumungo ako pabalik sa kama at dumampot ng una at ihinagis ng pagka lakas sa mukha nya.

"Tang*na problema mo?!" ibinato nya pabalik sakin ang unan, na agad ko namang naiwasan.
"kumalma ka nga! alam mong kapag saturday pagod ako.. Hindi ko naman pwede hindi pasukan ang trabaho ko dahil sa loob ng isang linggo isang araw lang ako nakakatulong sa kumpanya ni mama!" Nasabi ko kaninang kinuha ni lemlie ang lahat ng pagaari namin, pero dahil determinadong makaganti at makaahon si mama ay nag sumikap syang bumangon ulit....

"Alam ko naman yun pero sana na alala mo man lang gagawin natin. Siguro naman nakikita mong nahihirapan si sir ell dahil sa rami ng ipinagagawa ng dean! kaya kung gusto mo makatulong, mag ayos kana at tutulong na tayo gumawa ng dapat gawin" utos nya.

Bigla tuloy ako nakaramdam ng awa, peste utos ko rin kasi iyon sa pinsan ko para hindi nakakausap ni ell ang lemlie nayun.

Ayon sa pinsan ko may pi aplano yung lemlie sa kumpanya ni yllor, hindi namin alam kung masama ba o makakabuti.
Hindi rin kasi magka sundo ang mag amang iyon, bahala na hindi pa din ako papayag na masira plano namin.
Bahala narin siguro kung anong mangyayari kapag nalaman ito ni ell.

Itutuloy ko na ang plano, kaylangan komg tiisin si ell para sa mama ko.
Ang kailangan ko lang ay wag hayaang masaktan ni mama si ell ng pisikal.

"Oo na lumabas kana at mag bibihis lang ako saglit!" agad naman syang lumabas at padabog isinara ang pinto.

Nagbihis agad ako para makatulong sa gagawing design ng senior grand ball next week, tama kayo ng basa nag aaral pa ako at si ell ang professor ko.

Dali dali akong bumaba, ng mapansin kong nakakunot ang noo ng kakbigan ko.

"Tara na! hindi ako mag dadala ng sasakyan sa kotse mo tayo." tumingin sya sakin at umiling na ewan.

"Umamin ka nga may sinasabi kabang masama sa mama mo tungkol kay sir?" nakakunot noo nyang tanong habang nag mamaneho.
"huh? wala bakit?" taka kong tanong.

"Kasi kanina nung nagbibihis ka kinausap nya ako, na wala raw magandang maiituro satin si sir" ani nya
"h-huh? ewan ko dun sa mama ko, baka binibiro ka lang" tumigil ang sasakyan dahil sa medyo traffic, tumingin sya sakin.
"pagkakakilala ko kay tita di sya marunong mag biro, palagi syang seryoso" tama naman sinabi.

"Ewan ko hayaan mo na nga sya! pati di naman totoo sinasabi ng mama ko, tignan mo hindi lang tayo nag aayos ng pag aaral natin, di lang tayo ang tumino tino pati narin ang iba nating kaklase" sagot ko.

Bumalik na ang tingin nya sa harap at nag maneho "nakakapag taka lang kasi" bulong nito sa hangin habang iniiling iling ang ulo.

Nakarating kami sa AU at dumeretso kung nasaan sila ell.
Nang makabati kami ay agad narin nya kaming binigyan ng gagawin.

Tinitignan ko sya ng palihim, halata sa kanya ang pagod na ako ang may gawa.
Kumuha ako ng bottled water at ibinigay sa kanya.

"Eto po!" tinignan nya muna ang hawak ko bago kunin.
"salamat" naka ngite nyang ani.
Napangite nalang din ako.
Eto nanaman yung mga langgam na nag mamarcha sa dibdib ko, makita ko lang ngite nya kumakabog ng malakas tong puso ko.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Finally nakapag UD rin ang lola alien nyong author, ituloy tuloy nyo pa rin ang pagbabasa at pag boto... SALAMAT :)

Chapter 17 done.
-greenite

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top