POML /03/: MUSIC OF RAINDROPS

SAND'S POV

1:58p.m na at hindi pa rin bumabalik si manang! Sabi niya saglit lang siya.

"Sorry, dong." Dali-dali kong nilapitan si manang na siya namang hinahabol pa ang hininga nito habang ang mga kamay ay nasa balakang. "Medyo mabibigat lang ng kaunti ang mga paso, alam mo na, may edad na," dagdag niya pang wika habang hinihimas himas ang bandang likuran ng kaniyang balakang. "O siya at umakyat na tayo kay madam."

Nanguna sa paglalakad si manang habang ako naman ito parang batang mawawalang nakasunod sa kaniya. Kahit siguro hindi bata mawawala sa bahay na ito paano ba naman, ang hagdanan nila dinaig pa malacañang sa sobrang haba at dumagdag pa sa ganda nito ang bahagyang pakurba nitong disenyo.

Parang may kung anong lulmilipad na hindi makitang mga nilalang sa utak ko dahil sa oras pero hindi rin kaiwasan ng mga mata kong ilibot ang aking paningin sa bawat sulok na madadaanan namin sa bahay na ito.

Kahit siguro daga liliwanag ang buhay rito dahil sa dami ng ilaw. Hindi ba tumataas kuryente nila at sabay-sabay nakasindi ang ilaw kahit sa tingin ko ay wala namang masyidong tao rito.

Nahinto sa paglalakad si manang nang marating namin ang isang kuwarto-to be exact, ika-limang kuwarto mula sa hagdanan. Marahan siyang kumatok at binuksan ito. Pinangunahan niya ulit ang pagpasok at bumungad sa amin ang isang babaeng naka-upo lamang sa isang upuan, diretsyo lang ang tingin nito.

Unti-unting lumapit si manang sa tenga nung babae at may binulong siyang kung ano. Bakit kailangan ibulong?

"No! 'Di ba sinabi ko na 'yan sa 'yo?! I will not entertain applicants, anymore!" Muntikan ng lumipad ang mga papel at mabasag ang mga salamin sa taas ng boses niya. "Paalisin mo na 'yan!"

"Pero madam-"

"Miss, nandito lang ako para-"

"What? I know you're here to find a job," she said turning her head in the direction where I am but she's not looking to my face nor my eyes. "Andito ka rin take advantage of people with disability like me?

Kunot-noo na lang ang naitugon ko sa kaniya. Panandaliang natahimik ang espasyo at paligid naming tatlo, parehas naming hinihintay ni manang ang kasunod na sasabihin ng kaniyang amo.

"Oh wait, nasabi na ba sa 'yo ni manang na you'll take care a blind person-not totally pero papunta na rin naman doon?" muling pagwiwika ng babae.

Blind? Bulag? Kaya pala siya hindi lumilingon ng direkta sa akin at malayo rin lagi ang tanaw ng mga mata niya.

"Well, not totally but soon," dagdag niya pa.

"Teka lang miss-"

"What, aayaw ka agad? Baka pag nalaman mo ang magiging annual salary mo...eh baka maging bulag ka rin pero hindi tulad ko-tulad ng ibang gaya mong mahihirap." Ilalapag ko na sana 'yung ID niya at aalis na lang dahil ayaw niya naman akong pagsalitain-pero napatigil ako dahil sa sinabi niyang iyon. "You guys fond of taking advantages," dagdag niya pang pang-iinsulto. Oo, insulto 'yun!

"Ah, dong sa tingin ko mas mabuti kung mauna ka na lang muna," payo sa akin ni manang habang nararamdaman niya na rin ang presensya ng impyerno rito sa silid na ito. Pumasok sa kanan kong tenga ang sinabi niyang iyon pero lumabas din sa kaliwang tenga nang muli kong hinarap iyong babaeng matapobre.

