Chapter 18: Noah's A. and Adam's A.
꧁༒༺🦉༻༒꧂
Adam:
Year: 2005, Metro Manila (Present)
Bumalik ako sa kasalukuyan. Wala akong suot na kahit ano pero baon ko sa aking pagbabalik ang matamis niyang oo.
Nakatupi nang maayos ang mga damit ko sa gilid ng banyo. Sa isang sulok ay nakita kong nakaupo si Noah na umiidlip. Marahan akong humakbang at isinuot ang mga damit ko. Pinagmasdan ko ang aking relo.
"Tatlumpung minuto na ang lumipas," bulong ko.
Nilapitan ko si Noah. Maayos ang pagkakasandal niya sa sulok. Pinagmasdan kong mabuti ang ang mukha niyang tila pagod. Ang noo niyang nakakunot. Ang mga kilay niyang magkasalubong habang malalim ang kanyang mga hininga.
Nakita ko ang maliit na journal na nabitawan ni Noah sa sahig. Naalala ko ang mga kuwento niya. Ang pag-aabang niya sa ilalim ng puno. Mula 1996 hanggang sa kasalukuyan. Napakagat ako ng aking labi. May kaunting kirot sa aking dibdib. Nakaramdam ako ng awa para sa binatang buong buhay akong tinutulungan.
"Ito marahil ang listahan na tinutukoy niya," ani ko.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang kanyang journal. Marahan ko itong pinulot. Natunghayan ko ang mga sulat kamay ng isang bata sa mga unang pahina na unti-unting umayos at gumaganda sa mga sumunod pa. Nakalagay dito ang mga listahan ng petsa kung kailan sila magtatagpo. May mga sticky notes din na nakadikit na halatang siningit sa mga ibang pahina.
Yumuko ako upang pagmasdan ang natutulog kong nobyo. Ang bago kong kasintahan. Mapupungay ang mga mata na parang kahit sa panaginip ay iniisip kung ayos lang ba ako sa timeline na aking napuntahan.
"You've been doing this for a long time?" tanong ko.
Marahan ko siyang hinalikan sa pisngi. Parang bagong bukang bulaklak kung imulat niya ang kanyang mga mata. Nakatitig lang siya sa akin bago ko siya nginitian.
"Uy! Hala! Ano? Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" pag-aalala ni Noah.
Natataranta ito bigla. Sinimulan niyang kapkapan ang katawan ko. Tinignan niya kung may sugat ba ako mula paa hanggang ulo. Agad siyang napatayo upang mas lalong makita kung may natamo ba akong galos.
"I came from the music room," saad ko. Parang may tumatambol sa dibdib ko habang inaalala ang mga nangyari sa music room. "When we had the... you know, the talk."
Mabilis na nagkulay kamatis ang mga pisngi niya. Nagsimula namang mag-init ang mukha ko. Nakatitig ako sa kanya. Pinipigilan kong kiligin sa banyo. Abot-tainga ang aking ngiti habang ipinakita ko sa kanya ang journal niya.
Marahan niya itong kinuha. Bago pa niya maitago ay bigla ko siyang niyakap.
"Hey. Are you okay?" malumanay na tanong ni Noah.
"Thank you," bulong ko. Lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Idinikit ko ang ilong ko sa leeg ni Noah at nilanghap ito. Amoy vanilla. "Thank you for everything."
Matapos ko siyang yakapin ay nagtagpo ang aming mga titig. Ang bughaw kong mga mata at ang mga mata niyang kulay champorado ay maiging nagkatitigan. Dahan-dahang naglalapit ang aming mga labi. Umiikli ang pagitan ng bawat isa habang dumadaan ang bawat segundo.
Pareho kaming napahinto.
"Noah!" sigaw ni Nico sa labas ng banyo. Kinakalampag na nito ang pinto. "Noah! Isn't he back yet? Kanina pa pabalik-balik ang mga tao dito sa labas. Hindi ko na kayang bantayan tong 'clogged toilet' sign."
