Chapter 13: Owlie
Chapter 13
"Owlie"
꧁༒༺🦉༻༒꧂
Adam:
Year: 1996, Finland
Taong 1996, naalala ko pa ang lahat. Sa lugar na napapalibutan ng puti na walang ibang dulot kundi kalungkutan kasama ng malamig na klima ng bansang pinanggalingan ko.
"Okay, lähden nyt (aalis na ako). If you need anything, just call the servants, ha? Nasaan ang binigay ko sa iyo kahapon?" tanong ni Uncle Claude sa batang ako. Natutuwa ito sa napaka-cute na pamangkin nito. Nakasuot si Uncle Claude ng coat and tie na kulay bughaw at naghahandang pumunta sa aming minahan.
Nakangiti ako sa kanya. Inilabas ko ang suot kong kuwintas na natatakpan ng aking damit. Isa itong maliit na gintong clock necklace na may disenyo ng kuwago.
"Here he is! Owlie!" nakangiti kong sambit.
"You named him?" natatawang tanong ni Uncle Claude. "Listen Adam, that belongs to your Dad. He made it custom-made for you. I'm really sorry that he was not able to give it to you personally."
"Opo". Ang ngiti sa aking munting mukha ay mabilis na napukaw sa mga katagang kanyang binigkas. Muli kong naalala ang trahedyang nangyari sa mga magulang ko. Hawak ko ang ilan sa mga alaalang iniwan nila bago lisanin ang mundo.
Hinawakan ni Uncle Claude ang kuwintas at binuksan ito. Pinakita niya ang naka-engrave na pangalan ko sa loob.
"Can you read this for me?" utos niya.
"A... dam," mahinang kong pagbasa. Muling kong itinago ang huling alaala ng aking ama sa damit ko at yumuko. Ramdam ko ang maliliit na butil ng luhang nais kumawala sa aking mga mata.
Lumuhod at niyakap ako ni Uncle Claude. Hinaplos niya ang aking buhok. Tinapik ang aking balikat bago muling tumayo.
"I gotta go. Huwag kang malikot masyado, ha? Behave while I'm gone," paalala ni Uncle Claude. "Älä mene ulos yksin (Huwag kang lalabasa mag-isa)."
"Yes po." Kusang umurong ang mga luha ko. Sa kanyang harapan ay pinilit kong maging matatag. Hindi lamang ang suot ko ang naiwang alaala ng aking mga magulang. Kahit papaano ay kawangis rin ng aking tiyo ang aking ama.
Matapos ang ilang minuto ay umalis na si Uncle Claude. Napagpasyahan ko na maglaro ng snow sa likod ng bahay. Ang mga kasambahay namin ay abala sa ibang gawain. Sa harapan ko ay ang karaniwang tanawin na nababalot ng yelo. Puro puti ang makikita mula sa unang espasyo ng aming bakuran hanggang sa malalayong hilera ng bundok. Isinuot ko ang aking sapatos. Kumuha ng niyebe mula sa lupa gamit ang aking kamay bago gawing bilog.
Sa tahimik na lugar na iyon ay pawang ang mga halkhak ko lamang ang aking naririnig. Nababalot ako ng kalungkutan sa katotohanang kalaro ko lamang ang sarili ko. Matapos palakihin ang binibilog kong niyebe ay kalaunan, nakagawa rin ako ng snowman. Kumuha ako ng mga tuyong sanga ng kahoy bago itinusok sa tagiliran nito. Malalim ang aking hininga habang pinagmamasdan ang aking obra maestra.
Tuwang-tuwa ako sa paglalaro sa snow. Halos ilang snowman na ang nagawa ko hanggang sa magsawa.
"This is so boring! Why do I have to live in a mansion na walang kapitbahay? Wala man lang akong makalaro rito," saad ko. Napayuko ako sa aking damit. Marahan kong inilabas ang aking kuwintas. "Kaipaan todella Nanay ja Tatay (I really miss Nanay and Tatay)."
