Chapter 29: Overheard
GENEVIEVE
Simula nang umalis kami sa mental ward ay hindi ko na magawang makaimik pa hanggang ngayon na bumabiyahe na kami pauwi. Hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko ang mga nangyayari kay Reanna. I met her as a strong and independent woman. Hindi siya nagpapatalo sa kahit na anong bagay but her emotions overpowered her. She didn't control all of her emotions mixing together resulting to her breakdown.
Life is really full of surprises. Hindi natin alam kung kailan at saan tayo gugulatin. Mamamalayan na lang natin na nasa isang sitwasyon na tayo na kung saan susubukin ang tatag at talino natin. Sitwasyon na kung saan hindi naman natin ginusto. Nangyari lang talaga and all we have to do is to face and accept it. Because that's what it is.
"Almost there. You okay?"
Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Binx.
"Yeah."
Mayamaya lang ay nakarating na kami sa bahay. I looked at him and smiled as I unbuckled my seat belt. Lumabas siya ng pinto at hinintay kong pagbuksan niya rin ako.
Lumabas ako ng sasakyan at dumiretso sa loob. I greeted my mom and dad pero agad din naman akong dumiretso sa kuwarto.
I'm not in the mood to talk right now. I felt so tired. Maybe because of the limited foods that I ate or because of the thirst or because of what happened earlier. I don't know. Ang gulo-gulo na. But one thing's for sure, I want to be alone even just for this day.
Pabagsak akong nahiga sa malaking kama ko at tumitig sa kisame saka bumuntong-hininga.
"I think I wanna die..." wala sa sarili kong sambit.
Mabilis akong napabangon at pagod na tinagilid ang ulo saka pumikit nang ma-realize kung ano ang tinuran ko kanina lang.
"Ano na naman bang pinag-iisip mo, Genevieve..."
You, stupid. Stop being a drama queen and focus.
Ilang beses kong kinusot-kusot ang mga mata ko bago nagpagulong-gulong sa kama habang sinisipa at itinataas ang mga paa at kamay sa ere.
Damn! Ang OA ko talaga pagdating sa mga bagay-bagay. Well, sino ba naman ang hindi magiging OA pagdating sa ganitong mga problema? Come on, every problem that we encounter, hindi natin mapipigilang hindi mag-overreact. It's absurd knowing that you didn't even care and affected by someone that's close to your heart and life. Sadyang 'ganoon' lang ako ka-affected mag-reak so don't mind me.
Paimpit akong napasigaw nang maramdaman ko ang katawan kong bumagsak sa matigas na sahig.
"Eve? Are you okay?" I looked at the door when I heard Binx's voice behind it. I pouted.
Hinayaan kong mahiga ang sarili kong katawan sa malamig na sahig habang hinihintay ang pagbukas ng pinto. Hindi naman iyon naka-lock kaya maya-maya lang din ay tumambad na sa akin ang kunot-noong mukha ni Binx. Binigyan ko siya ng masayang ngiti saka itinaas ang dalawang kamay, gusto magpatulong sa pagbangon na parang isang bata. I'm too lazy to get up and move my body. But instead of giving me a hand, he carried me like a bride.
"What are you doing?" tanong niya nang mabuhat niya na ako. Isiniksik ko ang mukha ko sa matigas niyang dibdib saka pumikit para damhin ang amoy niyang nakakaadik.
He really smells so good. Kung ano man ang amoy ko, ikinakahiya ko na iyon kumpara sa amoy niya!
"Wait, buhatin mo lang muna ako," pigil ko sa kanya nang ilalapag niya na sana ako sa kama. Hinigpitan ko rin ang yakap ko sa leeg niya.
This is much better! I think I don't want to get off to him anymore. Well, carrying me like this by someone I love is just like carrying my burden also. It lightens me up. Hinalikan niya ako sa ulo kaya hindi ko maiwasang mapangiti kahit na nakapikit.
"Let's stay like this for a lifetime."
Lumipas ang ilang segundo na hindi siya nagsasalita kaya naman ay tiningnan ko siya pero sinalubong niya ako ng halik.
