Chapter 16: Today, Tomorrow, Yesterday
Author's Note: This is my favorite chapter. I hope you'll love it too.
ADAM:
Adam:
Year: September 1, 2005, Metro Manila (Today)
Nagising ako na kaharap sa mala-anghel na mukha ni Noah. Tumatama sa kulay tanso nitong buhok ang mahinang sinag ng araw galing sa bintana. Para akong nakahiga sa ulap habang pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha.
Habang lumilipas ang mga araw, ang galit ko sa kanya dati ay unti-unting nang napalitan ng pagkagusto. Ang mukha ko na laging nakabusangot ay natuto nang ngumiti tuwing kasama ko si Noah. Malamig man ang pakikitungo ko sa kanya ay abot-tainga ang mga ngiti ko sa tuwing nakatalikod siya sa akin.
Kung alam lamang nito ang buo kong pagkatao. Simula nang makilala ko siya, ilang beses na niyang niligtas ang buhay ko.
Itago ko man kay Alex pero alam kong nahahalata na niya ang feelings ko for Noah. Hindi ako mapakali sa mga nangyari noong isang linggo mula nang dumating si Nico. Alalang-alala ako kay Noah sa bodega ng pantalon. Hindi maalis sa isipan ko ang mga sinabi niya habang may nakatutok sa aming baril. Grabe rin ang selos ko nang makita kong umakbay kay Noah si Bien sa 3'rd floor ng school kahapon. Mas lalo akong nagselos nang sumandig ang ulo ni Noah sa balikat ni Bien kagabi. Only God knows what I could have done kung hindi aso ang hawak ni Noah sa kwarto ni Bien.
Muli kong naalala ang halikan namin kagabi. That was my first kiss. Hindi ito pilit. Hindi ito libog lang. Ilang araw ko na siyang iniiwasan simula nang makita ko si Owlie sa mga gamit niya. Hindi ko maintindihan kung bakit nasa kanya iyon. I still have the same necklace in my bag. How could those two things exist at the same time? Higit sa lahat, bakit nandoon si Noah sa tuwing bago ako tumalon sa nakaraan? Sino ka ba, Noah?
"Good morning!" bati ko. Wagas ang aking ngiti. Parang umiindayog ang puso ko dahil sa halikan namin kagabi.
"God, my cranium still hurts," reklamo niya. Hawak niya ang kanyang sentido habang naglalakad palabas ng kuwarto. Dumiretso siya sa lamesa at agad na ipinatong ang kanyang ulo.
Marahil ay nagising siya sa mga pasimple kong awit. Kagabi pa kasi maganda ang timpla ko. Abala ako sa pagluluto sa kusina. Nakasuot ako ng apron habang sumasayaw pa habang nagpriprito ng itlog. Nang matapos ako ay agad ko siyang pinuntahan.
"Here, take this," sabi ko. Nakangiti pa ako habang inaabot sa kanya ang tubig at gamot para sa hangover.
Marahang umangat ang kanyang ulo. Nakapikit pa rin siya habang nakaharap sa akin. Puno pa ng muta ang kanyang mata at may natuyong laway sa kanyang pisngi. Marahan niyang minulat ang kanyang mata.
Nginitian ko siya lalo.
"Wow, someone's in a good mood," puna ni Noah. Agad siyang yumuko at tinitigan ang pagkaing nilapag ko sa kanyang harapan. Agad na nagliwanag ang mukha niya. "Is this for me?"
"Ayaw mo ba?" halakhak ko.
"Gusto, syempre!" bulalas ni Noah. Nilatakan agad niya ang niluto ko. "Teka, bakit ang bait mo?"
"Well, something good happened last night."
Napakagat ako ng labi. Tinakpan ko ang bibig ko na kanina pa nakakurba pataas. Sumasayaw ang aking mga paa habang nasa ilalim ng lamesa. Kinikilig ako habang inaalala ang masarap naming halikan bago matulog. Ang matamis niyang labi. The way he caressed my hair as he pulled me towards him.
Nakatitig ako kay Noah. Masarap ang kanyang kain habang hinihintay ko ang kanyang reaksyon. Abala pa siya sa pagnguya habang nagkalat ang egg yolk sa kanyang labi.
"What happened last night?" bigla niyang tanong.
Mabilis na umasim ang mukha ko.
"You don't remember?" naiinis kong tugon. Nagsimulang magsalubong ang mga kilay ko.
"Nope," kampanteng sagot ni gago habang puno pa ng pagkain ang bibig nito. Tumayo si Noah at nagtimpla ng kape. "Itong ulo ko parang nabibiyak sa sobrang dami kong nainom. Wala akong naalala maliban kay Roxas. Ano nangyari kagabi sa party?"
