Chapter 8: Fact-Finding
THIRD PERSON
Hindi pa nagtatagal nang mailagay si Eve sa private room niya nang bigla na lang nag-iba ang tunog ng makinang sumusuporta sa buhay niya.
"Doc! The patient in room 417 suddenly went on flat line!" Dala ng sobrang pagkataranta ng nars ay hindi na niya nagawang kumatok sa opisina ng doktor.
Tumayo agad ang doktor sa kanyang kinauupuan at agad na tumungo sa kuwarto ni Eve.
"Tabi!" maawtoridad niyang sabi sa mga nars na umaasikaso kay Eve nang makarating na siya sa kuwarto nito.
"Anong nangyari? Bakit nagkaganito?!" Ni isa man sa mga nars ay walang nakasagot sa tanong niya.
"One, two, three... one, two, three..." Paulit-ulit na sambit ng doktor habang nire-revive si Eve.
After a couple of minutes, the doctor eventually revived the patient and she's stable again.
"Keep on monitoring her. Don't let this happen again. It might be very dangerous if she went on flat line again. Understood?" sermon ng doktor sa mga nars. Mabilis na tumango at sumagot ang mga ito sa kanya saka na lumabas ng kuwarto. Samantala, nilapitan naman ng doktor ang mga magulang ni Eve.
"The patient is fine, Mr. and Mrs. Hutton. Don't worry because I'm working on her case now and maybe soon, malalaman na rin natin kung ano ba talaga ang mali sa anak niyo," paliwanag ng doktor.
"Soon? Gaano katagal kami maghihintay kung ganoon, Doc? Gaano katagal namin tititigan ang anak namin na ganyan ang ayos niya? Gaano katagal kami magtitiis? Tell us, para naman mahanda namin ang sarili namin sa kung ano man ang mangyayari sa kanya kung patuloy lang kami na maghihintay," si Mrs. Hutton, mahinahon man ang tono ay puno pa rin ng kaba at takot ang namumutawi sa kanya.
"Hindi ko masasabi kung kailan at hanggang saan kayo maghihintay. But take this as my advice, good things happen for those who pray and wait..."
Hindi naman agad nakaimik ang mag-asawa dahil sa mga katagang iniwan sa kanila ng doktor. Mayamaya lang ay bigla na lang napahagulhol si Mrs. Hutton.
"Hon, she'll be okay. Don't worry. Hindi rin gusto ni Eve na makita tayong ganito kaya kailangan nating maging malakas," sabi sa kanya ni Mr. Hutton. Napatango-tango na lang si Mrs. Hutton saka pinunasan ang pisngi niyang nabasa ng mga luha niya. She sighed as she stared on her daughter. Meanwhile, nilapitan niya ito at agad na yinakap ng mahigpit kasunod ang asawa niya.
Habang naglalakad ang doktor ay bigla na lang siyang may naalala na mukhang makakatulong ng malaki sa kanya at sa kasong hinahawakan niya ngayon: the complicated and difficult case of Eve.
Lumiko siya sa kaliwang hallway papunta sa opisina ng ka-co-workers niya. Kumatok siya sa pinto at tumambad sa kanya ang nakangiti ngunit gulat na mukha ng isa pang doktor.
"Dr. Aguillard, what brings you here?"
"I need your help, Dr. Sylvan," diretsahang sabi ni Dr. Aguillard sa doktor na kaharap niya ngayon.
"Oh. The first time you asked my help is because of your daughter, right? Now, now, what is this all about?" Ngumisi sa kanya ang doktor as he crossed his arms over his chest.
"It's about my patient who..." pangbibitin ni Dr. Aguillard pero ang totoo niyan ay biglang naging blangko ang isip niya nang maalala niya si Eve. Hindi niya pa rin kasi masuri-suri kung ano ba talaga ang mali sa kanya.
"What? Are you going to tell me or not? You're wasting my time," inis na saad ni Dr. Sylvan.
"Hey! I'm here too! I'm listening!"
Naagaw ang atensyon nila sa babaeng biglang nagsalita.
"Dr. Frondoja! You're here." Medyo nagulat naman si Dr. Aguillard.
"Of course. We're having a meeting about her patient who has water allergy. Isn't that ironic and interesting? How can a human be allergic to water? This is her first time diagnosing a patient who has water allergy. Ito rin ang kauna-unahang kaso rito sa St. Zephra Medical Hospital kaya dapat talagang pagtuunan ito ng pansin. Sa hula ko, ngayon mo lang din ito narinig? Hmm?" Dr. Sylvan said as he sat on the chair beside Dr. Frondoja while raising his both eyebrows.