"Let's stay like this forever," he said huskily between our kisses.
Nagtagal ang halik ng ilang minuto hanggang sa ako na mismo ang kumalas dahil kinakapos na ako ng hininga. Sumandal ulit ako sa dibdib niya saka pumikit na parang walang nangyari. Kapag gusto kong mapag-isa ay palagi iyong sinisira ni Binx, ang nag-iisang traydor sa buhay ko. Kidding. But, I like it that way.
He also rested his head to my head as he started swaying his body sexily in a very slow tempo. Gusto kong matawa dahil sa hitsura namin ngayon. Para akong isang sanggol na hinihele ng mahal ko. It's kinda cute and sweet. Kung may magpipicture lang sana sa amin ngayon. This is another one to our many memories and moments together.
"Marry me, Eve."
Dumaan ang ilang segundong pagkagulat sa sistema ko hanggang sa mapalitan iyon ng kakaibang saya. Ramdam ko rin ang pag-iinit ng dalawang mata ko, nagbabadyang lumuha. I wasn't expecting this from him.
Hinawakan ko ang pisngi niya at iniharap ito sa akin, "Of course, I'll marry you."
He gave me a smack kiss saka dahan-dahang inilapag sa kama. Hinawakan niya ang kamay ko at inilabas mula sa bulsa niya ang isang kahon.
"Oh, my God, Binx!" bulalas ko kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko.
Inilabas niya mula sa kahon ang isang kumikinang na singsing at malayang isinuot sa ring finger ko. Tumayo siya habang ako ay manghang-manghang pinagmamasdan ang singsing na nakalagay na sa isa sa mga daliri ko and soon, madadagdagan pa ito ng wedding ring namin.
Yinakap ko siya ng mahigpit at paulit-ulit na pinasalamatan.
"This is a better proposal than mine." Humagikhik ako sa pagitan ng yakap namin habang tuloy-tuloy pa rin ang luhang umaagos sa mga mata ko, dala ng sobrang kasiyahan.
Nang makakalas na kami sa yakap ay agad niyang pinunasan ang nabasang pisngi ko dahil sa luha at tinitigan ako sa mga mata. Iyon bang titig na panghabang-buhay na. Bumabanat ah? Even though we're already an adult, doesn't mean that we're banned to say things like that. Well, I am already an adult pero ang isip ko ay hindi pa.
Napapikit ulit ako nang makita ko ang unti-unting paglapit ng mukha niya sa mukha ko. I felt his lips again to mine and he owned me like I owned him too without thinking that nothing could go wrong in this world as long as we're together. As long as I'm with him.
Kinabukasan habang naliligo palang ako ay naghihintay na sa labas ng kuwarto ko si Binx. He's too early and excited for our appointment. My goodness. He's stressing me out already.
"Hurry up!" Binx shouted behind the door.
Napatawa na lang ako ng tahimik habang nakaupo. He's so loud and excited. Can't he wait for me for a little longer? I told him that I was tired because of what happened yesterday yet he still pushed it kaya bahala siya diyan maghintay.
"I've been waiting for hours, Eve. Damn! Magsusukat palang naman tayo. Pano pa kaya kung kasal na natin? Tss," he ranted but I just chuckled and rolled my eyes.
Huwag kayong maingay, ah? Pero kasi, tinatagalan ko talaga ang pag-aayos to see how impatient he is for waiting for me. In fact, kanina pa akong 30 minutes tapos mag-ayos. I'm just sitting pretty here on my chair while looking at the mirror and combing my short hair countless times.
"Eve, kapag hindi ka pa lumabas ngayon din, wawasakin ko itong pinto mo! I'll give you three seconds! One..."
Agad akong kumaripas sa pinto at binuksan iyon.
"Let's go?" I gave him my sweetest smile at inunahan na siyang maglakad palabas ng bahay.
I can't help to laugh when I saw how dark his expression is.
"You did it on purpose. Didn't you?" malamig na tanong niya bago niya paandarin ang sasakyan.
