Chapter 7: Discover and Save
THIRD PERSON
"Gago!" ani Ice kay Von na kumakamot-kamot pa sa kanyang ulo pero hindi pa rin naaalis ang pagkamangha sa kanyang mukha dahil sa pag-ngiti ni Ice.
Hindi na lang umimik si Von at pinagpatuloy niya na lang ulit ang pagmamaneho samantalang si Ice ay nakatingin lang sa labas ng bintana.
"By the way, anong ginagawa mo sa ospital kanina?" Von asked out of nowhere while taking glances at Ice.
"Saan tayo, bro? Inyo o amin?" Von added but Ice seems to not care at all.
"Nice talking self. Pambihira. Nagmumukha na akong baliw." Napangisi na lang si Von at napailing-iling nang wala man lang siyang matanggap na sagot kay Ice kahit tango o sulyap.
"What the fuck?!" malutong na mura ni Ice nang biglang prumeno si Von. He gave him a glare.
"Damn bro! Dapat pala sa 'yo palagi kang ginugulat para kapag nagsasalita ka may tono at feelings na. Shit!" Von said as he continued to drive like nothing happened.
"Tsk!" tanging sagot ni Ice sa mga sinabi ni Von saka na ulit tumingin sa labas ng bintana.
Nang makarating sa bahay nila Von ay agad bumaba ng sasakyan si Ice kasunod si Von. Dumiretso agad si Ice sa may pinto para kumatok. Pinagbuksan naman siya ng ina ni Von nang nakangiti pero nilagpasan niya lang ito at tumungo agad sa kuwarto ni Von.
"Aba! Bastos ang batang iyon, ah! Kaibigan mo ba 'yon?" reklamo ng ina ni Von habang nakatingin sa dinaanan ni Ice.
Von nodded while faking a smile, "Pagpasensiyahan niyo na po. May buwanang dalaw, eh." Napatawa na lang ang ina ni Von habang napapailing-iling.
"Dapat kasi pinipili mo ang mga kinakaibigan mo, 'nak," sabi ng ina nito.
"Ma, mabait po si Ice. May pinagdadaanan lang po iyon," depensa naman ni Von. "Uhm, may gagawin lang po kami."
Tumungo agad siya sa kuwarto niya at naabutan niya si Ice na nakaupo sa harap ng computer habang may tina-type.
"Seriously, bro? Mukhang nakakalimot ka ata, ah? Bahay namin ito at hindi inyo kaya galangin mo naman ang mga magulang ko. Kahit sila lang, hindi na ako. Tsk. And please lang, magpakita ka naman ng 'magandang' attitude kahit dito lang," sermon ni Von kay Ice pero gaya kanina ay wala itong naging imik kaya lalo lang ding nainis si Von. "Damn it! I can't believe that I have a friend like you. Like what the fuck? Tao ka ba talaga o alien? O baka naman bato?"
Linapitan ito ni Von at tiningnan niya kung ano ang ginagawa nito sa computer niya. Agad na kumunot ang noo niya nang mabasa niya sa google search ang tungkol sa...
"Water Allergy?" Nagpabalik-balik ang tingin ni Von kay Ice at sa computer monitor hanggang sa tuluyan na lang siyang mapahalakhak. "Holyshit bro! Hindi ko alam na interesado ka sa mga imposibleng bagay na ganiyan."
Napatigil si Ice sa kanyang ginagawa at tinitigan ng seryoso si Von. "Do you believe it or not?"
Napaayos ng tindig si Von dahil sa seryosong tanong ni Ice sa kanya saka pasimpleng tumikhim.
"Hindi?" Von said, confusedly.
"Well, start believing now. Eve has it," kaswal na saad ni Ice.
Von's jaw dropped, "Are you serious, bro?" Hindi niya alam sa sarili niya kung maniniwala ba siya o hindi, but he's starting to get curious about the case.
"Look." One word and Von focused his eyes on the screen monitor to read the article.
"Water allergy, believed to have afflicted only thirty people worldwide, is extremely rare but the Clinical Diseases Review Board has confirmed its presence. Sufferers tend to be allergic to water and appear to have an itchy and painful skin reaction that results in an all-body development of urchins. Drugs can vary with various water-induced physical urticaria studies, and there is no cure for this. A small number of case reports of undetermined etiopathogenesis are available worldwide. It usually occurs late in life as a result of hormonal imbalance caused by giving birth, but it can also occur during puberty due to radioactive materials that enter the body. Know that this allergy can be FATAL, too."
"Oh shit, bro! Shit! Are these article's legit? This is giving me goosebumps! Look!" Von's reaction after he read the article about water allergy.
Bored na tinignan lang siya ni Ice saka na ibinalik ulit sa monitor ng computer ang atensyon.
"Bro! This is a very rare case. Why don't we do some investigations or video Eve and tell to the world about the case? We can earn big money, bro! It can–"
"Shut the fuck up, Devon!" inis na sabi ni Ice dahil maging siya ay nainsulto sa mga katagang binitawan ng kaibigan niya.