Napatingin ako sa nagyeyelong lawa. Kitang-kita ko kung paano nagtakbuhan ang ilang maliliit na hayop sa ibabaw ng yelo. Una ay mga squirrel, sunod ay mga usa at may nakita rin akong mga puting kuneho sa kalayuan. Matiyagang pinanood ko ang mga hayop na napadaan sa nagyeyelong lawa. Nawala ang simangot sa aking mukha. Napagpasyahan kong makipaglaro sa mga hayop kaysa ang hukbo ng mga snowmen na gawa ko.
Ibinalik ko ang tingin sa bahay at nakita ko ang isang pares ng ice skating shoes sa gilid ng pinto. Napatakbo ako papunta sa roon at agad na isinuot.
"Yey! They still fit!" natatawang sambit ko.
Mabilis akong tumakbo sa nagyeyelong lawa. Madalas kaming mag-ice skating ng Uncle Claude rito. Pero mahigpit na bilin niya sa akin na huwag na huwag gagawin itong mag-isa.
Napatigil akong saglit bago pa ako makatapak sa yelo. Ako ay napadalawang isip. Ngunit may biglang dumaang isang pares na puting kuneho sa aking harapan kasama ang limang maliliit nilang anak. Sinuri kong maigi ang lawa bago ko sinimulang tapakan.
"It looks safe naman," sabi ko habang tinatantsa ang isa kong paa sa ibabaw ng yelo.
Agad akong ng tumayo sa ice at nagsimulang mag-skate. Tuwang-tuwa ako sa aking ginagawa. Abot-tainga ang aking ngiti habang dumadampi ang malamig na hangin sa maputi kong pisngi. Parang akong sakay ng eroplano. Ang pinagkaibahan lamang ay walang harang sa aking mukha habang sinasalubong ko ang malalaking ulap. Panay ang aking pagpapadulas. Minsan ay natatalisod ako ngunit pinipilit kong tumayo hanggang sa maperpekto ko ang aking ginagawa.
Nakapikit ang aking mata. Inaaral ko ang bawat butil ng niyebeng tumatalsik sa aking mukha kasabay ng pagkaskas ng suot kong matalim na sapatos sa nagyeyelong lawa. Panay ang aking halakhak. Tila kasali ako sa mga palabas sa telebisyon na madalas kong panoorin. Tila may magandang tunog ng orkestra sa paligid habang paikot-ikot ako sa lawa.
Ilang minuto rin akong nagi-scate sa yelo nang makita kong muli ang mga nagtatakbuhang puting kuneho sa gilid ng lawa.
"Here I come!" bulalas kong bigla.
Umaapaw sa galak ang aking puso. Binilisan ko ang pagpapadulas dahil nais kong habulin ang mga kuneho. Humarurot ako papunta sa kabilang dulo ng lawa. Hindi ko na inisip kung makapal ba ang yelo sa parteng ito. Binagalan kong saglit. Nakatitig ako sa hayop na nais kong hulihin. Nang mapansin ng kuneho na palapit na ako tumakbo ito nang mabilis. Lalong kong binilisan ang paghabol. Napahinto ako sa gilid ng lawa dahil tuluyan nang tumakbo sa gubat ang puting kuneho.
"Badtrip!" bulyaw ko. Hindi ko mapigilang idabog ang aking mga paa dahil sa inis.
Biglang nabasag ang yelo sa aking kinatatayuan.
Mabilis akong nahulog sa tubig. Tila naiwan ang aking kaluluwa sa ibabaw dahil sa bilis ng pangyayari. Nahulog ako sa kawalan ngunit malamig na tubig ang agad na sumalubong sa akin.
"Älä mene ulos yksin (Huwag kang lalabasa mag-isa)," naalala kong paalala sa akin ni uncle.
Ngunit huli na ang lahat.
Hindi ako marunong lumangoy!
"Help!" saklolo ko nang nakabuwelo akong umahon.
Pinipilit kong iangat ang aking ulo sa napakalamig na tubig ngunit sobrang bigat ng suot kong skating shoes at makapal na damit. Angat-baba ako habang patuloy ang pagpasok ng tubig sa aking bibig. Sa tuwing napapakapit ako sa nagyeyelong bahagi sa ibabaw ng lawa ay agad din itong nababasag.
