Chapter 9: Solicitude towards Eve

THIRD PERSON

"Hey," sambit ni Mr. Hutton sa nakatulala niyang asawa habang nakatingin sa kama kung saan nakahiga ang walang malay na si Eve. "Hon," he called again but he received nothing.

Hinawakan niya ang kamay nito saka yinakap ng mahigpit. Naramdaman niya naman ang pagyakap nito pabalik sa kanya at kalaunan ay bigla na lang itong humagulhol habang paulit-ulit na binibigkas ang pangalan ni Eve. Kumalas sila sa yakap at kitang-kita ni Mr. Hutton ang mga luhang patuloy na pumapatak sa mga mata ng kanyang asawa.

"Hon... ang anak natin..." Nauutal at pumipiyok-piyok na sabi ni Mrs. Hutton.

Napatango na lang si Mr. Hutton dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya para mapagaan man lang ng konti ang nararamdaman ng kanyang asawa. Seeing her like this is breaking his heart and seeing Eve to suffer like this is too much.

"May pupuntahan lang ako," paalam ni Mrs. Hutton sa asawa.

Tumayo si Mrs. Hutton mula sa kanyang kinauupuan saka pinunasan ang pisngi niyang nabasa ng mga luha niya. She sighed then closed her eyes and as she opened her eyes again, she looked at her daughter then to her husband.

"Please look after her. No matter what happens, don't leave her. I'll be back as soon as I can." Lumabas ng kuwarto si Mrs. Hutton.

Pagkasara palang niya ng pinto ay agad na siyang nanghina at napaiyak ulit dahil sa sitwasyon na kinasasadlakan nila ngayon. Tatlong araw na simula nang maisugod sa ospital si Eve pero hindi pa rin ito nagigising at wala pa ring pinagbago sa kalagayan niya. Binibisita rin sila ng doktor pero wala itong ibang sinasabi sa kanila kundi ang...

"Don't worry, Mr. and Mrs. Hutton, your daughter will be okay. Everything will be okay..."

Lumipas na ang tatlong araw pero hindi pa rin nila natutukoy kung ano ba talaga ang mali sa anak nila. Habang tumatagal ay lalo lang nadadagdagan ang kaba at takot na nararamdaman nila dahil anumang oras ay maaaring malagay ulit sa alanganin si Eve at gaya nga ng sinabi sa kanila ng doktor, napakadelikado na nito kaya ginagawa nila lahat para hindi na ulit mangyari iyon through the use of alternative methods.

Nakabantay lang sila kay Eve 24/7. Uuwi ang isa sa kanila para kumuha ng mga damit at pagkain pagkatapos ay babalik ulit sa hospital. Kung tutuusin ay sobra-sobrang sakripisyo ang ginagawa nila para kay Eve at nakikita nilang ganoon din ang ginagawa ni Eve dahil patuloy itong lumalaban. To think na ang bahay nila ay hindi na nila masyadong naiintindi because their home is in the hospital... their life is in the hospital.

Nakarating si Mrs. Hutton sa chapel ng ospital. Tiningnan niya ang krus na nakasabit sa dingding at bigla na lang ulit pumatak ang mga luha niya. Nitong mga nakaraang araw ay masyado siyang nagiging emosyonal dahil sa anak nila. Hindi niya inisip na maaaring may malaking impact din ito sa kanyang sarili.

Dahan-dahan siyang naglakad papasok habang nakatingin pa rin sa krus at agad lumuhod nang makarating siya sa unahan. Nahihiya man siya sa kaharap niya ngayon, Siya na lang talaga ang malalapitan at mahihingian niya ng tulong sa sitwasyong ito. It all depends on Him because He is the one who gave them this kind of life. He is the one who gave Eve to them.

"I know this is too much to ask but please... save my daughter," utal na panimula niya. Hindi niya na maalala kung kailan siya huling nagdasal at humingi ng tulong sa Kanya kaya ngayon, sobra siyang nagsisisi dahil hindi siya naging maka-Diyos kahit noon pa man. Kaya siguro sila patuloy na pinapahirapan hanggang ngayon. Kaya siguro ganito na lang ang takbo ng buhay nila.

Kaya siguro hindi sila biniyayaan ng anak... noon.