Sunod-sunod naman ang naging iling ko habang pinipigilan ko ang pagtawa dahil baka lalo lang siyang mag-usok sa galit. Oh, I love this man so much. I really do.
Hindi nagtagal ang biyahe at nakarating agad kami sa isang mamahaling boutique. Hindi naman ganun kahirap makahanap ng gown since lahat ng nandito ay magaganda at unique ang styles. Nang maisukat ko na ang gown ay hindi ko maiwasang matulala sa malaking salamin na nasa harap ko. It's quite simple yet very elegant. Bagay lang din sa simpleng kasal na gusto ko.
"I'm getting married," I mumbled while smiling and crying like an idiot.
"Ma'am? Pinapatanong po ng asawa niyo kung tapos na raw po kayo?"
I rolled my eyes saka na pinunasan ang basang pisngi ko. My goodness! Since nandito na rin lang naman kami, pwede niya bang bawas-bawasan ang pagiging rude and impatient?
Nang bumukas ang kurtina sa pagitan namin ay para bang naging slow motion ang lahat. Naramdaman ko rin ang pagtalon ng puso ko nang makita ko siyang nakatayo habang suot ang magarang damit. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko habang nakatitig sa kanya. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang nakaawang niyang labi.
"You're very pretty," he said as he also gave me a smile. Lalo lang akong natawa nang sabihin niya iyon.
"You also look pretty on that suit."
"I always do."
Nagtawanan kami habang hindi pa rin inaalis ang tingin namin sa isa't isa. Everything looks so perfect and it's all because of him.
***
Habang nag-aayos ay hindi na maalis ang ngiting suot ko simula pa kaninang umaga paggising ko. This is it! I'm going to meet Binx's parents today. This is my first time meeting them so I prepared so much for this day to come.
Excited na excited na akong ma-meet sila. Gustong-gusto ko nang malaman kung saan namana ni Binx ang magandang features ng mukha niya pati na rin ang pag-uugali. I'm so excited to meet my in-laws.
I giggled while still combing my short hair. Hmm, medyo humaba na rin ito ng konti, one inch, I guess.
Sari-saring senaryo ang pumapasok at naglalaro sa isip ko ngayon at dahil iyon sa pagiging engaged namin ni Binx sa loob ng isang buwan. Time flies so fast kaya tatlong buwan na lang din ang hihintayin namin para sa kasal namin. Ngayon lang din naming naisipang mamanhikan dahil sa hectic na schedule ni Binx sa school requirements niya and such pero nagkakaroon pa rin naman kami ng time sa isa't isa at sinusulit namin ang bawat oras na magkasama kami.
Napagplanuhan na rin namin lahat kaya iyong mga madaling gawin at asikasuhin na lang ang naiwan. Yes, I'm excited that much at gusto kong matapos agad ang preparation namin sa kasal. Ang totoo nga niyan, pagkatapos makapag-propose sa 'kin ni Binx ay agad namin iyon pinaalam sa parents ko at hindi naman sila tumutol kahit na may one year pa si Binx na natitira bago makapag-graduate sa College. I told Binx that I can wait naman pero sadyang siya ang nagpupush sa marriage namin bago magtapos ang taong ito and I don't know why. Ang hirap din naman kasing tantyahin ng mga iniisip ni Binx, eh.
"Sweetie, are you done? Tinawagan ako ni Binx, hindi mo raw sinasagot ang mga tawag niya." Katok ni mommy sa pinto ko habang nagsasalita.
I picked up my phone on the table at nakitang may three missed calls galing kay Binx. Ops, masyado ata akong nawiwili sa mga iniisip ko. Sorry, can't help it.
"Coming, Mom," I respond.
"Okay. Hurry up. Baka ma-traffic tayo. Rush hour pa naman na."
I took one last glance at myself in the full body length mirror before going downstairs. I saw my parents waiting for me in a couch so I gave them a smile.
"Sorry about that, Mom, Dad."
"It's okay, sweetie. Ganyan na ganyan din naman ako noon. So, let's go?"
