POML /01/: ARCHER & WRITER
YIN'S POV
"Good day, Philippines! Today as we welcome our two archer for the National Championship final round, I feel so excited, partner!" pamungad ng babaeng sports caster habang sinasabayan naman ito ng mga hiyawan at palakpakan,
"As I am, partner! Damang-dama ko na ang init at pananabik ng mga nag-aabang dito sa labas ng shooting range," winika naman ng lalakeng sport caster.
Kung gaano nakakabingi ang ingay sa labas ng shooting range, ganun din ang nakakabinging katahimikan dito sa loob
"Sino ba namang hindi mai-excite sa laban ngayon? Paano ba naman kasi, ang mananalo sa final round na ito ay ang siyang mag-aadvance at mag re-represent ng Philippines sa World Youth Archery, Women's Recurved Solo," dagdag pa ulit ng babaeng sports caster
Hindi namin naririnig kung ano man ang hinihiyaw ng mga taga-suporta na wala rito sa shooting range. Nagiging updated lang kami sa mga ganap sa labas dahil naka broadcast itong tournament namin in national television at may malaking flat screen TV dito sa waiting area.
I was actually preparing my self and my bow, ilang segundo bago magsimula ang laban. Hindi ako pwedeng matalo, I did great and I know I can do the greatest. I made this far and I'll make it farther.
I was busy assembling my bow's attachments not until someone interrupt me. "Hey, Yin!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. And I wish 'di ko na lang sana nilingon, it's my half freaking sister, Key.
"Galingan mo, ha? My dear sister, baka kasi ako na naman-kami ni mom ang isama ni lolo sa Paris business trip niya. Who knows, baka sa amin niya na rin ipagkatiwala ang family business...natin." She said. Kaya naman pala siya uminom muna ng tubig bago niya bitawan ang mga paninindak niya, napakarami niya pa lang mahahangin na salitang sasabihin.
I never give a d*mn to her delusions. I also don't give her any rebuttal because I am mature enough to know that it would be waste of time and freaking useless.
Pagtapos niyang maging isang lobong delulu, nauna na siyang pumwesto sa shooting area.
I have to admit it that I love her confidence level but not enough to intimidate a champion like me. Kung darating man ang oras na matatakot ako sa kaniya, that would be the day na hindi ko na makikita ang pagmumukha niya o ng kahit sino.
Instead of wasting my time mainis sa kaniya, pumwesto na rin ako sa shooting area. Kahit na medyo malayo na ako sa waiting area dinig na dinig ko pa rin ang mga nagaganap sa live broadcast. Dinig na dinig ko pa rin nag hiyawan ng mga taong sumusuporta sa akin.
"Oh wow! Excited na excited na ang mga tao rito sa ating paligid, partner!" muling wika nung lalakeng sports caster. "Well, hindi ko naman sila masisisi lalo na't sina Yinyeirl Meir Xin at Keyreil Guada Xin, ang apo ng isa sa pinaka kilala at influencial na business man dito sa Pilipinas ang magtutunggali ngayon para sa National Championship!" dagdag pa ng sports caster.
I am hundred percent aware that this tournament wasn't just about archery, it's about their ambitions...about my place and role in my family.
Hindi pa man nag sisimula ang 1st set pero ang talas na tumingin ni Key sa 'kin na sinabayan niya pa ng pag ngisi. Muntikan na akong matawa sa ginawa niya. No matter how hard she tries to hide the pressure inside her, halata pa rin.
"Ladies, on your mark," ani ng lalakeng pumapagitna sa amin ni Key.
When I step on to the mark, I feel something strange... Bumilis ang tibok ng puso ko at para bang nag-aalala ang utak ko sa kung ano. Bigla na lang akong tinablan ng kaba but...I know hindi 'yun tungkol sa laban at kung tungkol saan 'yun, hindi ko rin malaman.
Baka gutom lang 'to! Oo, gutom lang 'to. 'Di pa naman ako nag-almusal kanina, ayaw ko kasing may kasalong home wrecker at gold digger, nakakawala ng appetite.
