AOL:Pencil 16
Ell's POV:
Hindi ko maintindihan sa dean nayan bakit ako ang kailangang mag hirap sa gaganaping senior grand ball na darating,pumayag na nga akong maging mc gusto nya ako rin mag isip ng concept, o kung hindi naman daw ako gagawa ng design.
Mukha bang ako lang mahusay sa art? anak ng nuno naman talaga, ano ganap ng ibang professor maki party lang..
Hindi ako mag hihimutok ng ganito kung tutulungan nila ako, pero nag usap usap kami ako lang daw talaga ang bahala, sila tulong tulong sa pag aarange ng makakain. Ano to lokohan! kayang kaya nilang magpa catering buset!.
"Pag pasensyahan muna kami, jiho ikaw lang talaga aasahan namin dito... sige kami na sa concept sabihin mo nalang samin ang gagawin mong design's, drawing ect.." ani dean yung totoo tinatamad lang kayo diba?!
"Sige pero hihiling po ako na tulungan ako ng klase ko para di ako masyadong mahirapan" ang klase ko sabihin na nating mahirap makatanda ng mga history about arts pero maasahan naman sa pag dedesign, yung nakaraang group project namin diko inasahang ang ganda ng kalalabasan ng pinag tulong tulungan nila..
"sure mas okay nga yun" ayun tinatamad silang tunay, imposibleng wala silang magagawa sa bagay bagay about sa ball, tanga nalang maloloko nila! Hindi sila mapupunta dito sa AU kung wala silang kaalam alam sa arts.
Tamad sila fine, makaka ganti rin ako sa kanila lalo na sa dean hahaha.
"pwede na kayo bumalik sa kanya kanya nyong room" huling ani dean.
Agad naman akong bumalik sa room, hindi na muna ako mag tuturo tutal malapit na lunch break.
"Class alam nyo nanaman parating na ball nyo diba?" tumango sila sa tanong ko
"ganito dahil sa tinatamad lahat ng professor's para tulungan ako, sa inyo sana ako hihinge ng tulong.... design lang naman gagawin natin, sila na daw kasi bahala sa concept basta babagay sa gagawin nating design" patuloy ko
"sir abstract po ba?" tanong ni lezter
"maumay kayo class, ang daming pwedeng gawin nandyan visual art, decorative art ect." alam ko naman lahat sila gustong gusto ang abstract pero kailangan may maisip naman sila na maganda pa.
Dito sa AU hindi isa o dalawa lang pinag aaralan, dahil mula sa pinaka basic hanggang sa pinaka mahirap na tungkol sa arts pinag aaralan dito.
Karamihan ng nag tatapos dito kilala sa pilipinas at sa ibang bansa.
Kaya kilalang kilala rin itong university nato noon, nung matitino pa studyante pero ngayon karamihan ng nag aaral dito kung di kalokohan ang alam, puro pag lalaro lang inaatupag.
Nakakasigurado ako na iilan lang ngayon ang sisikat sa kanila bilang artist.
"Sir pinabibigay ni mama" ani june at inabot ang isang box na cupcakes
"nako may padala nanaman si mama, kakahiya na hehe pero pasabi salamat" nung nakapag kweto ako kay madam at sinabi nyang ituring ko syang ina halos araw araw na nya ako pinadadalhan ng cupcakes, hindi ko alam kung bakit kailangang araw araw nya ko padalhan pero salamat narin parang nakakatanggal ng pagod at stress kapag nakakakain ako ng cupcakes na gawa nya, gusto nya rin tawagin ko syang mama hehe.
"sige po" bumalik na si june sa inuupaan nya at nakipag kwentuhan kala lucky.
Lunch break, sa office kami ng dean kakain ewan ko ba anong trip nitong dean at may pausong ganito.
Ipinamahagi ko sa kapwa ko professors yung cupcakes, diko rin naman mauubos sa rami.
"Anak eto ipinag luto kita" ani dean bago ako inabutan ng kaldareta, imbes na sa kanya ako tumingin ay napatingin ako sa ibang professor na narito, na nakatingin rin pala sakin.
Ningitian ko nalang sila at bahagyang yumuko, nahihiya ako promise alam naman nila na magiging step mother ko itong dean pero ayoko ng ganitong pakikitungo nya sakin, naiilang ako at hindi ko alam bakit pakiramdam ko dapat akong hindi makipag mabutihan sa kanya.
"Kumain ka ng marami, alam mo bang gustong gusto yan ng papa mo" dagdag nyang ani.
