Chapter 9: Cucumber


NOAH:

 

Adam:

Year: 2005, Metro Manila (Present)

Naiwan akong mag-isa sa kuwarto. Nakatulala ako sa papel na hawak ko. Sa labas ay naririnig ko si Noah na kausap ang tatay niya sa telepono

"Hello po, Dad? Ah, opo. May makiki-sleepover po pala na classmate ko for two weeks dito sa condo," paalam ni Noah sa ama nito.

Tuwang-tuwa pa ata talaga si buwiset dahil may kasama na siya sa condo. Mukhang wala talaga siyang kaibigan. Samantalang ako, naiinis na. Wala pa akong naiisip na plano kung paano ako magtatago kapag ako ay sinumpong. Hindi pa nakuntento si Arroyo at binuksan pa talaga ang speaker niya.

"Yeah, I got the message from your Science Teacher. Tamang-tama, dadaanan kita riyan sa Taguig bukas bago ako dumiretso sa Bulacan. May pinabibigay ang Lola mo," saad ng kausap ni Noah.

Lalo akong kinabahan. Ngayon lang ata halos ako makakausap ng magulang ng isang kaklase. Kahit sina Alex at ang baliw na si Ethan, hindi ko kilala ang mga magulang nila.

"Alright Dad, see you," madaling paalam ni Noah.

Nakarinig ako ng mga yabag. Tila isang taong nagmamadaling magbihis. Ilang segundo pa ay naabutan niya akong nakayuko sa gilid ng kama at inaaral ang balahulang sticky note.

"Yow! Ano iyan?" usisa ni Noah.

"Fuck! Ah, eh, wala," bulalas ko.

Agad kong tinago ang mga hawak ko at sinimulang ilagay ang mga iba ko pang gamit sa cabinet. Gulung-gulo pa rin ako sa papel na nakita at ang kakaibang bagay na kasama nito.

Marahan akong napalingon sa pinto. Nakasandig si Noah doon habang pinapanood akong mag-ayos ng mga gamit.

"Kailangan talaga na pinapanood mo ako, bro?" Tinaasan ko siya ng kilay bago inirapan pabalik sa ginagawa ko.

"Bawal ba, Ambrosi?"

"Alam mo, Arro-"

Bigla akong natigilan nang muli ko siyang lingunin. Nakasandal na siya sa aparador sa aking tabi habang nakatungkod sa kanyang balikat. Ilang dipa lamang ang layo ng mukha niya sa akin. Marahan niyang pinakurba ang isang bahagi ng kanyang labi at lumabas ang isang nakakainis na dimple niya sa pisngi.

Sa mas malapitan, lalo kong nakita ang suot niyang puting t-shirt. Hapit na hapit sa pumuputok niyang braso maging sa matikas niyang dibdib. Mabilis akong napasimangot dahil hindi ko alam kung ipinagyayabang ba niya ang katawan niya.

"Oh, bakit ka natulala r'yan?" tanong ni Noah.

Tuluyan na niya akong nginitian. Mabilis na sumingkit ang kanyang mga mata. Bigla akong napagtingin sa kabilang direksyon dahil may kung anong bagay na biglang tumatambol sa dibdib ko. Isang bagay na nagpapamula sa pisngi ko. Isang bagay na tila hindi nagpapakali sa sa tuhod ko. Ito ang pamilyar na pakiramdam noong makita ko siya sa music room. Pakiramdam na nakakainis. Nakasusulasok. Nakapagtataka.

Maliban sa music room, ngayon ko na lamang ulit nakitang hindi naka uniporme si Noah. Pansin kong naglakad ito paupo sa kama. Muli ko siyang nilingon. Nakayuko na siya habang hawak ang kanyang cell phone. Pinagmasdan ko ang naka-brush up na buhok ni Noah at ang clavicle nito na lumilitaw sa kanyang suot.

Nakita ko na naman ang leeg niya. Naalala ko ang ginawa ko sa aking kuwarto. Napalunok akong bigla.