After a few seconds, nagsimula na rin ang tournament. Ako ang unang magbibigay ng arrow so I confidently grip my bow, pull up the string that has its arrow. I don't take too much time to aim the target, yet I still got 10 on my first shot. I know, magaling ako, no need to mention.
We-I just need to win 3 sets to be the National Champion. 2 more sets to snatch because I won the 1st set as i expected.
The 2nd set begun with Key. In this set, she will be the first shot. To my surprise, she got 10...that is closely to consider 9. What a pathetic wannabe.
*****
The 2nd set ended up pretty bad. Pumabor kay Key ang set na 'yun, but do I feel any pressure? None at all, may last set pa and I am confident to win that set. Ibigay na lang natin 'tong set sa kaniya, ano ba naman ang iparamdam sa kaniya minsan siyang nanalo at ang minsang 'yun ay wala nang kasunod.
"And partner this is our last set, who will be the representative of the Philippines in the World Youth Archery Championship? I am uper excited!-Oh, wait! Yinyeirl Xin is going to give her first arrow for the last set, let's see how it ends."
When I pull the arrow and ready to release it...There it is again, nagpaparamdam na naman sa akin 'yung kaba but I am sure na hindi 'yun para sa laban o dahil last set na. It's about something...the feeling of being in danger. I don't know why do I feel like this.
Bakit ba ako kinakabahan? Wala naman akong dapat ikakaba but...nevermind!
Habang iniisip ko kung bakit ako nakakaramdam ng isang unexplainable feeling, I accidentally release my first arrow and it landed at 9.
Sh*t! What was that, Yin?! Papadala ka kasi sa nararamdaman mo! Tanga- tanga ko naman!
"Oh, partner! Surprisingly Yinyeirl Xin got 9. You know partner, this game seems easy to her that's why I was so surprised when her arrow landed at 9. But let's not lose our hope, we still have 2 arrows left to determine who will be our National Champion!"
Yes, Right! 2 more arrows left and I cannot lose it! Focus, Yin, Focus!
On our 2nd arrows, we both got 10 which make me feel to be more competitive at this moment. Pretty bad.
I took a deep breath before pulling the string and arrow. I give my whole attention seeing my target trough the sight and I carefully draw my aim. Can't help my self but to close my eyes as I release the arrow.
"And there she go, Yinyeirl Xin's last arrow for the last set is going to land at...10! Bull's eye!"
"Yes, partner! This is Yinyeirl Xin that we wanted to see earlier! Ipinakita niya talaga ngayon sa shooting range kung sino talaga ng gold medalist ng labang ito, incredible!" comment of the guy sports caster.
"At ito na nga, partner. Keyreil Xin's last arrow will determine who will be the Philippine's representative for the World Youth Archery, Women's Recurved Solo," he added.
When Key draw her aim, I can see through her eye the pressure inside her. I know, she doesn't meant for this sports, she and her mother just being ambitious and determine to replace me and my mom sa pamilyang 'to. Well, I feel sorry for theme because that will never happen as long as I am alive.
"And there she goes...Keyreil Xin's arrow landed at..."
I closely looked at her arrow's direction.
"....8!"
"Oh my-partner! That mean our National Champion gold medalist no other than Yinyeirl Meir Xin!"
I feel so relieved when they call my name next to the title 'National Champion gold medalist'. I know I deserve it.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong silipin ang pagmumukha ni Key nang malaman niyang talunan na naman siya. Boring naman kung titignan ko lang siyang magmaktol so, nilapitan ko siya.
"Hey, my dear sister," sarkastiko kong pagtawag sa kaniya. "See? I'm not trying hard because... it's not hard to be your opponent. In fact, I found it easy to-"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko bigla na lang siyang umalis at tinalikuran ako.
Who would though na ganun siya ka loser at mag wa-walk-out nalang siya? Samantlang kanina siya itong palong-palo manindak. Huh! Pathetic!
"May we call on Ms. Yinyeirl Meir Xin to receive the medal, trophy and awards here at the stage," I heard someone call me.
