Chapter 4: I Hate Him
Noah:
Year: 2000, Batanes (Past)
"Happy birthday! Sorry, I don't have anything for you," paumanhin ni Kuya Adam habang nakayuko sa akin.
"I understand, Kuya. Oh, ito," saad ko.
Tinatakpan ko ng kanang kamay ang mga mata ko habang ang kaliwang kamay ay inaabot ang mga damit para isuot ni Kuya Adam. Sa likod ng aking kamay ay ang mga labi kong wagas kung ngumiti. Ang puso ko ay tumatakbo nang mabilis dahil nagkita kaming muli matapos ang ilang buwan.
"Sus, makikita mo rin naman ito in the future. Este, ilang beses mo na rin itong nakita pala here in the past. No need to keep it from you," tawa ni Kuya Adam habang mabilis na pinipilit pagkasyahin ang dinala kong mga damit. Sabi niya sa akin noon, sa bawat pag time travel, ang mapadpad sa ilalim ng punong Narra ang pinakagusto nito. Dahil dito sa tagpuan namin, ligtas siya at nakakakulitan niya ako.
"Kuya, hello? I'm just a kid. Hindi ko nga dapat nakikita iyan eh," reklamo ko habang nakatingin sa malayo. Ang hindi niya alam ay kinikilig ako habang palihim siyang sinusulyapan habang nagbibihis.
"And hanggang kelan mo ba ako tatawaging Kuya?" nakangiting tanong ni Kuya Adam. Hindi pa rin siya sanay na tawaging ko sa ganoong paraan. Natatawa ito habang napapansin na panay ang silip ko sa kanya kahit hindi pa niya naisusuot ang salawal niya.
"Ilang taon ka na ba?" tanong ko.
"Bente."
"See? Roughly, ten years age gap. At saka na kita tatawaging Adam kapag magkaedad na tayo," sermon ko.
Wala na siyang naisagot. Pinili niyang tumahimik habang pinipigilan ang kanyang mga tawa. Niyaya niya ako sa dati naming puwesto habang nakatitig sa lumulubog na araw.
"Kuya Adam, how long will you stay this time?" usisa ko.
Napasandal na lang si Adam sa puno ng Narra habang nilalasap ang tanawin. Napagmasdan ko ang malungkot niyang mga mata bago niya ako sagutin. "About one hour. Bakit?"
Lalo ko pang idinikit ang ang katawan ko sa kanya. Kumuha ako ng mga ligaw na bulaklak at sinimulang gumawa ng korona mula rito. "Can I stay here until you're gone?" tanong ko.
"Oo naman. Come here," yaya ni kuya. Mabilis na nanumbalik ang ngiti sa kanyang mga labi. Pinasandal niya ako sa kanyang tagiliran at hinaplos ang aking buhok. "What's wrong?"
"Hay, si Dad kasi. Pinipilit na naman akong mag-practice ng violin. Tapos binibida niya ako sa mga kamag-anak namin doon sa mansyon," malungkot kong kuwento.
"Oh? Akala ko ba gusto mong maging magaling na violinist balang araw? Ganyan talaga, you practice from dawn 'till dusk."
Malumanay na hinahaplos ni kuya ang buhok ko.
"I understand, but I don't get to play outside like other kids do," reklamo ko. "Ngayon nga, tumakas lang ako sa party, eh."
Malungkot sa bahay. Lalo na sa tuwing nagdadagsaan ang mga kamaganak namin. Sa mga salo-salo kasi ako laging naikukumapra sa ibang bata sa aming angkan. Ang tanging nagpaligaya sa akin buong araw ay ang pagtakas ko patungong talampas nang maalala darating ngayon si Kuya Adam.
Napabuntong hininga si kuya. Kadalasan niya itong ginagawa sa tuwing may sasabihin siya sa aking bagay na mangyayari sa hinaharap. Hinawakan niya ako sa balikat. "Hay. Wanna know a secret?"
"Opo," mabilis kong sagot.
"Everything I tell you came from the future and lahat ng iyon ay nangyayari 'di ba?" Napatingin si Kuya Adam sa dulo ng dagat habang lumulubog ang araw.
