CHAPTER 5
Chapter 5:
Kinabukasan ay nakasabay kong mag agahan ang magkapatid, sobrang awkward sa pakiramdam o ako lang yata ang nakaramdam nun.
Everytime I looked at Austin, wala siyang reaksyon. Nakatutok lang siya sa pinggan niya at tahimik na kumakain. Si Asteria naman ay maarteng kumakain, as usual. Hindi ko nalang din sila pinansin at nagpatuloy sa pagkain, may mas importante pa akong gagawin kesa ang isipin tong dalawa na wala namang naidudulot na maganda sa akin kundi sakit lang sa ulo. Bakit nga ba ako napapayag na bantayan sila? They're old enough to take care of themselves.
Matapos ang agahan na iyon ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis na umalis ng mansiyon. I still need to prepare for today.
I stopped my car when the traffic lights turned red. Hinanap ko ang cellphone ko sa bag na nasa passenger seat nang narinig ang ringtone na pinasadya ko talaga para lang kay Rhey, she's calling me.
"Yes?" I answered. Kumuha ako ng wireless headset and put it on my ear, I connected it to my phone before putting it to the dashboard of my car. I started to maneuver my car when the traffic light turned green.
"Where are you?" She asked. Rinig ko sa background ang ingay sa boung paligid. I think she's already there. May mga nakakasalubong siyang mga tao na bumabati sa kaniya but she's just ignoring them. Game mode huh?
"I'm already on my way there. I'll be there in a minute."
Tutok lang ako sa pagmamaneho. May ilang minuto pa naman ako bago magsimula ang laban but I need to hurry. I still need to check the parameter, maraming gagawa nun but I still need to check it. Kasabay sa pagbabantay sa mga baby damulag niyang anak ay siya ring pagbabantay sa arena.
"Hurry up. We have some special guests here. They've been waiting for you." Seryosong niyang sagot sa akin, I really like her when she's in a game mode. Gone the childish side and acts of her, mas madali siyang kausap.
Matapos ang tawag ay mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo sa sasakyan nang makitang walang police officer sa paligid ngayon.
Pagkababa sa sasakyan ay nakita ko si Rhey na may mga kausap sa labas, tatlong lalaking mga nakasout ng itim na t-shirt. She was so serious while talking. I wore my aviators and walked towards them. Mabilis naman nila akong nakita, they bowed their head and left us after that.
"Let's go. Nandun na silang lahat sa loob."
Sumunod lang ako sa kaniya papasok, may mga nakakasalubong kaming mga tao na naka-suit, halos lahat sila ay mga businessman.
Nang makilala nila ako ay agad din silang bumati, tumango lang ako sa kanilang lahat. Wala akong oras makipag plastikan sa kanila. If I know, ginagawa lang naman nila yun para umangat sila. Nasa sayo nalang talaga yun kung paano mo babaliktarin ang sitwasyon. You'll be using them while they're thinking they're using you without them knowing it.
It's not that hard right? Because who says this world is about loyalty? Sorry to burst your bubble but this world is composed of traitor people who only wants nothing but their own success. Ideyang lalamon sa kanilang lahat hanggang sa malunod sila nito.
"You'll do good. I know." Napatingin ako kay Rhey na nasa gilid ko na pala at sinasabayan akong maglakad.
"How could you say that?"
"Because I believe in you?"
I scoffed. Sometimes I can't understand her. Pa bago bago ang takbo ng isip niya. I was trained to read the body language of the people around me but I can't read her.
"You know that I might can't get out of the arena alive, Rhey."
"Oh come on! Huwag kang pa humble masyado okay? Ang galing mo kaya!"
Umiling nalang ako sa kaniya, parang fan na fan ko siya. Ang weird lang magkaroon ng fan sa pagpatay. Like, you're supporting me to kill bitch. Does it inspire you to kill too?