I excitedly walk towards to the mini stage they prelared. The moment I stepped in, the unwanted feels bothered me again, pero 'di ko magawang ipagalata 'yun sa ekspresyon ko ngayon. There are plenty of camera lens in front of me so, I can't help my self but to give them a fake smiles.
Kailangan ko na talagang kumain, gutom lang 'to. Hindi 'to kaba!
"Congratulations, Ms. Xin," bati sa 'kin ng mga tao na nasa stage habang ina-award sa akin ang medal and trophy.
This is so far sa kung anong pangarap sa alin ni mom. I hope she is proud to me.
One step closer, Yin!
*****
"Congratulations, sweetheart. Paniguradong proud na proud ang mommy mo ngayon sa kung nasaan man siya," salubong sa akin ni yaya Estera pagkalabas ko ng shooting range. She's the only one na mapagkakatiwalaan ko sa bahay and siya lang din ang naniniwala sa akin. She's my second mom, for me.
"Thanks, yaya." Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin at ganun din ang ibinalik ko sa kaniya.
Nang magbitaw kami sa yakapan, inilibot ko ang mga mata ko sa paligid at panay ang tingin ko sa kung saan-saan. Daig ko pa ang giraffe sa paghaba ng leeg ko kakahanap. "Yaya, asaan si Lier?"
"Oho! Siya agad ang hanap!" panunukso pa ni yaya.
"I'm here, miss me?" napatingin ako sa gawing kanan nang marinig ko ang boses ni Lier.
"O siya, maiwan ko na muna kayo," sambit ni yaya na may kasamang ngiting nanunukso. Hays! Parang hindi naman siya sanay.
Hindi ko maitago ang paglawak ng ngiti ko nang bumungad si Lier sa pangin ko."Where have you been ba?" malumanag kong tanong sa kaniya.
"May binili lang ako, something for you." May inilabas siyang bouquet ng mga bulaklak at ini-abot ito sa akin. He brought me my favorite flower, a golden flower. "And I want to ask you for a dinner," dagdag niyang pang sabi while he was holding my hands.
With no hesitation, I said 'yes' and he let me choose the place. There's one and only place in my mind, somewhere important too us.
*****
"Casa Mi Cinta?" aniya nang bahagyang natatawa. "Bakit dito?" dagdag niya pa.
"Because this place is so special to us, why? Don't tell me, you already forgot about it?" Hindi ko maipaliwanang ang kaba at pagkadismaya na nararamdaman ko nang bitawan ko ang mga sinabi ko. Nakalimutan niya ba talaga?
"Hey! What's with that face?" puna niya sa expresyon ko habang ngumingisi-ngisi pa. At nakuha niya pa talagang ngumiti! "Calm down, 'di ko nakalimutan na rito sa lugar na 'to, isinuot ko ang sising na 'yan."
I smile widely when he said that.
"Bwesit ka! Akala ko talaga-"
"At bakit ko naman kakalimutan 'yun?" sabi niya't iniurong ang upuan para sa 'kin.
I can't help my self but to admire him moore because of his actions. Madalang lang siyang magsalita pero matamis.
"Shall we order?"
I nodded my head as a sign of agreement.
*****
After naming mag-dinner, we decided na umuwi na agad because maaga pa ang pasok ni Lier bukas. I don't want to bother him na rin since ayaw niyang nale-late.
Habang nasa byahe nga kami, I slightly fall a sleep dahil siguro medyo malayo-layo nga ang pinuntuhan namin but malapit lang naman siya sa Metro.
"Wari, what time is it?" Kinusot-kusot ko ang mata ko habang sinusuri ang paligid sa bintana. Mukhang malayo po kami dahil puro puno pa rin ang nakikita ko sa paligid. Wala na ring mga bangin kaya sa tingin ko ay papalabas na kami ng province na 'to.
"It's 9:06 p.m already," Lier answered my question. "Why?"
"Nah, I just thought na malapit na 'tayo."
For a while natahimik kami parehas at nakikinig sa kantang nasa radyo. Naantok pa talaga ako but 'di na ako makabalik sa pagtulog for some reason.
"Wari, gising ka pa?" biglang tanong ni Lier.