"What? It could be the reason for us to get rich! Come on, dude, be practical! This is our chance to shine! This–"
Natigil sa pagsasalita si Von nang biglang tumayo si Ice mula sa kanyang kinauupuan at agad siyang hinawakan sa kuwelyo.
"Try it and you'll die."
"Woah! Woah! I'm sorry?" Von stuttered at itinaas ang kamay na pinorma niyang peace sign saka ngumiti ng pilit.
Marahas na binitawan ni Ice ang kuwelyo ni Von. Tinalikuran niya ito pero napatigil siya nang marinig niya ulit ang nakakainsultong halakhak ng kaibigan niya, dahilan ng pagkuyom ng dalawa niyang kamao at pag-igting ng panga niya.
"Night in shining armor, huh? Badoy mo, bro! Ni hindi ka rin mabiro! Damn! You're taking it seriously. Come on, cheer up! Hindi naman puwedeng ganyan ka na lang buong buhay mo. Bakit ba ganyan ka na lang kung maka-react sa kondisyon ni Genevieve? Patata? I mean, may something?" Von said while mocking Ice.
Napapikit ng mariin si Ice at hinawakan ang tungki ng ilong niya saka bumuntong hininga.
"Don't you get it?" Humarap si Ice ng seryoso kay Von. "You'll die if you do something stupid to her. You'll die if you continue acting like this. You'll die if don't keep your fucking mouth shut."
"Oh, oh. Teka lang, chillax lang, mag-judge ka muna. Masyado mo namang sineseryoso ang mga bagay-bagay. As if naman magagawa mo iyon sa 'kin? We're best buddies!" sabi naman ni Von saka siya nito nilapitan at inakbayan. "I'm just joking, bro. I apologize," he added as he tapped Ice's shoulder.
"I'm serious. Let me also correct that we're not best buddies. Magkakilala lang tayo," dahan-dahan ngunit may diin na sabi ni Ice kay Von na ngayon ay hindi na makaimik dahil sa pagkagulat. "Matuto kang mag-set ng boundaries." Ice removed Von's hand on his shoulder.
Minutes passed but they just stared at each other. Namalayan na lang ni Von na umalis na pala si Ice at siya na lang mag-isa ang naiwan sa loob ng kuwarto niya. Napabuntong-hininga na lang siya saka hinawakan ang dibdib niya kung saan nararamdaman niya ang sobrang lakas ng tibok ng puso niya dahil sa nangyari at mga katagang binitawan ni Ice.
Nag-iwan iyon ng malaking impact sa kanya. Matagal niyang tinuring na matalik na kaibigan si Binx pero ito lang ang matatanggap niya?
***
"What's the name of the patient and its info?" tanong ng kadarating lang na doktor sa loob ng emergency room.
"Na kay Nurse Zia po ang info, Doc," sagot naman ng isang nars.
"Where's Zia? I–"
"Genevieve Hutton, eighteen. Severe allergy shock due to an unknown substance... and rain? We're still observing her, Doc," anunsiyo ng isang nars na kadarating lang sa ER.
"Unknown substance? Rain? Is that even possible?" asked the doctor.
"Yes, Doc," diretsong sagot naman ng nars na wala man lang pag-aalinlangan.
"That's strange. Where did you get that information?"
"To the guy who bring her here. That's only his assumption, Doc. But in her case, it might be true. Ilang beses na siyang dinala rito ng mga magulang niya noon dahil sa mga mahirap na ipaliwanag na bagay, 'di ba, Doc?" suhestiyon naman ng nars sa doktor na ngayon ay confused na sa mga nangyayari.
"Oh. Right," said the doctor as he checked on Eve lying on the bed, unconscious. "Anyway, inject her antihistamines and apply some cream on her body where the allergic reactions occur. Please do it quickly. I need to talk to her parents. Also, observe what happened to her after thirty minutes. Kung hindi umepekto ang gamot, tawagin niyo agad ako. Understood?" Lumabas agad ang doktor sa kuwartong iyon at hinanap ang mga magulang ng pasyente.
"Ms. Genevieve Hutton's parents?"
Bigla namang tumayo ang mag-asawang Hutton na nakaupo sa isang bench hindi kalayuan saka na lumapit sa doktor.
Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang doktor at tinanong niya na ang mga ito tungkol sa kaso ng anak nila. Tama nga siya, iyong babaeng nasa loob ngayon ng ER ay iyong pasyente niyang in-examine noon na hindi niya matukoy kung ano ba talaga ang nangyari kaya imbes na gawing komplikado pa ang lahat ay sinabi niya na lang sa mga magulang nito na dahil lang iyon sa make-up. Sinabi niyang allergic lang siya sa make-up and that's the biggest mistake of his life because his patient is brought back here, but he didn't stop on finding the real reason behind this rare case.