"Lub dub."

"Hala! Ano na, Ambrosi? Dalian mo, para makapag lunch na tayo! Nagugutom na ako," bulyaw niya sa akin. Mabilis akong napaiwas nang tingin nang mapansing kanina pa pala siya nakatitig sa direksyon ko.

Napahinga ako nang malalim. Kinalma ko ang aking sarili bago ko siya sagutin. Humarap ako sa kanya na pilit ang akinig ngiti.

"Nako, bro. Busog pa ako. You go ahead," maangas kong tugon. Muli kong binalikan ang aparador at isinalansan ang aking damit. Nakabusangot akong muli nang biglang kumulo ang aking sikmura dahil sa gutom.

"Busog daw. Dalian mo, may food bazaar sa park," natatawang yaya ni Noah.

Food bazaar?

Bigla akong natigilan. Mabilis akong kinabahan. May mga lugar akong iniiwasan dahil sa aking kakayahan. Isa na rito ang lugar na kanyang binanggit. May mabigat akong dahilan kung bakit. Hindi ako puwede sa maraming tao! Sa oras na bigla akong maglaho ay maaaring pagkaguluhan ako. Buong buhay ko ay sa bahay at paaralan lamang ang aking pinupuntahan.

Hindi ko napigilang maiinis. Naalala ko ang nangyari sa akin sa Zoo noong aking kabataan. Sa sobrang takot ko ay bigla ko siyang nasigawan.

"Kainis! Hindi ba may pagkain ka pa sa ref?" pagpupumilit ko. Padabog na akong nag-aayos at hindi na maganda ang aking tono. "Ayaw ko talagang lumabas. Iyon nandito na lang ang kainin natin. Gusto ko lang mapag-isa. Tantanan mo na nga ako, Arro-"

Agad akong natigilan. Napasobra na ata ang mga bulyaw ko. Marahan akong napalingon kay Noah. Nakaupo na siya sa gilid ng kama. Nakatitig sa akin na tila hindi naman talaga. Sa akin siya nakatingin ngunit tila tumatagos sa 'king mata ang kanyang mga titig. Mga tingin ng isang taong nangungulila at may halong awa.

Palagi akong mag-isa sa buhay. Napakaliit ng aking mundo dulot na rin sa kakayahan ko. Marahil dahil doon ay mas ninais ko na lang lumayo sa maraming tao.

Itinigil ko ang aking ginagawa. Napakagat ako ng aking labi. Isinandal ko ang aking ulo sa aparador at napabuntong hininga. Sinimulan kong itaktak bahagya ang aking ulo sa kahoy na aparador sa harap ko. Wala akong imik habang iniisip kung paano kakausapin ang binatang nasigawan ko.

Hindi ko namalayang marahan na pala siyang tumayo at nagtungo sa tabi ko.

"Adam-" Sa unang pagkakataon ay narinig kong binanggit niya ang aking pangalan. Nakahawak na ang kanyang kamay sa aking balikat habang nakayuko na siya sa tabi ko. Idinapo niya ang kanyang kamay sa mga damit na aking hawak. "Tulungan na kita rito."

Isa-isa niyang kinuha ang mga damit ko at inilagay sa aparador. Hindi gaya ng barubal kong pagkakapatong, maayos ang ginawa niyang pagsasalansan.

Nakatitig lamang ako sa kanya. Ang mahinahon niyang mga kilos habang inaayos ang aking mga gamit. Walang reaksyon sa kanyang mukha habang iniiwasan ako ng tingin.

Inangat ko ang aking kamay. Bago pa niya ilgay ang huli kong damit ay hinawakan ko ang kanyang braso.

"Noah-" Sa una ring pagkakataon ay binanggit ko ang kanyang pangalan na walang halong poot. Marahan niya akong nilingon. Bahagya siyang ngumiti na tila natutuwa dahil sa pagtawag ko. Mabilis akong napayuko. "Este, Arroyo. Kung gusto mo, samahan na lang kita. Pero saglit lamang tayo, ha?"