Ilang minuto na akong nagtatangkang lumangoy. Hanggang sa mapagod na ang aking mga galamay. Tuluyan nang nanghina ang katawan ko dahil sa pagod. Hindi na ako makakilos dahil lalong bumigat ang aking damit dahil basang-basa na ito. Kitang-kita ko ang liwanag sa itaas ng tubig habang mabilis akong lumulubog.
Napapikit akong saglit. Humiling ng milagro.
"Adam!"
Biglang may isang lalaking nakahubad na tumalon sa tubig at hinila ako pataas.
"Hey! Wake up. You need to wake up!" sigaw nito.
Mabilis nito akong sinaklolohan. Pinilit niya akong inilangoy habang lumulutang na kami sa malamig na tubig. Mabilis kong naiubo ang tubig-tabang habang nasa ibabaw na kami. Nagkaroon na ako ng malay.
"Are you okay?" tanong ng estrangherong naglitas sa akin. Grabe ang pag-aalala nito. Hindi na niya inintindi ang lamig sa hubad niyang katawan upang mailigtas lamang ako.
"Opo," inuubo kong sagot.
Agad akong dinala ng binata papunta sa pampang. Itinulak niya ako para tuluyan nang mapaupo sa lupa. Samantalang siya naman ay nasa nagyeyelong tubig pa rin. Aahon na rin sana siya nang magsimulang mamulikat ang isang paa niya dahil sa sobrang lamig.
"Fuck! Help!" sigaw ng binata.
Sobrang sakit siguro ng pulikat nito. Dahil sobrang lamig na tubig na nakayakap sa hubad niyang katawan ay mas lalong nahihirapan siyang lumangoy. Unti-unti na siyang hindi makagalaw dahil sa pamumulikat ng kanyang paa.
"Kuya! Kuya!" sigaw ko sa gilid ng lawa.
Nakatitig siya sa akin mula sa ilalim ng tubig habang isa-isang nauubos ang bulang lumalabas sa kanyang bibig.
Lumaki akong iniisip kong sino ang binatang iyon.
꧁༒༺🦉༻༒꧂
Year: 2005, Metro Manila (Present)
Siya ay ako at ako ay siya.
Ngayon ko lamang napagtanto kung sino ang binatang naglitas sa akin mula sa nagyeyelong lawa.
Dahil sa kakaibang emosyong naramdaman ko sa loob ng kwarto ni Noah gawa ng kalokohan nila ni Nico ay bigla akong naglaho at tumalon sa taong 1996. Doon ay nakita ko ang batang ako na nalulunod. Niligtas ko ang sarili ko bago ako maglaho sa ilalim ng tubig bago ako bumalik sa 2005.
Ito ako ngayon. Malapit nang mawalan ng malay nang bumalik ako sa kasalukuyan. Nakadapa ang aking nanginginig na katawan sa tapat ng pinto. Sa aking harapan ay ang mukha ng nakakainis na si Noah. Panay ang bulyaw sa akin habang unti-unting nagdidilim ang paligid.
"Adam, Adam!" bulyaw nito.
Gusto ko siyang sapakin. Wala siyang damit. Halatang kakatapos lang nilang magparaos ng kanyang pinsan.
Bumalik ka na sa pinsan mo, tangina mo!
Ngunit hindi ko maibuka ang bibig ko. Inaral ko ang kanyang mukha. Tarantang-taranta ito at hindi malaman ang gagawin. Inaalog ni Noah ang katawan kong hindi ko maigalaw habang nakabara sa pinto.
"Should we call an ambulance?" narinig kong takot na tanong ni Nico. Panay ang sabunot nito sa kanyang buhok. Nakasuot lamang ng brief ito.
Isa ka pa, mga buwiset!
"Hindi puwede! Go get some warm towels!" utos ni Noah.
Naramdaman kong kinuha ni Noah ang kamay ko at yakapin sa pagitan ng kanyang mga braso at matipunong dibdib. Sinusubukan kong idilat ang aking mga mata. Kahit malabo ay napapansin ko ang hindi maipinta ang itsura ni Noah na nakayuko sa hubad ko ring katawan.
"Nico! Help me carry him to the bed," bulalas ni Noah.
Ramdam ko sa kanyang dibdib ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Bigla akong nakaramdam ng basa sa kamay kong kanyang niyayapos.