Nabigla naman si Dr. Aguillard sa sinabi ni Dr. Sylvan kaya hindi niya magawang makaimik agad. What a coincidence, huh?
"You're right. That's very interesting. How come?" Tuluyan nang pumasok si Dr. Aguillard sa opisina ni Dr. Sylvan saka na rin naupo.
"I know right. But how about you? Why do you need my help?" Dr. Sylvan said.
"I also need your help, Dr. Frondoja. It's–"
"Sandali nga! Bakit ba ang formal natin masyado? Para namang wala tayong pinagsamahan," singit ni Dr. Sylvan.
"Alright. Whatever." Dr. Frondoja said as she leaned on the back of her swivel chair.
"Okay. Maymie and Knute, I need your help. Tungkol ito sa pasyente kong hindi ko malaman-laman kung ano ba talaga ang mali sa kanya. It's very strange and difficult. She brought back here because of the rain. Weird, isn't it?"
Natahimik ang dalawang doktor dahil sa sinabi ni Dr. Aguillard.
"Ang una kong diagnosis sa kanya ay masyadong naging komplikado kaya inisip ko na dahil lang 'yon sa make-up at 'yon na rin mismo ang sinabi ko sa mga magulang niya. I'm confused so don't you dare try to laugh at me," dagdag pa ni Dr. Aguillard.
Nagkatinginan ang dalawa at sabay na natawa. Napa-poker face na lang si Dr. Aguillard at hindi na umimik pa.
"That was a very stupid move, Lemuel. I can't help but to laugh. Gosh," Dr. Frondoja said saka tumawa ulit.
"Yeah. Right," inis na saad naman ni Dr. Aguillard.
"But wait..." Tinitigan ni Dr. Frondoja si Dr. Sylvan at agad na gumuhit sa kanyang labi ang isang ngisi. "I know what you're thinking."
"Likewise!"
Ilang minuto pa silang nagkatitigan bago sabay na humarap kay Dr. Aguillard na nakakunot-noo na ngayon dahil sa inaasal ng dalawa niyang ka-co-workers.
"Water allergy!" sabay na pahayag ng dalawang doktor habang may ngiti sa mga labi nila na para bang nanalo lang sila sa lotto ng isang milyon.
"What?" Dr. Aguillard stuttered.
"Your patient is allergic to water! Same as her patient," Dr. Sylvan said while glancing at Dr. Frondoja.
"But if that's the case..." Lumapit pa si Dr. Sylvan sa mesa saka ipinatong ang dalawang kamay dito. "Then, our hospital is so lucky to have two patients who has water allergy. I know it might be very difficult for us to find out the right treatments and medications but there's a lot of doctors here that can also help us in this case. So, what do you think?"
"But, how? How's that possible?" Dr. Aguillard is still confused.
"How's that impossible?" balik na tanong ni Dr. Sylvan sa kanya. "Simple. You said earlier that she brought back here because of the rain? It's just like the case of Maymie. Her patient brought here also because of drinking hot chocolate. Strange, right? It's the same to your patient though magkaiba lang sila ng rason. Both involves water because hot chocolate has a water content too. But still!" Dr. Sylvan explained but Dr. Aguillard still didn't get what he's trying to say. Lalo lang gumulo ang utak niya dahil sa mga sinabi ni Dr. Sylvan.
"It's so impossible. Paano ka naman nakakasigurado na ganoon nga talaga ang sakit nila, I mean, bakit naisip mong ganoon din ang sakit ni Eve? 'Yon lang ba ang pinagbasehan mo? Well, I can say that you're a quack not a doctor. Think effectively, Dr. Sylvan. Hindi 'to basta-basta lang. Kailangan nating gamitin lahat ng nalalaman natin sa paghahanap ng solusyon." Biglang tumayo si Dr. Aguillard pagkatapos niyang sabihin 'yon at handa na sanang umalis nang magsalita ulit si Dr. Sylvan.
"Alright. You're older than us but doesn't mean that you know everything. I'm just stating the possible outcomes of the two patients. So, call me a quack after we find out the truth behind their case. Hindi lang din ako basta-basta kung mag-isip. Kasama ko si Maymie dito at kagaya nga ng sinabi ko sa 'yo kanina, we're having a meeting about that allergy before you came here."
Bumuntong-hininga si Dr. Aguillard bago ulit humarap sa kanila.
"I apologize." Hindi dapat siya nagpadalos-dalos sa mga gagawin niyang desisyon dahil kahit ang mga nakapalibot sa kanya ay maaapektuhan. "So, where and when should we start on finding the real reason behind their case?"