"Mauna na kayo sa kotse. Kakausapin ko lang si Mang Ben," si dad.
"For what, dad?" I asked curiously. Oh, can't get a hold of this personality of mine. My goodness. Mukhang dahil sa sobrang kuryoso ko sa mga bagay-bagay ay maging dahilan ito ng pagkamatay ko. Oh my, just kidding but not a good joke.
"Sasabihin ko lang na ako na muna ang magmamaneho ngayon."
"Really, Dad? That's good, then. Baka mawala ang pagiging magaling mo na driver kapag hindi mo magagamit iyon." I chuckled at what I've said.
Lumabas na kami ni mommy at naghintay sa kotse. Hindi rin nagtagal nang dumating na si daddy at agad na kaming umalis.
I took my phone out of my bag and composed a message for Binx.
To: My husband
We're on our way. Did you already prepare everything? What did your parents say about our marriage? About me? Oh, I can't wait to meet them! Don't reply! I want to know everything when we arrive there, okay? Okay! See yah~
Ilalagay ko na sana ulit sa bag ang phone ko nang mag-beep ito. Ang bilis, ah? Sinabi ko nang huwag magreply, eh. Naku, saan kaya ito nagmana ng katigasan ng ulo niya? Well, siyempre may skull so it's hard. Oh, hard. Hmm, ano pa kaya ang hard sa kanya? Bigla namang may pumasok na alaala sa utak ko dahilan ng pamumula ko. Oh, my God!
From: My husband
There you go again. Whatever you say, gonna wait for you here. They're excited to meet you too. Take care, my wife.
Hindi ko napigilang mapangiti ng malawak sa mensahe niyang iyon. Agad naman akong sinita ni mommy kaya isinilid ko na lang ulit ang phone ko sa bag dahil baka kung ano na naman ang maireply ko sa kanya.
"We're here," said dad.
Pinatay niya na ang engine kaya isa-isa na kaming bumaba ng sasakyan. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng bahay nila Binx at hindi ko maiwasang mapangiti ng sobra.
Finally!
"Sweetie, let's go?" Inilahad ni mommy ang kamay niya at magiliw ko naman itong tinanggap.
"You seem nervous. Your hand is cold and sweating."
"Of course, Mom. This is my moment after many years of waiting. Bakit ikaw hindi ka ba kinabahan ng ganito bago mo mameet 'yong parents ni dad noon?" Binigyan ko naman siya ng mapang-asar na ngiti. Umiling-iling na lang siya at hindi na nagsalita pa.
Nakita ko agad si Binx sa may pinto nila kasama ang mga magulang niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang maaninag ko ang itsura ng mga magulang niya. Eh, magaganda naman pala talaga ang lahi nila kaya siya ganyan kaguwapo and they seem nice naman so no worries.
Nang makalapit na kami sa kanila ay hindi ko magawang makapagsalita o magawaran man lang sila ng ngiti dahil sa kabang lumulukob sa akin ngayon. Mukhang napansin naman ata ni Binx ang struggle ko kaya siya na ang nagpakilala samin sa mga magulang niya.
Lumapit siya sa 'kin saka humawak sa baywang ko. I became stiffed by his sudden movement in front of our parents.
"Mom, Dad, this is Genevieve Hutton. My girlfriend and soon-to-be wife in just a few months from now."
"Genevieve, so grateful to meet you. Granville Doulzen, Binx's dad," sabi ng ama ni Binx bago niya inilahad ang kamay niya. Tinanggap ko ito at binigyan siya ng nakakailang na ngiti.
But, why Doulzen? I thought Cristobal ang apelyido nila?
And again, napansin ni Binx ang naging reaksiyon ko nang marinig ko ang pagpapakilala ng daddy niya dahil humigpit ang hawak niya sa baywang ko and that's a sign. Binalewala ko na lang iyon.
"My son's right, you're very pretty, Genevieve. I'm Binx's mom, Bria." Agad namang saad ng mommy ni Binx nang mapansin niya ang panandaliang ilang sa pagitan namin.