Tila paranf isang bumbilya na nagliwanag ang kanyang mukha.

"Talaga?" nakangiti niyang tugon. Tuluyan nang kumurba pataas ang kanyang mga labi at biglang sumingkit ang kanyang mga mata.

Iniwasan ko siya ng tingin at pasimple akong tumango.

"Sige! Ako ang bahala sa iyo," saad niya.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Marahan niya akong hinila palabas ng kuwarto. Hindi ko sigarado ngunit tila napansin kong kumindat pa siya habang nililingon ako.

Muli akong napahawak sa aking bulsa. Inusisa ko kung may dala ba akong pera. Ngunit tanging ang sticky note lamang ang nakapa ko. Huli na nang namalayan kong tumatakbo na kami ni Noah sa pasilyo.

"Mag-eenjoy ka roon!" bulyaw ni Noah.

Enjoy?

Naalala ko ang mensahe sa papel. Isang palaisipan na iniwan sa akin ng aking sarili mula sa ibang panahon. Marahil ito nga ang tinutukoy niya. Unang beses kong makakapunta sa isang bazaar. Marahil tungkol doon ang mensahe.

Muli kong tinitigan ang lalaking humahatak sa akin. Panay ang lingon nito habang kami ay tumatakbo.

"Badtrip talaga. Sige na nga!" maangas kong sambit.

Pigil ang aking ngiti upang hindi niya makita.

***

Enjoy? Tapos sa akin din galing?

Being a time traveler, one of the things I learned is that there is no such thing as coincidence. Sulat kamay ko iyon. Pero putangina, bakit may condom? Gusto ko sanang magkulong sa condo ng dalawang linggo hanggang sa matapos na ito. Pero, nag-iwan ako ng mensahe para sa sarili ko na i-enjoy ang araw na ito. Does it mean that everything will be okay? Habang hinihila ako ni Noah ay nagdadalawang-isip pa rin ako kung dapat ba akong sumama. Bakit ba hindi ko na magawang magalit sa kanya?

Hindi ako madalas sa maraming tao. Hindi lang dahil sa baka bigla akong maglaho. May mas mabigat na dahilan. I can only travel to places I've been to; badtrip na Rule Number Two. Isang beses, lumitaw ako sa gitna ng Highway na hubo't hubad at muntik nang mahagip ng bus. Buti na lang, nakatakbo ako sa likod ng isang malapit na basurahan upang magtago. Nang tingnan ko ang lugar na iyon, doon madalas dumaan ang kotseng naghahatid-sundo sakin sa paaralan.

Ngayon ay nakatayo na kami ni Noah sa gitna ng food bazaar. Halos libo ang bilang ng mga tao rito. Tanging panalangin ko ay huwag akong mawawala sa hangin o sana, huwag akong biglang sumulpot dito sa hinaharap.

Pero bakit parang hindi ako kinakabahan? Habang magkahawak kamay kami ni Noah at habang hinahatak ako nito sa dagat ng mga tao, bakit parang kaming dalawa lang ang narito? Bakit hindi ako nanginginig? Bakit hindi pa ako naglalaho? Ang mga mata ko ay sa likod niya lamang nakatingin at parang lahat ay sobrang bagal.

***

"Apat po na pork barbecue," banggit ni Noah sa tindero. Nakangiti itong lumingon sa akin habang hawak pa rin nito ang aking kamay. "Hulaan ko, gusto mo nito at tsaka isaw?"

"Paano mo nalaman?" nauutal kong tanong.

Pinilit kong sumimangot kahit hindi na talaga ako naiinis sa ginagawa niya. This is one of my many firsts. Sa unang pagkakataon, may humawak sa kamay ko nang ganito katagal.

"Hula lang," mabilis na sagot ni Noah.