"Hmm?"
"May naisip ka na bang church for our wedding?" He suddenly asked me. I thought 'di na namin pag-uusapan 'yun, nawala rin sa isip ko dahil sa pressure mg tournament.
"Gusto ko sana sa Basilica kung saan una tayong nagkita, 'yung nasa Cebu," walang pagdadalawang isip kong tugon sa kaniya. "'Yun ay kung ok lang sa 'yo."
"Naalala mo pa pala 'yun?" pagpipigil tawa niyang usisa sa akin. Hindi ko naman siya masisi kung bakit siya natatawa. Paano ba naman, nadapa ako noong araw na 'yun at siya 'yung tumuloong sa akin. Halos lamunin ako ng lupa sa hiya noon.
"Oo na!" halos matawa ko ring bigkas. "Pero seryoso, ayos lang ba sa 'yo?"
He hold my hand habang nasa daan pa rin ang tingin niya. "Kahit saan pa 'yan kasal pa rin 'yan, as long as ikaw ang bride ko i have no disagreement," he said na siyang nagpangiti pa lalo sa akin. How lucky I am to meet him.
Parang bulang naglago ang ngiti ko nang may maramdaman ulit ako. This is what I exactly feel earlier, 'yung kaba-'yung pakiramdam na nasa danger ka.
"Wari, walang iwanan 'di ba?" I suddenly muttered. Hindi ko alam bakit ko biglang nasabi 'yun. Nasisiraan na ba ako?!
"Huh?! Oo naman, syempre!" Halatang gulat din siya sa pinagsasabi ko. " Ba't mo ba naiitatanong 'yan? Of course, walang iwa-" natigil ang mga salita niya nang bigla nalang siyang pumreno dahil sa biglang dumaan na matandang babae.
Ang weird. Walang halos bahay rito at may kadiliman din kaya papaanong may matandang babae rito-ni hindi nga malinaw kung matanda ba talaga 'yun, basta pakuba siya maglakad pero hindi kita ang mukha niya dahil suot nitong itim na jacket at sa dilim na rin ng paligid.
"Wari, ayos ka lang?" pagkunsulta ni Lier sa kalagayan ko habang nama kami sa intersection. Muntikan nang mauntog ang ulo ko sa harapan ng sasakyan, buti na nga lang at nasalo agad ng mga palad ko ang harapang bahagi ng aking ulo para maiwasang magkaroon ito ng sugat.
"Ayos lang ako-Wari!" Pagkalingon ko sa gawi ni Lier, ang driver's seat. Isang papalapit na ilaw, sunod-sunod na busina at pagkakaskasan ng mga gulong ang tumambad sa pangin at tenga ko.
Nakisabay pa ang pintig ng pusonko sa paglingon ni Lier sa bintang nasa tabi niya at sa ikot ng mga gulong ng papalapit na sasakyan sa amin.
"Yin!" Bigla na lang akong niyakap ni Lier, habang ako ito paralisadong natulala na lang sa papalapit na sasakyan sa amin.
Unti-unti....palapit nang palapit....
Yumayakap ang liwanag sa paningin ko....
Pagtama ng mga mumunting butil ng nababasag na salamin ang humahaplos sa aking balat.
Usok, usok ang huling tumambad sa nahihirapan kong katawan at paningin. Hindi rin ito nagtagal nang...nakaramdam na lang ako nang kung anong matalim na pumasok sa aking mata. Ang kaninang yumayakap na liwanag ay nabalot na ng itim.
Hindi! Hindi ka pwedeng mamamatay, si Lier! Si Lier!
SAND'S POV
"Sabi ko sa 'yo, tol! Mananalo 'tong isang 'to," Sambit ni Allen habang may pinapanood sa kaniyang cellphone. "Tol, may utang ka na sa 'kin, ha," dagdag niya pa.
Nabitawan ko ang hawak kong ballpen, naisara ang sinusulatan kong notebook at napalingon sa kaniya sa gulat. "Hoy! Kailan pa ako nagkautang sa 'yo?!"
"Ngayon lang, nanalo nga manok ko, 'di ba?" aniya sa 'kin habang komportableng naka-upo sa sofa namin.