Napabuga ako ng malalim na hininga. Kinuha ko ang kinakain niya at agad na tumayo paalis sa lamesa.
"Uy! Uy! Saan mo dadalhin iyan? Binigay mo na iyan, eh," suyo ni Noah nang makitang hawak ko na ang pagkain niya na buong umaga kong niluto.
Napatitig ako sa kanya. Nakatingin siya sa hawak ko habang nakanguso. Para siyang batang inagawan ng pagkain habang mangiyak-ngiyak sa hawak kong plato.
"Buwiset!" bulalas ko. Nilapag kong muli ang plato sa lamesa. Tuluyan nang nasira ang araw ko. "Sa susunod nga, huwag kang magpapakalasing para maalala mo ang mga pinag gagagawa mo!"
Hinagis ko ang suot kong apron sa counter at nagtungo sa kuwarto. Makikita sa tapat ng pinto ng kuwarto ang lamesa. Nakatitig ako kay Noah habang nakabusangot akong nakaupo sa kama.
"What's his problem?" rinig kong tugon ni Noah.
Mulis siyang umupo at nilantakan ang luto ko. Samantalang ako, nanlilisik na ang tingin sa kanya habang nagtatampo sa loob ng kuwarto. Nakahalukipkip ang aking kamay at magkasalubong ang aking mga kilay.
Masarap pa ang pagnguya ni Noah nang biglang nag-alarm ang cell phone nito. Pagtingin niya ay may naka set na calendar alarm. Nang basahin ito ni Noah ay halos maibuga nito ang lahat ng laman ng kanyang bibig.
"Darating ngayon si Kuya!" hindi napigilang sigaw ni Noah.
Napatakbo si Noah sa kuwarto. Nagpa-panick si Noah habang kumukuha ng mga damit mula sa cabinet. Agad na nawala ang topak ko nang makita ko siyang aligaga.
"Anong nangyayari?" tanong ko agad. Mabilis akong napatayo. Tinititigan ko suyang magmadali habang naghahanap ng mga damit.
"May emergency lang," saad ni Noah. Hindi ito mapakali. Kumuha ito ng bag at panay salpak ng damit sa loob.
"Ha? Ano? Si Tito Dan ba iyan?" nag-aalalang tanong ko. Agad niyang inihagis ang kanyang cell phone sa kama upang mas makakuha siya ng mga damit. "Samahan kita!"
"Huwag ka munang magulo. I need to go somewhere urgent," saway ni Noah.
Kung anu-anong damit na ang kanyang kinukuha. Hindi na mapakali si Noah sa ginagawa niya. Nagsisihulugan na ang mga damit sa kabinet na hinahalungkat niya.
Mabilis ko siyang nilapitan.
"Kumalma ka muna! Ano ba ang nangyayari?" giit ko. Kinakabahan na ako habang si Noah na hindi magkandamayaw sa mga kinukuha nito.
"Umalis ka nga. Huwag kang magulo!" saway ni Noah.
"Not until you tell me what's going on. I can help you!" giit ko.
Nagsisitayuan na ang balahibo ko sa kung anumang emergency na tinutukoy niya para umasal siya nang ganito. Iniharang ko ang kamay ko sa kabinet.
Napatigil siyang bigla. Ibinaba niya ang mga kamay niya. Nakatitig siya sa akin. Sa una ay nanlilisik ang kanyang mga mata. Bigla siyang napalunok ng laway. Tila inaaral niya ang mukha kong nag-aalala para sa kanya. Ang mga matatapang niyang mga mata ay biglang nanlabot. Tila nagtutubig ang mga ito habang naghahanap ng kanyang isasagot.
Huminga nang malalim si Noah. Nanginginig pa ang kanyang mga labi.
"Darating ngayon ang boyfriend ko!" sigaw niya sa mukha ko.
"Boy- friend?" nabubulol kong tanong.
Parang akong binuhusan ng malamig na tubig. Para akong hinampas ng tabla sa likod. Nanghina ang mga tuhod ko dahil sa aking narinig. Ang magandang simula ng araw ko ay tila gumuho dahil sa mga sinabi ni Noah. Inalis ko ang kamay ko na nakaharang sa kabinet.
"I need to meet him ASAP. Baka mapano ik- siya!" uutal-utal na bulyaw ni Noah.
Nilagay nito ang mga damit sa bag niya. Huli niyang kinuha ang malaking tuwalyang green at siniksik sa isang bulsa. Agad na tumakbo si Noah palabas ng condo.