"salamat, ako nalang kukuha... kumain nalang din kayo" medyo malamig kong sagot, ayoko naman na mag pakita sa kanya ng kaplastikan..
"s-sige" bumalik na sya sa pagkain nya.
Matapos naming kumain ay naiwan ako dito kasama si ms adon, kakausapin daw kasi ako ng dean. Hinihintay ko nalang sya dahil mah kausap sa telepeno.
Habang nag hihintay ako sa dean ay syang pangungulit sakin ni ms adon, tinatanong nya ko ng tinatanong kung may girlfriend nako, sinabi ko nalang na oo! bakit? aba ipapa-date nya daw ako sa pamangkin nya, duh! nakita ko nayung pamangkin nya mukhang adik lang promise at ayokong ayoko dahil kababaeng tao naninigarilyo, hindi naman sa mapang husga pero ganun nakikita ko sa kanya... Ayoko makipag kilala o makipag malapitan sa taong, alam kong hindi ko makaka sundo!..
"sorry anak late kana tuloy makakapag turo, btw guato ko lang sabihin sayo na ang papa mo ay makakasama natin sa ball" hindi ko sya inimik, hinayaan ko nalang sya pag patuloy kung anuman sasabihin nya.
Base sa pagkaka intindi ko bawat isang studyante pwede mag sama ng isang person, pero nasa kanila narin kung mag sasama sila o hindi...
Alam ko namang dadalo si papa dun, ang pinoproblema ko ngayon kung paano ako kikilos ng normal, paano ako mahahandle ng maayos yung party lalo't isa ako sa MC, at ang huli natatakot ako sa pwede nyang gawin, bakit? kaarawan lang naman ng pagka matay ng ina ko ang gaganaping ball, napaisip nga ako di kaya sinasadya nila? pero ano bang magagawa ko ang pumayag dahil isa lang naman akong nag tatrabaho sa AU.
"anak wag kang mag alala nakiusap ako sa papa mo na, wag kana nya...." natigil sya, dahil sa pag sabat ko bigla, alam ko nanaman gusto nyang sabihin.
"as if naman papayag ang ama kong hindi nya ako saktan? paihayin sa harap ng mga tao? at paluhurin habang pauulit ulitin nya akong pahihingi ng tawad sa nawala kong ina." walang gana kong ani, nag titigan lang kami ng ilang sigundo bago sya ulit mag salita.
"Alam kong mga pinagdaanan mo sa ama mo kaya nakiusap ako sa kanya na wag nya gawin sayo yung mga ganun... Maniwala ka sakin na ngako syang dina nya gagawin sayo yun." kung makapag salita to akala nya alam nya lahat ng pag hihirap ko.
"Seryoso kaba? si papa mapapa sunod mo? alam mo sa totoo matalino yang ama ko... Hindi ko alam kung ano ba nakita nya sayo para ipalit sa mama ko" nanlaki naman ang mata nya at napayuko ng bahagya
"Wala naman akong nakikitang espesyal sayo, oo ngat dean ka dito pero hindi pa rin magaan loob ko sayo" iniyukom nya ang mga kamay nya, ng mag sasalita pero inunahan ko sya.
"Gaya ng una kong sabe wala nanaman akong pake kung mag papakasal kayo, ang akin lang wag nyo na akong pakialamanan, wag mong ipilit na magkakaayos kami ni papa, oo gustong gusto ko yun pero sa pagkakakilala ko sa papa ko malabong mangyari yun... Isa pa nga pala wag po kayong masyadong mag assume na dahil mag papakasal kayo eh ituturing na kitang ina...." mas mabuti nang sabihin ko sa kanya saloobin ko tungkol sa kanya kaysa makipag plastikan pa sya sakin.
"Hindi ko akalain na ganyan ka pala... Ako na itong lumalapit sayo, ako na itong tumutulong para mapag ayos kayo" impit nyang ani, mukha kasi syang maiiyak na
"Hindi ko kailangan ng tulong nyo, kung talagang titigilan na ni papa pagpapa hirap sakin, mag kukusa sya at hindi kailangan ng tulong ng ibang tao... Wake up dean! dimo ba napapansin ginagawa kalang panakip butas ng ama ko! mukha ngang ikaw pa habol ng habol sa kanya... Di nyo ba pansin hanggang ngayon nananatiling mahal ng ama ko ay ang mama ko!" tuluyan na syang naluha, tumayo sya sa pagkakaupo at diko inaasahang sampalin nya ako.
