AOL:Pencil 14
Hi/hello guys! matumal mag UD ang alien nyong author pasinsya na hihi 😅
by the way ICEEXO P' thank you po sa patuloy na pag babasa :)
Chapter 14 enjoy!....
Ell's POV:
Napansin kong habang tumatagal iba nagiging pakiramdam ko kay kenn, june at especially kay lucky.
Minsan nasasakyan ko naman trip nila pero minsan napapaisip ako parang hindi na biro ginagawa nila.
Ang weird ng ganito, bakit kailangan nilang iparamdam at ipakita sakin yung mga ganun.
"Prof kaming lima magkaka grupo" ani benny
"hindi pwede baka puro kalokohan lang gawin nyo!.... Di ba kayo nauumay na magkakasamang lima?.... mag bubunutan tayo okay" tumango nalang sila.
Ipinaliwanag ko sa kanila ang magiging group project nila, na agad naman nilang naintindihan.
"Sir sabay na kayo samin kumain?" pag aya ni june, napatingin ako sa apat na mukang mga timang maka ngite.
"n-nako hindi na muna, marami pa kasi akong gagawin.. Sige kumain na kayo" hindi ko na sila hinintay sumagot, dahil dali dali akong lumabas ng room.
Di naman sa naiwas ako naiilang lang talaga ako sa kanila ngayon, at totoo ring marami akong gagawin dahil itinambak sakin ng dean ang pag che-check ng kung ano anung test paper ng buong senior levels.
"Sir excuse po" bungad ni zack sa ma pintuan ng sarile kong faculty room.
"tuloy ka" pumasok naman sya at umupo.
"Sir may plano paba kayong mag turo?"
"huh oo naman bakit?"
"Kanina pa po start ng afternoon class, eh wala kayo kaya sinusundo ko na kayo" Napatingin ako sa relo ko.
"wth! dalawang oras na pala akong tutok dito, sorry huh ang dami lang gumugulo sa utak ko at napakarami kong ginagawa." hays anubayan!
"sige po sir"
"sige salamat susunod na ako" tumango nalang sya bago umalis.
Agad akong tumungo sa mga estudyante ko, di katulad ng bago pa ako dito magugulo sila at makakalat kapag wala ako o darating ako sa room nato pero ngayon, marunong na sila mag tapon ng basura sa tamang tapunan at dina sila maliligalig oo mga nag kukuwentuhan sila imbes na mag self study pero mas okay nato kaysa maggulo nakakahiya sa kabilang room.
"Im sorry class hindi ko napansin ang oras" tumititig lang sila sakin ng seryoso
"may problema ba?" tanong ko
"sir kayo may problema ba?" tanong ni beks.
"Huh ano naman magiging problema ko? pati kung magkaka problema ako hindi ko dadalhin dito" pero yung totoo nandito yung pinoproblema ko ngayon.
Napagawi ako ng tingin kay lucky na katabi si june, halatang halata sa kanila pag aalala sakin.
Hindi naman sa nag aassume pero ayun ang nakikita ko sa kanila.
"Recitation tayo okay, aralin nyo muna mga nakaraang pinag aralan natin... Yung mga pinaka importanteng itinuro ko lang alam nyo nanaman siguro kung ano-anu yun." tumango nalang sila.
busy ako sa pagbabasa ng may nag patong ng pagkain sa mesa ko..
"para saan to?" medyo iritar kong ani
"ah ano kasi sir mukang di kayo nakakain ng tanghalian kaya eto." si lucky.
"Ayokong kumain" malamig kong ani
akala ko titigil na sya pero nag pupumilit pa rin, hinawi ko yung kamay nya na may hawak na pagkain dahilan para matapon sa lapag.
"Bakit kasi ang kulit mo!.... nag kalat ka pa!.... imbes na mag aral ka nangungulit kapa!.... bumalik kana nga doon at wag mo muna ako paki alamanan!" sigaw at tuloy tuloy kong ani kay lucky.
Napa tingin ako kay lucky na nanlaki ang mata, bago yumuko.
"So-sorry sir, a-ayusin ko nalang po" utal nyang ani, bigla naman akong anaawa sa kanya damn it!
Napatingin ako sa mga studyante ko yung iba nakatingin kay lucky, yung iba naman sakin, na para bang nag tatanong kung anong problema ko...
