POML /02/: BEGINNING

SAND'S  POV 

2 months after...

“Bilisan mo, kuya!” Nagmamadaling lumakad ang nakababata kong kapatid na si Lorice habang nakasuot pa siya ng toga kaya halos pinagtitinginan siya ng mga tao rito sa airport. “Bilisan mo na at baka maiwanan pa tayo ng eroplano!” dagdag niya pa.

Ako naman ito, nagtatakbo rin habang bitbit-bitbit ang tatlong handbag at pasan-pasan ang isang napakabigat ng backpack. Tamang disiyon bang samahan siya?

’Di man lang ako tulungan dito!

Malapit na kami sa boarding area nang...bigla na lang akong mabunggong babaeng naka sunglasses! Jusmeyo naman, ngayon pa!

“Sorry, miss! ’Di sadya, nagmamadali lang,” sambit ko habang pinupulot ang mga gamit sa loob ng bag niyang nahulog.“Sorry talaga, miss,” muli kong pagwika at saka hinabol si Lorice na nakasakay na ata ng eroplano.

Akala ko talaga maiiwanan na ako ng eroplano, bigla tuloy akong sinapia ni The Flash sa pagtakbo. Hingal na hingal akong nakarating sa bukana ng eroplano, nakangiti pa sa akin ’yung flight attendant na naroon para sumalubong sa mga pasahero. “Welcome aboard, sir,” bati niya pa. May sumalubong din sa akin na isa pang crew na tulungan ako sa mga handbag na nadala ko. Ay salamat naman, sa wakas may mga mabubuting tao pa sa mundo.

3 seats—magkabilaan itong eroplano. Si Lorice ang nasa may bandang bintana at damang-dama niya ang pagtingin doon sa mga oras na ’to kahit ’di pa kami nagti-take off. Ako naman ang nasa gitna. Buong akala ko e walang uupo sa natirang upuan banda sa amin pero mayamaya lang ay may babaeng middle age na umupo roon. Sa tingin ko ay kasama niya ’yung babaeng nasa kabilang row dahil na rin sa may iniabot siyang earphone rito. Bakit ba ako nakikisawsaw sa buhay ng iba?!

“Mabuhay, Welcome to Grand Airlines flight CB1524 bound to Cebu City. This flight will take 1 hour and 36 minutes so feel your self comfortable during this flight.”

Pagkatapos nang anunsyong iyon ay may tumayong dalawang flight attendant sa aisle, ’yung isa ay nasa bandang harapan at ’yung isa naman ay nandirito banda sa amin, sa gitna.

“Ladies and gentlemen, please direct your attention to your cabin crew who will demonstrate you the safety features of this aircraft. Each seat is provided with the seatbelt. To fasten push end together and tighten seatbelt by pulling those end. To unfasten, lift off the buckle and pull each ends to release...”

Halos hindi ko na pinakinggan at pinanood ang demonstration nila, ilang beses ko na kasing narinig at napanood ’yun online para sa ginagawa kong istorya kaya medyo naisa-ulo ko na. Hindi lumipas ang oras ay unti-unti nang umangat ang eroplano patungo sa himpapawid matapos magpaikot-ikot nito sa runway.

Sa mga oras na ito ay naantok na ako kahit hindi pa kami nakakalayo sa airport. Wala pang sumisikat na araw nang gumising kami ni Lorice kanina dahil maaga rin ang graduation ceremony nila. Hindi ko na nga mapigilan itong paghikab-hikab ko kaya isinuot ko muna ang headphones ko, sumandal ng komportable at ginamit ko na rin ang libreng kumot nila rito. Kasabay ng music na nagpiplay sa headphones ko ang siya ring unti-unting pagpikit ng mata ko.

*****

May naramdaman akong kung anong mabigat sa balikat ko’t iminulat ko ang mga mata ko para tignan kung ano ’yun.

’Yung babae lang pala na nasa tabi ko na...nakatulog. Hindi tuloy ako makagalaw ngayon at baka konsensiya ko pa pag nagising siya.

Inilibot ko na lang ang mga mata ko para tignan kung nasaan na kami, hindi ko rin pala malalaman dahil hindi ko naman kabisado ang mapa ng Pilipinas. Nasagi ng paningin ko si Lorice na nakasandal sa binta at nakatulog, napagod ata siyang mag emote. Ibinigay ko na lang sa kaniya ang kumot na ginamit ko dahil hindi na rin ako makabalik sa pagtulog.