"Hoy...miss! Para lang sabihin ko sa 'yo, oo mahirap kami-ako pero wala naman akong balak makasama ka at lalong maging sunod-sunuran sa 'yo," panimula ko sa kaniya. "Para lang din sa kaalaman mo, andito lang ako para magmalasakit at ibalik itong ID mo sa iyo dahil importante ito, hindi ako nandito para sa kung ano man 'yang pinagsasabi mo." Sunod-sunod kong ibinigkas iyon na halos malagutan na ako ng hininga dahil sa walang preno kong gusto ibitaw iyon.

Hindi ko na siya hinantay mag salita o sumagot pa at saka ako tumaliko para umalis na sana nang...may gusto pang idagdag ang utak ko sa mga sinabi niya.

"Nga pala, totoo naman 'yun. Mahilig kaming mga mahihirap mag take ng advantages," sambit ko. "Dahil hindi patas ang paglatag ng mundo ng pera at katayuan sa atin, kung gusto mong mabuhay sa larong 'to kailangan mong gamitin ang kahinaan ng iba para maging kalakasan mo." Hindi ko alam kung anong nagtutulak sa dila ko at ngayon lang ito nagsalita ng ganun karaming mga letra at pantig.

"Kunin mo na 'to ID mo." Tumayo lang ako sa isang pwesto ini-extend ang kamay na mahawak-hawak na ID.

Lumalit sa akin si manang at akmang kukunin ang ID para i-abot sa amo niyang matapobre pero iniiwas ko ito sa kaniya. "Manang, bulag lang po siya hindi lumpo at kaya naman kunin ito nang hindi umaasa sa iba."

Pinagmasdan ko lang ang naging rekasyon niya. Kahit si Leonardo Da Vinci hindi maiipipinta ang mukha niya. Hindi ba 'yun ang gusto niya ngayon magtataka siya? Hay naku! Mga babae nga naman.

"Kukunin mo ba o hindi? Bibilang ako ng hanggang tatlo," pagbabanta ko sa kaniya. Nasasayang lang ang oras ko! Nasayang lang din ang Job interview ko nang dahil sa matapobreng 'to! "Isa...dalawa....tat-"

"Ito na!" pilit niyang sambit.

"Andito ako, sundan mo boses ko," panuto ko sa kaniya bago siya tumayo't naglakad. "Ulit, andiyo ako."

Dahan-dahan siyang lumakad papalapit sa direksyon ko habang naka extend ang kaniyang kamay na siyang nagigung gabay niya sa pagramdam sa paligid.

Nang makalapit na siya sa akin, gamit ang kaniyang kamay pinakiramdaman niya kung nasaan ang mga kamay kong may hawak ng ID.

Pagkakuha niya nito ay agad na akong tumalikod. Umaasa pa rin ako na maabutan ko iyong job interview, malapit lang naman dito 'yung location kaso 2:03p.m na.

Sana, sana mayroon pa please, lord. Kailangan ko talaga 'yung trabahong 'yun.

"You're hired!" Napahinto muli ako sa paglalakad-papalapit sa pintuan nang muling kumibo ang babaeng matapobre.

"Huh?!" Tangi ko na lang nabigkas dahil hindi ko talaga alam anong pinag-iisip nitong babaeng 'to.

"I said, you're hired. Bingi ka ba?" aniya habang lumalakad pabalik sa upuan niya.

"Teka, teka miss, ikaw ata ang bingi sa ating dalawa," muli kong pagtugon sa kaniya. Akala ko ba visually impaired lang siya, bingi rin pala. "Sabi ko kanina-kung natatandaan mo, hindi ako nandito para mag-apply andito lang ako para ibalik 'yang ID mo at saka isa pa please lang tapusin na natin 'to at may job interview pa akong hahabulin, bye!" Halos mag kulay ube na siguro ako dahil sa walang hingahan ko ulit na pagwiwika sa kaniya. Hindi ko alam kung hindi ba 'to makaintindi ng tagalog o hindi makaintindi ng human language.