Natawa kami ni Noah sa loob. Sasagot na sana siya nang bigla kong takpan ang kanyang bibig. Nakatitig ako sa kanya at mabilis kong pinagdikit ang mga baywang namin. Muli kong pinaglapit ang aming mga mukha upang matikman ulit ang matamis niyang halik.
"Noah!" bulalas ulit ni Nico.
"Nandito na ako, Nico!" naiinis kong tugon.
Mabilis na napayuko si Noah at natatawa sa itsura namin.
"Hello, boyfriend," bulong ko kay Noah. Nakatitig lamang ako sa kanya pero wala siyang maisagot. Pigil ang kanyang mga tawa habang tinatakpan ang kanyang bibig. "Ano na Noah Arroyo? Bakit ang tahimik mo?"
"Sorry, hindi lang ako sanay. Kadalasan kasi, binibisita mo lang ako from the future," paliwanag ni Noah. Ramdam ko ang panginginig niya habang yakap ko. "Nalulunod kasi ako sa sobrang saya."
"We'll now-"
"Hay nako!" sigaw ni Nico. Naputol ang sasabihin ko dahil muling kumatok si Nico. Halatang napipikon na ito. "Guys! Kaya ninyo bang lumabas this year? Hinahanap na tayo ni Mama Norma!"
Naalala ko ang mga kuwento ni Noah sa music room. Lalo na ang tungkol kay Nico. Kung ano ang alam nito tungkol sa akin at kung paano ko sila inaalagaan sa ilalim ng puno.
"Heto na! Lalabas na kami ng boyfriend ko!" kinikilig kong sagot.
Kinindatan ko si Noah bago ko hawakan ang kanyang kamay. Tuluyan nang nagkulay mansanas ang kanyang mukha. Halatang nahihiya siya habang pinagpapatong ko ang mga palad namin.
Pagbukas namin ng pinto ay nakanganga sa amin si Nico. Sinalubong kami ng yakap nito. Nagtatalon siya sa tuwa habang sinasakal kami ni Noah sa pagitan ng kanyang mga braso.
"Finally! Congrats you two!" bulalas ni Nico.
Nagtatawanan kaming tatlo sa labas ng banyo. Natutuwa ako kay Nico. Kita ko sa mga munting butil sa kanyang mga mata na matagal na rin niyang hinintay ang pagkakataong ito. Nauna siyang maglakad sa amin ni Noah habang nagkakandirit sa balitang kanyang nalaman.
Pagkabalik namin ay nagkakabigayan na ng wedding souvenirs. Isa-isang lumalapit ang mga babae sa aming tatlo upang magpakuha ng litrato. Sa akin sila unang lumapit. Tinaas ko ang kamay ko patakip sa aking mukha habang panay ang kuha nila sa akin ng litrato.
"Sa akin, ayaw ninyo ba magpapicture?" nakangiting tanong ni Noah.
"Yeah, we're free as a bird," dagdag pa ni Nico.
Agad na sa kanila nagsilapitan ang mga dalaga. Nagtungo ako sa upuan namin at pinagmasdan sila mula roon. Nakita ko kung paano nila hatakin si Noah patungo sa photobooth ng wedding reception.
"Noah, you are so gwapo," sabi ng isang babae.
"Oo nga, can I have your number?" wika ng isa pa.
"Ah eh..." nauutal pa si Noah habang inaabot ng mga tagahanga niya ang cell phone nila. Nagulat ang mga ito nang biglang ako dumating at inakbayan si Noah.
"He can't give his number to you," pagyayabang ko. Nakataas ang aking kilay habang iniirapat ko silang lahat.
"Bakit naman? Grabe naman ito," tanong ng isang babae.
"Because he's taken," dagdag ko. Kinindatan ko si Noah sabay muling tingin sa mga dumudumog sa kanya.
"Nasaan?"
"Ako!" sigaw ko. "I'm his boyfriend."
Mabilis na nagtilian ang mga babae sa harap nila.
"Oh em gee!"
"Wah!"
"Shuta cyst!"
