AOL:Pencil 11
Kenn's POV:
Sobrang sama ng pakiramdam ko, para ba akong binugbog at parang binibiyak ang ulo ko tsk!
Gusto ko sana manatili muna sa tabi ko si ell kaso may trabaho sya, pero natutuwa naman ako na kapag may free time sya itetext nya ako o tatawagan para kamustahin, kinikilig ako tae hehe.
Aaminin ko na gusto, hindi gustong gusto ko na si ell, morethan friends dunno kaylan nag umipsa to pero isang araw paggising ko si ell ng si ell ang hinahanap ko, si ell ang laging bukang bunganga ko noon sa mga katrabaho ko, oo weird pero na inlove ako sa bestfriend ko damn it diko na mapigilan, gustong gusto kong sabihin sa kanya pero pinangungunahan ako ng takot, takot na kapag umamin ako umiwas sya sakin, ayoko syang mawala sakin ayokong masayang pagiging magkaibigan namin.
Sa kakaisip ko diko namalayang naka tulog ako..
"Kenn" pagtawag ng isang boses, gumalaw akong bahagya pero dipa rin ako nag mulat.
"Kenn umupo ka muna para makakain, bakit dika ata kumain ng tanghalian tsk! sobrang inet mo pa rin" dahan dahan kong inimulat ang mata ko at bumungad sakin ang nag aalalang mukha ni ell, inalalayan nya ako bumangon.
"Hindi ko kasi kayang kumilos kanina, sobrang sakit ng katawan at ulo ko" paliwanag ko.
"Ganun ba pasensya kung di kita naasikaso kanina, bawal kasing di ako papasok" nahihiya nyang ani.
"Ayos lang nandito ka nanaman ngayon" ngumite nalang ako kanya
Ipinagluto nya ako ng makakain, kinilig nanaman ako peste gusto ko yung ganito, namiss ko yung ganitong pag aalaga at maalalahaning ell.
"Inumun mo tong mga gamot pagka tapos mong kumain, sandali lang ako at may kakausapin lang ako sa labas" ani nya hindi ko na sya natanong kung sino kakausapin nya dahil naka labas na agad sya sa kwarto ko.
Ang sabi nya saglit lang daw bat ang tagal nya? pagkatapos kong kumain ay ininom ko agad ang gamot na ibinigay ni ell.
Pinilit kong bumangot sa kama kinuha ko yung kumot ko at isinaklob sa katawan ko ang lamig kasi.
Lumabas ako sa kwarto ko at tumungo sa ingay na naririnig ko.
Anong ginagawa nila dito?
Napansin ako ni benny.
"Kuya kenn!" pag tawag nya, tumingin naman silang lahat sakin, lumapit sakin si ell para alalayan akong makaupo sa sofa.
"Bakit ka bumangon agad, dapat papahinga ka lang" iritar nyang ani
"mag hapon na akong nakahiga ell" ani ko.
"Nakainom kana ba ng gamot?"
"oo salamat" ani ko "ano nga palang ginagawa nila dito?" dagdag kong ani
"May invitation na dala si lucky mag 18 birthday na daw kasi ang kapatid nyang babae sa linggo kaya inanyayahan nya tayo" ani ell.
"Tayo?" taka kong ani
"yes kayo ayos lang naman sayo yun diba?" ani naman nung lucky
"o-okay" tangi kong na sabi, diko lang expect na iimbitahan nya rin ako.
"Eh bakit lima pa kayong nagdala kung pwede namang ikaw nalang magdala" patukoy ko kay lucky.
"Driver ko si june at yang tatling bugok nayan sumama lang samin" sa sinabi ni lucky nakatanggap sya ng suntok sa braso mula kay june at tatlong pagtama ng unan sa mukha nya mula naman sa tatlo nya pang barkada.
"Problema nyo? suntukan nalang!" tsk pasaway
"Siraulo! driver ako? hell no! naawa lang ako sayo dahil nag makaawa kang ipag maneho kita" ani nung june.