Dr. Sylvan smirked, "As soon as possible."
"Hmm, this is going to be exciting!" komento naman ni Dr. Frondoja na kanina pa nakikinig sa kanila.
Agad silang tumungo sa opisina ni Dr. Aguillard at doon na lang nila naisipang gawin ang pag-aanalyze ng mga data regarding the case of the two patients. It takes time kaya ngayon palang, sisimulan na agad nila. Time is gold. Wala dapat nasasayang na oras pagdating sa mga ganitong sitwasyon. Baka mahuli ang lahat...
"Data?" si Dr. Frondoja nang makapasok sila sa opisina. Agad naman itong kinuha ni Dr. Aguillard sa drawer niya at binigay sa kanya.
Lumapit sila sa round table. Nilabas niya lahat ng data at information na nalalaman at nasagap nila tungkol sa dalawang pasyente. Pinagsama nila ito at sinubukang ikonekta sa isa't isa but it seems that the data on Dr. Frondoja's patient is far different from the data that Dr. Aguillard has.
"Hindi 'to nakakatulong. Iba ang kondisyon ng pasyente mo..." Tinitigan ni Dr. Sylvan si Dr. Frondoja at sunod si Dr. Aguillard, "sa pasyente niya."
"Right. So, what now?" Dr. Frondoja is getting frustrated as she sat back on her chair.
Natahimik sila at walang sino man ang nagbalak na magsalita pa. Ngunit, mayamaya lang ay bigla na lang tumayo mula sa kinauupuan niya si Dr. Frondoja at pumunta sa desktop ni Dr. Aguillard. Walang nagawa ang dalawa kaya sinundan lang nila ito ng tingin hanggang sa makaupo ito at makapagtipa sa keyboard.
"Don't just sit there and stare at me. Do something!"
Natauhan lamang ang dalawa dahil sa biglang pagsalita ni Dr. Frondoja. Tumayo ang dalawa mula sa kinauupuan nila and they keep themselves busy. Nakailang 'trial and error' naman si Dr. Frondoja at inabot din siya ng dalawang oras bago niya tuluyang mahanap ang ilang impormasyon tungkol sa kaso ng pasyente niya, but the case of Dr. Aguillard's patient seems to be difficult to find.
Article 17 of Dr. Gabsy Munch. 2010 Oct; 11 - Water Allergy (A HOT 'n COLD Relationship)
DISCUSSION
Water allergy is not an allergy, but a disease, but doctors prefer to call it an 'allergy.' There are several cases that I have experienced in the last few years, where you might have an allergic reaction to water due to its temperature or substances. Of course, water allergy can vary from form to temperature. It can be dry, hot, cold or distilled water that is not distilled.
Some may be allergic to HOT, while others may be allergic to COLD water temperature. The symptoms will occur when the body comes into contact with hot and/or cold water. The medications and treatments used in hot water are different from those used in cold water. It can cure you, but it can't heal you fully. You're going to carry on living, but it's going to be difficult.
Remember, whether you drink hot or cold tea, coffee and milk, your body will develop itchy whales or slightly hives, but not the worst. Everything you can do is drink warm distilled water. This is also the time that your mast cells are in a state of hypersensitivity, so your movements can also be limited...
...Read more
"Found it!" sigaw ni Dr. Frondoja habang nakataas ang dalawang kamay sa ere at may ngiti sa mga labi senyales ng tagumpay.
Napatingin naman sa kanyang direksyon ang dalawang doktor kaya agad nila itong nilapitan.
"Hmm, let's see the power of Dr. Maymie Frondoja," pang-aasar naman sa kanya ni Dr. Sylvan but they're on a serious situation right now so they didn't even bother to laugh or smile.
They stared at the monitor of the computer for a couple of minutes until they fully understand the information on the Article of Dr. Gabsy Munch.
"How 'bout Genevieve?" kunot-noong tanong ni Dr. Aguillard.
"Who's Genevieve?" balik na tanong sa kanya ni Dr. Frondoja.
Lumayo ng konti sa kanila si Dr. Aguillard at nag-isip pansamantala.
'Kung sa kaso palang ng pasyente ni Dr. Frondoja ay mahirap ng mahanap, pano pa kaya sa kaso ni Eve?' he thought. He tilted his head, trying to find an answer to his own question.
"Lemuel, I'm asking you, who's Genevieve? Bakit siya nasali rito?"
He shook his head. "My patient."