Naiwang akong tulala sa kuwarto. Ilang segundo akong lutang. Nakatitig ako sa kawalan. Sa paanan ko ay mga nagkalat na damit. Sumisikip ang dibdib ko. Para akong nalulunod sa sakit. May namumuong sipon sa aking ilong. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang pinipigilan ang aking mga luha.
"Wah!" sigaw ko.
Napadapa ako sa kama. Doon ako nagwala. Sinuntok ko ang isang unan at pinagsisipa ang kutson. Paulit-ulit nagwawala sa pagtatangkang alisin ang inis sa dibdib ko.
"Tangina! Buwiset! Tangina talaga!" bulyaw ko. Panay ang alog ng kama dahil sa mga paghampas ko.
Biglang may nahulog na isang bagay na mula sa higaan papunta sa sahig. Marahan akong napaluhod. Gumapang ako patungo sa gilid ng kama. Sinilip ko ang bagay na nahulog at nanlaki ang mga mata ko.
Naiwan ni Noah ang cell phone nito. Naka lock ang screen ngunit nabasa ko ang nakalagay sa alarm para sa araw na iyon.
"TODAY! September 1, 2005: MUSIC ROOM 9 AM!"
Napabalikwas ako patayo. Kinuha ko ang cell phone niya.
Agad akong nagbihis at nagtungo sa sala. Nagsoot ako ng sapatos. Hindi na 'ko nanalamin. Lumabas ako ng unit niya at kumaripas ng takbo.
Wala pang isang minuto ay nasa ibaba na ako ng condo. Eksaktong may bakanteng taxi sa ibaba na agad kong sinakyan.
Mabilis akong sumakay. Agad kong pinapunta ang sasakyan namin Saturnino High School.
Inabot ko agad ang bayad at madapadapa pa akong pumasok sa paaralan. Pagdating ko sa entrada ay nakita kong tumatakbo na papuntang fourth floor si Noah. Hinahangin ang kanyang buhok na tila may hinahabol na kung ano.
Muling uminit ang ulo ko.
"Talagang dito pa talaga kayo maglalandian, ha? At Sabado pa talaga?" bulong ko.
Agad akong umakyat. Sa taas ng adrenalyn ko ay hindi ko na namalayan ang ikaapat na palapag na aking tinakbo. Nakita ko kung paano mabilis na pumasok ng music room si Noah. Marahan akong naglakad patungo sa pinto.
Hinihingal akong lumuhod. Sumilip ako mula sa maliit na butas sa bintana. Gaya ng dati ay nakita ko ang mga nagliliparang alikabok. Mataas ang sinag ng araw sa kabilang bintana. Sinuyod ko ang kuwarto hanggang sa makita ko ang taong hinahanap ko.
Naaninag ko si Noah sa dulo na may kausap ngunit hindi ko makita kung sino. Nakatago sa likod ng isang whiteboard ang kausap ni Noah. Tanging si Noah lang ang nakikita ko mula sa butas. Si Noah ay nakatayo sa gilid ng whiteboard. Iginala ko ang aking tingin. Inayos ko ang aking puwesto. Napansin ko mula sa siwang sa ilalim ng whiteboard na sinusuot ng kausap ni Noah ang mga sapatos na dala nito. Tanging paa lang ng kausap ni Noah ang nakikita ko mula sa labas.
Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila. Pinapanood ko lamang si Noah magsalita. Ang mga galaw ng kanyang labi na tila nagpapaliwanag sa boyfriend na tinutukoy niya.
"Ang tagal naman nilang mag-usap," bulong ko. Mukhang masinsinan ang usapan nila. Nakita kong pinupunasan na ni Noah ang mga mata niya dahil tuluyan nang lumuha ito. "Wait, umiiyak ba si Noah? Gago iyon, ha!"
Gusto kong tumayo. Gusto kong sumugod sa loob at bugbugin ang kausap niya. Pero may kung anong pumipigil sa akin na huwag kumilos. Tila nais akong manatili sa aking puwesto at ipagpatuloy ang pagsilip ko.
"Anak ng-" bulalas ko. Biglang lumitaw ang ulo ng kausap ni Noah sa gilid ng whiteoard. Pero nakatakip ng tuwalyang green ang ulo nito. "Hindi ko makita ang mukha ng puta!"
Hinawakan ng lalaki ang mukha ni Noah. Tumigil ang tibok ng puso ko sa sumunod na nangyari.
Hindi ako makahinga.
Hinila ng lalaki si Noah at sinimulan itong halikan!
Halos gumuho ang mundo ko. Kahalikan ni Noah ang kasintahan nitong nakapandong ng tuwalya na green. Hindi ko man lang makita ang mukha nito. Gusto ko pa namang tandaan at basagin sa susunod na magkita kami.