"Ituloy nyo nayang pag rereview nyo, excuse me" dali dali ako lumabas para tumungo sa cr.
Ang tanga mo ell, dimo lang sinigawan si lucky ipinahiya mo pa sa mga kaklase nya!
Nabigla man ako o hindi kasalanan ko pa rin yun, buset bakit kasi kailangan nya laging mag pakita ng kabaitan at pag aalala sakin.
Naghilamos muna ako at nagpa kalma bago bumalik sa room.
Tahimik silang lahat bago tumingin sakin, hinintay kong may mag sasalita pero mga wala atang balak.
"Get ready for recitation" tangi kong ani, pag tango lang ang sagot nila.
Napatingin naman ako kay lucky na hindi maka tingin sakin, asar engot engot ko kasi..
Pakiramdam ko ngayon wala mga studyante sa room nato, oo nga't kapag nag tatanong ako nasagot naman sila pero, wala pa rin yung naka sanayan kong nagiingay sila kahit papano.
"That's all for today.... magaganda score nyo pagpa tuloy nyo yan... now you can all leave." Hindi man lang ako nakatanggap sa kanila na pagpapaalam, halos monday to friday ginagawa nilang batiin at mag paalam sakin pero ngayon, mukhang wala lang ako sa kanila.
Balak na sana nilang lumabas ng pigilan ko sila.
"Wait.... bago kayo umalis may sasabihin ako.... take your seat's again" sumunod naman sila.
"class kung may problema kayo sakin, sabihin nyo hindi yung ginaganito nyo ko... alam nyo ba na gusto ko rin naman yung kinukilit nyo ko, ano meron ngayon at di nyo ko iniimik?" walang emosyon kong saad.
"Sir mukha kasing may problema kayo" ani zack
"opo prof kaya ayaw namin kayo kulitin, tanging pakikinig at pananahimik lang naman alam naming magagawa para dina madagdagan pa yang pinoproblema nyo" ani benny
Isa isa silang humingi ng sorry na akala mo may mga kasalanan.
"Patawarin nyo ko class pati kayo pinag-aalala ko pa, stress lang ako masyado dahil sa maraming pinagagawa ng dean sakin, marami lang din akong iniisip pero wag na kayong mag alala, mawawala rin to. Salamat sa inyo" tumango tango naman sila.
"Lucky pasensya na sa nangyari, nabigla rin ako sa inasal ko kanina.." tumingin lang sya sakin at tumango.
"Pwede na kayong umuwi" nagpaalam naman sila sakin ng maayos.
Naiwan yung lima dahil nag volunteer silang mag linis ng room, kaya sinamahan ko na sila.
Nagpa alam ako saglit para tumungo sa cafeteria, ibinili ko sila ng makakain ewan pero trip ko lang isa pa makabawi man lang ako sa pagpapahiya ko kay lucky kanina.
Nung una nag tataka pa sila kung bakit dinalhan ko sila ng pagkain ang sabi ko na lang kapalit yun ng bolintaryong paglilinis nila sa room.
Natuwa naman ako at bumalik narin yung sigla ni lucky, kanina kasi mukha talaga syang nabigla sa pag sigaw ko, kaya siguro di rin sya maka tingin sakin.
"Ngiteng aso ka nanaman" binatukan ni june si lucky
"paano di ngingite, nandito si sir" pangaasar naman ni anton.
"Kinikilig kang gago ka!" pabulong ni zack kay lucky, diba nya ba alam na naririnig ko pa rin sya
"taenamo bunganga mo nga!" iritar na ani lucky, bago tumingin sakin at ngumite.
Inaya ko sila sa bahay tutal wala namang pasok bukas, yung mga mukha nila para bang sinasabi sakin anong meron at inaya ko sila sa bahay.
Dahil sa kanya kanya naman silang sasakyan, pinauna ko na sila dadaan pa ako sa convenience store mamimili ako ng makakain at maiinom, diko rin alam kung ano bang trip ko.
Siguro ay nandito na rin si kenn, mukhang pumasok na sila sa loob.
Sisipain ko na san yung pinto ng pag buksan ako ni june.
Tinulungan nya akong bitbitin yung mga dala ko.