Takang-taka ako kung bakit sa dami ng tindahan sa park, sa tindahan ng paborito kong pagkain niya ako dinala.

Nang kukunin na ni Noah ang kanyang pitaka upang magbayad gamit ang isang kamay ay mabilis akong nagpanggap na sa malayo nakatingin. Ramdam kong natatawa na siya pero hindi niya inalis ang pagkakahawak niya sa akin. Nang mapansing hindi mahulugan ng karayom ang paligid ay mas napahigpit pa ang paghawak ko sa kanya.

Ginamit ni Noah ang isa pang kamay sa pagkuha ng pera sa kabila nitong bulsa. Nang mapansin kong tapos na siya sa pagsungkit sa kanyang pitaka ay pasimple ko siyang nilingon. Pinagmasdan ko siya habang nakikipag-usap sa tindero. Ang malalim niyang boses. Ang pasimple niyang ngiti habang binibigyan ng eksaktong salapi ang may-ari nang tindahan.

Nang mapansin kong nahihirapan na siya sa pagbibilang ng barya gamit ang isa niyang kamay ay tinangka ko siyang bitawan. Ngunit mas lalo niya akong hinawakan. Para akong isang bata na ayaw niyang maligaw sa rami ng tao sa paligid.

"Oh, hawakan mo ito," alok ni Noah. Natauhan ako nang makitang nakangiti na siya sa akin. Bahagya akong natulala sa mukha niyang kay preskong tignan. Ang maayos niyang buhok at mga mata niyang sumisingkit sa direksyon ko. Higit sa lahat, ang pakikipag-usap niya sa akin na tila ba ay matagal na niya akong kakilala. "Cucumber juice, do you want?"

"Ha?" pagtataka ko. Hindi ko gaanong naunawaan ang kanyang sinasabi dahil kanina pa lumilipad ang utak ko.

"Gusto mo rin ba ng cucumber juice?" ulit ni Noah. Binagalan niya lalo ang pagsasalita na tila isa akong batang hindi nakakaunawa. Muling nagsalubong ang aking mga kilay.

"Kahit ano, Arroyo," masungit kong sagot. "Hindi na ako bata."

Tinaasan ko siya ng kilay. Maangas ang aking itsura. Sabay kaming napatingin sa magkahawak naming mga kamay. Muli niyang itinaas ang kanyang tingin ngunit nagpanggap na akong sa malayo ulit nakatitig.

Muli kaming naglakad. Napansin ko na lamang na sa tindahan na kami ng mga inumin. Sa dami ng juice sa food stall na aming pinuntahan ay ang ipinagtataka ko kung bakit ang paborito ko ang inalok ni Noah.

Mabilis kong inalog ang aking ulo. Maibsan man lang ang mga umiikot sa utak ko. Bumili si Noah ng mga maiinom at dinala ako sa isang bakanteng lamesa.

"Puwedeng sa condo na lang tayo kumain?" pakiusap ko. Maangas pa rin ang aking tono upang hindi niya mahalata ang kaba ko.

"Ayaw ko nga! Eh, hindi na natin na-enjoy itong lugar," pabalang niyang sagot.

"Hindi talaga ako sanay sa mataong lugar," pagmamatigas ko. Pinilit kong mag mukhang kalmado kahit gusto ko na talaga umalis.

May ilang segundo bago niya ako sinagot. Nakaturo ang isa niyang kamay sa akin na parang isang guro na nagtuturo.

"This is part of our training," seryosong tugon ni Noah.

"Training?" usisa ko. May halong pagtataka aking mukha sa kung ano na namang pakulo ang naiisip niya.

"Yes, for the Quiz Bee. Maraming tao roon. Ano, kakabahan ka rin doon?" saad ni Noah.

Natahimik si ako dahil may pinupunto nga nga naman itong si batang pabibo. Mukha na naman akong lutang dahil umiikot sa utak ko ang sinabi niya. Lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"At isa pa, paano tayo kakain nito?" dagdag pa ni Noah.