"Tumigil na nga kayo, at umuwi na kayo may pasok pa bukas!" suway naman ni ell
"Prof aalis agad pwede po ba makikain o makainom man lang" ani benny kay ell
"Nako sir pasensya na may kakapalan lang talaga mukha ni benny" natatawang ani anton.
"Sige kumain na kayo dito nagluto si ell" ani ko, nagkatinginan naman sina lucky at june na parang may kung ano sa sinabi ko
Tumungo sila sa kusina ako naman ay pumunta na ulit sa kwarto, pumayag nako makikain at mag feeling at home sila dito para naman makabawi ako sa pagsusungit ko sa mga bata lalo na kay lucky, napaisip ako na mukha na pala akong tanga dahil sa pinag seselosan ko yung lucky, bakit kasi pakiramdam ko sa lucky na..... teka.... ano nga ba yun? tsk basta.
Lumipas ang mag iisang oras ng bumalik si ell sa kwarto ko.
dito daw sya matutulog huta anong meron ngayon at ganito ako pakiligin ni ell.
"Ell sige na gusto ko manood ng movie" pangungulit ko sa kanya
"Ang kulit mo naman kenn imbes na magpahinga kana bebenatin mo pa sarile mo" iritar nyang ani.
"Sige na pangpa antok lang"
"hindi bagay sayo mag puppy eyes mukha kang timang!" lakas talaga mang asar nito, napapayag ko rin syang manood pero horror pinili nya.
"Ang inet kenn tigilan mo ngang lumungkis sakin" oo naka akap nga ako sa kanya, hindi naman sa gusto ko pero..... Sige gustong gusto ko nga ng ganito hehe isa pa natatakot talaga ako ayoko naman kasi talaga ng horror movies.
Tinatanggal nya yung kamay ko at palihim na natatawa sakin, okay lang pagtawanan mo ko nakakayakap naman ako sayo.
Nauna maka tulog si ell sa balikat ko bago ko sya iayos ng higa ay nagpaumay muna ako sa amoy ng buhok nya hehe nakakaadik amuyin, oo parehas kami ng gamit ng shampoo pero parang iba yung amoy kapag nasa buhok na ni ell.
Sinulit ko na pagtitig ko sa kanya, yung mukha nya ngayon ang cute sobra, mahahabang pilik mata, pinkish na pisnge, magandang tubo ng kilay, mapupulang labi at napaka tangos na ilong.
Hindi ko na hahayaang lumayo ka ulit sakin, kahit ano pang mangyari.
Hahanap narin ako ng pagkakataong aminin na raramdaman ko, tanggapin mo man o hindi mananatili ako sa tabi mo.
Sana pala noon ko pa to naramdaman para diko nahayaang lumayo ka sakin ng limang taon, pero nangyari na ang importante nandito kana ulit sa tabihihintayin ko na lang yung sinasabi mong dahilan kung bakit ka lumayo.
-------
Pumasok na sa trabaho si ell pero inasikaso nya muna ang kakainin ko ng umagahan at tanghalian, mabuti nanaman pakiramdam ko pero ayaw nya ako pakilusin agad.
Dahil sa nababagot ako sa bahay minabuti ko munang mamili, masasaid na kasi groceries sa kusina di naman namin mauna ni ell dahil pareho kaming busy, kaya eto may pagkakataon gawin.
Kotse ang gamit ko para di ako masyadong mahanginan, nag jacket narin ako dahil alam kong malamig sa supermarket.
Nasa gitna na ako ng pamimili ng tumawag si ell, gaya lang kahapon kinamusta at pinagalitan lang ako.
wala na rin naman syang magagawa nandito na ako.
