Chapter 3: Signs

GENEVIEVE

Nagising ako sa panaginip na nalulunod daw ako sa tubig. Napabangon agad ako at hinawakan ang dibdib ko na tumataas-baba pa rin dahil sa sobrang kaba at takot na naramdaman ko sa panaginip ko. It felt so real. Everything that happened in my dream felt so real. I was drowning and no one dares to save me.

Pumikit ako at kinalma ang sarili ko. Panaginip lang 'yon. Hindi 'yon totoo. Marunong naman akong lumangoy kaya imposible naman yatang mangyari 'yon, hindi ba?

Napamulat naman agad ako nang marinig kong bumukas ang pinto. Binaling ko agad doon ang tingin ko at nakita ko sila daddy at mommy. Ngayon ko lang din napansin na wala pala ako sa sarili kong kuwarto dahil puro puti ang kulay ng buong paligid.

Guess, this is hospital.

Bigla akong kinabahan nang bumalik na naman sa isip ko ang nangyari sa party. I was afraid. Para bang... para bang nabaliw ako ng panandalian.

"Sweetie! You're awake! Oh, thank God!"

I was taken aback when I heard my mom's voice. Mayamaya lang ay naramdaman ko na lang sa katawan ko ang mainit na mga yakap nila.

"How are you feeling? May masakit ba sa 'yo? Do you need anything? Do you want to eat or drink something? Tell me. Just tell me, okay?" my mom stuttered while cupping the both of my cheeks.

I laughed, "Geez, Mom, I'm fine. I'm great. Don't stress yourself too much. Baka ikaw naman ang ma-ospital." Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila hanggang sa mapabuntong-hininga na lang ako. "I'm sorry, Mom. I'm sorry, Dad."

"Don't be, sweetie. It's not your fault. It's our fault," si mom habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko.

"Mom, no. It's not your fault. No one's at fault. I think it's just because of the make-up?"

I'm not sure, anyway. But I hope so. Kinakabahan kasi ako sa tuwing iniisip ko na iba ang dahilan ng pag-atake ng allergy ko dahil simula pagkabata ay wala akong allergy o kahit na anong sakit.

"Uh, by the way, ano po bang sabi ng doktor sainyo? Bakit daw po nangyari iyon sa akin? At ilang oras na po ba akong nandito?" I asked curiously. Suot pa rin kasi nila hanggang ngayon iyong damit na ginamit nila sa party ko. Napansin ko rin na medyo nawala na 'yong mga rashes o pantal sa kamay ko. Ganoon din yata sa mukha at leeg ko.

"Umaga na, sweetie. You slept for more than eight hours. The doctor said that it's just because of the make-up. You're allergic to cosmetics, so the doctor advised us that it's better if you do not apply any cosmetic products on your skin anymore. Don't worry because they already injected you a medicine to lessen the rashes. They also gave us some medications in case na atakihin ka ulit ng allergy mo," my mom explained.

I sighed. Mabuti naman pala at dahil lang iyon sa make-up lang. But, how come? I guess, everything changes pagdating natin sa adolescent stage. Diyan na talaga lumalabas ang ilang mga sakit na hindi natin inakalang mayroon tayo but mostly, kapag tumatanda na tayo. In my case, I guess it's different.

"Sabi ko na nga ba, eh. Akala ko pa naman po kung ano na. Mukha na po kasi talaga akong nabaliw 'non, eh. Mabuti na lang po at dumating na kayo." Natawa naman ako sa sinabi ko pero nginitian lang nila ako.

Nanatili pa kami sa ospital ng ilang oras dahil hindi pa ako pinapayagang umuwi ng doktor. Umuwi muna sila daddy at mommy ng tanghali para daw makapagbihis na sila dahil nagmumukha na raw silang basahan. Kaya habang wala sila ay nilibang ko muna ang sarili ko sa panonood at pagbabasa ng mga mensahe ng kaklase ko at ni Reanna.

Dapit hapon nang makauwi kami sa bahay. Dumiretso agad ako sa kuwarto ko para makapagpahinga. Pakiramdam ko kasi sobra akong napagod. Eh, natulog lang naman ako. So weird, right?

Nang makapasok na sa kuwarto ay agad akong sumalampak sa kama at tumitig sa kisame. Bigla ulit bumalik sa isip ko 'yong nangyari. It was so awful. Ngayon lang nangyari 'yon sa 'kin tapos dahil lang pala sa make-up. Seriously? My goodness! Kung dahil lang iyon sa make-up, bakit ganoon na lang kalala? Bakit parang ibang-iba siya sa pakiramdam? Bakit parang nagdududa ako? Is it really the make-up or is it something else?