"Paano kakain? With our two hands. Tanga lang?" pagtataray ko.

"With our two hands? Talaga?" natatawang usisa ni Noah.

Gusto na niyang humagalpak dahil sa kaangasan ko na kanina pa wala sa lugar. Inangat ni Noah ang magkahawak naming kamay na nasa gilid papunta sa taas ng lamesa. Mahigpit pa rin ang hawak ko sa kamay niya. Isang bagay na hindi ko rin napansin dahil sa kaba ko.

Biglang akong napabitaw. Napaubo akong saglit at agad na hinawakan ang mga stick ng barbecue. Mabilis kong pinuno ng pagkain ang aking bibig. Nagpanggap akong abala sa pagnguya upang hindi makita ang nakakainis niyang ngiti.

Natatawa na lang si Noah sa reaksyon ko. May kung anong bagay sa halakhak niya. Parang hindi nakakainis at nakaiirita sa tainga hindi gaya ng tawa ni Ethan o mga banat ni Alex. Tila isang hagalpak na pamilyar at kay sarap sabayan. Napakagat ako ng aking labi dahil nagsisimula na namang kumurba ang mga ito.

Sa mga oras na ito, ang isipin niyang natutuwa akong makasama siya ang pinaka ayaw kong kanyang malaman.

"Magkano pala ang pagkain ko?" pabalang kong tanong. Nakataas pa ang aking isang kilay habang abala sa pagnguya sa litid ng baboy.

"Nah, it's my treat," saad ni Noah habang muli akong nginitian. Uminom ito ng juice.

"Ayaw ko magka-utang sa iyo, Arroyo. Dali na, magkano?"

Nasamid si Noah nang sinabi ko ang salitang 'utang'. Tila may kung anong naalala itong bagay. Natatawa ito habang pinipigilang huwag ibuga ang iniinom niya.

"Ang dami mo nang utang-" bulong niya.

"Ha?"

"Bayaran mo na lang ako sa condo," tanging sabi ni Noah.

Tinatakpan nito ang kanyang bibig hapang nagsisimula na siyang maubo katatawa. Nagsimula na naman akong mainis. Tawang may halong pang-aasar. Ganitong tawa ang madalas na umaalingawngaw sa aking tainga gaya ng dalawa kong kaibigan tuwing nasa Canteen kami. Ang mga nakakainis na banat ni Alex at ang mga burabol na hagalpak ni Ethan.

"Hey!" biglang sigaw ng isang pamilyar na boses sa aming tabi. Boses ni Alex.

Marahil dahil sa kakaisip ko sa kanila kaya bigla silang sumulpot sa sa tabi ng aming lamesa.

"Hoy! Nakita namin kayong dalawa na magka-holding hands! Mag-jowa na kayo, 'no?" bulyaw ni Ethan na nakahalukipkip pa.

Muling nasamid si Noah dahil sa sinabi ng kaibigan ko. Nakita ko kung paano siya nagpigil ng tawa.

"Sira ka talaga Ethan! Alam mo namang may Agoraphobia itong bestfriend natin!" saway ni Alex sa kasama niya. Binigyan ni Alex ng malakas na batok si Ethan.

"Agora what?" naiinis na tanong ni Ethan habang inaabot ang ulo ni Alex upang batukan rin ito.

"G.M.G.!" natatawang sagot ni Alex habang pinipigilan ang mga kamay ni Ethan na maabot ang kanyang ulo.

"G.M.G.?" tanong ni Ethan.

"Google Mo, Gago!" sigaw ni Alex.

Tuluyan nang natawa si Noah habang nakaupo sa harap ko. Tinitigan ko siyang mabuti. Ang malalalim niyang hagalpak habang pasimpleng hinahampas ang lamesa. Ang buhok niyang umaalon sa kanyang mukha. Medyo kulot at nagniningning sa kulay ng tanso. Ang mapuputi niyang ngipin na kumikislap dahil sa wagas niyang mga ngiti. Tila para siyang isang tao na ngayon na lamang ulit nakatawa nang ganito.

