Chapter 2: Not Their First Meeting

Noah:

Year: 1996, Batanes (Past)

I could almost hear the sea just like a distant memory.

Gaya ng dagat, ito ang mga naaalala ko. Gaya ng dagat, ito ang mga masasaya naming alaala na hindi nagbabago.

Mula bata pa ay mahilig na akong maglaro sa ulan. Sa Batanes na palaging dinadaanan ng bagyo ay normal na para sa akin ang magtampisaw sa putik at tumakbo sa ilalim ng kulog at kidlat. Hindi na bago ang lahat ng ito. Tila parang saliw ng biyulin ang yanig ng kulog sa langit. Parang nota ng piano ang bawat ihip ng habagat. Iniibig ko ang amoy ng alimuong sa tuwing sumasapit ang tag-ulan. Para sa akin, isang musika ang walang katapusang pagpatak ng tubig mula sa mga ulap. Hindi maipinta ang tuwa sa aking mukha habang kinikiliti ang aking tainga ng tunog ng dagat sa lugar na pupuntahan ko.

"Noah Arroyo! Saan ka na namang nagsusuot? Ikaw na bata ka!" bulyaw ni Lola Maring. Madalas ganyang ang kanyang mga binibunganga sa tuwing tumatakas ako sa bahay.

"Mama, hayaan mo na ang apo mo. Marunong nang umuwi iyan!" sagot naman ni Daddy Danilo. Walang bakas ng pag-aalala sa mukha nito dahil malaki ang tiwala niya sa akin. Ni minsan, hindi ko naalalang ako ay kanyang pinagalitan. Nakataas pa ang paa nito habang nanonood ng telebisyon.

"Kahit na! Pitong taong gulang pa lang iyon, at saka baka mapano siya sa ulan!"

Natatawa si Dad sa nag-aalalang itsura ni lola. Agad itong pumunta sa kusina upang kumuha ng maiinom. "Hindi naman mapapano si Noah sa labas. At saka ang laki ng gubat at lupain natin sa likod ng mansion. Wala naman tayong kapitbahay."

"Teka nga, tatawag akong ng katulong para ipahanap iyang si Noah. Hindi talaga ako mapakali, eh," naiinis na tugon ni lola.

Nakita ni Dad ang mga sinilong na damit nito bago pa bumagsak ang ulan. Agad nitong napansin na wala roon ang paborito nitong pares ng t-shirt at pantalon. "Ma, nakita mo ba ang puti kong damit at brown na pants?"

"Aba, malay ko riyan. Nawawala anak mo, damit pa talaga ang iniisip mo?" Nanggagalaiti si lola habang nakapamewang sa isang gilid. Hindi siya mapakali dahil mag-isa lamang ako sa labas at madilim pa rin ang langit.

Sa masukal na gubat ay masaya akong tumatakbo. Hindi ko alintana ang nagtalsikan putik sa berde kong bota at pula kong kapote. Unti-unti nang humihina ang ulan. Wala akong naramdamang hingal bagkos ay gusto ko pang magtatalon dahil sa taas ng enerhiya ko. Umaapaw ako sa tuwa dahil ngayon ang itinakdang araw. Sa isang malaking punong Narra ay matiyaga akong sumilong at nag-abang.

Napatingin ako sa aking relo. Sa salamin ay nakita ko ang aking repleksyon at agad na inalis ang pandong sa aking ulo. Pinipilit kong sumimangot ngunit hindi mapukaw ang ngiti sa aking mukha. Nang makita ko ang mga kamay ng orasan ay nagtatalon muli ako sa tuwa.

"Ayan, malapit na mag 5:30 PM in 3... 2... 1..."

Sa likod ng puno kung saan ako nakatayo ay biglang nahulog sa kung saan ang isang binata. Malalim ang mga mata. Mahaba ang pilikmata. Mapupula ang mga pisngi. Matangos ang kanyang ilong. Kasing tangkad na niya siguro ang pintuan namin sa bahay. Para siyang artistang nagmula sa mga foreign movies na madalas naming panoorin ni Daddy Danilo.