Hindi pa talaga tuluyang nagising ang diwa ko at pahikab-hikab pa rin ako pero dahan-dahan lang at baka magising itong ale na nakasandal sa akin. Mayamaya pa ay unti-unti nang bumaba ang eroplano. Pakiramdam ko nga ay parang naiwan ang kaluluwa ko sa taas. Pagkababa nito ay nagpaikot-ikot pa ito sa runway habang karamihan nang pasahero ay nagsisigisingan na.

“Mabuhay, We just landed at Mactam Airport, Cebu. On behalf of our flight deck crew headed by Captain Marasigan and the rest of the Team, we thank you for choosing Grand Airlines,” muling anunsyo sa eroplano nang huminto na ito sa pagikot-ikot sa runway na siyang gumising kay Lorice.

Nagsitayuan na agad ang mga pasahero pagkabukas nang pintuan. Ang kanina’y kalmadong paligid, nabalutan ng siksikan kaya ’di muna kami tumayo ni Lorice at maging ang middle age na babae na nasa tabi ko. Hinintay muna naming humupa ang mga tao hanggang sa makalabas na sila.

Halos madapa na sa pagmamadaling bumaba ’yung middle age na babaeng nakatabi namin habang inaalalayan niya ’yung babaeng naka sunglasses na naka-upo sa kabilang row kanina.

Bakit ba ko nakikialam sa kanila?

“Kuya, kunin muna natin maleta ko, baka nakakalimutan mo?” pagimik ni Lorice nang malapit na kami sa exit ng airport. Aba! Ngayon niya lang naalala!

Wala naman akong choice kung hindi samahan siyang bumalik sa luggage area, kung saan niya hinintay at hinanap ang maleta niya.

Ilang minuto pa ang lumipas, parang mapuputol na ang mga daliri ko pati na rin ang likod ko sa tagal niyang makuha ang maletang hila-hila niya ngayong palabas na kami ng airport.

Sa labas, kukuha na sana kami ng taxi pero mukhang hindi mahulugang karayom ang mga tao rito sa airport at nagkaubusan na ng taxi kaya kinakailangang muna naming maghintay pa saglit. Hindi na kami umalis dito sa terminal ng mga taxi para hindi na rin kami maubusan, tumabi nalang kami para 'di namin maabala ang mga dumadaan. Kay swerte nga nitong si Lorice at nakaupo pa siya sa maleta niya habang naghihintay samantlatang ako heto, naninigas na ang mga buto at daig pa ang pasan-pasan ang mundo. 

Hindi rin nagtagal ng isang oras ang paghihintay namin at may dumating din na isang taxi.

Tinulungan ako ni kuyang driver mag angat ng mga gamit sa trunk at as usual nauna nang sumakay sa loob si Lorice.

“Ito na ba lahat ng gamit niyo, dong?” tanong sa akin ni manong bago niya isara ang trunk ng taxi. “Mahirap na’t baka naa moy nakalimtan (Mahirap na at baka meron kayong nakalimutan),” dagdag niya pa.

Sinuyod ko muna ang paningin ko sa paligid para siguraduhing wala akong nakalimutan hanggang sa...“Ay teka manong, may isa pa palang bag doon.” Hindi ko namalayan na naiwan ko pala ’yung ibinaba kong luggage kanina sa gilid dahil sa namamanhid kong kamay.

Nilapitan ko muna ’yung luggage at sinigurado ko sa akin ’yun. Baka mamaya bomba pala 'yun dampot lang ako nang dampot, mahirap na. Pagkaangat ko nga ng bag ay may parang card akong nakita kaya pinulot ko ito nang...may kaba dahil baka mamaya isa talagang threat bomb itong hawak ko. Lord, protect me and forgive me, Lord!

“Yinyreil Meir C. Xin,” pangalang nakasulat doon sa ID—Voter's ID. Kanino naman kaya ito? Naku, napakaimportante pa naman ng ID na ito.

“Dong, ayos ra ka? May nawawala ba?” usisa sa akin ni manong driver.

“Wala po! Tara na po,” tugon ko sa kaniya’t ibinulsa ko na lang muna ’yung ID at sumukay na dahil mukhang gagabihin din kami sa byahe.