Hindi ko napigilan ang pagkurba pataas ng aking mga labi habang nakatitig sa kanya. Bahagya kong nilingon sina Alex at Ethan. Pareho silang nakatingin sa akin. Nakataas ang isang kilay habang inaaral ang reaksyon ko.

Agad akong sumimangot.

"Kumain na ba kayo?" tanong ni Noah kay Alex nang kumalma na.

"Actually, puwede ba kaming dito kumain? Wala ng bakanteng lamesa, eh."

"Sure!" bulalas ni Noah sa mga kaklase namin.

Natuwa ako sa sinabi niya. Kahit papaano ay nadagdagan ang mga kakilala ko kaysa sa mga taong kanina pang naglalakad sa bazaar.

Tinabihan nila kaming dalawa at nagsimulang kumain. Sa gilid ko ay si Ethan samantalang katabi naman ni Noah si Alex. Mabilis na binusisi ni Ethan ang pagkain ko. Napangiti ito nang makita ang mga pagkaing madalas kong lantakan tuwing kalaro ko sila ng computer sa bahay.

"Wow, buti ka pa Adam, nabili mo ang lahat ng paborito mo," puri ni Ethan.

"Oo nga eh," mahina kong sagot.

"I heard that you guys are sleeping over for the quiz bee?" tanong ni Alex kay Noah. Ganito si Alex. Matalas ang instinct na tila isang hayop. Hindi ko sinabi sa kanya ang utos sa amin ni Mrs. Aguilar ngunit alam agad niya ang balita. Sa barkada naming tatlo, ako ang matalino, si Ethan ang bobo ngunit si Alex ang pinakamatalas ang pakiramdam. Umiral ang pagiging mausisa nito habang tinititigan si Noah.

"Yes, we'll start reviewing tonight," sagot ni Noah. Nasa ikalawang barbecue stick na ito. "Bakit mo natanong?"

"Actually- " Biglang may inangat si Ethan na bucket ng beer sa lamesa nila. Abot-tainga ang ngiti nito habang ipinagyayabang ang dala niyang alak.

"What the hell?" natatawa kong tanong. Alam kong may pagka-abnormal itong si Ethan pero hindi ko alam na dadalhin niya rito sa bazaar ang saltik niya.

"Tara, inuman tayo sa condo. Bukas na kayo mag-review," yaya ni Alex habang sinusubukang buksan ang isang bote.

"Hindi puwede, nakakahiya kay Noah. Hindi ba, bro?" tanong ko. Biglang napasimangot si Noah. Tila naininis ito sa paraan nang pagtawag ko. Binalikan ko si Ethan. Kumukuha na ito nang kutsara at sinusubukang alisin ang tansan ng alak. Inaagaw ko ang hawak ni Ethan nang mapalingon ako ulit kay Noah. "Hoy, Arroyo!"

Binubuksan na ni Noah ang isang bote gamit ang kutsara niya.

"Ay sorry, bro!" naiinis na tugon Noah. Mabilis niyang itinigil ang ginagawa niya at ibinalik ang bote sa lalagyan. Pasimple niya akong nginitian. "Sige, mamaya na lang sa condo, bro!"

May saltik din talaga 'to. Kanina lang ay tumatawa ngayon ay masungit na naman kung sumagot.

"Yes!" sigaw ni Ethan. Pumapalakpak pa ito sa tuwa.

"Hay, nako. Inuman lang ba ang pinunta ninyo ditong dalawa?" puna ko. Nagsimula akong matawa sa itsura ni Ethan na parang nanalo sa lotto.

"To be honest, hindi. Tumingin ka sa tabi natin," sagot ni Alex habang kumakain.

Napalingon ako agad. May maliit na entablado rito. May mga instrumento gaya ng gitara, drums, saxophone at violin. May isang mikropono sa gitna.