"Yes po." Matagal bago ako sumagot. Nakatingin lamang ako sa malayo.
Hinarap ako ng binatang katabi ko. Nagsimulang nagningning ang kanyang mga mata. Kasabay ng pagbukas ng kanyang bibig ay ang pag-ihip ng maaliwalas na hangin mula sa hilaga. "Okay, alam kong lagi kong sinasabi ito. Pero, I can't stress it enough. Everything will be fine. Ang galing mo kaya tumugtog sa future!"
"Talaga kuya?" Parang akong batang nabigyan ng tsokolate nang marinig ang sinabi ng kausap ko. Gaya ng inaasahan niya, gumagaan ang aking kalooban tuwing magbibigay siya ng payo. Walang mas hihigit sa balitang dala ng tao mula sa hinaharap. Sa kanyang mga salita ay palagi akong napapanatag.
"Oo nga!" bida ni Kuya Adam. Abot-tainga ang ngiti nito.
Ngunit wala akong reaksyon. Muling akong natahimik sa kinauupuan ko. May naalala akong isa pang bagay na kanina ko pa nais ikonsulta sa kanya.
"Oh, ano na naman ang iniisip mo? Parang 'di ka natuwa sa sinabi ko?" usisa ni kuya.
"Si Dad kasi. He wants me to move to Manila. Since mag hi-highschool na ako soon," malungkot kong tugon.
"So?" nagtatakang tanong ni Kuya Adam. Bakas sa kanyang mukha na hindi nito maintindihan ang pinupunto ko.
"Ano ka ba kuya? Hindi na kita makikita ulit!"
"Ay!" Biglang napahiga sa kakatawa si Kuya Adam.
Umaalingawngaw sa paligid ang malumanay na tawa nito. Kasabay ng malamig na hangin at simoy ng mga bulaklak sa mga puno, maririnig ang hagalpak ng binatang minsan lamang tumawa nang malakas. Hindi siya palangiting tao, ngunit sa mga insenteng bagay na kadalasang sinasabi ko ay hindi niya mapigilang humalakhak.
"If you're just gonna laugh at me all day, I might as well go home," pagsusungit ko. Mabilis akong tumayo at naglakad palayo.
"Teka lang!" Mabilis akong hinabol ni Kuya Adam. Binuhat niya ako at kinandong sa damuhan. "Ikaw, napaka makakalimutin mo. Sige nga, kung naalala mo mga tinuro ko sa iyo. What is the rule number one of time traveling?"
"You can't take anything with you when you jump dahil mada-damage ang katawan mo!" naiinis kong sagot. Nakabusangot pa ako. Magkasalubong ang aking mga kilay habang umiiwas ng tingin kay Kuya Adam. Masama pa rin ang aking loob dahil pinagtawanan niya ako kanina.
"Correct! Pero, mali pala na rule ang natanong ko. What is rule number two?" Pinipigilan ni Kuya Adam na matawa habang pinagmamasdan ang nakanghuso kong mukha. Sinubukan niyang haplusin muli ang buhok ko na mabilis ko namang inilagan.
Ngunit napaisip ako sa tanong ni Kuya Adam. Ilang segundo rin ang lumipas bago ito sumagot. "Iyon ang magulong rule, eh. Rule number two, you can only time travel to places you've been to."
Dahil sa kakaisip, nakalimutan kong nagtatampo pa pala ako. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa mga bughaw na mata ni Kuya Adam. Nagsimula ulit akong kiligin. Huli na nang umiwas ako ng tingin dahil namumula na ang mukha ko.
"Tama!" sagot ni Kuya Adam. "Like here in Batanes, I can time travel here because some time in the future, I visited your house and this tree personally. So, na-register na ang mga ito sa go-to-places ko."
"So, anong connect niyan sa paglipat ko sa Maynila?" pagtatataka ko. Napakamot ako ng ulo dahil hindi ko pa rin maintindihan ang gustong ipunto ng kasama ko.
Nakatitig lamang siya sa akin. Tila inaaral niya ang mga mata kong puno ng kamangmangan. Mga matang inosente. Sinimulan na naman niyang panggigilan ang mga pisngi ko. "Hay nako, Noah. Ang slow mo talaga. Dapat talaga ako valedictorian eh."
