AOL:Pencil 15
Dahil sa medyo sinipag ako mag type, umuso sakin ang mag update 😁
uulit ulitin ko lang maring salamat po sa patuloy na nagbabasa ng AOL :)
labyah all 😘
Ell's POV:
Araw ng sabado ngayon kaya tamad na tamad akong bumangon, at isa pa sobrang sakit nanaman ng ulo ko peste...
Wala akong matandaan sa mga nangyari kagabi, ang sabi lang sakin ni kenn sa sobrang kalasingan sinaktan ko sya pati narin sila june at lucky tapos nun naka tulog na raw ako, pero feeling ko may iba pang nangyari kagabi..
"Mag kape kana muna, pampabawas dyan sa hang over mo.. Tsk tsk kulit kasi pinapatigil na ayaw naman sumunod" panenermon ni kenn.
"Pwede ba kenn ang aga aga, sakit ng ulo ko wag mo muna akong sinesermunan" iritar kong ani
"Kasalanan mo yan, magluluto lang ako tapos kumain kana at uminom ng gamot bago maligo kana, aalis tayo".
"Aalis tayo? anong meron? diba may trabaho ka?"
"day off ko.... kasama nga pala natin yung mga paborito mong studyante"
"huh? sino?".
"Yung limang mukhang paa... sige uminom kana muna tatawagin nalang kita kapag nakaluto na ako" at iniwan nya ako sa kwarto ko...
Kinuha ko ang cellphone ko para tignan kung sino ba yung nag text...
"Good morning sir see you po mamaya, kumain po kayo ng maayos :)"
-Junesunget
"Magandang umaga sir kumain na po kayo, tas uminom na ng gamot... Kitakits po mamaya :)"
-LuckyGgong
May tatlo pang text at mula naman kala benny, zack at anton..
bumati lang sila ng magandang umaga, trip siguro ako nitong mga to kaya kung mag text akala mo barkada lang nila ako.
Bumangon na ako para maligo, sure kasi akong lalong mawawala hangover ko kapag nalamigan na katawan ko...
Halos isang oras akong nag babad sa bathtub ng kumatok si kenn handa na daw ang pagkain, dali dali akong naligo ng ayos para makakain na..
"Sabihin mo nga kenn saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko nakakairita natong animal nato kanina pako tanong ng tanong ni hindi man lang ako sinasagot.
"Pwede ba ell kumain kana lang dyan!" iritar nyang ani, nanahimik nalang ako kaysa bwisitin ko lang sarile ko sa kanya.
Matapos naming kumain ay ako ng nag ligpit dahil maliligo pa yung animal kong bestfriend, mag bibihis nalang naman ako.
Nag bihis ako ng isang long sleeve white at fited pants black, okay na siguro to di naman masyadong mainet at hindi ko naman alam pupuntahan namin.
"Wth! anong suot yan?" gulat nyang tanong
"yan anong klaseng damit yang suot mo?" balik kong tanong.
"Obvious naman ell na naka pang basketball outfit ako" sarcastic nyang sagot,...
"mag babasketball tayo?" tumango lang sya at ngumite..
"Mag palit kana, wag kang mag susuot ng varsity o napaka iksing short" utos nya, agad narin akong nag palit, hindi ko sinunod utos nya haha ano sya tatay ko.
Nag baon narin ako ng pamalit ko dahil alam kong papawisan ako ng sobra mamaya..
Binubungangaan ako ni kenn dahil sa suot ko, hindi ko alam ano bang pinuputok ng buchi nito. May nalalaman pa syang takaw pansin binti ko sa mga aso, hindi naman ako payat i mean di naman ako parang isang buto para pagnasaan ng mga aso, siraulo ata tong si kenn.
Hindi ko nalang sya pinansin at tuluyan na akong lumabas ng bahay.
"Akina susi?" dahil sa wala rin naman ako sa mood mag maneho ibinigay ko nalang sa kanya, hindi ko na tinanong kung saan kami mag lalaro..
Mas gusto ko na lang muna ang tahimik.
Halos kalahating oras din ang biyahe namin ng makarating kami kung saan man to, ang ganda naman dito diko akalaing may ganitong lugar sa manila.
"Masarap maglaro dito bukod sa presko, tahimik pa.." Napatingin ako sa nag salita
"welcome sa lugar o mas okayb sabihing sa tinitirahan namin sir.." ani june, bago tumitig sakin at natulala, napatingin rin ako kay lucky na ganun rin reaksyon.
"Ang sabi oo sayo may mga asong tatanghod sayo" ani kenn, napatingin naman ako sa kanya at nag taka.