I sighed. I really don't know.

Napasipa ako sa ere at gumulong-gulong sa kama. Ayoko na! Ang sakit sa ulo! Bakit ba parati ko na lang ginagawang komplikado ang lahat? Eh, nangyari lang naman lahat ng ito dahil sa make-up. M.A.K.E.U.P! Nothing more, nothing less. Stop overthinking, Genevieve! Wala 'yan maitutulong sa 'yo. Lalo ka lang mahihirapan niyan. Sayang ng ganda mo kung ma-i-stress ka lang.

Tumigil ako sa paggulong at bumangon na. I decided to take a shower since nangangamoy na ko. Naglakad ako papunta sa banyo ngunit napatigil ako nang mahagip ng paningin ko ang malaking salamin na sakop ang buo kong katawan. I stand in front of it to examine myself.

Hinawakan ko ang mukha ko, leeg, batok, tiyan at kamay. Nababakas pa rin sa mga ito ang pamumula pero mas malala talaga sa mukha at leeg ko. I shrugged saka na tumungo sa banyo. Mawawala rin naman ito after ilang days. Maybe one or two day/s, I guess?

Ilang oras din akong nagbabad sa bathtub habang nakikinig sa music 'cause music has a soothing effect on me. After ng ilang kanta, naisipan ko nang magbihis. Pinatuyo ko muna ang buhok ko habang nagbabasa ng libro nang bigla akong mapahikab at naramdaman ko na lang ang biglaang pagbigat ng mga talukap ng mata ko.

"Doc, how is she? Is she going to be alright?"

I saw my mom crying while talking to a doctor. Kumunot ang noo ko at pinakinggan pa sila. Anong nangyayari? Bakit umiiyak si mommy? Nasaan si daddy?

"As you can see, Mrs. Hutton, it's very difficult for us to find out what is really happening to her. We can't determine her allergy. Even in medicines, hindi namin alam kung ano ba talaga ang compatible sa kanya. It's really confusing and strange. Ngayon lang ako naka-encounter ng ganito. Kaya ngayon palang, Mrs. Hutton, sinasabi ko na sainyo na hindi ito magiging madali para sa kanya. We have to run some tests. Some might be very dangerous and it can be fatal," ang doktor.

Agad ko namang naramdaman ang pagkawala ng lakas ko dahil sa mga narinig ko sa doktor. Sino ang tinutukoy niya? Is it me? But, I'm here! Hindi ba nila ako napapansin? I am just right here!

"Oh, God. Please, Doc, do everything. Save my daughter, please. Please." Napahagulhol na si mommy at parang pinupunit ang puso ko dahil sa mga nakikita ko ngayon. Ako nga talaga ang pinag-uusapan nila. Sino pa ba ang ibang anak ni mommy bukod sa akin? Ako lang naman, hindi ba? I am her only child.

May sinabi pa sa kanya ang doktor pero hindi ko na iyon inintindi at pinakinggan. Nakatutok lang ako kay mommy at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Masakit sa akin na makita siyang ganito. Dahan-dahan nitong winawasak ang puso ko.

Nagsimulang maglakad si mommy kaya sinundan ko siya. Tumapat kami sa isang pinto na nakasarado. Dahan-dahan niya itong pinihit. Nakita ko agad si daddy na nakaupo malapit sa may kama habang nagpupunas ng kanyang luha. Akala ko nag-iisa lang siya sa kuwarto pero may napansin akong nakahiga sa kama kaya agad ko itong nilapitan para matingnan.

Bigla akong nanlamig at parang tumigil ang mundo ko dahil sa nakikita ko ngayon. Naramdaman ko rin ang sunod-sunod na pag-agos ng luha mula sa mga mata ko. Pakiramdam ko para na naman akong tinatakasan ng bait.

It's me. Nanginig ako. Oh, God, it's me! What am I doing there when I'm actually here?!

Ako 'yong nakahiga sa kama. Nakikita ko ang sarili ko ngayon na walang malay at maraming apparatus ang nakakabit sa buong katawan ko. It's strange kasi lahat na apparatus na nakakabit sa akin ay walang involve na tubig. Puwede ba iyon? Napansin ko rin na parang may kakaiba sa katawan ko kaya nanliit ang mga mata ko habang tinititigan ito.

Hives.

My body is full of hives!

Nanghina ako. Napaupo ako sa sahig at napahawak sa ulo ko.

This is insane! That's not me! Nandito ako!