Nakatitig lang ako sa loob ng kuwarto nang makita kong dahan-dahang itinaas ng lalaki ang middle finger niya paharap sa butas na sinisilipan ko. Tila alam nitong pinapanood ko sila.
"Hindi ko na kaya," bulong ko.
Napaupo ako sa labas ng kuwarto. Napayuko ako sa mga kamay ko. Nakaramdam ako ng tubig na tumutulo sa sa aking palad. Napahawak ako sa aking pisngi. Basang-basa na ako ng luha.
Hinawakan ko ang aking dibdib. Ilang segundo akong hindi makahinga. Pinipilit kong sapakin ang tiles ng sahig habang nagngingitngit sa inis ang mga ngipin ko.
Gusto kong mag-amok pero hindi ko alam kung bakit. Panay ang aking hikbi habang may kahalikan siyang ibang tao sa loob.
Matapos ang ilang minuto ay naalala ko ang pag-dirty finger ng lalaki sa akin sa kuwarto. Ang sakit na nararamdaman ko ay nahaluan ng galit. Pinunasan ko ang aking sipon. Agad akong tumayo. Inayos ko ang aking sarili.
"Tanginang mo, gago! I'm sure, mas guwapo pa ako sa 'yo," bulong ko sa tapat ng pinto. Itinaas ko rin ang aking hinlalato sa kanilang dalawa bago ako umalis sa tapat ng music room.
Bumalik ako sa condo. Dala-dala ko pa rin ang cell phone ng malanding si Noah Arroyo.
***
12 PM
Nakangiting bumalik si Noah sa kuwarto ng condo unit niya. Abot-tainga ang ngiti ni hitad habang kumakanta pang pumasok sa kuwarto. Sumisipol pa ito na parang ibon. Hindi niya ako pinapansin habang sumasayaw pa siyang magtungo sa aparador. Kinuha niya ang mga dala niyang damit at inilagay sa laundry basket.
Nakatitig ako sa kanya. Nakahiga ako sa kama. Inuunanan ko ang aking mga braso habang nakabusangot sa kanyang likod. Kung makatutusok siguro ang mga tingin ko ay may ilan na siyang stabbed wounds sa likod.
"So how was your emergency?" usisa ko.
"Ah, eh, wala. False alarm," sagot niya. Mabilis siyang tumigil sa pag-awit habang tila kinakabahan sa tanong ko.
"Sinungaling," mahina kong bigkas. Magkasalubong ang aking mga kilay habang inaalala ang nakita ko mula sa labas ng music room. Naalala ko ang naiwan ni Noah. "Itong cell phone mo, naiwan mo."
"Asan na?" Bigla siyang napatalikod. Parang isang kriminal na may inililihim agad niya akong nilingon.
"Saan ka muna galing?" giit ko.
"May pinuntahan lang ako sa school. Amin na!" pilit ni Noah.
Itinaas ni ko ang cell phone niya habang nakasandal pa rin ako sa kama. Tumalon si Noah sa tabi ko. Sinubukang agawin ni Noah ang hawak ko ngunit inilalayo ko agad ang kamay ko. Nag-aagawan kami sa kama nang biglang magdikit ang mga mukha namin.
"Lub dub, lub, lub, lub"
Pareho kaming napalunok habang nakatitig sa mata ng isa't isa. Nakatingin ako sa kanyang mga mata. Sa matangos niyang ilong. Hanggang sa makita kong muli ang malalambot niyang labi. Napalunok ako ng laway.
Biglang nag-ring ang cell phone ni Noah. Nang mapansin niyang natigilan ako ay agad niyang inagaw ang cell phone. Mabilis siyang tumayo sa gilid ng kama at sinagot ang tawag.
"Hello?" bati ni Noah sa kausap nito. "Yes tita. Po? Pupunta po kayo rito? Okay po."
Binaba ni Noah ang tawag. Inayos niya ang kanyang itsura dahil nagusot agad ito mula sa pakikipag-agawan sa akin sa kama.
"Sino iyon? Boyfriend mo?" iritable kong tanong.
"Si Tita Norma iyon," halakhak niya. Tila nang-aasar pa siya at natatawa sa tanong ko. "Ang music teacher natin. Umayos ka dahil paakyat na sila rito."
Napabalikwas ako. Inayos ko rin ang aking sarili dahil kahit papaano ay teacher ko rin si Mrs. Arroyo. Ilang minuto pa ay nakaupo na kami sa kama ni Noah. Pareho kaming nag-abang sa sala hanggang mag-door bell ang mga bisita.