Screams of the people welcomed me the moment I stepped inside the whole place. There's still two people fighting inside the arena, they're screaming at the person on the floor to stand up and make the fight more challenging. But I doubt it, that person is almost out of breath. Isang sipa nalang ay matutuluyan na talaga yun, but seems like his opponent wants him to suffer first. Uunti-untiin hanggang ang kalaban na niya ang magmakaawang wakasan ang buhay niya.
Good strategy huh.
Umupo kaming dalawa ni Rhey sa bleachers na nasa gilid ng arena.
"These passed few days, mas dumarami ang namamatay dito. Mas naging active din ang mga bidders, that's why the money are getting bigger each day. It's a good news right?"
"Yeah it is."
"The money we have costs a lot of lives."
"This is how it works Rhey. Kung hindi ka papatay, ikaw ang papatayin. "Sagot ko sa kaniya.
Tumango naman siya, silence stretched between us. Umingay lalo ang paligid nang sumigaw ang mga tao. I know why, because he's dead.
Tumayo na ako at pinagpagan ang sout kong leggings. Mas gustong magsout ng leggings kapag ganitong may laban para mas madali sa aking gumalaw sa arena.
"He's a drug pusher, user and a gambler. Isa siya sa mga tauhan ng mga low class syndicate sa norte. He's good in hand to hand combat. He already killed 23 people and won here. He wants to challenge you and take your place."
Napangisi ako sa huling sinabi ni Rhey. Take away my place huh? That would never happen, he have to kill me first. But the big question mark here is, will he? Mapapatay ba ako ng pipitsuging adik na galing sa mga low class syndicate?
Pinatunog ko ang mga daliri ko sa kamay at nag warm up. I drank my water before I walked towards the arena that earn a loud roar of the people.
Hindi ko sila pinansin at itinoun lang ang tingin sa magiging kalaban ko na ngayon naman ay nakatayo sa kabilang dulo ng arena. Nakangisi siya sa kausap at aroganteng tumango-tango. Nang tumingin siya sa akin ay muntikan pa akong ngumiwi sa nakita.
Really? Natulog pa ba ang isang 'to?
Namungay ang mga pulang pula niyang mata. Halatang inaantok pero dahil siguro sa kung anong sininghot ng gagong 'to ay gising na gising yung utak niya. Sobrang itim ng mga dark circles sa ibaba ng magkabila niyang mga mata.
He's just brave because he's under the influence of drugs. Kung matino pag-iisip nito ay baka kanina pa siya nanginginig sa takot. Hindi na lingid sa kaalaman ko ang mga ganitong bagay. Some syndicates drugged some their goons to make them agree to fight here. Namamatay silang nasa ilalalim ng druga at halos hindi na makilala.
"Babae ka lang naman kaya hindi mo ako kaya. Ano bang kinatatakot nila sa'yo? Baka nga nanalo ka lang dahil sa ganda mo." He's trying to insult me but it didn't even bruise my ego.
"Salamat sa compliment, napansin mo pa talagang maganda ako." sagot ko sa kaniya, hindi ko ipinakita ang totoong emosyon ko. Kasi ano bang dapat kong maramdaman? Ni hindi ko na nga alam kung anong totoo sa hindi.
"Ang tapang mo ha?"
"Kung hindi ako matapang malamang wala ako dito ngayon."
"Tsk. Tingnan natin." Lumapit siya sa lamesa na nasa gilid lang ng arena. Nakalagay dun ang iba't-ibang patalim. Pwede kang pumili ng isa sa mga yun para gamitin laban sa kalaban mo. It's either you can kill using one of those or you'll be killed by it.
"You're choosing something that will kill you later." sabi ko sa kaniya. Hindi niya ako pinansin at patuloy na pumipili dun. Naiinip na ako.
Napayuko nang bigla nalang niya akong binato ng hawak niyang patalim kanina. Pagtayo ko ay sumabog ang buhok ko sa mukha ko dahil sa pagkakaputol ng tali ko.