Wala itong suot na kahit ano. Kitang-kita ang magandang hubog na katawan nito. Ang katawan niyang madalas kong palihim kung titigan. May matikas na balikat, matipunong dibdib at malalaking braso. Ang buhok niya ay parang ginto mula sa malayo na nagiging kulay kahoy sa malapitan. Ang balat niya ay kasing puti ng mga turistang galing sa mga bansa sa kanluran.

Wala sigurong salita sa diksyunaryo na makakapaglarawan sa kanyang kaguwapuhan. Tila isa siyang obramaestrang lumabas sa mga sikat na painting. Para siyang inukit sa kahoy dahil sa detalyo niyang katawan. Higit sa lahat, ang mga mata niya ay mas bughaw pa sa alin mang dagat na napuntahan ko. Mas busilak pa sa ano mang anyo ng langit tuwing tinitingala ko.

Mabilis akong nagtago. Ang tuwa ko kanina ay agad napalitan ng hiya. Pinagmasdan ko muna siyang maigi habang nag-iisip kung paano ko siya kakausapin sa pagkakataong ito.

"Aray! Badtrip. Nasaan na naman ako?" sabi niya. Napatingin ito sa mga makakapal na puno sa paligid. Hindi kalayuan sa aming puwesto ay ang isang bangin papunta sa dagat. Nasa harap niya ang lumulubog na araw. Napaupo siya at napayakap sa kanyang mga tuhod. "Mukhang sinuwerte ako ngayon, ha? Ang ganda ng view. Well, I have five minutes so I might as well enjoy this sunset."

"Kuya Adam!" bati ko. Para akong isang lawin na mabilis na dumapo sa makinis niyang mga balikat.

Napabalikwas siya nang may biglang yumakap at sumampa sa nakahubad niyang katawan. Umaapaw sa galak ang puso ko dahil kasama ko nang muli ang taong ilang araw na ko nang inaabangan. Maraming gabi rin akong hindi nakatulog mula nang una ko siyang makilala ilang linggo na ang nakararaan. Abot-tainga ang aking ngiti habang nakayakap sa matipunong katawan ni Kuya Adam.

Agad siyang napatayo at pinilit na takpan ng kamay niya ang hubad niyang harapan.

"Hoy! Sino ka? Nasaan ang mga magulang mo? Kaninong anak ka?" bulalas ni Kuya Adam. Biglang siyang napatago sa likod nang matataas na damo habang tinitignan ang batang yumakap sa kanya. Naiwan akong mag-isa sa ilalim ng puno.

"Hala! Hindi mo na ba ako naaalala? Nagkita na tayo last month," paliwanag ko. Natatawa ako sa itsura niya habang nakasilip sa akin sa likod ng mga damo. "Sabi mo pa nga balik ako rito on this day and time and magdala ng extrang damit, eh."

Mabilis siyang yumuko. Mula sa aking kinatatyuan ay naririnig ko ang kanyang mahinang mga bulong. Tila kinakausap niya ang sarili niya habang iniintindi ang mga nangyayari.

"It all makes sense, isa lang ang ibig sabihin nito. My future self must have already been here," ani ni Kuya Adam. Marahang lumitaw ang kanyang ulo mula sa damuhan patungo sa direksyon ko. "Teka lang, ano pang sinabi ko sa 'yo, bata?"

Nahihiya ako sa itsura niya. Tanging maninipis na damo ang nakatakip sa maseselang bahagi ng kanyang katawan. Bahagya kong iniling ang aking ulo at inihagis sa kanya ang mga damit ni Dad na sinungkit ko mula sa sampayan.

"Hmmm sabi mo, you were 20 something years old," sagot ko. Kinakamot ko ang ang aking ulo habang sinusubukang alalahanin ang mga naunang kuwento sa sa akin ng iba niyang bersyon. Naaaninag ko sa gilid ng aking mga mata na mabilis na siyang nagbibihis sa likod ng mga damo.

"That's years ahead of my timeline. Pero, teka. Sino ka bang bata ka?" bulalas ni Kuya Adam.