"Thank you po. Ikaw rin naman po," Oh, I stuttered. Calm down, Eve. Calm yourself down. They're just your husband's parents. And hell yes, they are Binx's parents that's why I'm acting this way!
Sandali kong iniwas ang tingin ko sa kanila at hinawakan ang panga ko saka ito ginalaw-galaw.
"And this is her parents, Monroe and Sawyer Hutton."
They both exchanged and shook their hands as they greeted each other. Pero hindi nakatakas sa pansin ko ang makahulugang tinginan ni daddy at ng daddy ni Binx. Nakita ko rin ang pag-igting ng mga panga ni daddy habang nakatingin sa daddy ni Binx. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila at animo'y nagkita na sila noon pa man.
"Ah, uhm, siguro kailangan na nating pumasok, ano. Baka kasi lamigin 'yong mga pagkain, oo. Tara?"
Nabaling naman ang atensyon ko sa mommy ni Binx but her voice is too shaky and that adds more to my doubts and curiousity about my parents and Binx's parents relationship. Hmm, I smell something fishy here.
"Uhm, that's good. So, let's go, Saw?" si mommy naman habang pinandidilatan ng mga mata si daddy bago niya bigyan ng ngiti ang daddy ni Binx.
Kumunot ang noo ko dahil sa ginawang iyon ni mommy. May hindi ba kami alam ni Binx na alam nila? Ano iyon?
"Let's go?"
Nagulat ako sa sinabi ni Binx pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya. Ngumiti na lang ako sa kanya saka tumango. Sumunod kami kila mommy at agad na umupo sa upuang nakalaan sa amin. Akala ko magtatabi kami ni Binx pero umupo siya sa kabilang side ng table katabi ang mga magulang niya rin kaya naging magkatapat na lang kami.
I pouted. I want him here beside me. My nervousness is eating me up and Binx is the only way to lessen that!
Tahimik ang naging hapunan namin at tanging mga plato at kubyertos lang ang maririnig na ingay sa dinning room nila Binx. Hindi ko rin magawang makakain ng maayos dahil para akong sinasakal ng katahimikan. Tinitingnan ko si Binx paminsan-minsan pero parang hindi niya naman makuha ang ibig kong sabihin.
"So, when is the marriage?" Napatingin ako kay Ma'am Bria, mommy ni Binx, nang magbukas siya ng topic. Napabuntong-hininga naman ako dahil doon. Sasagot na rin sana ako nang sumagot na si Binx.
Ano ba, Binx? Moment ko 'yon, eh!
"This coming November 8 po."
Napatango-tango naman ang mommy ni Binx bago uminom ng tubig. Oh, the way she moves ay senyales ng isang mahinhin at mabait na babae.
"Isn't that too early? I mean, how about your studies, Binx? And besides, Eve is also studying in our house with her personal tutor," singit naman ni mommy. Tiningnan ko siya pero kalmado lang siyang kumakain.
"Roe is right. Nasa kalagitnaan ang kasal niyo ng pag-aaral mo Binx. Education is more important than marriage." Dad's intimidating voice echoed in the room.
Napalunok ako at napakapit sa laylayan ng damit ko ng mahigpit. I thought they already agreed to us? I thought we already talked about this? Masayang-masaya pa nga sila nang ibalita namin iyon sa kanila. But now, all I can sense in their voice is bitterness at katutulan sa nalalapit na kasal namin ni Binx. Why?
Nagkatinginan kami ni Binx bago niya sinagot si dad.
"Opo, Tito. Eve and I already talked about that. Eve doesn't agreed to the date but-"
"Then, let's move the date. Set it next year or next next year o kaya naman kapag naka-graduate at nakahanap ka na ng trabaho para buhayin ang magiging pamilya ninyo ni Eve. You know hijo, napakaaga pa para magpakasal at bumuo ng sarili niyong pamilya. I don't want you especially my daughter to regret this when the life gets rough," seryosong sabi ni Dad.