"I know, I heard," aniya pa. "But consider my offer first, tatanggihan mo pa ba kung 55,000 pesos ang monthly salary mo? Plus, you don't have to do a lot of work-you just need to do simple household chores and obey my orders." Nagtitigan lang kaming dalawa ng matigil ang utak ko nang marinig ko kung gaano kalaki ang salary offer niya.

55,000 pesos para lang sa isang caretaker?! Caretaker nga lang ba? Baka mamaya may underground economy 'tong pinapatakbo at madamay pa ako.

"What, aayaw ka agad? Baka pag nalaman mo ang magiging annual salary mo...eh baka maging bulag ka rin pero hindi tulad ko-tulad ng ibang gaya mong mahihirap."

Dahil sa sinabi niyang iyon ay tinalikuran ko na siya at muling hinrap ang pinto. Last na 'to, ito na talaga 'yun. "Sa 'yo na 'yang 55,000 pesos mo," huli kong sambit at lumabas na nang hindi hinihintay ang kung ano mang sasabihin niya o kababalaghang i-o-offer niya.

*****

Nagmadali ako sa pagda-drive kanina pero pagkarating ko sa location ay wala na ring tao at sarado na. Kainis naman! Kasalanan talaga 'to ng matapobreng 'yun, babalik ko lang naman ID niya dami pang drama sa buhay, dinaig niya pa mga characters sa istorya ko.

Dahil inabot na rin ako ng hapon sa daan pauwi, naisipan ko munang mag miryenda sa 'Olay's Bakery',paborito kong bakery noong bata pa ako at nakaka-miss nga naman ang tinapay nila rito, walang kapantay kahit pa sa mga mamahaling bakery sa Maynila.

Pakagat na sana ako ng pinakamasarap na tinapay sa buhay ko nang bigla na lang nag-ring ang cellphone ko.

'Rice (Kanin) calling...'

Ano na naman kaya kailangan nitong si Lorice? "Oh? Bakit ka napatawag?" panimula ko sa kabilang linya sabay kagat ng tinapay.

"Dong, si tiya Mabel mo ni." Naibaba ko ang kinakain kong tinapay nang ibang boses ang sumagot sa bungad ko at parang nanginginig pa ang boses ni tiya mabel. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang hinihintay dugtungan ni tiya Mabel ang sasabihin niya. "Si Lorice, dong!"

"Bakit?! Anong nangyari?! Papunta na ako riyan!" Hindi ko na hinintay sagutin pa ni tiya ang mga tanong ko at agad ko nang sinimulan ang makina ng motor at dali-daling nagmaneho pauwi.

*****

Sinalubong ako ni tiya Mabel na siyang hindi mapakali sa labas ng kuwarto ni Lorice. "Dong! Nag-aalala na ako sa batang 'yan," una niyang iwinika sa akin.

Hindi ko pa man nasasabi ang salitang "Bakit?" at inihayag lang ito ng mga ekspresyong ginuhit ng mukha ko.

"Kanina ay umuwi 'yang umiiyak, tinatanong namin kung bakit hindi naman sumasagot," paghahayag niya sa akin ng nangyari. "Akala namin ay may kaunti lang problema nang bigla na lang may narinig kaming kung anong bumabagsak o nababasag mula rito sa kuwarto niya," dagdag niya pang salaysay. "Kanina pa namin 'yan kinakatok at sinusubukang buksan. Wala ring susi dahil iisa lang naman ang kopya ng susi ng bawat susi rito at nasa kaniya iyon."

Habang nagsasalaysay si tiya Mabel, nasagip ng paningin ko si nanay na walang tigil na kinakatok ang pintuan ni Lorice. Nilapitan ko ang pintuan niya at walang pagsasalitang tumabi si nanay at hinayaan akong katukin ang pinto ng kapatid ko.

"Rice, ako 'to," pagkatok ko sa kaniya.