Natatawa ako sa itsura niya. Noong nakaraang buwan lamang ay sinamahan niya akong sumilong mula sa malakas na ulan. Ngunit ngayon ay tila wala siyang naaalaala sa mga nangyari. Bakas sa kanyang reaksyon na ngayon lamang siya nakatagpo ng bata sa kanyang pagtalon sa ibang oras at panahon.

Panay ang lingon niya sa talampas. Halatang kinakabahan ito dahil marahil ay may ibang tao pa sa paligid. Nang siguraduhing walang ibang tao ay tinitigan niya akong mabuti.

"Ang gulo-gulo mo naman kausap, kuya. Ako ito! Hindi mo na ako naalala agad?" halakhak ko. Pinakitaan ko siya ng pinakamalaki kong ngiti. Tumama ang sinag ng lumulubog na araw sa aking mukha.

Nailawan ng araw ang kulay tanso kong buhok. Nagsilabasan ang magkabilang dimples ko sa pisngi. Nanlaki ang mata ni Kuya Adam sa nakita nya. Tila namumukhaan na niya ang batang nasa ilalim ng puno.

Unti-unti na niya akong nakikilala.

"No... Noah?" nauutal na tanong ni Kuya Adam. Mabilis na nagliwanag ang kanyang mukha kasabay ng pag-ilaw ng araw sa buo kong anyo.

"Terve (Hello)," bati ko. "My name is Noah Arroyo. I'm seven years old. Sabi mo last month, sabihin ko agad sa'yo kung ano ang petsa kapag nagkita ulit tayo. Today is July 1, 1996. Tinuruan mo pa nga akong mag Finnish, eh."

Ang itsura niyang kanina ay kinakabahan at naguguluhan ay mabilis na napalitan ng tuwa. Mula sa kanyang kinatataguan ay kumaripas siya ng takbo. Napakagat ako ng labi habang napuputikan niya ang paboritong pantalon ng aking ama.

Huli na nang namalayan kong nasa harapan ko na siya. Gamit ang matikas niyang mga braso ay binigyan niya ako ng mahigpit na yakap. Ilang saglit pa ay tinatadtad na niya ako ng halik sa pisngi. Ang kaba sa mukha niya kanina ay napalitan na ng tuwa habang pinanggigigilan ang mga pisngi ko.

"Noah!" bulyaw ni Kuya Adam. Pisil niya sa dalawa niyang mga palad ang mga pisngi ko. Nakatitig siya sa akin na tila inaaral ang aking mukha.

"Yuck! Kadiri! Ang dirty ng kamay mo," reklamo ko. Nakanguso na ang labi ko dahil sa panggigigil niya.

"Kahit noong bata ka pa pala, ang arte-arte mo na," tumatawa niyang sagot. Mabilis niyang binitiwan ang mga pisngi ko na halos mapunit na sa panggigigil niya dahil sa sobrang saya.

"What do you mean?" usisa ko.

"Wala, I just missed you so much. Tara, upo muna tayo rito. I still have a few more minutes," yaya ni Kuya Adam. Umupo siya sa malinis na bahagi ng damuhan. Pinagpag niya ang kanyang tabi at siniguradong tuyo ito bago ako yayaing umupo. "Noah, last month, ano pang sinabi ko sa'yo? Sinabi ko bang I will be your future-"

"Boyfriend?" pagputol ko sa sinabi niya. "Opo, sinabi ninyo pero hindi ko naiintindihan kung ano iyon, eh. Nang ipapaliwanag mo na, bigla naman kayong nawala."

"Badtrip, mukhang kailangan ako ata ang magpaliwanag, ha," sagot niya.

Walang pa akong malay noon sa paksang iyon. Ang alam ko lang ay napakabilis ng tibok ng aking puso habang katabi ko si Kuya Adam sa ilalim ng puno ng Narra. Hindi ko ring mapigilang titigan ang mga bughaw na mata nito. Ang mga mata niyang mas bughaw pa sa langit. Mas magtingkad pa sa dagat na nasa harapan namin.

"Siguro, balang araw malalaman mo rin ang kahulugan noon," saad niya. Nagniningning ang kanyang mga mata na tila mga tala sa kalawakan. "Mas maganda siguro kung ikaw mismo ang makadiskubre."