Ibabalik ko sana sa information desk o 'di kaya sa lost and found area itong ID pero nagmamadali rin kasi kami’t baka lalo kaming gabihin sa pagbyahe, si manong din kasi naghihintay.

Huminga ako ng malalim saka ko ibinuga nang malakas, kasabay nun ay ang pag suot ko ng headphones ko’t pag sandal ng komportable. Nagpapatugtog naman si manong sa radio pero 'di ko bet kaya nagsarili na lang ako. Dahan-dahan na ritmo ng musika sabay sa daloy ng utak ko.

Tama bang bumalik pa ako rito? Handa na ba ako—o mas tamang itanong, handa na ba silang makita ulit ako? Paano naman ako babati sa kanila pagdating ko roon?

‘Hi, kumusta kayo?’ para namang feeling close ang dating at arogante sa sitwasyon namin kung ganun ang sasabihin ko.

‘Magandang araw sa inyo, hindi ako nandito para ipilit ang sarili ko.”e ’di para ko na ring tinaggap na forever nang magiging ganun ang tratuhan namin sa isa’t isa

Paano nga ba?

*****

“Dong, naa na ta diri (Hijo, nandito na tayoo).” Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at kasalukuyang nag piplay sa headphone ko ang kanta ng Masculados  na Jumbo Hotdog. Anong playlist ba 'to?!

Bago kami bumaba, tignan ko muna ang metro at saka ako nagbayad kay manong. Pagkababa nga namin ay tinulungan ulit ako ni manong magbaba ng gamit at saka siya umalis.

Nasa bungad pa lang kami ng kumunidad namin kaya kinakailangan pa naming maglakad ng kaunti para makarating sa paroroonan namin.

Kahit medyo madilim na ang daan, malubak at may katarikan, damang-dama ko ang pagtingin sa amin ng mga kapitbahay na nadadaanan namin. Hindi naman nakakatakot ang tingin nila, pero kung ano ang nasa isip nila—’yun ang nakakatakot.

“Lori, Sand?!” Pagtawag at bungad nang isang babaeng may pamilyar na boses at mukha kaya parehas kaming napahinto.

“Tiya Mabel!” sambit naman ni Lorice at niyakap ito nang mahigpit.

Tiya mabel? Sa tagal siguro naming nawala rito ay hindi ko na maalala pa ang pangalan niya.

Tila abot langit ang ngiti nang tinawag ni Lorice na Tiya Mabel nang makita niya kaming dalawang nandirito.

“Sigurado jud ko na makalipayon gud si Norlyn ani! (Sigurado ako na magiging masaya talaga si Norlyn nito!)” aniya pa’t halos patakbo na silang nagpatuloy sa paglalakad.

Matutuwa? Sana ganun na nga lang.

Habang nasa daan kami'y walang humpay ang pagsasalita ni Tiya Mabel at panay ang kwento nito kay Lorice, dahil din siguro sa nakikinig ako sa kanila hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa aming paroroonan, ang bahay na minsan kong tinakasan.

“Kadyut ra dai ha, kay tawgon sa na ko siya (Wait ka lang ha, tawagin ko lang siya),” sambit ni Tiya Mabel at naunang pumasok sa loob.

Mayamaya pa ay muling bumalik si Tiya Mabel suot-suot pa rin ang malawak niyang ngiti. “Ara na siya dai! (Andyan na siya!)”

“Unsa man uy, Mabel?! Nga noman perte nimong sa— (Ano ba ’yun, Mabel?! Bakit ba ang inga—” Isang pamilyar na boses ang tumambad sa aking pandinig, boses na hindi ko inasahang maririnig ko pa matapos ang ang labing-isang taon, ang boses ni nanay.

“Lorice, anak ko?!” ani niya nang makita niya si Lorice sabay pagyakap nito na para bang hindi niya na balak pang bitawan ito. Isa lamang 'yun sa patunay kung gaano siya nangulila sa nakababata kong kapatid sa loob ng labing-isang taon. “Miss na miss kita, anak ko,” dagdag pa nito.

“Ako rin po, miss na miss ko na kayo,” tugon naman ni Lorice habang yakap-yakap pa rin nila ang isa’t-isa.