Mayroong tumutulo!
Minulat ko ang mga mata ko nang makita ko ang panay na pagluha nito habang pinipilit akong itayo.
Nagtungo si Nico sa kabila kong balikat. Inilingkis niya ang kanyang kamay sa aking braso bago nila ako binuhat at pinahiga sa kama. Sinimulan nilang balutin ako ng makapal na kumot. Aligaga pang nagtungo si Noah sa kabinet.
Akala ko siya ay magbibihis ngunit ibinuhos niya lahat sa akin ang mga kinuha niyang damit. Si Nico naman ay inilabas ang heater blanket mula sa kanyang maleta na tila bagong bili at mukhang ipapasalubong pa sa iba nilang kamaganak. Walang pag-aatubili niya itong binuksan at ibinalot sa aking katawan.
"Where the hell did he come from? Bakit sobrang lamig niya?" usisa ni Nico. Sinimulan na niyang kunin ang kanyang cell phone.
Hindi ko na sila gaanong naririnig. Sa init na dala ng kanilang mga ipinatong sa akin ay nakaramdam ako ng antok. Sa kabila ng lahat, pinilit ko silang tignan kahit malabo na ang paningin ko.
"Finla— 1996," paputol-putol na naririnig kong sinasabi ni Noah. Tinangka ko siyang intindihin ngunit tila ang utak ko ay naninigas rin sa lamig.
"He's still cold! I'm calling an ambulance now!" bulyaw ni Nico. Wala na talaga ang angas nito. Para itong isang bata na hindi alam ang gagawin.
"No! Wait!" sigaw ni Noah. Mabilis niyang inagaw ang cell phone ni Nico at itinago. Umupo si Noah sa gilid ng kama at isa-isa niyang inalis ang ibang nakabalot sa akin.
"Hey! What are you doing?" tanong ni Nico.
"Body heat! Paabot ng thermometer sa sala," bulyaw ni Noah.
Agad na kinuha ni Nico ang axillary thermometer. Mabilis na kinuha ito ni Noah at inilagay sa aking kilikili.
"Nico, pakibalot ulit kami ng heater blanket."
Bigla akong niyakap ni Noah. Walang kaming suot. Pareho kaming hubad. Balat sa balat. Laman sa laman. Nakabalot ang kanyang kamay sa aking dibdib. Ang kanyang mga hita ay nakapalibot sa baiwang ko. Naramdaman ko ang bagay sa kanyang harapan. Nanuyo bigla ang lalamunan ko.
Pinilit ko siyang tignan. Nakaharap lamang siya sa akin habang ilang sentimetro ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa.
Ngunit siguro ay dala na rin ng pagod ko mula sa malamig na bansa, hindi ko na maibuka ang bibig ko. Gusto ko na siyang sagutin. Nais kong sabihin na ayos lamang ako.
"Adam, please, stay awake," bulalas ng lalaking kayakap ko.
"We should really call for help," sabi ni Nico.
"No, Nico. Please," pagmamakaawa ni Noah.
Ilang minuto pa ay ramdam ko na ang pag-init ng aking katawan.
"His temperature is going up," saad ni Noah. Unti-unti na siyang nakakampante.
"Finally!" Napasandal si Nico sa pader. Agad na kumuha ng shorts at kanyang isinuot. "Sige, I'll just be outside if you need me."
Naiwan kami ni Noah sa kuwarto. Pinipilit kong imulat ang mga mata ko habang namamasa naman ang sa kanya.
Hindi ako sigurado. Pero kung hindi lang talaga ako naiinis sa kanya, iisipin kong para sa akin ang mga iniluluha niya.
"I'll be here. I'll always be here," rinig kong bulong ni Noah bago magdilim ang paligid ko.
Nararamdaman ko ang kanyang mainit na hininga sa aking pisngi. Tuluyan nang humimbing ang diwa ko. Nakatulog ako habang dumadaloy ang init ng katawan ni Noah papunta sa akin.