Pagbukas ni Noah ng pinto ay nakita nito ang Tita niya. Nakatayo sa likod nito si Nico. May dala-dala itong mga damit. Makukulay, plantsado at halatang mamahalin.
"Yow!" bati ni Nico. Wagas ang ngiti nito nang mapansin niyang gulo-gulo ang buhok namin ng kasama ko. Maging ako ay napakamot sa aking ulo. Halatang katatapos laming magharutan sa kama kanina.
Mabilis namang niyakap ni Mrs. Arroyo ang pamangkin nito. "Noah! Noah! I need your help!"
"Ano po iyon?" nakangiting tugon ni Noah.
"Okay, so you know your second cousin, Nancy, right?" nababalisang tanong ni Mrs. Arroyo. Hindi ito mapakali.
"Yes po, hindi ba siya iyong ikakasal bukas?"
"Yes! Yes! Siya nga. Nagkaaberya kasi sa flight ng tatlong groomsmen ng French finance niya. Hindi sila makakarating bukas. I need you to stand for them," pakiusap ni Mrs. Arroyo. Nakasimangot ito na tila si Noah na lamang ang huling pag-asa nito.
"Hala, bakit po ako?" pagtataka ni Noah. Nagulat ito sa pakiusap ng tiyahin niya. Sa inaasal niya ay halatang hindi siya gaanong kalapit sa iba nilang kamag-anak at ayaw talaga niyang pumunta sa kasal.
Pinisil ni Mrs. Arroyo ang pisngi ni Noah. Pinilit nitong ngumiti.
"Well, una sa lahat, napakaguwapo mo. We need good looking men for the photo shoot. And ni-request ka rin ni Nancy."
"Nako, nakakahiya naman po. Hindi ko ka-close ang groom," pagpupumilit ni Noah. Nakayuko na ito at mukhang naiilang sa pakiusap ng tiyahin niya.
"Sige na, please. The groom also asked for it. Also, ikaw ang sinuggest ni Nico," paliwanag ni Mrs. Arroyo. Napalingon ito sa anak niyang si Nico.
"Nico!" sigaw ni Noah. Nanlaki ang mata ni Noah kay Nico.
"Sorry na. Don't worry, I'll be there too," saad ni Nico sa pinsan nito. Panay rin ang tawa ni loko. Magpinsan nga talaga sila.
Lumapit si Nico sa isang lamesa at nilapag ang dala nito na dalawang pares ng damit na pang-groomsmen.
"Buti nga sa iyo, Noah," bulong ko. Tuwang-tuwa ako sa itsura nang naiilang na si Noah. I decided to put the last nail on the coffin. Sumingit ako sa usapan nila. "Pumunta ka na! Sayang effort ni Nico sa pagdadala ng damit ninyo, oh."
"Actually, nasa condo ko na ang akin," sabi ni Nico. Tinatawanan nito ang sinabi ko.
"So, bakit dalawa ang dala mong damit?" pagtataka ko. Kinukutuban na ako ng masama. Naalala ko ang sinabi nila na kailangan nila ang mga guwapo para sa pictorial. Napalunok ulit ako ng laway.
Napatingin si Nico at Mrs. Arroyo sa akin at parehong nakangiti ang mga ito.
***
Year: September 2, 2005, Metro Manila (Tomorrow )
Si Nico, Noah at ako ang pumalit sa tatlong groomsmen na hindi nakarating sa kasal.
"Ang guguwapo!"
"Ang laki na nina Noah at Nico!"
"Grabe, pinaka guwapo ang kasama nila. Foreigner ba ang binatang iyan? Parang artista sa T.V.!"
Pinagbubulungan kamingg tatlo habang kinukunan ng litrato sa altar ang mga groomsmen matapos ang kasal. Nakasuot kami ng coat and tie na kulay cerulean. Ayos na ayos ang porma namin. Nagtitilian ang mga dalagang babae na bisita sa kasal. Pero lahat sila ay hindi sa groom nakatingin. Lahat nakatitig sa mukha ko.
Buwiset talaga!
"Huwag mo masyadong guwapuhan, nasasapawan ang groom!" asar ni Nico. Natatawa ito sa itsura kong nakasimangot.
"Kaya nga!" patawang dagdag ni Noah. Gusto ko siyang bigwasan dahil kahapon pa ako naiinis sa kanya.
"Putek talaga. Huwag nga kayong magulo. Kundi ko lang teacher si Mrs. Arroyo, hindi naman ako papayag, eh," nakabusangot na sagot ko.