Hindi ko na muna pinansin yung mga tao sa sala, dumeretso kami sa kusina ni june para ayusin mga pinamili ko.
"Mag-iinom?" tumingin ako sa kanya at tumango sa tanong nya.
"bakit sir? ano bang meron? diba ayaw na ayaw nyo mag iinom ng alak?" nag tataka nyang ani.
"Gusto ko lang tutal wala namang pasok bukas"
"Pwede naman kayo mag sabi samin ng problema" tumingin lang ako sa kanya at ngumite.
Pagka ayos ng mga pinamili ko, dinala namin ni june kung nasaan sila.
"M-may bisita ka pala kenn" gulat kong ani, diko sya napansin kanina kaya di ako bumati "hello good evening" bati ko sa babaeng kausap ni kenn.
"Hi" matipid nya balik sakin.
"mas cute ka pala sa personal" napatingin naman ako sa babae, pagkaka tanda ko eto yung dating girlfriend ni kenn.
"S-salamat" tangi kong ani
"so ano palang meron kenn?" tanong nung babae, tumingin sakin si kenn
"Wala naman gusto ko lang makasama pa mga studyante ko" ako na yung sumagot.
"Ganun ba ang sweet mo naman guro" ngumite lang ako sa kanya
"sya kenn mauuna na ako, anong oras narin naman salamat pati yung mga sinabi ko sayo pag isipan mong maige... ell mauuna na ako, sa inyo din" pagpapaalam nya samin.
"Hatid na kita" alok ni kenn
"wag na mag ta-taxi nalang ako" yung babae
"Hindi ihahatid na kita baka kung mapaano kapa" dere-deretso si kenn sa kwarto nya may kukunin ata.
"Wag kayong mag uumpisa ng wala ako,naiintindihan nyo?" tumango naman sila benny sa bilin ni kenn, nang makalabas sila nung babae sya naman ingay nitong mga batang to.
"Chix mga pre, swerte ni kuya kenn sa girl nayun" ani benny
"Syota ba ni kenn yun sir?" tanong ni june
"pagkakaalam ko nag hiwalay na sila ewan kung nagka balikan sila" ani ko.
"Ang sweet nila kanina nung wala kayo sir" ani zack
"baka nga nagka balikan na" lucky
"Aba malay ko, hayaan nyo na nga sila... manood muna kayo dyan at mag luluto ako ng makakain natin, tutal hihintayin pa naman natin si kenn makabalik para mag inom" hindi ko na hinintay sagot nila agad na akong tumungo sa kusina.
Tutulungan sana ako nila anton pero pinigilan ko, gaya kasi ng sabi ko masarap ako magluto pero diko talaga hilig.
Ipinag luto ko sila ng minudo at ginisang ampalaya.
Tapos na ako magluto ng saktong pag dating ni kenn, sya ang tumulong sakin mag handa ng pagkakainan sa lamesa.
-------
Lucky's POV:
Kasalukuyan kaming kumakain at eto nanaman kaming tatlo nila june at yung kenn sa paglalagay ng pagkain sa plato ni sir, imbes na mag reklamo si sir ay kinakain nya nilalagay namin.
"Wag na kayong mag lalagay busog na busog na ko" ani sir "zack paabot ng tubig" utos nya kay zack, dali dali naman si kenn at june kumuha ng basong nilagyan ni zack ng tubig.
"ako na mag bibigay" june
"ako na mas malapit ako" kenn
Napatingin ako kay sir na salitan sa pag tingin sa dalawang nagtatalo, huminga sya ng malamin bago tumingin sakin.
"painom ha?" tumango naman ako, kinuha nya yung baso kong may lamang tubig bago ininom.
"naks naka indirect kiss ka nanaman" bulong ni zack, bahagya ko syang siniko na ikinatawa nya lang.
"kumain na nga kayo ng kumain para makapag umpisa na tayong mag inom" utos ni sir.
Matapos hugasan ni benny at anton yung plato, inayos naman namin ni zack yung iinumin, naka upo lang si sir, june at kenn habang pinapanood kami at hinihinfay matapos.
"ell sinasabi ko na sayo, konti lang inom" pagpapaalala ni kenn
"oo na! oo na!" sagot naman ni sir bago uminom.