Gulat akong napatingin sa kanya at kay mommy pero mukhang wala silang balak bawiin ang mga sinabi nila lalo na si dad. Para akong sinakal ng panandaliang oras. I can also sense the tension between my parents and Binx's parents. Biglang umurong ang mga gusto kong sabihin at para bang mas nangingibabaw na ang hiya sa akin.
"Binx doesn't need to work because we already have a business and it's already enough to make a living with your daughter. Also, I think kaya naman silang buhayin ng yaman na meron kami," Binx's dad said.
"Yaman? Are you that rich enough to get everything you want using your money?" Tumawa si dad nang sabihin niya iyon na para bang napakaliit na bagay 'non sa kanya.
"I don't think it's a good idea to move-"
Mom cut Binx's off, not minding what he was going to say. Hindi ko rin magawang makasabay sa usapan dahil naguguluhan ako sa nangyayari at malaki ang respeto ko sa kanila. Ibang-iba ang senaryong ito sa senaryong iniisip ko kanina. Mukhang puro imahinasyon ko lang ang talagang nakakapagpasaya sa akin kasama si Binx.
"Why not? Tutal, mga bata pa rin naman kayo. Your love for each other is not enough to get married and have your own family. There's so much time so no need to hurry. Pagplanuhan niyo ang kasal niyo ng mabuti so that wala kayong pagsisisihan sa huli. In short, marami pa kayong kakaining bigas. In addition, hindi yaman ang kailangan ng anak ko. Ang kailangan niya ay totoong pagmamahal mula sa totoong tao. Paano ko sayo ipagkakatiwala ang anak ko kung ang Ama mo na mismo ang hindi nagpapakatotoo sa kanyang sarili?"
Oh, my God, mom!
"Opo. I'm sorry-"
Damn! Hindi na nga ako nakakapagsalita rito, pati ba naman si Binx ay ayaw ninyong patapusin sa pagsasalita? Ano ba! Hear us out! Mom! Dad!
But then again, hindi ko iyon ma-i-voice out.
"Is that words directed to me? Well, you have a point. Love and trust is very important in relationship and marriage. Binx told us that everything is settled. Konting polish na lang kaya wala na tayong proproblemahin pa so, bakit kailangang hadlangan ang kaligayahan ng mga anak natin? Question is, wala ba kayong tiwala sa kakayahan ng anak namin?" Daddy naman ni Binx ang nagsalita.
Dad laughed but I cannot sense the humor in it at sa tingin ko ganoon din sila.
"Trust. Big word and coming from you. Did you also used it when you get married? Nagbunga ba ang pagmamahalan at tiwala na ibinigay ninyo sa isa't isa nang magpakasal kayo?"
"Kasal ng anak ko at ng anak mo ang pinag-uusapan natin dito ngayon, hindi ang kasal namin ni Bria."
"Bakit si Bria ba ang-"
Napatingin ako kay dad nang hindi niya matapos ang sasabihin niya. Nakita ko sa ilalim ng mesa ang kamay ni mommy na nakahawak sa kamay ni daddy. Mukhang iyon ang nakapagpatigil sa kanya.
"Uhm, I'm sorry for what he just said. Natatakot lang siyang mawala samin ang nag-iisa naming anak dahil ikakasal na siya," my mom said habang may diin sa mga salitang, 'nag-iisang anak'.
What's with the words? What's happening here?
"We're both the same. Pero much better po sana kung sila na mismo ang magdedesisyon para sa kasal nila. We're just here to hear their plans and support their wedding. Hindi naman kailangang umabot sa ganito," mahinahon na sabi ng mommy ni Binx.
"Just like what we've said, they're too young to get married. What about the money that they will going to use to their wedding and such? What about their education? Hindi tayo makikinig at magtititigan lang habang pinapakinggan natin sila. May karapatan tayong magbigay ng opinyon dahil mga magulang tayo at alam natin kung ano ang mas makakabuti para sa kanila. May karapatan din tayong tumutol o hindi. At alam niyo 'yon dahil baka naman pinagdaanan niyo rin 'yon, right? We're just being practical here," si dad.