"Hindi... hindi 'to totoo... hindi... hindi ako 'yan..." Paulit-ulit na sambit ko habang nanginginig sa takot at kaba. Hindi ko na rin mapigilan ang mga luha ko sa pagpatak. Natigil lang ako nang may marinig akong kakaibang tunog ng makina. Tunog ng makina na sumisimbolo sa buhay ng isang tao dito sa ospital.

Agad akong napatayo at tumingin sa kama na kinaroroonan ko. Para akong nilagutan ng hininga. Wala akong ibang naririnig bukod sa makina na iyon. Nakakabingi. Nakakabahala. Nakakatakot.

"Genevieve!"

Napabalikwas ako sa kama, habol-habol ang hininga ko. Ramdam ko rin ang noo kong tagaktak ng pawis.

Shit!

It's a dream... again. A weird and strange dream. Why?

Pumikit ako at pinakiramdaman ang sarili ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko na para bang lalabas na ito sa rib cage ko. Napahawak ako sa mukha ko at naramdamang basa ito dahil sa luhat't pawis.

Damn! I can't believe I got carried away by that dream.

Bakit ko ba kasi 'yon napanaginipan? Ano ba 'yon? May pinapahiwatig ba 'yon? Pero ano naman?

Nang alisin ko na sana ang kamay ko sa mukha ko ay nahagip ito ng paningin ko. Dahan-dahan ko itong tiningnan at sinuri. Bigla ulit bumalik sa puso ko ang matinding kaba at takot na naramdaman ko sa panaginip ko kanina. Nanginginig kong hinawakan ulit ang mukha at leeg ko. It's hot. At ngayon ko lang din naramdaman ang sobrang pangangati at sakit. Bumabalik na naman siya... iyong naramdaman ko during my eighteenth birthday.

Umalis ako sa kama at naglakad patungo sa salamin. Bigla akong nanlumo at hindi ko na mapigilang mapaupo sa sahig habang nanginginig at natataranta.

My body...

My face...

Oh, my God!

"MOM! DAD!" sumigaw ako ng pagkalakas-lakas at napasabunot sa sarili kong buhok.

Sobrang kati.

Sobrang sakit.

At sobra kong pinipigilan ang sarili ko na huwag kamutin ito dahil baka lalo lang lumala.

Napahilamos ako sa mukha ko at kinagat ang labi. Pumikit ako ng mariin at napasigaw ulit sa sobrang panggigigil na kamutin ito. And for the second time around... naramdaman ko na naman ulit kung paano mabaliw. Naramdaman ko na naman ulit kung paano paunti-unting pinapatay ang loob ko ng takot.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang daddy at mommy ko na tarantang-taranta dahil sa biglaan kong pagsisisigaw.

"Mom..." I stuttered then I started crying again, showing them my hands.

"Oh, my God..." Agad akong dinaluhan ni mommy kasunod si daddy. Napayakap ako sa kanila at umiyak lang nang umiyak.

Natatakot ako... sobra.

"Saw, get her medicine and ointment. Hurry!" utos ni mommy kay daddy na agad namang sinunod ni daddy.

Mayamaya lang ay bumalik ulit si daddy sa kuwarto na may dalang isang tray. Pinaayos ako ng upo ni mommy at agad niya akong inabutan ng gamot. Kinuha ko naman ito at agad na ininom habang nanginginig pa rin at sumisinghot-singhot pa dahil sa sipon. Kinuha niya ang ointment na sinasabi niya at agad itong in-apply sa mukha at leeg ko, sunod sa mga kamay at braso ko, at panghuli sa mga binti at paa.

"Mom, I'm scared..." nauutal na sabi ko.

"Sshh, don't be, sweetie. You'll be okay. We're here. Hindi ka namin papabayaan ng daddy mo," pag-alo sa akin ni mommy saka ulit ako niyakap. Pero hindi 'non nabawasan ang takot na nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Lumipas ang ilang minuto ay naramdaman kong medyo humuhupa na ang pangangati nito. Nawala na rin ang sakit at naging maayos na ulit ang paghinga ko. Pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil mapula pa ang buo kong katawan dahil sa mga pantal.

"Ano bang nangyari? Did you put some make-up on? Bakit parang mas malala yata ito?" my dad asked out of nowhere. Napatingin ako sa kanya at marahang umiling-iling.

"Hindi po. Naligo lang po ako kanina at natulog. Wala na po akong ibang ginawa bukod doon," depensa ko naman sa sarili ko dahil iyon naman talaga ang totoo. Walang rason para magsinungaling ako sa ganito kasimpleng bagay.