Naka ilang ikot na ng tumutok nanaman kay sir, lahat kami nakatingin sa kanya dahil sa lahat ng nagiinom sya lang ang tanging pulang pula mukha at may amats na, pinipigilan naman namin sya kaso ayaw nya.. Takot naman kasi baka ituloy nya sinasabi nya babasagin nya yung bote sa ulo namin, kakatakot pa naman to kapag lasing.. Tumayo sya na pagewang gewang kaya aalalayan dapat namin sya ng hawiin nya mga kamay na nag balak hawakan sya at sumigaw.
"Shubukan nyo ko ha-hawakan bu-bu-bubugbugin ko kayo!" utal at pasinok sinok nya ani, wala narin kami nagawa kundi umupo at tignan sya.
"Akala nyo shi-shiguro di-diko napapanshen na nagpapa cute kayo shakeng ta-tatlo!" kahit hirap na sya sa pag sasalita pinipilit nya pa rin
"sino prof?" tanong naman niyong siraulong si benny.
"Y-y-yang iship batang bestfriend ko shi kenn, pati yang su-supladong shi june at etong gunggong na shi lu-lucky" nagkatininan naman kaming tatlo sa sinabi ni sir, sina benny, zack anton naman mga mukhang tanga kung makatawa.
"Bakit naman nila kayo papacute-an sir?" natatawang tanong ni zack
"Ewan ko-ko ba dyan sha mga shiraulong yan... Na-naiilang na nga ko minshan kasho mga makukulit" si sir
"ah sir baka naman kasi may gusto sila sa inyo" tinignan naman namin ng masama si anton "oh bakit para naman di nag iisip si sir kung bakit nga ba kayo nagpapa cute sa kanya" dagdag ni anton patayo sana ako para sapakin sya ng pumunta sa harap ko si sir.
"totoo ba yun ghusto mo ko?" sobrang lapit ng mukha nya sakin, unti unti akong umatras dahil baka diko mapigilan sarile ko idikit ko yung labi ko sa mapupula nyang labi, tanging pag lunok nalang ng laway ko nagagawa ko dahil sa kaba.
Lumayo mukha ni sir sakin bago sya natawa at binatukan ako.
"anong klasheng pag mumukha yan lu-lucky mu-mukha kang natatae HAHAHA" pangaasar ni sir at binatukan ako, sinundan naman ng tawa nung tatlo..
Napatingin ako sa gawi ni june at kenn na seryosong naka tingin kay sir.
"kayo gusto nyo ko? ba-bakit ako? ano meron shaken huh?" tanong naman nito kay june at kenn, gaya ko wala silang naisagot kay sir kaya pareho din silang nabatukan..
"Mas mabuting matulog kana ell, masyado kanang nananakit" ani kenn at hinawakan nito sa kamay si sir..
"i-iinom pako gago ka!" sigaw ni sir
"hindi na halika na sa kwarto mo!" sigaw naman ni kenn
"ayo---.... ano ba ibaba moko ulupong ka!" palag ng palag si sir at punag hahataw likod ni kenn pero di iniinda ni kenn at tuloy tuloy lang sya sa pag buhat kay sir para dalhin sa kwarto.
"WAG KAYONG AALIS PATUTULUGIN KO LANG TO AT MAG UUSAP USAP TAYO!" seryosong ani kenn bago kami tinalikuran.
"kaya ba ganun si sir sayo kanina dahil naiilang sya sayo lucky?" tanong ni anton
"hin-hindi ko alam"
"mukha ganun nga kasi pre" si anton
"bakit kasi di nyo pa sabihin kay na gusto nyo sya para di nag iisip yung tao" ani zack, binato sya ni june ng unan sa mukha bago sagutin ang tanong nya
"akala mo ba madaling umamin? lalo pa't sa kapwa lalake kami aamin" june
"oh sige dun na tayo sa mahirap umamin, pero sana wag nyong patagalin naluluga sa inyo si sir... Kahit di sabihin ni sir na naasar sya sa ginagawa nyong pagtatalo sa harap nya, nahahalata naman namin nyo kayo kayo rin naman diba?" zack
"tama kaya kung ako sa inyo linawin nyo na kay prof kung bakit ganun kayo sa kanya" ani benny.