"Kenn?" pag tawag ng isang tinig na pamilyar sa akin, humarap ako sa tumawag sakin para kumpirmahing sya nga iyon
"Ikaw pala alex" bati ko sa kanya
"kamusta? almost 2years na rin ng huli tayong mag kita" ani nya bago sya umakap sa akin, napag desisyunan naming tapusin ko muna ang pamimili bago kami mag usap ng ayos.
"Oh kumain na muna tayo, alam kong paborito mo rin ito" ngumite nalang sya at nag pa salamat.
"So ayun nga kamusta ka? naka usap mo na ba ulit ang best friend mo?" tanong nya, napatitig lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung dapat ko pa bang sagutin yun.
"Okay lang kenn gusto ko lang malaman"
"kasi..... ano...." nahihiya at guilty pa rin naman ako sa nangyari samin kaya diko masabi, nagulat ako ng ituktok nya yung kutsara sa noo ko.
"Ano na? hahaha mukha kang natatae, sinabi ko naman sayo okay lang na sabihin mo yung totoo, wag mo ko alalahanin" wala pa rin akong masabi
"Alam mo ba simula ng mag hiwalay tayo para akong tanga na umiiyak kahit saan" panimula nya
"s-so..." pinutol nya sasabihin ko
"makinig kana muna okay" tunango nalang ako at nanahimik.
"Nung nag hiwalay tayo sobrang sakit para sakin, sobra akong nilamon noon ng lungkot, may time pa nga na kapag nasa bar ako at nalasing pinagsisigawan ko pangalan mo hehe....." tahimik at nahihiya lang ako sa kanyang makinig.
"halos isang taon bago ako bumalik sa katinuan, seryoso gago ka! hirap mag move on sayo..... Akala ko talaga ikaw na yung makakasama ko sa forever, akala ko ikaw yung magiging ama ng magiging anak ko pero hindi pala." saad nya pa.
Tahimik pa rin ako ng itinuloy nya pag sasalita.
"Kalimutan na natin yung panget na nakaraan ang importante ngayon yung magandang nagyayari ngayon" nag taka naman ako sa sinabi nyang maganda raw.
"Alam ko na kenn na bumalik na ang best friend mo, at masaya ako para sayo..... Sya nga pala kukunin kitang ninong"
"Huh?" mukang timang kong reaksyon
"2months peggy na ako" tuwa nyang ani.
"S-seryoso?" itinuktok nya ulit sakin yung kutsara
"oo" tangi nyang sagot
"congrats lex"
"Salamat, Oh basta ninong ka okay" tumango nalang ako..
"Kamusta naman kayo ng bestfriend mo?" ayoko parin sana mag kwento pero dina nag bago tong si alex ang kulit pa rin at hilig mang tuktok ng kutsara.
"Oo na eto na aamin na ako" panimula kong ani.
"Una im sorry" mag sasalita sana sya ng pigilan ko.
"tanggapin muna okay" tumango nalang sya at nakinig nalang ulit.
"Sa ngayon kasama ko na ulit ell, maayos naman kami.... Ang problema lang hindi nga pa sinasabi sakin kung bakit umiwas at lumayo sya.... pero sasabihin naman daw nya" ani ko.
"Edi hindi na problema yun" sabat naman nya at tinuktok nanaman kutsara sa noo ko, hays namumula na siguro noo ko.
"sabagay.... ano may sasabihin pa ako" tinaas nya lang yung kilay nya para sabihing ituloy ko lang
"k-kasi may nararamdaman ako p-para sa kanya" utal kong ani
Naka titig lang sya sakin ng seryoso
"HAHAHA!" pag tawa nya ng malakas
"i knew it! sinasabi ko na nga ba dun ka din babagsak sa pagka gusto mo sa bestfriend mo" pang aasar nya.
"huh? dika ba naiilang?"