Makailang beses kong inulit-ulit ang pagkatok pero walang sumasagot na siyang nagpatindi sa pagbilis ng tibok ng puso ko. Sa pagaalala, naalala kong may duplicate kami ng susi ng isa't isa. Ginawa namin iyon para raw pag may naging burara sa amin ay may kopya pa kami.
Hindi na ako nagdalawang isip gamitin iyon para buksan ang pinto niya.

Pagkabukas ko ay tumambad sa akin ang mga kalat kahit pa napakadilim ng paligid. Namataan ko na lang si Lorice, nakakubli sa isang sulok at tahimik na umiiyak. Nilapitan ko siya't tinabihan.

"Anong nangyari?" kaswal kong pakaka-usisa sa kaniya.

Hindi siya agarang sumagot sa tanong ko. Hinintay ko lang kung kailan siya komportableng magsalita habang ramdam ko na nakatingin sa amin ang iba pa naming kasama sa bahay na naghihintay rin sa kaniyang sagot.

Nabalot ng nakabibinging huni ng hapon ang paligid namin hanggang sa mabasag ito nang gumawa ng maliit na ingay ang tinig ni Lorice. Pero bago pa may lubas na mga salita sa kaniyang bibig ay bahagya siyang tumingin sa mga kasama namin sa bahay na nakadungaw sa pintuan ng silid niya.

Wari'y naintindihan naman ng mga ito ang pagtinging iyon ni Lorice at umalis din sila't kusang isinara ang pinto.

Ngayon, sa pagitan na lang naming dalawa ang kwento at usapan.

"Pwede mo ba ba ikwento anong nangyari?" pagsisimula ko sa usapan namin.

Hindi siya agad sumagit. Unti-unting lumakas ang agos ng mga luha mula sa kaniyang mata na siyang pumipigil sa kaniyang sabihin ng diretsyo ang kwento.

May iniabot siya sa aking kung anong nakatuping papel habag patuloy lang siya sa pag hagulgol. Binuklat ko ang papel na ito at masuring binasa ang nilalaman.

'To whom we concern,

I trust this letter finds you well. We writing this letter to bring to your attention an unfortunate incident that occurred recently at our school involving your sister, Rosa Lorice Agustin and a consequential impact on our school's valuable things and assets.

It was brought to our attention that Ms . Agustin inadvertently caused damage to our school's domain, cost 80,000 pesos. The extent of the damage has been assessed by our school property custodian, and it has been determined that significant repairs and restoration are required to ensure the seamless functioning or much better replacement for better function.

While we understand that accidents happen, it is important for us to address this matter promptly. We kindly request your cooperation in scheduling a meeting at your earliest convenience to discuss the incident in detail and explore potential solutions moving forward.

Sincerely,
SIERRA GUADA LOPEZ-XIN
Aduara Xin International High, Principal'

"Ano 'to?!" tangi ko na lang naiusal sa kaniya matapos kong basahin ang letter na nagmula sa school principal ng bago niyang eskwelahan. Napatigil ako saglit nang mas lumala pa ang paghagulgol niya. Hindi ko na pansin na mas ikinatakot niya ang naging reaksyon ko.

Napapikit na lang ako sa pangyayari at dahan-dahang ibinaba ang sulat. Dinamdam ko muna ang pagpipi ng gabi at saka ako muling dumilat para malumanayang kausapin si Lorice.

"Sorry," una kong bigkas. "Pwede ba ipaliwanag mo kung ano 'to?" dahan-dahan kong pagusisasa kaniya na tila ba ay para akong nakikipag-usap sa isang bagong silang na sanggol. Ayaw kong manghusga agad ang rekasyon ko kaya kung hangga't maaari ay magkwento na siya at baka ano pang masabi ko dala ng emsyon.