Naiirita ako sa mga babaeng nagtitilian sa harap. Hindi na ako halos ngumingiti sa camera ngunit mas lalo nila akong tinitiliaan tuwing pinagsasalubong ko ang aking mga kilay. Sinubukan pagdulingin ang aking mga mata upang mas mukhang may diperensya ngunit lalong kinilig ang mga babaeng nanonood.
"Badtrip!" bulong ko.
Matapos ang pictorial sa simbahan ay nagtungo na kami sa reception. Hindi kalayuan ang venue nito mula sa simbahan. Nasa iisang lamesa kaming tatlo kasama si Mrs. Arroyo at ang iba pang kamag-anak ni Noah.
Panay sila kuwentuhan. Wala akong pinapansin. Nakayuko lamang ako at nilalantakan ang mga pagkain habang hinihintay matapos ang araw na ito. Tahimik akong kumakain nang biglang magsalita ang emcee sa gitna.
"Okay, so for our next program, may we call the following bachelors to the front!" sabi ng emcee.
Isa-isa nang nagtatawag ng pangalan ang emcee. Nagtatayuan na ang ibang groomsmen at mga bisita nilang single. May mga magaganda at guwapo na halatang galing pa sa malayo.
"Lastly we have three handsome teens na I'm sure kanina niyo pa sa church tinitignan," dagdag ng emcee.
Kumakain ako ng mashed potato. Maririnig ang mga tilian ng dalaga sa venue na siyang nagpapaasim sa panlasa ko.
"Please come to the stage, Nico, Noah and of course yung mga nagtatanong ng pangalan niya... Adam!" sigaw ng Emcee.
Naiubo ko ang kinakain ko. Inabutan ako ni Noah ng maiinom.
"Hey! Are you okay?" tanong ni Noah.
"Oo," tugon ko. Nilingon ko ang mga tao na nakatitig sa akin. Hinarap ko si Noah. "Ayaw ko! Kayo na lang!"
Tumayo si Nico at pinipilit akong patayuin. "Sige na, nandito ka na rin eh, itodo mo na!"
"Adam! Adam! Adam!" nagche-cheer na ang mga tao ngunit nahihiya pa rin ako. Ayaw ko talaga sumali.
Napatingin sa akin si Mrs. Arroyo. "Please Adam, if you do this, exempted ka na sa finals."
Mag biglang bumbilyang nagliwanag sa ulo ko. Napaisip ako sa alok ng music teacher namin. Dahan-dahan akong tumayo kasama ni Noah at Nico at pumunta sa gitna.
Nagpalakpakan ang mga tao.
"So for this game, ang walang kamatayang Trip to Jerusalem with the banana twist," saad ng Emcee. Nagsimulang magtawanan ang mga taong pamilyar sa larong ito.
Pinaupo pabilog ang mga lalaking kasali. Kanya-kanya kaming may saging na nakaipit sa pagitan ng aming mga hita. Nagpatugtog ng music ang D.J. at ang mga single na babae naman ay sasayaw ng paikot sa mga lalaki na nakaupo.
Sa tuwing hihinto ang tugtog ay kailangang may mahawakan na saging ang mga babae. Ang walang hawak na saging ay aalisin sa laro. Isa-isa ring mababawasan ang mga lalaking nakaupo.
"What the hell is this game?" reklamo ko.
"Just do it!" halakhak ni Nico.
Nakatitig ako sa katabi kong si Noah. Nakangiti ito sa mga babaeng sumasayaw habang nakangiti sa kanya.
Malandi ka talaga!
Nagsimula na ang laro. Isa-isa nang nalagas ang mga babae at nababawasan na rin ang mga lalaking nakaupo. Sinadya ng Emcee na itira kaming tatlo nina Nico at Noah. Ang mga babae ay puro tilian habang kung saan-saan napapahawak ang kamay ng mga ito sa tuwing tumitigil ang tugtog.
"Badtrip talaga! Tangina," reklamo ko.
"You can go back to the table. Kahit ako na matira rito kapag dalawa na lang ang contestant na sumasayaw," bulong sa akin ni Noah.
Mabilis akong natuwa sa sinabi niya. Ngunit nakita ko kung paano magtitili ang mga mga babae sa paghawak sa hita ni Noah. Lalo akong nainis sa pagdikit ng palad ng mga babae sa saging sa pagitan ng mga singit ni Noah.
"No! You go back there! Ako na ang maiiwan dito," bulalas ko.
"Are you sure?" tanong ni Noah. Nakataas ang isang kilay nito.
"Yes!" mabilis kong sagot.
Ako na nga lang ang naiwan. Ang dalawang natirang babae ay dahan-dahang sumasayaw paikot sa akin. Nang tumigil ang tugtog ay halos masira ang monoblock na inuupuan ko dahil grabe mag-agawan ang dalawang babae sa saging sa pagitan ng mga hita ko.