"We came here to see a live musical performance. Sikat kasi ang bazaar na ito for free shows ng mga gustong tumugtog. Anyone can play," paliwanag ni Ethan. Tumatawa ito habang itinatago sa malaking bucket ng beer sa supot na dala niya.

"Yeah, niyaya ko itong si Ethan pero mukhang walang gustong tumugtog ngayon," sambit ni ALex. Mukhang nanghihinayang ito dahil bumiyahe pa sila mula sa malayo para makapanood lang ng pagtatanghal sa bazaar ngunit halatang walang gustong tumugtog sa entablado.

"Sayang naman", pabulong ko habang dahan-dahang sinusulyapan si Noah.

Hindi ko mapigilang alalahanin ang araw na nakita ko si Noah sa loob ng music room at kung gaano kahusay tumugtog ito. Napangiti ako at napayuko habang sinasariwa ang araw na iyon. Mabilis akong namula habang naalala ang ginawa ko sa kuwarto.

"Boom!"

May biglang sumabog. Sa isang malayong food stall ay may pumutok na tangke ng gasul. Ang ilang tao malapit doon ay nagsisimula nang mag-panic. Agad na kinuha ng nakaabang na bumbero ang ilang fire extinguisher at agad din inapula ang apoy. Ganoon kabilis ang mga pangyayari. Matapos ang ilang minuto ay tuluyan na nitong naapula ang sunog.

"Everyone, calm down. Small fire lang naman po ito. Kumain lang po kayo!" sabi ng bumbero sa hawak nitong megaphone.

Ngunit, huli na ang lahat.

"Shit!" sigaw ko. Ito na ang pamilyar na panginginig. Mula sa aking likod patungo sa aking batok. Nararamdaman ko na unti-unti na akong maglalaho.

Ang sobrang kaba mula sa malakas na pagsabog ay nagdulot ng malakas na pangamba. Tiningnan ko ang mga kaklase ko. Si Ethan at Alex ay nakatingin sa pawalang usok.

Napatingin ko sa harap ko kung saan nakaupo si Noah.

Wala si Noah!

Pinilit kong kumalma. Nilaliman ko ang aking mga hininga. Napapikit akong maigi.

Sa aking pagmulat ay unti-unti nang nagiging transparent ang mga kamay ko. Senyales ito na tatalon na naman ako sa ibang panahon. Pinilit kong ipikit muli ang aking mga mata. Hiniling ko na binabangungot lamang ako at hindi totoo ang lahat ng mga nangyayari.

Ngunit tila huli na ang lahat. Tumatagos na ang ang usok ng mga panindang inihaw sa aking balat. Hinanda ko na ang aing sarili na bumagsak sa kung saan. Sa nagyeyelong lawa. Sa gitna ng highway. Sa malalim na dagat.

Bigla akong nakarinig ng tugtog ng gitara.

Kasunod noon ay isang magandang boses. Boses na kasing lamig ng nyebeng bumabagsak mula sa langit habang nabubuhay pa ang mga magulang ko.

"Take me as you are. Push me off the road. The sadness, I need this time to be with you. I'm freezing in the sun. I'm burning in the rain. The silence, I'm screaming. Calling out your name."

Minulat ko ang aking mata.

Ang binatang hinahanap ko ay nasa entablado sa aking gilid. Umaawit habang may tinutugtog na gitara.

"And I do, reside in your light. Put out the fire with me and find. Yeah, you'll lose the sight of your circles. That's what I'll do If we say goodbye."

Napatingin ang lahat ng tao sa bazaar sa guwapong binatilyo na tumutugtog at kumakanta sa entablado. Walang nakapansin sa katawan kong unti-unting nagiging transparent. Ang atensyon ng lahat ay nakatuon sa malamig na boses ni Noah.

Kagaya nila, nagsimulang magliwanag ang mukha ko habang hinihele ng himig ng binatang may magandang tinig.