"Patawarin niyo po ako kung ngayon ko lang ulit ito nagawa. Pinangunahan ako ng takot at galit dahil sa mga nangyari. Patawarin niyo po ako sa kung ano man ang mga naisip, nasabi at nagawa kong mali dahil sa mga naging desisyon ko. It's my daughter... kaya labis-labis akong nag-aalala sa kalagayan niya at hindi ko na kayo naisip kahit noon pa man... I even blamed you for doing this to my daughter but I realized that I'm wrong. I was wrong all this time... I'm sorry. I'm so sorry... please forgive me..." Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Hindi na rin siya makahinga ng maayos pero pinipilit niya pa ring magsalita. Kailangan niyang gawin ito para sa anak niya at sa pamilya niya.

"Iligtas niyo po ang anak ko... Huwag niyo po siyang pababayaan, parang awa niyo na. Gagawin ko lahat... lahat... magising at bumalik lang siya sa dati. Hindi ko na kakayanin kung pati siya ay mawala pa sa 'kin. Once is enough... at ayoko ng maulit 'yong nangyari noon. Please... save her... save Eve... I'm willing to sacrifice everything just for her even my life..."

Bigla siyang nanghina kaya napakapit siya sa isang upuan na malapit sa kanya. Huminga siya ng malalim at sinubukan niyang bumalik mula sa dati niyang puwesto kanina dahil marami pa siyang gustong sabihin at ihingi ng tawad sa Kanya pero sadyang hindi na kaya ng katawan niya. Unti-unting naging malabo ang paningin niya hanggang sa tuluyan na siyang bumagsak sa malamig na sahig.

Samantala, habang nakaupo si Mr. Hutton ay hindi niya maiwasang magtaka at mag-alala dahil ilang oras na ang lumipas simula nang umalis ang kanyang asawa ay hanggang ngayon hindi pa rin ito bumabalik. Hindi niya rin alam kung saan ba ito pumunta at wala naman siyang ibang magagawa kundi ang maghintay dahil nandito ang anak nila. Napatayo siya nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang isang nars.

"Ikaw po ba si Mr. Hutton?" ani nars.

"Ako nga. Bakit?" Napakunot ng noo si Mr. Hutton. Lalong tumindi ang kaba na nararamdaman niya nang malaman niyang siya ang sinadya ng nars.

"Nahimatay po kasi kanina si Mrs. Hutton sa cha–"

Lumabas agad ng kuwarto si Mr. Hutton kaya hindi na natapos ng nars ang sasabihin niya. Mabilis ang lakad niya papunta sa posibleng kinaroroonan ni Mrs. Hutton. Nilukob ng matinding kaba at takot ang puso niya at hindi na siya makapag-isip pa ng maayos ngayon. Hindi niya kakayanin na pati ang asawa niya ay mapahamak. Doble-dobleng sakit na ang pasan-pasan niya. Masyado na siyang nahihirapan.

Nadatnan niya ang asawa niyang nakahiga sa isang kama habang ini-examine siya ng doktor. Agad niya itong nilapitan at kinausap.

"Doc, anong nangyari sa kanya?"

"Overfatigue and lack of sleep. I suggest that she needs to sleep more and eat nutritious foods. Huwag niyong pagurin ang mga sarili niyo sa pagbabantay sa anak niyo dahil sigurado akong hindi niya rin 'to magugustuhan. Paano kung bigla na lang siyang magising at ito ang maabutan niya? Imbes na maging masaya siya ay lalo lang siyang malulungkot. So please, sleep and eat at the right time. Lahat ng bagay na katumbas ng pagsasakripisyo ay may kapalit," paliwanag ng doktor kay Mr. Hutton saka siya nito tinapik-tapik sa balikat bago tuluyang umalis.

Lumapit si Mr. Hutton sa kamang kinahihigaan ni Mrs. Hutton ngayon at hindi niya maiwasang mapaluha dahil sa nakikita niya. Kumuha siya ng isang upuan at itinapat ito sa kama ni Mrs. Hutton saka siya naupo rito. Hinawakan niya ang kamay nito at agad na hinalikan.

"Hon..." he mumbled as she stared to her pale wife.