At meron na ngang nanalo. Pinapunta ng Emcee ang nanalong dalaga sa gitna. Kinuha ng emcee ang stocking ng bride. Piniringan nila ako ng panyo at pinatayo sa gitna.
"So, tradisyon na ito sa mga kasal. Kailangan isuot ng groomsman ang stocking sa nanalong bridesmaid, gamit ang bibig niya habang naka blindfold," sabi ng emcee. Kasunod noon ay malakas na hiyawan ng mga tao.
Kinabahan ako sa narinig ko. Napalunok ako sa takot habang nakapiring.
"So Adam, you stand there and kailangan mong sumayaw pagapang sa winner natin," dagdag pa ng Emcee.
Wala na akong pagpipilian. Nakapiring lang ako habang iniintindi ang sinasabi ng Emcee.
Wala akong maintindihan dahil sa ingay ng mga tao. Sa gitna ng kasiyahan ay tila naririnig ko ang halakhak ni Noah.
"Teka, Nico. Anong gagawin mo-" Malabo pero rinig kong bulalas ni Noah.
"Huwag kang maingay, ganito talaga kapag kasal," dinig kong halakhak ni Nico. "Huwag kang magulo. Katuwaan lang!"
Pinilit kong lingunin ang boses nilang dalawa. Maglalakad na sana ako papunta sa kanila pero biglang lumakas ang tugtog. Hindi ko sigurado pero parang naririnig kong lumalapit sa akin ang boses nina Noah at Nico.
"Hit it!" sigaw ng Emcee.
Nagsimulang tumugtog ang nakakaakit na kanta. Sa una ay nahihiya pa ako. Ilang segundo akong nakayuko at nagdadabog sa kintatayuan ko.
Ngunit muli kong naalala ang nakita niya sa music room. Ang paghahalikan nina Noah at ng boyfriend nito. Naalala ko lalo ang pagtaas ng middle finger ng nobyo ni Noah paturo sa akin kahapon.
"Mga hitad!" naiinis kong bigkas sa gitna.
Lumakas ang loob ko dahil sa inis. Nagpasyahan ko na sumayaw upang maalis na rin ang init ng aking ulo. Nagsimula akong gumiling habang naka-blindfold. Nahihiyawan ang lahat ng tao sa venue. Para akong macho dancer sa ginagawa ko. Marahan akong gumagapang sa nakakaakit na paraan papunta sa nakaupong dalaga.
"Nic..." tila narinig kong sambit ni Noah.
"Shhhh!" mabilis na saway ni Nico.
Biglang nawala ang boses nila dahil sa lakas ng tugtog at hiyawan ng mga tao. Nang marating ko ang paa ng kapareha ko ay marahan kong hinawakan ito.
Napakakinis! Babaeng-babae!
Isinuot ko sa kanya ang stocking. Nang maisuot ko na ang stocking sa dulo ng paa niya ay ginamit ko ang bibig ko upang maitaas ang stocking sa hita nito.
Nagsisigawan na ang mga tao sa venue sa tuwa. Nang matapos ay nagtatawanan at nagpapalakpakan ang mga tao.
"Now Adam, please remove your blindfold," utos ng emcee.
Mabilis kong inalis ang aking piring. Nagulat ako sa taong sinuutan ko.
"Noah?" malambing kong bigkas.
"Lub dub. Lub dub. Lub dub."
Ang nakaraang dalawang araw ay parang roller coaster of emotions. Napakaraming nangyari. Nakatitig ako sa kanya. Pinaupo nila si Noah sa puwesto ng babae.
Nakangiti sa akin si Noah habang nakaluhod ako sa harap nito. Suot-suot nito ang stocking na nilagay ko sa hita niya. Napakakinis ng paa nito at napaka guwapo ng lalaking nasa harap ko.
Bumagal ang oras.
That moment, I knew I wanted to be with him.
Sa oras na iyon, sa katiting na segundong iyon, sa sandaling iyon sa buhay ko, alam ko-
Mahal ko na siya.
Tila kaming dalawa lamang sa lugar na iyon. Tuluyang huminto sa pag-andar ang oras. Parang nagbago ang paligid. Para kaming nasa dagat. Nakaupo si Noah sa isang malaking bato sa dalampasigan habang nakaluhod ako sa buhangin sa harap niya. May mahihinang alon na maririnig sa tabi namin kasabay ng huni ng mga ibon. Para akong nasa paradiso.