"Oh. So, her name is Genevieve. What an interesting name, huh? But your data about her is not clear. I mean, 'yon lang ba? So, pano natin malalaman kung allergic din siya sa tubig? Kung sa temperature lang naman ang pagbabasehan natin, ito na 'yon. Although, hindi pa rin 'to sapat but at least may nalaman tayo. But in her case, I think it's different. It's not just an allergy to water, I guess. It can be worst and dangerous if she's allergic to all types of water and temperature. Is that even possible? Or baka naman sa ibang substance siya allergic? Na-misunderstood lang natin," paliwanag sa kanila ni Dr. Frondoja na siyang hindi na ikinakibo ng dalawa niyang kasama. Mukhang nasobrahan ata siya at masyado niyang natakot ang dalawa.
"Hey! Did you hear what I've said?"
"It's so impossible. There might be some other articles that can determine her allergy or maybe we could watch a documentation on Youtube. There are also some books that might lead us closer to the fact. It can help, right Dr. Aguillard?" hindi siguradong saad ni Dr. Sylvan.
"Yes. Can we do that?" tugon naman ni Dr. Aguillard.
Napailing-iling at napabuntong-hininga na lang si Dr. Frondoja sa dalawa niyang kasama. Mukhang siya lang ata ang nakakaintindi sa kondisyon ng dalawang pasyente. Sana lang ay kayanin niya ito.
Lumipas ang ilang oras at halos napanood na ata nila lahat ng videos tungkol sa water allergy at ibang mga allergies na unique and rare pero wala silang makuhang ibang impormasyon kundi mga simple at basic lang. Ang lalayo rin ng mga nasa libro. Oo nga't nadadagdagan ang kaalaman nila tungkol sa mga possibleng allergies na nag-eexist pero hindi pa rin 'yon sapat para malaman kung ano ba talaga ang mali sa pasyente ni Dr. Aguillard. Kailangan pa nilang lawakan ang mga isip nila dahil kung hindi, wala silang makukuha na kaso o impormasyon na kaparehas ng kay Genevieve. Maybe, they also need the help of the other doctors and experts in the other hspital.
Ilang videos pa ang pinanood at ilang libro pa ang binasa nila hanggang sa tuluyang makatulog si Dr. Sylvan at Dr. Frondoja. Samantalang si Dr. Aguillard ay hindi tumigil sa paghahanap. He even searched on google but it's the same to the videos that they watched earlier. Mukhang naka-private ang mga kailangan nilang impormasyon at talagang mahihirapan nga sila nito.
Matapos panoorin ang isang video ay tumigil na siya. Tiningnan niya ang orasan at laking gulat niya nang makita niyang madaling araw na pala. Humikab siya saka tumayo para mag-stretch. Tinitigan niya muna ang dalawang kasama niyang mahimbing nang natutulog bago niya ito ginising.
"Tapos na ba? Nahanap na?" si Dr. Frondoja saka napahikab.
Pagod na umiling si Dr. Aguillard at bagsak balikat na lumabas ng opisina para mag-kape muna. Sinundan naman siya ni Dr. Frondoja samantalang si Dr. Sylvan ay nauna nang umuwi para makapagpahinga kahit ilang oras lang.
"Kape?" alok sa kanya ni Dr. Aguillard na agad niya namang inilingan.
Umupo sila sa isang bench at nagsimulang magsalita si Dr. Frondoja.
"You need to rest. May bukas pa."
"I don't think I can do that. I made a mistake about her and I don't want that to happen again. Hindi kakayanin ng konsensiya ko." Nanlumo si Dr. Aguillard bago sumimsim sa kape niya.
"I know. But don't degrade yourself too much. There's so much time, Lemuel." Sumandal sa kanyang kinauupuan si Dr. Frondoja pagkatapos niya iyong sabihin saka marahan na pumikit. Maging siya ay sobrang napagod sa ginawa nila maghapon. Nakatutok lang sila sa screen ng computer buong araw at nakaupo habang nag-t-take down ng mga notes. Kumusta naman 'yon, 'di ba?
"Ikaw na ang may sabi, there's so much time so why waste today's time? Isa pa, walang maraming oras sa taong may sakit."
Napamulat si Dr. Frondoja dahil sa narinig niya kay Dr. Aguillard. Tumayo siya saka ngumiti ng pilit sa doktor.
"If that's what you want, then... good night. Or should I say good morning already? Yeah, whatever."
Napatitig na lang si Dr. Aguillard sa papalayong pigura ni Dr. Frondoja saka bumuntong-hininga. Inubos niya ang natitirang kape niya bago ulit bumalik sa opisina niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top