Nang magbitaw sila sa pagkakayakap, saka lang napansin ni nanay na naka toga si Lorice kaya mas lalo itong naiyak habang hinahaplos ang mga pisngi ng kapatid ko. “Napakaganda mo riyan anak, proud na proud ako sa ’yo,” ani pa nito sa kaniya.

“Alam ko pong maganda ako pero hindi ko po magagawa lahat ng ito kung hindi dahil sa tulong ni kuya Sand,” wika ni Lorice na siyang ikinalingon ni nanay sa gawi kung nasaan ako.

Panandaliang natahimik ang paligid namin na siyang dumagdag pa sa bigat ng paligid hanggang sa basagin ito ng inaasahan kong tanong.

“Bakit ka nandito?” diretsyong boses na tanong ni nanay sa akin.

Gusto kong sagutin ang tanong niya pero...hindi ko maipaliwanang kung bakit bigla na lang ’di ako makapagsalita, na para bang may pumipigil sa aking gawin iyon. Paralisadong natulala lang ako sa kinalalagyan ko na para bang nakagapos ang mga paa, kamay o bibig ko rito.

“Kung iniisip mong nakalimutan na ng mga tao sa bahay na ito ang nangyari 11 years ago, bakit naman namin gagawin ’yun?” may diing sinabi ni nanay sa akin, habang damang-dama ko na ang nakapapasong kulo ng kaniyang dugo sa akin.

11 years ago, tama. Wala akong ginawa noon—wala akong nagawa, kaya paano nila kalilimutan iyon?

“Nay, pwede po bang mag-usap muna tayo?” biglang pagsingit ni Lorice sa usapan bago pa mas lalong uminit ang tagpo sa pagitan namin ni nanay.

“Baka lang naman gusto niyong pumasok muna sa loob at doon niyo na ’yan pag-usapan bago pa magkaroon ng drama rito,” pagsingit ni Tiya Mabel.

Hindi na rin naman nag protesta si Nanay at nauna na silang pumasok habang inaalalayan ni Lorice si nanay. Sa loob, gusto ko mang umupo sa sofa pero alam kong mapapaalis na rin naman ako sa ilang segundo, bakit pa ako mag-aabalang umupo?

“At ano namang naisip mo’t bakit mo dinala ang taong ’yan dito sa pamamahay natin?” diretsyong boses ni nanay pero kahit ganun ay mahahalata mo pa rin na malinaw pa rin sa mga mata at isip niya ang nangyari, 11 years ago.

“Nay, alam ko pong may alitan kayo pero sana naman po ay hayaan niyo na lang po munang makasama ko si kuya rito,” pagkombinsi ni Lorice kay nanay. “Hindi ko po maaatim na iwan siya sa Maynila mag-isa habang ako hindi niya iniwan at pinabayaan mula nang mamatay si Tiyo Arsing.”

“Namatay ang Tiyo Arsing mo? Kailan pa?”  halos hindi maipinta ang mukha ni nanay sa impormasyong iwinika ni Lorice.

“Opo,” pabulong na tugon ni Lorice. “Limang taon na po ang nakararaan ng atakihin siya sa puso habang nagbabantay ng karenderya niya,” pagpapalawak pa ni Lorice sa Usapan. “At simula po nung mga taong wala siya, si kuya na po ang bumuhay sa aming dalawa roon sa Maynila—kaya nay, hayaan niyo po akomg ibalik sa kaniya ang pag-aalagang ’yun.”

Dahil sa sinabing ’yun ni Lorice, naramdaman ko ang pagtingin ng mga mata ni nanay na hindi ko maintindihan kung anong nais ipahiwatig ng mga ito, hindi ko mabasa kung anong nararamdaman niya sa mga oras na ito pero tiyak naman akong matindi pa rin ang pagkamuhi niya sa anak na tulad ko.

Panandaliang naging sementeryo ang setting ng paligid namin dahil sa nakabibinging katahimikan. Hinihintay ang magiging pasya at sasabihin ni nanay.

Bakit pa ba ako maghihintay alam ko naman kung saan ’to papunta at kung anong magiging pasya ni nanay. Wala naman akong gagawa at wala ring magagawa kung pipilitin ko siya kaya rerespituhin ko na lang kung hindi pa talaga siya handang kausapin at makita ako.