Inikot ko rin ang paningin ko para mag hanap ng asong sinasabi nya.
"AHAHAHA!" tawa ng tatlo ulol
"Ano tinatawa nyo? nasaan ba yung aso kenn?" iritar kong tanong
Lalo naman natawa yung tatlo.
"Taena mga pre! isang dakilang slow to si sir" ani zack, tinignan ko lang sya ng masama na ikinatawa nya.
"Jusko sir di nyo lang nakikita pero marami talagang aso sa paligid na naka tanghod sa inyo HAHAHA" si anton
binatukan naman nila june at lucky si anton ng diko alam ang dahilan.
Imbes na alamin ko kung bakit nag aasaran tong mga to mas mabuti pang mag ikot ikot nalang kami sa lugar nato.
Ang totoo ang laki talaga ng lupain nitong june sunget na to.
Labas palang ito, lakad pa daw ng konti at dun na bahay nila, kita naman dito yung malaki nilang bahay.
Pinapasok muna kami sa mala palasyo nilang bahay para kumain, nandito rin pala sila lucy at yung tatlo nyang kaibigan..
Medyo nawindang nanaman kafauhan ko dahil sa batang si lucy, ninakawan nanaman nya ako ng halik sa pisnge.
Matapos naming kumain at magpa hinga ay agad rin kaming nag tungo sa sarile nilang court, uumpisahan na raw ang basketball.
Sila lang naman may gusto napilitan lang ako, pero okay natin tagal ko nang di nakapag laro nito.
"3 on 3?" tumango lang sila sa tanong ko
"ano pang silbi ko dito kung kayo kayo lang din naman mag lalaro!" iritar kong ani mga gagong to inimbita pa ako dito tapos iistambay lang pala ako sa tabi..
"Kalma prof makakapag laro ka rin... hoy bakulaw lumapit ka dito" utos nito sa kaibigan ni lucy, lumapit ito sa pwesto namin at binatukan nya si benny.
"Ang kapal naman ng mukha mong tawagin akong bakulaw" reklamo nya
"arte ka pa, gwapo na tumatawag sayo" balik pang aasar ni benny
"shatap! ano bayun?"
"4 on 4 tayo dun ka sa team nila lucky, samin si sir" utos nito...
Lumapit ito lalo ng nakangite kay benny at sumigaw sa tainga nya.
"SIRAULO! PANG BEAUTY QUEEN ANG PEG KO TAPOS PAGLALARUIN MO LANG AKO NYAN!" halos kami rin matanggal ang tulili sa pag sigaw ng batang beki nato.
"TAENAMO KAILANGAN SA TAINGA KO PA! ALIS KANA LANG DITO BAKA MAPATAY KITA!" sigaw rin namang nitong gagong si benny, kinuha ko yung bola kay lucky at ibinato sa ulo ni benny.
"PROBLEMA NYO PROF!" reklamo nya
"SINISIGAWAN MO KO?!" sigaw ko rin sa kanya, unti unti naman syang napakamot ng ulo at ngumite sakin
"sorry na prof.... Kasalanan kasi ng baklang bakulaw nayan!" lalapit sana yung beki kay benny ng ako na naunang kumutos sa kanya.
"Ikaw benny pwede ka naman makiusap ng maayos! bakit kailangan mong mang asar pa?.... at ikaw naman sana tumanggi nalang di yung sumigaw ka pa.... juskong mga batang to" napayuko nalang yung kaibigan ni lucy.
"Sige na umpisahan nyo na mag laro papalit nalang ako kung sino man mapagod" tinanguaan nalang nila ako.
Si lucy ang taga score, mga kaibigan naman nya taga cheer at sila rin ang may hawak ng tubig at towels.
At ako eto naka nganga, wala naman akong alam sa pag referee kaya hinayaan ko nalang na ang hardenero nila june ang gumawa nun, tinatanong ko nga baka kaya nya mag basketball kaso may injured daw ang binti nya, sayang naman larong laro ako ngayon..
Magkaka team sina lucky, june at kenn, yung sila benny, anton at zack naman kalaban nila..
Sa ngayon pinapanood ko silang mag laro, pansin ko lang parang close sila lucky, june at kenn o baka nag eenjoy lang talaga sila sa paglalaro kaya ganun..
Mabuti narin yun dahil pagka magkakasama tong mga to dimo maintindihan kung ano ba punag lalaban nila, ngayon lang ata sila nagkaka sundo.