Napatingin ang mga tao sa reception sa mga nagtitiliang babae. Agad na natahimik ang mga ito at nagsimulang umalis. Si Nico naman ang pinagkaguluhan nila. Pumapalakpak ang mga tainga ko nang muli kong masolo si Noah.
"Here put this on," nakangiting utos ni Noah. Nakaakbay pa rin ako kay Noah nang may maramdaman akong isang bagay na ipinatong niya sa aking ulo. Pinasoot niya ako ng wig na pink at malaking salamin. Hinatak niya ako patungo sa harap ng camera. "And this too."
"Ayaw kong magpa-picture. Alam mo namang..." saad ko. Nag-aalangan akong magpakuha ng litrato.
"Sige na. Hindi ka naman makikilala sa itsura mo. Ang cute mo riyan," halakhak ni Noah. "Tsaka, it's our first official day. Para naman may souvenir tayo."
Naalala ko ang kanyang mga naging sakripisyo. Kung paano ko siya sinungitan nang dumating siya sa buhay ko. At kung gaano niya ako pinagtsagaan buong buhay niya.
Marahan kong ibinaba ang aking kamay. Hinayaan ko siyang ako ay bihisan. Sa unang pagkakataon ay natutuwa akong kuhaan ng larawan. Dahil siya ang kasama ko. Ang taong mahal ko.
"Well, technically, it's our second day. Naging tayo yesterday, September 1, 2005," nakangiting kong sambit. "And I've been waiting for you to call me Baby."
Hindi ko na mapigilang ngumiti. Tila wala na ang dating Adam na laging nakabusangot. Inangat ni Noah ang kamay niya upang pisilin sana ang mukha ko ngunit napatigil ito.
"Babe-" pagpipigil ni Noah.
"Oh, bakit hindi mo ituloy?" tanong ko.
"Sorry, hindi lang ako sanay sa current version mo," nahihiyang tugon ni Noah. Malapit pa rin sa pisngi ko ang mga daliri niya. Nakatitig siya sa akin at nag-aalangan kung paano ako lalambingin.
"Tsk, amin na nga!" sabi ko. Mabilis kong hinawakan ang mga daliri ni Noah at ginamit ito upang pisilin ang sarili kong pisngi. "Sige lang, pisilin mo lang."
Natatawa si Noah sa ginawa ko. Tuluyan nang pinisil ni Noah ang mga pisngi ko. Ang magagaan niyang kurot ay lalong dumidiin senyales na nagiging kampante na siya sa relasyon naming dalawa.
"Can you call me baby?" udyok ko.
"Abnuy!" halakhak niya.
"Sige na! Please, my boyfie."
"Ang dami mong sinasabi, Adam," hirit ni Noah. Pighil ang kanyang mga tawa. "Regarding sa date na naging tayo, why not gawin nating two days? Sept 1-2 since you're very special."
Napangiti ako sa kanyang sinabi. Hindi ko maalis sa kanya ang mga tingin ko. Masaya kaming nagpakuha ng mga litrato. May mga anggulo na nakatayo lang kami, magkaakbay, magkahawak ng pisngi at ang wacky pose kung saan tinititigan namin ang isa't isa.
***
"This is the longest weekend of my life," bulalas ko.
Natatawa na lang sa akin si Noah habang nauuna siyang pumasok sa unit.
Gabing-gabi na nang makabalik kaming dalawa sa condo. Matapos magbihis ay inaayos na ni Noah ang hihigan niyang foam sa sahig.
"What are you doing?" usisa ko. Nakatitig ako sa kanya mula sa kama habang inaayos ang aming hihigaan.
"Inaayos ko na ang higaan ko," mahinang tugon ni Noah.
Hinila ko siya agad hanggang bumagsak kaming pareho sa kama. Napaharap si Noah sa akin at magkapatong na ang posisyon namin.
"Dito ka na lang sa bed matulog. No need for the extra foam," yaya ko. Kinalabit ko ang ilong niya. Abot-tainga ang ngiti ko sa aming posisyon.