"Ha?" usisa ko.
"Hindi ba, I'll be your future... you know." Pinipigilan ni Kuya Adam ang mga ngiti nito. Kinikilig siya tuwing naiisip na ang batang kausap niya ang magiging nobyo niya sa hinaharap. Pareho kaming nahiya sa pinag-uusapan namin. "Anyway, since magiging tayo, lagi akong nandoon sa kuwarto mo sa Manila which means-"
"You can time travel there too!" bigla kong sigaw. Abot-tainga na ang ngiti ko nang maunawaan ang pinupunto ni Kuya Adam.
"Tama! Apir!" Itinaas niya ang kamay niya na mabilis kong hinampas ng aking maliit na palad.
"Weh? Got any proof that you'll be there?" dagdag ko pa. Nag-aalangan ako na baka hindi ko na nga talaga siya makitang muli. Isang bagay na marahil ikaluluksa ko. Ang mawalan ng kaibigan na palagi kong nilalabasan ng sama ng loob.
Pinisil ni Adam ang matangos kong ilong. Seryoso na ang itsura nito. "Wala ka talagang tiwala sakin eh, 'no?"
"Aray... aray!"
Hindi mapigilan ni Adam na hawakan ang maliit kong mukha. Nang matigil sa panggigigil ay muli nagtanong si Kuya Adam. "Sa Room 305 Umbra Tower Bonifacio Global City, Taguig ang nakuha ng Daddy mo, hindi ba?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Unti-unting nagliwanag ang mukha ko. Umaapaw ang puso ko sa tuwa. Ang problema ko tungkol sa paglipat sa Maynila na ilang araw ko nang iniisip ay parang nahulog sa banging nasa harapan namin. "Iyon ang binili ni Daddy na room for me. Paano mo-"
Pinisil niyang muli ang pisngi ko bago pa ako matapos magsalita. Tuwing mas nilalapit niya ang kanyang mukha sa akin, ay umiinit lalo ang mga mukha ko.
"For the nth time, you're the time traveler's boyfriend," muli niyang paliwanag.
Pinigilan kong ngumiti sa mga katagang kanyang binitiwan. Ang hindi niya alam ay unti-unti ko nang nauunawaan ang mga salitang iyon.
Sa pagkakalas niya sa aking mga pisngi ay natunghayan ko muli ang bagay na kinaiinisan ko. Ang katawan niyang nagiging transparent. Ang sinag ng araw na tumatagos sa mga sanga ng puno ay binubutas na rin ang kanyang katawan. Nakita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata habang tinitignan niya ang katawan niyang marahang naglalaho.
"Hey before I go, pwede ba kong mag-iwan ng regalo?" malambing niyang bigkas.
"Yes Kuya, ano po iyon? Inosente kong sagot.
Bigla niya akong hinalikan. Hindi mismo sa aking labi kundi ilang milimetro lamang mula sa aking bibig. Natulala ako sa kanyang ginawa. May kakaibang bagay na nais kumawala mula sa aking dibdib. Marahan kong hinawakan ang balat kong dinampian ng kanyang mga labi.
"Hey, that's my first kiss!" bulalas ko.
"I know. I love you," bulong niya bago tuluyang maglaho sa hangin.
***
Year: 2005, Manila (Present)
"I hate him!" naririnig kong bulong ni Adam mula sa katapat kong lamesa. Hindi pa rin siya nagbabago. Ang akala niyang bulong para sa kanya ay normal na boses lamang para sa karaniwang tao. Nagpatuloy lamang ako sa pagkain na tila ba hindi ko siya naririnig.
Kumakain sa canteen ang barkada ni Adam. Sa kabilang lamesa ay mag-isa akong nanananghalian. Nakasuot ako ng earphones na wala namang tugtog upang kuyari ay hindi ko sila pinapakinggan.
Sa ilang taong paghahanap ko sa kanya ay napagpasyahan kong huwag muna sabihin sa kanya ang lahat. Napagtanto kong kailangan niyang kusang makilala ako. Mas nanaisin kong maging totoo siya sa kanyang nararamdaman kaysa ang ipagpilitan ko ang mga nakatakdang mangyari sa amin.