"Calm down, sweetie. Calm down. You're okay now. Stop crying, hmm?"

Napatingin ulit ako kay mommy at saka dahan-dahang tumango.

"Are you sure?!" Medyo nagulat ako sa biglaang pagtaas ng boses ni daddy kaya napabalik ang tingin ko sa kanya. Frustration is written all over his handsome face. Bigla naman akong kinabahan sa tingin na iyon kaya tumango ulit ako pero this time may kasama nang luha.

"Wala naman po akong make-up dito, hindi po ba?" sabi ko pero kitang-kita ko kung gaano kagalit si daddy. Pero kanino? Sa akin? Bakit? Kasalanan ko ba ito? I don't even know how to put make-up. Sinanay ko kasi ang sarili ko na maging natural at simple.

"Paano kami makakasigurado? Look at you! Tingnan mo nga ang nangyari sa sarili mo ngayon! Sigurado ka bang wala kang nilagay na kahit anong make-up diyan sa katawan mo, Genevieve?!" he yelled once again.

Ngayon lang ako nasigawan ng ganito ni daddy. Ngayon lang siya nagalit ng ganito kaya abot tahip ang bumabalot na kaba sa puso ko ngayon. Mas masakit ito kumpara sa nangyayari sa akin ngayon.

"Saw, stop it! Are you doubting our daughter now? You see, nahihirapan siya! She needs us! Tapos ganyan pa ang ipapakita mong ugali sa kanya?! What the hell, Saw?!" si mommy. Napatayo siya mula sa kinauupuan niya at hinarap si daddy.

"Bullshit!" Napapikit ako sa malakas na sigaw ni daddy at sa pagkakasara ng pinto. Naramdaman ko ulit ang pag-init ng gilid ng mga mata ko at namalayan ko na lang na sunod-sunod na naman ang agos ng luha ko.

Sumigaw si mommy pero alam kong hindi niya sinundan si daddy. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko siya na napahilamos sa mukha bago tuluyang humarap sa 'kin.

"Sweetie, I'm sorry. I'm so sorry. Nag-aalala lang ang daddy mo sa 'yo kaya ganoon siya mag-react. Please, intindihin mo na lang siya, hmm?" my mom comforted me and I just nodded. Pero ang sakit lang kasi.

Inalalayan akong tumayo ni mommy at mahiga sa kama ko.

"Iiwan ko 'to rito in case na atakihin ka na naman ulit. Just rest, okay? I'll go now. Kakausapin ko pa ang daddy mo." Pagkatapos niyang ayusin ang mga gamot at ointment ay hinalikan niya na ako sa noo bago siya tuluyang umalis sa kuwarto ko. Gusto ko pa sana siyang pigilan pero hindi ko na nagawa.

I heaved a sigh.

Bigla akong nakaramdam ng pagkagutom pero hindi na ako nag-abala pang bumangon. Ang bigat kasi sa pakiramdam. Dahil sa akin kaya nagalit si daddy. Dahil sa akin kaya niya ako nasigawan pati na rin si mommy. Dahil sa akin kaya nangyayari ito. Hindi ko na alam kung ano ba dapat ang gawin ko. Masyadong nakakapanghina. Masyadong nakakapanibago ang ganitong eksena sa buhay ko. I thought everything will maintain its smoothness, but I'm badly wrong. Bakit ko ba hinangad na puro lang kasiyahan? Hindi ko akalain na unti-unting isasampal sa akin ang reyalidad para madama ko kung ano ang buhay na ibinigay sa amin.

Maybe they're right about 'sa una lang masaya.' Darating at darating sa punto na dahan-dahang ipaparamdam sa 'yo ang pait na dala ng kasiyahan. Unti-unti mong makikita ang pangit sa magandang bagay kapag nagkaroon ng rason para madungisan ito.

Pumikit ako at bigla na lang bumalik sa utak ko ang panaginip ko kanina. Posible bang mangyari iyon sa akin sa totoong buhay? I'm confused. Hindi ko alam kung ano na ba ang papaniwalaan ko. Hindi ko alam kung saang anggulo ako titingin.

But seriously, ano ba talaga ang sakit ko? Allergy lang ba talaga ito or it's just a common skin disease?

Napamulat ako nang maalala ko ang lesson namin sa Biology class. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko. Biglang sumikip ang paghinga ko at nanlamig ang mga kamay ko. Bumilis din ang tibok ng puso ko.

Is it really possible?

Hell no! Not on me! I don't believe in it! I will never believe in it!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top