***
Alas onse ng gabi. Naalimpungatan ako at nagising mula sa sarap ng aking tulog. Ramdam ko ang init sa kuwarto. Basang-basa ako ng pawis. Unti-unti kong nararamdaman ang matipunong katawan na nakayakap sa akin. Dumampi sa aking ilong ang pamilyar na amoy ng vanilla at lavender.
"Arroyo—" Nagtigilan ako nang makita ko ang mahimbing niyang pagtulog. Magkasalubong ang kanyang kilay habang hawak ng isa niyang kamay ang aking pisngi.
Hindi ko napigilang ngumiti. Kusang gumalaw ang mga kamay ko patungo sa kanyang mga kilay. Pinilit kong pagpantayin ang mga iyon. Sa isang iglap ay bigla siyang ngumiti. Para na siyang batang masarap ang tulog. Inalis ko ang kamay niya mula sa aking mukha at marahang ipinatong sa unan.
"You are so cute—" Nabigla ako sa aking sinasabi.
Mabilis kong tinakluban ang bibig ko. Panay ang aking pikit habang naiinis sa aking iniisip. Kinagat ko ang aking labi habang napahawak sa aking dibdib. Hindi ko mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kung ano mang nais kumawala mula sa aking puso.
Napansin kong wala akong suot na kahit ano. Tinangka kong alalahanin ang lahat. Hinabi ko ang mga nangyari mula nang panoorin ko silang magpinsan na ginagawa ang kalokohan nila sa sala kaninang umaga. Nag-time travel ako sa 1996, niligtas ko ang sarili ko sa pagkakalunod ngunit ako ang naiwang lumulubog sa nagyeyelong tubig. Nagising ako rito sa 2005 na balot na ng kumot sa mainit na kwarto.
Kung iisipin kong mabuti, kung hindi dahil sa dalawang gagong ito, malamang ay matagal na akong patay kung hindi ako naglaho.
Inalog ko ang aking ulo. Napatingin ito sa binatang nakayakap sa akin. Nanlaki ang mga mata ko.
Shit! Does he know my secret?
Marahang akong umalis sa kama. Gumegewang ako kasabay ng mga bagay na tumatakbo sa aking isipan. Napalingon ako kay Noah. Mahimbing pa rin ang tulog nito.
Napansin ko ang siwang sa pinto at nakita na mahimbing na natutulog si Nico sa upuan sa labas. Nagtungo ako sa aparador upang kumuha ng mga isusuot.
Habang binubuksan ang aparador ay nasagi ko ang mga gamit ni Noah. Mula rito ay nahulog ang maliit na pulang supot na ibinigay ni Tito Danilo kaninang umaga sa restaurant. Yumuko ako upang pulutin ito. Nang inangat ko ang pulang supot ay may nahulog na bagay mula rito.
Isang bagay na pamilyar sa akin.
"Owlie?" nagtataka kong tanong.
Hawak-hawak ko ang gintong kuwintas. Alam na alam ko na sa akin ito. Kabisado ko na ang bawat detalye nito dahil pina-custom made ito ng tatay ko.
"Baka naman nagkataon lang na pareho?" pagkumbinsi ko sa aking sarili.
Mabilis akong natungo sa aking bag upang siguraduhing hindi ito ang kuwintas ko. Nakita kong nasaloob ng bag ko ang kaparehong kuwintas. Muli kong nilingon ang pagmamay-ari ni Noah.
"Bakit pareho ng disenyo?" usisa ko.
Tinangka kong buksan ang kuwintas ni Noah upang makita kung nakalagay ang pangalan niya kagaya ng sa akin. Nabuksan ko ito ngunit natakpan ng daliri ko ang loob. Nakapa ng daliri ko na may naka-engrave na mga letra.
Kinakabahan akong bigla. Dahan-dahang kong binababa ang daliri ko upang basahin ang nakasulat.
"N-O-A-H," basa ko nang makita ang nakasulat sa loob. Nakahinga ako nang maluwag. "Hay, akala ko kung ano na. Kanya nga talaga ito."
Isasara ko na sana ang kuwintas nang may nakakapa pa rin akong mga letra sa ilalim ng pangalan ni Noah.
Napalunok ako habang marahang binabasa ang mga ito.
Natulala ako sa mga sumunod na salitang aking nakita.
"Noah...
Love...
Adam."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top