"Umamin nga kayong saking dalawa, may gusto ba kayo kay ell?" seryosong tanong ni kenn, ni hindi pa nga sya nakakaupo ng tanungin nya kami ni june..
"meron" sabay naming ani june
"huh bakit? papano? kaylan pa parang ang bilis? kilalang kilala nyo na ba si ell para magustuhan?" iritar nya ulit na tanong
"ikaw bakit gusto mo si sir? kailangan ba may sagot kung bakit namin sya gusto? kailangan rin ba matagal nanamin syang kilala o kilalanin muna namin sya maige para magustuhan lang! Syempre hindi, kung anong nararamdaman namin para sa kanya ngayon ayun nayun, wala nang dahilan para ipaliwanag kung bakit" paliwanag ni june
"paano kung puro kalokohan lang yang nararamdaman nyo?" saya sapakin nitong kenn bakulaw nato
"mga mukha lang kaming loko-loko" pauna kong ani natigil lang dahil umeksena si june na ako lang daw ang loko loko, bestes amputa.
"seryoso nararamdaman namin kay sir, gaya ng sinabi ni june hindi na namin kailangan mag bigay ng sagot sa kung bakit gusto namin si sir, isa lang masasabi ko kung anong pagkakakilala namin kay sir ngayon dina mag babago yun... Nagustuhan namin sya dahil sa kung sino sya" ani ko
"bakit hindi kayo umamin sa kanya?" dagdag tanong ni kenn
"ikaw nga di rin makaamin, kami pa kaya... Sure naman ako na pare-pareho tayo ng dahilan kung bakit di tayo makaamin kay sir" ani june
"Hindi ko alam pero umamin man na kayo o hindi, hindi ko hahayaang isa sa inyo ni ell piliin nya..." mayabang nyang ani
"sa tingin mo hahayaan namin syang mapunta sayo? hell no!" ani june.
Kinuwelyuhan sya ni kenn at tinignan ng sobrang sama.
Bumawi naman itong si june kaya mukha silang tangang nag tititigan at nag yayabangan....
Inaawat naman nung tatlo yung dalawa na ikinatawa ko na, agad silang tumingin sakin na nag tataka.
"benny, zack, anton hayaan nyo sila sa gusto nilang gawin, kung gusto nilang mag sapakan bahala sila wag nyong pakialamanan.." ani ko
"siraulo kaba magagalit si prof" ani benny
"that's my point ang hayaan sila para magalit si sir, diba madali ko na makukuha si sir" pang aasar ko
"ano?!" galit na ani kenn balak nya sana syang lumapit sakin ng hawakan ni june ang kamay nya.
"Alam ko na ibig mong sabihin lucky, and thank you for that... Tama si lucky kung itutuloy lang nating mag away away ng dahil kay sir, sino bang maaapektuhan diba si sir? sinong magagalit diba si sir din? baka yun pa maging dahilan para layuan nya tayo" paliwanag ni june, kaya gustong gusto kong best friend tong si june eh madaling makaintinde.
"Sige pero tandaan nyo hindi ko hahayaang sa inyo mapunta si ell" ani kenn.
"wag kang mag alala pare-parehas lang tayo ng pinag lalaban" june.
"aminado akong gwapo kayo pero mas gwapo ako kaya, kung sino man piliin satin congrats" ani ko bago nakipag kamay sa dalawa..
"hanep mga pre etong mga gunggong nato lakas maka forever" pangaasar ni anton
"natawa nalang ako putspa kanina mga mukang manok na mag sasabong ngayon mga mukang asong nakangite" pangaasar rin ni zack
"ewan ko ba dyan sa mga yan, basta kami taga suporta lang sa inyo... Kung may mapili nga sa inyo edi congrats papa party tayo, ang mahalaga ngayon yung hindi kayo mga mukhang tanga na nag aaway away" si benny naman.
Itinuloy nalang namin ang pag iinom, oo nga't kaagaw namin itong si kenn kay sir pero kapag naman kausap mo mukang mabait naman..
Nag kukwento pa nga kami ng kung ano ano, siguro kung diko lang talaga kaagaw ito kay sir close ko narin to, Iba naman kasi kay june kilala ko naman talaga sya noon pa...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
chapter 14 done ;)
-greenite
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top