"HOY ZACK AYUSIN MO NAMAN LARO MO! MUKHA KANG NATATAE, PAG NATALO TAYO IKAW SUSUNOD SA UTOS NG MGA YAN!" sigaw ni anton kay zack
"SANDALI LANG!" sigaw rin ni zack na nakahawak sa tiyan nya, pinahinto muna yung laro at lumapit kami kay zack.
"Nyare ba sayo? natatae ka nga ba?" tanong ni june
"hindi gago, sakit ng tiyan ko mga brad naparami kain ko kanina edi ako nakapag pahinga masyado" paliwanag nya.
"Siraulo ka kasi alam mo nang maglalaro tayo tumirada ka ng tumirada ng pagkain" pang sesermon ni anton
"sa masarap kumain eh! sya na ayoko na muna mag laro baka matalo pa tayo, si sir nalang muna papalit sakin." zack
"Tsaka ka aalis kung kaylan laki ng tambak natin, umiiwas ka lang kasi ayaw mong mautusan ng tatlo" panenermon rin ni benny.
"gago masakit nga tiyan ko, kaya wala rin ako sa paglalaro kanina pa. Kung matalo man tayo gagawin ko pa rin naman utos nyang mga yan" zack.
"Sya na tumahan kana zack.." napatingin naman sila sakin, gusto ko lang sya inisin hahaha.
"halika dito" pag tawag ko sa isang kaibigang beki ni lucy, inutusan ko syang humingi ng maligamgam na tubig at asukal at kalamansi, na agad nyang sinunod.
Naka balik naman agad yung bata kaya dali dali kong tinimpla ang asukal at kalamsi sa tubig na maligamgam
"inumin mo ng mawala wala pananakit ng tiyan mo" utos ko.
Sinunod naman ni zack sinabi ko.
"Mag pahinga kana lang dyan, ako na mag papatuloy ng laro" tumango naman sya.
"Goodluck sir" malanding ani lucy hahaha kung di lang kapatid ni lucky to na bungangaan ko nato, umaabuso ngayon nga maka lingkis nanaman sa braso ko.
"Hoy lucy sinong may sabing may karapatan kang humawak kay sir?!" suway naman ni lucky sa kapatis at hilahila nito ang buho.
"Nag seselos ka naman agad panget mo talaga!" ani lucy bago bumalik sa upuan.
Nag goodluck din sakin mga kaibigan ni lucy at si zack.
"Dahil sa wala nanaman tayong choice galingan nyo nalang" paunang ani kenn sa dalawa nyang kakampi, nag bigay naman sila ng reaksyong nag tatanong.
"Alam nyo na ba?.... tutal di nyo pa alam isa ring magaling mag laro yang si ell ng basketball" totoo naman sinasabi ni kenn, di sa nag yayabang pero walang gawa sakin yang si kenn pag dating sa basketball haha.
"Woah sir masyado na yata kayong talentado" manghang ani anton
"ayos swerte ng magiging future jowa nyo" napatingin si benny kala kenn na parang may kahulugan yung tingin nya.
"sinasabi mo pang gago ka, mag laro na ulit tayo!" si lucky.
"Tambak tayo ng 23, ilang minuto pa ba?" tanong ko kay benny
"may 20 mins pa prof" sagot nya
"sige kayong bahala mag bantay kay kenn at june base sa panonood ko kanina walang pagbabago ang laro ni kenn gunggong pa rin sya dumiskarte kaya di sya maka shoot, si june naman mukhang sa pag babantay lang sya magaling, akong bahala kay lucky dahil karamihan sa score nila sya gumawa, sakin nyo narin ipaubaya yung bola akong bahala humabol sa score" hindi naman sila nag reklamo sa gusto ko, desperado narin silang maka habol ayaw rin naman nila siguro ang utusan ng tatlong kalaban namin..
Sinadya kong palamangin sila ng lima pa para di naman parang kawawa pag ako na kumilos hahaha
"may plano yang si ell, wag nyong basta hayaan bantayan nyo maige" ani kenn kala june at lucky, anak ng nuno tong si kenn hanggang ngayon ayaw pa rin tanggapung di sya mananalo sakin.
Dahil sa naganahan na ako, itutuloy tuloy ko na ito ewan ko lang kung maka score pa sila..
Mahigpit mag bantay si june, pero gaya ng sabi ko wala na silang magagawa lalo't nag eenjoy na ako...
Halos silang tatlo na pumipigil sakin peeo sinisisiw ko lang pag lagpas sa kanila, bawat tira ko nakaka gawa ako ng 3points..