Pumikit siya at naramdaman niya ang sunod-sunod na pagbuhos ng mga luha niya. Dumilat siya at agad itong pinunasan. Bigla siyang nakaramdam ng awa para sa asawa niya. Tatlong araw na itong walang maayos na tulog at sa tuwing inaalok niya itong kumain ay tinatanggihan niya lang ito dahil tutok siya sa pagbabantay kay Eve. Ngayon, kitang-kita niya ang laki ng pinagbago ng asawa niya. Ang laki na ng eyebags nito, ang putla ng mga labi at pumayat ito. Hindi niya man lang napansin na ganito na pala ang nangyayari sa asawa niya. Masyado silang naging okupado sa kakaisip at kakabantay kay Eve at napapabayaan na nila ang mga sarili nila.

Bigla siyang nakaramdam ng pagsisisi dahil siya ang padre de pamilya pero wala man lang siyang magawa para sa dalawang babaeng mahal niya. Hindi niya man lang ito magawang mabantayan ng maayos.

Lumipas ang ilang oras nang magising na si Mrs. Hutton.

"Hon?" Nanghihina pa rin si Mrs. Hutton nang makita niya ang asawa niyang nakatulog na habang hawak ang kamay niya. Napangiti na lang siya at sinubukan niyang bumangon pero nagising niya si Mr. Hutton. Napatayo ito bigla at maingat siyang inalalayan.

"Hon, okay ka na ba? Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa 'yo?" pag-aalala na naman ni Mr. Hutton.

Napailing-iling naman si Mrs. Hutton saka bahagyang ngumiti. "I'm fine. You don't need to worry. Si Eve? May nagbabantay ba sa kanya ngayon?"

Mr. Hutton sighed dahil hanggang ngayon ay anak pa rin nila ang tanging nasa isip lang ni Mrs. Hutton. "Sinabi ko na naman kasi sa 'yo na magpahinga ka. Nandito naman ako para magbantay kay Eve."

"At nandito rin ako para bantayan siya. Gusto ko paggising niya ay ako ang una niyang makikita," sabi naman ni Mrs. Hutton kahit na nakakaramdam pa rin siya ng panghihina pero hindi niya ito pinapahalata kay Mr. Hutton.

"Parehong-pareho kayo ni Eve na matigas ang ulo. Bakit ba ayaw mong makinig sa mga sinasabi ko sa 'yo?"

"Oh ba't ka nagagalit? Ako na nga iyong nahimatay ikaw pa 'tong galit."

"Hindi ako galit! Nag-aalala lang ako sa kalagayan niyong dalawa ni Eve! Matuto ka kasing pangalagaan ang katawan mo."

"Well, like mother, like daughter. Asawa mo ako kaya huwag mo akong pagsalitaan ng kung ano-ano. May isip din ako kaya gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin."

"Fine. Do whatever you want. Pero kapag nangyari ulit 'to, gagawin ko rin kung ano ang gusto kong gawin." Labag sa loob na sabi ni Mr. Hutton sa kanyang asawa.

"Yeah. Yeah. Whatever," Mrs. Hutton said as she rolled her eyes.

Lumipas pa ang ilang oras bago ulit sila payagang makabalik sa kuwarto ni Eve ng doktor. Kailangan pa sanang magpahinga ni Mrs. Hutton pero sadyang makulit siya. Nakipagtalo pa siya sa kanyang asawa at sa doctor kaya ang resulta, iyong gusto niya pa rin ang nasunod.

"Tsk. You're such a hard-headed woman, Roe. Kahit noon pa man," si Mr. Hutton bago tuluyang buksan ang pinto ng kuwarto ni Eve.

"Pero minahal, mahal at mamahalin mo ako," pagmamayabang naman ni Mrs. Hutton. Napailing-iling na lang si Mr. Hutton at agad nang pumasok sa loob.

"Reanna?" Nagulat ang mag-asawa nang makita nila si Reanna na nakatayo malapit sa may kama ng anak nila.

Nabaling ang tingin ni Reanna sa mag-asawa saka siya bahagyang ngumiti bago niya ito lapitan.

"Hello po, Tita, Tito." Nakipagbeso siya sa mga ito tanda ng paggalang at pagbati.

"Kanina ka pa ba rito? Pasensiya na kung hindi mo kami naabutan. Hinimatay kasi si Roe kanina kaya ngayon lang ulit kami nakabalik dito," paliwanag ni Mr. Hutton.

"Hindi naman po. Ayos lang po," tugon naman ni Reanna.