Patuloy lang siya sa pagtangin, walang tigil at tila hindi nauubos ang luha niyang kaya nang makapuno ng balde. "Hindi ko talaga sinasadya, hindi!" wika niya habang umuungos. "Please, kuya, 'wag mo na 'to sabihin kay nanay" Paghawak niya sa mga kamay ko habang natutuluan ito ng mga luha niya.

"Kumalma ka muna." Tumayo ako't kumuha muna nang isang basong tubig na inilapag na lang ni tiya isabel kanina sa bukana ng kaniyang kuwarto at saka ko ipinainom sa kaniya. "Pagkalmado ka na, saka ka magkwento sa akin-nang buong katotohanan, walang labis, walang kulang."

Agaran niyang nilagok ang baso ng tubig at huminga ng malalim. "Kanina kasi, nagmamadali na akong umakyat sa susunod ko subject gawa nang late na kaming nakalabas sa nauna, pero nung papaakyat na ako ay hindi ko namalayan na andoon pala ang mamahalang vase sa may bukana ng hadanan at nasagi iyon ng bag ko dahilan para mahulog at mabasag iyon," isang bagsakan niyang pagkikwento na sa wari ko'y hindi siya humihinga habang isinasalaysay 'yun sa akin. "Hindi ko alam anong gagawin ko! Ang laking halaga nun, kuya!" dagdag niya pa at muling tumangis.

Hindi ko matulungan ang sarili ko kung 'di yakapin siya at pagaanin ang loob niya. Halos mamaga na ang mga mata niya kakaiyak. "Sige na at tumahan ka na, ako nang bahala roon."

*****

Matapos ang halos dalawang oras na pag-iyak ni Lorice ay nakatulog na rin siya dahil sa pagod nang mata nito, naglinis na rin ako ng kuwarto niyang parang dinaanan ng buhawi sa kalat.

Ibignaksak ko ang sarili ko sa kama ng aking kuwarto, nakatulalang nakatitig sa kesame at wari'y lumilipad ang isip.

Saan naman ako kukuha nang ganoon kalaking halaga e, hindi nga ako nakapag-apply nang trabaho?

Napatayo ako sa pagkakahiga ako at umupo sa sahig sabay bukas nang laptop ko. Makakapag-ipon naman siguro ako kung maggo-ghost writing ako, malaki raw ang kitaan dito.

Bago ako magsimulang magtype ay muli akong tumayo para kumuha ng ballpen at notebook. Sa paghugot ko ng notebook sa shelf ay may kung anong nahulog na kapirasong papel.

'Yinyreil Meir Xin,
Executive of Xin Archery Club

Contact no: 097878444467123
Email: [email protected]'

Ba't pa 'to nandito? Hindi ko pa ba 'to natatapon?! Kainis! Naalala ko na naman 'yung matapob-

***

"But consider my offer first, tatanggihan mo pa ba kung 55,000 pesos ang monthly salary mo? Plus, you don't have to do a lot of work-you just need to do simple household chores and obey my orders." Nagtitigan lang kaming dalawa ng matigil ang utak ko nang marinig ko kung gaano kalaki ang salary offer niya.

55,000 pesos para lang sa isang caretaker?! Caretaker nga lang ba? Baka mamaya may underground economy 'tong pinapatakbo at madamay pa ako.

"What, aayaw ka agad? Baka pag nalaman mo ang magiging annual salary mo...eh baka maging bulag ka rin pero hindi tulad ko-tulad ng ibang gaya mong mahihirap."

Dahil sa sinabi niyang iyon ay tinalikuran ko na siya at muling hinrap ang pinto. Last na 'to, ito na talaga 'yun. "Sa 'yo na 'yang 55,000 pesos mo," huli kong sambit at lumabas na nang hindi hinihintay ang kung ano mang sasabihin niya o kababalaghang i-o-offer niya.

"Dong! Pinapabigay ni madam! Tanggapin mo na lang at kapag hindi mo raw tinaggap ay hindi ka niya papalabasin ng subdivision." paghabol sa akin ni manang para lang i-abot ang...calling card-lang pala.