Matapos akong sumubo ng kanin ay bahagya kong inangat ang aking mga mata. Ang inaasahan kong malalambing niyang titig sa una naming pagkikita ay napalitan ng poot. Nanlilisik ang mga mata nito sa akin ngunit pilit ko pa rin siyang nginitian.
"Pangit, hindi naman gwapo," bulong ni Adam habang sumusubo ng siomai. Halata namang nangigigil pa rin ito sa pagdating ko sa klase nila.
"Who?" tanong ni Ethan.
Itinuro ako ni Adam gamit ang tinidor nito. "Sino pa ba? 'Yang si Transferee!"
"Inaano ka ba n'yan? Mukha namang mabait si Noah," saway ni Alex. Nagulat ito dahil bihira lamang talaga magsimula ng usapan o magkuwento sa kanila si Adam. Kadalasan ay si Jade lamang ang bukang-bibig nito.
"Epal kasi, 'di ko tuloy makatatabi si Jade buong taon," ani ni Adam. Napahawak ito sa kanyang buhok. "Kulayan ko kaya itong buhok ko ulit ng itim? Tapos magpa tan ulit ako parang kay Alex. Baka sagutin na ako ni Jade."
"Baliw!" bulalas ni Alex. "Huling beses na ginawa mo iyan, sinabon ka ng uncle mo!"
Pinipilit ni Adam kumain ngunit panay ang sulyap niya sa direksyon ko. Sa bawat nakaw niyang tingin ay nakaabang ang mukha kong wagas kung ngumiti.
"Ang pangit ng mga mata niya," nabasa ko mula sa kanyang mga labi. "Kulay champorado."
"Leave him alone, bro. Kailan ba nasunod ang seating arrangement? You can ask him naman na magpalit kayo," mungkahi ni Ethan.
"Or okay ding makatabi mo siya. Umay na umay na ko sa inyo ni Jade, eh," natatawang idinagdag ni Alex.
Natigilan si Adam sa sinabi nito. Halata sa kanyang ikinikilos na naiinis na ito sa dalawa niyang kasama.
"Palibhasa wala kang girlfriend," inis na sinabi ni Adam.
"Eh bakit, kayo ba ni Jade?" pakunsuwelo pa ni Alex. Mukhang nais niyang bwisitin ang matalik niyang kaibigan na madali talagang mapikon. Nag-aalaskahan silang tatlo sa lamesa nang mapansin nila ang mga babaeng nagtatakbuhan papasok ng canteen.
"Ayan na naman mga fans mo. Magpapa-picture ata sayo, Adam," saad ni Ethan.
Sinundan nila ng tingin ang tatlong babae na kinikilig pa habang tumatakbo. Tinitigan sila ni Adam ngunit nagulat sila nang lagpasan sila ng mga ito. Nakatayo na ngayon ang tatlong babae sa harapan ko. Nakangiti pa rin ako habang nakakunot na ang aking noo.
"Hi, new classmate, excuse us?" sabay-sabay nilang bigkas.
Marahan kong inalis ang earphones ko at pasimple silang kinawayan. Naalala ko silang tatlo na minsang ipakilala sila ni Sir Daquil sa akin.
"Stef! Ang guwapo niya! Mahal ko na siya," tili ni Angelica. May katabaan ito at may magandang tali sa kanyang buhok. Kinikilig ito habang nakatitig sa mukha ko.
"Gaga! Hi, we are the group called as 'The Friendships' dito sa school. Can we take pictures of you? Ilalagay lang namin sa blog namin?" pakiusap ni Steffanie. Isa siyang payat na babae na may mapupulang labi at kulot na buhok. Masaya siyang nakangiti habang hawak ang kanyang kamera.
"Ah, eh," nag-aalangan kong tugon. Dahan-dahan kong sinilip si Adam sa likuran ng mga babae. Napakamot na lang ako ng ulo dahil nanlilisik na naman mga mata nito sa akin. Agad akong nagtago sa harapan ng mga babae dahil baka matunaw ako sa mga titig niya.