Ngunit bigla akong nanginig sa sobrang tuwa. Ang pagtanggap sa nararamdaman ko ay nagdulot ng kakaibang emosyon. May silakbo ng damdamin. May kirot sa ipoipo sa aking dibdib.
Bigla akong napayuko. Napatigin ako sa mga kamay ko na unti-unting naglalaho.
I am about to time travel!
"Adam! Focus!" sigaw ni Noah. Biglang hinawakan ni Noah ang mga pisngi ko.
Ngunit hindi ko siya gaanong marinig dahil sa ingay ng mga tao at tunog ng mga kanta. Mabilis pa sa alas dose ay napatayo agad ako. Kumaripas ako paalis sa gitna. Nakatingin sa akin ang mga tao pero hindi tumigil ang mga paa ko. Lumabas ako ng venue. Hinawi ko ang mga halaman at nagmarka ang aking mga yapak sa damuhan sa labas ng kasiyahan.
Napatakbo ako sa banyo na wala gaanong tao. Iyon na ata ang pinakamabilis na takbo na ginawa ko sa buong buhay ko. Hindi ko alam kung sinuswerte ba ako at walang tao sa banyo na napuntahan ko.
"Fuck!" sigaw ko. Tuluyan na akong naglalaho.
"Adam-" saad ng pamilyar na boses. Paglingon ko ay nakasunod sa akin si Noah.
Huli na ang lahat. Alam na niya ang lihim ko!
Akala ko ay magugulat siya sa nasaksihan niya ngunit walang bakas nang pagkagulat sa kanyang mukha. Sa halip, puno ng pag-aalala ang mga mata ni Noah.
Pumasok siya sa loob ng banyo upang saluhin ang mga naiwan kong damit at i-lock ang pinto.
꧁༒༺🦉༻༒꧂
Year: September 1, 2005, Metro Manila (Yesterday)
Mula sa banyo sa wedding reception ay lumitaw ako sa gitna ng music room ng Saturnino High School. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Gaya ng dati ay wala akong suot na kahit ano. Naramdaman kong kalahating oras akong stock sa timeline na ito. Tulad ng dati, mabilis akong kumilos upang tignan kung ligtas ba ang lugar na ito. Pansin kong walang tao sa labas. Dahan-dahan akong pumunta sa pinto upang tingnan kung may mananakaw ba akong damit.
May narinig akong tao na patakbo sa music room. Muli akong kinabahan. Nakita ko ang white board at agad na nagtago sa likod nito. May pumasok na estudyante sa loob. Ramdam ko ang mahina nitong hakbang sa lumang kahoy na sahig. Parang gustong kumawala ng aking dibdib sa bawat paghakbang ng kung sino mang estudyanteng makakadiskubre sa pagkatao ko.
"LUB DUB, LUB DUB, LUB DUB"
Mukhang heto na talaga. Panahon na para malaman ng mundo ang sikreto ko. Swerte na siguro kung mapagkamalan akong adik na mahilig lang talaga mag-exhibitionism sa kung saan-saan. Dahan-dahang lumalapit ang mga yapak na naririnig ko. Wala akong makitang pwedeng pagtaguan sa likod ng whiteboard. Nakapikit ako at nagdasal na lang gaya ng dati.
"Kuya Adam?"
Bigla akong nagulat sa narinig ko.
"Hay, buti na lang, walang ibang tao rito. Today is Saturday, September 1, 2005. Which timeline are you from?" sabi ng binatang pumasok. Pamilyar ang boses nito.
Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata upang tingnan ang binata na nagsasalita. Napanganga ako sa aking nakita.
Si Noah!
Dala-dala nito ang isang tuwalyang green at malaking bag na kinuha niya sa kwarto kahapon. Nakatitig lang siya sa akin at hinihintay akong sumagot.
"Kuya Adam! Which timeline are you from?" muling tanong ni Noah.
Hinihingal pa ito dahil sa ginawa niyang pagtakbo at dami ng kanyang dala. Ang buhok niyang kulay tanso ay gulo-gulo marahil sa taas ng palapag na kanyang inakyat.
Nakatungkod ang dalawa niyang kamay sa kanyang mga tuhod dala na rin ng sobrang pagod. Nakatitig sa akin ang mga kulay champorado niyang mga mata na punong-puno ng pag-aalala. Muli kong narinig ang tunog ng alon sa isang magandang dagat.
Hindi maalis sa kanya ang paningin ko. Tila ba kusang lumabas ang mga salita sa aking bibig upang sagutin ang kanyang katanungan.
Napalunok ako bago ako sumagot. Kasabay ng malakas na pagtambol ng puso ko ay ang pagsikip ng mga baga ko.
"I'm from tomorrow's date, September 2, 2005."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top