"Ewan ko sa 'yo! Pwede ba tigilan mo nga ako sa pagiging sugarol mo!" Paulit-ulit ko nang pangaral sa kaniya. Bumalik nalang ako sa pagsusulat ko at wala naman kwenta kausap 'tong si Allen. "'Di namam ako nakipagpustahan sa 'yo dahil 'di ko rin naman alam 'yang pinapanood mo," dagdag ko pa sa kaniya habang nakatingin sa screen ng laptop ko at naga-grind ng keyboard.
"Ano ka ba naman, tol?! Archery lang 'di mo pa alam," aniya sabaya halakhak. Nakuha niya pa talagang insultuhin ako sa loob ng pamamahay ko. Kala mo naman naintindihan niya pinanood niya.
"Alam ko ibigsabihin nun, pana, pana 'yun 'di ba? Ibig kong sabihin hindi ko alam kung paano nila nalalaman mananalo riyan kaya tumigil ka na!" tugon ko sa pang-iinsulto niya sabay bato ng kinumpol kong papel.
"Hoy! Ano 'yun?!" reaksyon niya sa ginawa ko.
"Mga utang mo sa bomabay," pabiro sabi sa kaniya.
"Sira*ulo!" Binato niya pabalik ulit sa 'kin 'yung papel. "Teka nga, ano ba 'yang ginagawa mo at parang busy na busy ka?" dagdag niya pang usisa.
"Tinatapos ko lang 'tong story na sinusulat ko, malay mo makapasa sa mga film production," tugon ko sa usisa niya habang patuloy lang sa pagta-type.
"Hindi ba tapos na 'yan? Libro na nga 'yan ba't tinatapos mo...ulit?" buong pagtataka niyang winika.
"Alam mo, iba ang pelikula at iba ang libro. Syempre mas masaya para sa 'kin kung magiging pelikula ang gawa ko at magiging mas mabenta rin sa masa," pagpapaliwanag ko sa kaniya. Marami na rin kasing taong tinatamad magbasa at mas prefer nilang manood dahil nakikita talaga nila ano ang nangyayari.
"Tol, paalala ko lang 'din. Mas mahirap maisa-Pelikula iyan kesa maging Libro," sambit ni Allen at may patapik-tapik pa sa balikat ko. "Ilang beses ka na bang umuwing rejected sa mga productions na 'yan, aber?"
Napatigil ako sa pagta-type at natahimik. Ang imahe ng ngiti na kanina lang ay nasa aking labi ay parang kandilang unti-unting natunaw. Oo nga ilang beses na ba?
"Nga pala, dumating kanina si Tiktik. Naniningil na ng upa," pag-iiba ni Allen ng usapan.
"Tiktik?" napalingon ako sa kaniya ng kunot noo.
"Oo, kulang na lang maging aswang siya masingil ka lang," pabiro niyang sabi habang nilalamtakan ang kabibili ko lang na ice cream sa maliit naming ref "Kaya kung ako sa 'yo maghahanap muna ako ng stable na trabaho bago ko gawin 'yang film, film na 'yan. Anong malay mo, baka ikaw pa gumawa ng sarili mong production," dagdag niya pa na nag patahimik ulit sa akin.
Kahit minsan walang kwenta kausap itong si Allen, tama naman siya. Needs before dreams.
"Hoy! Ba't natahimik ka?" Bumalik sa reyalidad ang diwa ko nang umimik ulit si Allen. "Iniisip mo ba siya?"
Muling kumunot ang noo ko sa pinagsasabi niya. "Sinong siya?"
"Ito naman! 'Di mabiro, ang slow mo talaga," walang pakundangan niyang pang-iinsulto sa clean humor ko at 'di pag-unawa sa corny humor niya.
"Ay nga pala, tol. Pahiram ako koste mo," aniya pagtapos niyang pagtawanan ang clean at inosente kong humor.
"Bakit, saan punta mo?"
"Wala, nagkayayaan lang barkada," kaswal na kaswal niyang sagot sa akin. Confident pa siya sa sagot niyang 'yan na ipapahiram ko sa kaniya 'yun?