"Sige na! So that more people would get to know you." Muli akong kinulit ni Grace, ang babaeng maraming kolorete sa mukha at sobrang lakas magpabango. "Oh, by the way, ipinakilala na kami ni Sir pero let us introduce ourselves better. I'm Grace, this is Angelica and Steffanie. Pa-picture ka na, ang dami kasing nagtatanong about you."
Napalunok na lang ako ng kinakain kong itlog. Hindi ko talaga napaghandaan ang mga taong ito. Hindi naman sila naikuwento ni Kuya Adam noong bata pa ako. Kung alam ko lang na may mga makukulit pala akong kaklase paglipat ko rito.
"Nako, sige na nga," paanyaya ko.
Nagtatalon sila sa tuwa. Kanya-kanya silang nagpakuha ng litrato sa tabi ko. May nakalingkis sa aking balikat. May nakadikit sa aking pisngi. May nakahawak sa aking kamay. Halos pinagtitinginan na kami sa loob ng canteen dahil sa mga posing na inuutos nila sa akin.
"Ah, eh-" nauutal kong bigkas. Gusto ko na sanang matapos ang ginagawa namin at nang makakain na ako.
"Hoy, grupong GAS! Tantanan ninyo nga ito. Ipapa-guidance ko kayo. Sexual harassment ang ginagawa ninyo!" Biglang may tumabi sa aking estudyanteng lalaki na dahilan upang mapalayo ang mga babae.
"Who are you calling GAS?" naiinis na tanong ni Steffanie. Mabilis niyang itinago ang kamera niya.
"Kayo! Grace, Angelica, and Steffanie. G.A.S." bulalas nito. Nakataas pa ang kilay niya habang natatawa sa naiinis na mukha ni Steffanie.
"We're just taking pictures. Wala namang masama roon, eh," sabi ng namumulang si Grace. Nakapalobo pa ang mga pinsgi nito dahil inagawan siya ng puwesto ng lalaki.
"Can't you see he's still eating? Mamaya na iyan after class!" utos ng lalaking katabi ko.
Marahan siyang napatayo upang tapatan ang pagsusungit ng tatlo. Matapos ang ilang irapan ay iniwan na rin nila kami. Naiinis na umalis ang mga ito habang halata sa mga itsura nila ang pagkabanas sa lalaking umistorbo sa kanila.
"Nako, sorry. Was I too harsh on them?" Nakadikit pa rin siya sa akin. Nakataas ang manggas ng kanyang polo. Ang buhok niya ay maayos ang pagkakasuklay. Ngintian niya ko at halos sumingkit na ang kanyang mga mata. Mas matanggad siya sa akin ng ilang sentimetro at halatang batak ang kanyang katawan sa sports.
"Hindi naman. Thank you, ha," nahihiya kong tugon.
Natuwa ako sa ginawa niyang pagtulong. Sa unang pagkakataon ay may nag-alala sa akin dito sa bago kong paaralan. Nakakalungkot nga lang at hindi iyon ang taong inaasahan ko. Muli ko siyang naalala. Napatingin ako sa lamesa nila Adam at napansin kong wala na ang mga ito. Muli akong napayuko at sinimangutan ang tanghalian ko.
"My name is Bien Pedragosa. Your class president," pakilala ng katabi ko. Nakapalumbaba pa ito habang nakatitig sa akin. "I'm also a member of Animal Rescue sa bayan natin. I'm a 2-year basketball MVP of the school. Do you also play? Mukha namang toned ka rin for sports. Wanna join our club?"
Madaldal pala siya. Hindi halata sa itsura niya. Panay siya kuwento na tila isang recruiter na naghahanap ng bagong miyembro ng kanyang grupo.
"Sorry, I'm already with the music club. Pamangkin ako ni Mrs. Norma Arroyo," malungkot kong tugon. Hindi ko siya tinitignan dahil si Adam pa rin ang nasa isip ko.
"Oh? Kaya pala familiar ang apelyido mo!" saad naman ni Bien. Napatingin ito sa kanyang relo at napaayos ng upo. "Anyway, dalian mo na dahil mala-late na tayo sa Math."