"Bakit ngayon mo lang naisipang dalawin si Eve? Naku, for sure, miss ka na rin ng anak ko," si Mrs. Hutton naman saka nilapitan ang anak niyang mahimbing na natutulog sa kama at hinalikan ito sa noo.

"Oo nga. Magtatampo ang anak ko niyan sa 'yo," pagbibiro naman ni Mr. Hutton.

Lumapit siya kay Mrs. Hutton saka ito hinawakan sa baywang. Dahan-dahan ding lumayo sa kanila si Reanna at nakarating ito sa may pinto.

Mrs. Hutton smiled. "Best friend ka pa naman ng anak namin."

"Pasensiya na po. Busy din po kasi ako sa school ngayon at sinusubukan ko na rin pong maghanap ng part time job," sagot naman ni Reanna sa mag-asawa saka siya pilit na ngumiti.

"Oh. Right. School. Sa tingin mo ba makakahabol pa si Eve sa finals? Hanggang ngayon kasi hindi pa siya nagigising simula nang maisugod siya rito." Bigla na namang nakaramdam ng lungkot si Mrs. Hutton. Niyakap naman siya ni Mr. Hutton saka hinalikan sa ulo.

'Seeing them like this is hurting me...' Reanna thought.

"Uhm, nandito naman po ako para tulungan siya. I can give her my notes. Uh, classmate naman po kami sa lahat ng subjects." Hindi maiwasang mautal ni Reanna sa naging suhestiyon niya sa mag-asawa.

Napakalas sa yakap ang mag-asawa at sincere na tiningnan si Reanna na nakatayo malapit sa may pinto. Nginitian siya ni Mrs. Hutton saka sinabing, "That's very kind of yours, Reanna. Thankful ako na ikaw ang naging best friend ng anak ko."

"Thankful din po ako na siya ang naging best friend ko. Don't worry po, malakas 'yan si Eve kaya anumang oras po ay maaaring magising na siya."

"Salamat, hija," Mrs. Hutton said.

"Uh, sige po. Alis na po ako." Turo ni Reanna sa pinto.

"Aalis kana agad? Bakit?" Nadismaya naman si Mrs. Hutton.

"Uhm, may importante pa po kasi akong gagawin. Pasensiya na po," Reanna stuttered at hindi niya rin magawang tumingin ng diretso sa mga mata ng mag-asawa.

"Mas importante pa kaysa kay Eve?"

Mrs. Hutton's words hit her at hindi niya magawang makaimik agad.

"But anyway, it's okay. I'm just joking. You can go now. Thank you for visiting our daughter."

Ngumiti ng pilit si Reanna saka tumango bago tuluyang lumabas sa kuwartong kinaroroonan ni Eve. Bumuntong hininga siya nang tuluyan na niyang maisara ang pinto. Bigla niyang naisip si Eve at saglit siyang napatigil sa paglalakad nang may kakaiba siyang naramdaman. Bigla siyang kinabahan at pakiramdam niya ay may mali sa sarili at pagkatao niya. Pakiramdam niya ay parang may kulang. She just shrugged it off. Nagsimula ulit siyang maglakad sa hallway ng ospital pero napatigil din siya nang may marinig siyang pamilyar na boses.

"Kumusta na siya?"

"Maayos na raw po ang pakiramdam niya at normal na rin po ang paghinga niya."

"That's good to hear. But I need to check on her. Puwede mo ba akong samahan?"

"Ah. Sige po, Doc."

Dahan-dahan siyang lumingon sa likod niya at saglit siyang napatigil sa paghinga nang makita niya kung sino ang nasa likod niya ngayon. Bigla na lang siyang napatakbo palabas ng ospital at hindi na lumingon pa. Biglang bumalik sa isipan niya ang nangyari noon at namalayan niya na lang na umiiyak na naman pala siya.

"Shit! Bakit ko ba iniiyakan ang taong iyon? He doesn't even deserve my tears," bulong niya sa sarili niya saka marahas na pinunasan ang mga luhang kumawala sa mga mata niya. "Bakit Mo hinayaang mangyari ito sa amin? Kasalanan ko ba talaga o sadyang unfair Ka lang talaga pagdating sa 'kin?" Napangiti na lang siya ng mapakla habang nakatingala sa dumidilim na kalangitan.

'I hate you both...' A whispered in her head by her other self.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top