"Napaka bastos naman pala talaga ng bibig mo, sige wag mo akong tanggapin may magagawa paba ako dun? wala na diba!.
Sana kung dimo ako matatanggap, wag mo naman yung babastusin pa ako! At kahit ano pang sabihin mo itutuloy kong magpakasal sa ama mo" galit at umiiyak nyang ani, drama tsk!
"palalampasin ko pag sampal nyo sakin pero once na lumapad ulit yang mga palad nyo, pag sisisihan nyo yun! Sorry kung na offend kayo sa mga sinabi ko pero yun ang totoo... pleas excuse me" hindi ko na hinintay ang sagot nya tinalikuran ko na sya, nakita ko si ms adon mukhang naawa kay dean.. Nang mapatingin sya sakin ay agad ayang napayuko..
Oo na bastos nga bunganga ko, eh sa ayun ang gusyo kong sabihin! Nasabi ko na ng ilang beses na hindi magaan loob ko sa kanya, wala akong tiwala sa babaeng yun.
Bumalik ako agad sa room dahil late na ako ng 30 mins sa pag tuturo, baka mag alala nanaman sakin mga studyante ko.
Yung mga yun mga maalisyoso pa naman, mga tamang hinala.
"Sir san kayo galing?" tanong ni beks
"May pinag uspn lang kami ng dean" sagot ko, tumayo naman si anton at lumapit akin, inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko at para bang kinikilatis nya isang parte ng mukha ko.
"Aray! Aray!" reklamo ni anton, hila hila ni june ang buhok nya palayo sakin.
"Anong ginagawa mo anton?" gigil namang tanong ni lucky.
Hinawi naman ng pagkalakas ni antong ang kamay ni june, bago nya itinulak pag mumukha ni lucky, lumapit sya ulit sakin.
"Mga asong to napaka seloso!" sigaw nya sa dalawa, akmang lalapit yung dalawa ng pumunta si anton sa likuran ko.
"sir oh" sumbong nya, tinignan ko nalang yung dalawa na agad na napatigil sa kanila
"sir napaano yang pisnge nyo ang pula pula" alalang tanong ni lucky
"gago ayan kasi tinitignan ko!" si anton
"eh bakit kailangan ang lapit pa ng mukha mo" iritar namang tanong ni june.
"sa gusto ko eh!" anton, sasagot pa sana si june ng pigilan ko na.
"ah eto ba, may tumama lang na kung ano dito" pag aisinungaling ko
"alin sir? kamay?" tanong ni lucky, dina ako naka sagot
"sino may gawa nyan sa inyo sir? mukhang may galit sa inyo? tignan nyo sa salamin pumantal yung kamay sa pisnge nyo" si lucky, hiniram ko ang salamin ni jennie para tignan, at oo nga namantal kaya pala ang sakit na parang makati..
Hindi ko na natignan kanina kakamadali ko makabalik sa room..
"Si dean?" napalunok nalang ako sa sinabi ni beks
"si dean nga ba sir? bat nya gagawin sa inyo yun?" tanong ni june, dahil sa hindi ako sumasagot tuloy tuloy lang sila sa pag tatanong.
"Oo na si ms michi may gawa nito! At kung mag tatanong kayo kung bakit? hindi ko sasagutin yan! Ngayon kung ayaw nyo akong magalit, wag na kayong mag tanong! wag narin kayo mag isip tungkol dito.... Kayo umupo na kayo may pag uusapan tayo tungkol sa gagawin nating design, may naisip nako." Mga nakipag titigan muna sila sakin bago sumunod.
Mabuti naman at hindi na sila nangulit.
"Nasabi ko na sa inyo na tayo ang gagawa diba ng design... Aassign ko limang tao sa iaang grupo para marami tayong magagawa..... Anime at cartoons ang gagawin natin like one piece, dragon ball, mickey mouse ect... So ang magiging tema ng party is a costume party na aangkop syempre sa mga design's na gagawin natin... Tingin ko papayag nanaman ang dean dito dahil kung hindi bahala na syang mag isip ng gusto nya, hahayaan ko narin sya ang gumawa ng lahat mapa MC payam o sa pag dedesign, gusto ko sana makatulong rin ibang section kaso mukang satin lang talaga sila umaasa" paliwanag ko.
Gustong gusto naman nila yung ideya ko dahil lagi nalang naman daw black suit at gown sinusuot nila kapag may party.
iginrupo ko sila sa lima, may kanya kanya silang gagawin like sa isang grupo drawing, tas sa isa abstract ect.