"Opo, kuya," nahihiya kong sagot.

"Noah, can you promise me one thing?" tanong niya. Muli niyang hinaplos ang buhok ko at hinalikan ang aking bumbunan.

"Ano po 'yon, kuya?"

"Someday, promise me you'll find me."

"Noah! Anak? Nandito ka ba?"

May bigla kaming kaluskos na narinig mula sa mga kakahuyan. Boses ito ni Dad. Ilang metro na lang ang layo nito sa puwesto namin nang tuluyan nang luminaw ang kanyang boses.

"Badtrip! Si Tito Dan!" bulalas ng binatang katabi ko. Napatago si Kuya Adam sa likod ng punong Narra. Kinakabahan ito. Sa bawat segundo ay lalong lumalapit ang mga hakbang sa piutikan ng aking ama.

"Dito ka lang, kuya," ani ko. Pinanood ko siyang pinagsisiksikan ang matipuno niyang katawan sa malapad na puno. "Kausapin ko lang si Dad baka makita kang suot mga damit niya!"

Napatalon ako mula sa likod ng puno. Eksakto akong dumapo sa tapat ng aking ama upang mapatigil ito sa paglalakad.

"Oh, okay ka lang ba? Sabi sa'yong huwag kang bigla-biglang lalabas lalo na't umuulan, eh," sermon ni Dad.

"Opo, Daddy!"

"Teka, may kasama ka ba rito? Kanina, may naririnig akong kausap ka, eh?" usisa ni Dad. Hahakbang sana ito ulit nang bigla ko siyang hatakin.

"Tara na, Dad! Wala namang tao riyan, eh. Baka nagagalit na si Lola!" bulyaw ko.

Kinakabahan na ako sa maaring maging reaksyon ni Daddy sa oras na makita nito si Kuya Adam sa likod ng puno. Buong puwersa kong hinahatak ang kamay nito palayo.

"Saglit lang!" saway ni Dad habang nasa gilid na ng puno. "Huwag kang makulit. Meron talagang ibang boses akong narinig kanina."

"Dad, huwag!" Walang laban ang munti kong mga galamay sa katawan ng Daddy ko. Tuluyan na siyang nakapunta sa piniagtataguan ni Kuya Adam.

"Huli ka!" sigaw ni Daddy Danilo. Bigla akong napatakbo sa kinatatayuan niya. "Sabi na nga bang ikaw ang kumuha ng mga damit ko, eh. Bakit mo dinala dito?" usisa ni Dad. Hawak-hawak nito ang mga nagkalat na damit niya sa ibaba ng puno.

"Ah, eh. Dito lang po kasi may sinag ng araw kanina. Gusto ko lang patuyuin ang mga paborito ninyong damit," pagsisinungaling ko. Nakahinga na ako nang maluwag ng wala nang bakas ni Kuya Adam sa paligid.

"Halika na nga. Kanina pa hindi mapakali ang Lola mo. Baka lumakas ulit ang ulan," yaya ni Daddy Danilo. Magkahawak kamay kaming lumabas ng gubat ngunit panay ang lingon ko sa direksyon ng puno ng Narra.

Pananay ang ngiti ko. Iniisip ko kung nakauwi nga ba siyang ligtas. Nagtatalon pa ako habang magkahawak-kamay kami ni Daddy Danilo papasok ng gubat. Sa musmos kong isip, may kakaibang tuwa dahil nakausap kong muli ang misteryoso kong kaibigan. Sa musmos kong puso, may pananabik sa susunod naming pagtatagpo.

Seriously, when will I meet his present version? Nasaang lumapalop kaya ngayon ang batang Adam?

Natawa ako sa mga bagay na tumatakbo sa isipan ko. Pinagmasdan kong muli ang puno. Ang malalago nitong dahon. Ang halimuyak ng mga dilaw nitong bulaklak sa paligid. Sumasayaw ang mga sanga sa mahinang ihip ng hangin na tila nagpaapaalam sa akin. Muli akong nakaramdam ng pananabik. Umaasang makilala ang Adam na kaedad ko pagdating ng panahon.

How could you miss someone you've never met?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top