Agad kong isunubo ang huling hotdog at sabay kaming bumalik ng classroom. Nauna siyang pumasok upang sawayin ang mga lalaking nag-aalaskahan sa likod. Pagdating ko sa aking upuan ay napansin kong nakadekwatro pang nakaupo roon si Adam. Inagawan niya ako ng puwesto para makatabi ang crush niya.
Napansin kong nagtatalo si Adam at Jade. Mukha ring naiirita na si Jade kay Adam habang itinataboy ito. Si Adam na ang nakaupo sa upuan ko at nakaayos na ang mga gamit nito.
Pambihira talaga. Hindi talaga niya ako gusto. Mas gusto niya talagang makatabi si Jade.
Marahang kong inilapag ang mga gamit ko sa first seat, kung saan dapat siya ang nakaupo. Pinilit kong ngumiti kahit ang totoo ay parang tinutusok na ang aking dibdib. Inisip ko na lang na kahit papaano ay makatatabi pa rin siya kahit na kay Jade ang atensyon niya.
"Umalis ka riyan sabi!" naririnig ko nanggigigil na utos ni Jade kay Adam. Naiinis ito kay Adam na pinipilit pa rin siyang tabihan kahit may seating arrangement na kami.
"Ayoko! Dito na ako. Mukhang okay lang naman sa kanya!" pilit ni Adam. Hindi ito gumagalaw sa kanyang puwesto kahit alam na niyang nasa likod lamang ako at rinig na rinig ko ang pagbabangayan nila.
"Pag hindi ka umalis, isang taon kitang hindi kakausapin, sige ka," babala ni Jade. Nanggagalaiti na ito sa inis si at nais na niyang palayasin si Adam sa upuan ko.
Natigilan sa pakikipagtalo si Adam. Wala na siyang magawa sa pagbabanta sa kaniya ni Jade. "Badtrip talaga," saad nito.
Isa-isang kinuha ni Adam ang mga gamit niya at tumayo sa second seat. Humarap ito sa akin at kinalabit ako. "Ah eh Noa... I mean bro, doon ka na sa upuan mo. Baka pagalitan tayo ni teacher pagbalik niya."
Buwiset! Halatang napipilitan ka lang sa mga sinasabi mo. Bro? Brozone agad sa first day? Humanda ka sa akin next time na mag time travel ka sa kuwarto ko, loko ka.
"Sige... bro!" brusko kong tugon. Hinarap ko itong si abnuy at inirapan. Mabilis niyang nilipat ang mga gamit niya sa kabilang upuan.
Nag-aayos kami ng gamit nang mapalingon si Adam sa puwesto ni Jade. Tinignan niya kung galit pa rin sa kanya ito. Ako naman na tulala at hindi namalayang kanina pa ako nakatingin kay Adam. Mabilis akong napayuko nang magtama ang aming mga tingin. Inilihis ko ang aking ulo sa babaeng katabi ko sa kaliwang upuan.
Nagimbal ako sa nakita ko. Kaya pala kanina pa nakatigin si Adam sa babaeng katabi ko. Nakatitig sa akin si Jade. Pamilyar ang mga ganoong tingin. Kumikislap ang mga mata na tila nagniningning na bituin sa langit. Mga mata ng taong umiibig. Nakangiti pa ito habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
Napalunok ako ng laway. Marahan akong lumingon sa lalaking nasa kanan ko. Gaya nga ng inaasahan ko, nanlilisik na naman sa akin ang mga mata ni Adam. Mukhang napansin na rin niyang umiibig na ang crush nito.
Jade, sa lahat ng tao, bakit sa akin pa?
Napakagat ako ng labi. Natatawa ako sa sitwasyon naming tatlo. Nanggigil ang lalaking nasa kanan ko. Sa kaliwa naman ay tila hinuhubaran na ako ng tingin ng babaeng katabi ko.
Mabilis na umiwas ng tingin si Adam. Humarap ito sa pader.
"I hate him, I really really hate him," mahina niyang bulong habang muling ginugulo ang mga gamit niya.
Hindi niya alam na hindi lamang ang sinabi niyang iyon ang lulunukin niya balang araw.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top