Natatawa nalang ako sa isip ko dahil mukhang tangang naka tunganga aila benny at anton, yung game tuloy parang 1 vs 3, oo minsan napipigilan ako ni lucky pero nababawi ko rin naman agad ang bola..
2 minuto ang natitira at tingin ko suko na mga kasama ko sa pag lalaro.
Kung kanina lamang sila, ngayon mag habol sila hahaha.
"Sir tama na naman ang pag tatambak!" ani lucky sa harap ko, ngumisi lang ako at kinindatan sya.
Mukha naman syang naestatwa kaya dali dali ko syang nilagpasan.
Ipinasa ko ang bola kay benny na agad naman naka 2points sa pag shoot.
Sila anton at bennny nalang ang hinayaan kong mag shoot sa loob ng dalawang minutong natitira, diko nalang hinayaang pigilan ng team nila kenn ang team ko.
67-93 ang score ang nanalo syempre kami ng team ko..
tuwang tuwa naman sina benny dahil sa pagka panalo, malakas ding mang asar si anton sa mga talunang nakaupo ngayon sa pagod.
"Loser's ni hindi man lang pinawisan ng matindi si sir HAHAHA!" nakitawa naman ang magkakaibingan ni lucy sa pang aasar ni anton.
"Fuck you! nanalo lang naman kayo gawa ni sir" iritar na ani june
"talunan pa rin kayo HAHAHA!" pangaasar ulit anton.
"sisiguraduhin naming maganda mga ipagagawa namin" ani benny
"at siguraduhin nyong susunod kayo, dahil ayun ang pinag usapan.. Diba sir?" zack
"Aba malay ko sa usapan nyo, basta nga lang ako isinama dito ni kenn.. Ang importante ngayon yung nag enjoy tayong lahat, congrats sa mga nanalo at ganun narin sa natalo" ani ko
Isa isa kong inalalayang makatayo yung tatlo.. Puro sila papuri sakin tinatanggap ko nalang totoo naman kasi sinasabi nila diko na kaylangan magpaka humble.
Bumalik kami sa bahay nila june dahil nag luto raw ng miryenda ang mama ni june, una kasing utos nitong si benny sagot nila kenn ang alak at dito mag iinom, pumayag naman mama ni june pero ako bugnot na bugnot kay benny, impakting batang to mukhang alak talaga, napaka walang kwenta ng ibinigay nyang utos o parusa sa tatlo.
Dahil sa ayoko talagang mag inom ngayon naka hiwalay kami kala kenn, sa grupo ako nila lucy na nanonood lang ng movie at kumakain ng mga gummy candies, mukha tuloy akong bata peste.
Lumapit sakin ang ina ni june, gusto nya raw ako makausap pinaunlakan ko naman agad. Tumungo kami sa hardin nila at nag lakad lakad.
"Ako na unang mag sasalita mukha ka kasing nahihiya" napakamot ako ng ulo at ngumite, hehe nahihiya nga ako madam.
"Una humihinge ako ng pasensya sa nagawa ng mag ama ko sa iyo noong makapasok ka sa AU, sadyang pasaway anak ko pero mabait na bata iyon.. sa asawa ko naman oo nga't mapang husga yun pero ayaw nya lang talaga may bumabangga sa anak namin, unico jiho namin si june kaya lahat ng layaw nya pinag bibigyan namin" naka ngite nyang ani at bahagyang nakayuko.
"Nako madam ayos lang po, nangyari napo iyon isa pa totoo naman sinasabi nyo tungkol kay june, kung sa pasaway at masunget talagang merong ugaling ganun si june pero mabait talaga sya, di nya lang ipinapakita sa iba.... At tungkol naman kay mr velasco, naiintindihan ko po dahil kitang kita naman na mahal na mahal nya si june" naka ngite kong ani, pero ang totoo nakakaramdam ako ngayon ng lungkot..
"Salamat naman kung ganon jiho... Ayos ka lang ba?" tanong nya
"A-ayos lang po ako" utal kong sagot
"mukhang hindi may problema kaba?"
"w-wala po may naalala lang ako"
"mag sabi ka sakin makikinig ako, isipin mo ako na muna ang nanay mo" sa sinabi ni madam, diko naiwasang maluha.
"T-tteka ma-may nasabi ba ako?" kinakabahan nyang ani at humawak sa balikat ko
"wa-wala po pa-pasensya na po" hindi ko mapigilan yung peste kong luha.
"Anak kung ano man yan mas makakagaan sa loob mo kung may pagsasabihan ka" pangaral nya at inakap ako, feeling ko ngayon para nga akong may inang nag aalala sakin.