Pumikit ako nang dahan-dahan, humugot ng hininga at ibinuga iyon. Nag-ipon ako ng lakas ng loob na bumoses. “Lorice...N-nay—” Itutuloy ko pa ba ’tong naiisip ko? Paano si Lorice? “—Mauna na lang po ako, ayaw ko nang abalahin pa ang pagkikita niyo,” pagpapaalam ko sa kanila habang iniiwas pa rin ni nanay ang tingin niya sa akin. “Bruha, mag-iingat ka rito,” paalam ko sa napakaganda kong kapatid.

Nagpaalam na rin ako kay Tiya Mabel. Hindi ko na hinintay na magsalita si Lorice at baka magbago lang isip ko kaya tumalikod na ako para 'di ko na makita pa ang magiging reaksyon niya. Hahakbang na sana ako palabas ng bahay nang...

“Sandali!” biglang imik ni nanay. “Pumapayag na ako,” dagdag niya pa.

Nang marinig ko ang sinabi niya. Palihim kong kinurot ang sarili ko’t baka imahinasyon ko lang ’yun pero—ANG SAKIT!  Naparalisado akong nakatalikod sa kanila, naghihintay na makarinig ng paliwanag.

“Pero huwag niyong papatulugin sa dati niyang kuwarto, sa bodega siya tumuloy—linisin niya ’yung lugar na ito. Paano?Bahala siya. Hindi ko ito ginagawa para sa ’yo, ginagawa ko ’to para sa anak ko, kay Lorice.” Bagaman nakatalikod ako ay naramdaman kong tumayo at umakyat si nanay sa itaas kaya lumingon na ako pabalik kay Lorice.

Nagtitigan kami nang ilang segundo. Galit ba siya sa akin? Sh*t! Dapat ’di ko na lang sinabi, dapat nanindigan ka na lang, Sand!

“Arghhh, kuya!” Bigla na lang nagtatalon si Lorice at halos matumba nakami sa higpit ng pagkakakulong niya sa akin sa kaniyang mga bisig—malapit sa bandang leeg pa ang pagkakayakap niya. Papatayin ata ako nito dahil sa tuwa niya.

“Teka! Teka! ’Di na ako makahinga!” pag-awat ko sa kaniya sa pagtalon-talon niya habang yakap-yakap ako. Umawat naman siya.

“Masaya lang ako kasi magkasama pa rin tayo! Pero...sa bodega?” Biglang natunaw na parang kandila ang malawak niyang pangiti kanina.

“Huy! Ano ka ba?! Bakit parang nabagsakan ka ng langit at lupa riyan?Akala ko ba masaya ka. Ayos lang naman ’yun at lilinisin ko lang, ’wag kang OA!” pagbibiro ko sa kaniya nang hindi na siya bumusangot.

“Sigurado ka?” Parang batang 'di binigyan nang candy ang mukha niya nang mag-usisa siya sa akin.

“Oo nga! Tara na’t ihahatid na kita sa kuwarto mo,” pagkumpirma ko sa kaniya’t sinamahan ko na siyang umakyat sa kaniyang kuwarto. Ako na rin ang nagdala ng maleta niya paakyat.

Magkatabi lang naman ang bodega at ang kuwarto ni Lorice kaya hindi ko na kinailangan pang magsayang ng energy lumakad nang malayo.

Pagkapasok ko sa bodega, nakaramdam ako ng takot at baka may magpakitang kung anong nilalang dito. Ibinaba ko muna ang mga gamit ko sa isang tabi ang mga gamit ko at binuksan ko ang ilaw, buti nga’y gumagana pa ang mga ito.

Wala naman masyidong gamit dito sa loob at puro lang talaga alikabok. Tinanggalan ko muna ng mga puting telang nakatakip sa mga furniture na 'di na ginagamit at inumpisahan ko nang maglinis. Sinimulan ko sa pagbaba at paglalabas ng mga kahon at furniture. Bago ko ilipat sa isa pang storage room sa baba ang mga gamit at pinamilian ko muna kung anong magagamit ko sa mga iyon at anong hindi.

Matapos kong magbaba ay sinimulan ko na sa pagwawalis at pagtatanggal ng agiw. Dahil isa akong matalinong tao, hindi ko naisipang takpan ang bibig ko kaya daig ko ba ang may sakit sa baga kung umubo. Matapos kong mag walis at magtanggal nang agiw, bumaba muna ako para kumuha ng isang baldeng tubig at basahan.