***

Bigla nag-echo ang usapan naming iyon at sa sitwasyongb ito ay hindi ko mapigilang isipin na tanggapin iyong trabaho. Pero...paano kung underground economy nga itong babaeng 'to? Hindi ko pa naman sinusubukan, paano ko malalaman? Bahala na! Para kay Lorice!

*****

Kinabukasan ay maaga akong nagbihis at gumayak paalis nang bahay. Sinabihan ko na rin si tiya Mabel na okay na si Lorice at nagpapahinga lang sa kuwarto, huwag na lamang niya gisingin at natutulog pa ito.

Hindi gaanong traffic sa daan dahil maaga-aga pa nang sumakay ako nang taxi papunta sa bahay...ulit nang matapobreng babae.

Pagkababa ko nang taxi ay diretsyo pindot na agad ako sa doorbell nang mabilis na matapos itong pag-uusapan namin. Paulit-ulit kong ginawa iyon pero walang nagbubukas. Halos mapudpod na ang hintuturk ko kakapindot pero wala pa ring nagbubukas.

"May tao ba?" busal ko habang sinisipat-sipat ang loob mula sa itaas nang gate. "Tsk! Maghanap na lang ng ibang trabaho," bulong ko sa aking sarili at tumalikod na't handang iwan ang gate ng bahay na iyon nang...bigla na lang may humintong sasakyan malapit sa gate.

"Dong! Ngano man naa ka diri?( Hijo, bakit ka nandito?)." Pagbaba nang bintana ng kotse, ang pagmumukha at boses ni manang ang bumungad sa 'kin.

"Ahhh, napag-isip-isipan ko po kasi 'yung offer ng matapob-este madam niyo, ho," tugon ko kay manang. "Nandiyan po ba siya?"

"Ah oo-Ang ibig kong sabihin ay nasa loob siya, teka lang at igagarahe lang namin ni manong itong sasakyan," ani ni manang at saka sila nagpatuloy sa garahe.

Mayamaya pa ay pinagbuksan na ako ni manang ng gate at nagpatuloy kami hanggang sa opisina ng amo niya.

"Madam, may gusto pong kumausap sa inyo." Marahang binuksan ni manag ang pinto at tinawag ang atensyo ng kaniyang amo. Unti-unti siyang lumapit dito at inilapit pa ang kaniyang bibig sa tenga nito. "Siya po 'yung binatang pumunta rin dito noong isang araw, 'yung nagbalik po ng ID ninyo," bulong niya sa kaniyang amo-hindi naman talaga bulong, sakto lang para marinig ng dalawa kong mga tenga.

"Oh, change of mind?" una niyang bigkas sa akin. "So, napag-isip-isip mo na you need me-my money?" Hindi talaga maitago sa mga salita niya ang kayabangan. Kung hindi lang ako nangangailangan baka nasagot ko na 'to!

"Tama po kayo, napag-isip-isip ko na kailangan ko nang maayos na trabaho, at dahil sa kinailangan kong ibalik sa inyo ang ID ninyo, na-miss out ko ang isang opportunity na kinakailangan ko kaya andito ako ngayon para tanggapin ang kapalit na another opportunity," tugon ko sa sinabi niya habang pigil na pigil ang dila kong magsabi ng kung anong rebuttal sa nagtataasan niyang kilay. Sa ganoong paraan ko lang siya mababara, atleast in a nice way.

"Well, hindi ko na kailangan magsayang ng oras. You can start tomorrow," aniya't ininom ang tasa ng tsaa na nakapatong sa kaniyang lamesa.

"Ganun lang kadali?" pagkunot ng noo ko sa kaniyang sinabi.

"Ayaw mo? Pwede ko namang bawiin," sabay taas ng kilay niya sa akin.

Kung titignan mo siya base sa kilos at pananalita niya hindi mukhang may problema siya sa paningin, sa attitude at utak meron.