"To be is all I got to be. And all that I see. And all that I need this time. To me, the life you gave me" patuloy na awit ni Noah. Napatingin ito sa direksyon ko. Habang abala ang kanyang kamay sa pagkalabit sa instrumento ay may binanggit itong litanya na wala sa lyrics ng kanyang inaawit. "Hey! Focus!"

Focus?

Napatitig ako sa aking mga palad. Nang marinig ko ang salitang iyon ay natigilan ako sa panginginig. Parang isang kotseng kanina ay humaharurot na tila marahang bumabagal. Dahan-dahang akong lumingon sa entablado at nakita ang nag-aalalang mukha ni Noah. Nang magtama ang aming mga tingin ay tila tumigil ang oras. Tila kaming dalawa lamang sa lugar na iyon. Ako na nakaupo sa lamesa habang nakatitig kay Noah na may hawak na gitara sa entablado.

Tila nagbago ang buong paligid. Nakita ko na naman ang hindi pamilyar na puno. Pareho kaming nakaupo sa damuhan. Umuulan ng dahon at dilaw na bulaklak. Hinahawi ang aming buhok ng malamig na hanging amihan.

Tuluyan nang tumigil na ang panginginig ko. Hindi na ako tuluyang naglaho. Napatingin ako sa binatang katabi ko sa ilalim ng puno. Marahan niya akong nginitian. Bumalik ang diwa ko sa bazaar matapos kalabitin ni Noah ang huling nota ng gitara.

Nakatutok ang lahat ng tao sa entablado. Kasabay ng pagtatapos ng pag-awit ni Noah ay ang pagtitilian ng ilang babae at pagkuha sa kanya ng mga litrato. Sa direksyon ko pa rin siya nakatitig.

Hindi ko sigurado.

Ngunit tila pareho naming nginitian ang isa't isa.

***

Noah

Year: 1998, Batanes (Past)

"Kuya, bakit tayo naging mag-boyfriend?" inosente kong tanong.

Masayang-masaya ako dahil kasama ko na naman si Kuya Adam sa ilalim punong Narra. Kinuha ni Kuya Adam ang mga dala-dala kong barbecue at cucumber juice na itinakas ko mula sa party sa bahay.

"Pogi kasi ang kuya," biro ni Kuya Adam. Sinimulan nitong papakin ang barbecue na maingat kong binitbit. Bakas sa kanyang mahihinang tawa na masaya siyang mapadpad sa aming tagpuan.

"Hindi nga? Bakit nga?" makulit kong tanong.

Pasimple niya akong nginitian. Pinigilan kong kiligin habang nakatitig sa guwapo niyang mukha.

Natigilan si Kuya Adam sa pagkain nito sabay haplos aking buhok. Isang bagay na paborito kong ginagawa niya sa akin tuwing kasama ko sa ilalim ng puno.

"Nagbago ang buhay ko mula nang maging kaklase kita," panimula niya. Nakanguso pa siya sa akin habang itinatago ko naman ang namumula kong pisngi. "When I met you, I got to live my life to the fullest. Na-enjoy ko na ang mga bagay sa mundo dahil sa iyo. Lagi akong naglalaho nang walang dahilan, until you came."

"Ano po ang ibig ninyong sabihin?" pagtataka ko.

Sa aking edad ay hindi ko pa masyadong maunawaan ang mga kuwento niyang tila mangyayari sa hinaharap. Ang mabibilog kong mga mata ay nagniningning habang naliligaw sa bughaw na mga mata ni Kuya Adam.

"Basta, you'll know in the future," nakangiting tugon ni Kuya Adam.

Hinatak niya ako sa kanyang kanlungan habang pinapanuod ang paglubog ng araw.

Hindi ko gaanong marinig ngunit tila may inaawit siyang bagay na hindi ko pa naririnig sa radyo.

"The day you said goodnight," paghimig ni Kuya Adam.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top