Pwede naman akong kumuha sa cr sa itaas pero sarado kaya sa baba na lang ako kumuha. Pabalik na ako sa bodega—soon-to-be kuwarto ko nang madaanan ko ang bukas na kuwarto kung nasaan si nanay, nag-iisang nakaupo sa kama nito.

Wala pa ring nagbabago sa kuwartong iyon, ganun pa rin ang angas ng mga gamit, ganun pa rin ang ayos. Kung paano iniwan iyon ni kuya, ganun pa rin siya hanggang ngayon.

“Kuya, hindi ba masyidong simple kapag color white?” tanong ko sa kaniya habang ikinakabit niya ang mga bagong bili niyang kurtina.

“Mas simple mas maganda,” sambit niya at bumaba sa pagkakapatong niya sa isang silya. Tinabihan niya ako at ginulonang buhok ko. “Tandaan mo na hindi lahat ng magarbo ay maganda, minsan nakakatuwa iyong simple lang at malinis, nakakakalma pagmasdan,” aniya pa sa akin habang ako naman ay nakatingin aa parang langit niyang kuwarto, puro puti kasi.

Aray! Bumalik sa reyalidad ang isipan ko nang maramdaman ko na ang pagsakit ng mga daliri ko dahil sa isang baldeng tubig na dala ko na 'di ko man lang naisipang ibaba.

Bumalik na nga lang din ako agad sa soon-to-be kuwarto ko at baka magkaroon ulit kami ng eksena ni nanay pag nakita niya akong nakatayo roon, para na rin ibaba ’yung balde ng tubig na dala ko.

Hindi na ako nagaksaya ng oras at sinimulan ko na ang pagpupunas sa buong kuwarto nang matanggal na talaga ang mga dumi at alikabok. Mano-mano ko lang pala ginawa ’yun gamit ang mga kamay ko dahil wala akong makitang mop.

Yuko roon, yuko rito. Kuskos doon, kuskos dito. Paulit-ulit kong ginawa ’yun hanggang sa mapunasan ko na ang buong sahig ng kuwartong ito. Pinunasan ko na rin ang mga gamit na gagamitin ko pa maging ang salamin ng nag iisang bintana ng silid.

Hindi na ako nagsayang ng oras at ibinalik at inayos ko na ang mga gamit sa loob para mag mukhang kuwarto na talaga siya. Dahil wala naman akong kama rito, ginawan ko na lamang ng paraan at ang mga paletang kahoy ang pinatungan ko ng aking higaang bobombahan lang ng hangin at magiging malambot na higaan na.

Sa pag-aayos ko naalala ko ang sinabi ni kuya “Mas simple, mas maganda”.

Halos ibagsak ko na ang katawan ko nang matapos kong ayusin ang buong bodegang ito at gawing kuwarto. Halos hindi ko na maigalaw ang mgabuto ko dahil sa sobra-sobra na nitong nagawa ngayong araw. Papikit na nga sana ako pero naalalako pa lang nag-bonding kami ng alikabok kaya tumayo na ulit ako kahit labag sa loob ko.

Tunignan ko ang oras bago ako dumiretsyo sa banyo, maligo’t nang makatulog na. Pagkatingin ko sa lumang orasan sa kuwarto na nilagyan ko ng bagong baterya kanina, 3:45 a.m na?! Bahala na!

Matapos kong makapaglinis nang sarili, niyakap ko agad ang mga unan ko pero bago pa man ako makapikit ay sumagi sa paningin ko ang ID card na napulot ko kanina na nakapatong sa inembento kong mini desk, sa gilid ng DIY kama ko.

Tsk! May bukas pa naman! Bukas mo na lang isipin ’yan, Sand!

*****

“Kuya! Kuya! Gising na!” Paulit-ulit na ingay ang naririnig ko. Magkahaling kalabog at boses.

Arghh! Pwede ba tantanan niyo kuna ako ngayon! Gusto ko pang matulog, maawa kayo!

“Kuya! Alas diyes na!” pagsusumugaw ulit ni Lorice.

Alas diyes?! Magtatanghali na?!

Napabalikwas ako nang bangon at nagmamadaling pumunta ng banyo para maligo’t magbihis.

“Hoy! Kuya! Ano na?!”