"Wala naman akong sinabing ayaw ko, nagulat lang. Bawal ba magulat 'yung tao?" sarkastiko kong pagtugon sa kaniya.

"By the way, tomorrow, kailangan 8:00 a.m pa lang andito ka na. We will conduct the contract signing and orientation tomorrow so don't be late," paalala at bilin niya sa akin.

"Sige po, madam. Hindi naman po ako sumusunod sa Filipino time," muli kong pabirong sagot sa kaniya.

Kumunot naman ang noo nitong mata(dam)-pobre sa biro ko. Ganun din si manang na kung makatitig ay parang hihiwain ako ng buhay.

"What is 'Filipino time'?" aniya na bakas sa boses ang kuryosidad at pagtataka.

Aba! Kaya pala matapobre, kahit simpleng slang words ay hindi alam. Kakaiba!

"Filipino time, 'yung mga taong binigyan ng oras pero gumagawa sila ng sarili nilang oras," simpleng paliwanag ko sa kaniya na sana ay naintindihan niya at nabigyan ko siya ng bagong kaalaman sa araw na ito-o sa buong buhay niya.

"Whatever!" tangi niyang reaksyon. "Manang paalisin mo na nga 'to rito! Kaladkarin mo kung kinakailangan," wika niya't nangangapang umalis at pumasok sa silid na nasa loob lang din ng opisina niyang ito.

Kahit may edad na si manang, hindi maitatangging may lakas pa rin siyang kaladkarin ako palabas ng gate.

"Manang naman, eh! Kailangan ba talagang kaladkarin?" Pinagpagan ko ang sarili ko at ang damit kong suot na muntikan pang mapunit ni manang.

"Utos iyon sa akin kaya susundin ko," pagdadahilan niya pa. "O siya, umalis ka na at huwag mong kakalimutan...bukas dapat maaga! MA-A-GA!" bilin niya sa akin sabay lock ng gate at pagbalik sa loob ng bahay.

Pagkatalikod ko sa gate, hindi agad ako nakapaglakad at tinitigan ko muna ang langit. Mukhang uulan. "Oo! Bukas, MA-A-GA! Syempre, hindi dapat ako pumalpak at ito ang una kong trabaho," pagbulong ko sa sarili ko habang unti-unting bumubuhos ang ulan. "Trabaho? Oo! MAY TRABAHO NA AKO! SA WAKAS! WOHHHH!" Napatalon ako sa tuwa habang sa bawat paglapag ng paa ko sa basang kalsada ay gumagawa ito ng maliit napagtalsik ng tubig. Hindi na nag-abala ang isipan kong mamalayan na sobrang basang-basa na ako. Para akong bata na nagliliwaliw sa ulan at nagpapakasayang makipaglaro sa tubig. Mas nanaig ang kasiyahan sa aking puso't utak kaysa sa pag-aalalang maaari akong magkasakit sa ginagawa ko.

"Jusko! Ginoo! Dong, nangano ka man dira? Mu ra kag bata uy! (Jusko! Hijo, anong ginagawa mo riyan? Para kang bata!)" sa sobrang tuwa ay hindi ko na napansin ang motor na paparating at muntikan na nga ako magka-appointment kay San Pedro sa opisina niya sa langit.

"Sorry po, manong." Napailing na lang ang driver at nagpatuloy na sa pagmaneho.

Nakakahiya! Pero ayos lang atleast may TRABAHO NA AKO!

K

ailan man sa buhay ko ay itinuring ko ang pag-ulan na isang simbolo ng kalungkutan. Maaari nating ituring ang bawat patak nito bilang isang hinigpis na mala luha, maaaring karamay at sinong mag-aakala na may natatago palang musika ang bawat patak nito. Maririnig mo lang iyon kung nahanap mo na ang simula ng laban ng napili mong tahakin nalandas. At dahil naririnig ko na ang musika nito, ito na ang umpisa ng tunay na laban!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top