CHAPTER 42
Nahulog ko ang selpon ko sa lamesa nang mabasa ko ang message ni Pres. Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko. Agad din akong kinabahan at nanlamig.
"What the hell is this?" I whispered to myself.
Tulala ako nang mahigit limang minuto bago ko mabilis na pulutin ang selpon kong nahulog. My hands were cold and shaking because of nervousness.
Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko habang hawak-hawak ko ang selpon ko sa kanang kamay ko. Para akong tanga na hindi magkandarapa sa kakakurot sa paa ko.
"A-ano ba ang gagawin ko?!" Tulirong tanong ko sa sarili ko.
Huminga muna ako ng malalim bago muling magtipa ng reply sa kanya. I was holding my breath while I was trying to send the message to Pres.
"Bahala na..." I murmured.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top