Mom, Dad, tama na po, please. Please?
"Nandoon na po tayo-"
"So, you're telling us that you don't want this marriage? Is that it? Then, why are we still wasting our goddamn time here?!"
Tumayo na ang daddy ni Binx nang matapos siya sa mga sinabi niya at handa na sanang umalis nang pigilan siya ng asawa niya. Mom's Binx is kind and understanding, ramdam ko iyon sa bawat salitang binibitawan niya kanina. Just like me, she also don't like what's happening to us right now.
"Please..."
One word lang iyon pero napabalik niya agad sa kanyang upuan ang daddy ni Binx.
"Funny how one word can change your attitude compared to the words that she gave to you but doesn't impact you at all and just wasted to a nonsense decision of yours," si dad ulit.
Dumaan ang ilang minutong katahimikan at tanging mga tinginan lang ang iginagawad na para bang may mga salitang lumalabas mula sa mga mata nila.
I sighed heavily. Dahan-dahan akong napayuko and tears escaped from my eyes without any reason at all. Agad ko naman iyong pinunasan dahil baka dumagdag lang iyon sa tensyong namamagitan sa pamilya namin ngayon. Baka kung ano pa ang isipin nila.
"Genevieve, sabihin mo na kung ano ang gusto niyong sabihin ng anak ko dahil mukhang tututulan kayo ng mga magulang mo."
Napatingin ako sa daddy ni Binx nang magsalita siya at mabanggit niya ang pangalan ko pero hindi niya pa rin nilulubayan ng matalim na tingin ang daddy ko.
I shifted on my seat, without minding the tension enveloping the whole room, "Uhm-"
"Wala kaming sinabi na ayaw namin sa kasal na ito. Hindi rin kami tutol sa kaligayahan nila. Mahirap magpasakal, I mean, magpakasal sa ganyang edad at istilo nila. And, there's another reason behind this," si mommy.
I sighed. Ni hindi man lang ako pinatapos sa sasabihin ko. My God, bakit ba nagkakaganito sila? May tinatago ba sila sa amin?
"And what is that reason? Are you mad at something? Why?"
"You already know the answer to that questions. Don't be a fool."
"Sino ba ang hindi magagalit nang ipamigay-"
"Saw, stop. Let's go home. Let's talked about this later. Let's go. Eve, let's go," mom said while still eyeing Binx's dad.
Ipamigay ang ano? Kaya ba ganun na lang sila magtitigan at magpalitan ng mga salita dahil sa isang mas mahalaga at mabigat na bagay?
Damn! Ano iyon?!
Tinitigan ko si Binx but all I can see in his eyes and face is nothing. There he goes again with that emotionless expression of him. Damn it! Hindi man lang ba siya aalma sa mga nangyayari sa mga magulang namin ngayon? Hindi niya ba ako, kami pipigilan?
"I said, let's go," matigas na saad ni mommy saka ako hinigit palabas ng bahay nila Binx without uttering any words. I was so speechless all the time at wala akong nagawa para i-defend ang kasal at mga sarili namin ni Binx. I regret it.
"Mom, wait. Ano po bang nangyayari? Ano po iyon? Bakit ganun? May alam po ba kayo na hindi namin alam ni Binx? Tell us, mom. I don't want to ruin our wedding," sunod-sunod na tanong ko kay mommy nang makalabas na kami sa bahay nila Binx pero wala siyang naging imik. Napapikit na lang ako ng mariin at napahawak sa sintido. Tiningnan ko rin si dad pero umiwas lang siya ng tingin. Crap.
Papasok na sana ako sa sasakyan nang may maalala ako.
Wait, my bag.
"Kukunin ko lang po 'yong bag ko sa loob," paalam ko sa kanila at agad nang tumungo pabalik sa loob ng bahay nila Binx nang hindi hinihintay ang sasabihin pa nila.