Ayoko pa naman yung pinapakealaman ang buhok ko. Mas nainis ako nang makitang may mga naputol na buhok ang nahulog sa sahig. Umugong ang mga bulungan sa boung paligid dahil sa nangyari, everyone knows na ayokong pinapakealaman ang buhok. Last time I checked, I killed someone because of that.
Hinawakan ko ang buhok kong ngayon ay hindi na pantay dahil sa ginawa ng gagong adik na 'to. Ngumisi siya dahil sa nangyari.
"How many people did you kill?"
"23. Bakit? Gusto mong mapabilang sa kanila?"
"Hindi. Hindi na madadagdagan ang mapapatay mo."
I throw my dagger straight to his left cheek. Drops of blood fell from his cheek. He wiped his cheek using the back of his palm, he looked pissed right now. But it doesn't scare me instead it made me more exciting.
The crowd screamed my name countless of times. I heard boos for this useless human being in front of me. It's giving me something that I want, it drives my whole system into something else.
"Hina mo naman, 'yun lang ba ang kaya mong gawin?"
I smirked, "I don't actually say my plans to my opponents but since you're about to die any minute from now, I'll tell you." Kita ko ang takot sa mata niya pero agad din siyang nag tapang-tapangan. "I don't kill easily, I want to hear my opponents scream, begging for their useless life. I want them to beg before I send them to hell, where they really belong. Sweet right?"
Naglakad ako papunta sa kaniya, umatras naman siya kaya mas ginanahan akong maglakad ulit papunta sa kaniya.
Nasaan na ang tapang niya?
"Bakit ka umaatras? Naglalakad lang ako."
Sinubukan niya akong sipain pero hindi niya nagawa, nawala siya sa balanse at muntikan nang matumba. Hinawakan ko siya sa kamay at umikot papunta sa likuran niya.
"Scared are we?"
Nanginginig na ang boung katawan niya at nagngingitngit ang mga ngipin.
"Papatayin kita."
"Sure, kung kaya mo!"
Binalibag ko siya sa sahig, dumaing siya nang tumama ang likuran niya sa sementadong sahig.
"Ow!" Rinig ko mula sa mga nanoonod.
Dumako ang tingin ko sa mga tao, I saw someone familiar. Madali siyang mahalata dahil sa sout niya. The people here are usually wearing suits but he's wearing a black jacket.
Nawala ang atensyon ko sa kaniya nang bigla nalang may sumapak sa panga ko. Fuck!
Focus Maeve!
Galit akong lumingon sa kalaban ko. Hindi na siya makatayo ng maayos, bali na rin ang kamay niyang hinawakan ko kanina. Mas lamang pa din ang ginawa ko.
"Want to say something?"
Taka siyang tumingin sa akin. Nang hindi siya sumagot ay tamad kong tinapakan ang patalim na nasa paanan ko. Lumipad ang patalim at sumakto sa palad ko.
"Good night!" sabi ko sa kaniya bago ko binato ang patalim sa kaniya. Sakto yun sa dibdib niya kung nasaan ang puso niya.
Nanlaki ang mata niya at tumingin sa dibdib na may nakatarak na patalim. Bumulwak ang dugo sa dibdib niya bago siya napaluhod at tuluyang natumba.
He's no good. Boring.
*****
Author's Note:
Finally after almost a year! Nakapag-update din. I don't know if may magbabasa pa ba nito since super tagal na talaga mula nung nag update ako. June last year pa talaga yun. But anyways to those silently reading this piece of mine! Super thank you sa inyong lahat! Sobrang saya ko po sa mga suporta niyo and sa mga nagmo-motivate sa akin na ipagpatuloy ang obrang ito. Salamat po sa inyooo. Leave a comment para alam ko po yung thoughts niyo sa update na ito! Lovelots and keep safe po sa inyong lahat. Sana din po suportahan niyo yung isa ko pang story! Salamat ulit!♥️
Tine♥️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top