"Wala na po ang mama ko" pauna kong ani, dahil sa mukha lang syang makikinig itinuloy ko nalang ang mag kwento
"noong isinilang ako sya namang pagka wala ng ina ko" sa bawat pag sasalita ko ay diko maiwasang humikbi at mas lumuha.
"Ako ang nabuhay sya ang nawala.... Walang inang umaruga sakin simula ng pagka bata ko, tanging ang lolo ko lang ang nag mamalasakit sakin"
"Bakit? nasaan ba ang papa mo?"
hindi ko napigilang humagulgol sa tamung nyang iyon, hinawakan nya ng mahigpit ang mga kamay ko at tumango sakin.
"Wala na rin akong ama"
"huh? patay narin? i-im sorry jiho"
"buhay pa po sya.... Simula ng magka isip ako hindi nya ipinaramdam na anak nya ko, ni hindi ko nga nakitaan ang ama ko ng pag aalala sakin.... buong buhay ko ginagawa nyang miserable, sakin nya isinisisi ang pagkawala ni mama, hindi nya ako matanggap na anak.... Alam nyo ba masakit na ang sarile kong ama ay sinasaktan ako, isinusuka ako, binabasura ako.... Kahit atang anong gawin ko maganda panget parin sa paningin nya.... Hiling ko lang kahit isang beses pakitaan nya ako at tanggaping anak nya, kasi po kahit ano namang sama ng ama ko mapapatawad ko pa rin sya, ama ko pa rin sya...." kahit hirap akong mag salita dahil sa ag iyak ay gumaan gaan ang pakiramdam ko dahil may nasabihan ako ng problema ko.
"Ang lolo ko lang po nag paparamdam sakin na binuhay ang ng diyos dahil may maganda talaga syang plano para sakin.... Ang lolo ko po ang nag sasabing di sa lahat ng oras problema lang darating sakin.. Tama naman po doon si lolo, wala man akong silbi sa aking ama nakakatulong naman ako sa iba... Malaki ang pasasalamat ko kay lolo na kahit takot rin sa papa ko ay tuloy pa rin sa pag alalay at pag suporta sakin... Madam tama naman ako na kahit anong sama ng ama ko dapat ko pa rin syang patawarin?.."
"Tama lang yun jiho... paka tatag kalang gaya ng sabi ng lolo mo may plano si Lord para sayo, hindi mo man makita sa ngayon nakakatiyak ako balang araw makikita mo rin kung ano ba talaga yun... hangga ako sayo dahil kahit anong pait ng buhay mo lumalaban ka pa rin, ipagpa tuloy mo lang yan... Wag mong pag sisihang binuhay ka ni God, dapat magpa salamat kapa dahil kahit isinusuka ka ng iba may nanatili pa ring nag mamahal sayo, ganyan talaga anak hindi lahat masaya, hindi lahat perpekto, mag tiwala ka lang kay God okay" inakap nya ako ng mahigpit, tumango tango ako sa mga sinabi nya sakin, tama ganun nga siguro kailangam ko pang mas mag tiwala kay Lord.
"Ituring muna akong ina, di man tayo mag kadugo ang importante isa na ako sa mga taong susuporta sayo at mag mamahal" umakap nadin ako sa kanha ng mahigpit, ganito... ganito pala ang may ina, ganito pala kasaya na may nag aalalang ina sayo.
"Salamat po" huli kong ani..
Nag kwentuhan pa kami ng kung ano ano, diko naman sya masisisi kung maawa talaga sya sa mga pinagdaanan ko, sa mga pinagdaraanan ko hanggang ngayon.
Naawa naman din ako sa sarile ko pero kailangan kong mas tumatag pa, dahil mas naniniwala na ako ngayon na may pagutunguhan tong buhay ko.
Matapos naming mag kwentuhan ay bumalik na kami sa loob, nag tataka naman sila kung bakit mugto ang mata ko. Nag palusot nalang si madam na may pinanood kaming drama, oo alam ko na hindi naman maniniwala tong mga studyante ko lalo natong si kenn dahil alam nyang wala akong hilig sa drama.
Tinitignan lang nila ako na para bang naawa sakin...
"Ayos lang ako, ituloy nyo nayang iniinom nya para makauwi na tayo" ani ko sa anim
Nung una ayaw pa nila kumilos pero dahil sa pinag babago ko sila ng junkfood sa mukha ay agad rin naman silang sumunod.
Napansin kong patingin tingin sakin si june tapos ngingite, hayaann ko nalang baka kasi epekto na ng alak..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Chapter 15 done :)
-greenite
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top