"Mr. and Mrs. Hutton, kahit ako, kami, hindi namin alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa anak niyo. It's very strange and difficult. I–"
"What kind of doctor are you?! You don't know what is happening to my daughter?! Why?! Are you really a doctor?!" Hindi na nakapagpigil pa si Mrs. Hutton kaya nasagot niya na ang doctor dahil na rin sa pagkataranta at galit na namumuo sa kanya ngayon. Aminin man ng doctor o hindi, tinamaan siya sa mga sinabi nito.
'Am I really a doctor?' he thought then a memory flash back to his mind.
"I thought you're a doctor, Dad? Why didn't you save mom?" his daughter asked him a thousand times and every time she's asking about it, he felt so miserable because he doesn't know what and how to say it to her. And now that she's already fifteen years old, hindi niya alam kung papaniwalaan pa siya nito sa iisa niya lang na sinasabi.
"Darling, I told you, there's a reason why I couldn't save your mom. It's a difficult decision for us. Kung sino ba talaga ang ililigtas ko sainyo ng mommy mo and I chose you..."
"No! A real doctor never chooses on saving the life of his patient! You should've saved mom! You should've saved the both of us! You don't have to choose! Kung mahal mo talaga kami, parehas mo kaming ililigtas at wala kang pipiliin. What kind of doctor are you, dad?! It doesn't even suit you because you killed mom! You killed her! She didn't die on giving birth to me because you're the one who killed her!"
"Anna! Sumusobra kana!" Dala ng galit niya ay hindi niya napigilang masampal ang anak niya.
Gulat na gulat ang anak niya sa ginawa niya at hindi niya alam kung pano pa ito babawiin.
"Anak, I'm so–"
"NO! I hate you! I hate you to death! And from now on, wala ka nang anak at hinding-hindi mo na ako makikita pa ulit dahil ngayon palang, itinatakwil na kita bilang ama ko! Hindi na rin ako maniniwala sa lahat ng mga sasabihin mo sa 'kin!" Huling sinabi ng anak niya bago ito tuluyang tumakbo palabas ng bahay nila dala ang galit at pagkamuhi nito sa kanya.
"Doc?" Nabalik siya sa reyalidad nang magsalita si Mr. Hutton. Napailing-iling na lang siya saka ulit binaling ang buong atensyon sa mag-asawa.
"I'm so sorry, Mr. and Mrs. Hutton. I promise, we'll do our best to–"
"Don't just say it, do it. If you're really a doctor, do it. Save my daughter because it's your responsibility as a doctor."
And for the second time around, nasaktan na naman siya sa sinabi ni Mrs. Hutton sa kanya at nag-iwan na naman ito ng malaking impact sa puso niya. Hindi niya alam kung bakit ba ganoon na lamang ang nararamdaman niya. Maybe because he reminds him of his wife and daughter.
Napaayos siya ng tindig nang marinig niya ulit ang boses ng mag-asawa. Nakalimutan niyang kaharap niya pa pala ang mga ito.
He smiled and cleared his throat, "Yes, Mrs. Hutton. Again, I'm sorry. Now, if you'll excuse me," sabi niya bago siya tuluyang umalis para bumalik sa ER.
Pagkasara palang ng pinto ay bigla na lang siyang nanghina dala ng emosyon na kanina niya pa pinipigilan. Napahawak na lang siya sa kanyang dibdib at ramdam niya ang kirot na dinudulot nito sa buong katawan niya. Naalala niya ang anak niya. Ang nag-iisa niyang anak na iniwan sa kanya ng pumanaw niyang asawa.
"Doc..." Napatingin siya sa nars na nagsalita. "The patient is fine," the nurse added, giving him a relief smile.
Napatango-tango ang doktor at agad dumiretso sa kama kung saan nakahiga si Eve. Pinagmasdan niya ito at hindi niya maiwasang makaramdam ng awa para sa dalaga. Kung tutuusin, mukhang kaedad niya lang ang anak nito at napakabata pa nito para maranasan ang ganitong pasakit ng masalimoot na buhay. Kaya gagawin niya ang lahat matukoy ang sakit at mapagaling niya lang ito. Siguradong ganoon din ang gustong mangyari ng anak niya para sa kanya. Kung hindi niya man nagawang mailigtas ang asawa niya noon, sana naman ngayon ay mailigtas na niya ang pasyente niya.
"Ilipat niyo na siya sa kanyang magiging kuwarto," sabi niya sa mga nars na nakabantay dito.
Agad naman itong sinunod ng mga nars kaya napagdesisyonan niyang pumunta muna sa opisina at mag-isip-isip. Kailangan niyang makapag-focus sa pagtukoy ng kalagayan ni Eve dahil paniguradong mahihirapan siya sa gagawin niyang pagsasaliksik.
He needs a legit and credible data and information about Genevieve's case. He needs to know everything. Hindi na dapat siya maaaring magkamali ngayon dahil buhay ng pasyente niya ang nakataya rito at kargo niya iyon.
Slowly but surely... he'll do it.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top