"Are you really okay with that?" saad ni Noah. Mukhang naiilang pa rin ito sa inaasal ko.
"Oo naman."
Pumwesto kami sa kama. Magkaharap kami habang nakahiga. Lumipas ang ilang oras at dinadalaw na ako ng antok. Nakatitig lang siya sa akin habang ako naman ay papikit na.
Siya naman ang kumalabit sa ilong ko.
"Yes?" tanong ko. Nakangiti lang siya sa akin.
"I just can't believe you're real," saad ni Noah.
"What do you mean?"
"I'm with the present version. I am with the Adam, who has no time limit," paliwanag ni Noah.
Bigla niya akong niyakap. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa aking katawan. Ikinulong ko rin siya sa dibdib ko. Hinalikan ko ang tuktok ng kanyang ulo.
"I should really try your shampoo. It smells so nice," puri ko. May bigla akong naalala. "Noah, how come you have the same necklace that I have?"
Lalo niyang nginudngod ang mukha niya sa dibdib ko. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking balat.
"You gave that to me on the first day we met," paliwanag ni Noah. Huminga siya nang malalim na para bang nilalanghap ang aking katawan.
"When was... or perhaps, when will that be?" tanong ko.
"Hindi ko na maalala, sobrang tagal na kasi noon. Wala akong dalang journal sa unang araw kitang nakilala kaya hindi ko naisulat," paliwanag ni Noah.
Para akong nasa alapaap. Ang dami ko pang tanong sa kanya. Ang dami ko pang kuwentong nais marinig tungkol sa mga gagawin kong pagbisita sa ilalim ng puno ng Narra.
Pareho kaming gising. Nilalanghap ang amoy ng bawat isa nang may bigla siyang naalala.
"Adam, what should we call each other from now on?" nahihiyang tanong ni Noah.
"I dunno. We're each other's first relationship. Do we need a form of endearment?"
"Yeah, I want that." Napatingala sa akin si Noah. Nakangiti ito. Ang mga mata niya ay nagniningning na parang isang batang paslit.
"Let's think about that in school tomorrow. For now, we need a really good sleep," sabi ko.
Ang hindi niya alam ay may naisip na ako noong unang araw pa lang na magtabi kami sa klase. Our endearment that strongly represents us- and how we belong to each other. Ang pula niyang buhok. Ang akin naman na kulay kahoy. Higit sa lahat ay ang mga pangalan naming tila bagay na bagay sa isa't isa.
***
Dumating ako sa classroom. Galing akong canteen. Naka-lunch break ang buong section namin at tanging kami lang ng aking nobyo ang nasa loob ng silid-aralan. Nakatayo kami pareho sa bintana. Nakadungaw kami sa gitna ng school habang pinagmamasdan ang iba pang estudyante.
"Remember what we talked about last night, our form of endearment?" ani ko kay Noah.
"Oo," tugon ni Noah. Nakatingin siya sa akin at nagsimulang matawa. "Baby? Love? Darling?"
"Nah," giit ko. "I have something better."
Inabot ko sa kanya ang dalawang bote ng juice drink na binili ko sa canteen. Sinulatan ko ang mga bote upang mabasa niya ang mga naisip kong magiging tawagan namin bilang magnobyo.
"Noah's," basa niya sa bote ko. Napatingin siya is pang bote. "Adam's... Tayka. Hindi ko gets."
"Hay nako," halakhak ko. Pinaikot ko ang mga boteng hawak niya. Agad na nagliwanag ang kanyang mukha nang mabasa niya ang kabuuan ng mga ito.
"Gagi! Kaya pala ang hilig mo akong tawagin sa ganito noong bata pa ako," bulalas ni Noah. Inabot niya sa akin ang isa pang bote.
Pinagmasdan ko ang aking sulat-kamay. Para akong lumilipad sa alapaap habang binabasa ang mga katagang isinulat ko sa mga lalagyan...
"Noah's Ark," bulong ko kay Noah.
Lumagok muna siya bago ako nginitan.
"Adam's Apple," malambing niyang tugon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top