I need to talk to him also. Ayokong matapos ang araw na ito na hindi maayos ang pamilya namin ni Binx. Ramdam ko sa bawat palitan nila ng mga salita kanina na nagpapatamaan sila. But for what reason? I just don't understand it all. Ngayon lang sila nagkakilala at nagkita pero bakit ganun na lang ang nangyari? It's like they've known each other for so long at may lihim at koneksyon na namamagitan sa kanila na hindi namin alam ni Binx. At iyon ang gusto kong malaman.
Palagi ring pinuputol ni mommy ang sasabihin ni daddy sa tuwing alam niyang may masasabi itong mali. Ano ang maling iyon? I wanna know dahil hindi matutuloy ang kasal kung may mga tanong na hindi pa nasasagutan. I want an honest marriage between the honesty of both Binx's parents and mine.
Pagbalik ko sa kusina ay wala na akong nakitang tao doon. Kinuha ko agad ang bag ko sa upuan at hinanap si Binx. Tinext ko na rin siya pero wala pa akong natatanggap na reply mula sa kanya. Their house is big just like ours kaya hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin.
Napatigil ako sa paglalakad sa sala nang marinig ko ang malakas na boses ni Binx. Sinundan ko iyon at napunta ako sa nakasiwang na pinto ng isang kwarto. Hahawakan ko na sana ang door knob but I stopped when I overheard their conversation.
"She's my daughter, son. I'm sorry."
"Daughter? What are you saying? That's not a good joke, Dad."
"It's the truth, Binx. Hindi ko alam na siya ang papakasalan mo. Nagulat kami ni Bria kanina nang makita namin sila kaya-"
"Kaano-ano mo ang mga magulang ni Eve?"
"Saw is my ex-wife's brother. That's all."
"That's all? Bakit parang wala lang lahat ng mga sinasabi mo sa 'yo? How could you?"
Tumalon ang puso ko sa sobrang pagkagulat at kaba nang marinig ko ang malakas na pagbagsak ng isang bagay.
"How could you do that to Eve?! You, you sucks! Wala kang puso! How could you even call yourself a human? Tapos wala ka man lang ginawa kanina?"
"Binx, watch your mouth! Ama mo pa rin ako!"
"Bullsh*t, Dad! Bakit kailan ka ba naging ama sa 'kin? That's why I don't like you as my father in the first place since I met you dahil alam kong may mali sayo! Oo, ikaw ang nagbigay ng pangalan sakin but I will never ever use it because it sucks knowing that I have an asshole father who doesn't took his responsibility to his first family! You know what dad, sobra kitang kinakahiya!"
"Binx, bawiin mo ang sinabi mo!"
"My life is in hell ever since you came because you, you're hell-"
"Namumuro ka na!"
Wala na akong ibang narinig dahil parang nagkagulo na sa loob at wala na akong balak na alamin pa iyon. What I heard is already enough. Enough for me to know the truth behind those stares and words.
Nabitawan ko ang bag ko at napahawak ako sa bibig ko kasunod ng pagbagsak ng mga luha ko. Those words are like a sharp blade put on my heart and it hurt. It hurts far deeper in.
I ran as fast as I could to leave his house as I felt my knees faltered. Ininda ko iyon hangga't kaya ko. I also heard my parents voice but I ignored it. Ayokong makita at maabutan nila ako roon dahil mas malaking gulo iyon. I will keep their secrets as much as I can. I want to pursue this marriage no matter what. I love him so much and I'm willing to sacrifice everything even the truth.
A lot of memories flash back to my mind. Every memory hurts me even more knowing that there's a big lie behind those. Kasinungalingang kahit kailan ay hindi ko napansin o inisip but because of what happened today, it came out.
Unti-unting pumatak ang ulan hanggang sa lumakas ito nang lumakas pero hindi ako napatigil sa pagtakbo. The rain are mixing the tears in my eyes and I couldn't see the road clearly. Marahas ko iyong pinunasan and I'm too late to realize that there's an SUV Car approaching towards my direction. Naramdaman ko na lang ang impact ng pagtama ng katawan ko sa bumper ng sasakyan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top