"baliw bat ako maiilang? tanggap ko mga ganyan, i know your not gay talaga lang mahirap pigilan ang pag-ibig, sa totoo lang isa nasa dahilan kaya nakipag hiwalay ako sayo dahil nahahalata ko na sayo na nagkakagusto kana sa kaibigan mo" paliwanag nya
"Pero ngayon ko lang naramdaman to, i mean yung mahal ko na ata sya"
"Natural straight ka, isa pa nung nagkakalabuan na tayo akala mo galit nararamdaman mo dahil wala sya sa tabi mo, pero ang totoo nun namimiss mo lang talaga sya lagi, diba madalas tayo mag talo dahil sya lagi bukang bunganga mo, dimo pa lang na realize yun dahil, itinutuon mo sarile mong magalit tapos yung tungkol pa satin.... Mahal mo na sya noon palang, ngayon mo lang talaga binigyan ng pansin dahil nasa tabi mo na sya ulit" mahaba nanaman nyang lintanya
"Dapat ko nabang sabihin sa kanya?" mas mabuting ganito may nakakaalam ng nararamdaman ko para kay ell.
"Do it, wag kanang mag sayang ng oras nakita ko nayung bestfriend mo hindi malabong magkaroon ka ng mga karibal" halata namang suporta sya sakin kaso tinatakot nya ako.
"Anong ibig mong sabihin?"
"sa totoo lang gwapong cute kaibigan mo kaya sure ako na madaming babaeng nagkandarapa sa kanya at..." pabitin nya pa.
"Habulin rin sya lalo ng mga lalake at kabaklaan hahaha"
"WTH! seryoso kaba?"
"mukha ba akong nag loloko? sinasabi ko lang sayo nararamdaman ko at yung sa tingin kong tama ako hahaha...." kumpyinsadi nyang ani.
"Paano kung umamin ako pero di nya tanggapin?" malalim na nga tong nararamdaman ko para kay ell.
"Nasayo nayun kung matatanggap mong hanggang kaibigan nalang kayo, pero payo ko lang sayo mas mahalaga ang pagkakaibigan" payo nya parin.
"So wala akong pag-asa?"
"baliw di naman ganun gusto kong sabihin, may mga desisyon kasi minsan na dapat tanggapin nalang kaysa may masira pang relasyon sa kaibigan ect.... Wag kang mawalan agad ng pag-asa malay natin may magandang mangyari" tumango tango nalang ako sa kanya.
"Salamat alex, gusto mo ba ihatid na kita?" pag alok ko sa kanya
"Hindi na susunduin ako ng boyfriend ko, basta ninong ka at imbitado kayo sa kasal ko" ani nya.
"sige ingat ka palagi"
"oh number ko, kapag may problema tungkol sa kaibigan mo tawagan mo lang ako" naka ngite nyang ani, ngumite ako at tumango.
Dumaan ako sa bilihan ng cupcakes para dalhin sa AU dadalhan ko si ell at mga estudyante nya haha makakapasok naman ako dun dahil malakas ako sa magiging stepmother ni ell.
pag sungitan nya ako o wag payagan siraan ko sya kay ell hahaha.
Diba pinayagan ako, okay lang daw dahil mag lu-lunch break na sila, nag iwan ako ng isang box ng cupcake para sa stepmom ni ell, bago ako tumungo sa pakay ko.
"Hello!" sigaw ko at basta pasok sa room nila, napa tingin naman silang lahat sakin.
"Anong ginagawa mo dito?!" iritar na ani ell bago lumapit sakin.
"Kalma ellelele nag dala lang ako ng makakain sa mga estudyante mo"
"Ano! at paano ka nanaman nakapasok dito?" HB lagi to.
"Malakas kasi ako sa st------" diko naituloy dahil tinakpan nya bibig ko
"damn you" bulong nya "ipamigay mo na yan at lumayas kana dito!" dagdag nya.