"Eh! Maglakad ka na lang, tutal may paa ka naman. Baka mamaya gawin mo pang crime scene ng mga babae mo 'yung kotse ko." Buti sana kung 'di mag iiwan ng ebidensya, ako na lang laging sinusugod ng mga 'babes' niya rito! "Hindi na nakapagtataka bakit 'di pa rin binabalik ni tita-"
"Bye! Alis na 'ko!" Hindi ko pa man natatapos ang panenermon ko, bigla akong napalingon sa kaniya. Patakbo siyang umalis habang pinapaikot-ikot sa kamay niya ang susi ng kotse ko...SUSI NG KOTSE KO!
"Hoy! Allen! Bumalik ka rito, ibalik mo sa alin 'yan! Kotse ko 'yan!" Paghabol ko sa kaniya. Halos maubusan ako ng oxygen kakatakbo pero wala ring nangyari, hindi siya nagpatinag at dire-diretsyong umalis.
Humanda ka talaga sa akin Allen Bastein Cruz!
*****
8:55 p.m
Kainis! Asan na ba 'tong Allen na 'to?!
Patuloy ang pabalik-balik na pag-ring ng telepono ko kakatawag sa kaniya. Halos mapudpod na nga ang mga daliri ko kaka re-dial ng numero niya pero ni hi o hello walang sumasagot hanggang sa...
"Oh, bakit?" Sa wakas! Sinagot na rin ng mokong na 'to ang tawag ko.
"Saan ka ba? Ibalik mo na 'yang sasakyan ko at maypupuntahan akong emergency!"
"Teka lang, tol," aniya sa kabilang linya habang dinig na dinig ang todong pagharurot ng mga sasakyan. "Pauwi na rin ako."
*****
9:04 p.m na! Patay! Kailangan ko maihabol itong file bago mag 9:10, kaya mas lalo kong binilisan ang pagda-drive kahit pa napakadilim ng paligid. Wala namang dumadaang nga sasakyan kaya nilakasan ko na lang ang loob kong mag-drive ng mabilis sa kauna-unahang beses sa buoong buhay ko, hanggang sa...may bigla na lang sumulpot na sasakyan sa intersection!
Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi agad nag-sink-in sa utak ko ang mga ganap. "Ano 'yun?" tangi ko na lang nasabi matapos kong mauntog sa harapan ng sasakyan.
Hindi ko malinawang makita ang paligid pero isa lang ang natitiyak ko. 'Yung...kotseng sumulpot...wasak na wasak!
Pagkakita ko sa sitwasyon ng kotseng iyon agad kong inabot ang cellphone ko para humingi ng tulong. Nangiginig pa ang mgakamay ko sa pag da-dial nang numero nang may biglang tumulo na pulang likido sa screen nito.
Doon ko lang napagtanto ang sakit ng ulo ko kaya kinapa ko ito gamit ang aking daliri. Nang tignan ko na ang mga daliri ko, hindi ko mapigilang mapalunok ng sarili kong laway sa 'king lalamuna. Dugo? DUGO!
Unti-unting bumigat ang pakiramdam ko. Para bang may kung anong bumara sa dibdib ko nang makita ko ang pulang likidong iyon. Hindi rin nagtagal ang kamalayan ko, unti-unti nang binalot ng dilim ang aking paningin at kasabay nito ang patuloy na pagsikip ng aking dibdib.
*****
"Kuya! 'Wag na!" pagpilit ko kay kuya.
"Sand, umalis ka na. Ako na bahala rito!" Pagtulak niya sa akin papalayo sa gulo.
"Kuya! Umalis na lang tayo, sige na!" Kahit anong gawin ko ayaw niyang magpatigil. "Kuya! Sa likod mo!" Isang lalakeng may dalang kutsilyo ang papalapit kay kuya. Gusto ko siyang hilahin papalayo pero hindi ako makagalaw sa kinalalagyan ko, para akong naparalisa sa kung saan ako nakatayo habang tumatalsik sa aking mukha ang ang pulang likido.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top