“Sige na’t mauna ka na mag-almusal! Susunod na ako.” Nilakasan ko na lang ang sigaw ko’t nasa banyo pa ako.

Matapos kong magbihis at maligo, iniligpit ko muna nang mabilisan ang higaan ko’t bumaba na sa kusina para sabayan si Lorice mag-almusal.

“Tagal mo naman,”reklamk niya bago pa ako maka-upo sa hapag-kainan. “Ano ba kasing pinaggagawa mo kagabi at ang tagal mong nagising, ha?”

“Nag magic lang naman ako kagabing i-transform ang bodega bilang kuwarto,” tugon ko sa kaniya habang hinihimas-himas ang balakang ko. Masakit pa rin talaga. “Pwede ba’t tumahik nalang tayo at kumain, oo ’no.”

“Teka, aalis ka ba ngayon at ganiyan ang porma mo?” muli niya na namang usisa. Ito talagang bruhang ’to, hindi katahimik.

“Oo at ibabalik ko lang ’itong ID na napulot ko sa airport, kawawa naman ang may-ari’t lalong mahalaga ang ID na ’to lalo na sa panahon ngayon,” tugon ko sa kaniya.

“Ahhhh, gusto mo samahan na kita at mamayang hapon pa naman ang orientation namin?”

“Hindi na at kaya ko naman na 'to, hihiramin ko na lang ’yung motor ni Kerbie.” Buti nga't may motor ang anak ni Tiya Isabel kaya hiniram ko na lang at nang maka-iwas na rin mamasahe.

“Sige at mag-iingat ka,” bilin niya sa akin bago pa ako umalis.

Mabilisang pagkain lang ang ginawa ko at marami pa akong kinakailangang asikasuhin ngayong araw. Balak ko sana  pagkatapos kong ibalik itong ID ay didiretsyo na ako a Job Fair nang makapaghanap na ako ng stable na trabaho.

*****

Unting minuto na nga lang at titirik na ang araw pero hindi ko pa rin nahahanap itong address na nasa ID, pinagtanong-tanong ko na rin kung kilala ba nila ang may-ari nito pero walang nangyayari.

Gusto ko sanang tumuloy pa sa paghahanap pero bigla na lang kumulo ang sikmura ko, mukhang isusumpa na ako nito kapag hindi ko ito pinansin kaya napahinto ako sa isang karenderya na nasa tabi lang ng highway na papasok ng isang subdivision.

“Unsay imo, dong? (Anong sa’yo, hijo?)” usisa sa akin ng tindera habang tinititigan ko kung ano ang nasa menu nila ngayon.

“Isang order na lang po nitong adobo at isang kanin,” tugon ko sa kaniya at saka ako humanap ng mauupuan ko habang hinihintay kong ibigay na sa akin ang aking order.

Hindi pa ako nangangalahati ng subo nang biglang...may tumabi sa akin na isang middle aged man. Maporma siyang tignan at disente dahil sa white polo at black pants niyang suot, mukhang galing siya sa isang pormal na okasyon pero...mukhang hindi naging maganda ang okasyon na iyon at nakabusangot siya habang namimili ng pagkain sa menu.

Hinayaan ko na lang siyang maki-share ng table ko considering na marami-rami na rin ang tao rito sa karenderya, magtatanghalian na rin kasi.

“Dong, Kaila ka ani?(Hijo, kilala mo ’to?” biglang pagtatanong ng middle age man sa akin habang tinititigan ang ID card na inilapag ko lang pala sa lamesa. Bigla kong naibaba ang hawak-hawak kong mga kobyertos at biglaang nilinok ang nginunguya ko. “Ayus, dong! Kung meron kang balak mag-apply sa taong ’yan...” Sumubo muna siya ng isang kutsarang pagkain bago niya tapusin ang sinasabi niya. “...’wag mo ng ituloy, dong.”

“Kilala niyo po itong taong ’to?” usisa ko sa kaniya na muntikan ko pang isigaw kaya bahagyang nagtinginan ang ilang taong kumakain din dito.

Oo na! Ako na pinaka OA!

“Ngano man, gi pangita mo ba ni siya? (Bakit, hinahanap mo ba siya?)”

“Opo, ibabalik ko lang po sana itong ID niya at naihulog niya sa airport,” tugon ko sa kaniyang tanong.