Ipinamigay ko naman yung cupcakes
"Maging mabait kayo sa best friend okay" ani ko yung iba tumango naman
"suhol ba to?" ani nung june, bahagyang natawa si ell sa sinabi nya
"hindi ah! kumain kana lang nga dyan" iritar kong ani
"Ayos naba pakiramdam mo?" bulong nya sakin
"Okay nanaman ako pwede na nga akong pumasok bukas"
"mabuti naman kung ganun"
"sumabay kana sakin kumain ng lunch okay" pag aya ko.
"huh? paano yung pagkaing niluto ko kanina? pati sa cafeteria ako kakain"
"pwede naman mamaya yun, pati ayos lang naman sa cafeteria tayo kumain"
"sige bahala ka nga".
Tumungo kami sa cafeteria pumwesto kami sa may pinaka dulo ng may mga dumating na asungot.
"sir dito na kami wala ng pwesto kasi" ani lucky, tumingin tingin ako sa paligid ng cafeteria, batang to anong sinasabi nyang walang ma pwestuhan ee ang dami pang bakante.
"Sige umupo na kayo" ani ell
"ako sa tabi ni sir" sabay ani june at lucky, nagtawanan naman yung tatlo sa inaasal nung dalawang timang.
"Ano meron? pwede naman kayo dun sa kabila ako na kasi katabi nya" iritar kong ani, sinamaan naman ako ng tingin ni lucky at june problema nitong mga to
"Mga mukha kayong tanga, prof lika dito sa tabi namin" inilipat ni anton yung pagkain sa may tapatan namin at pinatayo naman ni zack si ell para palipatin sa tabi nila, pinag gitnaan ni zack at benny si ell.
"Alis!" iritar na ani lucky habang binabalya si benny
"Sir oh" panunumbong naman ni benny
"tayo! dyan ako!" iritar ding ani june kay zack, sinasabunutan naman nito si zack. Gaya ng ginawa ni benny nanumbong ito kay ell.
Tinignan ko si ell at halata sa mukha ang pagka inis, hays pasaway kasi tong mga to. Tumayo ako at hinawakan sa likod ng uniporme si lucky at june.
"Dito na kayo kung ayaw nyong makita yung ell na impakto" bulong ko sa dalawang pinag gitnaan ako, umupo nalang sila at kumain.
Sa totoo lang nakakatakot talaga sya kapag lasing, pero mas nakakatakot sya kapag asar na asar na, nandadali yan kahit pa sa harap ng maraming tao.
"Mukha kayong pamilya, si kuya kenn ang tatay, si june ang nanay at si lucky ang aso HAHAHA!" pang aasar naman ni benny nakipag apir pa ito sa dalawang bugok na tumatawa rin.
"Pre bastos bunganga ni benny, anong plano mo?" tanong ni june
"Hayaan mo na, muna yang mga fuckboi nayan may araw rin sila" ani naman ni lucky.
Nilalagyan ko ng pagkain plato ni ell ng makigaya naman itong si june, kapag tinitignan ko sya ningingisian nya lang ako, bwiset nato..
"Sir oh tikman nyo" alok naman ni lucky
"hey isusubo mo yang ginamit mong kutsara kay ell?" naka ngiwi kong ani
"oh bakit wala naman akong virus ah!" sagot nya.
"Diba may tuberculosis ka!" pang aasar naman ni june na ikinatawa nung tatlo
"gago!" inambaan naman sya ni lucky
"Dika ba na ngangalayan? nakain ko na" ani ell napatingin kami sa kutsara ni lucky bago kami tumingin sa kanya
"sir meron nga pong TB yang si lucky" si june.
"Edi mas okay kung mamamatay sya susunod ako, pwede ba kumain nalang kayo"
"naks tol naka in direct kiss kana susundan kapa ni sir sa kamatayan" bulong ni anton, mga siraulong to
"gago kumain nalang tayo!" bulong din ni lucky.
"Ngiteng bente amputa!" si june
"inggit ka naman hahaha" masayang ani lucky, itinuloy nalang namin ang pag kain para maka balik na sa room.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
chapter 11 done.
-greenite
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top