"dahil sa wala ako sa mood mag turo, sasama kayo sakin sa venue para alam nyo at hanggang ilan lang gagawin nyo."
Mga tuwang tuwa naman sila sa sinabi ko.
Pinag hintay ko muna sila dahil mag papaalam ako sa dean sasabihin ko narin naisip kong tema ng party.
Ayoko sanang makita pag mumukha nya ngayon dahil bwiset ako sa ginawa nya kaso no choice sya dean dito, bahala na para naman to sa party.
After ng usapan namin ng dean ay isinama ko na mga studyante ko kung saan gaganapin ang party, diko akalain na parte pa pala to ng AU, di naman kasi ako inilibot dito ni ms adon kaya akala ko di kalakihan tong AU..
Sa bagay ginagamit lang daw nila to kapag may party, minsan activities o graduation.
Tinulungan nila akong isipin kung saan saan ipupwesto mga design, tutal alam naman nila mag arrange ng samu't sari sa party.
Diko nga akalain na dilang pala sila mahilig sa art pati narin sa pagiging party planners.
Nasabi sakin ng dean na hindi sila kukuha ng tao para mag ayos ng party, mga studyante na daw bahala doon.. Ang gagawin nalang talaga nila ang kumuha ng mga tao para sa catering.
Iba trip nitong dean eh imbes na mag enjoy lang mga ga-graduates, papahirapan muna nila..
Tamad na nga sila, pahirap pa! gawain nila sa studyante at sakin napunta.
Parang feeling ko tuloy ngayon sinasadya nya akong pahirapan,yung feeling na kaya ayoko sa kanya dahil ayaw nya rin sakin, oo alam ko nagpapakita sya ng magagandang bagay sakin pero hindi ko alam bakit ba ganun pakiramdam ko sa kanya.
"Class tara sa cafeteria ililibre ko kayo"
ani ko, sa pangatlong pagkakataon nag hiyawan at tuwang tuwa sila sa sinabi ko.
Pinanindigan ko nang di magturo, isang oras nalang naman tapos narin ang klase.
Nagpaal naman ako sa dean pero bahala na kung magagalit sya dahil di ako nagturo.
Pasakay na sana ako sa kotse ko ng tawagin ako ng lima kong gwapong studyante hehe yaan nyo na minsan ko lang sila purihin.
"Oh anong meron?"
"okay naba yang pisnge nyo?" tanong ni june, hinimas himas ko muna ang pisnge ko bago tumango.
"umamin nga kayo samin prof meron kayong relasyon ni ms dean diba?" bahagya akong napa nganga aa sinabi ni benny.
"hala si sir di maka sagot, totoo ba sir? may relasyon kayo ni ms michi?" dagdag na tanong ni anton
"meron yan! siguro nag away sila kaya sya nasampal" singit naman ni zack.
Napatitig nalang ako sa tatlo bago tumingin kala june at lucky.
"HAHAHA!" ewan bakit nakisabay tong si lucky at june sa pagtawa ko, pero baka naisip din nila na isang malaking joke pinag sasabi ng tatlong ugok nato.
"hala anong meron?" tanong ni zack
"si ms michi tas si sir? ano to lokohan? hindi dila bagay hahaha" natatawang ani june
"isa pa nasabi na ni sir dati na di nya type ang dean" natatawa ring ani lucky.
"buti pa tong dalawang to alam sagot sa tamong nyong tatlo hahaha... Jusko kahit sya nalang matirang babae sa mundo hindi ko sya magugustuhan..." natatawa kong ani, na sinundan ng tawa nila lucky.
"eh bakit nga kasi kayo sinampal ng dean?" seryosong tanong ni anton, seryoao na silang naka tingin sakin lahat.
"Hindi ko naman kailangan sagutin yan, alam ko namang nag aalala kayo sakin at alam ko ring dakilang mga tsimoso kayo pero kung ano man ang dahilan ko sa akin nalang yun... Sa totoo lang hindi naman sa lahat ng pagkakataong may problema ang isang tao kailangan nya ipaalam sa iba lalo na't kaya naman nya gawan ng paraan yung sarile nyang problema." paliwanag ko sa kanila.
Natahimik naman sila, mukang nainyindihan naman nila sinabi ko.
Alam kong sadyang makukulit to at tsimoso pero nakikinig naman sila lalo na sakin.
"Umuwi na tayo, sana huli nyo nang pagtatanong yan about kung anong meron samin ng dean." tumango nalang sila.
Nauna na akong sumakay sa kotse ko, para makauwi na.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Chapter 16 done.
-greenite
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top