“Ahhh, doon ’yan sa pagpasok mo ng Subdivision tapos pag may nakita kang bahay na marami ang naka abang o mga nakapila, mao na ’to (’yun na ’yun). Habang pinapaliwanag niya sa akin ang direksyon, sinusundan iyon ng mga hintuturo niyang natuturo kung saan ako dapat dumaan—na siyang sinusundan naman ng paningin ko.

“Maraming salamat po!” Muntikan ko nang yakapin si manong middle age pero buti na lang pinangunahan ako ng hiya sa utak ko kaya hindi ko na ginawa, bagkus tumayo na ako’t nagbayad kay ateng tindera.

“Pag-amping, dong!” pahabol pang sigaw ni manong middle age bago ako paandarin ang makina ng moto.

Tumango naman ako bilang simpleng tugon sa kaniya.

*****

Sinundan ko lang ang direksyong itinuro sa akin ni manong hanggang nakarating ako sa gate ng isang subdivision.

“East Subdivision,” pagbasa ko sa sinage na  bubungad sa ’yo sa gate. Sinilip ko ang ID card kung ito nga ba itong subdivision at baka maligaw na naman ako.

‘#010, East Subdivision...’ Ito na nga!

“Sir, ano pong atin?” pag-usisa sa akin ng guard isang guard.

“Dito po ba nakatira si...” sinilip ko muna ulit ’yung card para tignan ang pangalan ng may-ari. “...si Yinyriel Meir Xin?”

“Ah, mag-a-apply rin ba kayo? Diretsyuhin niyo lang po iyan at ang ika-sampung bahay po na makikita niyo, ’yun ba po ’yun,” tugon nung guard.

Pinatuloy ako nang guard sa pagpasok sa subdivision at sinunod ko rin naman ang direksyong sinabi niya.

Binibilang ko ang bawat bahay na madaanan ko hanggang sa makarating ako sa ika-sampung bahay...pero hindi ito tulad sa sinabi ni manong middle age na maraming nakapila dahil ngayon, sa paningin ko ay wala nang katao-tao rito.

Bago ako bumaba ng motor ay napatigil muna ang diwa ko nang makita ko ang buong itsura ng bahay.

Kahit nasa labas pa lang ako ng gate nila ay kitang-kita agad ang fountain nila maging ang malusog nilang garden. Kamangha-mangha rin ang mga details sa gate nila, para ’yung mga gate sa mga fantasy novels o movies. Habang ang kabuuan naman ng bahay nila ay parang lalaban ata sa laki ng Mall of Asia, napakalawak! Kitang-kita rin mula rito sa labas ang apat na palapag nito, ang ikahuling palagapag ay ang rooftop.

“Dong! Hoy!” Bumalik ang diwa ko sa reyalidad nang may manang na naka unipormeng katulong at may dala-dalang mga trashbag ang tumawag ng aking pansin. “Mag-aaply ka rin ba?”

Itinabi ko muna ang motor ko at bumaba para kausapin si manang. “Ay, Hi—”

“Ay naku, dong! Huli ka na kanina pa tapos ang ‘The Search’ ni madam,” aniya sa akin habang itinatapon niya ang mga basurang dala-dala niya.

“Ah, Hi—”

“Pero...” Unti-unti siyang lumapit sa akin at unti-unti naman akong napaatras. Para kasi siyang kakain ng tao kung titigan niya ang mukha ko! “...Dahil pogi ka naman, akong bahala sa ’yo! Ako bahala kay madam!” aniya na nag patulala sa akin.

Gusto ko pa sanang ipaliwanag sa kaniya ang intensyo sa pagpunta ko rito pero bigla na lang niya ako hinila papasok sa loob.

Dinala niya ako sa sa sala ng bahay kung saan pakiramdam ko napakaliit kong tao dahil sa mala higanteng chandelier na nakabitay rito sa parte ng bahay na ito. “Dito ka muna at aayusin ko lang iyong mga halaman sa garden at baka nabuwal na naman,” bilin ni manang.

Nakatayo kong hinintay si manang dahil pakiramdam ko napaka-illegal umupo sa sofa nila rito. Habang naghihintay ako hindi ko naiwasang sumilip sa wrist watch ko. 1:56 p.m na pala.

1:56 P.M?!

JUSMEYO! LATE NA AKO SA JOB INTERVIEW! MANANG BUMALIK KA NA RITO!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top